Showing posts with label Chances. Show all posts
Showing posts with label Chances. Show all posts

Tuesday, December 25, 2012

Chances (Finale)

by: Zildjian

Alexis

“So, kamusta ang ibigin ng isa sa mga kambal Alex?” Ang nakangiting wika ni Laurence. Nasa welcome party kami ngayon ng papa ni Dave at sir Dorwin.

“Kung gaano ka-ligalig ang isang yon siya namang tino nito pagdating sa ‘yo.” Nakangising wika ni Francis. Ito ang partner ng isa sa mga kaibigan ni Dave na si Niel. Pinaluwas pa talaga ito mula sa Manila nang kanyang kasintahan dahil daw sa isa itong espesyal na araw para best friend nito at dati naring kasintahan na si Dorwin.

“Hindi naman. Mabait naman si Renzell Dave, sadyang may sayad lang talaga siya.” Balik kong sagot sa mga ito.

“Sa dalawang kambal na iyon kay Dave lang nawawala ang katinuan ko.” Wika ni Laurence na sinamahan pa nito nang pagtaas ng kilay habang nakaupo kami sa lamesang inihanda sa amin ng aming mga maliligalig na partner. Busy ang magkakaibigan sa pakikipag-usap sa mga business partners nila habang kami namang mga baguhan ay nakaupo lang at masaya silang pinanunuod.

Chances (19)

by: Zildjian

“Lintik naman itong si Dorwin, mag-tatatlong oras na ako dito pero di ko pa nakikita si Alex.” Ang asar na asar kong wika habang nasa waiting area ng airport.

Matapos kumain at makapagbihis ay agad akong pumunta sa airport para salubungin si Alex. Ilang erpolano na ang nakalapag sa airport na yon ay walang anino ni Alex ang nakita ko. Hindi naman kalakihan ang airport sa lugar namin kaya sigurado kong hindi makakatakas si Alex sa akin.

Wala rin akong makitang Red sa airport tulad ng sabi nito na siyang nakatakdang sumundo kay Alex. Mukhang naisahan na naman ako nang mga kurimaw sa pagkakataong ito.

Agad kong tinawagan si Dorwin sa sobrang pagkaasar.

“Sigurado kabang ngayon ang uwi ni Alex galing Manila? Almost 3 hours na ako dito sa airport pero wala akong makitang Alex . Pakana na naman ba ito nang asawa mo’t mga kaibigan niyang tarantado?” May bahid ng inis kong wika. Para na akong tanga at halos humaba na ang leeg ko tuwing may darating na eroplano nagbabakasaling sakay na nito si Alex.

Chances (18)

by: Zildjian

“Dito siya nakatira? Hindi halata ah.” Ang wika ni Brian nang nasa tapat na kami nang bahay na tinutuluyan ni Alex.

Pinukol ko naman ito nang masamang tingin.

“I-zipper mo yang bibig mo kung ayaw mong dumugo yan.” Pagbabanta ko dito na tinugon naman nito nang pag-muwestra nang pag-zipper nang kanyang bibig. Talagang may sayad ang isang to at hindi na naging seryoso sa buhay.

Parang hindi ka katulad niya noh? Like is known by like kaya nga kayo mag-kaibigan at mag-kasundo kasi pareho ang ugali niyo. Kontra agad ng maligalig kong isip. Tama nga naman ito; ang magnanakaw ang tinging makakakilala sa kapwa magnanakaw.

“Katukin mo na para matapos na kalbaryo mo.” Wika nito nang mapansin sigurong medyo nag-aalangan ako. “Dinadaga ka? Aba bago yan ah dinadaga si Renzell Dave Nivera.”

Chances (17)

by: Zildjian

Kanina pa nakalaalis si Sonja sa opisina namin pero hanggang ngayon hindi parin nawawala ang inis at pagkaasar ko sa kanya. Kung alam ko lang na ang pagmamagandang loob ko sa kanya ang magiging dahilan para mawala sa akin ang taong pinili kong mahalin ay hindi na sana ako nagpaka buti pa. Minsan talaga walang naidudulot na maganda ang pagpapakabait.

Ang buong akala ko ay okey na ang lahat kay Sonja. Nang sadyain ko ito sa Manila para pormal na makipaghiwalay ay hindi naman ito tumutol kaya inakala kong okey lang sa kanya ang lahat at tulad ko rin ay wala naman talaga itong nararamdaman para sa akin. Pero nagkamali ata ako nang inakala.

