Showing posts with label Twisted Fate. Show all posts
Showing posts with label Twisted Fate. Show all posts

Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (Finale)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

'Wul! Let me explain!', ang sabi ni Pol nang nahabol niya ako.

Hindi ko pa din ma-digest ang nakita ko. Parang ayaw tanggapin ng utak ko na si Pol nga ang nakita kong kasama ni Tom sa kwarto. Kung kelan handa na akong ibigay ang lahat sa kanya, ito naman ang nangyari. Patuloy lang ako sa paglalakad. Parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi ni Pol sa akin.

'Wul, ano ba?! Say something.', ang sigaw ni Pol sa akin nang pinigilan niya ako sa paglalakad.

Tiningnan ko lang siya sa mga mata. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon.

'Wul. Sorry.', ang naiiyak na sabi ni Pol.

'Alam mo ba kung bakit ako pumunta dito? Nag-decide na ako. Ikaw na ang pinili ko over Syd. Pagod na kasi ako. Pagod na pagod na akong magbigay ng higit na pagmamahal. Ako naman, gusto ko this time ako naman ang mahalin. Gusto ko nang sumaya.  Kaya ikaw ang napili ko. Ikaw na ang mamahalin ko.', ang tuloy-tuloy kong sabi.


Halatang nagulat si Pol sa narinig niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko ginantihan ng yakap ang ginawa niya.

'I'm so sorry, Wul.', ang sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Pilit akong kumakawala sa mga yakap niya.

'Bakit mo nagawa sa akin 'to?! Ang sakit, Pol! Sobrang sakit!', ang sigaw ko sa kanya.

'He took advantage of me!', ang depensa ni Pol.

'NO! You let him take advantage of you!', at tuluyan na akong tumakbo palayo.

***
Mabagal akong naglalakad sa isang street ng village kung saan ako nakatira. Nakayuko. Walang tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpili sa taong mamahalin. Akala ko si Pol na. Akala ko siya na ang kukumpleto sa akin. Paano niya nagawa iyon? Halos patay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay ng mga kapitbahay namin. Kinuha ko ang phone ko at in-on ito. Ang daming text, puro galing kay Pol pero hindi ko na binasa. Niyakap ko ang sarili kong nakaupo sa may pavement dahil hindi matanggal sa isip ko ang eksenang nakita ko kanina kina Pol. Tiningnan ko lang ang oras: 10.27pm. Naisipan kong pumasok na nang bahay at magpahinga pero natawag ang pansin ko nang tunog ng pagsara ng pinto ng isang kotse na nasa gilid ng bahay. Madilim kaya't hindi ko makilala kung sino ang bumaba sa kotse.

'Wul, si Pol na ang pinili mo?', ang paniniguradong tanong ni Syd na nakatayo sa harapan ko.

Isang tango lang ang sinagot ko. Nakita kong nasaktan si Syd nang ma-confirm niya na tama ang naisip niya kanina. Muli akong yumuko at humagulgol. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

'Okay lang, Wul. Tanggap ko na naman na mas sasaya ka talaga sa kanya. I've inflicted you a lot of pain kaya tanggap ko ang pagkatalo ko.', ang umiiyak na sabi ni Syd.

Akala niya kaya ako umiiyak ay dahil sa nakita kong nasaktan ko siya.

'Syd, si Pol ang pinili ko. Pero pagpunta ko sa kanila, nahuli ko sila ni Tom, yung ex niya from the States, sa kwarto ni Pol.', ang humahagulgol ko pa ding sabi.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Sinuntok niya ang sementong kinauupuan namin bago tumayo.

'Putang inang lalaki yan! Saan ba nakatira 'yan?! Tara, Wul.', ang sabi niya habang papunta siya sa kotse.

Agad naman akong tumayo para pigilan siya. Alam ko kung paano magalit si Syd. Dinadaan niya lahat sa bayolenteng aksyon.

'Huwag na, Syd!', ang pagpigil ko sa kanya sa pagpasok sa kotse.

'Anong huwag na?! Nasaktan ako sa pagpili mo sa kanya. Tapos ngayon malalaman kong sinaktan ka niya. Hindi! Hindi pwedeng huwag na!', ang sigaw ni Syd sa akin.

'Ayoko na! Lahat na tayo ay nasaktan. Huwag mo nang dagdagan pa! Huwag mo nang pabigatin lalo ang sitwasyon. Suko na ako! Hindi ko na kaya.', ang iyak na sigaw ko din sa kanya.

Natauhan naman siya sa mga sinabi ko at niyakap ako.

'Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Ayoko na.', ang mga sabi ko habang nakapaloob sa mga braso ni Syd.

Parang nanghina ang mga tuhod ko sa bigat at sakit na nadarama ko kaya tinanggap ko ang yakap ni Syd. Sobrang hindi na kinakaya ng sistema ko ang mga pangyayari. Umupo kami, niyakap niya muli ako at hinayaang iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang medyo humupa na ang tindi ng sitwasyon ay nagpasalamat ako sa kanya.

'Syd, salamat at nandyan ka. Baka nagpakamatay na ako kung wala ka.', ang sabi ko sa kanya.

'Wag ka nga magsalita ng ganyan. Bago pa naman mangyari ang lahat ng ito ay magkaibigan na tayo kaya obligasyon kong damayan ka pag nasaktan ka.', ang nakaka-touch niyang tugon.

Inihatid ako ni Syd sa may gate at binigyan ng masuyong halik sa pisngi.

'Keep yourself together. Alright? Everything will be fine.', ang mga huling sinabi niya bago tuluyang umuwi sa kanila.

***

***

***

Dumaan ang mga buwan nang hindi ko na binigyang halaga ang nararamdaman ko. Nagpakalunod ako sa pag-aaral at sa ibang bagay upang ma-divert ang attention ko. May mga pagkakataong biglang sumusulpot si Pol, nakikiusap na ayusin namin ang lahat sa amin pero tumanggi ako. Si Syd naman ay nandyan lagi pero mas pinili kong huwag nang palalimin pa ang friendship namin. Mas pinili kong mapag-isa o di kaya ay sumama sa mga kaibigan ko. Last day of class na at magsisimula na ang bakasyon. Nakatanggap ako ng isang hindi inaasahang bisita sa school. Palabas na ako ng building nun nang may tumawag sa akin.

'Wul.'

'Tom?'

At nanumbalik ang lahat pero nagawa kong kalmahin ang sarili ko. Nakakapagtaka.

'Anong ginagawa mo dito?', ang tanong ko.

'I want to talk to you. Can we go somewhere, umm, private?', ang aya niya.

Hindi ko alam kung anong meron pero siguro panahon na din para magkaron ng closure ang lahat. Matagal-tagal na din naman ang lumipas simula nung gabing iyon. Nagpaunlak ako sa imbitasyon niya. Sumama ako sa kanya. Pumunta kami sa isang fastfood chain sa labas ng school at doon nag-usap.

'What's up?', ang tanong ko sa kanya.

'First, I wanna apologize for whatever I've caused you. I didn't plan it all. Alam kong nasaktan ka sa mga pangyayari and for that, I am deeply sorry.', ang sincere na sabi niya.

Nakakatuwa siya mag-Tagalog kasi slang pero okay naman. Tinanggap ko ang apology niya.

'Wul, sobrang wasted na si Pol. For months, he's been out of his mind. Laging tahimik. Laging mag-isa. Ayaw niya akong kausapin. Whenever he does, sisigawan lang niya ako. Wul, before you saw us that night, he was crying. Sobrang nasaktan siya dahil sa sitwasyon niyo. He told me everything. He loves you but you love Syd. It's killing him. Sobrang nahihirapan siya sa sitwasyon niyong ganon.', ang pagpapaliwanag niya.

'I know. Alam mo ba kung bakit ako nandun nung gabing iyon?', ang tanong ko.

Isang iling lang ang sinagot niya.

'I was there coz I finally chose him over Syd. I'm ready to commit myself to him kaso yun nga, I saw you together.', ang sabi ko.

'Wul, I think in a way, we are in the same situation here. You love Syd who doesn't seem to love you the way you want him to. And I love Pol who once loved me but doesn't anymore coz of you. I don't blame you, believe me. I've been a jerk when we were in the States kaya hindi din naging maganda ang relationship namin. Pero, Wul, I hope you get to understand that I still love him. And if you still care for him, let him off the hook. I wanna start again.', ang seryoso niyang sabi.

Honestly, nagulat ako sa lalim ni Tom mag-isip. Akala ko dati ay shallow lang siya.

'We are leaving for the States the day after tomorrow. Kasama namin si Pol. Kaya sana before kami umalis, magkausap kayo.', ang sabi niya.

'Pag-iisipan ko.', ang maikli kong sagot.

***
Dumaan ang isang araw at ngayon na ang flight nina Pol pabalik ng States. Bago umalis si Tom nung nag-usap kami ay binigay niya ang contact number niya at ang  details ng flight nila just in case na magkaroon ako ng last minute decision. Ganon na nga ang nangyari. Tinawagan ko si Syd. Magpapasama ako sa kanya sa airport para maayos na ang lahat at magkaharap-harap na kaming apat.

Nasa airport na kami at tinext ko si Tom.

'Tom, this is Wul. Nandito na kami sa airport. I want to talk to Pol.'

'We'll be there in 15 mins. I won't tell Pol.', ang reply niya.

'Ano bang ginagawa natin dito?', ang pagtatanong ni Syd.

Hindi ko muna siya sinagot.

***
'Tito, is it okay if you go and check in ahead of us? Wul's in the airport. He wants to talk to Pol', ang bulong ni Tom sa Daddy ni Pol.

Pumayag naman ito. Dumating na sila sa airport at agad namang pumasok sa loob ng airport ang mag-asawa.

'Pol, wait. May gustong kumausap sa'yo.', ang sabi Tom.

