Tuesday, December 25, 2012

The Devil Beside Me (16)

by: Zildjian

“Congratulations!” Nagkaka-isang bati nila sa dalawang pares na naging malapit na rin sa kanilang grupo. Mga dating ka opisina ni Jay noong napagtrip-an nitong pumasok bilang isang call center agent at prin-a-praktis nito ang pagpapaka-low profile nito.

“Thanks Guys. We thought hindi niyo tototohanin ang pag-abay sa kasal namin.” Nakangiting wika naman ni Rex. Ang groom sa naganap na kasalan na ilang minuto pa lang na natatapos.

The Devil Beside Me (15)

by: Zildjian

Sa sala, habang abala sa pagkalikot ng kanyang laptop ay narinig ni Maki kung papaano mag-panic si Jay nang magising ito. Alam niya kung ano ang dahilan niyon at iyon ay walang iba kung hindi dahil tinanghali ito ng gising.`Di rin nakatakas sa kanyang pandinig ang nagmamadali nitong mga yapak pababa ng hagdan. Lihim siyang napangiti.

“Mabuti naman at bumangon kana rin.” Ang nakatalikod niyang wika habang rinig niya ang paghingal nito mula sa kanyang likuran. Ibinaba niya ang kanyang laptop sa mesa at humarap dito. “Kanina pa naghihintay ang breakfast natin.”

The Devil Beside Me (14)

by: Zildjian

Samo’t-saring mga ala-ala pa ang bumalik kay Maki habang minamaneho niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Hindi siya makapaniwala na ang mga magagandang ala-ala nila ni Jay ay pansamantala niyang nakalimutan. Na hinayaan niya ang sariling mawala ang mga ala-ala kung saan nagbago ang kanyang buhay elementary.

“Jay…” Ang pabugang hangin niyang pagsambit sa pangalan ng taong siya ngayong laman hindi lamang ng kanyang isipan kung hindi pati na rin ng kanyang puso.

The Devil Beside Me (13)

by: Zildjian

“Pinaalalahanan na kita noon Maki, that you should take control of your temper.” Ani ng kanyang kaibigang si Nico.

“Ikaw ba, hindi kaba ma-aasar kung malalaman mo na kung anu-ano na pala ang iniisip sa’yo ng isang tao? Inaakala niyang takot akong gapangin niya. Na wala akong tiwala sa kanya. Syempre kailangan kong depensahan ang sarili ko. Alanganan namang hayaan ko na lang siya sa mga iniisip niya sa akin.” Pagpapaliwanag naman niya.

“Pero hindi mo pinag-isipan ang mga sinabi mo.”

The Devil Beside Me (12)

by: Zildjian

Hindi magawang i-iwas nii Maki ang kanyang tingin kay Jay habang mahimbing itong natutulog. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan. Isa na doon ay ang katotohanang nagustohan niya ang presensiya nito buong gabi sa loob ng kanyang silid. Sa katunayan, napakahimbing ng kanyang naging pagtulog dahil doon.

Batid niyang malaki ang tampo nito sa ginagawa niyang pagpapasunod dito . Matapos ang kanilang pag-uusap kahapon nang tanghalian ay sa kanyang kapatid na ito dumikit at nakipagk’wentuhan. Ni hindi nga nito nagawangtapunan siya ng tingin hanggang sa maghapunan sila. Nang nasa k’warto naman sila ay wala itong ibang ginawa kung hindi ang kalikutin ang cellphone nito. Alam niyang ang kanyang kabiral ang ka-text nito pero pinili niyang hindi ito sitahin dahil batid niyang lalo lamang titindi ang inis nito sa kanya.

The Devil Beside Me (11)

by: Zildjian

Kasalukuyang binabaybay nina Maki ang daan papunta sa bahay-tambayan nila. Habang minamaneho ang sasakyan na pagmamay-ari ng kanyang kababata ay hindi niya maiwasang tapunan ito ng tingin. Napakunot-noo siya sa hitsura nito.

