Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal Finale

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Kanina pang nagsimula ang program. Gusto ko sanang puntahan si Philip ngunit natatakot ako baka ano ang gawin ni Chancellor.

Ayaw ko namang gumawa ng eskandalo. Isa pa andyan si Prince, katabi nila.

Hindi ko na tinawagan si Philip kaya mas minabuti na itext ko nalang siya.

"Naks. I hope you are doing fine. Pasensya na kung ano man ang nagawa ko sa iyo. Palagi mo lang tatandaan MAHAL na MAHAL KITA! - Paps!"

Nagsimula na ang paghain ng mga pagkain sa table.

Nakita ko rin si Prince na parang may hinahanap. I'm sure ako ang hinahanap ni Bunso.

Nagsimula na rin ang pagtugtog ng banda sa stage.

(Bahala na!) sa isip ko lang.

Hawak-hawal ko ang isang bouqet ng rosas at isinabit ang lobo sa kanang bahagi ng belt ko.

Inayos ko ang aking sarili at siniguro kong secure ang mask.

Dahan-dahan akong lumakad papunta ng stage.

Nakita ko rin si Prince na nakatingin sa akin. Ngumingiti siya at sumenyas na approve. Ngumiti rin ako sa kanya.

Hindi ako nakita ni Philip dahil kinakausap siya ni Chancellor.

Umakyat ako ng stage at kinausap ang isa sa mga nagpapatugtog.

Pagkatapos ng kanta ay ibinigay sa akin ang microphone.

"Good Evening everyone!"

Kitang-kita ko na nakatingin ang lahat na tao sa loob ng covered gym sa akin. Medyo kinabahan ako pero nilakasan ko ang aking sarili.

(Ito na ang huling pagkakataon na maibahagi ko kay Philip ang tunay kong nararamdaman. Bahala na Diyos ko!) sa isip ko lang.

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 15

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Nakarating na rin kami sa bahay at nagpahinga. Humiga na kami ni Prince sa kama at nagusap ulit tungkol kay Philip.

"Kuya, magpapakasal k aba sa babaeng iyon?"

"May magagawa pa ba ako bunso?"

"Gusto mo ipakidnap nalang kita?"

"Gago! Gusto mo kilitiin kita ulit?"

"hahaha! Kuya naman eh!"

"Hay naku, naalala ko kaagad si Naks."

"Ayan… Ikaw kasi! Two timer!"

Kiniliti ko si Prince at sa sobrang ingay namin ay kumatok si mama.

"Mga anak. Magpahinga na kayo. Mas lalo ka na Prince!"

"Sige po ma" sabay na sagot namin ni Prince

"Pero Kuya, paano kung dumating si Philip sa araw ng kasal mo?"

"Ano sa tingin mo?"

"Malay ko! Ikaw naman iyan eh. Pero Kuya, kung ano man ang mangyari huwag kang magalala"

"Bakit bunso?"

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 14



By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Pagkadating ni Prince ay ikinuwento na rin ni mama ang tungkol sa tunay na pagkatao naming dalawa. Niyakap rin namin si Prince dahil alalang-alala kami ni mama. Mabuti nalang at natanggap rin ni bunso.

"Patrick, anak.. isa lang ang mapapayo ko sa iyo"

"Ano poi yon ma?"

"Sundin mo ang inuutos ng puso mo. Huwag mong pairalin ang iyong utak. Kapag nagmahal ang isang tao, ibinubuhos niya ang lahat kahit walang kasiguraduhan"

"Ano ang ibig niyong sabihin ma?"

"Patrick! Piliin moa ng taong makapagpapasaya sa iyo"

"Hay naku ma! Ikaw na ang ikatlong tao na nagpayo sa akin niyan"

Tumingin ako kay Prince at nakita ko namang ngumiti siya. Nginitian ko rin si Prince at inakbayan.

"Bunso. Ang galing mo nang magbigay ng payo"

"Syempre! Ako pa!"