Matapos ang isang lingo mula nang pormal kaming mag-hiwalay ay nakatanggap ako nang tawag mula rito na sa lugar daw namin gaganapin ang photo shoot ng iniindorso nitong bagong shampoo. Syempre dahil gusto ko namang makabawi at mag-pasalamat narin dahil sa hindi ako nito pinahirapang ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa bago kong pagibig na natagpuan ay sinamahan ko siya sa pag-stay niya sa lugar namin.

Chances (16)

by: Zildjian

Ilang minuto na akong tulala sa loob ng kitchen room kung saan ako nagtago sa dalawang taong nanakit sa akin ng sobra. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa sa sobrang galit at panhihinayang. Hindi ko ito naramdaman noon kay Ian ng hiwalayan ako nito dahil noon paman alam ko nang ako nalang talaga itong nagpupumilit sa sarili ko sa kanya. Pero itong kay Dave, ibayong sakit ang naramdaman ko dahil sa umasa ako. Umasa akong siya na ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong mag-mamahal sa akin ng totoo. Ang taong mag-paparamdam sa akin na importante ako pero wala, tulad rin ito ni Ian na sarili lang niya ang iniisip niya.

Hindi ko naman hiniling na paibigin niya ako. Siya itong nagpumilit na lumapit sa akin at guluhin ang mundo ko at ako naman itong tanga hinayaan ko siyang makapasok sa puso ko. Hinayaan ko ang sarili kong mag-mahal ulit sa maling tao. Hindi na ako nadala sa karanasan ko kay Ian. Umulit pa talaga ako. Sadya nga atang tanga ang puso ko. Lagi nitong pinipiling ibigin ang mga taong hindi naman karapatdapat.

Chances (15)

by: Zildjian

Alexis

Tulad ng ipinangako ko kay Dave, nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin sa probinsya namin ay umuwi na ako pabalik sa trabaho ko kung saan naghihintay sa akin ang taong naging pangulo nang buhay ko. Ang taong naging misyon na ata sa mundo ang asarain ako na ang kinahantungan ay pareho kaming na hulog sa isa’t isa.

Noong una ay hindi ko lubos na mapaniwalaan na ang tulad ni Renzell Dave Nivera ang bubunto’t sa akin kahit saan ako mag-punta. Kahit noong una ko palang siyang makita nang pumasok ito sa bar ay may naramdaman na akong kakaiba sa kanya. Ang tindig nitong lalaking lalaki, ang galaw nitong kita mo ang confidence na lalo nagpapadagdag sa tikas nito. Ngunit nang makita ko itong nakipag laplapan sa isa sa mga costumer naming babae noon ay agad na nawalang parang bula ang paghanga ko sa kanya. Lalo na nang lumapit ito sa akin at mag-yabang.

Chances (14)

by: Zildjian

“Sa susunod na aalis ka wag mong kakalimutang mag-bilin para hindi masira ang ulo ko kakaisip kong sino ang papalit sayo sa mga iniwan mong plano.” Nagulat ako nang ang kambal ko ang mag-bukas sa akin ng pintuan. Nakakunot ang noo nito’t halatang galit.

“Ah.. ehh.. Good morning kambal.” Ginamit ko ang pamatay kong alas sa kanya para hindi ako nito tuluyang kitlan ng buhay.

“Kamusta ang bakasyon?” Sabat naman ni Red na nasa likod ng kambal ko. Nakangiti itong nakakagago halatang nangaasar ang kumag.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang ibaling ko ang atensyon ko kay Dorwin. Hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naiintindihan ko naman siya kong bakit galit na galit ito sa akin hindi nga naman kasi ako nagsabi kahit kanino na aalis ako tapos naiwan ko pa ang mga pending reports na hindi ko pa nababasa.

Chances (13)

by: Zildjian

Matapos ang mainit na halikan namagitan sa amin ay hinayaan kong makatulog si Alex na nakaunan sa aking dibdib. Aaminin kong bago sa akin ang lahat kasama narin ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon  pero, di ko maikakailangang nagustohan ko ang lahat ng nangyari sa amin.

Sa katunayan nga ay kung pwedi pang lumalim sa halikan ay malugod akong mag-papaubaya pero lalo lang akong bumilib kay Alex ng ito na mismo ang tumigil nang maramdaman niyang nadadala na ako sa mga hagod at romansa niya sa akin na taliwas sa mga naririnig ko sa mga kaibigan ko tungkol sa kanila. Lalo ko tuloy napagtanto na hindi dapat agad na husgahan ang mga half-half, bakla, tomboy o kung anu pa mang pweding itawag sa mga kasariang hindi tangap ng karamihin dahil kung hahayaan mo lang  ang  sarili mong kilalanin sila ay makikita mong tulad ng mga tinatawag nilang “Normal” ay karapat-dapat rin silang respetuhin at igalang.

