Showing posts with label 9 Mornings. Show all posts
Showing posts with label 9 Mornings. Show all posts

Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (Finale)

by: Zildjian

December 23 ang ika walong simbang gabi. Puno ng pag-asa, pag-papatawad at pasasalamat ang simbang gabi na iyon para sa akin, kay Claude at Alfie. Ramdam ko sa mga oras na iyon ang sobrang gaan ng pakiramdam dahil sa wakas napakawalan ko na rin ang lahat ng anu mang galit na meron ako mula sa aking nakaraan.

Ito siguro ang ibig sabihin sa akin ni mama noon. Kung bakit gusto nyang ibalik ko ang aking loob sa diyos na tanging lumikha para siguro matutunan ng puso ko ang bumitaw sa galit na nabuo dahil sa mga masasamang nangyari noon.

9 Mornings (19)

by: Zildjian

“Mabuti naman at dumating kayo.” Ang bungad sa amin ni Red na nakangiti. Kadarating lang namin ni Claude sa bahay nila kung saan gaganapin ang party.

“Pasensya na, medyo na mawala kami sa binigay na instruction ni Chad.” Ang tugon naman ni Claude dito.

“Sakto lang naman kadarating lang din nina Ace at Rome. Pasok kayo.” At binigyan daan kami nitong makapasok sa gate nila.

Malakas ang tugtog at halatang nagkakasayahan ang mga tao sa loob kaya medyo nag-alangan akong pumasok. Dahil sa magkahawak kamay kami ni Claude ay wala na akong nagawa kung hindi ang mapasunod sa kanya.

9 Mornings (18)

by: Zildjian

Pasado ala-sais ng sunduin ako ni Claude. Matapos naming magusap ng taong tumawag sa akin ay hindi na ako napakali. Takot at pagkabigo ang naramdaman ko sa mga sinabi nito.

“Iniwan lang kita nang mahigit apat na oras nag iba na ang aura mo. May problema ba misis?” Ang pagpansin sa akin ni Claude. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa mall kung saan balak naming mamili. Sakto namang ka rerelease lang ng Christmas bonus namin noong fifteen.

Gusto pa sana akong pigilan ng aking mga katrabaho na huwag lang munang umalis mabuti nalang at tinulungan ako ni Pat. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanila na may balak akong mag shopping pero ang alam lang nila ay ako lang mag-isa.

9 Mornings (17)

by: Zildjian

Destiny really has its funny way to manipulate two lost hearts. Sino ang mag-aakalang mangyayari ang lahat ng ito na kung kelan isinuko ko na ang nararamdaman ko at handa nang kalimutan ang lahat ay narito’t katabi ko ang taong minahal ko nang lubos. Ang maamo nitong mukha, ang pagdidikit ng mga balat namin, ang kanyang mga halik na pinagsaluhan namin kani-kanina lang ay ang mga bagay na hindi ko akalain na makikita at mararamdaman ko pa ulit. Ang brutal noh? Kailangan ka pang masaktan, magdusa, masiraan ng bait bago ka sumaya.

Sa dami nang bagay na nangyari sa amin ito kami ngayon na parehong makikita sa mga mukha ang kasayahan na animoy walang may pinagdaanang bagyo. Pero, hindi pa dito natatapos ang storya namin dahil marami pang bagay ang hindi pa naaayos at hindi ko alam kung maayos ko pa. Sinayang ko ang anim na taon sa pag-i-emo at pagluluksa sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.

9 Mornings (16)

by: Zildjian

Ipinagpatuloy namin ang gabi ni Claude. Alam ko sa sarili kong mahal ko parin sya, pero natatakot ako na baka pag-tuluyan akong bumigay sa nararamdaman ko para sa kanya ay masaktan lang ulit ako, kami. Fragile masyado ang relasyon namin ngayon ni Claude lalo pa’t alam namin na pareho kaming may pagkakamali noon. Paano kung maulit ang pagkakamaling iyon? Kaya na ba naming panindigan ang isa’t isa? Konteng panahon, yon ang kailangan namin para makilala ulit ang isa’t isa dahil sa anim na taon naming paghihiwalay alam kong maraming nagbago sa amin hindi lang sa pisikal na anyo kung hindi pati na rin sa ugali.

