Friday, February 8, 2013

Unexpected Love Affair 05

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


Habang nanunuod ako ng The Vampires Diary sa ETC, ewan ko ba kong naiitindihan ko ang pinapanuod ko oh sadyang lipad paden ang utak ko. Kanina pa ko tingin ng tingin sa phone ko.

ASSUMING na magtitext talaga si Franc.

Kung tutuusin 2 oras palang naman siya mula ng umalis siya.

"Ay taray! nanunuod ng Vampires Diary, anong drama mo fren? ito oh tissue" si, rico.. katatapos lang maligo ng loko at ako kaagad ang napuna.

"para saan ang tissue? hindi naman ako naiiyak sa kwento no." binalik ko iyong tissue na galing sa loob ng banyo, tae lang. kaya nauubos ang tissue, paano walang sariling tuwalya at tissue ang ginagamit na pamunas sa katawan. adik no?

"naku! hindi naman para sa iyakan ang tissue, para sa nose mo yan fren. For sure pinipigilan mo lang, maya nosebleed fever kana diyan." Tapos tawa siya ng malakas.

ay tae! lakas mantri, kung sabagay hindi ko talaga maintindihan, sakit sa ilong. Eh ang pinapanuod ko lang naman kasi iyong bidang lalaki eh.

mga vamire kasi wagas magmahal, sana vampire nalang si Franc para seryoso siya sa akin noong sinabi niyang bf ko xa.


eerrrkkk! anu bayan! 24 nako kung umarte ako pang PBB teens. asar!!!

"tsee! ewan ko sa iyo fren! May pinag-aralan ako kaya nakakaintindi ako!" taas ko kilay ko sa kaniya.

"ay, sorry naman. akala ko kasi wala." takte talaga, nakadrugs nanaman tong si Rico, nakatira nanaman ata ng albatros sa loob ng banyo. kaya nauubos eh, sinisingot.

"So, you're saying AMALAYER? AMALAYER? AMALAYER?"

simula na ulit ng basagan trip sa loob ng bahay ni kuya. hahha!

"No, frend, you're a dove girl. ginamit ko nga pala iyong sabon dove mo, maya pa ako bibili ng sa akin eh."

"huwaattt??" maka-what naman ako? haha "...sabon ko ginagamit mo, bahala ka, may buni pa man din ako. Mahawa ka sana."

Unexpected Love Affair 04

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Morning Yam." Nakangiting napakaaliwalas na itsura ni Franc kagad ang nasilayan ko sa umaga. Ay kung ganito naman tuwing umaga ang makikita sa pagkamulat ng mata mo, ay ang sarap gumising sa umaga.

"Morning din." Nakangiting sabi ko.

Tapos biglang kumatok ng pagkalakas lakas sa pinto si Rico.

"Fren!!! ginamit mo ba iyong inigib ko kagabe?" Sigaw niya sa labas.

Patay! pinaligo namin ni Franc kanina. Nu gagawin ko.
Bangon kaagad ako.

Bihis, tapos si Franc dumapa pa. Ayaw pang bumangon. Tapos nagtakip pa ng mukha gamit ang unan.

Feel at home ang bago naming border ni Rico.

Binuksan ko ang pinto.

Silip siya sa loob nakita nya ang hubad na likuran ni Franc.. tapos sinarado ko ulit.

"ay shet fren! anong ginawa mo sa pasalubong mo sa akin? akala ko naman umuwi na, iyon pala nangapitkwarto... naku ha! naiinis ako sa iyo fren. akala ko ba sa akin sya? bakit nasa kwarto mo?" nakacross arms siya.

Unexpected Love Affair 03

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"sex tayo."

umikot ako at humarap ako sa kanya.

"naka.ekstacy kna no?" sabe ko. nkatingen ako sa mata nya.

"sige na, sex tayo. please." kulet nya tlaga.

wow ha! tinulungan ko na, pnatUloy ko na dito, tpos bet pang sex??? take note my please pa. hayup tong strangherong to. lakas trip.

"db nkaligo kna dba? bkt ur so hot padin?" sabe ko.

uo. sexy xa. yumy xa. pogi xa. pero di ko xa mahal. ang arte ko pero iun ang prinsepyo ko.

