by: iamDaRKDReaMeR
Isang lalaki ang nakaupo at nag-iisa
sa isang sulok. Pinakatitigan ko munang
mabuti at kinilala baka mamaya mapahiya ako.
Pero hindi ako magkakamali dahil bigla siyang tumingin sa akin at
nagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. “Siya nga!” at agad ko itong nilapitan.
“Ikaw pala ang nagtext. Musta na?”
“Ito OK naman ako. Nung isang araw pa kitang kinokontak kaya
lang out of coverage ka. Nalaman ko na
lang nagbakasyon ka pala,” tugon ng
kausap ko.
“Sandali! Paano mo nga palang nakuha ng number ko? At kailan ka dumating? Ni hindi ka man lang nag-message sa akin na
papunta ka pala dito para naman nakapaghanda ako. “
“Actually two weeks pa lang ako
dito. Nagpakuha ako ng visa sa kakilala
ko. Ayun OK pa nung unang linggo, halos
hindi ako pakilusin sa loob ng bahay kaya lang nagkagulo kami kasi feeling ko
sobra iyung singil niya sa akin. Wala
namang problema sa akin kaya lang nitong week na ‘to halos lahat yata kilos ko
may bayad. At kaya ako tumawag sa ‘yo
kasi itatanong ko sana kung may alam kang bedspace dahil gusto ko na talagang
lumipat. Tutal hindi naman n’ya na
siguro ako kargo dahil malaki na ako.
Sige na Ron oh… Tulungan mo na ko.
O, kung gusto mo naman, sa ‘yo na muna ako titira. Please...” And here we go again the magic
word PLEASE. Ayaw ko talagang
nagpi-please ang isang tao sa akin, kasi feeling ko hindi ko mahihindian.