Sa Silong Ng Bahay
Ganito nga ba ang
buhay, kapag tumatanda kay ay lalong masarap alalahanin ang mga maliligayang
araw na pinagdaanan mo sa buhay. Lalo na yung mga first time mo o yung first
experience mo sa kahit ano pa mang bagay. Masarap isipin yung mga panahong iyon
na minsan nga ay nasasabi mo na bakit pa ako tumatanda. Pero ang hindi ko
malilimutan sa lahat ay yung mga naganap sa aking buhay at sa buhay ng aming
kapitbahay noong nasa elementarya pa lamang ako.
Sa isang probinsya sa
Gitnang Luzon ako ipinanganak. Malapit ang aming baryo sa isang kampo ng
militar. Sa mismong baryo nga namin ay may ilang militar na nakapag-asawa dito.
Subalit meron ding mga nangungupahan ng kwarto o bahay na mga binatang sundalo
o mga may asawa pero nasa malayong lugar ang kani-kanilang pamilya. Simula ng
magkaisip ako ay nasanay na ako sa mga unipormadong sundalo na nagbibisekleta
sa umaga papasok sa kampo at sa hapon papauwi naman sa kani-kanilang bahay.