[BLOG: gayphilippines101.blogspot.com] [E-MAIL: gayphilippines101@gmail.com] [FB PAGE: gay pilipinas or gp101marketing@hotmail.com] [TWITTER: gay pilipinas or gp101marketing@hotmail.com] [FACEBOOK: gay pilipinas or gayphilippines101@gmail.com]
Saturday, December 15, 2012
One Message Received (28 & Epilogue)
http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 28
Ryan. Ryan.', ang pagkatok ni Mama
sa aking pinto.
Agad naman akong bumangon at hinarap
ang ina.
'Hmm?', ang sabi ko habang
nagkakamot ng mata.
'Nandyan si Gino sa baba. Mukhang
hindi maganda ang lagay.', ang sabi ni Mama na may tono ng pag-aalala.
Para namang na-jumpstart ang buong
sistema ko. Nagising ako bigla at bumaba ng hagdan. Si Mama naman ay sumunod
agad sa akin. Nakita ko si Gino na nakaupo sa sala at nakayuko.
'G. Ano nangyari?', ang tanong ko sa
kanya.
Kumakabog ang dibdib ko dahil kahit
hindi ko na siya tanungin ay alam ko na ang nangyari. Nagtaas ng mukha si Gino.
Ang pilit niyang pagpipigil ng iyak ay hindi umubra. Umiling lang siya at
nagsimula nang umiyak. Agad naman akong umupo sa kanyang tabi at sinubukan
siyang patahanin.
'Ano bang nangyari, hijo?', ang
tanong ni Mama.
Nagkatinginan kami ni Gino sa tanong
na ito ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Parang hinihintay ko si
Gino na magsalita pero alam kong sobra-sobra na ang mga nangyayari sa kanya.
'Pinalayas po ako sa amin.', ang
sabi ni Gino sa pagitan ng mga paghikbi.
'O bakit naman? Ano bang ginawa mo?
Nasaan ang mga gamit mo?', ang pag-aalala ni Mama.
'Nasa labas po. Tita, nahihiya po
ako at kayo pa ang naistorbo ko. Pasensya na po kayo.', ang sabi ni Gino.
'Hindi iyon problema. Para na rin
kitang anak. Pero bakit ka ba pinalayas?', ang tanong ni Mama.
Papalit-palit lang ang tingin ko kay
Gino at kay Mama. Hindi ko na alam ang gagawin.
'Ry?', ang pagbaling sa akin ni
Gino.
Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko
muna ang aking ina at pinakiramdaman siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking
sarili na sana ay maintindihan niya ang sitwasyon namin ni Gino.
'Ma.', ang pagsisimula ko.
Mga nangungusap na mata ang tumingin
sa akin. Hindi ko alam kung tama ba na ngayon ko sabihin kay Mama. Paano kung
mapalayas din ako? Saan na kami pupulutin nito?
'Ryan?', ang pagtawag sa akin ni
Mama nang mapansing hindi na ako nagsalita.
'Ma, hindi ko alam kung paano mo
matatanggap. Pero gusto kong malaman mo na may namamagitan sa amin ni Gino.',
ang diretsong sabi ko kay Mama.
Para namang walang naintindihan si
Mama sa aking sinabi at nanatili lang itong nakatingin sa akin. Nangingilid ang
luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mama ng
mga oras na ito.
'Tita, nahuli po kasi kami ni Mama
kanina kaya niya ako pinalayas. Hindi ko po sinasadyang mahalin ang anak niyo
pero ipagtatanggol ko po siya. Ipaglalaban ko po kung ano man itong namamagitan
sa amin.', ang matapang na sabi ni Gino.
Hindi pa rin umiimik si Mama.
Nakatingin lang siya sa amin ni Gino na blanko ang mukha.
'Ma. Say something.', ang umiiyak
kong sabi sa kanya.
'Ehem. Ryan. Matagal ko nang
tinanggap sa sarili ko. Ako ang nagsilang sa'yo. Alam ko ang lahat sa'yo kahit
hindi ka magsabi sa akin. Dalawa lang tayo na nag-aalaga sa isa't isa. Simula
pa lang nang naging magkaibigan kayo ni Gino, nakita ko na ang kakaibang tingin
mo sa kanya. Ayokong aminin sa sarili ko nung una. Mahirap. Kasi gusto kong
magkaapo...', at doon na nagsimulang umiyak si Mama.
'...pero unti-unti ko namang
natanggap iyon. Nakikita kitang masaya ka sa kanya. Wala na akong karapatang
pahirapan ka. Sobra na ang paghihirap mo sa paglaki mo na iisa lang ang
magulang mo. Mahal kita, anak. Tanggap kita. Tanggap ko kayo.', ang pagpapatuloy
ni Mama.
Para naman akong nabunutan ng tinik
sa mga narinig ko. Niyakap ko ng mahigpit si Mama at nagpasalamat ng
sobra-sobra. Siya naman ay walang tigil sa pag-iyak. Tumayo na rin si Gino at
yumakap kay Mama.
'Salamat po, Tita.', ang sabi ni
Gino.
'Sshhh. Magiging okay din ang lahat.
Maging matapang ka lang sa pagharap ng mga problema mo.', ang sabi ni Mama.
'Ay, shoot. Yung maleta ko!', ang
biglang sigaw ni Gino at agad na tumakbo sa labas.
Natawa naman kami parehas ni Mama.
Gumaan ang pakiramdam sa loob ng bahay. Parang lumiwanag lahat.
'Bakit hindi ko nakitang may dala
ka?', ang tanong ni Mama nang makapasok si Gino dala ang malaking gamit.
'E. Nahiya po ako. Kaya pasimple ko
lang pong pinasok nung nakatalikod kayo.', ang sabi niya habang nagkakamot ng
ulo.
'Ikaw talagang bata ka. O siya,
matutulog na ako. Magpahinga na rin kayo ah.', ang paalam ni Mama.
'Opo.', ang sagot ko.
'Thank you po ulit, Tita.', ang sabi
naman ni Gino.
0*0*0*0
Kinabukasan ay maagang nagising si
Gino. Nakataklob siya ng kumot habang malalim na nag-iisip. Nakatingin lang
siya sa akin.
'Don't try to seduce me.', ang sabi
ko sa kanya pagmulat ko.
'I'm not! Nag-iisip ako kung paano
ako makikipag-usap kay Mama.', ang seryoso niyang sabi.
'Oh. Sorry.', ang maikli kong
paghingi ng tawad.