9 Mornings (15)

by: Zildjian

“Ano ba! May kamay ako, kaya kong mag lagay ng seat belt magisa!”

“Easy! Akala ko kasi hindi ka sanay na nagseseat belt since wala ka namang kotse.”

May pagkamayabang talaga ang taong ito. Kung hindi lang ako natatakot na masira ang reputasyon ko bilang guro talagang hinding hindi ako makikipagusap sa kanya. Ewan ko rin sa baliw kong puso na wala nanamang humapay sa pagkabog. Maybe because i miss this attitude of him pero hindi, ipinangako ko na hinding hindi na ako aasa pa sa kanya.

9 Mornings (14)

by: Zildjian

Parang apoy na biglang lumiyab ang galit sa aking buong katawan ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ngayon ng bahay ko. Bumilis ang pagtibok ng aking puso marahil ay dala ng sobrang pangigigil. Nakatunghay lang sya sa akin na para bang hinihintay akong lumapit sa kanya.

Muli kong naalala ang mga mapapait na mga sinabi nito sa akin. Ang aking naging pangako sa sarili na hinding hindi na ako magpapaapekto sa kanya. I composed myself at tinatagan ang aking loob. Ngayon ko sisimulan ang katuparan ng pangako ko sa sarili.

Kakaiba ang mga tingin nya ngayon kahit may galit parin sa mukha nito ay hindi na ganun katindi. Hindi ako nagpatalo sa pakikipagtitigan nya hanggang sa makalapit ako sa kanya. Muntik pa akong mapasinghap ng makitang may pasa sa gilid ng kanyang labi. Hindi rin makakailang kagagaling lang nito sa isang inuman dahil amoy ko pa pag singaw ng alak sa katawan nito.

9 Mornings (13)

by: Zildjian

Walang Louisa akong nakita sa pang apat na simbang gabing iyon. Mabuti na rin siguro para makaiwas sa kung ano mang pweding mapagusapan tungkol kay Claude. Nakapag desisyon na akong tuluyang kalimutan ang damdamin ko para sa kapatid nya. Alam ko rin na may nalalaman si Louisa sa aking nakaraan base na rin sa ekspresyon ng mukha nito nang ipakilala nya kami ni Claude.

Natapos ang simbang gabi na iyon na tulad ng dati ay wala akong ni isa manlang na naintindihan sa mga sinabi nang pari. Wala rin akong makapang dahilan kong bakit kailangan ko pang magsimba gayong wala rin lang naman sa misa ang isip ko lalo lang akong nagkakasala sa panginoon sa ginagawa ko.

9 Mornings (12)

by: Zildjian

“So, how did you know each other?” Ang tanong ni Chad nang makaupo kami ni Claude sa pangdalawahang mesa malayo sa mga tao. Sineryoso talaga nito ang sinabi nang kanyang asawa na hanapan kami nang magandang puwesto.

Medyo umaambon sa mga oras na iyon ngunit hindi ito naging dahilan para mapigilan ang mga taong abala sa pamimili nang kung anu-ano para sa darating na pasko. Heavy traffic at puno nang mamimili ang mga gilid ng kalsada syempre dahil may Christmas bunos kaya sinasagad ang pamimili.

Tiningnan lang ito ni Claude gamit ang mga mata nito na walang ekspresyon na makikita. Even so, sya pa rin ang Claude na nakilala ko six years ago. Makisig parin ito kahit walang makikitang kong anu sa maamo nitong mukha.

9 Mornings (11)

by: Zildjian

Katatapos ko lang maibaba ang tawag na iyon ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng aking puso hindi ko alam kong para saan, gulong-gulo masyado ang isip ko. Napaupo ako sa upuan na malapit sa mesa kung nasaan ang telepono. Literal ang panginginig ng aking kamay. Bakit ganito? Akala ko ba tuluyan na akong nakatakas sa nakaraan. Di ko maiwasang maitanong sa aking sarili nagpakahirap ako sa loob ng anim na taon pinilit kong makabangon, pero bakit ganito? bakit sila nag babalik?