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 13

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Exactly 1 in the morning ng nagring ang phone ko.

"Hello? Honey? Si Jessica to. Kakarating ko lang from US"

"Ha? Hi… Napatawag ka? 1AM na"

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at kinausap si Jessica sa phone.

"Honey, naayos ko na ang mga papeles mo. Umuwi ako para maasikaso na natin an gating kasal at sa ganoon pwede ka nang sumabay sa akin pabalik ng US"

(SHIT! Isang malaking shit! Paano na ito?) sa isip ko lang. Hindi ako makapagsalita sa balitang iyon.

"Okay Honey, I'll talk to you later. I'm sure natutlog ka na at naisturbo pa kita. Kakausapin ko nalang ang mama mo bukas tungkol dito. Asikasuhin mo na rin ang resignation mo sa skul. Ingat. I love you honey"

Natulala ako sa balitang iyon. Hindi maari. Hindi ko kayang iwanan si Philip. Ngayon na nagkaroon na ako ng lakas na loob para ipagmalaki ang aming relasyon tapos dumating si Jessica. Napasuntok ako sa wall ng bigla ko namang naramdaman si Philip sa likuran ko.

"Paps? Is there something wrong?"

"Ah eh. Wala Naks. OK lang"

"Hindi Paps. Kitang-kita ko na sinuntok mo ang wall. Alam kong may problema ka"

Hindi ko na sinagot si Philip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ito ni Philip. Aagawin ko pa sana sa kanya ngunit huli na ang lahat.

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 12



By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Nakarating na rin kami sa isang fast food chain at bumili ng makakain. Pagkatapos nito ay umuwi na rin kami.

"Ano ba iyan Kuya! Diba dapat naghahawakan ng kamay ang magsyota?"

"Ulol! Eh kung may makakita sa amin?"

"See! Ano ba pakialam nila. Bakit inaaway mo ba sila? Hindi naman ah! Wala naman kayong inaapakang tao. Kaya magpakatotoo na nga kayo. Kung akin lang si Philip kanina ko pa ito ginawa!"

Nagulat ulit ako sa sinabi ni Prince dahil parang experiensyado talaga sa mga ganitong bagay. Nagtataka lang talaga ako dahil hindi naman ganito si Prince eh. Isa pa, alam ko namang mahilig sa chicks si Bunso. Pero siguro umiiba nga talaga ang direksyon ng buhay. Tulad ko, dapat nga ay ikakasal na ako ngunit eto ako ngayon, may kasintahang lalaki.

Nasa ganoon akong pagmumunig-muni ng biglang hinawakan ni Philip ang aking kamay. Nagulat naman ako sa kanyang kilos pero nagpaubaya na rin ako. Tama nga si Prince bakit naman ako mahihiya eh isa pa wala naman kaming ginagawang masama.

Mabuti nalang madilim na at walang masyadong tao sa mga oras na iyon kaya inenjoy ko nalang ang bawat minutong masaya ako sa piling ng Naks ko.

Pagkadating namin sa apartment ay kumain na rin kami.

"Kuya? Bro? may itatanong lang sana ako sa inyong dalawa?"

"Ano iyon Prince?"

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 11

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


"Mr. Silverio, where are you going?"

Hindi sumagot si Philip at patuloy lang siya sa paglakad.

"Pat, sige na sundan mo na siya at kausapin mo" utos ni Borj Araque

Dali-dali akong lumakad at hinabol si Philip. Patuloy ko rin siyang tinatawag ngunit hindi siya humaharap at patuloy din siya sa kanyang paglakad.

Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa naabutan ko siya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinablot siya.

"Ano ba Sir! Bitawan mo nga ako!"

"Ano ba ang problem Mr. Silverio?"

"Hindi ba obvious?!"

"Kung ano man ang iniisip mo, mali iyan"

"Oo nga. Tama ka nga. Mali nga ang lahat kaya nga aayusin ko na ang bawat gusot na ginawa ko!"