Humarap naman si Pol at nakita ako. Nasa likod ko si Syd na tahimik lang at mukhang naintindihan na kung bakit kami nandito. Halos patakbong lumapit si Pol sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

'Wul!', ang tangi niyang nasabi.

'I heard na babalik ka na sa States for good and before you do, I want to clear things between us. Your short stay here with me has been one of the happiest moments of my life. Napalapit ka na sa puso ko. Siguro nga minahal din kita ng higit pa sa alam ko. Nagkasakitan man tayo pero alam kong nandyan ka pa din lagi para sa akin. Salamat.', ang sabi ko.

Hindi na napigilan ni Pol ang umiyak. Hinawakan ko ang mukha niya.

'Pol, let's start with our lives separately. There are people waiting in the wings for us. Look, you have Tom and I have Syd. We may be miles apart pero we'll stay in each other's hearts, okay? Tom loves you. You should reignite your love for him. Susubukan din namin ni Syd kung may patutunguhan ang relasyon namin. Let's get over the past and be happy.', ang naiiyak kong sabi sa kanya.

Tumango si Pol at sinabing,

'I love you, Wul. And I will always do. Pero siguro, para kay Syd ka talaga. And I will try to be happy with Tom. Siya ang magiging Pol sa love story natin. Ako naman ang magiging Wul na tuturuan ang puso kong mahalin ulit siya.', ang natatawa niyang sabi.

'RIght. Facebook and Twitter, alright?', ang paalala ko sa kanya.

'Sure.', ang nakangiti niyang sagot sa akin.

Nagyakap muli kami ng mahigpit. Nagdesisyon akong i-let go si Pol hindi dahil sa pakiusap ni Tom. Ginawa ko iyon dahil si Syd talaga ang mahal ko from the very start. Mahal ko din si Pol pero hindi nito natalo ang nararamdaman ko para kay Syd. Lumapit si Tom at si Syd sa amin ni Pol.

'Pare, aalagaan mo lagi si Wul ah. Wag na wag mong tatawagan yan ng maaga kasi magagalit yan. Tsaka wag mong gugulatin yan kung ayaw mong mamura.', ang paalala ni Pol kay Syd.

Nagkamayan ang dalawa. Sobrang relieved ako dahil nakita kong okay na sila.

'Tom, ikaw na bahala kay Pol ha. Lagi mong papakainin yan ng madami kasi matakaw yan.', ang natatawa kong paalala kay Tom.

Binigyan ako ng Tom ng isang friendly hug at bumulong ng 'thank you'. Nagkamayan naman sila ni Syd pagkatapos noon. Isang ngiti ang iginanti ko sa pagpapasalamat niya. Sa huling pagkakataon ay nagyakap kami ni Pol. Mami-miss ko 'tong kapre na'to pero alam ko namang babalik pa siya e.

'I'll miss you.', ang sabi ko pagtapos ng mahabang yakap.

'I'll be back.', ang sagot naman niya.

Tumalikod na kami sa isa't isa. Hinarap niya si Tom at niyakap ito ng mahigpit. Ako naman ay lumapit na din kay Syd.

'Syd, will you give us a chance?', ang tanong ko.

'Yes. Hinding hindi na kita sasaktan.', ang sabi ni Syd.

Nagyakap din kami ng mahigpit.

-WAKAS-

Twisted Fate (19 & 20)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 19
Busy akong nag-aaral sa kwarto ko para sa isang madugong recitation bukas. Naging maayos naman ang lunch namin ni Syd. Hindi siya nag-open up about sa mga recent developments sa amin. Parang old friends lang na nagkita ulit after a long time. Kaya medyo hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayong gabing ito. Sa katunayan, masaya ako na nabalik na kahit papaano si Syd sa akin at nandyan din naman si Pol. Hindi pa nga pala nagtetext yun simula kanina. Ano kayang nangyari kay Pol?
'Knock, knock.', ang sabi ng pamilyar na boses pagtapos niyang buksan ng marahan ang pinto.

'Pol! Come in.', ang aya ko sa kanya sa loob.

'I've something for you.', ang pag-abot niya sa akin ng isang box ng brownies.


'Aww. Thanks. Ano nangyari sa'yo kanina? May emergency ba?', ang pag-aalala ko.

'Wala naman. Si Tom kasi biglang pumunta sa school. Sorry?', ang sabi niya.

'Okay lang. Wala yun.', sagot ko.

'So, how's your day? Na-miss mo ba ako?', ang paglalambing niya.

'Shut up. I went out with Syd.', ang pagsasabi ng totoo.

'Ah.', ang pagsimangot niya.

'Bakit sad?', ang sabi ko habang lumalapit sa kanya.

'Nothing. Baka makalimutan mo na ako ha.', ang malungkot niyang sabi.

'Hindi no! Ano ka ba. Di mangyayari yun. Masaya lang ako na okay na kami ni Syd. Well, kahit papano. At nandyan ka din sa tabi ko.', ang medyo natatawa kong sagot.

'Wul, sino ba sa amin?', ang seryoso niyang tanong.

***
Hindi ako pinatulog ng tanong na iyan ni Pol. Kelangan ko ba talagang mamili? Paano kung si Pol ang piliin ko? E kung si Syd? Paano kung wala akong piliin sa kanila? Mahal ko si Syd. Mahal ako ni Pol. Either way, may isang masasaktan sa kanilang dalawa. Pag hinayaan kong ganito, parehas silang mahihirapan. Hay.

Kinabukasan sa school, lutang ang isip ko. Bukod sa hindi ako nakatulog, binabagabag ako ng kung ano ang dapat kong gawin.

'Wul, lunch later?', ang bati ni Syd.

'Ha?', mistulang di ko naintindihan ang sinabi niya.

'Okay ka lang ba? Later ha, lunch ulit tayo.', ang nakangiti niyang sabi.

'Okay...', ang di ko natapos na sagot.

'Yay. Thank you.', at tumalikod na siya at bumalik sa upuan niya.

Ang labo. Ang sasabihin ko dapat ay, 'Okay lang ako. Wag muna tayong mag-lunch together dahil kailangan kong mapag-isa para makapag-isip.'. Bahala na nga. Tinext ko agad si Pol na nagyaya ulit si Syd ng lunch at hindi muna kami magsasabay.

'K.'

Nainis ako sa reply niya. Alam naman niyang sa lahat ng ayaw ko e yung magrereply ng 'K'. Hindi na ako nagreply.

Ang daming pinagawa sa class ko ng umaga. Kaya naman hindi ko na namalayan ang oras.

'Let's go?', ang aya ni Syd.

'5 minutes. Tapusin ko lang 'tong paper ko. Wait for me in the lobby?', ang sagot ko.

'Alright.', at lumabas na siya ng room.

Naglunch kami sa isang fastfood chain sa labas ng school. Napansin niyang matamlay ako.

'Wul, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik dyan e.', ang pag-aalala niya.

'Yup. Don't worry.', ang nakangiti kong sagot sa kanya.

Sinubukan kong itago ang pagiging balisa ko. Naging okay naman. Ang dami na naman naming napag-usapan tulad kahapon.

'What? Naalala mo pa yun? Nakakahiya.', ang natatawa kong sabi sa kanya nang ipaalala niya sa akin nung nadulas ako sa mall dati.

'Oo. Sino ba naman ang makakalimot dun?', natatawa din niyang sabi.

'Sabagay. Good old times.', ang nakangiti kong sabi.

Uminom ako ng softdrinks na hindi ko maubos-ubos sa kakatawa. Medyo relieved ako kahit papano. Buti na lang at maganda ang mga memories naming dalawa ni Syd. Nag-ring ang phone ko. Si Pol ang tumatawag pero hindi ko sinagot.

'O bakit di mo sagutin? Sino ba yung tumatawag?', ang tanong niya sa akin.

'Wala. Si Pol yun.', ang sagot ko.

'Wul.', ang biglang seryosong tawag sa akin ni Syd.

'O? Bakit bigla kang sumeryoso dyan?', ang natatawa ko pa ding tanong sa kanya.

Lalong bumigat ang pakiramdam ko na panandaliang nawala dahil sa pagre-reminisce namin ni Syd dahil sa kanyang sumunod na sinabi.

'Wul, sino ba sa amin?'

***
Pressure much? Hay. Ang hirap nga naman ng naka-hang ang isang relasyon mo sa dalaawang tao. Ang hirap mabuhay sa akala at baka sakali. Dapat may kasiguraduhan. Mahirap mag-assume dahil masakit yun kapag hindi nagtugma ang assumption mo sa reality. Kelangan ko munang mapag-isa. Iyan lang ang tingin kong makakatulong sa akin. Hindi ko magagawang magdesisyon kung nandyan silang dalawa at aali-aligid.

Umuwi ako sa bahay na ang layo ng iniisip. Around past 8pm na din yun. Bumalik pa kami ni Syd sa school after namin kumain dahil may klase pa kami. Sinabihan ko na siya na huwag muna kaming mag-usap ng mga ilang araw. In-explain ko sa kanya ang dahilan at mahinahon naman niya itong tinanggap. Pumasok na ako sa aking kwarto at binuksan ang ilaw.

'Ay, kapre!', halos mahulog ang puso sa gulat.

Nakaupo si Pol sa may bintana. Nakasimangot itong nakatingin sa akin.

'Can you not enter my room when I'm not around?! Gusto mo yata akong patayin sa gulat e.', at ibinagsak ko ang aking bag sa kama.

'So how's LUNCH?', ang sarcastic niyang pagtatanong habang nagbibihis ako.

'What's with the tone? Wag ka ngang ganyan. I had a rough day, okay?', ang inis kong baling sa kanya.

'Nagtatanong lang naman ako, masama ba?', ang patuloy niyang pagiging sarcastic.

