Showing posts with label Piso. Show all posts
Showing posts with label Piso. Show all posts

Tuesday, January 15, 2013

Piso 09

By: Justyn Shawn
E-mail: jeiel08@gmail.com
Blog: justynstories.blogspot.com


“Joseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!...” pagtawag niya sa pangalan ko.

Ang hindi alam ni Jay na sumunod ako sa kanyang paglabas. Kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagkabigla sa kanyang nakita sa loob ng banyo. Sa nasaksihan ko, gumuhit muli ang ngiti sa aking mga labi sa kanyang naging reaksyon.

Wednesday, December 26, 2012

Piso (08)

by: Justyn Shawn

Ngayong pasado na ako sa trabahong pinag-aplayan ko, alam kong magiging masaya na rin sa wakas si Zaldy para sa akin. Alam kong kung saan man siya ngayon ay nakangiti siya, sumasaludo sa pagharap ko sa katotohanan, sa hamon ng buhay at sa aking pagbabago. Positibo ang pakiramdam ko na makakatulog na din ako ng payapa, ng magaan ang pakiramdam, ng walang inaalala; dahil alam ko, ang ginagawa ko ay tama.

Kasabay ng pagbabagong ito, may mga bagay akong kakalimutan at pilit na kinakalimutan na. May mga bagay na magbabago at magbabago. Mahirap man, alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko.

Masaya kong tinahak ang daan pauwi. Habang naglalakbay ang mga paa ko ay may napansin akong nakalagay sa isang istante noong may madaanan akong isang tindahan. Masuyo ko itong tiningnan. Napangiti akong naalala si Jay. Binili ko ang nakadisplay dito. Alam kong magugustuhan ito ni Jay.  Tuwang tuwa akong naglalakad pauwi habang bitbit ko ang pasalubong ko sa kanya.

Piso (07)

by: Justyn Shawn

Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos.

Umupo ako pagkatapos kong pumasok ng bahay. Pati ang inuupuan ko ay iba na ang ayos nito. Itinama kung saan dapat nakapwesto, pati ang cover nito napalitan na din. Nakakapanibago.

Siguro'y narinig ni Jay ang pagpasok ko kaya naman tumawag ito mula sa banyo kung saan siya naliligo. "Jose...ikaw na ba yan?"sigaw niya mula sa banyo.

"Parang di ko 'to bahay ahh. Ikaw lang ang gumawa ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanyang may boses ng pagkamangha at kalasingan. Tawa lang naman ang nakuha kong tugon mula sa kanya.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng bahay habang ako ay nakaupo. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya lang mag-isa ang gumawa ng lahat ng ito. Nakakapanibago talaga.

Piso (06)

by: Justyn Shawn

Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.

Ginising ako ng aking gunita at katotohanan noong marinig ko ang isang katok. Nanaghinip lang pala ako. Hindi ko akalaing isa iyong panaghinip. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang presensya. Ang tamis ng kanyang mga halik sa aki'y nalalasahan ko pa, ang higpit ng mga hawak niya sa aking kamay, ang init ng kanyang mga yakap, bilis ng tibok ng kanyang puso, ang kanyang nakakapanghipnotismong mga titig; ramdam na ramdam ko pang tila isa iyong totoong pangyayari.

Piso (05)

by: Justyn Shawn

Natulala ako kung sino ang nakita ko. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa galak. “Salamat…salamat at nagbalik ka.” Hindi ko na pinulot ang piso bagkus ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Dinama ko ang init ng kanyang katawan sa pagkakayakap kong iyon. Pinakiramdaman ko ang tibok ng kanyang puso.