'Buti pa si Tita tinanggap tayo.
Bakit kaya hindi iyon magawa ni Mama sa atin?', ang tanong ni Gino.
'O, agang-aga nagda-drama ka.', ang
sabi ko sa kanya.
'E kasi naman...', ang pag-iyak niya
bigla.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at
ikinulong siya sa aking mga braso.
'Ang sakit sakit na mapalayas ng
sariling magulang. Lalo na at hindi niya tanggap ang pagkatao ko. Masaya ako sa
ating dalawa. Bakit hindi niya kayang maging masaya para sa akin?', ang
pagtangis ni Gino.
'Shhhh. Maiintindihan din tayo ng
mommy mo. Someday.', ang sabi ko sa kanya.
Patuloy lang sa paghikbi si Gino
habang ako naman ay tahimik lang na pinapatahan siya. Nagdesisyon siyang
puntahan ang ina ngayon upang ipaliwanag ang sarili matapos maiiyak ang lahat
ng umagang iyon.
'Bahala na.', ang sabi niya bago
magtungo sa CR at maligo.
0*0*0*0
Minabuti kong samahan si Gino sa
pagbalik sa kanilang bahay. May basbas din ito ni Mama nang magpaalam kami at
sinabi niyang she is hoping for the best. Pilit kong pinapakalma ang sarili
upang hindi na mahirapan si Gino kahit na halos dumadagundong na ang puso ko sa
kaba.
'Anong ginagawa niyo dito?', ang
masungit na bati sa amin ng mommy ni Gino.
'Ma, pakinggan niyo naman ako.
Please? Nagmamakaawa na ako.', ang sabi ni Gino sa ina.
Pinagsarahan lang sila nito ng gate.
Kinatok pa ni Gino ang gate at tinatawag ang ina ngunit hindi na talaga ito
nagpatinag. Pinigilan ko na si Gino sa kanyang ginagawa.
'Tara na. May klase pa tayo.', ang
sabi ko sa kanya.
Sobrang nadudurog ang puso ko habang
nakikita si Gino na nahihirapan. Halos hindi ako makapag-concentrate sa klase
dahil tinitingnan ko lagi ang lagay niya.
'Ry, are you and Gino okay?', ang
tanong ni Alicia sa akin nang matapos ang huling klase namin.
'Honestly, hindi. Nalaman na ng mom
niya ang about sa amin. Pinalayas siya. Please, don't tell anyone.', ang sabi
ko.
'Oh. I'm so sorry to hear that. Saan
siya ngayon nagse-stay?', ang pag-aalala ni Alicia.
'Sa bahay. Alam na rin ni Mama pero
tinanggap niya kami. Thank God.', ang sabi ko sa kanya.
'Buti naman. Ry, worried lang ako
kasi finals na next week and graduating tayo. Baka maapektuhan ang pag-aaral
niyo. So, if there's anything I could do, just let me know. Okay?', ang sabi ni
Alicia.
'Sure, thanks a lot!', ang sabi ko
sa kanya bago lumapit kay Gino.
'Tara na. Uwi na tayo.', ang yaya ko
sa kanya.
Hindi na nagsalita si Gino at
nagpauna na palabas ng room. Nauuna siya sa akin sa paglalakad hanggang sa
makarating kami sa parking.
'Where's my car?', ang mahinang
tanong ni Gino.
Wala naman akong nasabi nang makita
kong bakante na ang space kung saan namin iniwan ang sasakyan kanina bago
magpunta sa klase.
'DAMN IT, WHERE IS MY CAR??', ang
sigaw ni Gino.
Sinuntok niya ng malakas ang
pinakamalapit na poste at umupo matapos gawin ito. Agad naman akong lumapit sa
kanya at tiningnan ang kamay. Nagdudugo ito.
'Gino. Hindi mo dapat ginawa yun.
Ayan tuloy...', ang sabi ko.
'HUWAG MO AKONG HAWAKAN!!!', ang
sigaw niya sa akin.
Itinulak niya ako palayo kaya naman dumausdos
ako sa lapag. Pinipigilan ko ang sarili ko na patulan siya o maiyak dahil alam
kong tuliro lang siya ngayon at kailangan lang niya mailabas ang nararamdaman.
Kahit na masakit sa dibdib ang pagkakatulak niyang iyon ay lumapit pa rin ako
sa kanya at sinubukan siyang itayo.
'Tara na, uwi na tayo.', ang
mahinahon kong sabi sa kanya.
'Sobrang mali ba na minahal kita?
Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi sa'yo pa?', ang tanong sa akin ni Gino habang
hawak niya ang kamay ko.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya para
tulungan siyang tumayo pero hinawakan lang niya ito ng mahigpit habang
nakayuko. Naiyak ako sa mga tanong na kanyang binanggit. Kahit na masakit ang
mga sinabi niya, hindi ko na ito pinakita sa kanya. Tinulungan ko siyang
tumayo. Agad na akong pumara ng taxi nang makalabas kami ng school.
'Akin na nga 'yang kamay mo.', ang
sabi ko sa kanya.
Kinuha ko ang kamay niyang nagdudugo
at binalutan muna ito ng panyo.
'Ow.', ang daing niya.
Nang makarating kami sa bahay ay
wala pang tao. Marahil ay nasa trabaho pa si Mama.
'Akyat na ako.', ang malamig niyang
sabi sa akin.
Tiningnan ko lang siya bago ako
magtungo sa kusina para kumuha ng panglinis ng sugat. Umakyat din naman agad
ako at dinatnan siyang nakadapa sa kama. Nakatanggal lang ang sapatos at polo pero
naka-pantalon pa rin at t-shirt.
'Gino. Halika, lilinisin ko yung
sugat mo sa kamay.', ang sabi ko matapos maipatong ang kinuha kong batya na may
tubig at betadine sa baba. Agad naman siyang umupo mula sa pagkakahiga. Hindi
kami nag-uusap pero hinayaan niya akong gamutin ang sugat niya sa kamay.
Tahimik lang kami.
'Okay na.', ang sabi ko sa kanya
matapos mabalot ang kamay niya sa benda.
'Matutulog na ako.', ang paalam
niya.
'Hindi ka ba muna kakain?', ang
tanong ko sa kanya.
'Hindi ako nagugutom.', ang malamig
niyang sagot sa akin.