“Ano ba `yang hitsura mo? Tinalo mo pa ang nalugi sa negosyo, ah.” Sita niya rito.

The Devil Beside Me (10)

by: Zildjian

Hindi pa rin maitago ni Maki ang tuwa kahit nakauwi na siya sa bahay nila. Pinawi niyon ang kaninang pagkainis na naramdaman niya nang makita ang mga itong magkasama. Maski ang kanyang kapatid na nahawaan na sa pagiging maligalig ng kanyang kababata na ngayon ay minamahal na niya ay napansin ang kanyang kakaibang sigla.

“Mukhang may ginawa kang karumaldumal kuya, ah.” Pagpansin nito sa kanya nang magsalubong sila nito sa sala.

The Devil Beside Me (09)

by: Zildjian

Hinihintay pa rin ni Maki ang magiging pagtugon ni Dave sa kanyang kahilingan. Hindi siya nagbawi ng tingin dito para maipakita rito ang kanyang determinasyon. Si Alex naman na nasa likuran nito ay bakas pa rin ang pagkagulat sa mga mata nito habang nakatingin rin sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi. Ilang beses o mas tamang sabihing ilang taon ba niyang itinanggi sa mga ito ang posibilidad na p’wede silang magkaroon ni Jay ng isang romantikong relasyon?

The Devil Beside Me (08)

by: Zildjian

Naguguluhan pa rin si Maki sa mga nangyayari sa kanya. Hindi niya alam kung dala lang ba sa tama ng alak kung bakit siya biglaang nakaramdam ng gano’n o kung talagang tuluyan na ngang pinukaw ni Janssen an g kanyang tunay na nararamdaman para sa kanyang kababata.

Para sa kanya ay napakabilis ng lahat. Kasing bilis ng pagdaloy ng dugo sa kanyang kanang kamao ang mga nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon. Naroon pa rin ang pagtanggi sa kanyang isipan pero sa kabila naman niyon, ay naroon din ang munting pagtanggap na ang mga pagbabago at kakaibang nangyayari sa kanya ay dala ng selos. Selos hindi lamang ng isang kaibigang napag-iwanan kung hindi ng isang taong nangangailangan ng pagmamahal at atensyon.

The Devil Beside Me (07)

by: Zildjian

Hindi niya alam kung bakit biglaan siyang napaamin sa kanyang mga kaibigan. Siguro ay dahil sa sobrang pagkataranta niya sa ginawang pagtawag ni Dave sa kanyang kapatid. Ayaw niyang masali ito sa kalokohan ng mga ito dahil oras na mangyari iyon, paniguradong hindi lang siya uulanin ng tukso nito kung hindi baka magkuwento pa ito sa kanyang ina. Isang napakalaking problema kapag nangyari iyon.

Binitawan ni Nico ang pagkakahawak nito sa kanyang braso.

The Devil Beside Me (06)

by: Zildjian

“Kuya Maki, may phone call ka.” Ang narinig niyang wika ng kanyang kapatid mula sa likod ng pintuan ng kanyang k’warto.

“Sabihin mong tulog pa at hindi na babangon kailanman.” Tugon naman niya sa inaantok pang tinig. Ang totoo, kanina pa siya gising dala ng matinding hang-over. Medyo naparami kasi siya ng inom dala ng sobra niyang pagkaaliw nang masira niya ang mga binabalak ng kanyang magaling na kababata.

The Devil Beside Me (05)

by: Zildjian

Ilang minuto na ang nakakalipas simula ng iwan ni Maki ang mga kaibigan kasama si Janssen Velasco sa kusina. At sa nagdaang minutong iyon ay puro halakhak at pagbibida ni Jay sa boyfriend nito ang naririnig niya.

“Ni hindi man lang ako sinundan ng luko-lukong iyon para tanungin kung talagang hindi pa ako kakain.”  Ang nakasimangot niyang pabulong na naisambit.