"cge na yam,ayaw mu b sa akin?" tpos nyakap nya ko ng pagkahgpit hgpit. at ang anu nya, dumidikit sa akin. aww. gsto ko ang pkiramdam na iun,pro wag nya ako itempt.

Unexpected Love Affair 02

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


katok ako sa pinto.

matagal bgo buksan.

tae na rico yan. tulog mantika tlaga!!!!

"sigurado kbang bhay mu to???" tanung ni franc.

"ay hinde hnd,bhay to ng kapetbhay namen, nu kba xmpre no,kakatok b ako dto kung d to sa amin,nkadrugs kb?"

"di ako adik.,kung adik ako bka gnahasa nkta." seryoso xa nun.

"pag.adik mangagahasa kagad,di k pwedeng holdap muna?" tanung q

"haha. mga adik kc sa amin nangagahasa,kya pag.gabi mga bakla nlang nsa labAs. gsto kc nla magahasa.hahaha"

cuTe nya tlaga,lalo pa nung tumatawa xa.

"grAbe k nman,ganun b tingin mu s mga bakLa?"

"oo."

tss! dapat pla d q nlang tnulungan ang mokong nto. sama ng ugali,hnd ko nxa pnansin.katok ako ulit.

tagal gumicng ni rico.

"oy bgla ka matahik ah.sory na bnbiro lang naman kta eh." marunong dn naman palang magpakumbaba eh. lalo Tuloy xang poMogi sa paningin ko.

Unexpected Love Affair 01

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


Author's note:
SEASON . ONE !!! BASAHIN MULA UMPISA PARA MAS MAUNAWAAN SA SEASON . TWO. hehhe!!

--- an experimental story of Iam Kenth. gawa gawa ko lang po, hehehe. as of now wala pang plot, hindi ko pa kasi alam kung anong katutunguhan ng kwento eh.

bsta about ito kay Yam at kay Franc... pwede na siguro iyon, wa naman kwenta itong kwento na ito. Maboboring kalang basahin. hahaha!

intindihin nyo nalang po :)


P.S. sana mabigyang pansin ito ng mga mahuhusay na manunulat. Bahahaha! asa lang! Game! bahala na kayung intindihin ang kwentong ito!!!

-------------

"Pt. 1"

Ako si Yam. Walang kwentang pangalan pero wlang pkialamanan, okay?

24 na ako, Yam--- hndi dahil yummy kundi dahil YAMOT!!! Yamot sa akin ang tadhana, I don't even know why? Why nga ba???

Basta I'm 5'3" Moreno at Weird pero Cute ( Bahahaha!! )

Maputi, makinis, pero syempre konyare ko lang iyon no! pero-- iyon ang sabi sa akin ng friend ko. :-)

So enof na sa pakilala.

Mahal Kita, Hanggang sa Huling Laban 01

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


                Maaga kaming ginising ni Daddy sa araw na iyon ng Biyernes para daw mamasyal sa bahay nina Lola sa Diadi, Nueva Vizcaya. Bukod sa humigit kumulang pitong oras na biyahe mula Manila hanggang sa Diadi, idagdag pa ang nakakatakot na daan sa Santa Fe dahil sa matarik na bundok na dinadaanan ay alam kong mabobored lang ako sa bakasyon dahil hindi pa umaabot ang kuryente sa bahaging iyon ng lugar ng mga magulang ni Daddy. Minsan lang naman sa isang taon kami magbakasyon doon dahil bihira din naman mabigyan ng bakasyon ang may mataas na ranggo na sundalo kong ama ngunit sadyang hindi ko talaga magugustuhan ang lugar na may kalayuan sa kabihasnan. Kung sana pinayagan na lang ako ni Daddy na maiwan sa bahay at maglaro sa bago naming computer, sana hindi ako mababadtrip ng ganito. Idagdag pa ang ingay nina Mommy na nakaupo sa harap ng aming sasakyan at ang bunso kong kapatid na kumakanta sa tabi ko.
                “Psst! Kuya Patrick! Ayos ka lang?” tanong ni Daddy sabay tingin niya sa akin sa salamin.
                Hindi ako sumagot. Gusto kong maramdaman niyang hindi ako masaya sa bakasyon na ‘yun. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hayan na at malapit na kami sa Sante Fe. Para na naman akong mahuhulog sa bangin ang sasakyan namin at paniguradong halos hindi na naman ako makahinga o kaya ay tuluyang magsuka.
                “Nagugutom ka na ba anak?” tanong ni Mommy.
                Hindi parin ako sumagot.
                “Lintik na bata ‘to ah! Kinakausap ka! Sumagot ka naman!” mataas na ang boses ni Daddy. Bihira lang ako pagtaasan ng boses ni Daddy at alam kong kung ganoon na ang tono ng boses ay malapit na siyang maubusan ng pasensiya.
                “Hindi ho.” Maiksi kong sagot.
                “Bakit ba ayaw na ayaw mong binibisita natin sina Lolo’t lola mo e, hindi naman madalas na ginagawa natin ito. Minsan nga lang sa isang taon. Makisama ka naman anak. Hindi ibang tao ang bibisitahin natin, nanang at tatang ko ang mga iyon.”

