Showing posts with label Dream On. Show all posts
Showing posts with label Dream On. Show all posts

Wednesday, December 26, 2012

Dream On (Finale)

by: Justyn Shawn

Hindi nag sink-in ang mga sinabi ni Renz sa akin. Gulong-gulo ako. "Ano yun? Testing? Kailangan akong i-test? Kailangan suriin kung totoo ang nararamdaman ko?"tanong ko sa aking sarili.

"Alam kong unfair sa iyo ang ginawa at naisip ni Kuya. Maging sa akin unfair din iyon. Nahihirapan din ako kung alam mo lang. Nahihirapan at natatakot din ako dahil hindi ka mahirap mahalin at baka mahulog ako sayo ng lubusan. Minsan nga nabibigla din ako sa sarili ko dahil kusang lumalabas ang pag-aaalala ko sayo nang walang pagpapanggap; nang hindi pinipilit ang sarili."dagdag pa nito.

"Ano ba tingin ninyo sakin? Isang hayop na dapat pag eksperementuhan?! Hindi ba ninyo naisip na may damdamin din akong dapat hindi pinaglalaruan? Hindi lang kayo unfair! Napaka selfish nyo din! Bat di ka na lang nag-artista no? Sigurado ako hakot award ka sa galing mong umarte."galit kong tugon dito. Hindi ko maisip na lahat ng ipinakita niya sa aking paglalambing at pag-aaruga at pagmamahal ay isa lamang kasinungalingan. Isa lamang sa mga plano nila. Nakakapanlumo. Tumigil ako sa pag-iyak at sinuri ang sarili. Ayaw kong gumawa ng isang hakbang at magsalita dahil gusto kong timbangin ang lahat ng aking sasabihin.

Dream On (10)

by: Justyn Shawn

"Ramiiiiil!!!..."isang pasigaw na tawag sa akin ni Aling Lita na nagpalingon sa kinalalagyan niya at tumawag ng pansin sa mga tao na naroon matapos naming bumaba sa sasakyan ni Renz. Lumapit siya sa amin at nangumusta.

"Ramil, ikaw ba talaga yan? Ang laki ng pinagbago mo ah." sambit niya sa akin na nagniningning ang kanyang mga mata. Ewan ko ba pero sa kanyang mga tingin may napansin akong kakaiba. Parang nakakita ng isang artista dahil hindi siya magkamayaw at aligaga ang kanyang kilos. Tiningnan niya ako na para bang sinusuri kung totoo nga bang ako ang kanyang nakikita.  Simple lang naman ang aking suot ng araw na iyon ngunit masasabi mong malaking pagbabago iyon kumpara sa dati kong mga damit. Simple ngunit magara. Masasabing, pormang pangmayaman ika nga.

"Oh Aling Lita, kayo po pala? Opo, ako nga po ito. Kumusta po kayo?"

Dream On (09)

by: Justyn Shawn

Hinigit niya ang aking mga kamay.

“Saan ba tayo pupunta?”tanong ko dito.

“Basta, sumama ka na lang. I’m sure mag e-enjoy ka sa pupuntahan natin.”

Nagpatangay na lang ako kung saan man niya gustong pumunta. Gusto ko rin mag-enjoy sa araw na ito. Na sana ay matagal ko nang ginawa mula noong pumunta ako dito.Pero hindi ako pinahintulutan ng panahong maging masaya. Siguro nga choice ko lang din yun na maging ganun.

Sumakay kami sa kanyang kotse at kapag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta ay “Basta” lang ang kanyang sinasagot.

Mahaba na rin ang naging byahe naman ngunit ganun pa rin ang kanyang sagot kapag tinatanong ko siya kung saan nga kami pupunta; basta. Nagpakasaya na lang ako sa pagtingin ng mga tanawin nakikita ko habang kami ay patungo sa lugar na hindi ko alam. Wla akong clue kung anong lugar papunta iyon dahil liblib ito at wala man lang kabahayan kaming nadaraanan. Tanging mga puno o kaya naman ay bundok lang ang aking nakikita.

Dream On (08)

by: Justyn Shawn

Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahakot sa mga gamit ko. Hindi maiwasang magsalubong ang landas namin nina Levie at Rolly pero hindi ko na lang sila pinapansin. Siguro dahil na rin iyon sa hiya at sa nararamdaman ko para kay Rolly at sa ipinapakitang atensyon para sa akin ni Levie.