Noon, kapag masyado siyang abala sa trabaho at hindi niya nagagawang kumain ay hindi siya titigilan ni Jay sa pangungulit hangga’t hindi siya napapatayo nito. Ito palagi ang tagapagpaalala sa kanya na oras na ng tanghalian at hapunan. Pero ngayon, para siyang hindi nag-exist sa bahay na iyon. Ang lahat ng atensyon nito ay naka-focus sa kasintahan nito.

The Devil Beside Me (04)

by: Zildjian

“Aray! Dahan-dahan naman!” Ang napapangiwing wika ni Jay nang lapatan niya ng yelong binalot sa bimpo ang pasang nasa gilid ng labi nito.

 Kanina, nang kausapin nito ang dati nitong nakarelasyon ay isang pangyayaring hindi niya inaasahan ang naganap. Nakatikim ito ng malakas na suntok sa kausap at dala ng sobrang bilis ng pagyayari ay hindi na ito nagawa pang maka-iwas.

The Devil Beside Me (03)

by: Zildjian

Apat na araw ang mabilis na lumipas na hindi pinupuntahan ni sinasagot ni Maki ang mga tawag sa kanya ng mga kaibigan. Ang huling text na natanggap niya ay mula kay Nico, pinagbabantaan  na siya na kung hindi pa raw siya magpapakita ay hindi na siya makakalibre pa ng wifi sa coffee shop nito. Walang problema iyon sa kanya, kung tototohanin man ng kaibigan ang banta nito. Mas mahalaga sa kanya ngayon ang maturuan ng leksyon si Jay.

The Devil Beside Me (02)

by: Zildjian

Matapos niyang maihatid sa bahay at makumbinsi ang kapatid na huwag nitong patulan ang kalokohan ng kanyang mga kaibigan ay dali-dali namang tinungo ni Maki ang lugar kung saan sila madalas nagba-bonding ng kanyang mga kaibigan. Ang lugar na siyang naging saksi kung papaano pinatatag ng panahon ang kanilang pagkakaibigan kahit pa man sa kabila ng pagkakaroon nila ng iba’t-ibang personalidad.

Malinaw pa sa kanyang alaala kung papaano nagsimula ang lahat. Nangyari iyon no’ng nasa 1st year high school pa lamang sila ni Jay. Dahil sa isang activity sa isa nilang subject ay nakilala nila ang tatlo pang tao na ni sa hinagap ay hindi niya inaasahang magiging matalik nilang mga kaibigan.

The Devil Beside Me (01)

by: Zildjian

“Finally we’ve met Mr. Iglesias.” Nakangiting bati sa kanya ng isang may edad ng babae nang maglahad siya rito ng kamay.

“Mrs. Serano. Have a seat.” Pagbati naman niya rito.

“I’m really sorry kung hindi ko magawang maisingit sa schedule ko itong meeting natin Mr. Iglesias. Alam mo naman ang nag-iisa na lang sa buhay, maraming kailangang gawin.”

Bittersweet (Finale)

by: Zildjian

“Kami ang mga guardian ni Andy, at kaya kami nandito ay dahil sa utos ng ate niya. Wala kayong karapatang pagbawalan kaming kunin siya.” Matatag namang sagot ni Rome.

“Ayaw sumama sa inyo ni Andy. Hindi niyo p’wede siyang pilitin.” Kung hindi siya nagkakamali ay ang pangalan ng kalmadong nagsalita ay si Marx.

“ Kung magpupumilit kayong kunin siya, kahit mas matanda kayo sa amin ay hindi namin kayo aatrasan.” Ang may angas namang wika ng isa na una na niyang nakilala, si Zandro.

Bittersweet (21)

by: Zildjian

Kaharap ngayon ni Nhad ang taong minsan na rin niyang hindi pinahalagahan. Iyon ay dahil pinairal niya ang kakitiran ng kanyang isipan. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat at natanggap na niya ang kanyang mga pagkakamali ay siya namang paglabo ng pag-asang muli niyang makuha ang taong sa kabila ng kanyang pagpipigil na magmahal ulit ng todo ay nakuha siyang pa-ibigin nang hindi niya namamalayan.

