Showing posts with label Open Relationship. Show all posts
Showing posts with label Open Relationship. Show all posts

Friday, February 8, 2013

Open Relationship 10

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Kung magpapakita ba ako ay malalaman ko ang dahilan ng pagkikita nila? Magiging bukas ba akong tanggapin kung anuman ang idadahilan niya o mananatiling maniniwala ako kung ano ang gusto kong paniniwala. Kung magpapakita ba ako, hindi ba siya tutuloy sa pagsama sa ex niya? Paano kung lalo lang magkagulo at manaig ang galit? Paano kung may masabi akong maaring pagsisisihan ko pagkatapos bumaba ang galit ko? Paano kung may magawa akong maaring dahilan ng tuluyang ikabagsak ng aking pagkatao? Alam ko, galit na galit ako at ang taong galit ay hindi marunong makinig. Ang taong nasa mainit na emosyon ay tanging sariling dahilan ang ipaglalaban. Kaya nga hinayaan ko na lamang siyang sumama sa ex niya. Hindi ako nagkalakas loob dahil siguro sa akin din naman nanggaling ang Open Relationship na siya naming sinusunod ngayon. Hindi ko iyon nabawi, hindi ko naipaliwanag na siya ay akin lang at ako ay sa kaniya na lamang. Ngunit nasa rules naman naming na kung may gagawin siya ay kailangan niyang ipaalam sa akin. Sa anong dahilan at kailangan pa niyang ilihim sa akin ang lahat?
Mapapalampas ko pa sana ang lahat kung nakita kong nag-usap lang sila sa starbucks at hindi na umalis pa. Mas gusto ko yung nakikita sila na kahit pa siguro magyakapan pa huwag lang iyong tuluyan silang umalis na hindi ko alam kung ano pa ang ginawa pagkatapos nilang lisanin ang mall. Iba ang iniisip kong ginawa nila.
Nagdesisyon akong mali ngang magtiwala pa akong muli. Maling umasang siya na nga ang para sa akin. Ilang beses na ba akong umasa? Ilang beses nang nagmahal at nagtiwala ngunit bakit wala akong kadala-dala. Tuluyan na ngang sinira ni Jinx ang tiwala ko. May bakla pa bang mananatiling tapat sa isang karelasyon lang?
Nakasakay na ako noon sa kotse ko ngunit nagpupuyos parin ako sa galit. Gusto kong isambulat ang galit na iyon sa kaniya. Gusto kong malaman niya ang sakit ng ginawa niya sa akin. Kinuha ko ang celphone ko… nagdial..

Open Relationship 09

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


-------------------------------------------
Clyde's Point of View
-------------------------------------------

                Iba siya. Nararamdaman ko ang init at sarap ng pagtatalik. Parang sabay kaming sumasaliw sa kakaibang ritmo ng sex. Nang hinalikan niya ako sa labi, dumaan sa aking leeg hanggang sa masuyo niyang dinilaan ang aking dibdib na tumagal sa aking utong ay parang tuluyan niyang sinakop ang aking pagsamba. Habang hinahaplos niya ang aking buong katawan na parang dinadamdam niya ang bawat anggulo nito ay sinusuyod ng kaniyang dila hanggang sa umabot ito doon. Parang sasabog ako sa sarap ng kaniyang ginagawa nang parang ginawa niyang lollipop ang aking kargada. Napapamura ako sa sarap. Nanginginig ang aking kalamnan at halos maputulan ako ng hininga sa kakaiba nitong paghagod. Dahil hindi ako sanay na ako lang ang pinaliligaya ay binago ko ang aking posisyon. Ako man din ay humaplos sa maumbok niyang dibdib na bumaba sa medyo mabuhok niyang tiyan. Naglakbay ang aking dila hanggang sa narrating nito ang pinamaselang bahagi ng kaniyang kaligayahan. Nang isubo ko ito ay ramdam ko ang kakaiba nitong laki at nang sinubukan kong isubo hanggang sa aking lalamunan ay halos mabilaukan ako. Ginawa ko ang sarap ng ginagawa niya sa akin. Naramdaman ko ang paninigas ng kaniyang binti at ang malalim niyang paghinga na katulad ko ay doon na lamang nailalabas ang kakaibang nalalasap na kakaibang ritmo. At ilang sandali pa ay sabay naming pinakawalan ang katas ng ligaya.
Hindi siya katulad ng iba kong nakatalik na pagkatapos may mangyari ay saka magpaparinig ng mga gusto niyang gamit. Hindi rin siya yung tipong pagkatapos ang kaligayahang pinagsaluhan ay bigla kang tutulugan o biglang magbibihis at hindi na muli pang magparamdam. Isang masarap na halik ang kinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. Hindi maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatitig siya sa aking mga mata. Hindi siya nagsasalita ngunit dama ko ang ligaya niya. Dama ang pagiging totoo ng kaniyang haplos sa aking katawan na katulad din niya ay tanging kumot ang tanging nakabalot sa aming kahubdan.