0*0*0*0
Ganon ang lagay namin hanggang
finals week. Magkasabay kaming papasok, sabay kakain, pati sa pag-uwi pero
halos hindi kami nag-uusap. Tuwing susubukan ko siyang lambingin ay lumalayo
siya.
'Gino, ano nang balita sa mommy
mo?', ang tanong ko sa kanya nang matapos ang pinakahuli naming exam.
'Hindi ko alam.', ang sagot niya sa
akin.
'Kausapin mo naman ako ng matino.',
ang mahina kong sabi sa kanya.
'Sinasagot ko naman lahat ng tanong
mo ah! Ang kulit-kulit mo. Araw-araw na lang, tanong ka ng tanong!', ang sigaw
niya sa akin.
Napatingin ang ilan sa mga kaklase
kong nasa loob pa ng room ng sigawan ako ni Gino. Tumakbo ako palabas dahil na
rin siguro sa pagkapahiya.
'Ry!', ang pagtawag sa akin ni
Alicia.
Napatingin naman ako sa
pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Alicia na tumatakbo palapit sa
akin.
'Tara.', ang yaya niya sa akin.
Hinatak niya ako papunta sa park.
Kakaunti na lang ang mga tao marahil nag-eexam pa ang iba. Pagkaupo namin ay
hindi na nagsalita si Alicia. Tiningnan lang niya ako at alam ko na na pwede na
akong mag-rant.
'Feeling ko gusto na niyang sumuko
sa aming dalawa. Ang cold niya sa akin simula last week pa. Nasasaktan na ako.
Pilit ko siyang iniintindi pero parang ayaw na niyang magpaintindi sa akin. Ano
bang dapat gawin ko? Mahal na mahal ko siya pero it's killing me kapag nakikita
ko siyang nahihirapan ng husto. Kailangan ko na ba siyang i-let go para maging
maayos na sila ng mom niya? Pero parang hindi ko kaya mabuhay na hindi siya
kasama. Feeling ko unti-unti na siyang nawawala sa akin.', ang pag-iyak ko kay
Alicia.
'Ry, sa tingin ko, hindi na option
ang pagsuko dito. Bakit sa tingin mo ba kapag iniwan ka ni Gino ay mababawi na
sa mommy niya yung idea na sa same gender siya nagkakagusto? Hindi naman diba?
Pag naghiwalay ba kayo, magiging okay ka ba? Magiging okay ba siya? Hindi naman
diba? Giving up is not an option here! You just gotta fight for it! Yun lang
ang dapat mong gawin. Ang dapat mong sabihin kay Gino na gawin. Hindi 'yang
ganyang hinahayaan mo siyang malunod sa nararamdaman niya. Ga-graduate na tayo
in one week, sana naman bago tayo magkahiwa-hiwalay ay makita ko kayong masaya
ni Gino. You love him. Fight for him!', ang sabi ni Alicia sa akin.
0*0*0*0
Daig ko pa yata ang na-enlighten sa
sinabi na iyon ni Alicia. Maganda ang point niya. Dapat ko lang na makausap na
si Gino para harapin na itong problema namin.
'Kamusta exams?', ang tanong ko sa
kanya nang nakahiga na kami para matulog.
'Okay naman.', ang sagot niya.
Yumakap ako sa kanya.
'Ga-graduate na tayo next week.
Parang ang bilis no?', ang paglalambing ko sa kanya.
Tinanggal niya ang kamay ko na
nakayakap sa kanya.
'Mainit.', ang reklamo niya.
'G naman. Kelan mo ba ako kakausapin
ng matino?', ang tanong ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot. Bumalikwas
siya at ngayon ay nakatalikod na sa akin. Humiga ako ng diretso at tumingin sa
ceiling. Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong gising pa siya.
'Sumusuko ka na ba? Sa atin?', ang
tanong ko sa kanya.
One Message Received (25-27)
by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 25
Part 26
http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 25
'Gino!
Ano nangyari kay Ken?', ang humahangos na tanong ni Patrick nang makarating ito
ng ospital.
'Wala
pang sinasabi ang mga doctor. Hintayin na lang natin. Nandun ang mga magulang
niya.', ang sabi ni Gino bago ituro ang kinauupuan ng mga magulang ni Ken.
Umupo
ang dalawa sa sofa sa waiting area at tahimik na naghihintay. Maya-maya pa ay
nakuha ng atensyon ni Gino ang pag-iyak ni Patrick.
'Pat.',
ang pag-alo ni Gino.
'Gino.
Paano kung hindi siya makaligtas? Siya lang ang higit na nakakaintindi sa akin
ngayon. Sa mga nangyari sa akin, sa atin. Paano na ako, pag nagkataon?', ang
pag-iyak ni Patrick.
'Shhhh.
Kakayanin yan ni Ken. Para sa'yo.', ang sabi ni Gino.
0*0*0*0
Halos
hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang inilalabas nila si Papa mula sa
kwarto niya patungo sa morgue.
'Ryan.',
ang pagtawag sa akin ni Mama.
Tumakbo
ako palabas ng kwarto dahil sa sobrang galit sa sarili. Hindi ko lubos maisip
na ganon lang kabilis magbabago ang nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Papa.
Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Tinungo ko ang elevator pababa sa lobby.
Nagbukas
na ang elevator at agad akong lumabas. Ang bilis ng aking paglakad ngunit bigla
akong napatigil nang makita ko ang dalawang pamilyar na mukha sa may waiting
area. Ang isa ay umiiyak habang ang isa pa ay inaalo ito. Muli naman akong
napako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa dalawang tao sa aking
harapan.
'Fuck
my life!', ang sigaw ko sa aking isip.
Pinagpatuloy
ko na ang mabilis na paglalakad palabas ng hospital. Naramdaman ko ang pagsakit
ng aking mga paa kaya naman ay binagalan ko na ang aking lakad. Hindi ko alam
kung saan ako papunta. Basta ang alam ko, kelangan ko lang maglakad palayo.
0*0*0*0
Iniluwa
ng elevator si Mama sa sumunod na pagbaba nito. Nagpasabi na lang siya sa nurse
na babalik agad at susundan lang ako. Kinakabahan si Mama sa aking kalagayan
ngayon. Nakita rin niya ang mga pamilyar na mukha sa lobby. Nagtataka man ay
kinausap niya ang mga ito.
'Gino?
Patrick?', ang pagtawag niya sa dalawa.
'Tita!',
ang gulat na bigkas ng dalawa.
'Anong
ginagawa niyo dito? Nakita niyo ba si Ryan?', ang nag-aalalang tanong ni Mama.