Chances (12)

by: Zildjian

“Dave, anak halika muna sa loob ipapakilala kita sa isa sa mga kapatid ko.” Ang wika ni nanay Marta habang nasa labas kami nang bahay kasama ang bayaw ni Alex at ang ibang kaibigan nito’t nagiinuman na naman.

“Sandali lang mga pare inum lang kayo diyan babalik ako agad.” Wika ko naman sa mga kainuman ko saka sumunod kay nanay Marta sa loob ng bahay.

Kakaiba talaga ang mga tao sa probinsya hindi man kasing yaman ng mga tao sa syudad pero kung mag-handa daig pa ang may maraming ipon. Bespiras palang ng pista ay may mga kamag-anakan at kaibigan nang pumunta na taga kabilang baryo at ang iba pa nga ay galing sa malalayong lugar para lang dumalo at makipista.

“Ito ang sinasabi ko sayong boss ni Alex ko Emelda, si Dave, kasama siya ni Alex na nagbakasyon rito para sa pista.” Ang pagpapakilala ni nanay Marta sa isa sa mga kapatid niya.

Chances (11)

by: Zildjian

Alexis

Kanina ko pa hindi maintindihan kong ano ang meron sa lalaking to basta ang alam ko lang may itinatago ito sa akin base na rin sa mga ngiti nitong nanunukso kanina pa. Kung wala lang ang mga magulang at kapatid ko kanina ko pa sana siya kinumpronta.

Wala naman akong maramdamang kakaiba pagkagising ko kanina maliban sa mag-katabi kami sa maliit na kama ko at ang nakakahiya pa nakayakap ako sa kanya. Noong tinanong ko naman siya kung sino ang nagdala sa akin sa kwarto ko na dapat ay kwarto niya habang narito siya sa baryo namin ay isang nanunuksong ngiti lamang ang itinugon nito na agad ko naman ikinaasar.

Alam kung mahina ang tolerance ko sa mga inuming nakakalasing pero dahil na rin sa matagal naming hindi pagkikita-kita nang mga dati kong kaibigan ay napilit nila akong uminum na ngayon ay pinagsisisihan ko. Hindi ko alam kung ano ang mga nagawa o nasabi ko kagabi pero sigurado akong hindi iyon maganda para sa akin base na rin sa mga nanunuksong ngiti ni kolokoy sa akin.

Chances (10)

by: Zildjian

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Kunot noo akong napatingin sa may bintana kung saan malayang nakakapasok ang preskong hangin mula sa labas. Iba pala talaga ang  probinsya presko ang hangin at kakaiba ang amoy nito kumpara sa mga lugar na puno nang sasakyan.

“May riot ba sa labas?” Ang pupungas-pungas kong sabi’t inilbot ang tingin sa buong kwarto na ipinaubaya sa akin ni Alex the maldita. Ang half-half na buong akala ko ay masungit, suplado’t higit sa lahat walang kabaitan sa loob ng katawan.

Hindi gaanong kalakihan ang kwartong iyon infact, sakto lang ito sa isang tao. May maliit na higaan na gawa sa kahoy na pinatungan ng foam, maliit na bentilador at isang cabinet na sa tingin ko ay sampong dekada na ang tanda.

Napatingin ako sa aking relo mag-aalas-sais palang pala nang umaga pero maingay na sa labas ng kwartong iyon. Gising na gising na ang mga tao.

Chances (09)

by: Zildjian

Kanina pa tumatakbo ang sasakyan at simula nang sumakay si Alex ay hindi manlang ito nagbitiw ng kahit anong salita. Tahimik lamang itong nakatingin sa bintana nang aking sasakyan marahil ay hanggang ngayon ay nahihiya parin ito sa nangyari kanina nang ihatid ko ito sa kanila para kunin ang kanyang mga damit na dadalhin para sa bakasyon nito sa bayan ng ama nito.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko’t nagdesisyon akong ihatid ito sa napakalayong probinsya nang kanyang ama. Siguro ay dahil alam kong kailangan niya nang taong makakausap ngayon. Hindi biro ang mapahiya ka sa harap ng mga tao lalo na sa ugali nitong kasing tayog pa ata nang Great Wall of China ang pride.

