The Jaguar Adventures of Jorge: Seven-Eleven
Guard
Papauwi na noon si
Jorge ng maalala niya ang bilin ng kanyang ina na dumaan sa supermarket upang
bumili ng shampoo, conditioner at ilang pang gamit sa banyo at kusina.
Nalimutan kasi nila itong bilhin ng mag-grocery sila noong nakalipas na
weekend. Kaya naman dumaan na lamang siya sa nadaanan niyang branch ng
Seven-Eleven.
“Good evening sir.”
ang bati ng guard kay Jorge at pinagbuksan siya ng pintuan.
Biglang napatingin si
Jorge sa mukha ng guard na bumati sa kanya. Maganda kasi ang boses bukod sa
malinaw na malinaw ang pagkabigas ng guard na iyon.
“Good evening din.”
ang bati din ni Jorge habang nakatingin sa mga mata ng guard.
Noon napansin ni
Jorge na may angking kagandahang lalaki ang guard na iyon. Kumpleto ang
mapuputing ngipin na nag-complement sa maganda nitong smile. Biglang may
kakaibang naramdaman si Jorge sa pagngiti sa kanya ng guard na iyon. Nginitian
din siya ni Jorge.