Open Relationship 08

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


------------------------------------
Clyde’s Point of View
------------------------------------

                Pagdating kay Jinx, natorpe ako. Wala akong maisip na sabihin at hindi ko alam kung paano ko simulan ang pag-uusap. Nagsimula akong matakot dahil alam ko na kapag ganoon ako ay iisa lang ang ibig sabihin no’n, gusto ko siya. Ouch! Mali, mahal ko na yata siya. Mahal agad? Bakit? Wala bang love at first sight? Landi lang. Kilig much! Nagsimula na din akong pagpawisan kahit pa tinodo ko na ang aircon ng aking kotse. Siya man din ay parang natameme nang pasakay na siya.
            “Musta?” hindi ko natiis na pagtatanong dahil nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.
            “Okey lang.” matipid din niyang sagot.
            Katahimikan. Di ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Nilingon ko siya. Nagkatinginan kami. Ngumiti. Natunaw ako sa ngiting iyon at minabuti kong ituon ang aking mata sa daan dahil baka himatayin ako at bumangga kami.
                “Masyadong tahimik ah.” Pambabasag niya sa nakakabinging katahimikan.
                Nilingon ko muli siya. Ngumiti na naman ng tipid at nang nagtama ang aming mga mata ay ako na naman ang unang nagbaba. Ngunit nagmarka na naman sa aking utak ang matamis niyang ngiti. Nanlamig ang aking mga daliri. May kakaibang tama sa akin ang kaniyang tingin at ngiti.
                “Hindi naman siguro puwedeng magngitian na lamang tayo magdamag. Nasaan na yung makulit kanina sa chat na Clyde?”
            “Makulit ba ako kanina? Hindi kaya.”
            “O, sige, hindi ka na makulit. Baka naman puwedeng magkuwento ka nang hindi ako naaalangan.” Sadya sigurong sanay siya sa mga ganitong unang pakikipagkita kaya ako ang parang naninibago. Sanay din naman ako kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit natatameme ako.

Open Relationship 07

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


--------------------------------
Clyde’s Point of View
--------------------------------

Marami ang katulad ko na kahit angkin ang kaguwapuhan ay hindi naiiwasang napaglalaruan parin ng tadhana. Kung ang katulad ko ay nasasawi sa pag-ibig, paano pa kaya ang mga ibang pinagkaitan ng pisikal na kalamangan? Ngunit hindi dahil may hitsura ka, may lisensiya ka na para hindi masawi sa pag-ibig. Hindi dahil guwapo ka, may karapatan ka na para sugatan ang puso ng mga dumating at nagmahal sa iyo ng tapat. Sa pag-ibig, lahat tayo ay pantay-pantay. Lahat ay nasasaktan, lahat ay maaring mapaglaruan ngunit naniniwala pa rin ako na may darating na para sa akin. Isang taong tuluyang magpapalimot sa akin sa mga dalawang nauna kong sawing pag-ibig.
Dumaan pa ang higit isang taon na hanggang sa dumating ang buhay ko si Lloyd. Nakilala ko siya sa isang gay bar. Hindi siya macho dancer o callboy. Isa siya sa mga katulad kong nagpapalipas ng oras o kaya ay kung may magpor-kilo na gusto ay titikim lang at hanggang kama lang… kinaumagahan, wala na… tapos na… Iyon ang alam kong laro sa mundo ng mga alanganin lalo na yaong mga sunud-sunod na nasaktan sa pag-ibig.
                Ngunit sa gabing iyon ay hindi ang mga naroong nagtitinda ang aming napansin. Kaming kapwa parokyano doon ang nagkatitigan. Nagkakuwentuhan. Hanggang napagdesisyonan naming lumabas at kumain. Halos buong gabi kaming nagkakuwentuhan hanggang sa dumako ang usapan namin sa mga karanasan sa buhay. Tulad ko, dumaan din siya sa mga masasakit at masalimuot na kuwento ng alanganing pag-ibig at bago magbukangliwayway ay magkayakap at magkahinang na ang aming mga labi.