'Naaksidente
po kasi yung isa naming kaibigan. Nandito po si Ryan?', ang nagtatakang tanong
ni Gino.
'Oo.
Kakamatay lang ng Papa niya. Nag-aalala ako at bigla siyang umalis. Baka kung
anong gawin nun.', ang sabi ni Mama.
Bigla
ang kaba na naramdaman ni Gino sa sinabi ni Mama. Si Patrick naman ay tahimik
lang.
'Sige,
Tita. Ako na po ang maghahanap kay Ryan. Dito na lang po kayo.', ang sabi ni
Gino.
'Salamat,
Gino.', ang sabi ni Mama.
Umalis
na si Mama at inasikaso na ang mga papers ni Papa. Habang si Gino naman ay
bumaling agad kay Patrick.
'Pat,
hahanapin ko lang si Ryan.', ang sabi nito.
'Go
ahead. I'll wait for Ken.', ang malungkot na sabi nito.
Agad
nang tumakbo si Gino palabas ng hospital para hanapin ako.
0*0*0*0
Nagpalinga-linga
si Gino nang nasa may main road na ito sa tapat ng hospital. Kakaunti na lang
ang mga tao kaya't madali niya akong nakitang mabagal na naglalakad. Tinakbo
niya ang direksyon kung nasaan ako.
'Ry.',
ang hingal na hingal niyang pagtawag sa akin.
Nagulat
naman ako sa boses na aking narinig. Agad akong tumingin sa kanya.
'I've
heard what happened.', ang sabi nito sa akin.
'Uwi
na tayo.', ang tangi kong sinabi.
Agad
naman siyang pumara ng taxi at dinala ako sa bahay nila. Habang nasa sasakyan
ay tinext ni Gino si Mama at si Patrick at sinabing magkasama na kami at sa
bahay niya muna ako magse-stay.
Ramdam
ko ang awa na nararamdaman ni Gino para sa akin lalo na nang akbayan ako nito
at hinayaan akong magpahinga sa kanyang dibdib. Wala siyang pakialam kung
makita kami ng driver sa ganoong ayos.
0*0*0*0
Sobrang
pagod na ako. Wala na akong lakas para umiyak, para makipag-away, para
magsalita. Inalalayan na ako ni Gino paakyat sa kanyang kwarto. Ayoko nang
kumilos. Ayoko ng makaramdam. Si Gino na rin ang nagtanggal ng aking sapatos.
Siya na rin ang nagbihis sa akin. Ipinasuot niya sa akin ang isa sa kanyang mga
sando at hinayaan lang na ako ay naka-boxers. Humiga na kami at sinubukan kong
matulog.
'Ry.
I'm so sorry. For everything that has happened. I know I've been a child for
acting up like that. Sinabayan pa ng pagkawala ng Papa mo. Sorry.', ang sabi ni
Gino.
Ngunit
parang wala na akong naririnig. Sobrang clouded na ang utak ko at pagod na ang
katawan ko. Nakatulog yata agad ako pagkapikit ko.
0*0*0*0
Ang
bigat ng pakiramdam pagkagising ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero
madilim pa ang kapaligiran. Bumangon na ako at naghilamos. Kailangan kong
samahan si Mama sa pag-aasikaso ng libing ni Papa dahil mag-isa lang ito.
'Ry.
Ang aga pa. Magpahinga ka muna.', ang sabi ni Gino nang makita sa orasan na 5AM
pa lang.
'Hindi
na. Kailangan ko nang puntahan si Mama.', ang malamig kong sagot sa kanya.
'Sasamahan
na kita.', ang sabi ni Gino pagbangon nito.
'Wag
na. Magpahinga ka na lang.', ang pagtanggi ko.
Hindi
ko pa rin matanggal sa isip ko ang nakita ko kagabi nung magkasama sila ni
Patrick. Wala namang kakaiba. Hindi ko lang talaga kayang nakikita silang
magkasama. Bakit nga ba sila magkasama dun? Hindi ko pa din alam. Pero ayoko
munang i-open up yun dahil may mas mahalaga pa akong kailangang pagtuunan ng
pansin.
'Hindi,
sasamahan kita. Ok?', ang pagpupumilit ni Gino.
Hindi
na ako sumagot at nagbihis na. Sa bahay na lang ako maliligo. Habang si Gino
naman ay nagpunta na sa CR at mabilis na naligo.
0*0*0*0
Nagising
si Patrick sa paggalaw ng kamay na kanyang hinahawakan.
'Ken?',
ang sabi niya.
'Patrick.',
ang pabulong na sabi ni Ken.
Nakaligtas
ito sa aksidente na kinasangkutan. Kailangan niyang ma-confine dahil sa mga
butong nabali sa kanyang kanang hita.
'May
masakit ba?', ang tanong ni Patrick.
'Wala
naman. Si Gino?', ang tanong ni Ken.
'OK
naman siya. Pinuntahan niya si Ryan.', ang sabi ni Patrick.
'Salamat
sa pagpunta.', ang sabi ni Ken.
'Wala
iyon. Umuwi lang sandali ang parents mo. Babalik din sila maya-maya.', ang sabi
ni Patrick.
'Wag
mo akong iiwan.', ang sabi ni Ken.
'Oo,
dito lang ako.', ang sagot ni Patrick.
Hinawakan
niyang muli ang kamay ni Ken hanggang sa makatulog ito muli. Pinagmamasdan lang
niya ang payapang mukha nito.
'Magagawa
ko bang sumaya sa iyo? Magagawa ba kitang pasayahin kahit na alam kong hindi ko
pa talaga nalilimutan si Gino. Natatakot akong mawala ka sa akin.', ang
pakikipag-usap ni Patrick kay Ken sa kanyang isip.
0*0*0*0
Dagsa
ang mga tao sa unang gabi ng burol ni Papa. Naroon din ang aking mga kaibigan
na sina Katie, Doris, Alicia at Mona. Hindi naman umalis si Gino sa aking tabi.
May mga moments pang pasimple niyang hinahawakan ang aking kamay. Si Alicia
naman ay medyo iwas kay Gino at sa akin sa takot na baka magkaaway na naman
kami ni Gino.
'Ry,
condolences ulit. Mauuna na kami ni Alicia ha. Balik na lang ulit kami.', ang
paalam ni Mona.
'Sige.
Ingat kayo ha. Hindi ko na kayo maihahatid.', ang sagot ko naman.