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor Finale

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Pagpasok ko sa room ay nakita ko na punong-puno ito ng mga drawings. Mga drawings na iginuhit gamit ang lapis. Ito ay mga larawan ng mga bagay na mayroong koneksyon na nakaraan namin ni Jason.

Inisa-isa kong pagmasdan ang bawat larawan na ginuhit sa papel hanggang sa nadatnan ko ang pinaka-sulok na bahagi ng kanyang room. Nakita ko ang litrato ko.

“Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na..” naputol na sambit ni Jason ng hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Jay, alam ko na ang lahat. Masakit para sa akin ang itago moa ng buong katotohanan. Hindi ko man ito tanggap pero naiintindihan kita”

Niyakap rin ako ni Jayson at nakita kong dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Pinahiran koi to ng aking panyo.

“Tahan na Jayson. Huwag ka nang umiyak. Halika, labas tayo”

Natigil na rin si Jayson sa kaiiyak pero alam kong pinapalakas niya lang ang kanyang loob. Ganoon din ang aking ginawa. Pinalalakasan ko lang ang aking loob kahit ramdam kong masakit ang mga nangyayari. Pinipilit kong intindihin ang tadhanang ito pero wala na akong magagawa kung hindi pasayahin si Jayson hanggang sa huling hininga niya.

Lumabas kami ng ospital at tinungo ang park kung saan kami huling nagkita. Umupo kami sa malapit na bench at sabay pinagmasdan ang langit.

“Jay? Alam mo bang kay tagal kitang hinanap?”

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor 08

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Makalipas ang ilang buwan…

“Pare! Puntahan mo muna kami dito sa ospital. Manganganak na si misis” si Alex sa kabilang linya

“o sige pupunta na ako diyan.”

Pagkadating ko sa ospital ay nakita ko si Alex. Excited maging ama

“Finally magiging ama na rin ako!”

“Mabuti ka pa. Ako walang love life”

“Ikaw naman kasi. Maraming magaganda diyan. Este gwapo rin pala”

“Ulol!” inis kong sagot at sinapak ko sa ulo

“Arekop! Parang hindi ka naman mabiro!” galit na sambit ni Alex sabay haplos sa kanyang ulo

Tinungo namin ang deliver room ngunit ng lumiko na kami ay parang may nakita naman si Alex

“Pare parang si Jayson iyon ha?”

Sinundan ko naman ang tinuturong lalake ni Alex at parang si Jayson nga.

Hinabol ko ang lalake na lumalakad papalayo. Mabilis ang kanyang paglakad ngunit binilisan ko rin ang paghabol

“Jayson?”

Hinahabol ko ang lalaki ng biglang hinablot siya ng isang nurse

“Mr. Dela Cruz kanina ka pa hinahanap ng doctor” sambit ng nurse at tuluyang umalis ang lalaki at ang nurse.

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor 07

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Si Jayson.

Nginitian niya ako. Nagulat ako dahil bumalik si Jayson.

“Hihintayin kita ha?” sambit ni Jayson at umupo sa waiting area.

Hindi na rin ako nakasagot sa sobrang tuwa. Maya’t-maya ay may dumating na kumukuha ng police clearance at humihingi ng list of requirements.

“Sir, eto po ang iyong kailangan. Dalawang 2x2 picture, isang original at photocopy ng barangay clearance, resibo galing sa city treasurer at excuse me po..” naputol kong pagpapaliwanag.

Nakita kong tumayo si Jayson at parang aalis. Sinundan ko naman siya ng aking tingin at nakitang may kinukuha na isang babasahin.