Kahit na anong pigil ko sa aking sarili hindi ko parin mapigilan ang aking damdamin. Kung tutuusin dapat tapos na ito, dapat wala na akong nararamdaman ngayon. Hindi ngaba’t pinilit kong itapon ang damdaming iyon?

9 Mornings (07)

by: Zildjian

Nasa loob na ako nang aking bahay hindi pa rin maintindihan ang patuloy na pagbabalik ng mga ala-ala nang nakaraan. Kahit ilang taon na ang lumipas ay heto’t parang video pa ring umaandar sa aking utak ang mga nangyari. Para bang sinasadya ko itong maalala na hindi naman talaga dahil kusa nalang itong bumabalik sa akin.

Pabagsak akong naupo sa sofa walang lakas at napatingala sa kisame nang aking bahay. Ano ba itong nangyayari sa akin? Ang naitanong ko nang pabulong sa aking sarili. Gulong-gulo ang aking isip sa mga nangyayari kung bakit hindi ko pa rin matakasan ang nakaraan. Totoo, may pananabik akong makitang muli si Claude, ito ba ang dahilan kung bakit kusang bumabalik ang mga ala-ala ko sa nakaraan? Hindi pa ba nakakalimutan ng puso ko ang pagmamahal ko noon sa kanya, hindi pa ba ako nadala?

9 Mornings (10)

by: Zildjian

Halos bawian ako nang lakas nang makita ko ang sinasabing kapatid ni Louisa. Para akong nakakita nang multo. Magkahalong takot at pangungulila ang aking naramdaman ni hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang aking dalang payong.

Hindi pa rin nag bago ang taong hanggang ngayon ay laman parin ng aking puso’t isipan. Kung may nag bago man sa kanya ay ang style nang kanyang buhok. Ang pabango, tindig at hitchura nito ay ganun parin. He still has the power to make my heart beat fast. Hindi nito tinanggal ang kanyang mga tingin sa akin na mas lalo ko namang ikinataranta.

9 Mornings (09)

by: Zildjian

Past

Ngayon ko lang napagtantong matampuhin pala si Claude na iintindihan ko naman ito. Sino ba naman ang hindi magtatampo kong ang partner mo mismo ang nag-deny sayo. Akala ko kanina nang makalabas kami nang eskwelahan at makasakay sa kotse nito ay okey na ang lahat, pero nasa byahe na kami ay wala pa rin itong imik sa akin. Hindi ko naman magawang kausapin o magsimula nang usapan dahil na gi-guilty ako sa ginawa ko. Alam kong mali na i-deny ko sya sa harapan ng mga barkada nya kung saan lagi nyang ipinag yayabang ang pagiging mag on namin.

9 Mornings (08)

by: Zildjian

Sa mga ala-alang nagbabalik ngayon sa akin ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. May kung anong damdamin ang muling bumabalik sa akin na matagal ko nang kinalimutan. Pilit kong iniwaksi pero kusa itong bumabalik sa di malamang dahilan.

Pangatlong simbang gabi na. Mas lalong naging malamig ang hangin dala nang amihan. Habang naglalakad papuntang simbahan na may dalayang kulay itim na payong dahil sa umaambon ay kita ko ang mga kabahayang may mga nagkikislapang palamuti na makikita lamang tuwing buwan ng December. Naitutok ko ang aking tingin sa isang puting bahay na ang Christmas tree nila ay nasa labas. Hindi ko pa pala naitatayo ang Christmas Tree. Pabulong kong sabi sabay bigay ng isang malalim na buntong hininga.

9 Mornings (06)

by: Zildjian

Katatapos lang nang huling exam ko abala ako sa pagche-check sa loob nang faculty room habang ang iba kong kasama ay nasa kani-kanilang last subject pa. Napatingin ako sa relo. Mag aalas syete na pala. Sabi ko sabay nang pagkalam ng tyan ko.

Sinikap ko munang tapusin ang natitirang sampong papel na hindi ko pa nagagalaw bago nag decide na umuwi na. Gusto ko nang kumain at magpahinga dahil sa wala pa talaga akong tulog sa araw na iyon sinadya ko talagang maging busy para makalimutan ko ang lahat nang bumabagabag sa akin.

