Barber Shop
Kwento ni Leo
Ako pala si Leo,
isang silahista. Meron akong barber shop sa Marikina. Nais ko lamang i-share
ang isa sa naging karanasan ko sa loob mismo ng shop ko.
“Pogi, ok na ba gupit
mo?” ang tanong ko sa binatilyong customer ko matapos ko siyang gupitan.
“Ok na po.” ang
maikling tugon niya.
Matapos ko siyang
pagpagan ay tumayo na siya. Dumukot siya sa kanyang bulsa. Pero bigla na lamang
napakunot siya ng noo. Kinutuban na ako sa style na binatilyong ito.
“Patay! Nahulog yata
ang pera ko sa aking bulsa.” ang bigla niyang nabanggit.
Bigla kong nasabi sa
aking sarili na tama ang hinala ko. Drama lang niya iyon upang hindi ako
bayaran.
“So papaano na
ngayon?” ang medyo mataray kong pagtatanong sa kanya.