Hindi ako mapanatag kasi natatakot ako nab aka mawala ulit si Jayson kaya ang ginawa ko ay tumayo, kinuha ang isang posas at nilapitan siya.

“Oh para saan na man iyan?” Si jayson habang nakatingin sa akin na pinoposasan.

“Ayaw ko kasing mawala ka pa eh kaya pinosasan na kita”

Napatingin na lang sa akin si Jayson at nahalata kong nakatingin na rin ang kasama kong si Alex. Bumalik na rin ako sa table at pinagpatuloy ang aking trabaho.

“I see, kaya pala ayaw mo sa babae” mahinang sambit ni Alex

Ngumiti na lang ako sa naging reaksyon ni Alex.

“Pogi siya!” dagdag ni Alex

Pagkatapos ng aming trabaho ay pinuntahan ko si Jayson at kinuha ang posas.

Against All Odds 24

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Hindi makapaniwala si Dan na matapos niyang takbuhan lahat ng kaniyang nakaraan ay ito ngayon si Melvin sa kaniyang harapan, si Melvin na isa sa mga pasimuno sa pambubugbog sa kaniya at nanggagatong kay Dave, Mark at Mike upang ipagpatuloy ang panghahalay sa kaniya noong nakalipas niyang kaarawan mag-iisang taon na ang nakakaraan. Ipinikit ni Dan ang kaniyang mga mata, iniisip na guni-guni niya lang ito, na hindi totoong nanlalamig ngayon ang kaniyang buong katawan, na hindi siya ngayon pinagpapawisan ng malamig, na hindi siya ngayon makagalaw mula sa kaniyang kinatatayuan...


Na walang Melvin na nakatayo sa kaniyang harapan ngayon na nagmamakaawa na kausapin niya.

“Please, Dan.” lumuluha ng pagmamakaawa ni Melvin na siyang nagtulak kay Dan na idilat ang kaniyang mga mata.


“I-I n-need him---” simula ni Melvin na ikinataka ni Dan sa kabila ng ibayong takot na kaniyang nararamdaman.


“I-I n-never meant to push him away. I-I never meant to hurt him--- Please, Dan. Please--- He's all that I have left. I'm going to die without him. P-Please.” pagmamakaawa paring saad ni Melvin.

Against All Odds 23

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Nakapangalumbaba si Ryan malapit sa kinatatayuan ni Dan sa kanilang kusina habang pinapanood niya ang kamay nito sa paghahati ng mga kamatis na gagawin nitong sahog para sa nilulutong hapunan, pinapanood ang bawat pag-galaw ng mga daliri nito na miya mo makina dahil sa ganda ng presisyon. Wala sa sariling inabot ni Ryan ang kamay ni Dan, marahang inalis ang kutsilyo sa kamay nito at inilapit ang makinis at malambot nitong kamay sa kaniyang bibig at pinadampian ito ng kaniyang labi.

Hindi alam ni Ryan kung bakit pero tila ba ang bawat galaw ni Dan ay lalong nakakapagpaibig sa kaniya dito. Kahit gaano pa man kasimple ng kilos nito ay talaga namang napapamangha siya. Idadampi pa sana niya ang kaniyang mga labi sa likod ng kamay ni Dan nang may magsalita sa likod nilang dalawa.


“Geeeshhh! Let the guy cook breakfast first! We're going to starve to death if you keep on kissing his hands!” singhal ni Bryan sa may gawi ng pinto na agad namang ikinatalon ng dalawa palayo.


Alam naman nilang walang problema kay Bryan ang kanilang sekswalidad at ang possibleng pagkakaroon nila ng relasyon, ang tangi lang nilang naiisip na magiging problema ay ang posibilidad na pagka-asiwa nito sa oras na mahuli sila nitong naglalambingan. Ang ideya din ng pagkailang sa kanila ni Bryan ang nakikitang dahilan ng dalawa upang wag sabihin kay Bryan ang tungkol sa kanilang dalawa dahil wala mang tutol si Bryan sa kanilang sekswalidad at posibilidad na relasyon ay hindi naman nila alam ang limitasyon nito.


“I-I'm g-going to school. Bye. See you later guys.” nabubulol at nagmamadaling paalam ni Ryan sabay hapuhap ng lakad palabas ng front door na sa sobrang pagmamadali at dahil narin sa laki ng katawan ay nasagi ang mga bagay sa hallway palabas ng pinto.


