Showing posts with label MRT. Show all posts
Showing posts with label MRT. Show all posts

Wednesday, January 2, 2013

MRT (Finale)

by: unbroken

Nakita ko ang pagiba ng mood ni Rex sa pangalang narinig. Maging si Choi ay biglang natameme. Nakakapagtaka lang.

“Ready na kayo boys?” tanong ko.

“Sana nga ready kami.” mahinang bulong ni Rex.

“Ha? Bakit? Anything wrong? Bakit bigla kayong natahimik na dalawa?” nagtataka kong tanong.

“Wala naman. May naalala lang ako sa pangalan na yun.” sagot ni Choi.

“Ako din.” dagdag pa ni Rex.

“Oel? O sya sige. Lumakad na tayo papunta sa may swing na lagi naming tinatambayan ng ex ko. C'mon boys,Let's rock.” sabi kong masigla.

Malamig na mga ngiti ang isinukli sa akin ng dalawa. Hindi ko alam kung bakit o paano o ano ba talagang nangyari,pero malamang sa alamang,may nagaganap na hindi ko alam. Binaybay namin ang kahabaan ng parke. Masigla kaming pinapanuod ng mga langaylangyang bumabagtas sa kulay pulang langit. Ramdam mo ang kapayapaang dala ng mga ito. Iba talaga ang kapangyarihan ng kalikasan.

MRT (07-09)

by: unbroken

“Errr,kasi naman Rex. Please?” kinakabahan kong tanong.

“Di ko alam Rob. Pwede bang kumuha ka nalang ng iba?” naiinis na sabi nito.

“Eh sino naman? Alam mo naman na di ako gala eh. Kayo lang ni Choi ang believable na pwede kong maging BF. Please naman Rex oh?” naglalambing kong sabi.

“Bakit naman kasi si Choi pa? Di ako alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pwede namang hindi na si Choi.”

“Eh kasi,ano ba?” nauutal kong sagot.

“Bakit? Gusto mo din ba si Choi? Ha?”

MRT (04-06)

by: unbroken

“Ano na? Sagutin nyo ako! Magkakilala ba kayo?” nalilito kong sabi.

Tila natameme ang dalawa. Nagulat sa mga nangyayari. Halata sa mukha nila ang matinding emosyon hindi ko mawari kung ano. Galit ba sila sa isa't-isa? Ano ba?

“Rob,tara na. Umalis na tayo.” sabi ni Rex.

“Huh? Okay.” sabi kong natataranta na rin.

“Tara na. Baka ano pa magawa ko sa lalaking yan.” gigil na sabi ni Rex.

Ay Ante,afraid ako.

Hinatak ni Rex ang braso ko. Madiin. Dominante. Nakakatakot. Nakatitig si Choi na parang natulala na ewan. Ano ba talaga to? Bakit ganito? Sino sila? Ano ang koneksyon nila sa isa't isa. Bakit parang nagiging sandwich na ako sa kanilang dalawa?

MRT (01-03)

by: unbroken

“Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”

Lagi na namang nageecho sa aking mga tainga ang mga salitang yan. Sa tuwing naalala ko yan,hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Nakita ng parkeng iyon kung paano ako lumuha, nasaksihan ng swing ang matitinding emosyon na pinakawalan namin, piping tagamasid ang mga puno sa paligid nito. Makalipas ang ilang taon ay nandun pa rin ang sakit,iniinda ko pa rin ang tila kutsilyong nakatarak sa puso ko ang mga salitang sumira at bumago ng buhay ko.

“I can’t be with you anymore.”

“Sorry.”