'Hindi. i just don't like your tone. Parang sinasabi mong bawal akong kumain kasama ang iba maliban sa'yo.', ang dire-diretso kong sabi.

'Hindi naman. Kaso bakit kelangan kayong dalawa lang?', ang naiinis niyang tanong.

'Umuwi ka na nga.', ang pagtaboy ko sa kanya.

'Ayoko. Dito lang ako.', ang sabi niya at humiga siya sa kama.

'Hindi. Kelangan mo nang umuwi. Kelangan ko muna mapag-isa!', sabay hatak sa kanya patayo sa kama.

Tumayo naman siya ngunit laking gulat ko sa mga sumunod na nangyari.

'Bakit?! Pupunta siguro si Syd dito no? Kaya ayaw mong nandito ako! Simula nang kausapin ka ulit niyang lalaking iyan, nabawasan na ang oras mo sa akin. Sabihin mo na lang kasi na siya na talaga ang gusto mo para hindi na ako parang aso dito sa tabi mong umaasa!', ang sigaw ni Pol sa akin.

'Bakit ba ganyan ka mag-isip? Ako lang ba ang nabawasan ang oras?! E 'yang Tom mo. Kung makatingin sa'yo, akala mo pag-aari ka niya.', ang sigaw ko din sa kanya.

Hinawakan niya ako sa aking mga braso.

'Sino ba talaga sa amin? Sagutin mo!', ang galit na tanong ni Pol.

'Hindi ko alam!! Huwag mo akong i-pressure. Hirap na hirap na ako! Bakit ba kasi ako?! Ang dami namang iba diyan na mas guwapo, mas babagay sa'yo!', ang tuluyan kong pagbe-breakdown.

'Hindi lang ikaw ang nahihirapan! Ang hirap sa'yo feeling mo sa'yo lang umiikot ang mundo! Ginawa ko ang lahat, Wul, para mahalin mo din ako pero obvious naman kung sino pa din yang nasa puso mo e.', ang huling mga sinabi niya at umalis na.

Ang sakit ng mga sinabi niya pero hindi ko na siya hinabol. Masyado nang maraming nangyari ngayong araw na ito para dagdagan ko pa. Tinext ko na lang siya.

'Give me a few days off. Kailangan ko muna ng time para sa sarili ko. Para makapag-isip isip.'

Wala akong nakuhang reply. Sinubukan kong tawagan pero out of coverage ang number niya.

***
Lumipas ang mahigit isang linggo nang wala akong kinikibo sa kanila. Nabigyan ko na ng time ang sarili ko para magmuni-muni. May kinahinatnan naman ito dahil ngayon handa na akong harapin at sabihin sa kanilang dalawa kung sino ang pinili ko. Nawi-weird-uhan ako. Hindi ko maisip na hahantong ang lahat sa ganito. Pero wala tayong magagawa. Puso ang pinairal e.

Hindi talaga maiiwasang may masaktan. Pero kailangan ko nang magdesisyon dahil mas madami ang masasaktan kung ipagpapatuloy ko ang ganito. Gusto ko na ding sumaya. Gusto ko na ding makasama ang taong sa tingin ko ay magpapaligaya sa akin.

Ngayong araw na ito, lalabas ako at pupuntahan ko ang taong pinili ko. 





Part 20
 Hindi madaling tinanggap ni Pol ang kagustuhan kong mapag-isa muna. He stormed out of my room after naming magsagutan. Dinibdib niya ang lahat. Feeling niya siya ang talunan. Naging laman si Pol ng isang bar nang mga gabing hindi kami nag-uusap. Palaging lasing kung umuwi.
'One more glass please.', ang sabi ni Pol sa bartender.

At nilagyan naman ng bartender ng alak ang baso niya.

Laging mag-isa. Matamlay sa klase at sa bahay. Wala siyang kinakausap. Sinarili niya ang problema niya dahil sa tingin niya ay wala namang makakatulong sa kanya.

Nagpasya na siyang umuwi around 7pm pa lang dahil kanina pa siyang 5pm sa bar and resto na ito sa may Makati. Nag-taxi na lang siya dahil sa sobrang hilo. Sa lahat ng mga gabing nasa labas siya, ngayon lang niya nadatnang gising si Tom dahil 7.30pm pa lang naman nang makarating siya sa kanila. Halos kakatapos lang ng dinner. Lagi kasi itong isinasama ng parents niya sa mga lakad nila sa umaga kaya walang night life dahil sa pagod na din. Inalalayan siya nito paakyat sa kwarto nang mapansing lasing ito.

'There you go.', ang sabi niya nang finally ay nasa kama na si Pol.


'Can you get me a glass of water?', ang pakiusap ni Pol.

'Alright.', at lumabas si Tom ng kwarto.

'Bakit ba kasi hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay Syd?', iyan ang tanong ni Pol sa sarili niya.

Matagal siyang nakatulala. Ang higa niya ay hindi masyadong maayos at nakatalikod sa pintuan. Pumasok na ulit si Tom dala ang isang baso ng tubig.

'Here.', ang maikling sabi ni Tom.

Bumalikwas siya at nahulog sa kama.

'OW!', ang pagdaing ni Pol.

Inilapag ni Tom ang tubig sa table at agad siyang nilapitan at tinulungang makaupo.

'May masakit ba?', ang tanong ni Tom nang nakaupo na sila sa sahig sa gilid ng kama.

Nakatingin lang si Pol sa kanya. Ang mga luha ay nangingilid.

'Meron. Ito o.', ang sabi niya sabay suntok sa sariling dibdib.

Niyakap naman siya agad ni Tom at siya naman ay sumandal dito.

'Oh, dear. It will be alright. I'm here. Shhh.', ang masuyong sabi ni Tom.

Ikinwento ni Pol ang mga nangyayari - kung paanong siya ay nasa isang laban ng pagmamahal. Hinawakan niya ang mukha ni Pol at itinapat ito sa kanya.

'You don't have to be sad and lonely, Pol. That's the least thing I want you to feel. That's why I'm here.', ang sabi ni Tom habang nakatitig sa mga lumuluhang mata ni Pol.

***
Hindi mapakali si Syd sa halos mahigit isang linggong hindi namin pag-uusap. Araw-araw kaming nagkikita pero hanggang ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya. Nang araw na nagpasya na akong magdedesisyon na ay anxious si Syd. Wala silang idea na ngayon ko gagawin ang pagpili pero parang nakaramdam si Syd. After class ay umuwi siya agad at nagkulong sa kwarto.

Maaga pa nang umuwi siya. Around 5pm pa lang. Nakaupo lang siya sa may bintana at nakatingin sa kawalan. Hindi na niya kaya ang paghihintay. may pakiramdam siyang hindi siya ang pipiliin ko. Pero ayaw niyang sumuko. Sinubukan niya akong tawagan pero nakapatay ang cellphone ko.

'Bahala na.', ang nasabi ni Syd sa sarili.

Nagdesisyon siyang puntahan ako sa bahay at ipaglaban na dapat siya ang piliin ko. Inabot din siya ng mahigit isang oras sa pagdedesisyon. Medyo malayo ang lugar nila sa amin kaya naman nagmadali itong mag-ayos ng sarili at umalis.

'Pa, pahiram ng kotse ha. May importante lang akong pupuntahan.', ang sabi ni Syd sa Papa niya pagbaba ng kwarto sabay kuha sa susi na nakapatong sa table.

Wala nang nagawa ang Papa niya kung hindi ang pumayag.

Habang on the way papunta sa amin, kinakalma ni Syd ang sarili dahil sa anxiety na unti-unting tumatalo dito.

'Ikaw ang mahal ni Wul, Syd. Ikaw ang pipiliin niya. Matututunan mo din siyang mahalin. Mahalaga siya sa'yo.', ang mga paulit-ulit niyang sabi sa sarili habang nagda-drive.

Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nakarating si Syd sa bahay namin. Nagpark siya sa gilid ng street at tinahak ang gate. Nag-door bell at pinagbuksan naman siya ni Mommy.

'Oh, Syd. Kamusta?', ang gulat na sabi ni Mommy dahil past 7pm na din iyon.

'Okay lang po. Nandyan po ba si Wul?', ang tanong niya.

***
Akala ko ay hindi matutuloy ang balak kong pagpunta sa taong pinili ko dahil sa dami ng mga requirements kelangan kong tapusin. Ayokong hayaan na maapektuhan ng personal life ko ang pag-aaral ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang malapit nang mag-6pm. Kaninang 4pm pa ang uwian ko pero dahil nga sa daming ginagawa ay nasa library pa din ako. Patapos na ako sa ginagawa ko at pauwi na sa ilang minuto.

Mabilis naman akong nakauwi. Wala pang isang oras ang biyahe ko at dumating na din ako sa bahay. Naligo at nagbihis lang at lumabas uli.

'O, anak. Malapit na mag-dinner. Aalis ka pa?', ang sabi ni Mommy sa akin.

'Yes, Mom. Babalik din agad ako.', ang sagot ko sabay halik sa pisngi niya.

Palabas na ako ng gate nang narinig ko ang tanong ni Mommy.

'Saan ka ba pupunta? Ingat, anak.', sabi ni Mommy.

'Kina Pol po!', ang sigaw kong sagot sabay sara ng gate.

***
'Nako, hijo. Halos kakaalis lang ni Wul. Mga 15-20 minutes ago.', ang sagot ni Mommy kay Syd.

'Ah. Ganon po ba? Nasabi niya po kung saan siya pupunta?', ang magalang na niyang tanong.

'Nako, kahit di naman sabihin nun, alam ko na naman kung saan pupunta yun. Pero oo, sinabi niya na pupunta daw siya kina Pol.', ang magiliw na sagot ni Mommy.

'Ah. Sige po, thank you po, Tita.', ang sabi ni Syd habang pinipigil ang sariling umiyak.