Tumingin akong deretso sa kanyang mga mata. Ganun pa rin tulad ng dati. Andon pa rin ang kislap nito. Andon pa rin ang nakakapanghipnotismo niyang mga titig. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko kung totoo nga ba ang nakikita ko. Pumikit pikit pa ako baka dala lang ito ng puyat at nananaghinip lang ako ng gising na andiyan nga siya. Na nayakap ko siya at kaharap. Pero totoo…si Zaldy nga ang nasa harap ko. Buhay na buhay. Napakasigla nitong tingnan. Andon pa rin ang kanyang angking kakisigan na talaga namang nakakahalina. Napaka gwapo pa rin niyang tingnan sa pagdadala ng damit. Nakakabighani.

Nabuhayan ako ng loob. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko noong mga panahong iyon. Para akong nasa ibang dimension ng mundo. Napakasaya. Parang akin ang mundo. Umiikot batay sa kung ano mang gustuhin ko. Masarap sa pakiramdam.

Piso (04)

by: Justyn Shawn

Sarap na sarap siya sa haba at laki ng aking pagkalalaki. Maging ako ay sarap na sarap din sa pagbayo sa kanya. Maya maya pa, noong malapit na akong labasan, para namang may sumapi sa akin. Sarap na sarap pa rin ako sa pag labas pasok sa kanya. “Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh”.

Iyon na lamang at naalala ko ang mga pinagdaanan ni Zaldy sa malupit na kamay ng kanyang tiyuhing adik.

Masaya ako noong naglalakad patungo sa bahay nila Zaldy. May date kasi kami sa may ilog kung saan nabuo ang lihim naming pag-iibigan. Madami na din akong nabuong plano kung ano ang mga gagawin namin sa buong araw na iyon. Andon na lang yung nagprepare ako ng picnic, nanguha ako ng buko, manghuhuli kami ng isda sa mismong ilog na iyon upang maihaw namin at gawing pulutan dahil may dala din akong alak at syempre hindi mawawala ang paghahanapan namin ng piso sa ilamin ng ilog, dun kaya kami nagkalapit. Pasimpleng naglagay din ako ng karatula na nagsasabing delekado na ang ilog na iyon sa may dadaanan papuntang ilog upang ang mga maliligo doon ay hindi na tumuloy at walang maka istorbo sa aming dalawa ni Zaldy. Nakatago na rin doon ang gitara na pangsorpresa ko naman sa kanya. Hindi kasi niya alam na marunong akong maggitara at kumanta at aawitan ko siya ng napakaganda na para bang nanghaharana.

Piso (03)

by: Justyn Shawn

Simula noong nawala si Zaldy, hindi ko na alam kung may dereksyon pa ba ang buhay na tinatahak ko ngayon. Siya kasi ang nagsilbing ilaw ko sa madilim na tahakin ng buhay. Siya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay sa akin ng tadhana. Siya ang naging paa ko sa pagsuong sa buhay at naging lakas ko kung madapa man ako. Siya ang naging mata ko sa madilim na panahon na bumabalot sa akin.

Para akong napilayan at hindi na makalakad. Para akong nabulag at hindi na makita ang kagandahan ng buhay noong nawala siya. Nawalan ako ng goal, ng direksyon at pag-asa sa buhay. Lagi na lang akong tulala, tuliro at di alam ang gagawin.

Buti na lang ay may kaibigan pa rin akong matatawag. Andyan si Jay na hindi man naging paa, naging saklay naman siya upang tulungan akong lumakad. Hindi man siya naging mata ko upang makita ang kagandahan ng buhay, naging ilaw naman siya sa madilim kong daraanan. Siya rin ang parating andyan kapag may kailangan ako. Kapag katulad nitong malungkot ako't naaalala ko si Zaldy, pinapatawa niya ako; pinapagaan ang loob. Siya ang naging sandalan ko sa panahong wala akong makapitan at gulong gulo ang isip ko.

Piso (02)

by: Justyn Shawn

"Joseeeee...!" sigaw sa akin ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako. Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.

Nakita kong naglakad na patungong kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si Zaldy. Hindi mawala-wala.

Alala ko pa noon, ganitong araw din noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko, kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito ang aking nararamdaman.

Piso (01)

by: Justyn Shawn

Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni Zaldy.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.