by: Jeffrey Paloma
Bahay-Bahayan,
Tagu-Taguan
”Bakit mo sa akin binibigay ang
kwistas mo? Di ba matagal mo na hindi sinusuot to? Akala ko nawala na.” sabi ko
habang sinusuri ito. May lace itong stainless at medyo may kalumaan ang telang
kumukubli sa isang maliit na bagay. Alam kong mahalaga ito para sa kanya dahil
ilang beses kong nakita na ang bagay na ito at lubhang pinakaiingatan niya ito
mula pa noong maliit kami.
”Anting-anting ko yan di ba? Hindi ko
na sinusuot kasi baka masira sa pawis ko tuwing naglalaro ako ng basketball sa
school.” sabay tawa niya. Akala ko'y binibiro niya ako't di ko gusto iyon
kaya't umamba akong ihahagis ang bigay niya sa ilog. Nanlaki ang mga mata niya
sa aking ginawa. Pinigil niya ako’t hinawakan ang kamay kong nakaamba.