Open Relationship 06

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


-------------------------------
Jinx Point of View
-------------------------------

Sampung oras ang naging biyahe namin mula Manila hanggang Tuguegarao. Napakabigat ng nararamdaman ko na kahit nakapatay na ang ilaw sa buong bus ay hindi parin ako mapakali o kahit ipikit lang sana ang aking mga mata.

“Hindi ka din makatulog?” tanong sa akin ng katabi kong nagpakilalang si Aris.

“Hindi ho. Nakaparami kasing nangyari sa Linggong ito. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan ang lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.” Napabuntong- hininga ako.

“Gusto mo bang ikuwento sa akin. Minsan nakakatulong sa iyo na sabihin sa iba ang pinagdadaanan mo.”

At dahil doon ay parang matagal ko na siyang kilala. Nagawa kong ikuwento ang lahat ng nangyari. Tanging malalim na hininga ang naisukli niya sa akin sa tuwing humihinto ako at punasan ang aking mga luha.

“Ganoon talaga ang buhay. Kailangan mong tibayan ang iyong kalooban. Masasaktan ka ngunit kung malagpasan mo ang lahat ng iyan ay mas magiging matibay ka. Bata ka pa, marami ka pang pagdadaanan at sabihin ko sa’yo lahat ng mga nangyari ngayon ay isang pilat na lang sa’yo sa pagdating ng panahon. Sana ang mga sugat na iyan ay hayaan mo munang gumaling at kailangan mong tulungan ang iyong sarili. Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa mundo. Marami tayo. Hindi lang ikaw ang nawalan, kasama din ako doon ngunit kailangan nating ipagpatuloy ang buhay at lumaban para sa kanilang pumanaw na.”

Sunday, February 3, 2013

Open Relationship 05

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


Dumating ang isang taon na pagmamahalan namin ni Ronald. Minsan nagkakatampuhan kami ngunit hindi puwedeng makatulugan namin ang mga isyu na hindi muna namin napag-uusapan ng maayos ang hindi namin napagkakaintindihan.
“Paano ‘yan. Nasa bahay si Mama mamayang gabi kaya paniguradong hindi tayo puwede sa bahay. Alam mo naman din ang kuwarto naming ni Mama, konting ingay lang dinig na sa kabila. Paano kung may marinig niyang may ginagawa tayo e ‘di patay tayong dalawa niyan.” Gabi noon pagkatapos n gaming anniversary dinner. Hindi namin alam kung saan kami matutulog.
“Mag-hotel na lang kaya tayo?” idea ko.
“Ikaw kung kaya mong makita tayo ng ibang mga tao na papasok sa kuwarto at dalawa tayong lalaki. Sa akin ayos lang. Ano, check in na lang tayo?”
“Huwag na. Di ko pa kayang kumuha ng kuwarto habang nakatingin sa atin ang mga nasa front desk ng hotel. Paano ba ‘to. Gusto ko makasama ka buong magdamag e.”
“Sa inyo na lang kasi tayo, may sarili ka namang kuwarto ah.” Panunuyo ni Ronald. Nakikiusap ang kaniyang tingin.
Huminga ako ng malalim. Sana hindi darating si tatay mamayang gabi. “Sige. Sa amin na nga lang. Wala naman tayong ibang option.”

Wednesday, January 30, 2013

Open Relationship 04

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


--------------------------------------
Jinx Point of View
--------------------------------------

 Nagtransfer na din si James noon sa pinapasukan kong campus para may kasabay daw ako sabi ni tatay kaya nagkapareho kami ng pinapasukan. Nasa highschool siya at ako naman sa college kaya alam kong madalas niya akong makita na kasama si Ronald at ang mga katulad ko ding paminta. Iyon nga lang karamihan sa mga kasama ko ay mga durog o kaya ay pinulbos nang paminta o sabihin na nating mga halatang bakla. Dahil doon ay naramdaman kong iniiwasan na ako ni James na kausapin sa campus namin at kung sa bahay naman kami ay lagi naming pinagtatalunan ang hindi ko pagsunod sa mga bilin ni tatay sa amin.
Pagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig much? Sigurado. Hindi ko kasalubong ang kaniyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin.
“Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?” bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon.
“Basta. Nahihiya ako.”
“Bakit kailangan mong mahiya. Dapat nga ako ang mahiya sa’yo kasi mas guwapo ka pa sa akin. Tignan mo ako, ta’s ngumiti ka.”