Pasimple
na lang akong nginitian ni Alicia bago umalis kasama si Mona.
'Inaantok
ka na ba? Gusto mo na magpahinga?', ang tanong sa akin ni Gino.
'Hindi.
Ok lang ako. Ikaw, umuwi ka na.', ang sabi ko sa kanya.
'Maya-maya
na.', ang sabi ni Gino.
Kasama
namin noon sina Katie at Doris na mahinang nagkekwentuhan. Si Mama naman ay
busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kamag-anak.
'Ry.
Si Patrick nandyan.', ang sabi ni Doris nang makita ang kaibigan sa may
entrance ng mortuary.
Napalingon
naman kaming tatlo nina Gino at Katie. Palapit siya sa aming apat dala ang
isang malungkot na mukha.
'Ryan.
Condolences.', ang sabi niya sa akin.
'Thanks.',
ang mahina kong sagot.
Ang
awkward. Sobrang awkward lang. Ramdam mo ang tensyon sa aming tatlo nina Gino
at Patrick. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang bastos ko naman kung iiwan
ko sila.
'Pat,
kamusta si Ken?', ang tanong ni Gino.
Napalingon
naman ako kay Gino sa tinanong niya kay Patrick.
'Anong
nangyari kay Ken?', ang tanong ko sa kanilang dalawa.
Malamang
iyon din ang tanong nina Doris at Katie.
'Nasagasaan
siya kagabi. Kaya kami nasa ospital din kami ni Patrick kagabi.', ang sagot ni
Gino.
'O
my God. Bakit?', ang gulat na sabi ni Doris.
'E
bakit ka kasama?', ang tanong ko kay Gino.
'Kami
ni Ken ang magkasama kagabi bago siya masagasaan.', ang sagot ni Gino.
'Okay
na si Ken. Nagpapagaling na siya sa ospital. Pabalik na rin ako doon ngayon.
Gusto ko lang makiramay dito.', ang sabi ni Patrick.
'Sige,
dadalaw na lang ako bukas.', ang sabi ni Gino.
Tahimik
na lang ako habang nandoon si Patrick. Napapaisip ako kung bakit magkasama sina
Gino at Ken. At bakit ito nasagasaan? Parang ang putol ng kwento ni Gino sa
akin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na rin si Patrick na aalis na.
Nagpasalamat naman ako sa pagdaan niya. Pag-alis niya ay umalis na rin ako sa
kinauupuan at nilayuan si Gino.
'O
bakit mo kami iniwan dun?', ang tanong sa akin ni Gino nang makalipat ako ng
upuan sa harap.
'Gusto
ko lang mapag-isa.', ang sagot ko.
'Ry.
Galit ka ba sa akin?', ang tanong ni Gino.
'Pwede
ba, Gino? Hindi mo ba nakikitang nagmo-mourn ako sa pagkawala ni Papa? Ayoko
munang isipin kung bakit kayo magkasama ni Patrick sa hospital, kung bakit kayo
magkasama ni Ken bago siya masagasaan.', ang mahina kong paglalabas sa kanya ng
sama ng loob.
'Sorry
na. Gusto ko lang naman pagaanin ang loob mo e.', sng sabi niya.
'Umuwi
ka muna sa inyo. Magkita na lang tayo pagkalibing ni Papa. Hindi ko kaya na
magsabay-sabay kayong lahat. Mababaliw na ako!', ang sabi ko bago lumabas ng
room.
Mukhang
naintindihan naman ni Gino ang pangangailangan ko. Sinundan niya pa rin ako sa
labas pero hindi na niya ako pinilit na makipag-usap. Niyakap lang niya ako at
hinalikan sa labi.
'Sorry.
Hindi na muna kita guguluhin. Tawagan mo na lang ako kapag ready ka nang
makipag-usap.', ang pagpapaalam nito.
0*0*0*0
Hindi
muna dumiretso si Gino pauwi matapos makapagpaalam sa akin. Binisita nito si
Ken sa ospital upang i-check ang kalagayan nito.
'Hi,
Pat. Gising ba si Ken?', ang tanong ni Gino nang pagbuksan siya ni Pat ng
pinto.
'Yeah.
Akala ko bukas ka pa pupunta?', ang tanong ni Patrick.
'E
naisip ko ngayon na lang.', ang sagot ni Gino.
'Si
Ryan? Okay lang ba sa kanya?', ang tanong ni Patrick.
'Gising
ba si Ken?', ang tanong ni Gino na parang hindi narinig ang huling mga sinabi
ni Patrick.
Pinapasok
na ni Patrick si Gino sa kwarto ni Ken. Naroon ang mga magulang niya at ang
isang kapatid.
'Dude.
Kamusta?', ang tanong ni Gino sa kanya.
'Okay
naman ako. Eto, bali lang ang buto. Ikaw?', ang natatawang sabi ni Ken.
'Okay
din. Sorry ha. Ako may kasalanan sa nangyari sa'yo.', ang sabi ni Gino.
'Shh.
Baka marinig ka nina Mommy. Pero hindi ikaw ang may kasalanan. 'Yung driver ang
sumagasa sa akin. Siya ang mananagot sa nangyari sa akin, hindi ikaw.', ang
mahinang sabi ni Ken.
'E
kahit na. Nagtatalo tayo kaya tayo umabot dun. Sorry kung naging makitid ang
utak ko. Masyado lang talaga akong takot mawala si Ry sa akin. Akala ko kasi
trip mo siya e.', ang seryosong sabi ni Gino.
'At
least ngayon alam mo na. Nga pala, nabanggit mo na ba kay Patrick?', ang tanong
ni Ken.
'Hindi.
Hindi naman ako ang dapat na magsabi nun diba?', ang natatawang sabi ni Gino.
'Ayoko
namang sabihin sa kanya na ganito ang lagay ko.', ang sabi ni Ken.
'Wag
kang magmadali, Ken. May tamang panahon para diyan.', ang sabi ni Gino.
Lumapit
si Patrick mula sa pagkakaupo.
'Sorry,
kanina pa kasi kayo nagbubulungan diyan. Gusto niyo ba munang lumabas kami nina
Tita?', ang sarkastikong sabi ni Patrick.
'Hindi.
Okay na. Sorry.', ang sabi ni Ken sa kanya.
'Gino,
pwede ba tayong mag-usap mamaya?', ang tanong ni Patrick sa harapan ni Ken.
Tumingin
muna si Gino kay Ken bago sumagot.
'Okay.',
ang sagot ni Gino.
