By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
Habang pareho kaming nakatayo, kinapa
ng dalawa kong kamay ang dulo ng kanyang t-shirt at hinila iyon pataas. Itinaas
naman niya ang dalawa niyang kamay upang mapadali ang pagtanggal ko ng kanyang
t-shit. Noong mahugot ko na ito sa kanyang katawan, inilaglag ko ang t-shirt sa
sahig. Nanatili lang siyang nakatayo, ipinaubaya sa akin ang kung ano man ang gagawin
ko sa kanya.
Habang nakatingin lang siya sa akin,
hinubad ko ang aking t-shirt. At noong pareho na kaming hubad ang pang-itaas,
niyakap ko siya ng mahigpit at siniil ng halik ang kanyang mga labi.
Naghalikan kaming nakatayo. Habang
nagdikit ang aming mga labi, hinagod ng aking mga daliri ang hubad niyang
pang-itaas na katawan. Ibayong kiliti at sarap ang aking naramdaman sa paglapat
ng amig mga katawan. Sabik na sabik ang aming mga labi at mahigpit ang
pagkayakap namin sa bawat isa. Pakiwari ko ay pinag-isa ang aming kaluluwa,
sabay na pumintig ang aming puso, at iisa ang aming isip at damdamin.
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)