Bittersweet (20)

by: Zildjian

Inilibot ni Nhad ang kanyang tingin sa kabuohan ng bar na kanya ngayong pinasukan ngunit hindi ang inaasahan niyang magulo, maraming tao, at halos puno ng usok na bar ang kanyang kinaruroonan. Ibang-iba ito sa mga bar na kanya ng dating napasukan. May karamihan rin ang costumers na naroon ngunit taliwas sa kanyang nakasanayan  sa isang bar, ang mga naroon ay hindi nagkakagulo, hindi rin ang mga ito maingay bagkus, tahimik ang mga itong nakaupo sa mga mesang inuukupahan at matamang nakikinig sa performance ng isang acoustic band. Agad siyang nakadama ng kakaibang lungkot.

Bittersweet (19)

by: Zildjian

“Jasper! Palabasin mo si Andy!” Miles said with a panicked voice. Halos sirain na nito ang pintuan sa lakas ng paghampas nito.

“Hindi namin kayo kailangan dito. Umalis na kayo!” Ang balik namang sigaw ni Jasper dito.

Doon lamang siya tila natauhan at biglang nataranta. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya subalit nang maramdaman nito ang gagawin niya ay lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Bittersweet (18)

by: Zildjian

May pagtataka pa rin siya kung papaanong napaka-natural ng pagtawag ni Ken kanina sa kanyang pangalan. Wala siyang maalalang pormal sila nitong nakapagkilala. Ang tanging alam lang nito ay isa siyang barista. Hindi nga ba’t iyon ang naging reaksyon nito nang muli silang magkita sa hospital?

Hindi naman gaanong marami ang bisita sa loob ng bahay na iyon. Sa tingin niya, mga ka-opisina at kaibigan lamang iyon nina Ken at Martin. Pero ang talagang kumuha ng kanyang pansin ay ang grupo ng babaeng maingay at halatang pinagnanasaan ang kanyang kasintahan na siyang kasama nila sa mesa. Kahit nakakaramdam siya ng kaunting kaba sa presensiya ng mga taong hindi niya masyadong kilala, sinikap pa rin ni Andy na maibalik ang mga magagandang ngiting binibigay ng mga ito sa kanya.

Bittersweet (17)

by: Zildjian

“Gusto mo bang tulungan ka naming magpaliwanag sa kanya?” Wika ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Miles.

Dumating ang mga ito sa kanyang pinagtatrabahuan ilang minuto pa lang ang nakalilipas. Ikinuwento niya sa mga ito ang hindi magandang nangyari sa pagitan nila ni Nhad at nag-alok naman ito ng tulong sa kanya. Subalit alam niyang walang maitutulong ang mga ito sa gulo nila ni Nhad ngayon.

Bittersweet (16)

by: Zildjian

Nakahinga ng maluwag si Andy nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigang si Miles. Kanina pa niya hinihintay ang text nito. Halos hindi siya mapakali sa trabaho sa pag-alala kay Jasper na mahimbing pa ring natutulog nang umalis siya kanina para paunlakan ang imbitasyon ni Nhad.

Narito na kami sa bahay nila kasama ang iba pang kolokoys. Somehow, nagawa naming maipaliwanag kahit papaano kung bakit wala ka na no’ng magising siya. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito ka kalmado. Kilala mo naman si Jasper, parang tigre ‘to na naghahanap lang ng pagkakataong umatake.

Bittersweet (15)

by: Zildjian

Naalimpungatan si Andy nang may marinig siyang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang tinutuluyan. Napatingin siya sa kanyang relong panggising, pasado alas-dose na ng tanghali. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

“Hindi niya ako natiis.”Naisambit niya saka dali-daling tinungo ang lababo para maghilamos. Ayaw niya namang humarap sa taong halos laman na ng kanyang isip at panaginip ng ganoon lang,the person who showed too much affection for him.