'Pasok ka muna. Antayin mo na lang siya dito sa loob.', ang aya ni Mommy.

'Hindi na po. Itetext ko na lang po siya.', tugon ni Syd.

'O sige, hijo. Ingat.', ang sabi ni Mommy bago isara ang pinto.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Syd pagtalikod sa bahay namin. Pinuntahan niya ang kotse ng Papa niya. Ang sakit ng naramdaman ni Syd. Na-gets na niya kung sino ang pinili ko. Malinaw naman na wala muna akong kakausapin sa kanila pero ngayong nalaman niyang papunta ako kina Pol, alam na niyang si Pol ang pinili ko. Ang taong magmamahal sa akin. Ang taong alam kong magpapaligaya sa akin ay si Pol at hindi si Syd. Sinipa niya ang gulong ng sasakyan dahil sa sobrang frustration na nadarama niya ngayon. Pumasok siya sa loob ng kotse at doon umiyak. Inuntog ang ulo sa manibela at sinabing,

'Ang tanga tanga mo, Syd! Ang tanga-tanga mo!'

Ang hirap tanggapin para kay Syd na ang taong nagmahal sa kanya ay pumili na nang iba. Hindi niya ako masisi dahil may nagawa siyang mali. Kahit na alam niyang dehado siya sa simula pa lang ay hindi siya sumuko dahil sa pag-aakalang mananaig ang pagmamahal ko sa kanya. Pero naisip ni Syd na marahil ay tama si Pol na ang pagmamahal ay nauubos din lalo na kung di ito inalagaan. Sinisi niya ang sarili niya sa kabiguan niya. Walang tigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Na-realize na niya ngayon ang sakit na naramdaman ko nung ako ang nasa position niya.

***
After 20 minutes lang ay nasa subdivision na ako nina Pol. Kinakabahan ako. Alam kong tama naman itong desisyon ko. Safe kung maituturing dahil mas pinili ko ang taong nagmamahal sa akin kesa sa taong mahal ko.  Kahit papaano naman ay may puwang na si Pol sa puso ko na para sa kanya lang. Mahal ko na din naman siya e. Mas matindi nga lang yung kay Syd. Pero willing na akong i-let go si Syd kapalit ng pagmamahal ni Pol. Naisip ko kasing siguro panahon na para ako naman ang sumaya, para ako naman ang mahalin.

'Manong, dito na lang po.', ang sabi ko sa taxi driver at nagbigay na ng bayad.

Bumaba na ako at nag-doorbell. Pinagbuksan ako ng katulong nila Pol.

'Hi, Sir Wul.', ang bati sa akin ng maid.

'Hello. Si Pol?', ang bati ko.

'Nasa taas po. Akyat na lang po kayo.', ang sabi niya.

Marahan naman akong umakyat patungo sa room ni Pol. Hinawakan ko na ang door knob, nagpakawala ng isang buntong hininga at binuksan ang pinto.

***
'You don't have to be sad and lonely, Pol. That's the least thing I want you to feel. That's why I'm here.', ang sabi ni Tom habang nakatitig sa mga lumuluhang mata ni Pol.

'Thank you.', ang halos bulong na sagot ni Pol.

Unti-unting inilapit ni Tom ang mukha kay Pol at sinabing,

'Please be mine again.'

Tuluyang naglapat ang mga labi nila. Marahan at masuyo ang halik na ibinigay ni Tom kay Pol. Ngunit naging mapusok ito nang sinimulan ni Tom na i-unbotton ang suot na polo ni Pol. Nagpadala si Pol sa init na nadarama niya at hinatak si Tom sa kama. Naging mainit ang mga sumunod na tagpo. Parehas nang walang saplot ang dalawa at pinagsasaluhan ang mapanuksong tawag ng laman.

Ngunit natigilan sila at natauhan nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko ma-explain ang initial kong naramdaman sa eksenang nakita ko. Si Pol at si Tom ay parehas na nakahubad sa kama ni Pol. Para akong istatwang napako sa aking kinatatayuan. Wala na akong luhang maiiyak.

'Sorry. Get back to business.', ang wala kong emosyon na sagot.

Isinara ko ang pinto at marahang naglakad pababa. Hindi ko maintindihan ang nakita ko. Bumibilis ang mga lakad ko palabas sa bahay nina Pol.

***
Pagkasara ko ng pinto ay agad namang nagbihis si Pol at lumabas. Sinubukan siyang pigilan ni Tom.

'Pol! Sinaktan ka niya! Don't run after him.', ang sabi ni Tom habang hawak ang braso ni Pol.

'No! Mahal ko siya, Tom. Wag mo na akong pigilan.', ang sagot naman ni Tom.

'How about me?', ang tanong ni Tom.

'Matagal nang tapos ang lahat sa atin, Tom. You took advantage of me tonight. I will let it slip pero please, wag mo na akong pigilan!', ang sabi ni Tom at lumabas na siya ng kwarto.

Halos madapa na si Pol sa pagtakbo palabas ng bahay dahil medyo nahihilo pa din siya.

'Wul!', ang tawag niya sa akin ng nakita niya ako.

Hindi ako lumingon. Tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng subdivision nila.

Twisted Fate (17 & 18)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 17
Nagbabasa ako ng libro nang may kumatok sa aking pinto.
'Pasok.', ang sabi ko.

Si Pol ang pumasok at may dala-dalang pagkain galing sa isang fastfood chain.

'O, sabi ko diba wag ka na mag-abala pang pumunta dito at kelangan mo nang magpahinga.', ang sinabi ko sa kanya habang tinabi ko ang libro at inayos ang kama.

'Ano nangyari sa mukha mo?!', laking gulat ko nang mapatingin na ako sa kanya.

Ibinaba niya ang dala niya at umupo sa may gilid ng kama. Walang imik. Tumayo ako sa harapan niya at tiningnan ang malaking pasa sa may kanang mata.

'Nagkita kami ni Syd kanina sa school.', ang mahinahon niyang sabi.

'Ano bang iniisip mo? Bakit mo pinatulan yun? Hay. Kahit kelan talaga yung lalaking yun napakamainitin ng ulo.', ang sabi ko habang sinisipat ang pasa niya.

'Ow. Wag ka na magalit. Ang yabang kasi niya e. Nasampolan ko din naman siya e.', ang sagot ni Pol.

'Wag mo nang ulitin 'to ah.', ang sabi ko sa kanya.

'Oo. Wag lang ulit siyang magyayabang sa akin.', tugon ni Pol.

'Pol.', ang tangi kong sinabi na na-gets naman niya kung anong ibig kong sabihin.

'Sige na. Hindi na 'to mauulit.', ang pagpapakumbaba niya.

***
Nakabalik na ule ako sa school pagkatapos ng tatlo pang araw na bed rest sa bahay. All cleared na ako ayon sa doctor ko dahil wala naman naging complications sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko pagpasok ko. Pero naging masyadong maasikaso sa akin ang mga kaklase ko pati na din ang ibang mga professors. At syempre, si Syd hindi nawala sa tabi ko habang nagkaklase kami. Maya't maya ang pagche-check niya sakin. Nakakapanibago pero na-miss ko din yung ganito.

'Wul, pwede ba tayo mag-usap after class?', ang mahinang tanong sa akin ni Syd habang naghihintay ng susunod na klase.

'Okay, sige.', ang pagpayag ko.

Ayun nga. Nagpunta kami sa park kung saan nagsimula at natapos ang lahat sa amin noon. Tinext ko si Pol at sinabi ko ang totoo na mag-uusap kami ni Syd. Okay naman sa kanya. Gusto niya akong hintayin pero sabi ko sa kanya ay wag na.

'Seriously, Syd? Dito talaga?', ang medyo inis kong tanong sa kanya.

'Call me cheesy or what. Pero this is our place. Dito nagsimula at natapos ang lahat sa atin. At ngayon, gusto ko ulit na magsimula tayo.', ang pagpapaliwanag niya.

Cheesy talaga. Hindi ito ang Syd na kilala ko. Parang natatawa ako na ewan.

'Syd, naririnig mo ba ang sarili mo?', ang medyo natatawa kong tanong sa kanya.

'Oo. Wul, alam ko ang ginagawa ko.', ang seryoso niyang sabi.

Umupo kami sa mga damuhan at nagsimula na kaming mag-usap ng masinsinan.

'I felt betrayed nung inamin mo yung feelings mo sa'kin kaya naging violent ang reaction ko. Alam mo yun. Parang feeling ko I was taken advantage at. Parang ang hirap lang malaman na 'yung tinuuring mong bestfriend e mas higit pa pala ang tingin sa'yo. Nakakailang. Parang feeling ko at any moment, kaya mo akong halikan or what. Natakot ako. Ako ang humina. Hindi ako nagtiwala sa'yo.', ang paliwanag ni Syd nang tinanong ko siya kung bakit niya nagawang tapusin ang friendship namin.

Wala akong imik. Hinayaan ko lang siya na magsalita ng magsalita.

'Napansin ni Lei yun na tumatamlay ako. Nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Pati sa kanya. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko. Nagalit ako sa sarili ko. Nagawa kong saktan ka sa kabila ng lahat ng magandang pinagsamahan natin. Hindi ko masabi kay Lei yun dahil baka kung ano ang isipin niya. Kapag kasama ko siya at pupunta kami dito, ikaw ang naaalala ko. Kaya para hindi ko na madagdagan ang mga taong nasasaktan ko, tinapos ko na ang lahat sa amin. Ewan ko. Ang gulo.', ang patuloy niyang pagkekwento.

'Pero hindi ko pa din magawang kausapin ka kasi masasaktan ko ang ego ko. Kilala mo ako, Wul. Sobrang taas ng pride ko. Pero naging wake up call sa akin nung nalaman kong naaksidente ka. Naisip ko baka mahuli na ang lahat nang hindi man lang ako nakakapag-sorry sa'yo. Kaya dali-dali akong pumunta nang hospital.', halatang nagpipigil ng iyak si Syd habang sinasabi niya ito.