Natapos na kami sa paghahakot ng mga gamit. Nagpresenta naman si Levie na tulungan ako sa pag-aayos at pagliligpit ng mga gamit sa bago kong kwarto. Habang nagliligpit kami at madami siyang itinanong sa akin na sinasagutan ko lang ng isang maikling sagot kung hindi naman ay tango lang ang itinutugon ko dito.

Natigil lamang siya sa kanyang pag-iinterrogate sa akin noong tawagin kami ni Renz upang maghapunan. Tinigil na naming ang aming ginagawa at bumaba na upang makakain. Konti na lang din naman ang lilinisin kaya kaya ko na iyon mamaya.

Dream On (07)

by: Justyn Shawn

Mula sa may pintuan ay iniluwa nito si Rolly. Hindi ko akalain na siya pala ang kapatid ni Renz. Kung sa ugali at sa ugali lang din naman ang batayan ay di hamak na mas mabait si Renz kay Rolly. Hindi pa man kami nagsama ni Renz ng matagal at ni hindi ko pa rin siya lubos na kilala ay masasabi kong mas lamang siya kay Rolly. Maalaga, Maaalalahanin, masipag, at mapagmahal. Iyon naman ang kabaliktaran na nakita ko kay Rolly. Pero sino ba ako para manghusga ng isang tao ganoong hindi ko naman sila talaga kilala ng husto.

Gayon pa man, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko kay Rolly sa simula’t simula pa lamang noong kami ay nagkita.

Transferee siya noon sa aming eskwelahan at nagkabanggaan kami sa pagpila sa para makapag enroll. Siya ang nakabangga sa akin dahil na rin siguro sa kanyang pagmamadali. Humingi naman siya ng pasensya sa kanyang nagawa ngunit pagkatapos noon ay tinungo na niya ang pila. Kita mo sa kanya na hindi talaga siya sanay sa mga ganong pilahan. Ayaw ko din namang tulungan siya kahit na gustong gusto ko. Suplado kasi ang dating niya sa akin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Ngunit lihim ko naman siyang pinagmamasdan habang ako din ay nakapila.

Dream On (06)

by: Justyn Shawn

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Hindi ako makagalaw o makaimik. Para saan naman kaya iyong halik na iyon sa aking pisngi? Hindi ko inaasahan ang ganong kaganapan. Ang weird. Kahapon, tinulungan nila ako sa pagkakabugbog sa mga adik na yun. Tapos ngayon gumising ako ng gulong gulo ang isip sa mga nangyayari, sa mga pinagsasabi sa akin ni Renz. Tapos hindi man lang ako sinagot ng deretso para man lang sana ay malinawan ako sa mga nangyayari. At magpasalamat sa lahat ng itinulong nila sa akin. Ngayon, hinalikan ako. Iyon ba ang kapalit ng mga ginawa nilang pagtulong sa akin? O dala lang ng bugso ng kanyang damdamin? Di ko alam. Pero ang alam ko, may namumuo ring kung ano dito sa puso ko. Alam kong mabuting tao siya kahit ngayon pa lang kami nagkita.Ako ngayon ko pa lang siya nakita pero sya, ang dami na niyang alam sa akin. Alam ko ring hindi siya mahirap mahalin. Pero baka naman nag-aasume lang ako na mahal nya nga rin ako? Baka panaghinip lang talaga ang nangyari kanina. Pero hindi eh, totoo ang lahat nang iyon. Dama ko. Damang dama ko.

Dream On (05)

by: Justyn Shawn

“Renz.” Sabay lahad nito ng kanang kamay at ang kaliwa nama’y kamot ang kanyang ulo.

Inabot ko ang kanyang kamay at nagpasalamat dito.

“Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano na ginawa sa akin nung mga gagong iyon. Diba dalawa kayong nagligtas sa akin? Asan na yung isa?”sabi ko dito at inumpisahan nang lantakan ang pagkaing dala niya. Halos mabulunan naman ako sa sabay-sabay na pagsubo ko dito.

“Ahh. Si kuya? May aasikasuhin daw sila ni Madam na importanteng papeles kaya maagang silang umalis kanina.”saad niya sa akin na animo’y natatawa sa aking hitsura habang tinitingnan ako.

“Ako nagluto niyan para sayo. Masarap ba? hehe”dagdag pa niya.