0*0*0*0
'O,
anak. Nagpaalam si Gino sa akin. Ayaw mo daw muna siya makita? Bakit? Nag-aaway
na naman ba kayo? Ngayon mo kailangan ng kaibigan. Hindi mo yata dapat ginawa
iyon.', ang sabi ni Mama sa akin.
'Masyado
na pong kumplikado ang nagyayari ngayon. Saka na lang po kami mag-uusap ni Gino
pagkalibing ni Papa.', ang malungkot kong sagot sa kanya.
'O
siya, dito ka muna ha. Asikasuhin mo ang mga nakikiramay. Magpapahinga muna
ako.', ang sabi ni Mama.
Tumango
lang ako at tinungo na kinauupuan nina Doris at Katie at hiningi ang tulong
nila sa pag-aasikaso.
0*0*0*0
'Gino,
tell me what happened.', ang seryosong sabi ni Patrick habang sila ay nasa
cafeteria.
'With
Ken?', ang tanong ni Gino.
'Yeah.
Why'd he end up like that?', ang tanong muli ni Patrick.
Ikinwento
ni Gino ang nangyari simula nang makita niya si Ken na nakaupo sa may gutter sa
may parking lot hanggang sa nag-iinuman na sila sa bar. Pero hindi sinabi ni
Gino ang sinabi sa kanya ni Ken bago ito masagasaan.
'Ugh!
Ako ang may kasalanan nito.', ang sabi ni Patrick.
'Bakit?',
ang tanong ni Gino.
'Sinabihan
ko siyang huwag na muna kaming magsama nung gabi ring 'yun. Kaya siguro siya
nandoon sa may parking lot. Dapat kasi sasabay ako sa kanya. Pero umalis ako.
Iniwan ko siya.', ang sabi ni Patrick.
Tahimik
lang si Gino na nakikinig sa kanya.
'Gino,
wala akong ibang pwedeng sisihin sa mga nangyari kung hindi ang sarili ko.
Hindi pa rin kita malimutan kahit alam kong may Ryan ka na. Masakit pa rin sa
akin. Kahit na gusto ko nang mag-move on, parang may pumipigil pa rin sa akin.
Si Ken lang ang nandyan na tumutulong sa akin pero ayokong sanayin ang sarili
ko na nandyan siya. Natatakot ako na baka maulit lang lahat ng nangyari.
Natatakot ako na baka ma-fall ako sa kanya tapos siya hindi. Hindi ko na kayang
pagdaanan ulit ang lahat ng iyon.', ang sabi ni Patrick.
'Pat.
Kalimutan mo na ako. Si Ryan talaga ang mahal ko. Huwag kang matakot. Di ba nga
dapat mas maging matapang ka? Di ba dapat mas alam mo na ang gagawin mo ngayon
kasi napagdaanan mo na yan dati? E ano kung masakta ka? Ganyan talaga,
nagmamahal ka e. Maybe Ken is the one for you. Believe me, you gotta try. Open
your heart up to him. Malay mo, siya pala ang makakapagpasaya sa'yo. Kalimutan
mo na ako.', ang sabi ni Gino sa kanya.
Para
namang biglang naliwanagan si Patrick sa mga narinig niya.
'Salamat.
Susubukan ko. Healing takes time.', ang nakangiting sabi ni Patrick.
'It
does.', ang sagot ni Gino.
Nailibing na si Papa tatlong araw
makalipas ang unang kanyang kamatayan. Balik na ulit sa normal ang lahat kahit
na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay. Sabay kami ni Mama na kumakain ng
hapunan.
'Nag-uusap na ba kayo ni Gino,
anak?', ang tanong ni Mama.
'Hindi pa po.', ang mahina kong
sagot.
'Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi
ba bestfriends kayo?', ang sabi ni Mama.
'Ma, we're going through a rough
patch. Ganon naman kapag magkaibigan diba?', ang sagot ko sa kanya.
'Mabait na tao si Gino. Alam kong
safe ka 'pag siya ang kasama mo.', ang sabi ni Mama.
'Stop it, Ma. Para naman akong
babae. I'm safe by myself.', ang sagot ko.
0*0*0*0
'I'll be discharged tomorrow.', ang
masayang pagbabalita ni Ken kay Patrick.
'Wow! That's great. O magpahinga ka
lang muna sa bahay ah.', ang paalala ni Patrick.
'Sure. Pupuntahan mo ako?', ang
tanong ni Ken.
'If you want me to be there.', ang
nakangiting sagot ni Patrick.
Napag-isip isip ni Patrick ang mga
sinabi ni Gino sa kanya nung nag-usap sila. Tama siya. Wala nang reason para
umasa pa siya na magiging sila ni Gino. Kailangan na niyang makalimot at maging
masaya on his own. Magagawa lang niya ito kung bubuksan niyang muli ang puso
niya sa isang taong tatanggap at mamahalin siya.
'Of course, pag di ka pumunta, hindi
ako gagaling.', ang sabi ni Ken.
'Ganon ba yun? Ano bang tingin mo sa
akin? Tablet? Syrup?', ang pagloloko ni Patrick.
'Hindi no! Syempre dapat aalagaan mo
ako.', ang sabi ni Ken.
'Aba! "Dapat" talaga?
Abuso na yan ah.', ang patuloy ni Patrick.
'Edi wag na nga.', ang pagtatampo ni
Ken.
'Joke lang. Siyempre pupuntahan
kita. Ipagluluto pa kita, kung gusto mo.', ang sabi ni Patrick.
Hinawakan niya ang kamay ni Ken at
nilaro ito.
0*0*0*0
Umakyat na ako sa kwarto nang
iniisip ang mga sinabi ni Mama. Kinakabahan ako kasi parang may laman ang mga
sinabi niya kanina. Alam na kaya niya ang namamagitan sa amin ni Gino. Kasi
yung pagkabanggit niya ng 'best friend' kanina e parang diniin niya talaga.
Pati yung comment niya na safe ako pag nandyan si Gino. Kung ano-ano na ang
naiisip ko.
Nanonood lang ako ng TV matapos
kumain nang maisip ko ang mga sinabi ko kay Gino tatlong araw na ang
nakakalipas.
'Magkita na lang tayo pagkalibing ni
Papa.', ang sabi ko sa kanya.
Agad akong tumayo at nagpaalam kay
Mama. Bumalik ako sa kwarto at nagtungo sa CR para maligo. In less than 30
minutes ay nasa sasakyan na ako papunta kina Gino.