'Syd, hindi ko alam na ang bigat din pala ng dinadala mo. Na-stuck kasi sa utak ko na galit ka sa akin at natakot akong kausapin ka dahil baka ipahiya mo lang ako. Kilala kita at alam kong kaya mong gawin yun. Hindi ko nakuha ang idea na nasasaktan ka din at gusto mo akong kausapin kasi tuwing magkakasalubong tayo, parang hindi ako nag-eexist sa'yo. Kaya inisip ko na kung ayaw mo, e di huwag. Pero sa loob-loob ko, nasasaktan ako kasi nami-miss kita.', ang paglalahad ko.

'Wul, bakit ka tumatakbo nung gabing iyon?', ang tanong niya.

'Hinahabol ko si Pol. Nung gabing yun, nagdi-dinner kami sa Greenbelt, nag-confess siya ng nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi ko tinanggap. Nasaktan siya at umalis. Nung nakita kong papalayo na ang kotse niya, biglang pumasok sa isip ko yung naging eksena natin dito sa park. Nung tinapos mo ang friendship natin at nakita kitang naglalakad palayo sa akin. In a way, parang naulit siya nung gabing iyon, ang pagkakaiba lang, naka-kotse si Pol at ako ang nakasakit. Naisip ko na hindi ko na kaya ang mawalan na naman ng isang kaibigan dahil sa katangahan ko. Hinabol ko siya dahil napagdesisyunan kong bigyan siya ng chance. At kalimutan ka in the process.', ang paliwanag ko.

Pinakawalan na ni Syd ang mga luhang kanina pang nakadungaw sa mga mata niya. Hinawakan ko siya sa kamay.

'Syd, mahal pa din kita. Pero bago ka pa bumalik, handa na akong kalimutan ka at magsimula kasama si Pol.', ang sabi ko.

'Wul, magbabago ba ang desisyon mo kung sabihin ko sa'yo ngayong handa akong bigyan tayong dalawa ng chance ngayon? I'm never romantic with another guy pero alam kong itong nararamdaman ko sa'yo ngayon ay kakaiba. Hindi ko man masabing mahal kita ngayon pero I think papunta na ako dun kung bibigyan mo ako ng chance.', ang pakiusap ni Syd.

'Syd, masasaktan ko si Pol. Mahalaga siya sa akin. Siya ang sumalo sa akin nung mga panahong wala ka. Siya ang naging sandalan ko.', ang depensa ko.

'Wul, miss na miss na kita. Sana pagbigyan mo ako.', ang sabi ni Syd.

Naiyak ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang miss na miss ko na din si Syd. Halos buong second sem kaming hindi nag-usap. Niyakap niya ako at hindi naman ako pumalag.

***
Nagising ako sa ring ng phone ko. Si Pol ang tumatawag.

'Good morning. Bangon na.', ang bungad ni Pol sa akin.

'Nanggising ka na naman. Hay.', ang sagot ko.

'Papunta ako ng airport. Sunduin ko sina Daddy. Dinner later, yes?',ang masaya niyang sabi.

'Ngayon na ba yun? Alright. Be there. Pero, matutulog muna ako.', ang sagot ko.

'I'll pick you up at 7pm. Okay? Sige na, sleepyhead. Go back to DreamLand. Later, bye!', ang paalam niya.

Agad din naman ako nakatulog ulit. Wala sa hinagap ni Pol ang surprise na nag-aantay sa kanya sa airport. Masyado siyang masaya habang nagda-drive pero naging kabaligtaran ang feeling niya nang makita na niya ang parents niya.

'Mommy! Daddy! Oh, I missed you both so much!!', at sinabayan niya ito ng mahigpit na yakap sa kanyang mga magulang.

'Let's go?', ang yaya niya.

'Wait, son.', ang pagpigil ng Mommy niya.

'Why, Mom? May nalimutan ba tayo?', ang sabi ni Pol.

May lalaking papalapit sa kanila. Hindi ito napansin ni Pol dahil nakatalikod siya dito.

'Ooh, I thought I lost my baggage.', ang sabi ng lalaking ito sa mga magulang ni Pol.

Magiliw ang parents niya sa bagong saltang ito. Napaharap si Pol sa lalaking may familiar na boses.

'Hi, Pol. Missed me?', ang nakangising baling nito sa kanya.

Hindi makaimik si Pol at natulala. 





Part 18
Si Pol ang nag-drive pauwi sa bahay nila. Ang parents naman niya ay sa back seat nakaupo. So, ang bagong salta ang nasa passenger's seat. Hindi maikakailang naiilang si Pol.  Buti na lang at walang traffic kaya't mabilis silang nakarating sa bahay.
'Hijo, magpapahinga muna kami ng daddy mo ha.', ang paalam ng mommy ni Pol sa kanya.

'Sige po. around 7pm, kakatukin ko kayo para makapag-dinner tayo.', ang sabi niya.

'Alright, son. See you later.'

Umakyat na ang parents niya sa kwarto. Pumunta siya ng kusina para i-check ang maids kung kamusta na ang niluluto nila at para sabihin na dagdagan dahil lima na silang kakain. Siya namang pasok ng misteryosong lalaki sa bahay dala ang lahat ng bagahe nila ng parents ni Pol.

'Where do I put this stuff? And what room am I gonna use? I'm sweatin'. I wanna take a shower.', ang sunod-sunod na tanong ng bagong salta.


'Just put it there. Bahala na sina Yaya mag-asikaso nyan. There's a spare room upstairs. Let's go, I'll show you.', ang cold na sagot ni Pol.

Umakyat na din sila at tinahak ang extra room.

'Seriously, Pol? You'll let me sleep here? There's no aircon!', ang reklamo niya.

'Don't be a bitch, Tom! You're not supposed to be here in the first place!', at tuluyan nang napuno si Pol.

Si Tom nga pala ang boyfriend ni Pol nung nasa States pa sila. Siya din ang nahuli ng kapatid niyang kasama niya sa kwarto. Kaya ganon na lang ang pagtataka niya na kasama siya ng parents niya pabalik ng Pilipinas. Filipino din si Tom pero sa States na siya lumaki. Marunong naman siya mag-Tagalog. 19 years old din siya tulad ni Pol, moreno, may taas na 5'9 at may katamtaman ding pangangatawan.

'Why are you here?! And how did you let Mom and Dad bring you here?', ang pagalit na tanong ni Pol.

'Hey, dude. Chill. Masyado ka hot-headed. Didn't you miss me, boo? Coz I almost killed myself when they told me you went back here.', ang paglalambing ni Tom.

'Cut the crap, Tom! We're done already! Diba after Ate saw us, I stopped dating you.', ang patuloy na pagpapakita ng disgust ni Pol kay Tom.

'Don't be so hard on me, Pol. You're gonna thank me later.', at lumabas ito ng kwarto.

***
Sinundo ako ni Pol around 6.30 ng gabi. Medyo traffic at napansin kong anxious siya.

'Pol, okay ka lang ba?', ang pag-aalala ko.

'Yeah. I just have a rough day.', ang sabi niya pero halatang hindi siya okay.

'Kinakabahan ako pag na-meet ko ang parents mo.', ang sabi ko sa kanya.

'Ano ka ba. Mabait naman sila e. Wag ka mag-aalala. Tsaka nandun naman ako.', ang sagot niya.

Dumating kami sa kanila around 7.15 na yata. Pero bago bumaba ng kotse ay kinausap ako ni Pol.

'Wul, I had a surprise visitor. Kasama nina Daddy si Tom. Ex ko.', ang malungkot na sabi ni Pol sa akin pagkatapos niyang mag-park sa gilid ng bahay nila.

'Oh. Hmm. Okay.', medyo naging uneasy ako bigla.

'Wag mo na lang siya pansinin. May pagka-brat kasi yun.', ang sabi niya.

Medyo confused ako. Parang ang gulo ng sitwasyong papasukan ko sa bahay nina Pol. Bahala na. Magpapaalam na lang ako na uuwi na kapag hindi maganda ang vibe ko sa loob.

'Tara na.', ang aya sa akin ni Pol papasok sa bahay nila.

Pumasok na kami at pinakilala ako ni Pol sa parents niya at kay Tom. Medyo iba ang tingin ni Tom sa akin. Mukhang sinisipat niya kung ano ang namamagitan sa amin ni Pol. Dumiretso na din kami sa dining table at nagsimula nang kumain.

'Nako, hijo. Salamat sa pag-aalaga dito sa anak ko nung umuwi siya dito ha.', ang sabi ng Mommy ni Pol sa akin.

'Wala po iyon. Magkaklase naman po kami nung high school kaya okay lang po. It was good catching up with an old friend.', ang magiliw kong sagot.

'Right. Kaya nga itong si Tom ay nagpumilit na sumama sa amin dito dahil gusto na daw niya makita si Pol.', ang sagot naman ng Mommy niya.

Tawa na lang ang naisagot ko. Nag-raise ng baso si Tom sa akin at ngumiti.

'I'm just so happy na nagkakilala na din kayo finally.', ang sabi ni Pol sa aming lahat.

'Pol, you should thank your friend, Tom, here. Naglakas ng loob 'yan na pumunta sa bahay after, uhm, what happened. He's the reason why we're here.', ang sabi ng Daddy ni Pol.

'Oh. Hmm. Thanks, Tom!', ang pilit na pagpapasalamat ni Pol.

Awkward. Sobrang awkward talaga ng dinner na 'yun. Buti na lang at natapos din agad. Nagpunta kami sa garden at uminom ng wine. Nakakahiya naman kung eat and run ako. Hindi naman umalis si Pol sa tabi ko.

