Showing posts with label Straight. Show all posts
Showing posts with label Straight. Show all posts

Friday, January 25, 2013

Straight FINALE (XIAN'S Point of View)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


Xian’s Point of View

            Hindi madali ang naging buhay ko sa kulungan ngunit sa bawat gabing hindi ako makatulog ay si James ang hinuhugatan ko ng lakas. Dahil sa pagtatapat niya nang tunay niyang nararamdaman sa akin ay hindi ako nagsisising ako ang nakakulong at siya ang nakalaya. Katangahan para sa karamihan ngunit sa mga katulad kong tunay kung magmahal, walang katangahan sa pagsasakripisyo sa taong inuukulan mo ng lahat-lahat sa’yo. Alam kong tatagal ako sa kulungan, maaring abutin ng ilang taon o kaya ay dekada ngunit nananalig ako sa bisa ng dasal. Umaasa akong muli kaming magkikita ni James. Malaki ang naitulong sa akin nang huli dinalaw niya ako sa kulungan. Sa tuwing pinagmamasdan ko sa aking daliri ang singsing na iniwan niya sa akin ay alam kong naroon lang siya at naghihintay sa aking pagbabalik.
            Maayos ang kulungan sa Qatar. Sa mga inaayos palang at nakabinbin ang kaso sa hukuman ay hindi tinatratong parang isa ng criminal. Maayos ang aming pagkain at higaan. Ang tanging nakakalungkot ay ang tuluyang ipinagkait ang iyong kalayaan. Pumanig sa akin ang hustisya. Hindi ako binigo ng  Diyos sa aking mga dasal. Kahit nagbilang ako ng ilang buwan sa loob ay hindi ko minsan binigyan ang kahinaan ng kalooban para tuluyan akong igupo sa kawalan. Iyon ang kailangan ko, tibay ng loob, pagmamahal at alaala ni James, pag-asang makakalaya at ang malakas kong pananalig sa Diyos. Nang dumating ang araw na hinatulan ako ng deportation ay napaluha ako sa saya. Alam kong sa wakas ay muli na kaming magkasama pa ni James. Pagsasamang wala ng halong takot at pagkukunwari. Nang inihatid ako sa airport ng mga pulis ay nabigyan ako ng pagkakataong tawagan si Vince para ayusin ang mga gamit ko para ipadala na lang niya sa akin sa Pilipinas. Mabuti na lang din at sa bank account ko sa Pilipinas ko hinuhulog ang aking mga ipon. Ang end of service ko na makukuha sa aking company ay ipapadala na din sa account ko sa Pilipinas.

Thursday, January 24, 2013

Straight FINALE (JAMES' Point of View)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


Kinabukasan ay masayang pumasok ang mga anak ko sa kuwarto ko. Nakaidlip man ako ngunit nasa mahigit isang oras lang. Mabigat man ang katawan kong bumangon sa kama ay kailangan kong gawin dahil gustokong iparamdam sa mga bata at sa pamilya ko na masaya ako kahit naroon ang pangungulila at takot. Kailangan kong makisaya sa kanila. Buong umaga kaming namasyal at kinahapunan ay nagpiknik kami sa Tagaytay gamit ang sasakyan ni kuya. Alam kong ramdam ng pamilya ko ang lungkot sa aking mga mata. Gumuguhit man ang ngiti sa aking labi ngunit naroon ang pait. Minsan nga nawawala ako sa saking sarili na kahit kinakausap ako ay hindi ko sila nasasagot. Naririnig ko sila ngunit hindi ko sila naiintindihan. Nandoon ko physically pero na kay Xian ako mentally at emotionally.

Wednesday, January 23, 2013

Straight 14

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


James Point of View

Pagbalik ko sa aming kuwarto ay parang naninikip parin ang dibdib ko. Parang nakikita ko si Xian na nakangiti sa akin na naghihintay para sabay kaming kumain o kaya ang kaniyang mga ngiti na parang walang pinagdadaanang problema o hirap. Makikita ko pa kaya ang mga ngiting iyon? Maririnig ko pa kayang muli ang buum-buo at magiliw niyang boses? Mayayakap ko pa kaya siya’t mahalikan. Maamoy ko pa kaya ang kaniyang mabangong hininga?

Tuesday, January 22, 2013

Straight 13

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


James’ Point of View

Nakaramdama ako ng magkahalong excitement at saya nang nasa elevator pa lamang ako. Napapangiti kong pinagmasdan ang singsing na ibibigay ko sa kaniya. Ano kayang magiging reaction niya? Para kasing nakikita ko siyang mapapalundag sa saya habang naluluha. Maari ding hindi din agad-agad siya maniniwala. Napakabilis kasi ng pangyayari. Kung ako din siguro ang nasa kalagayan niya ay hindi rin ako makakapaniwala.