Dream On (04)

by: Justyn Shawn

Nagising na lang ako na dinidilaan na ng isang aso. Panaghinip lang pala ang lahat nang iyon. Pero masarap sa pakiramdam. Kahit sa panaghinip lang naramdaman ko pa rin ang pagmamahal. Pero bakit sa dinami dami ng taong pwede kong mapanaghinipan ng ganon, bakit si Rolly pa?

Kinapa ko ang aking dibdib at naghanap ng kasagutan dito. “Haist! Sana nga!”sabi ko sa aking sarili. Ngumiti ako’t nagsimula ng umuwi.

Pagdating ko ng bahay ay sermon na naman ang inabot ko. Saan daw ako natulog. Keso daw natututo na akong gumala at sumuway sa kanilang mga utos. Mga ganoong paratang na wala namang katotohanan. At gaya ng nakagawian ko na, labas masok lang sa aking tenga ang kanyang mga sinasabi. Ayaw kong masira ang ganda ng araw ko ngayon.

Dream On (03)

by: Justyn Shawn

Nag aalangan ako kaninang lapitan ang matanda dahil may napansin akong isang lalaki na kanina pa siya pinagmamasdan sa di kalayuan. “Ahh, baka isa lang siyang mabait na taong nag-aaalala sa kalagayan” sabi ng isip ko. “Baka naman isang adik na may gustong gawing masama sa matanda.” saad naman ng kabilang isip ko. Di ko maaninag ang kanyang itsura ngunit sa tingin ko ay parang binabantayan niya ang matanda. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung bakit naman nya binabantayan ito? Para kanino? Para saan?  O kung binabantayan nga ba ito o may masamang binabalak. Pero bakit sa pulubing matanda pa siya magbabalak ng masama ganung wala naman itong makukuha sa kanya.

Tiningnan ko agad kung saan ko kanina nakita ang lalaki ngunit bigong mahagilap ng aking mga mata ang lalaki na kanina ay nasa di kalayuan lamang, nagmamatyag at nagbabantay.

Dream On (02)

by: Justyn Shawn

Dobleng kaba ang naramdaman ko noong sabihin sa akin ni Rolly na kailangan niya akong makausap. Nang mag-isa, malayo at hindi matao, nang kaming dalawa lang.

Hinanda ko na lang ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari mamaya pagkatapos ng aming klase. Balisa ako’t nangangatog ang tuhod. Halos mahimatay ako sa tindi ng kaba kung ano ang pag-uusapan namin. Namumutla at nanginginig sa takot. Takot dahil alam kong wala itong pinapalampas kahit na sa simpleng sagi lang sa kanya. Lagi kasi itong mainitin ang ulo kaya naman sa ibang bagay niya ito binabaling. Ang panggugulpi o di kaya naman ay tumakas sa klase upang mag-inom kasama ang mga basagulero nitong barkada.

Alam ko sa sarili ko na iba siya sa kanyang mga barkada. Ewan ko ba kung ako lang nakakapansin o kung bakit sa kabila ng kanyang pilyo at bruskong ugali ay humahanga pa rin ako dito.

Dream On (01)

by: Justyn Shawn

“Ramil!!!!!...”tawag sa akin ng aking tiyahin na kala mo ay nasusunog na ang bahay. Na halos umabot na ang boses sa kabilang kalye kung makasigaw.

“Bumangon ka na dyan. Tanghali na nakahilata ka pa rin. Mag-igib ka na ng tubig at wala na namang laman ang drum. Pagkatapos mo mag-igib, mag luto ka na at ng may malamon naman tayo at maglinis ka na rin ng bahay. Tingnan mo oh para ng basurahan itong bahay natin. Nakakahiya kapag may bisitang dumating. Hindi lang yung puro ka lang tunganga. Walang silbi. Bilis. Bangon na.” mahabang litanya sa akin ng aking tiyahin.

Nakasanayan ko na rin ito. Halos-araw araw kasing ang mala-armalite na bunganga ng aking tiyahin ang nagsilbi kong alarm clock sa aking paggising. Pasok sa kabilang tenga at labas naman sa kabila ang lahat ng kanyang sinasabi dahil alam ko sa sarili ko na wala ring patutunguhan kung didibdibin ko ang kanyang mga sinasabi at sasagot pa dito. Ako lang ang lugi. Kaya ang seste eh sunod na lang at nang hindi mapagalitan.