'So, are you two sleeping together?', ang biglang tanong ni Tom sa amin ni Pol nang magpaalam na ang parents niya na mauuna nang matulog.

'No!', ang napalakas kong sagot.

'I mean, no. We're not sleeping together. We're just friends.', sabay lagok ng wine.

'Really? Why do I get the vibe that he's protecting you?', ang patuloy na pag-interrogate ni Tom.

'Well. I think it's not your damn business and Wul should get going.', ang pagsabat ni Pol at biglang hatak sa kamay ko.

'You're so rude, Pol!', ang medyo inis na sabi ni Tom.

'Later, Tom!', paalam ni Pol.

Hinatid na ako ni Pol pauwi sa amin. Hindi naman din siya nagtagal at umuwi na din dahil sobrang pagod na siya.

***
Pagdating ni Pol sa bahay, nakita niya ang daddy niya na nasa bar.

'Hey, Dad.', ang bati niya dito.

'Pol. You want a drink?', ang aya ng Daddy niya.

'No. Thanks.'

Umupo si Pol sa tabi ng Daddy niya.

'Dad, I never had the courage to say sorry for whatever trouble I have caused you back in the States. Alam ko nasaktan ko kayo nina Mommy. Pero I cannot say sorry for what have you discovered about me.', ang seryosong sabi ni Pol.

'I know, son. Naging mahirap lang tanggapin dahil syempre you're the only guy in this family. Pero anak pa din kita. Kahit ano ka pa, your Mom and I will always love you. Basta kelangan ko pa din magkaapo ha. Malinaw?'

'Err. Sige. We'll see about that. I missed you, Dad.', ang medyo natatawang sagot ni Pol.

'Ako din, anak.'

'Pero, Dad. Why bring Tom here?', ang pagbago ni Pol ng topic.

'Naging instrumental si Tom sa pagtanggap namin sa'yo, sa inyo. Ilang beses siyang pumunta ng LA para kausapin kami. Nung una, nanginginig talaga ako sa galit pero ang Mommy mo, pinapasok siya at pinakinggan.', ang pagpapaliwanag ng Daddy niya.

'Really? Ano ba sinabi niya?', ang tanong ni Pol.

'Just like what I said to you, we should accept you the way you are. Alam na naman namin iyon ng Mommy mo pero we've been clouded with anger, especially I. Kinailangan lang namin ng someone na magpapa-realize nun samin and that had been Tom.', patuloy na paliwanag ng Daddy niya.

'Wow. O siya, Dad. Akyat na ako. Good night!', ang paalam ni Pol.

'Okay. Aakyat na din ako maya-maya.', ang sagot ng Daddy niya.

Umakyat na si Pol sa kwarto niya. Nakapatay ang ilaw at kinapa niya ang switch para buksan ito.

'Holy mother of Christ!!'

Sobrang gulat ni Pol nang makita si Tom na nakahiga sa kama niya.

'Why are you here?!!', ang pagalit na gising ni Pol kay Tom.

'Hey, give me a decent sleep!', ang tanging sabi ni Tom at nagtakip ng ulo sa mukha.

Hinayaan na lang ni Pol si Tom. Nagshower siya at natulog na din.

***
Kinabukasan, unang nagising si Tom at ipinaghanda niya ng almusal si Pol.

'Wake up! Wake up!', ang pagsigaw niya sa kwarto ni Pol habang hawak ang isang tray ng ham and egg sandwich, fruits at juice. Napabalikwas naman si Pol at nakita si Tom na nakatayo sa harapan niya.

'What's this, Tom?', ang medyo antok pang tanong ni Pol.

'Good morning! Breakfast in bed.'at ipinatong na ni Tom ang tray sa side table ng kwarto.

'Morning. Ow. Ang sakit ng batok ko.', habang hinihimas ang batok niya.

'Let me.', sabi ni Tom.

Umupo si Tom sa likod ni Pol at minasahe siya.

'I missed you, Pol.', ang sabi niya sa kaliwang tenga ni Pol.

Natawa lang si Pol sa sinabi ni Tom at tumayo.

'Seriously?', ang medyo nainis na sabi ni Tom.

'I gotta get dressed. I'm late for school.', ang sabi ni Pol at pumasok na sa CR.

***
Naging ordinaryo lang ang araw namin sa school. Ang bagal ng takbo ng oras. Ang aga mag-dismiss ng mga prof ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang tinatamad ang lahat.

'Wul.', ang pagtawag ni Syd sa akin.

'Yeah?', ang sagot ko naman.

'Gusto mo mag-lunch?', aya niya.

'Hmm. Inaantay ko na si Pol e.', tugon ko.

Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Nasa labas na ng building namin si Pol noon para puntahan ako at makakain na sa labas nang nag-ring ang phone niya.

'Tom, what now?', ang cold na pagsagot niya.

'I'm a little lost. I'm here at your school. Can you fetch me? I wanna grab lunch with you.', ang sabi ni Tom sa kabilang linya.

'What? Hold on.', ang sabi naman ni Pol.

Nakareceive ako ng text galing kay Pol saktong pagtalikod ni Syd.

'Wul, sorry. I gotta run. Bawi ako next time.'

Hindi na ako nagreply. Pero nakakapagtaka.

'Syd, saan ba?', ang nakangiti kong tanong sa kanya.

Twisted Fate (15 & 16)

by: Lui 
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 15
Hinahabol ko ang taong nagmamahal sa akin pero nabigo ko. Takbo lang ako ng takbo. Ang mga luha ko ay parang mga presong sabik na sabik sa paglaya. Hindi ko maramdaman ang sakit ng mga paa ko dahil sa bigat ng dinaramdam ko. Sa pagkakataong ito, ako ang naduwag. Ako ang nakasakit.
Napalingon at napatigil ako sa aking kanan dahil sa isang malakas na busina at nakakabulag na ilaw...

***
'Mommy, gising na po si Wul!', ang masayang tawag ng ate ko sa aking ina.

Napansin kong wala ako sa aking kwarto. Iba ang ambience sa lugar na ito. Tahimik. Sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ng aking ulong biglang kumirot.

'Ow.', sabay hawak sa ulo ko.


Nakabenda ito at may sugat ako sa may bandang kaliwang parte. Ang dami kong galos at ang mga hita ko ay puro sugat. Naramdaman ko ang pagsakit ng buo kong katawan.

'Mia, tawagin mo ang doctor.', ang utos ni Mommy sa kapatid ko.

Dali-dali namang lumabas ang kapatid ko sa kwarto.

'Mommy, sorry.', ang paghingi ko ng dispensa sa aking ina.

'Aksidente ang nangyari, anak. Wala kang dapat ipaghingi ng tawad.', ang mahinahong sagot ng mommy ko.

Maingat akong niyakap ni Mommy at dinampian ng halik sa pisngi. Dumating na ang doctor kasunod ang kapatid ko. May mga ni-run siyang test at sinabing wala naman daw sign na nagiging worse ang kalagayan ko. Pero in-explain niya sa akin na kailangan ko muna mag-stay sa hospital ng mga ilang araw pa upang maobserbahan nila ang ulo ko.

'You hit your head so hard in the ground. To be safe, you are under observation for some days to make sure na walang internal bleeding. Alright, Wul?', ang explanation ng doctor.

'Sure, Doc. Thank you.', ang magalang kong sagot.

Nag-iwan ng ilang reminders ang doctor kay Mommy bago tuluyang lumabas.

'Mommy, punta lang ako sa cafeteria. May papabili ka?', ang pagpapaalam ng ate ko.

'Wala. Sige na.', ang tanging sagot ni mommy.

Nang nakalabas na si Ate Mia, kinuha ni Mommy ang isang stool at umupo sa gilid ng kama ko.

'Anak, may problema ka ba? You can always talk to Mommy.', ang pag-aalala niya.

Nanumbalik lahat ng mga nangyari ng gabing iyon bago ang aksidente.

***
Dinala ako ni Pol sa Greenbelt. Hindi ko alam kung anong okasyon at parang ang saya-saya niya. Oo nga pala, halos isang buwan na simula nung nag-usap kami ni Pol regarding sa status naming dalawa. Hindi na ulit namin iyon napag-usapan pero after ng gabing iyon ay mas naging maalaga at sweet si Pol sa akin. Pinakilala niya ako sa mga new-found college friends niya. Mukhang masaya naman na siya. Madalas tuwing Friday ay lumalabas kami kasama ang barkada niya. Pero ngayong gabing ito ay kaming dalawa lang.

'Pol, diba masyadong mahal dito sa kakainan natin? Baka maubos ang allowance mo.', ang medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

'Hindi. Okay lang. Ako'ng bahala.', ang nakangiti niyang sagot.

Pumasok kami sa isang eleganteng restaurant. Buti na lang pala at medyo nagpormal ako ng suot. Napaka-sophisticated ng mga taong nasa loob at ang mga waiter ay talagang maasikaso. Habang nagdi-dinner kami ay ikinwento niya sa akin na tumawag ang daddy niya. Nakapag-usap na sila. Nagkaiyakan at nagkapatawaran. Uuwi silang mag-asawa dito para magbakasyon. All is well. Masaya ako para sa kanya.

'I am so happy for you.', ang masaya kong sabi sa kanya.

'Thanks. You've been beside me all the time. Ipapakilala kita sa kanila pagdating nila dito. Okay lang ba?', ang pagpapaalam ni Pol.

'Sure. I would love to.', ang nakangiti kong sagot sa kanya.

May kinuha siya sa pocket niya. Isang box. Inilapag at inilapit niya ito sa akin. Nangungusap ang mga mata ni Pol. Binuksan ko ang box.

'Ipapakilala kita sa kanila bilang pinakaimportante at pinakamahal kong tao sa mundo. I love you.', ang masuyo niyang sabi.

