Showing posts with label Chakka: Inibig Mo'y Pangit. Show all posts
Showing posts with label Chakka: Inibig Mo'y Pangit. Show all posts

Monday, January 7, 2013

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (21-Finale)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[21]
Nakita ko sa mukha ni Lando ang pagtataka. Ngunit nanatiling naroon ang mapang-unawang ngiti. Ako ang hindi nakatagal sa mga titig na iyon. Ako ang parang napahiya sa aking sarili. Alam ko, ginusto niyang malaman ang mga nangyari bago dumating ang ganito ngunit mas pinili kong nanahimik. Pinili kong matakot. Hindi ko napaghandaan ang lahat. Dahil sa paglilihim ko’y hindi rin alam ni Lando na may dalang kapahamakan ang dumating na bisita. Maluwang ang pagkakabukas ng pintuan dahil gusto ni Lando na papasukin kami sa loob kaysa sa nagtatalo kami ni Jc sa labas. Sasabihan ko sana siyang isara muna ang pintuan at uuwi na si JC pero nang magsasalita na sana ako ay kinuha ni Jc ang pagkakataon para makapasok siya sa loob.

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (16-20)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[16]
Hindi ko alam kung bakit ko pinalampas ang mga ginawang iyon ni Jc sa akin. Siguro kapag naroon ka sa isang sitwasyon na mahal mo ang isang tao ay binibigyan mo ng pagkakataon ang taong baguhin ang kaniyang kamalian. Ngunit, hindi ko alam na mas binibigyan ko siya ng pagkakataon din para muli niya akong saktan. Dahil pinapasok ko siya sa buhay ko, binibigyan ko siya ng karapatang panghimasukan ito ngunit hindi ang karapatang tratuhin ako ng hindi makatao. Walang karapatan ang sinuman na manakit kahit pa gaano ka kamahal ng taong nagbigay ng kaniyang puso’t pagtitiwala. Hindi ako maintindihan ng mga taong hindi pa naranasang nagmahal ngunit dumadating kasi sa puntong dahil mahal mo ang isang tao ay tuluyang nawawala ka sa katinuan sa tuwing niyayakap ka at hinahalikan. Pinapawi ng mga paglalambing na iyong ang lahat ng masasakit na nakaraan. Tuluyang iginapos ng aking talino at prinsipyo ang pagmamahal ko sa kaniya.

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (11-15)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[11]
Pagbalik ko ng Manila ay sunod ko namang pinarenta sa iba ang condo ko. Hindi sa gusto kong pagkakitahan ito kundi gusto kong kahit papaano ay may maglilinis o may mag-aalaga habang wala ako. Si Mama ang inatasan kong maningil buwan-buwan. Alam kong di naman nangangailangan si Mama pero sinabi niyang ihuhulog na lang niya sa bank account ko para magiging savings ko na lamang din. Mahirap para sa akin na lisanin ang bahay na siyang nagiging piping saksi sa ilang araw na kaligayahang hatid ng naudlot na pagmamahalan namin ni Lando. Nang piƱata ko ang ilaw ay alam kong babalot na muna doon ang kadiliman. Nang isara ko ang pintuan ay hudyat na din iyon na isasara ko na ang puso at isipan ko para kay Lando. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kalian. Ang di ko lang sigurado ay kung makakayanan ko bang gawin iyon sa habampanahon.

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (06-10)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[06]
Halos tatlong taon. Matuling lumipas ng tatlong taon. Naghilom ang sugat. Nagkapilat man ngunit wala na ako doong naapuhap na sakit. Tanging alaala na lamang ng nakaraan. Bago ko binuksan ang pintuan ay sinikap kong pakalmahin ang aking sarili. Namiss ko siya, sobra ngunit hindi nakakatulong ang agarang pagpapakita ng ganoong damdamin sa akin. Natuwa akong makitang bumabalik siya sa akin ngunit hindi tamang maglulundag ako sa tuwa. Ganoon naman talaga ang buhay, binabalikan ang taong walang ginawang masama, nilalapitan ang nagpunla ng kabutihan. Ngunit nabanaag ko sa kaniyang hitsura ang malaking pagbabago. May malaking pilat ang noo, basag ang labi at nangingitim ang gilid ng mga mata na parang sinuntok. Bumagsak ang dating hinangaan kong katawan niya. Mahabang buhok, impis ang pisngi na parang tumanda ng ilang taon. Anong nangyari sa kaniya?

Chakka: Inibig Mo'y Pangit (01-05)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[01]
Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya… todohin na nga natin… kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana.  Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako.  Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho.