Wednesday, February 6, 2013

Tubero

Tubero


Sa tuwing magigising ako sa umaga ay agad banyo ang tungo ko upang maligo at magbawas na rin kung nararamdaman ko na rin ang tawag ng kalikasan. Subalit isang umaga ay nagulat ako ng i-flush ko ang toilet bowl matapos akong jumingle. Hindi na kasi tumigil sa pagbuhos ang tubig. Binuksan ko ang cover ng lalagyan ng tubig subalit hindi ko malaman kung bakit patuloy pa rin ang pagbuhos ng tubig kahit lumapat na ang bilog na rubber sa loob nito. Kaya minabuti ko na lamang pihitin pasara ang maliit na tubong pinanggagalingan ng tubig.

Agad din akong tumapat sa may shower at inalis ang suot kong boxer shorts at biglang kong binuksan ang shower. Dahil sa inis ko sa nangyari sa toilet bowl ay napalakas ang pagpihit ko sa bukasan ng shower. Tumilamsik ito at sumirit doon ang tubig sa halip na sa shower head. Hindi ko na ito napatigil pa. Kaya naman isinara ko na lamang ang pinaka-gate valve ng tubig sa harap ng aking apartment. Nakatapis lamang ako noon ng tuwalya habang isinasara ko ang pihitan. Hindi ko napansin na yung nasa ikalawang pinto ng apartment ay inilabas na ang kotse nya. Habang isinasara muli ang gate nila ay nakatingin sa akin. Noon ko napansin na nakabuyangyang pala ang aking manoy Mukhang natuwa siya sa kanyang nakita dahil nakangiti siya sa akin ng mapansin ko siya. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip ay pumasok na muli ako sa loob ng bahay. Eh ano ngayon kung nakita niya ang sa akin. Meron din naman siyang tulad ng sa akin.

The Jaguar Adventures of Jorge: Dalawang Minuto Lang

The Jaguar Adventures of Jorge: Dalawang Minuto Lang


Si Albert ang nagmulat kay Jorge sa tunay nitong pagkatao. Namulat na si Jorge sa katotohanan na hindi nga siya pangkaraniwang lalaki. Lahat ng katangian na hahanapin ng isang babae sa isang lalaki ay makikita sa panlabas na anyo ni Jorge. Matangkad, moreno, gwapo at higit sa lahat maganda ang pangangatawan ni Jorge. Subalit may damdamin siyang tulad naman ng isang babae na naa-attract din sa isang tulad niya.

Isang gabi ay parang nagsawa na sa panood ng TV at paglalaro ng computer games si Jorge. Kaya naman minabuti niyang lumabas ng bahay at maglakad-lakad. Tinahak niya ang daan patungo sa maliit na park ng subdivision nila. Sa kanyang paglalakad ay nabigla siya ng may sumabay sa kanya na isang naka-bike.

“Saan ang punta natin?” ang tanong ng naka-bike na maukhaan niyang si Chief, ang kasamahan ni Albert.

“O Chief, ikaw pala. Nakakainip sa bahay kaya naglalakad-lakad muna ako papunta sa park.” ang tugon ni Jorge.

“Bakit hindi mo tinawag si Albert para pang-alis ng inip mo?” ang tanong ni Chief na tila may ibang kahulugan ang dating kay Jorge.

“Ah…. Eh……. Umuwi po yata sya sa inuupahan niyang bahay.” ang tugon naman ni Jorge.

The Jaguar Adventures of Jorge: Ang Pagkamulat

The Jaguar Adventures of Jorge: Ang Pagkamulat


“Mama, ito na po ba ang bago nating bahay?” ang naitanong ni Jorge sa kanyang ina sa pagbaba nila sa kotse sa harap ng isang bago at malaking bahay.

“Oo anak. Ito yung nabili namin ng Papa mo bago siya bumalik sa Dubai.” ang sagot naman ng ina ni Jorge.

Sinalubong sila ng Administrator ng subdivision na iyon at bahagyang pinaliwanagan sa mga house rules ng subdivision na iyon. Si Jorge naman ay sabik na sabik na mapasok ang loob ng bahay. Kaya naman iniwan niya ang ina sa pakikipag-usap sa Administrator. Ilang minuto pa ay dumating na ang truck na kung saan lulan ang lahat ng mga kasangkapan nina Jorge. Isa-isang ibinaba ang mga ito at ipinuwesto sa loob ng bahay. Tanghali na ng maibaba ang lahat ng kanilang kasangkapan kaya naman inutusan si Jorge ng kanyang ina na sumaglit sandali sa malapit ng fastfood para may makain sila pati na rin ang mga trabahador na nag-aayos ng kanilang gamit. Gamit ang kanilang kotse ay madaling nakabalik si Jorge dala-dala ang pagkaing pinabili ng kanyang ina.

Natapos ang maghapon na hindi pa rin tapos sina Jorge sa pagtatanggal sa kahon ng kanilang mga gamit kasama ang kanilang katulong at dalawa pang pansamatalang inupahan ng ina ni Jorge para makatulong sa pag-aayos ng bago nilang bahay. Matapos ang hapunan ay hindi na nakataagal si Jorge sa pagtulong sa pag-aayos ng bahay. Dahil sa pagod at sa pananabik na rin na magamit ang kanyang bagong silid na una niyang inayos sa kanilang pagdating ay agad ng natulog si Jorge. Nang magising si Jorge ay muli niyang natunghayan ang pag-aayos ng kanyang ina at ng kanilang katulong sa pagkakabit ng mga kurtina.

The Engineer

The Engineer


Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.

Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.

Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.

Tadhana

Tadhana


Si Elbert ay isang executive sa isang bank dito sa Maynila. Una ko siyang nakilala noong elementarya pa lamang kami. Bagong lipat sila noon sa aming subdivision at simula noon ay naging magkaibigan na kami. Mga professionals din ang kanyang mga magulang kaya naman lumaki siyang sagana sa lahat ng bagay. Subalit hindi niya inabuso ang kanilang katayuan sa buhay. Nagsumikap din siyang nag-aral at nakapagtapos na may medalyang inialay sa mga magulang. Matalino siya kaya naman hindi siya nahirapan makapasa sa board exam para sa mga accountant. Dahil sa abilidad ni Elbert ay naging mabilis din ang pag-angat niya sa kanyang profession. Subalit hindi sa lahat ng bagay ay madaling nagtatagumpay si Elbert. Sa larangan ng pag-ibig doon siya tila nahihirapan.

High school kami noon ng magkaroon kami ng sari-sariling syota. Noon pa man ay napapansin ko na bihira tumagal ang relasyon ni Elbert sa kanyang mga naging syota. Mabibilang mo lang sa mga daliri sa iisang kamay ang nalaman kong syota ni Elbert. Tila pihikan siya sa babae. Sa aking palagay, kapag nakilala na niya ng lubusan ang babae ay tinatabangan na siya dito na nagiging sanhi ng kanilang hiwalayan. Nagkaroon na ako ng asawa’t mga anak ay wala pa ring maituturing na tunay at seryosong syota si Elbert. Kaibigan ko nga si Elbert pero sa aspeto ng pag-ibig ay tila di siya bukas sa ibang tao kahit sa sarili nitong pamilya.