Bittersweet (14)

by: Zildjian

Hindi pa rin makapaniwala si Andy sa bilis ng mga pangyayari sa kanila ni Nhad. Noon, kontento na siya kapag nakikita niya itong nakangiti at pinupuri siya sa kanyang angking galing, tapos heto’t kasintahan na niya ang lalaking minsan niyang hinangaan. Aaminin niya, nang tanggapin niya ang pakikipagrelasyon dito ay may pag-aalangan pa siya sa kanyang puso. Siguro, ay dahil sa takot niyang masaktan ulit. Pero sadyang malakas ang pagkagusto niyang subukang sumaya sa piling nito . Gusto niyang maramdaman kong papaano mahalin at alagaan sa paraan na gusto niya.

Bittersweet (13)

by: Zildjian

Napakislot siya ng dumapi ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. Animoy para siyang kinuryente ng ilang boltahe.Gano’n katindi ang naging epekto ng mainit na hininga nito sa kanya.

“Totoo ‘yon. Noon pa man ay gustong-gusto ko na kapag kumikislap ang mga mata mo sa tuwing pupurihin kita. Kaya nga palagi na akong pumupunta sa bar na pinagta-trabahuan mo, eh.” Pagpapatuloy nito na nilakipan pa ng nang-aakit na ngiti.

Bittersweet (12)

by: Zildjian

“Was it just me?” Ang pabulong na tanong sa kanya ni Nhad habang magkasabay silang kumukuha ng pagkain sa mahabang buffet table.

“Huh? Bakit?” Takang tanong naman niya rito.

“Normal na lang ba talaga sa mga kaibigan ng ate mo ang mga katulad nila?” Ani nito sa mahina pa ring tinig sabay pasimpleng sinipat ang mesa kung nasaan nakaupo ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.

Bittersweet (11)

by: Zildjian
“So what’s your plan? Pupunta ka ba o hindi? Huwag mong sabihin na bibiguin mo ang Ate mo? Kilala mo ‘yon, mas sira ang ulo niyon kesa sa atin.”

“Sinabi mo pa! Pero `yon ang mga tipo kong babae.  Bukod sa pagiging astig ay napakaganda pa. Sayang lang at hindi niya nahintay na maka-graduate tayo. Liligawan ko sana siya.”

“Huwag ka nang mangarap Zandro at ‘di ka papatulan niyon.” Buska niya sa kaibigan.

Bittersweet (10)

by: Zildjian

Dahil araw naman Linggo – ang natatanging araw na wala siyang pasok ay minabuti ni Andy ang mag-general cleaning. Minsan lang niya itong magawa kapag tinatamaan siya ng sipag. Kaya imbes na gawin niyang pahinga ang araw na iyon ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban na muna.

Inuna niya ang mga nakatambak niyang labahan sa kanyang kwarto.  Napailing siya nang mapagtanto kung gaano karami iyon. Noong unang Linggo ay hindi siya nakapaglaba dala ng ulan at ngayon heto’t tambak na ang kanyang maruruming damit, pantalon at boxers.

Bittersweet (09)

by: Zildjian

Hindi mawari ni Andy ang nararamdaman. Para siyang naiihi na ewan habang nasa banyo at naliligo sa katotohanang nasa sala lamang niya ang taong hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang epekto sa kanya.

Damn those smiles! Naibulalas niya sa kanyang isipan. Paulit-ulit kasi ang imahe nito na nakangiti at hindi niya maiwasang lalong magrigudon ang kanyang puso.

Bittersweet (08)

by: Zildjian

Napataas ang kilay niya rito. Aba, pagkatapos nitong sungit-sungitan siya kanina sa harap ng mga taong hindi niya gaanong kilala ay bigla siya nitong babalingan ngayon para manghingi ng pagkain? Sinusuwerte naman yata ang taong ‘to.

“Nagugutom ako. Hindi mo ba ako narinig?” Kunot-nuong muling wika nito nang hindi siya gumalaw.

“Eh di kumain ka kung nagugutom ka.” Balik naman niyang sagot dito sabay hugot ng kanyang cellphone at nagkunyaring may itetext.

