Kwentong Coffee Shop #5: The Photographer
After namin
magkahiwalay ni Gary ay tinabangan na akong sa pagpunta sa favorite kong coffee
shop. Madalas ay deretso na lang ako sa bahay paglabas ko sa opisina. Pero
isang hapon ay nagkaroon ako ng appointment outside the office sa isang client
ng company namin. It was set in a restaurant na mismong katabi ng favorite kong
coffee shop. Medyo natagalan ang usapan namin ng client na iyon. So I decided
na huwag ng bumalik sa office. I’ll just spend some more time sa coffee shop
before I go home.
Habang iniinom ko ang
aking kape ay naisipan ko na i-open ang aking laptop computer. Check ko muna
ang mga email ko baka kasi may mga bago pasok sa inbox ko. Then suddenly meron
nakiki-share ng table sa akin. Medyo busy ako sa pagbabasa ng emails ko. So
agad ko lamang siyang pinayagan without looking direct sa face niya. I suddenly
noticed that a camera bag was placed on the table beside my computer kaya ko
siya pinansin muli. He was goodlooking although medyo may edad na. Siguro nasa
mid-40’s na ang mama but he still looks good to me.
“Busy surfing the
net?” ang tanong ng mama pag-upo niya.
“Not really. Just
trying to see if I have got new emails.” ang sagot ko naman.
“High-tech na talaga
ang mundo. Kahit nasaan ka pwede ka na maka-access ng kailangan mong documents
over the internet.” ang nasabi naman ng mama.