Isang manipis na silver necklace ang laman ng box. May singsing na nakalagay dito kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa. Such a cliche. Pero iba pala kapag ikaw ang nasa sitwasyong ganon. Pero hindi ako nagpadala sa moment na 'yun. Alam kong masasaktan ko lang siya kapag tinanggap ko ito.

'Pol.', ang tangi kong nasabi.

Ang mga luha ko ay nangingilid na. Inilapag ko ang box sa table at inilapit sa kanya. Pinahid ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi.

'What?', ang nagtatakang nasabi ni Pol habang ang mga luha niya ay nagbabadya nang pumatak.

'I'm sorry. Pol, I'm so sorry.', ang tanging nasabi ko.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan pero pinigilan ako ni Pol.

'Let's talk. Please. Don't leave me like this.', ang pagmamakaawa ni Pol.

'No. I'm terrified with what I've done to you. We'll talk some other time. Kelangan ko munang mag-isip isip.', ang tangka kong pagtakas.

Hindi ko alam kung paano haharapin 'to. Naging takot na ako sa confrontation simula nung sa nangyari sa amin ni Syd. Ayokong makitang lalo siyang masaktan dahil hindi ko talaga kayang ibigay sa kanya ang gusto niya.

'That's bullshit, Wul. Ano bang mali sa akin? Sa atin? Masaya naman tayo diba? I love you.',ang sabi ni Pol.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi umupo uli dahil mukhang handa si Pol na makuha ang attention ng lahat kapag nagpumilit akong umalis. Ayoko namang mangyari yun.

'Walang mali sa'yo, Pol. Oo, masaya tayo. Pero I can't be your boyfriend.', ang mahinahon kong pagpapaliwanag.

'Why not? This is crap, Wul!', medyo nagtaas na ng boses si Pol.

'Because I'm still broken! My heart is still crushed. Gustuhin ko mang mahalin ka sa parehong paraan ng pagmamahal mo sa'kin, hindi ko talaga magawa. I'm still madly in love with someone else. And God knows how hard I'm trying to get over him.', ang pag-amin ko habang ang mga luha ko ay malayang umaagos sa magkabilang pisngi.

Buti na lang at medyo dim ang lights sa restaurant at hindi karamihan ang tao kaya wala masyadong nakakapansin sa pag-uusap namin ni Wul. Napayuko na lang si Pol sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

'Pol, I'm so sorry. Ayokong pumasok sa isang relasyon nang hindi pa ako handa. Hindi ko naman sinasabing hindi pwedeng maging tayo e. Just give me some time. And please don't be like this. It's killing me.', ang mahinahon kong tugon.

'I don't know what to say. I thought we are on the same page. Akala ko mahal mo din ako!'

Tumayo na siya. Nag-iwan ng cash sa table at lumabas na ng restaurant. Sinundan ko siya at sinubukang kausapin ng maayos.

'Pol, please don't be so hard on me! All I'm asking for is a little more time.', ang pakiusap ko sa kanya.

'A little more time? My God, Wul. Gaano na ba tayo katagal na ganito? Aren't you tired of hanging around, not knowing kung saan patungo 'tong relasyon natin?', ang galit niyang baling sa akin.

Sumakay na siya sa kotse at iniwan akong nakatayo sa pavement. That hit me. Nakita ko ang kotse niyang palayo na sa akin. Pumasok sa isip ko ang eksena namin ni Syd noon na naglakad siyang palayo sa akin sa park. Ang pagkakaiba lang ngayon, ako ang nang-iwan. Ako ang nakasakit.

'POOOOLLL!!!'

Kumaripas ako ng takbo. Hindi ko hahayaang mawala si Pol sa akin tulad ng nangyari sa amin ni Syd. Matututunan ko din siyang mahalin. Makakalimutan ko din si Syd. Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hinahabol ko ang taong nagmamahal sa akin pero nabigo ko. Takbo lang ako ng takbo. Ang mga luha ko ay parang mga presong sabik na sabik sa paglaya. Hindi ko maramdaman ang sakit ng mga paa ko dahil sa bigat ng dinaramdam ko. Sa pagkakataong ito, ako ang naduwag. Ako ang nakasakit.

Napalingon at napatigil ako sa aking kanan dahil sa isang malakas na busina at nakakasilaw na ilaw.

***
Iyak lang ang naisagot ko kay Mommy sa tanong niya. Hindi na naman siya nangulit para sa isang sagot at tuloy lang ang pag-alo sa akin.

'Tahan na, anak. Kung ano man yang dinadala mo, malalampasan mo din 'yan. Tandaan mo, nandito lang si Mommy.', ang masuyong sabi ni mommy sa akin.

Ikinukuha niya ako ng tubig ng may kumatok sa pinto. Ibinigay niya ang baso sa akin at saka binuksan ang pinto.

'Gising na daw po si Wul?'

'Oo, hijo. Pasok ka.'

Si Pol ang kausap ni Mommy. Halatang puyat siya at kagagaling lang sa iyak.

'O, maiwan ko muna kayong dalawa ha.', ang paalam ni Mommy.

Umupo siya sa gilid ng kama ko ng tuluyang maisara ni Mommy ang pintuan. Naiyak agad siya.

'Sorry. Hindi ko naman alam na hinabol mo ako.', ang mga nasabi ni Pol sa pagitan ng pag-iyak.

'Na-realize ko lang na...', biglang may kumatok na naman sa pinto.

Tumayo si Pol, pinunasan ang mga luha at binuksan ito.

'Is this Wul Reyes's room? Classmate niya ako.'

'Yes. Come on in.', ang magalang na pag-imbita ni Pol.

Mula sa kinahihigaan ko, hindi ko kita kung sino ang nasa pinto. Kaya laking gulat ko nung makita ko kung sino ang naglalakad palapit sa aking kama na nasa likuran ni Pol.

'Syd?' 





Part 16
'Syd, anong ginagawa mo dito?', ang pagtataka ko.
'May nagtext sa akin at sinabing naaksidente ka daw at dinala ka dito kaya pumunta ako. Ano bang iniisip mo't tumatakbo ka sa gitna ng kalsada ng dis-oras ng gabi? Ha?', ang inis niyang sabi niya sa akin.

Para akong batang napagalitan. Hindi ako makakibo. Gulong-gulo ang utak ko. 'Ano naman kay Syd kung naaksidente ako? Akala ko ba tapos na ang friendship namin? Bakit siya nandito?', yan ang mga tanong na gumugulo sa akin. Pero kahit na ganon ang tono niya, kita ko sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.

'Ehem', ang pagpapapansin ni Pol.


Nalimutan kong nandito nga din pala siya sa room. Hay. Sobrang lakas nga yata ng pagkakabagok ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

'Oo nga pala. Pol, si Syd. Kai---, uhm, classmate ko.', ang sabi ko kay Pol.

'Syd, si Pol. Friend ko.', ang sabi ko naman kay Syd.

Nagkamayan ang dalawa sa harapan ko pero hindi nag-imikan. Ni walang smile. Hay. Hindi ko maexplain ang  feeling sa loob ng room ngayon. Parang mabigat na ewan. Ang gulo.

'Pol, is it alright kung iwan mo muna kami ni Syd?', ang masuyo kong pakiusap kay Pol.

'Sure, no prob. Sundan ko  na lang muna sina Tita at Ate Mia sa cafeteria.', ang nakangiti niyang sabi sa akin sabay haplos sa mukha ko.

Narinig kong nagsara na ang pinto. Matinding katahimikan ang namayani. Ang dami kong gusto sabihin at itanong. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko din alam pero kusa nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na kaya.

'Bakit ka nandito?', ang pasimula ko.

'Sinabi ko na sa'yo diba? Nabalitaan kong naaksidente ka. Pagka-receive ko ng text na yun, tumakbo agad ako papunta dito.', ang muling pag-eexplain ni Syd, medyo mahinahon na ngayon.

'Bakit nga?! Bakit ka pumunta?! Ano naman sa'yo kung naaksidente ako?? Diba tinapos mo na ang pagkakaibigan natin?', nataasan ko na siya ng boses.

'Wul, wag kang sumigaw. Baka dumugo 'yang sugat mo sa ulo.', akmang aalalayan ako ni Syd.

'Wag mo akong hawakan! Syd, kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko nung pinagtabuyan mo ako. Walang wala 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sugat na 'to.', ang patuloy kong sigaw sa kanya.

Kahit ako, hindi ko in-expect na galit ang mamamayani sa akin kapag nagkaroon kami ng pagkakataon ni Syd na makapag-usap. Akala ko noon, nung mga panahong hindi ako nag-eexist sa kanya, na ako ang magmamakaawa para ibalik ang pagkakaibigan namin.

'Wul, I am so sorry. Sa lahat! Alam ko kung gaano kita nasaktan. Hindi rin naging madali sa akin. Nagkamali ako na hindi kita tinanggap sa kung ano ka. Sa kung ano ang nararamdaman mo. Pero, ikaw lang ang lagi kong naiisip simula nung tinapos ko ang lahat sa atin. Hindi ko alam pero parang hindi na ako kumpleto. Wul, I am so sorry.', ang paghingi ng paumanhin ni Syd habang tuluyan na ding kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata.

'Whatever, Syd. Mukhang hindi ka nga naapektuhan e. Ang saya saya mo kasama ang barkada mo. Tsaka bakit ngayon lang? Kelangan ko pang maaksidente para makuha mong kausapin ako? Para ma-realize mong mahalaga pala ako sa'yo?', ang galit kong sabi sa kanya.