Bittersweet (07)

by: Zildjian

Sa bar kung saan kasakuluyang naroon siya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang mga nangyari kani-kanina lang sa hospital. Ang hindi inaasahang pagbisita ng mga kaibigan ng lalaking sa kabila ng pagsusungit na ipinapakita nito ay hindi pa rin niya maikakailang may kakaiba itong epekto sa kanya na hindi niya matukoy at mabigyan ng pangalan.

Kanina, nang makaalis ang mga bisita nito ay hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi niya alam kung ano ang mga nasa isip nito, kung pinag-iisipan ba nito ang lahat ng mga sinabi ng mga taong kita niya ang matinding pagmamalasakit dito.

Bittersweet (06)

by: Zildjian

Pagkapasok na pagkapasok ni Andy sa kanyang tinutuluyan ay agad siyang sumampa sa sofa at doon ay pasandal na naupo. Binalikan niya ang mga nangyari kani-kanina lang at doon gumuhit sa kanya ang isang ngiti. Hindi niya sukat akalain na makakayanan niyang makipagsabayan ng salita sa taong unang nagparamdam sa kanya ng hiya.

Hindi siya ang tipo ng tao na mahiyain. Tulad ng kanyang Ate at mga kaibigan ay praning din siya, subalit sa lalaking kumuha ng atensiyon niya ay hindi niya maiwasang tablan ng hiya. At iyon ay talagang nagpapagulo sa kanya noon. Ni minsan ay hindi pa siya naubusan ng sasabihin, subalit ngiti pa lamang ng lalaking iyon, bigla siyang tumitiklop at nabubusalan. Ngunit kanina, nagawa niyang makipagbatuhan ng salita rito.

Bittersweet (05)

by: Zildjian

“Kaano-ano ba kayo ni Mr. Say?” Wika ng doctor sa kanila nang lumabas ito mula sa ER ng hostpital.

“Mr. Say?” Takang-tanong naman ng isa sa kanyang mga kaibigan na agad niya kaninang tinawagan nang mangyari nga ang hindi inaasahang aksidente kani-kanina lang.

“Iyong pasyente na dinala niyo. He’s one of our nurses here in this hospital.” Tugon naman ng doctor.

Bittersweet (04)

by: Zildjian

Ilang araw ang nakalipas matapos ang huling pag-uusap nila Andy at Jasper. Inubos niya talaga lahat ng p’wede niyang mailabas sa gabing iyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Lahat ng hinanakit at lahat ng pagkabigo na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang puso.

Araw ng Sabado. Magulo, puno na naman ng tao ang loob ng pinagta-trabahuan niyang bar. Mga taong tulad niya ay gustong makalimot sa mga problemang pinagdadaanan; sa trabaho, pamilya, pag-ibig at kung anu-ano pa.

Bittersweet (03)

by: Zildjian

Kinagabihan ay pumasok si Andy sa trabaho. Hindi na siya nakatulog dahil sa biglaang pagbisita ng makukulit niyang mga kaibigan.

Hanggang sa trabaho ay hindi pa rin niya maiwasang hindi maisip ang mga nangyaring usapan kanina sa kanyang apartment.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalamang ikakasal na ang taong ilang gabi pa lang ang nakakaraan ay nakatalik pa niya.

Bittersweet (02)

by: Zildjian

“Mabuti naman at nakapasok ka ngayon, Andy.” Ang nakangiting salubong sa kanya ng may-ari ng bar na pinagta-trabahuan niya.

Ikinabigla pa niya ang pagbaba nito mula sa second floor ng bar na iyon kung saan naroon ang opisina nito. Minsan lang kasi itong bumaba at iyon ay kung gusto nitong magpagawa ng inumin sa kanya o kung may katatagpuin na naman itong bibiktimahin.

Bittersweet (01)

by: Zildjian

Maingay, puno ng usok, nagsisisiksikan ang mga tao. Ganito palagi ang bar kung saan nagtra-trabaho si Andy tuwing araw ng sabado. At isa siya sa mga dahilan kung bakit gano’n na lang kasikat ang bar na iyon sa naturang siyudad.