Bilib din ako sa pasensya nang taong ito. Kung sa akin nangyari kanina ang ganun baka siguro nasapak ko na ang taong gumanon sa akin. Harap-harapang pang-gagamit ang ginagawa nang tiyahin nito sa kanya pero, ito pa mismo ang humingi nang paumanhin. Balak ba nitong maging isang santo?

Chances (08)

by: Zildjian

Ilang segundo rin kaming nagkatitigan ni Alex na parehong may nakaguhit na ngiti sa aming mga mukha at sapat na ang ilang segundong iyon para lalo nitong pabilisin ang tibok ng aking puso.

Ano na ba itong nangyayari sa akin?

“Indecent public display of affection ang pweding ikaso sa inyo ng mga tao sa loob ng grocery store na ito.” Ang wika ni Brian kapagkuwan. Nakatayo na ito di kalayuan sa aking likuran at nakangising aso.

“Ito ang susi mo mahal na hari, ikaw na ang bahalang mag-hanap kung saang lupalop ng mundo ko ipinark ang sasakyan mo.” Sabay hagis nito nang susi ko. “Mukhang tama nga ang balitang nasagap ni Vincent mula sa misis niya.” Ngingisi-ngisi pa nitong sabi.

“Lumayas kana Brian, gutom lang yan.” Sabi ko sa kanya at muling ibinaling ang aking atensyon sa nakakunot na namang noo na si Alex. Mukhang dapat ko nalang atang makasanayan ang laging nakakunot na ekspresyon nito.

Chances (07)

by: Zildjian

Matapos ang palitan namin ng ngiti kanina nang madalitang Alex na iyon Well, hindi na siya maldita dahil ngitian na niya ako kaya pagiisipan ko ang bagong itatawag ko sa kanya ay may kakaibang damdamin na pilit na umaalipin sa akin ang kaso ay hindi ko ma-decipher ang damdamin na iyon kaya isinangtabi ko nalang muna.

Nasa loob parin ako nang bar ngunit iniwan ko na itong abala sa kanyang ginagawa ayaw ko na rin munang maasar ito sa akin sayang naman ang ngiting binigay niya kanina kung mapapalitan ulit iyon ng pagkasuklam. Yeah right suklam na suklam siya sa akin at sa tingin ko para hindi na humaba pa ang kalbaryo niya sa akin ay pilit nalang niyang intindihin ang sayad ko. Mukha talagang seryoso sa buhay ang isang yon tulad nalang ng sabi ni Red.

Gayon pa man hindi ko masasabing peki ang ngiting iyon na sumilay sa kanyang palaging galit na mukha kahit ba dalawang beses ko lang nasilayan yon matapos kasi naming magpalitan ng ngiti ay focus na ito sa ginawagawa niyang trabaho at hindi na muli akong tinignan.

Chances (06)

by: Zildjian

Mula sa aking kotse ay aninag ko na ang mangilan-ngilang tao sa loob ng seventh bar. Mag-lilimang minuto na akong nakaparado sa parking space nila pero hindi pa ako lumabas sa aking sasakyan gusto ko muna kasing obserbahan ang mga tao sa loob. Kanina pa rin hinahanap ng mga mata ko ang malditang Alex na iyon at sa kasamaang palad hindi ko ito makita.

“Hmmm. Ang gwapo ko talaga.” Ang wika ko habang nanalamin sa rear view mirror ng aking sasakyan. Imbes na mag-patalo nang lungkot dahil sa karamdaman ni papa ay pinili kong pasayahin ang buhay ko sa pamamagitan ng pakikipag-asaran sa malditang manager ng bar ni bayaw.

Nang matapos ayusin ng konte ang sarili at masiguradong pogi ako ay tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at tinungo ang entrance ng seventh bar. Alam kong kanina pa ako inaasahan ni Red tulad ng sinabi nito kanina nang tawagan ko siya para ayaing makipag-inuman.

Chances (05)

by: Zildjian

“Saan mo ba ako dadalhin?!” Ang may kalakasan nitong wika nang makapasok kami sa loob ng aking kotse.

“Sa langit.” Wika ko na sinamahan ng ngising nakakagago.

Para akong na excite bigla na ngayon ay sakay ko ang nag-iisang taong halos tatlong beses akong inignora. Sa puntong ito hindi ko na sya hahayaan pang ignorahin ako bahala nang makasuhan ako nang kidnapping hindi naman siguro ako papabayaan ni kambal.