…
…
…
'Hi, Tita! Si Gino po?', ang tanong
ko sa mommy niya nang pagbuksan ako nito ng pinto.
'Ayun, nasa kwarto niya. Hindi pa
iyan lumalabas simula kanina. Hindi na nga sumama sa libing ng Papa mo e.
Kamusta ka na ba? Ang mommy mo?', ang malugod na pakikitungo sa akin ng ina.
'Hindi pa po siya kumakain? Okay
naman po kami. Coping up na po. Kayo po? Balita ko po babalik daw po ulit kayo
sa States.', ang sabi ko sa kanya.
'Oo. 2 weeks from now. Maiiwan na
naman mag-isa si Gino dito. Akyat ka na lang sa kwarto niya.', ang sabi nito.
'Sige po. Gusto niyo po akyatan ko
na din siya ng pagkain?', ang tanong ko sa mommy niya.
'Mabuti pa nga. Nako, napakaswerte
ng anak ko at may kaibigan siyang katulad mo. Kung pwede lang na maging babae
ka na lang.', ang sabi ng ina ni Gino.
Natigilan naman ako sa sinabing ito
ng mommy niya.
'Hijo, wala akong ibang ibig sabihin
dun. Natutuwa lang ako sa pag-aalaga mo sa anak ko.', ang sabi niya.
Nangiti naman ako sa sinabi niyang
iyon.
'Ganon din po kasi si Gino sa
akin.', ang nasabi ko lang bago umakyat.
Tahimik akong umaakyat sa hagdan
pero ang ingay ng isip ko.
'Bakit ba parang sabay pang nakakahalata
ang mga ina namin? Hindi kaya nag-uusap ang dalawa at napapansin na rin ang
kakaiba naming ikinikilos? Ang weird lang.', ang mga tanong ko sa aking isip.
Kinatok ko ang pintuan ni Gino.
Isang sigaw ang isinagot niya.
'BAKIT????', ang sigaw niya.
Hindi ako nagsalita. Gusto ko
magulat siya na ako ang makikita niya. Kumatok lang muli ako. Isang malutong na
mura ang narinig ko.
'Do you swear like that sa mommy
mo??', ang pagalit kong sabi nang buksan niya ang pinto.
Natulala naman siya nang makita
niyang ako na nakatayo sa harap niya. Pero mas natulala ako nang makita kong
tanging briefs lang ang suot niya.
'Ry!!', ang tangi niyang nasabi.
'Pwedeng magsuot ka naman ng
disenteng damit?', ang sarkastiko kong sabi sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto
niya at inilapag ang dalang pagkain sa mesa.
'Bakit, di mo ba gusto ang nakikita
mo?', ang tanong niya sa akin.
'Seriously?', ang inis-inisan kong
turan sa kanya.
Agad naman siyang nagsuot ng shorts
at sando. Nang disente na siya sa aking paningin ay agad ko siyang niyakap at
binigyan ng isang masuyong halik sa labi.
'I miss you.', ang sabi ko sa kanya.
0*0*0*0
'Grabe, instant sleepover 'to ah.',
ang sabi ni Doris kay Katie.
'Oo nga e. Badtrip kasing paper
'yan. Biglang bukas na yung deadline. Ang hirap tapusin. Buti pinayagan ako.',
ang sagot ni Katie.
'Oo nga e. Hay. Nakaka-miss na 'yung
iba. Hindi na tayo nakumpleto ulit. Ako, ikaw, sina Ryan, Gino at Patrick.',
ang sabi ni Doris.
'Oo nga e. Ano ba kasing nangyari sa
tatlong 'yun? Mukhang nagka-in love- an yata.', ang sabi ni Katie.
'Sa tingin mo?', ang tanong ni
Doris.
'Ewan. Pero malakas ang kutob ko na
'oo'. Wala naming problema sa akin 'yun e. Nakakatampo lang na hindi nila
sinasabi sa atin. Ano pa't naging kaibigan tayo diba?', ang sabi ni Katie.
Natahimik na lang si Doris at
pinagpatuloy ang kailangang tapusing requirement.
0*0*0*0
'O, kumain ka na. Hindi ka pa daw
lumalabas simula kanina sabi ni Tita.', ang sabi ko sa kanya.
'Pumunta ako sa libing ng Papa mo
kanina. Hindi nga lang ako sumabay kay Mommy. Alam ko naming ayaw mo ako makita
dun.', ang sabi nito bago magsimulang kumain.
Hindi naman ako nakasagot sa
sinabing ito ni Gino.
'O bakit ang tahimik mo?', ang sabi
niya habang ngumunguya.
'Wala. Tapusin mo na muna 'yang
pagkain mo.', ang sabi ko sa kanya.
Humiga muna ako sa kama at pumikit.
Hinayaan ko muna siyang makatapos sa pagkain. Nagmadali yata si Gino at ang
bilis niyang nakatapos.
'Done!', ang sigaw nito.
Bumangon naman ako. Siya naman ay
umupo sa tabi ko.
'Done? Ano ba yan, may catsup ka pa
sa may baba.', ang sabi ko sa kanya.
Ako na ang nagtanggal ng catsup sa
kanyang baba gamit ang aking panyo. Magkalapit na ang mga mukha namin at
malalim ang titig sa akin ni Gino. Tiningnan ko rin siya at hindi ko na namalayan
na nagsasalo na pala kami sa isang matamis na halik. Na-miss ko siya sa tatlong
araw naming hindi pagkikita pero may mga bagay kaming dapat pag-usapan.
'Gino.', ang pagpigil ko sa kanya.
'Sorry. Na-miss lang kita.', ang
sabi niya.
'I know. Ako rin naman. Pero may mga
dapat pa tayong pag-usapan.', ang sabi ko sa kanya.
'Right.', ang sabi nito sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya nang
mahigpit. Humilig ako sa kanyang balikat.
'Ang sama-sama ko bang anak? Hindi
ko man lang nasabi kay Papa na pinapatawad ko na siya bago siya mawala.', ang
sabi ko sa kanya.
'Hindi. Naparamdam mo naman sa kanya
na ama mo pa din siya. Hindi man iyon ganon katagal o hindi man niya iyon
nakita habang nabubuhay pa siya, sigurado akong alam niya na napatawad mo na
siya. Nakita kita kanina kung gaano ka nasasaktan makita ang Papa mo na
nililibing', ang sabi ni Gino.