Monday, January 21, 2013

Straight 12

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


James’ Point of View

Sa buhay natin ay may mga pagbabagong hindi mo inaakalang mangyayari.  Mga pagbabagong kahit gaano mo gustong paglabanan ay hindi mo sadyang matakasan at sa tuwing gusto mong takasan ay saka naman lalo ka lang nalulubog sa hindi tama at imbes na makatulong ang iyong pagtakas ay lalo lang napapasama.

Straight 11

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Xian’s Point of View

 “Sinong nagbigay sa iyo ng karapatang basahin ang mga text sa akin ha? Pinagbigyan ka lang kung umasta ka akala mo siyota ka na!”
Sa narinig kong iyon ay nabuhay ang pinigilan kong galit. Hindi ko alam ngunit sa mga nangyari sa amin ng ilang Linggo, sa mga pinalasap niya sa akin ay nagbigay daan iyon para magkaroon ako ng katiting na dahilan para sagutin siya.
 “So, anong gustong mong palabasin James?”

Straight 10

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


XIAN’s Point of View
            Hindi ko alam kung ano ang dahilan at biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni James. Naguguluhan ako ngunit dinadaig ng kaligayahan ang mga agam-agam ng mga ipinakita niyang pagbabago. Nang magkasakitan kami ni Jomel at nakita niyang umuwi akong may mga pasa sa mukha ay iyon na ang naging susi ng muli naming pagkakaayos. Nakainom siya ngunit hindi lasing. Alam kong alam niya ang ginagawa niya ngunit itinutulak ng alak ang kalooban niyang ihayag ang gusto niyang sabihin at gawin ang gusto niyang isakatuparan.

Straight 09

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


NOTE: Gusto ko lang pong sabihin na naisip kong mas mainam na ilahad ko muna ng diretso at tapusin ang POV ni Xian at sa mga huling part na yung kay James. Madami kasing mga sikreto sa POV ni James na siya lamang ang magiging susi para lalo nating maintindihan ang mga di nasasagot na katanungan sa isip ni Xian. Tanging si James ang nakakaalam no’n na siya niyang sasagutin sa mga huling bahagi ng ating nobela. Again…please don’t just read… drop your comments too!

Thursday, January 17, 2013

Straight 08

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Xian’s Point of View

                Mula nang araw na pinagbuhatan niya ako ng kamay, nagbago na ang ikot ng buhay naming dalawa. Kung dati pag-alis ko sa umaga ay inihahanda ko na ang kaniyang pagkain at isusuot, hindi ko na muli pa iyon ginawa pa. Sarili ko lang ang inintindi ko. Sarili ko lang ang inasikaso ko. Gusto kong maramdaman niya ang kaibahan ng wala ako. Higit isang taon ko na din naman siyang pinagsilbihan, isang taong pangangalaga, isang taong pagtitiis. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit na higit pa sa respeto, pasasalamat at maayos na pakikitungo bilang tao. Iyon lang naman ang kailangan ko, iyon lang naman ang hinihintay ko. Masakit sa akin na hindi na gawin ang mga nakasanayan kong gawin para sa kaniya ngunit kailangan kong ipadama sa kaniya na tuluyan na akong nawala sa buhay niya. Gusto kong maramdaman niya ang katulad ng ginagawa niya sa akin. Yung nakikita man niya ako pero hindi napapansin. Iyon bang kasama niya ako sa kuwarto ngunit hindi nararamdaman.

Wednesday, January 16, 2013

Straight 07

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com

XIAN’S POINT OF VIEW
Ang pagkakamali kong iyon nang nalasing si James ang siyang naging susi para lalo kong maintindihan ang palasak ng sinasabi ng karamihan na ang straight ay straight… dapat silang hinahayaang mapunta sa babae. Kung ang bakla nagmahal ng straight hindi lang yaman ang aagos mula sa kanila kundi kasama na ang tone-toneladang luha. Kung nagmahal ka ng straight kailangan mong panindigan na hinding-hindi ka magseselos sa babae dahil kahit anong mangyari, sa babae parin ang kahahantungan ng isang tunay na lalaki. Iwasan ding papiliin ang straight sa pagitan ng babae at ng isang bakla dahil baka mas masakit sa’yong tanggapin na hindi ikaw na bakla ang pipiliin. Maaring kailangan ka ng tunay na lalaki ngunit hindi ikaw ang nakapagbibigay sa kaniya ng tunay na ligaya.  Ngunit sa katulad kong nagmahal, hindi ko alintana ang pagod, hindi ako basta-basta sumusuko kahit pa ilang beses akong masaktan at lumuha… ang pag-iyak kong iyon lang ang alam kong paraan para maibsan ang sakit na halos hindi ko na nakakayanan.