Isang masamang tingin ang ipinukol nito sa akin na animoy lalamunin ako nang buo nakakatakot ang hitchura nito wala na ang bakas ng mahinhin at walang emosyon nitong mukha.

“Wag mo akong bigyan ng ganyang tingin. Ihahatid lang kita sa inyo dahil nga concerned citizen ako.” Sabay paandar ko nang makina nang sasakyan.

Chances (04)

by: Zildjian

Talagang binilisan kong tinapos ang mga natitirang reports ko dahil sa dinner na pinangako sa akin ng kambal ko. Matagal na rin kasi nang huli kaming lumabas na kami lang at walang mga asungot na barkadang kasama. Iba parin kasi para sa akin kung pamilya mo ang kasama mong kumakain sa labas.

Pasado ala-syete ay tapos na akong magbihis pati si papa ay bakas ang tuwa nang kanina’y ibalita ko sa kanya ang tungkol sa plano namin ni kambal. Parang nawala ang pagud sa mukha nito nang marinig ang magandang balitang iyon.

Tulad nga nang inaasahan ay tinawagan kami ni Dorwin at sinabi kung saan kami mag di-dinner. Alam ko naman ang lugar ng restaurant na paniguradong pinili ni Dorwin para ma enjoy ni papa ang pagkain. Isinabay ko nalang si papa sa sasakyan ko para hindi na ito mag-maneho pa at tinungo na namin ang Sea Food restaurant kung saan naghihintay sina Dorwin at Red.

Chances (03)

by: Zildjian

“Naku pare, ayan ka na naman ha!” Ang wika ni Brian ng makita nito ang nakakagago kong ngiti.

“What?” Maang ko namang sagot.

“Yang ngising aso mo alam ko ang ibig sabihin niyan.” May panunuya nitong sabi.

“I like that person, what was his name again?” Pagiiba ko nang usapan. Wala namang rason para mag deny o umamin ako kay Brian dahil alam kong hindi ako nito papaki-alaman kahit ano pa ang gawin ko.

“Oh? Why the sudden change of mind? Akala ko ba hindi ka intersado sa pangalan niya.” Ngumisi ito sa akin na para bang may ibig sabihin.

“Anong ibig sabihin ng ngisi mong yan?” Ang may bahid ng pagka-pikon kong sabi.

Chances (02)

by: Zildjian

“Ang dami naman nitong dapat hiwain, dinner lang naman ito ah.” Ang wika ko habang tinutulungan ang hilaw kung bayaw sa kusina.

Abala ito sa kanyang niluluto na beef stake na alam kong paborito ni Dorwin. Kahit kambal kami ay may mga bagay parin na hindi kami pareho, tulad nalang sa pagkain. Kung si Dorwin ay mahilig sa beef steak ako naman mas gusto ko ang adobo.

“Monthsary kasi namin ngayon ng kambal mo.” Nakangiting tugon nito sa akin.

Ito ang gusto ko kay Red, noon pamang una ko itong makilala nang dalhin siya ni Dorwin sa family gathering namin ay agad ko siyang nakasundo dahil sa ugali nito – yung tipong kahit alam mong hindi niya nagugustohan ay ngingiti lang siya. Alam ko naman ang tunay na ugali ni Red base na rin sa mga kaibigan nito. Siya ang tipong hindi ka papalusutin kapag may hindi siya nagustohan sayo.

Chances (01)

by: Zildjian

 “I’m sorry sweety! Hindi ako makakarating sa anniversary natin. May show pa kasi kami dito sa manila eh. Kung gusto mo, ikaw nalang magpunta dito.” Ang may himig niyang pagpapaumanhin namay landing wika ng girlfriend kong si Sonja, pronounced as Sonia.

1st anniversary namin at hindi sya makakapunta dahil sa lintik na show niyang yon. Bilang isang modelo, kapirangot lang ang time na naibibigay niya sa akin sa sobrang dami ng kung anu-anong kabalbalan niya sa Manila. Well, girls are girls, mahilig sa fame lalo na ang girlfriend kong misyon na ata sa buhay ang maging isa sa pinaka-sikat na modelo sa bansa.

Syempre proud ako sa katayuan niya, sino ba ang hindi? Halos lahat ata ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay nakay Sonja na. Sexy, malaki ang umbok ng dibdib, maganda, galing sa may kayang pamilya, at higit sa lahat magaling sa kama kaya siguro tumagal ako sa kanya kahit once in a blue moon lang kaming magkita.