Bago pa man isara ni ryan ang pinto sa kaniyang likod ay muli niyang nilingon si Dan at ang mukha nitong nagsasabi na “Iwan ba ako sa ere?” ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapahagikgik at mapangiti ng malaki sapagkat hindi niya mapigilang isipin kung gaano ka-cute ni Dan kahit pa pinandidilatan siya nito ng mata. Nang makita naman ni Dan ang pag-ngiti na ito ni Ryan ay hindi niya rin mapigilan ang sarili na mapangiti. Hindi nakaligtas ang namumula pang pisngi na pag-ngiti na ito ni Dan kay Bryan na hindi napigilan ang sarili na mapahagikgik, iniisip kung gaano ka-cheesy ng dalawa at kung gaanong kabilis na nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.

The Accidental Crossdresser 11

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Cmon Alexis? Wag mong sabihing hindi na ganun ka-intense ang panglaban mo sa alcohol?” wika nung Sam na nakasumbrero sabay offer sa akin na uminom ng pinakabago umanong drinks ng Bar 101.


Hindi naman ako lumaki sa bundok.... Ok lumaki ako sa bundok.


Hahahaha. Denial Queen lang ang peg? Chaka.


Lumaki ako sa bundok para magtraining at sanayin ang aking fighting skills. Doon rin sa isolated na bundok na iyon ay may isang pribadong building na pagmamay-ari  ng Black Society, doon kami nag-aral ng parehong mga aralin na natutunan ng ibang ordinaryong bata sa isang normal na paaralan.


Kaya naman ng bumaba na sila dito ay daig pa nila ang mga sopistikadong mga tao sa kanilang mga natutunan. Bumaba sila mula sa kanilang training ground ng handa at bagong tao. Wala silang record sa NSO o sa anupamang ahensya ng gobyerno. Ang kanilang apelyido ay pinalitan ni Gustav Robredo, ang kanilang Master Black. Kaya naman napakadali lang sa kanila ang magpalit ng katauhan kung kinakailanagn ito sa isang misyon. Documents can be forged.


Kinuha ko ang inumin na inaalok sa akin at sinimsim ko ng kaunti gamit ang straw.


“That’s my girl...” excited na cheer nito sa akin.


Pinakiramdaman ko ang iniinom kong alak. Sabi ko na nga ba... may inihalo silang kakaiba sa iniinom ko. Pumupunta rin naman ako sa mga bar yun nga lang ay hindi ako naglalalabas dito sa Ilocos dahil narito nga ang Black Society, mas maiigi na walang nakakakilala sa kanya sa lugar kung saan siyanag nagta-trabaho. He treated Ilocos Norte as his personal work space... no extra monkey business. Saka ko lamang nagagawa ang ginagawa ng normal na tao sa mga lugar kung saan ako nadedestino para sa isang misyon.

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 09

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Pagpasok ko ng CR ay biglang nanilim ang aking paningin.

“PHILIP!!!”

Nakita kong nakahandusay si Philip sa sahig.

“Prince ano ang nangyari?”

“Kuya biglang hinimatay si Philip”

Dali-dali kong pinuntahan si Philip at binuhat.

“Kuya ako na ang bubuhat sa kanya”

“Hindi. Ako na! Bumalik ka na sa classroom at pagsabihan moa ng iyong professor na mayroong emergency at kailangan ni Mr. Silverio ang tulong ng University Physician.”

Mabilisan akong lumabas ng CR habang bitbit si Philip. Medyo malayo-layo ang clinic sa kinaroroonan ng pangyayari pero tiniis ko ito. Kahit mabigat si Philip pero kailangan niya ng tulong.

Nakita kong maraming tao ang nakatingin sa amin pero hindi ko na iyon inintindi. Pagkarating namin sa clinic.

“Sir ihiga niyo nalang po siya sa examiner’s table”

“Okay nurse, asan ba  si Dr. Marancillo?”

“Sandali lang sir at may kinuha pang gamit sa kabilang kwarto”

Umalis na rin ang nurse at ngayon ko lang narealize na basang-basa si Philip. Hinubad ko ang kanyang pang-itaas na uniform. Wala akong makitang bagay na pwede kong gamitin para matuyo ang basang katawan ni Philip kaya inisip ko nalang na hubarin ang aking polo.