'Pinapasaya lang nila ako dahil nagbreak na kami ni Lei. Sumasakay na lang ako para hindi na sila mangulit pa. Wul, ang hirap. Hindi mo lang nakikita pero sobrang nahihirapan na din ako! Halos araw-araw kitang nakakasama pero hindi ko magawang kausapin ka. Pinipigilan ako ng pride at takot. Pero nung nabuo ko na ang isip kong itatama ko na ang lahat, nakita naman kitang kasama si Pol sa labas ng room at ang saya-saya niyo. Naisip ko na siguro naka-move on ka na. Na masaya ka na kay Pol.', ang mahinahon niyang pagpapaliwanag pero halatang may galit ng binanggit niya ang pangalan ni Pol.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya pala nung time na hinintay ako ni Pol sa labas ng room namin at nasaktong dumaan siya ay ang sama ng tingin niya kay Pol. Pero...

'Pero paano mo itatama ang lahat? Alam mo namang may nararamdaman ako para sa'yo at hindi mo yun tanggap!', ang pagpapaalala ko sa katotohanang pinagdiinan niya sa akin noon.

'Wul, tanggap ko na. Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko kailangan kita. Hindi ko pala kaya na wala ka.', ang pagsasabi ng totoo ni Syd.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

'What the hell, Syd?! Ginugulo mo ang sitwasyon! I'm just a step away from getting over you pero nandito ka at sinira mo ang plano ko!', ang sabi ko pagtapos siyang itulak mula sa pagkakayakap sa akin.

'Wul, please. Let's start over. Please?', ang pagmamakaawa niya.

'Iwan mo muna ako, Syd. Parang awa mo na. Umalis ka na!', ang pagtataboy ko sa kanya.

'Si Pol na ba? Siya na ba ang mahal mo ngayon? Wala na ba talaga ako sa'yo?', ang sunod-sunod na tanong niya habang walang tigil pa din siya sa pag-iyak.

'Hindi ako ang unang nambale-wala. Syd, please, umalis ka muna.', ang matigas kong sagot sa kanya.

Humiga na ako nang nakatalikod sa kanya. Nang narinig kong nagsara ang pinto ay tuluyan na akong umiyak. Nagagalit ako kay Syd kasi bumalik pa siya. Alam kong snap decision ang ginawa ko kagabi nang sinabi kong bibigyan ko ng chance ang relasyon namin ni Pol at kakalimutan ko si Syd in the process pero totoo yun at gagawin ko talaga yun. Pero ngayong bumalik na si Syd, paano na? Ayokong saktan lalo si Pol. Ayokong saktan lalo ang sarili ko. Tuliro na ang isip ko. Bakit pa kasi magkaibang tao ang mahal ko at ang nagmamahal sa akin e. Hindi ko alam kung saan ako.

***
Narinig palang lahat ni Pol ang pag-uusap namin ni Syd. Paano? Ang nagsarang pinto pala na narinig ko ay hindi galing sa pintuan palabas. Instead na lumabas, pumasok si Pol sa CR na nasa gilid ng pinto palabas at sinadyang isara ito para makuha namin ni Syd ang ideya na nakalabas na siya. Marahan niyang binuksan ang pinto ng CR pagkaraan ng ilang segundo at nakinig na sa usapan namin. Hindi na siya lumayo sa pinto para hindi mapansin ni Syd at para madaling makalabas.

'Iwan mo muna ako, Syd. Parang awa mo na. Umalis ka na!', ang pagtataboy ko sa kanya.

Maingat na binuksan ni Pol ang pinto ngunit napatigil siya sa mga sumunod na kataga ni Syd.

'Si Pol na ba? Siya na ba ang mahal mo ngayon? Wala na ba talaga ako sa'yo?', ang sunod-sunod na tanong niya habang walang tigil pa din siya sa pag-iyak.

'Hindi ako ang unang nambale-wala. Syd, please, umalis ka muna.', ang matigas kong sagot sa kanya.

Mabilis na lumabas si Pol ng kwarto at isinara ang pinto. Just in time bago tunguhin ni Syd ang pintuan palabas. Sobrang galit ang nararamdaman niya dahil ngayon alam na niya kung sino ang tinutukoy ko nung sinabi ko sa kanyang may iba pa akong gusto at dahil alam na din niya kung gaano ako nasaktan sa ginawang pagtapos ni Syd sa friendship namin.

Umupo si Pol sa isa sa mga upuan sa gilid ng room ko upang hindi mahalata na kagagaling lang niya sa loob. Nang makalabas na si Syd ay nilapitan niya ito.

'Syd, pare. Ang lakas din ng loob mong pumunta dito at guluhin kami ni Wul.', ang galit niyang sabi kay Syd.

'Gusto ko lang itama ang mga maling nagawa ko kay Wul. Besides, wala namang "kayo", diba?', ang sagot niya kay Pol.

Tumalikod na si Syd at tinahak ang elevator pababa ng lobby.

'Syd!', ang sigaw ni Pol.

Humarap si Syd pero hindi na lumapit.

'Watch your back!', ang pananakot ni Pol.

Ngumiti lang si Syd at tuluyan nang umalis.

***
Pumasok si Pol sa loob ng kwarto ko. Pinunasan ko agad ang mga luha ko at nagtulug-tulugan. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Dumilat ako at tiningnan ko ang maamo niyang mukha.

'Narinig ko ang lahat. Wag ka mag-aalala, hindi kita iiwan.', ang masuyo niyang sabi sa akin.

'Salamat, Pol.', ang tanging nasabi ko at hinawakan ko siya sa kamay.

'Mahal mo pa din talaga siya no?', halatang nasasaktan siya sa pagtatanong niyang iyon.

Namuo na naman ang luha sa mga mata ko.

'Ayoko nang saktan ka.', ang tangi kong nasabi sa pagitan ng mga hikbi.

Pilit akong pinapatahan ni Pol. Alam kong alam niya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Si Syd ang tinitibok ng puso ko pero gusto ko na siyang kalimutan at pag-aralang mahalin si Pol ng higit pa sa kaibigan. Pero, hindi ko masabi yun kay Pol dahil baka umasa siyang kaya kong gawin yun dahil honestly, hindi ko na alam kung kaya ko ngayong bumalik si Syd.

'Kahit anong mangyari, magkaibigan pa din tayo. Ok? Ayaw din naman kitang i-pressure dahil sa kalagayan mo ngayon na ako ang dahilan.', may guilt sa kanyang pagsasalita.

'Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa akin. Desisyon kong tumakbo at habulin ka.', ang sabi ko habang pinapahid ang mga luha niya.

'Paanong hindi? E ako ang umalis agad. Sorry. Feeling ko epic fail yung ginawa ko kagabi.', ang patuloy niyang pag-iyak.

'Hindi ikaw ang may kasalanan, okay? Stop crying. Sige ka, pag umakyat sina Mommy dito, akalain patay na ako at iniiyakan mo ako.', ang pagjo-joke ko.

'Wag ka nga magsalita ng ganyan. Tsaka nakaupo ka kaya, makikita agad nila na buhay ka!', ang nakangiti niyang sagot sa akin habang pinupunasan ang mga natirang luha sa mukha niya.

'Pinapangiti lang kita.', ang maikli kong sagot.

***
Matapos ang tatlong araw ay na-discharge na din ako sa hospital. Hindi na muling dumalaw si Syd pero panay ang text at tawag niya. Si Pol naman ay halos hindi na umuwi para bantayan ako. Hindi ko na pinaalam sa kanya na kinukulit ako ni Syd. Sobra-sobra na ang ginagawa sa akin ni Pol para pati ang problema ko kay Syd ay tulungan niya pa ako. Inihatid niya kami nina Mommy hanggang bahay. Inalalayan niya ako hanggang sa kwarto ko.

'Pol, thank you so much. Napakalaki mong tulong sa'min.', ang pagpapasalamat ko sa kanya.

'Basta para sa'yo at kina Tita.', ang sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

'O, una na din ako at may klase pa ako. Babalik ako agad mamaya. May gusto ka bang pasalubong?', ang pagpapaalam niya.

'Don't bother. Magpahinga ka naman. Okay na ako. Di mo na ako kelangan bantayan.', ang sabi ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin at lumabas na siya ng kwarto. Matutulog na lang muna ako dahil wala naman akong ibang gagawin. Ayoko na din muna mag-isip ng kung ano-ano. Gusto ko nang gumaling at ayusin ang lahat ng gusot sa buhay ko.

Sa school...

'Kamusta na si Wul?',  ang tanong ni Syd kay Pol.

Nagkasalubong ang dalawa sa may park. Papunta si Pol sa building niya at sa kabilang direksyon naman si Syd.

'Bakit?', ang cold na sagot ni Pol.

'Pol, huwag kang umastang kayo ni Wul. Alam kong alam mo na ako ang gusto niya.', ang pagyayabang ni Syd.

'Alam ko. Pero alam din niyang ako ang mas higit na nagmamahal sa kanya. At wag ka ding umastang akala mo ikaw lang ang lalaking pwedeng mahalin ni Wul. Nasaktan mo ng sobra yung tao tapos ngayon babalik ka na lang basta-basta.', ang pambara ni Pol.

'I don't need to explain myself to you.', ang ma-pride na sagot ni Syd.

'Yeah, you don't. Alam ko na naman kung gaano kasama 'yang ugali mo e.', ang banat ni Pol.

Hindi na nakapagpigil si Syd at tinulak si Pol ng malakas. Pero, mas malaki pa din si Pol kaya naman hindi ito natumba. Itinulak din niya si Syd at muntik na siyang matumba.

'Hindi ikaw ang mahal ni Wul! Ako! Tandaan mo 'yan!', ang sabi ni Syd at akmang susuntukin na si Pol.

Tinamaan si Pol sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Agad naman siyang gumanti at binigyan din ng sakit sa mukha si Syd. Nagkagulo na ang dalawa. Buti na lang at dumating ang mga kaklase ni Pol at naawat sila. Dumudugo parehas ang mga mukha nila. Nang medyo mahinahon na ang lahat, lumapit si Pol kay Syd.

'Nauubos din ang pagmamahal, Syd. Lalo na kung di mo inaalagaan.', ang sabi ni Pol at tuluyan nang umalis.