“Wala ka talagang kupas. Sa lahat ng mga baristang nakilala ko, ikaw ang ang pinaka-cute at pinakamasarap gumawa ng inumin.” Ani ng isa sa mga babaeng nakaupo sa kanyang teritoryo sa bar na iyon – ang bar counter.

Complicated Cupid (Finale)

by: Zildjian

“Hindi ka ba mag-aalmusal anak? Nagluto ako ng paborito mong agahan.” Ang bungad sa kanya ng kanyang ina nang pagbuksan niya ito ng pintuan.

“Hindi pa po ako nagugutom. Bababa na lang ako mamaya.” Walang gana naman niyang tugon rito.

Mataman siya nitong pinagmasdan, bakas ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang ina para sa kanya.

“I’m  fine ma, huwag kayong masyadong mag-alala sa akin.” Kahit siya ay hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. How can he be okey after what happened?

Complicated Cupid (09)

by: Zildjian

Para makabawi sa ilang araw niyang pagkawala ay sinimulan na ni Nicollo ang bumalik sa kanyang negosyo. Matapos ang nangyaring dinner date kagabi sa kanilang dalawa ni Lantis ay kakaibang saya ang kanyang nararamdaman at lahat ng gana niya sa buhay ay biglang nagbalik na hindi niya maitago sa mga taong nakakasalubong at nakakausap niya.

“Mukhang ang ganda ng mood natin ngayon sir, ah?” Ang wika sa kanya ni Gizel, isa sa kanyang empleyada na hayagang nagpapakita sa kanya ng atraksyon.

Complicated Cupid (08)

by: Zildjian

Malaki ang naitulong kay Nicollo sa nangyaring pag-uusap nila ng kanyang ina kanina. Kakaibang ngiti ang nakaguhit sa kanyang mukha habang minamaneho ang sasakyan papunta sa bahay ng isa sa mga dahilan ng malaking pagbabago sa buhay niya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa agarang pagtanggap sa kanya ng kanyang butihing ina na para bang nanaginip lamang siya.

Napatingin siya sa gawi ng passenger seat at nang makita ang bagay na naroon ay napangiti siya.

“No, this is not a dream.” He said.

Complicated Cupid (07)

by: Zildjian

Nakadama siya ng pagtatampo sa taong itinuring na niyang kapatid at sa taong halos nagpalaki sa kanya. Alam niyang nais lamang ng mga itong matulungan siyang resolbahin ang kanyang problema na dapat ay matagal na niyang ginawa. Subalit, hindi niya maiwasang makadama ng pagtatampo sa mga ito. Maybe because of the fact na muli nitong ipinaalala sa kanya ang isang bagay na hinding-hindi niya magawa kahit anong gusto niya at naiinis siya na hindi iyon maintindihan ng mga ito. Na hindi nila maintindihan na masyado nang mahirap para sa kanya ang ayusin ang problemang halos ilang taon na niyang tinakasan, at nais nang ibaon sa limot.

Complicated Cupid (06)

by: Zildjian

Lantis

Nagising si Lantis dala ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana malapit sa kanyang higaan. Sinubukan niyang igalaw ang may pilay na paa, napapikit siya nang makadama ng kirot.

“Pambihira!” Naiusal niya.

Napapailing  niyang iniupo ang sarili saka dumungaw sa bintana. May kataasan na pala ang sikat ng araw at sa probinsiya kung nasaan siya ngayon batid niyang kanina pa nagsisimulang kumilos ang mga tao.

Nakuha ng pansin niya ang nakatalikod na bulto ng isang lalaki. Abala ito sa pagsisibak ng mga kahoy panggatong. Bigla siyang napakunot-noo ng mapagtanto kung sino ito. It was Nicollo, ang taong lagi niyang nakakabangayan sa nagdaang mga taon.

Complicated Cupid (05)

by: Zildjian

Matamang pinagmamasdan ni Nicollo ang walang malay na si Lantis. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabigyan siya ng pagkakataon na mapagmasdan ito ng matagal. Nakakatuwa nga lang isipin na kailangan pang may masamang mangyari rito para malapitan niya.