"What do you mean?"

"Just leave me alone. Uuwi na ako sa amin"

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 10


By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Habang patuloy ako sa pagsusubo ng pagkain kay Philip ay hindi pa rin tumitigil si Prince sa kanyang paglalambing at pag-aagaw ng eksena sa akin. Paminsan-minsan ay nahahalata ko na parang kulang na lang ay agawin na niya ang atensyon ni Philip sa akin.

"Prince! Diba may kasintahan ka sa atin? KAMUSTA naman kayo ng GIRLFRIEND MO? I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at hindi mo naman maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya." Paemphasize ko sa mga salitang iyon.

"Hahaha. Kanino mo naman iyan nasagip na balita kuya? Nakakatawa naman ang mga pinagsasabi mo?" sagot ni Prince habang patuloy sa pagsusubo rink ay Philip

Pinagmasdan ko si Philip pero parang namumula siya at pinipigilan ang sarili na magsalita.

"Eh ikaw kuya. Di ba may FIANCEE ka? Bakit hindi mo pa sundan ang magiging ASAWA mo. I'm sure MAHAL na MAHAL ka niya at hindi mo rin maidedeny na MAHAL na MAHAL mo rin siya!" mahabang sambit ni Prince

Hindi ako makasagot dahil parang iba na ang patutunguhan ng discussion namin. Nanahimik ako ngunit nakita ko si Philip na bahagyang nakatingin sa akin at ang kanyang mukha ay parang nadidismaya. Nagsalita bigla si Prince.

"Kaya ako sa iyo Bro, ang piliin mo ay iyong walang sabit."

(Parang nagpapalapad talaga ng papel si Prince. Hindi pwede!)

"Tama siya Philip. Piliin mo iyong walang sabit pero kaya kang BUHAYIN!" sambit ko habang nakatingin kay Philip.

"Talaga kuya? Buhayin? Hay naku Philip, aanhin mo iyang bubuhayin ka nga pero parang hindi ka naman kayang ipagmalaki. Palaging patago!"

"Teka! Pinariringan mo ba ako Prince?!"

"Huh? Anong ibig mo sa bihin kuya? Bakit tinatamaan ka ba?"

Nagkatinginan kami ni Prince na parang nagsisimulang magliyab ulit ang aming mga mata ng biglang binasag ni Philip ang aming bangayan.

"Tama na nga iyan. Parang nahihilo ako sa mga sinasabi niyo eh"

Munting Lihim 22

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com


Dali-dali kaming bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan naroon si Lola Isyang at nagsimula nang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking narinig.” Ang sambit ko.

Biglang napalingon sa amin si Lola Isyang. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya.

“Nasabi niyo po na ‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya’. Tama po ba?”

Nag-isip siya ng sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?”

“Opo… at alam ko pong Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay kuya Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa napuna ko. “S-sino po ba ang nagluwal kay kuya Andrei? Ang inay Pacita po ba?” dugtong kong tanong.

Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Lola Isyang sa aking tanong. Marahil ay hindi niya inaasahang mapansin ko ang sinabi niyang iyon na maaaring hindi rin niya sinadya. “A… e…” ang paunang naisagot niya na mistulang nag-isip sa sunod na sasabihin. “Ay… ito namang batang ito. I-iyang ang ibig kong bigkasin, hindi Itang. Aurea kasi ang pangalan ng inay ng kuya Andrei mo kaya Iyang ang tawag ko sa kanya. Hindi Itang, Iyang ang ibig kong bigkasin. Nagkamali lang ako.” ang dugtong pa niya.

Parang nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Parang hindi ako kumbinsido. “Lola… hindi po Iyang ang tawag ng mga tao sa inay ko. Auring po… Wala pa po akong narinig na tumawag sa kanya ng Iyang. Ang inay Pacita lang po ang minsan ay tinatawag nilang Itang.” ang pagsingit naman ni kuya Andrei.