Tuesday, January 29, 2013

Open Relationship 03

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


----------------------------------------------
Jinx Point of View
----------------------------------------------

Ako si Jinx. Lumaki ako sa isang masayang pamilya. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon lang ang agwat namin ng kapatid kong si James at anim na taon sa bunso naming si Vicky. Sundalo si tatay kaya palagi siyang wala sa bahay namin at si nanay lang ang kinalakhan naming kasa-kasama. Mapagmahal sa amin si tatay noong mga bata pa kami. Sa tuwing dumadating siya kahit gabing-gabi na ay hindi niya nakakaligtaang puntahan kami sa aming mga kuwarto. Magigising na lang kami na may dala siyang pasalubong sa amin.
            Unang pagkakataong pinalo niya ako ay nang pinakialaman namin ni James na damitan ang mga Barbie ni Vicky. Nagkataon lang kasi na hawak ni James ang robot na laruan niya kaya ako lang ang pinagdiskitahan ni tatay. Sa lahat daw ng ayaw niya ay ang magkaroon siya ng anak na bakla. Binantaan niya ako. Sa murang gulang ay naikintal sa aking isipan iyon. Bawal ang bakla sa kaniyang pamamahay. Gusto niyang tularan ko si James na mahilig maglaro ng mga laruang panlalaki. Ngunit kahit anong pilit kong gawin, magkaiba talaga kami ni James sa interes.
            Noong elementary kami, kung ang hilig ni James ay magbike kasama ang tropa niyang si Xian, ako naman ay maglaro ng bahay-bahayan o kaya Chinese garter kasama ng mga babae kong kaibigan. Nang nagkahilig si James sa paglalaro ng basketball ako naman ay varsity na ng Volleyball. Nang naglandi si James sa babae, ako naman ay nagkaroon na ng mga crush na lalaki sa campus namin.  Iyon ang masakit na pagkakaiba namin. Puwede lang siyang manligaw at magdala ng babae sa bahay ngunit ako, hanggang sa lihim lang na paghanga. Ayaw kong pagalitan ako ni tatay. Natatakot ako sa kaniyang mga banta.

Sunday, January 27, 2013

Open Relationship 02


By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


----------------------------------------------
Clyde’s Point of View
----------------------------------------------

                Kinabukasan ay ginising ako ng malakas na tapik sa pisngi. Agad kong naramdaman ang kirot ng aking ulo at pagbukas ko ng aking mga mata ay nakita ko ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko sa kabila ng sakit na ginawa niya sa akin. Napangiti ako. Pagkatapos ng hindi magandang nangyari kagabi ay nasa harapan ko siya.
                “Heto ang susi ng bahay mo at lahat ng mga binigay mo na gamit sa akin.”
            “Ano ‘to? Bakit?” naguguluhan kong tanong lalo pa’t parang naalimpungatan parin ako.
“ Yung pera na inibigay mo sa akin, bayad mo na iyon sa paggamit mo sa katawan ko. Siguro naman wala ka ng hahabulin sa akin mula ngayon.”
“Sandali nga! Mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito beybs! Please?” pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko yata kakayanin na mawala siya sa akin.
“Wala na tayong pag-uusapan. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ng girlfriend ko. Wala kang kuwentang kausap. Wala kang kuwentang tao.” Pagkasabi niya niyon ay tumalikod na siya.
Parang bigla ay nawala ang sakit ng ulo ko. Napabalikwas ako at hinabol ko siya. Palabas na siya noon sa pintuan ng kuwarto ko at mahigpit ko siyang niyakap.
“Huwag ka namang ganyan beybs. Huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ikaw na lang ang kasama ko sa buhay ta’s iiwanan mo pa ako.”
                “Bitiwan mo ako. Dahil sa iyo ay muntik na kaming nagkahiwalay ng girlfriend ko. Ayaw kong mawala siya sa akin.” Pilit niyang tinanggal ang kamay kong nakapulupot sa kaniya.

