By:
bx_35
E-mail:
bx_35 (Yahoo)
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
[Prologue
1]
Prólogo
- Moderno y Antiguo
Sa
kikilalaning modernong mundo ng makalumang panahon …..
Makikita
ang mga nagtataasang gusali, nagsisikipang kalsada dahil sa traffic na dulot ng
dami ng sasakyan, mga taong nag-uunahan sa pagpasok sa trabaho, mga batang
abala sa paggawa ng mga homeworks, magkakadikit na kable ng kuryente at
telepono, nangingitim sa kulay ng tubig at hangin dahil sa polusyon, gabundok
na basura, mga magka-kapitbahay na abala sa pagtsitsismisan pagsikat pa lang ng
araw, dumaraming populasyon ng tao, iba’t ibang klase ng mga sasakyang pribado
at pampasahero, mga nagkalat na sakit na hindi malaman kung ano ang lunas,
pagkaing puno ng preserbatibo, mga bar at disco na nagpapatugtog ng malalakas
na musika, nauusong electronic gadgets, iba’t ibang klase ng pelikula, magulong
mundo ng pulitika, mga nagsisigandahang hotels at resorts, nagkikislapang mga
alahas na iba’t iba ang hugis at anyo, mga hayop na ginagawang alaga, mga
kabataang abala sa paglalaro ng PSP, mga taong madalang na lang pumunta sa
simbahan, ang pakikipag-relasyon sa pamamagitan ng palitan ng text at private
messages, sa gitna ng modernong mundo makikita si Timothy.