Nang nasahuling test booklet na ako at malapit ko nang matapos ay saka naman ang pagpasok ni Pat, nakangiti ito sa akin.

9 Mornings (05)

by: Zildjian

Para akong tinuklaw ng ahas nang makita ko ang oras sa wall clock. Sampong minuto nalang at mag aalas dyes na sobrang late na ako. Napa balikwas ako sa aking kama at mabilisang tinungo ang palikuran.

“Hindi ka na ba magaalmusal muna nak?” Ang sabi ni mama nang makita akong parang hangin na nagmamadaling bumababa nang hagdan.

Late na akong nakatulog sa sobrang pag-iisip sa mga nangyari kahapon sa amin ni Claude. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nito sa akin.

“Hindi na ma, masyado na po akong late, bakit kasi hindi nyo ako ginising?” Paninisi ko sa kanya.

9 Mornings (04)

by: Zildjian

“Ano ang order mo Rence?” Tanong sa akin ni Pat ng makaupo kami sa dalawang mesa na pinagdikit para magkasya sa aming anim. Hinintay talaga ako nito na matapos ang huling exam ko sa umaga bago kami tumungo sa isang food chain kasama ang iba pang members ng faculty na naging  mga kaibigan ko na rin.

“Kayo?” Baling ko sa aming mga kasama.

“Wag na kayong mahiya treat ko tutal birthday ko naman.” Nakangiti nitong wika sa amin.

Um-oder na nga ang mga kasama namin ng kani-kanilang pagkain habang si Pat na ang pinag decide ko kung anong pagkain ang gusto ko. Hindi naman talaga ako pihikan sa pagkain wag lang yung mga sea-foods na hindi kaya nang katawan ko.

9 Mornings (03)

by: Zildjian

Nang makauwi ako sa bahay na tinutuluyan ko ngayon ay agad na akong naghanda nang almusal. Sobrang lungkot talaga pag  nag-iisa ka wala kang makausap, wala kang mapagkwentohan ng problema. Sabi nila masaya ang pasko pero sa nag daang mga pasko ay hindi ako naging masaya. Bawat pasko ay naaalala ko ang mga nang yari sa nakaraan na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko magawa.

Nagprito lang ako nang hot dog at itlog para gawin palaman sa binili kong tinapay kanina bago ako umuwi galing simbahan mag-isa akong kumain habang nagiisip. Totoo pala talaga ang sabi nila napakahirap mag-isa.

9 Mornings (02)

by: Zildjian

Sa nang yaring iyon ay araw-araw na akong laging binabagabag. Gusto kong magalit sa kanya sa ginawa nyang pangtritrip sa akin inisip ko na sumobra na ito ngunit kalahati naman ng puso ko ay nagustohan ang ginawa nya.

Hindi ko sinabi sa aking pinsan ang nangyari sa amin ng kaibigan ng boyfriend nya kinimkim ko lang ito. Mula din noon ay iniwasan ko na talaga ang pagtatagpo namin ng landas ni Claude maski ang pinsan ko ay dinamay ko na dahil alam ko naman na tropa ng boyfriend nito ang taong ayaw kong makita at makausap. Alam kong nagtatampo na sa akin si Ralf pero pinanindigan ko ang desisyon kong umiwas kay Claude.

9 Mornings (01)

by: Zildjian

Kring! Kring! Kring!!

Ang malakas na tunog ng aking alarm clock inabot ko ito para patayin at dahan-dahang bumangon. Ito pala ang unang simbang gabi. Ang nasabi ko sa aking sarili habang pupungas-pungas. Nang buksan ko ang bintana ay agad na sumalobong sa akin ang lamig ng gabi dala nang hanging amihan.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Tiniis ko ang lamig dahil ayaw ko namang mangamoy laway ako sa loob ng simbahan.

Matagal ko nang nakalimutan ang magsimba ngunit dahil na rin sa panunudyo ni mama ay pinilit kong muling subukan. Gusto ko rin kasing magpasalamat sa mga blessings na natanggap ko sa mga nag daang taon.