Open Relationship 01

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


------------------------------------------
Clyde’s Point of View
------------------------------------------

            Ulila na akong lubos. Nag-iisa akong anak. Namatay si papa noong nasa Elementary ako at sumunod si Mama noong High School na ako. Lumaki ako sa lola kong biyuda ngunit noong nasa huling taon ako ng kolehiyo ay sumunod na din siya sa aking mga magulang. May kapatid ang papa ko ngunit sa Canada na siya nakatira. Ang kapatid naman ni Mama ay sa malayong probinsiya sa bahagi ng Samar.
            Lumaki ako sa Makati. Hindi kami mayaman pero hindi din naman sobrang mahirap. Dahil lang sa sipag at tiyaga ay nakapag-aral ako at nakatapos. Wala naman akong mga nakaraang hindi maganda lalo pa’t dalawa lang namin kami ni lola sa buhay at nang pumanaw siya ay mag-isa na lamang ako. Kaya siguro dahil sa pag-iisang iyon ay ginusto kong maghanap ng mga makakasama sa buhay.
                Batikan na akong maituturing sa mga relasyong hindi nagtatagal. Relasyong tanging pagluha lang aking mga dinanas. Kapag daw nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Kung ayaw mong masaktan, huwag kang magmahal. Ngunit minsan kahit pilitin huwag magmahal, dumadating talaga yung puntong nahuhulog ka na lang nang hindi mo sinasadya. Okey lang kung may sasalo sa’yo.

Saturday, January 26, 2013

Open Relationship (Prologue)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


----------------------------------------------------
Clyde Point of View
----------------------------------------------------

“Di ko na kaya!” galit na galit niyang singhal sa akin.
Minabuti ko paring hindi magsalita. Pagod na ako. Ayaw ko ng sumagot. Para lang kasi paulit-ulit ang aming pinag-aawayan.  Ano naman ang isasagot ko? Katulad parin ba ng dati? At pagkatapos naming magsigawan, aamuin ko siya, yayakapin at hahalikan? Nakakasawa na din. Kung hindi na niya kaya, aba e, ganoon din naman ako! Pero sa madalas naming pag-aaway minsan nauuwi din lang sa pagkakaayos at ano ang kasunod? Kakalimutan ang sanhi ng di matapos-tapos naming pag-aaway at ilang araw ang dadaan pero muling gagawin ang sanhi ng palagi naming pinagtatalunan.
“Ano! Sumagot ka naman! Kausapin mo ako ng para naman ako hindi nagmumukhang tanga.” singhal niyang muli sa akin. Nakita ko sa kaniyang mukha ang galit.
Tumayo ako at tinungo ang pintuan. Mas tumindi ang nararamdaman kong inis. At kung hindi pa siya titigil sa kasisinghal sa akin ay baka hindi ko na din makontrol ang aking sarili. Ayaw kong magkasalubong ang galit namin kaya minarapat kong ako na muna ang iiwas.

Wednesday, January 23, 2013

Open Relationship Thriller

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Katulad din siya ng ibang alanganin. Hindi nakukuntento sa iisa. Nagsasawa at laging naghahanap ng bago. Malaki ang nagawa ng pang-iiwan niyang iyon. Napakalaki ng naging epekto ng sunud-sunod na dagok na iyon sa aking pangkalahatan bilang tao. Mas nagiging matibay ako, nagiging mapagkilatis, hindi basta-basta naniniwala sa tamis ng dila at lalong pinatibay niya ang loob ko sa laro ng kakaibang buhay ng mga alanganin. Noon ko napagtantong sa pagkataong ganito, kailangan mong makipaglaro. Kailangan mong sumabay nang di ka naloloko ng paulit-ulit.
                                                                        -CLYDE in OPEN RELATIONSHIP

“Mahal kita Clyde. Masakit sa aking gawin ang iwanan ka ngunit kung ito ang paraan para matahimik na ang buhay natin ay gagawin ko. Ito lang ang paraan para matigil na ang pagsasakitan natin sa isa’t isa. Hindi ko alam kung paano akong magsisimulang muli ngunit alam kong makakaya ko ng paunti-unti.”
                                                                                    -Dale in Open Relationship