'Sobrang sakit. Nagagalit ako sa
sarili ko kung bakit ko hinayaan ang galit ko na kumontrol sa akin. Ngayon,
wala na si Papa.', ang pag-iyak ko sa kanya.
'Shhhh.', ang pagpapatahan niya sa
akin.
Ilang minuto rin akong umiiyak sa
kanya. Inuubos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Papa
para maka-move on na ako. Matapos kong maiiyak kay Gino ang lahat, medyo gumaan
na ang pakiramdam ko pero may mga tanong pa ring bumabagabag sa isip ko.
'G.', ang pagtawag ko sa kanya
habang nilalaro ko ang kamay niya.
'Yes?', ang pagsagot niya.
'Bakit kayo magkasama ni Ken bago
siya maaksidente?', ang tanong ko sa kanya.
'Niyaya ko kasi siyang uminom. Iyon
'yung gabi na nag-away tayo. Bad day 'yun sa aming dalawa. Kasi 'yun din 'yung
araw na sinabihan siya ni Patrick na huwag na muna sila magkita.', ang sabi ni
Gino.
'Sila ba?', ang tanong ko.
'No. Not yet, I guess.', ang mabilis
niyang sagot.
'Nung gabing iyon, nasapak ko si
Ken. Nagulat kasi ako at alam niya ang lahat ng nangyayari sa atin. Including
yung kay Pat. Akala ko may gusto siya sa'yo.', ang kwento ni Gino.
'Kaya mo siya sinapak?', ang tanong
ko.
Tumango naman si Gino bilang sagot
sa tanong ko.
'Wow. Okay. E paano siya
nasagasaan?', ang tanong ko.
'After ko siyang masaktan, naglakad
ako palayo. Lasing ako nun. Nahihilo ako pero sobrang kumukulo ang dugo ko.
Hinabol ako ni Ken. Inungusan niya ako. Hindi naman naming napansin na nasa
gitna pala siya ng daan. Hindi ko naman siya nagawang iligtas kasi na-shock ako
sa sinabi niya.', ang patuloy na kwento ni Gino.
'Bakit? Ano bang sabi niya?', ang
tanong ko.
'Gusto daw niya si Pat. Matagal na.
Simula nung umpisa pa lang na maging close kami.', ang sabi ni Gino.
'Ah. Kamusta na siya ngayon?', ang
tanong ko.
'Okay naman na. Hindi ko lang alam
kung kelan siya lalabas ng hospital.', ang sagot ni Gino.
'Alam mo bang nakita ko kayo ni
Patrick nun sa hospital? Nakita ko kayo nung umiiyak si Patrick.', ang sabi ko.
'E bakit hindi mo ako nilapitan?
Nakita nga kami ni Tita nun e. Kaya kita nasundan.', ang sabi ni Gino.
'Ayoko lang. Sobrang bigat na ng
nararamdaman ko nun.', ang sabi ko.
'Hindi ka nagselos?', ang tanong
niya sa akin.
'Hindi. Kampante naman ako na ako
ang mahal mo. Pero, honestly kahit ganon, hindi ko kayang makita kayo ni
Patrick na magkasama.', ang sabi ko.
'Parang ang gulo nun ah.', ang puna
ni Gino.
'Basta. Alam ko na mahal mo ako at
hindi mo ako kayang saktan. But as much as possible, ayokong makikita ka
malapit kay Patrick. It brings back memories. Bad memories.', ang sabi ko.
'Okay. Sabi mo sir e.', ang pagloko
niya sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ganon
din siya sa akin.
'Akin ka lang ha?', ang bulong niya
sa akin.
'Okay.', ang bulong ko rin sa
kanyang tenga.
0*0*0*0
Kinabukasan
ay maagang na-discharge si Ken sa hospital. Hindi na nagtungo doon si Patrick.
Busy ito sa pagluluto ng ilang putahe para sa pagbabalik ni Ken sa kanilang
bahay. Sa loob ng mga araw na nasa ospital si Ken ay nakapalagayan na niya ng
loob ang pamilya nito. Alam nila ang orientation ni Ken kaya naman ay malugod
nilang tinanggap si Patrick.
'Welcome
home.', ang sabi ni Patrick dala ang isang chocolate cake.
Halos
abot-tenga ang ngiti ni Ken nang makita si Patrick sa kanilang bahay. Lalo na
nang malaman nitong siya ang nagluto ng lahat ng nakahanda.
'Wow!
Ang sarap nitong spaghetti. Grabe, mapapasabak yata agad ako sa kain ah.', ang
sabi ni Ken.
Ngiti
lang ang tanging isinagot ni Patrick sa kanya.
Matapos
makakain ay inihatid ni Patrick si Ken sa kwarto habang ang mga magulang niya
ay bumalik na sa trabaho.
'O,
kayo na muna ang bahala dito ha. Ang mga gamot mo, wag kalimutan. Patrick,
paki-alagaan muna si Ken ha? Wala munang apo, okay?', ang sabi ng Mommy ni Ken.
'Mom!!!',
ang sigaw ni Ken na halatang na-embarrass.
'Sige
na. Bye!', ang paalam ng ina.
Nag-stay
lang kami sa kwarto ni Ken at napagdesisyunang manood na lang ng movie sa DVD.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang magsalita si Patrick.
'Ken.',
ang pagtawag niya.
'Yep?',
ang pagsagot ni Ken.
'Bakit
ka nga pala nasa gitna ng kalsada nung naaksidente ka? Hindi kasi sinabi sa
akin ni Gino.', ang tanong ni Patrick.
'Kasi
kailangang malinawan si Gino. Akala niya kasi may gusto ako kay Ryan. Alam mo
ba?', ang sabi ni Ken.
'Ano
yun?', ang tanong ni Patrick.
'Na
that was the first time I professed my love to you?', ang pagtatapos ni Ken sa
sentence niya.
Speechless
si Pat sa sinabi na ito ni Ken.
'Sayang
nga lang. Hindi ikaw 'yung kaharap ko.', ang dagdag ni Ken.
Hindi
pa rin makapagsalita si Patrick. Parang sa sobrang daming pumapasok sa utak
niya ay wala na siyang maisip ng matino.
'Anything
to say? Violent reactions?', ang nakangiting tanong ni Ken.
'Well.
Pwede mo naming ulitin diba? But this time, wala nang masasagasaan. At ako na
ang nasa harap mo.', ang sabi ni Patrick.
Subscribe to:
Posts (Atom)