Tuesday, January 15, 2013

Straight 06

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


James’ Point of View
                Sa bahay na tinitirhan namin ay may dalawang kuwarto. Nirerentahan naming dalawa ni Xian ang isa at ang isang kuwarto naman doon ay isang Pinay.  Hindi din naman kagandahan at may naiwang asawa at tatlong anak sa Pilipinas ngunit hindi naman karelasyon ang habol ko kundi kausap at kaibigan habang magulo palang kami ni Xian. Sa katulad kong may iniisip na mga suliranin kailangan ko din ng ibang tao na makakasalamuha. Wala akong ibang kilala sa Doha, oo nga’t may mga katrabaho din naman ako pero may mga sarili din naman silang buhay. Ang masaklap pa niyan, halos magkakaiba ang day-off namin at kapag uwian na sa gabi ay itulog na din lang dahil sa pagod. Sa tulad ko ding nag-iipon at nagtitipid, hindi ko naisip lumabas at maki-jamming dahil mahal din ang bilihin sa Doha.

Straight 05

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


JAMES’ POINT OF VIEW
                Ang turing ko kay Xian ay tropa, kapatid, kaibigan at kasangga. Siya yung laging nandiyan para sa akin. Alam niya ang lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng kuwento ng buhay ko ay bukas na aklat sa kaniya. Madami akong gustong itanong sa kaniya ngunit nanatiling tikom ang aking mga labi. Ayaw ko siyang ma-offend. Sa dami ng utang na loob ko sa kaniya ay ayaw ko sanang mag-isip ng kahit ano laban sa kaniyang pagkatao. Isa pa, wala pa naman siyang ginawang hindi ko nagustuhan.

Straight 04

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Xian’s Point of View
                Hindi naging madali ang lahat lalo na ang pagbabalat-kayo. Hindi natuwa ang mga kaibigan ko sa ginawa ko lalo pa’t pati sila ay naoobligang magpakalalaki kung kaharap si James. Dahil sa pagtatago ay hindi na din nila na-eenjoy na kasama ako. Hindi na nila nagagawa ang gusto nilang gawin sa bahay at halos walang gustong magsalita kung kaharap si James. May mga sandaling kapag wala pa si James ay masaya kaming magbibiruan ng kabaklaan, nailalabas namin ang totoong kami ngunit kung bubulaga na si James sa pintuan ay magbabagong anyo kaming lahat. Tuluyang matatahimik ang kuwarto hanggang sa isa-isa na din silang magpapaalam. Dumating ang araw na halos hindi na rin nila ako nabibisita hanggang sa bihira na din akong sumama pa sa kanilang mga lakad. Pagkaraan ng ilang Linggo pa, halos hindi ko na din kilala pa ang sarili ko.

Straight 03

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Note from the Author:
(Ang bahaging ito ay ang kuwento naman ni Xian. Sinikap kong ilahad ang kuwento ng dalawang unang bida natin sa magkaibang point of view para maintindihan natin ang iniisip at damdamin ng dalawang pangunahing tauhan. Ang unang dalawang kabanata ay ang point of view ni James at ang susunod naman ay ang point of view ni Xian. Sana ay masundan niyo ang pagkakalathala nito. Sisikapin kong hindi kayo malilito dahil sa simula ng bawat Chapter ay mababasa ninyo kung kaninong point of view ang mailalathala. Sana magustuhan ninyo ang nobela natin ngayon. Gusto ko lang pong hilingin na sana ay patuloy kayong makibahagi, magbigay ng inyong mga comments sa bawat chapter ng alam kong hindi ako nagsasayang ng oras na nagsusulat na wala namang bumabasa.

Straight 02

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Nadala pa naman namin si Nanay sa hospital ngunit ayon sa mga doctor, dead on arrival na siya. Napakabilis ng pangyayari. Hindi napaghandaan ng aming pamilya ang pagkawala ng ilaw ng aming tahanan kaya nang nangyari iyon ay lahat kami ay nangapa. Hindi namin alam kung paano muling magliliwanag ang aming tahanan. Sobrang nasaktan ako sa nangyari. Ni hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Kay tatay ba na nagiging makitid ang utak sa mga alanganin o kay kuya na hindi nirespeto ang mga alituntunin ni tatay sa bahay at sa aming pagkatao. Ngunit ang tanging alam ko ay namatay si nanay dahil sa kabaklaan ni kuya. Kung hindi sana bakla si kuya hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Kung sana ganoon ang kaniyang pagkatao, hindi magagalit si tatay. Kung hindi siya nagpatulog ng lalaki sa kaniyang kuwarto at nahuling may katalik, sigurado buhay pa sana si nanay ngayon.

Straight 01

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali’t salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Naiirita akong nakikita sila kahit wala naman silang ginagawang hindi maganda sa akin. Basta kung may palabas sa pinapanood kong bakla, napapamura ako sa kanilang mga ikinikilos. Napapadura ako kapag may nakakasalubong akong alanganin. Kung may tumititig sa akin ay kulang na lang murahin ko sila o kaya ay ambaan ng suntok. Nagsimula ang lahat ng iyon nang may nangyaring trahedya sa pamilya namin. Doon nag-ugat kung bakit naging ganoon na lamang ang pagkamuhi ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Kung mayroon man isang pagkakamali na sukdulang ipinagbabawal ng sundalo kong tatay, iyon ay ang pagiging alanganin.