Open Relationship 10

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Kung magpapakita ba ako ay malalaman ko ang dahilan ng pagkikita nila? Magiging bukas ba akong tanggapin kung anuman ang idadahilan niya o mananatiling maniniwala ako kung ano ang gusto kong paniniwala. Kung magpapakita ba ako, hindi ba siya tutuloy sa pagsama sa ex niya? Paano kung lalo lang magkagulo at manaig ang galit? Paano kung may masabi akong maaring pagsisisihan ko pagkatapos bumaba ang galit ko? Paano kung may magawa akong maaring dahilan ng tuluyang ikabagsak ng aking pagkatao? Alam ko, galit na galit ako at ang taong galit ay hindi marunong makinig. Ang taong nasa mainit na emosyon ay tanging sariling dahilan ang ipaglalaban. Kaya nga hinayaan ko na lamang siyang sumama sa ex niya. Hindi ako nagkalakas loob dahil siguro sa akin din naman nanggaling ang Open Relationship na siya naming sinusunod ngayon. Hindi ko iyon nabawi, hindi ko naipaliwanag na siya ay akin lang at ako ay sa kaniya na lamang. Ngunit nasa rules naman naming na kung may gagawin siya ay kailangan niyang ipaalam sa akin. Sa anong dahilan at kailangan pa niyang ilihim sa akin ang lahat?
Mapapalampas ko pa sana ang lahat kung nakita kong nag-usap lang sila sa starbucks at hindi na umalis pa. Mas gusto ko yung nakikita sila na kahit pa siguro magyakapan pa huwag lang iyong tuluyan silang umalis na hindi ko alam kung ano pa ang ginawa pagkatapos nilang lisanin ang mall. Iba ang iniisip kong ginawa nila.
Nagdesisyon akong mali ngang magtiwala pa akong muli. Maling umasang siya na nga ang para sa akin. Ilang beses na ba akong umasa? Ilang beses nang nagmahal at nagtiwala ngunit bakit wala akong kadala-dala. Tuluyan na ngang sinira ni Jinx ang tiwala ko. May bakla pa bang mananatiling tapat sa isang karelasyon lang?
Nakasakay na ako noon sa kotse ko ngunit nagpupuyos parin ako sa galit. Gusto kong isambulat ang galit na iyon sa kaniya. Gusto kong malaman niya ang sakit ng ginawa niya sa akin. Kinuha ko ang celphone ko… nagdial..

Open Relationship 09

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


-------------------------------------------
Clyde's Point of View
-------------------------------------------

                Iba siya. Nararamdaman ko ang init at sarap ng pagtatalik. Parang sabay kaming sumasaliw sa kakaibang ritmo ng sex. Nang hinalikan niya ako sa labi, dumaan sa aking leeg hanggang sa masuyo niyang dinilaan ang aking dibdib na tumagal sa aking utong ay parang tuluyan niyang sinakop ang aking pagsamba. Habang hinahaplos niya ang aking buong katawan na parang dinadamdam niya ang bawat anggulo nito ay sinusuyod ng kaniyang dila hanggang sa umabot ito doon. Parang sasabog ako sa sarap ng kaniyang ginagawa nang parang ginawa niyang lollipop ang aking kargada. Napapamura ako sa sarap. Nanginginig ang aking kalamnan at halos maputulan ako ng hininga sa kakaiba nitong paghagod. Dahil hindi ako sanay na ako lang ang pinaliligaya ay binago ko ang aking posisyon. Ako man din ay humaplos sa maumbok niyang dibdib na bumaba sa medyo mabuhok niyang tiyan. Naglakbay ang aking dila hanggang sa narrating nito ang pinamaselang bahagi ng kaniyang kaligayahan. Nang isubo ko ito ay ramdam ko ang kakaiba nitong laki at nang sinubukan kong isubo hanggang sa aking lalamunan ay halos mabilaukan ako. Ginawa ko ang sarap ng ginagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang binti at ang malalim niyang paghinga na katulad ko ay doon na lamang nailalabas ang kakaibang nalalasap na kakaibang ritmo. At ilang sandali pa ay sabay naming pinakawalan ang katas ng ligaya.
Hindi siya katulad ng iba kong nakatalik na pagkatapos may mangyari ay saka magpaparinig ng mga gusto niyang gamit. Hindi rin siya yung tipong pagkatapos ang kaligayahang pinagsaluhan ay bigla kang tutulugan o biglang magbibihis at hindi na muli pang magparamdam. Isang masarap na halik ang kinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. Hindi maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatitig siya sa aking mga mata. Hindi siya nagsasalita ngunit dama ko ang ligaya niya. Dama ang pagiging totoo ng kaniyang haplos sa aking katawan na katulad din niya ay tanging kumot ang tanging nakabalot sa aming kahubdan.

