[BLOG: gayphilippines101.blogspot.com] [E-MAIL: gayphilippines101@gmail.com] [FB PAGE: gay pilipinas or gp101marketing@hotmail.com] [TWITTER: gay pilipinas or gp101marketing@hotmail.com] [FACEBOOK: gay pilipinas or gayphilippines101@gmail.com]
Friday, December 21, 2012
Shufflin' (08): Book 1
by: Lui
Mahigpit na hawak ni Darrel sa braso
sina Symon at Agapito. Pilit namang kumakalas si Symon mula sa pagkakahawak ni
Darrel, una, dahil nasasaktan siya at, pangalawa, dahil naiinis siya dito dahil
sa nangyari nung birthday niya.
'What the hell is your problem??', ang
inis na tanong ni Darrel.
'It's none of your business!', ang
halos hangin lang na sabi ni Symon.
Shufflin' (07): Book 1
by: Lui
Puro mga hikbi na lang ang maririnig
mula kay Symon. Nagtext siya kina Coleen nang medyo humupa na ang nararamdaman.
Nag-alibi na lang siya at sinabing nahilo at nasuka kaya nauna na sa kwarto.
Alam na naman nila kung saan sila matutulog. Sobrang nanghihina na siya.
Dahil siguro sa sobrang pagkabalisa ni
Symon ay hindi niya naramdaman ang pagpasok ni Jeric sa kwarto. Dahil silang
dalawa lang ang lalaki sa grupo, sila ang magkasama sa pagtulog. Habang sina
Coleen, Shane at Lexie naman ay sa kwarto ni Hanna matutulog. Si Hanna ay sa
kwarto muna ni Maxine natulog.
Shufflin' (06): Book 1
by: Lui
'Hi, JR!!', ang bati ni Symon kay
Agapito nang umupo na ito at saluhan sila ni Darrel sa table.
'Hey.', ang walang emosyon nitong
bati.
Hindi masyadong makapang-asar si Symon
dahil naroon si Darrel. Ayaw naman niyang sabihin nito na masama ang kanyang
ugali. Nagkwento si Symon tungkol sa kanilang exam kay Ms. Ellie matapos itong
magtanong sa kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
Shufflin' (05): Book 1
by: Lui
Tahimik na tinitingnan ni Symon ang
payapang mukha ni Darrel habang himbing itong natutulog sa kanyang tabi. Hindi
naman ito ganoon kalapit sa kanya pero hindi na siya naghangad pa na mas
mapalapit ito dahil hindi niya alam kung paano magre-react. Ang makita lang
itong malapit sa kanya ay okay na.
'Bakit ba ang perfect ng dating mo sa
akin?', ang tanong ni Symon sa kanyang isip.
Agad kasing nakatulog si Darrel
pagkahiga nito dahil na rin siguro sa sobrang pagod. May mga moments na bigla
niyang ipipikit ang kanyang mga mata kapag gumagalaw ito sa takot na mahuli
siyang nakamasid.
Shufflin' (04): Book 1
by: Lui
BEST FRIDAY EVER!!!!! Ganyan katindi
ang kasiyahan ni Symon habang papalapit na ang pagtatapos ng gabi. Hindi siya
makatulog dahil pinapaulit-ulit niya ang mga pangyayari simula nang maiwan siya
mag-isa sa PJ's hanggang sa makakwentuhan niya si Darrel.
'Okay ka lang ba?', ang naalala niyang tanong ni Darrel sa kanya nang
mapansin nitong hindi ito komportable.
'Yeah. Uhm. Ah. Hmm.', ang hindi malaman na sasabihin ni Symon.
Shufflin' (03): Book 1
by: Lui
'Chill!', ang pag-awat ni Coleen sa
pagkainis ni Symon sa tagpo nila ni Agapito umaga bago magsimula ang klase.
'He's so... Ugh!!', ang pikon na sabi
ni Symon.
'Come on! Let it go!', ang sabi ni
Coleen.
'What's up?', ang bati ni Lexie
pagkarating nito.
Napansin nito ang hindi maipintang
mukha ni Symon. In-explain ni Coleen kung ano ang nangyari. Hindi naman
naiwasan ni Lexie ang matawa. Nang dumating sina Shane at Jeric, napansin din
nila ang hindi magandang mood ni Symon at si Lexie na ang nagkwento ng dahilan.
Shufflin' (02): Book 1
by: Lui
Naging ordinaryo naman ang mga sumunod
na dalawang araw. Dahil nga first year pa lang sila ay mas marami ang kanilang
mga minor subjects at karamihan sa mga ito ay napag-aralan na niya noong high
school pa lang. Si Coleen ang naging laging kasa-kasama ni Symon. Nakakilala na
rin nila ang iba pang mga kaklase.
'Gusto niyo sumabay sa amin
mag-lunch?', ang tanong ni Lexie kay Coleen.
Shufflin' (01): Book 1
by: Lui
'You got that smile
That only heaven can make
I pray to God everyday
That you keep that smile
Yeah, you are my dream
There's not a thing I won't do
I give my life all for you
Cause you are my dream'
(Next 2 You - Chris Brown feat. Justin
Bieber)
Iyan ang kanyang kinakanta habang
minamasahe niya ang buhok ng mabulang shampoo. Alas-siete na ng umaga. Malakas
ang kanta na tumutunog galing sa speaker sa kanyang kwarto. Hindi na niya
sinara ang pinto upang marinig ito at masabayan at, tutal naman, ay sarili niya
itong CR sa sariling kwarto.
Subscribe to:
Posts (Atom)