Kanina, nang mabalitaan niya ang masamang nangyari rito ay halos mabuwal ang kanyang dibdib sa ibayong kaba lalo na nang makita niya ang pamamaga ng kaliwang paa at ang mga galos sa mukha at kamay nito.  Ayon kay Popoy, ay umakyat daw ito sa isang puno ng santol sa kahilingan ni Shiela at doon nga ito aksidenting nahulog.

Complicated Cupid (04)

by: Zildjian

Inihinto ni Nicollo ang kanyang sasakyan sa dati nitong kinalalagyan no’ng unang dumating sila sa lugar na iyon. Kanina, sinubukan niyang tuluyan na nga lang umiwas sa bagong damdamin na nagising sa kanyang puso ngunit hindi pa man siya gaanong nakakalayo sa poblacion ng lugar ay bigla siyang nagdalawang-isip. Something was holding him back. Pakiramdam niya ay kapag lumayo siya may isang parte ng buhay niya ang tuluyang mawawala rin.

“Lumabas ka riyan!”

Bahagya pa siyang nagulat nang malingunan niya ang taong dahilan ng lahat ng pagtatalo ng kanyang isip at puso. Lantis was now outside in his window car. Nakakunot ang noo nito at halatang hindi maganda ang timpla.

Complicated Cupid (03)

by: Zildjian

Sa hapag, naroon na si Lantis pagkapasok nila nang tawagin sila ni Aling Mellisa para sabay-sabay na mag-almusal. Nang magsalubong ang kanilang paningin ay sinimangutan lamang siya nito.

Ano na naman kaya ang sumapi rito? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.

Pasimple niya itong binalingan. Hanggang doon ay hindi na siya pinatahimik ng kanyang isipan. Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa kanya ang mga konklusyon niya matapos makakuha ng mga ilang impormasyon mula kay Popoy. Hindi siya tuloy nakapag-concentrate sa pagkain. Papalit-palit siya ng tingin kina Popoy at Lantis na masayang nag-uusap.

Complicated Cupid (02)

by: Zildjian

Inilibot ni Nicollo ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar. Probinsiyang-probinsiya ang dating nito at malayo sa sibilisasyon. Mula sa highway ay isang oras pa ang biniyahe nila papasok sa baryong iyon. Mabuti na lang at mataas ang gulong ng kanyang Montero dahil kung sakaling hindi ay malamang na stock na sila sa mga nadaanang butas sa kalsada. The place is surrounded with green fields wala siyang ibang nakita kanina kung hindi ibon, napakaraming puno ng niyog, kalabaw at mga palayan. Gusto na niya sanang umatras, pero naalala niya ang naging kasunduan nila ni Lantis na kapag umatras siya ibig sabihin ay talo siya sa kasunduan nila.

Complicated Cupid (01)

by: Zildjian

Nasa coffee shop si Niccolo, ang coffee shop na pinagtulungan nilang maitayo ng isa sa kanyang apat na pinakamatalik na kaibigan – ang Keros Cafe. Kasalukuyan niyang pinapakain ang pusang minsang dumayo sa kanilang bahay para mamingwit ng makakain. Lumaki siya kasama ang alagang aso na si Buffy, ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay aksidente itong nasagasaan na ikinamatay nito. Kinahiligan na talaga niya ang maging mapagmahal sa mga hayop, sa mga ito niya naipapakita ang soft side niya na ipinagkait niyang ipakita sa mga taong malalapit sa kanya.

Make Me Believe (Finale)

by: Zildjian

“We’re glad na maganda ang kinalabasan ng forced leave sa’yo Kenneth.”

“Korek!Mukhang marami nga ang nangyari sa isang linggong bakasyon mo.”

“May naghatid sa kanya kanina nakita ko.”

“Sino?” Ang sabay-sabay na wika ng mga kaibigan-cum-katrabaho kong mga tsismoso at tsismosa.

Make Me Believe (25)

by: Zildjian

Habang pinagmamasdan ko si Martin na mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.

Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.