Open Relationship 08

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


------------------------------------
Clyde’s Point of View
------------------------------------

                Pagdating kay Jinx, natorpe ako. Wala akong maisip na sabihin at hindi ko alam kung paano ko simulan ang pag-uusap. Nagsimula akong matakot dahil alam ko na kapag ganoon ako ay iisa lang ang ibig sabihin no’n, gusto ko siya. Ouch! Mali, mahal ko na yata siya. Mahal agad? Bakit? Wala bang love at first sight? Landi lang. Kilig much! Nagsimula na din akong pagpawisan kahit pa tinodo ko na ang aircon ng aking kotse. Siya man din ay parang natameme nang pasakay na siya.
            “Musta?” hindi ko natiis na pagtatanong dahil nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.
            “Okey lang.” matipid din niyang sagot.
            Katahimikan. Di ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Nilingon ko siya. Nagkatinginan kami. Ngumiti. Natunaw ako sa ngiting iyon at minabuti kong ituon ang aking mata sa daan dahil baka himatayin ako at bumangga kami.
                “Masyadong tahimik ah.” Pambabasag niya sa nakakabinging katahimikan.
                Nilingon ko muli siya. Ngumiti na naman ng tipid at nang nagtama ang aming mga mata ay ako na naman ang unang nagbaba. Ngunit nagmarka na naman sa aking utak ang matamis niyang ngiti. Nanlamig ang aking mga daliri. May kakaibang tama sa akin ang kaniyang tingin at ngiti.
                “Hindi naman siguro puwedeng magngitian na lamang tayo magdamag. Nasaan na yung makulit kanina sa chat na Clyde?”
            “Makulit ba ako kanina? Hindi kaya.”
            “O, sige, hindi ka na makulit. Baka naman puwedeng magkuwento ka nang hindi ako naaalangan.” Sadya sigurong sanay siya sa mga ganitong unang pakikipagkita kaya ako ang parang naninibago. Sanay din naman ako kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natatameme ako.

Open Relationship 07

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


--------------------------------
Clyde’s Point of View
--------------------------------

Marami ang katulad ko na kahit angkin ang kaguwapuhan ay hindi naiiwasang napaglalaruan parin ng tadhana. Kung ang katulad ko ay nasasawi sa pag-ibig, paano pa kaya ang mga ibang pinagkaitan ng pisikal na kalamangan? Ngunit hindi dahil may hitsura ka, may lisensiya ka na para hindi masawi sa pag-ibig. Hindi dahil guwapo ka, may karapatan ka na para sugatan ang puso ng mga dumating at nagmahal sa iyo ng tapat. Sa pag-ibig, lahat tayo ay pantay-pantay. Lahat ay nasasaktan, lahat ay maaring mapaglaruan ngunit naniniwala pa rin ako na may darating na para sa akin. Isang taong tuluyang magpapalimot sa akin sa mga dalawang nauna kong sawing pag-ibig.
Dumaan pa ang higit isang taon na hanggang sa dumating ang buhay ko si Lloyd. Nakilala ko siya sa isang gay bar. Hindi siya macho dancer o callboy. Isa siya sa mga katulad kong nagpapalipas ng oras o kaya ay kung may magpor-kilo na gusto ay titikim lang at hanggang kama lang… kinaumagahan, wala na… tapos na… Iyon ang alam kong laro sa mundo ng mga alanganin lalo na yaong mga sunud-sunod na nasaktan sa pag-ibig.
                Ngunit sa gabing iyon ay hindi ang mga naroong nagtitinda ang aming napansin. Kaming kapwa parokyano doon ang nagkatitigan. Nagkakuwentuhan. Hanggang napagdesisyonan naming lumabas at kumain. Halos buong gabi kaming nagkakuwentuhan hanggang sa dumako ang usapan namin sa mga karanasan sa buhay. Tulad ko, dumaan din siya sa mga masasakit at masalimuot na kuwento ng alanganing pag-ibig at bago magbukangliwayway ay magkayakap at magkahinang na ang aming mga labi.