“A, eh… a-ako lang siguro ang tumatawag sa kanya ng Iyang.” ang sagot uli ng matanda.

“Lola… sabihin niyo na po ang totoo. Please po. Maawa po kayo sa amin ni kuya Andrei. Wala nap o ang mga magulang naming. Hinahanap po naming ang katotohanan.”

“A, e, e…” ang pautal-utal nang sagot ni Lola Isyang.

“Alam niyo po bang bago binawian ng buhay ang Tatay Berto, nasabi niya sa akin na hindi ko po tunay na mga magulang sina Nay Pacita at Tay Berto at ang tunay kong mga magulang ay sina Nay Auring at Tay Eloy? Naramdaman ko pong may sasabihin pa sana siya. Ngunit hindi na siya nakapagsalita pa. Nararamdaman ko pong g-gusto nilang ibunyag ang katotohanan sa akin ngunit hindi na niya nakayanan pa ang lahat at binawian na siya ng buhay. At ngayong nagkita tayo dito, naniniwala po ako na ginabayan niya kayo upang pumunta kayo sa oras na ito, upang magtagpo tayo, upang dito mismo sa harap ng kanilang puntod ninyo sasabihin sa amin ang katotohanan. Kaya po… Lola Isyang, sabihin niyo na po ang totoo. Nagmamakaawa po ako. Saksi ang mga magulang naming, Lola na nahirapan po kami ng kuya Andrei ko…”

Munting Lihim 21

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com


“Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyy!!! Itayyyyyyyyyyyy!!!” ang pagsisigaw ko habang hinawak-hawakan ko ang kanyang braso at pilit na ikinilos ang katawan niya.

Ngunit hindi na niya ako sinagot pa.

“Duktor! Duktorrrrrrrr!” ang pagsisigaw ko. Halos puputok na ang aking baga at lalamunan sa tindi ng aking pagsisigaw.

Dali-daling pumasok ang mga duktor at pilit nilang ni-revive ang paghinga ng itay. Ilang beses din nila itong binigyan ng electric shock ngunit wala na talagang palatandaan na buhay pa ang itay.

“I’m sorry…” ang sambit ng duktor sabay muestra sa mga nurse na ipalabas na lang ang bangkay ng itay at dalhin ito sa kanilang morgue.

Ang sakit. Sobra. Iyon bang nakikita mo ang iyong magulang na wala nang buhay, hindi ka na naririnig, hindi na nakakagalaw. Mistulang isang bagay na lamang siya na walang saysay. At ang sakit na naramdamn ko ay hindi lang dahil sa pagkawala niya at ng inay kundi nadagdagan pa ito sa iniwang pagbubunyag tungkol sa tunay kong pagkatao. Para bang hayun, nawala na nga sila, nag-iwan pa sa akin ng masakit na katotohanang itinatago nila sa akin sa napakahabang panahon. Parang lumabas na pinaglaruan lang nila ang buhay ko. Parang wala silang pakialam sa aking damdamin. Parang isang aso lang ako na inalagaan, walang pakiramdam at walang pakialam kung saan ang kanyang pinagmulan.

Halos hindi ako maaawat sa pag-iiyak sa harap ng labi ng aking itay, naghalo ang aking naramdaman: lungkot sa kanyang pagkawala at ang sama ng loob.

“Kam… huminahon ka. Lakasan mo ang iyong loob.” sambit ni Noah sabay yakap sa akin at tinapik-tapik pa ang aking likod.

“Ang sakit Noah. Parang hindi ko kaya. Bakit napakabigat nitong ibinigay na pagsubok sa buhay ko?”

Tahimik lang si Noah. Patuloy lang niya akong niyakap, pinakinggan ang aking paghikbi. Marahil ay dahil hindi naman niya talaga alam ang kasagutan sa tanong ko. At sino ba ang nakakaalam sa sagot? Wala.