Showing posts with label Halik ng Pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label Halik ng Pag-ibig. Show all posts

Tuesday, January 15, 2013

Halik ng Pag-ibig 21-Finale

By: Daredevil



[21]
by: Daredevil

"Hello honey" ang agad na salubong ng bisita.

"Cathy, ano ginagawa mo dito?" si Jake na umupo  rin sa sofa.

"Nandito ako para sabihin ang isang magandang balita" si Cathy na sobrang excited. Bigla naman ako kinabahan sa sasabihin ng babaeng ito.Napatingin naman ako kina Tito at Tita. Nakangiti lang sila pero kita sa mata nila ang pag-aalala.

Halik ng Pag-ibig 16-20

By: Daredevil



[16]
by: Daredevil

Kinabukasan, nagising pa rin akong mabigat ang pakiramdam. Parang ayaw kong kumilos o pumasok sa school, gusto ko lang na nakahiga. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil malapit na rin ang midterm exams. Pagbaba ko, nakita kong kumakain silang lahat ng agahan. Niyaya nila ako. Lalong bumigat ang kalungkutan ko nang malamang hindi na talag umuwi si Jake. Halos hindi ako nakakain nang maayos.

Halik ng Pag-ibig 11-15

By: Daredevil



[11]
by: Daredevil

Dumating na ang araw ng pasukan para sa kolehiyo. Dalawang buwan na ang nakalilipas nang iwanan ako ng aking pinakamamahal na bestfriend para ituloy ang pag-aaral sa Amerika. Pero hindi ko naman nararamdaman gaano ang pagkamiss ko sa kanya dahil halos twice a week kami kung mag-usap sa pamamagitan ng internet. Ginagamit ko ang laptop ni Jake sa kanyang kwarto.

Halik ng Pag-ibig 06-10

By: Daredevil


 [06]
Natuwa ako dahil sa kauna-unahang pagkakatapos napasok ko na ang kwarto ng crush ko. Nakakamangha ang itsura, lalaking-lalaki kaya di masasabi mo talagang straight ang may-ari. Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya dati na ayaw niya sa mga gays.

Pinaupo niya ako sa silya sa may study table niya. Siya naman kumuha ng mga librong gagamitin namin sa kanyang shelf at umupo rin sa study table niya katapos ko. May kaba akong nararamdaman and at the same time kilig dahil kasama ko sa kwarto ang aking pantasya.Sinimulan na niya ang tutorial.

Thursday, January 3, 2013

Halik ng Pag-ibig (01-05)

by: Daredevil

Kriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa aking higaan, naghilamos, at inayos ang kama. 

Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako.Ako rin ay isa sa tinatawag nilang paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero sa loob ay may pagnanasa sa kapwa.