Open Relationship 06

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


-------------------------------
Jinx Point of View
-------------------------------

Sampung oras ang naging biyahe namin mula Manila hanggang Tuguegarao. Napakabigat ng nararamdaman ko na kahit nakapatay na ang ilaw sa buong bus ay hindi parin ako mapakali o kahit ipikit lang sana ang aking mga mata.

“Hindi ka din makatulog?” tanong sa akin ng katabi kong nagpakilalang si Aris.

“Hindi ho. Nakaparami kasing nangyari sa Linggong ito. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.” Napabuntong- hininga ako.

“Gusto mo bang ikuwento sa akin. Minsan nakakatulong sa iyo na sabihin sa iba ang pinagdadaanan mo.”

At dahil doon ay parang matagal ko na siyang kilala. Nagawa kong ikuwento ang lahat ng nangyari. Tanging malalim na hininga ang naisukli niya sa akin sa tuwing humihinto ako at punasan ang aking mga luha.

“Ganoon talaga ang buhay. Kailangan mong tibayan ang iyong kalooban. Masasaktan ka ngunit kung malagpasan mo ang lahat ng iyan ay mas magiging matibay ka. Bata ka pa, marami ka pang pagdadaanan at sabihin ko sa’yo lahat ng mga nangyari ngayon ay isang pilat na lang sa’yo sa pagdating ng panahon. Sana ang mga sugat na iyan ay hayaan mo munang gumaling at kailangan mong tulungan ang iyong sarili. Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa mundo. Marami tayo. Hindi lang ikaw ang nawalan, kasama din ako doon ngunit kailangan nating ipagpatuloy ang buhay at lumaban para sa kanilang pumanaw na.”

Desert Diary Story 15: Ang Mga Real Estate Agents

Desert Diary Story 15 - Ang Mga Real Estate Agents
Ni Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com]
Blog: desert-diaries.blogspot.com


Tuwang tuwa ako dahil ibibigay na ng Company ko ang aking housing allowance. Kaya nga lang, dapat makakita muna ako ng malilipatang bahay bago ko ito makukuha. Wala akong kakilala sa Al Khobar kaya mag isa akong naghanap ng Real Estate. Mukhang susuko na rin ako sa huli dahil 2 linggo na ay wala pa rin akong nakitang bahay. Kung meron may ay hindi ko naman type dahil napakaliit, napakadumi, maraming ipis.

Buti na lang ay may nag volunteer na magmaneho sa akin. Si Mishal, mabait naman itong arabo na ito ngunit hindi ko talaga siya type. Bukod sa mataba, maliit ang kanya ay marami pa itong sabit dahil kabi kabilaan ang mga bading, kaya nga lang galante ang lolo ninyo. Since wala naman kaming relasyon, at siya ang nag volunteer na ipagmaneho ako, hindi na rin ako pumalag. Mahal din ang mag taxi kaya okay na lang rin.

Pumarada kami sa isang real estate sa may 23rd Street. Maganda gusali nang opisina.

“Call me when you’re done, I don’t want them to see me” sabi ni Mishal bago niya ako binaba sa harap ng real estate.

Tumango lang ako at dali daling bumaba. Pumasok ako ng real estate office.

“Assalam mulaikum” pagbati ko sa isang arabong nagbabantay. Tiningnan ko ang karatula, Bashar Al Khudairi, aba mudir (Manager) pala. Pero ang bata

“Walaikom Assalam, Abdullah” sagot ng arabo.

Cute sya kung tutuusin. Siguro mga 22 – 23 years old lang siya. Maganda ang mata, ang pilik mata nito ay maganda din, perfect ang ilong, perfect ang ngipin at pulang pula ang labi. Kaya nga lang naka thobe kaya hindi ko masyadong makita kung maganda ang katawan. Actually may kahawig na artista, kung wala lang sanang gutra (headdress) ay baka ma kita ko pa ang similarity nito sa artista.

“My friend, I’m looking for a bachelor’s flat”

“Okay, tell me your spex so I can search a flat for you”