Showing posts with label Bittersweet. Show all posts
Showing posts with label Bittersweet. Show all posts

Tuesday, December 25, 2012

Bittersweet (Finale)

by: Zildjian

“Kami ang mga guardian ni Andy, at kaya kami nandito ay dahil sa utos ng ate niya. Wala kayong karapatang pagbawalan kaming kunin siya.” Matatag namang sagot ni Rome.

“Ayaw sumama sa inyo ni Andy. Hindi niyo p’wede siyang pilitin.” Kung hindi siya nagkakamali ay ang pangalan ng kalmadong nagsalita ay si Marx.

“ Kung magpupumilit kayong kunin siya, kahit mas matanda kayo sa amin ay hindi namin kayo aatrasan.” Ang may angas namang wika ng isa na una na niyang nakilala, si Zandro.

Bittersweet (21)

by: Zildjian

Kaharap ngayon ni Nhad ang taong minsan na rin niyang hindi pinahalagahan. Iyon ay dahil pinairal niya ang kakitiran ng kanyang isipan. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat at natanggap na niya ang kanyang mga pagkakamali ay siya namang paglabo ng pag-asang muli niyang makuha ang taong sa kabila ng kanyang pagpipigil na magmahal ulit ng todo ay nakuha siyang pa-ibigin nang hindi niya namamalayan.

Bittersweet (20)

by: Zildjian

Inilibot ni Nhad ang kanyang tingin sa kabuohan ng bar na kanya ngayong pinasukan ngunit hindi ang inaasahan niyang magulo, maraming tao, at halos puno ng usok na bar ang kanyang kinaruroonan. Ibang-iba ito sa mga bar na kanya ng dating napasukan. May karamihan rin ang costumers na naroon ngunit taliwas sa kanyang nakasanayan  sa isang bar, ang mga naroon ay hindi nagkakagulo, hindi rin ang mga ito maingay bagkus, tahimik ang mga itong nakaupo sa mga mesang inuukupahan at matamang nakikinig sa performance ng isang acoustic band. Agad siyang nakadama ng kakaibang lungkot.

Bittersweet (19)

by: Zildjian

“Jasper! Palabasin mo si Andy!” Miles said with a panicked voice. Halos sirain na nito ang pintuan sa lakas ng paghampas nito.

“Hindi namin kayo kailangan dito. Umalis na kayo!” Ang balik namang sigaw ni Jasper dito.

Doon lamang siya tila natauhan at biglang nataranta. Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kanya subalit nang maramdaman nito ang gagawin niya ay lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Bittersweet (18)

by: Zildjian

May pagtataka pa rin siya kung papaanong napaka-natural ng pagtawag ni Ken kanina sa kanyang pangalan. Wala siyang maalalang pormal sila nitong nakapagkilala. Ang tanging alam lang nito ay isa siyang barista. Hindi nga ba’t iyon ang naging reaksyon nito nang muli silang magkita sa hospital?

Hindi naman gaanong marami ang bisita sa loob ng bahay na iyon. Sa tingin niya, mga ka-opisina at kaibigan lamang iyon nina Ken at Martin. Pero ang talagang kumuha ng kanyang pansin ay ang grupo ng babaeng maingay at halatang pinagnanasaan ang kanyang kasintahan na siyang kasama nila sa mesa. Kahit nakakaramdam siya ng kaunting kaba sa presensiya ng mga taong hindi niya masyadong kilala, sinikap pa rin ni Andy na maibalik ang mga magagandang ngiting binibigay ng mga ito sa kanya.

Bittersweet (17)

by: Zildjian

“Gusto mo bang tulungan ka naming magpaliwanag sa kanya?” Wika ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Miles.

Dumating ang mga ito sa kanyang pinagtatrabahuan ilang minuto pa lang ang nakalilipas. Ikinuwento niya sa mga ito ang hindi magandang nangyari sa pagitan nila ni Nhad at nag-alok naman ito ng tulong sa kanya. Subalit alam niyang walang maitutulong ang mga ito sa gulo nila ni Nhad ngayon.

Bittersweet (16)

by: Zildjian

Nakahinga ng maluwag si Andy nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigang si Miles. Kanina pa niya hinihintay ang text nito. Halos hindi siya mapakali sa trabaho sa pag-alala kay Jasper na mahimbing pa ring natutulog nang umalis siya kanina para paunlakan ang imbitasyon ni Nhad.

Narito na kami sa bahay nila kasama ang iba pang kolokoys. Somehow, nagawa naming maipaliwanag kahit papaano kung bakit wala ka na no’ng magising siya. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito ka kalmado. Kilala mo naman si Jasper, parang tigre ‘to na naghahanap lang ng pagkakataong umatake.

Bittersweet (15)

by: Zildjian

Naalimpungatan si Andy nang may marinig siyang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang tinutuluyan. Napatingin siya sa kanyang relong panggising, pasado alas-dose na ng tanghali. Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

“Hindi niya ako natiis.”Naisambit niya saka dali-daling tinungo ang lababo para maghilamos. Ayaw niya namang humarap sa taong halos laman na ng kanyang isip at panaginip ng ganoon lang,the person who showed too much affection for him.

Bittersweet (14)

by: Zildjian

Hindi pa rin makapaniwala si Andy sa bilis ng mga pangyayari sa kanila ni Nhad. Noon, kontento na siya kapag nakikita niya itong nakangiti at pinupuri siya sa kanyang angking galing, tapos heto’t kasintahan na niya ang lalaking minsan niyang hinangaan. Aaminin niya, nang tanggapin niya ang pakikipagrelasyon dito ay may pag-aalangan pa siya sa kanyang puso. Siguro, ay dahil sa takot niyang masaktan ulit. Pero sadyang malakas ang pagkagusto niyang subukang sumaya sa piling nito . Gusto niyang maramdaman kong papaano mahalin at alagaan sa paraan na gusto niya.

Bittersweet (13)

by: Zildjian

Napakislot siya ng dumapi ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga. Animoy para siyang kinuryente ng ilang boltahe.Gano’n katindi ang naging epekto ng mainit na hininga nito sa kanya.

“Totoo ‘yon. Noon pa man ay gustong-gusto ko na kapag kumikislap ang mga mata mo sa tuwing pupurihin kita. Kaya nga palagi na akong pumupunta sa bar na pinagta-trabahuan mo, eh.” Pagpapatuloy nito na nilakipan pa ng nang-aakit na ngiti.

Bittersweet (12)

by: Zildjian

“Was it just me?” Ang pabulong na tanong sa kanya ni Nhad habang magkasabay silang kumukuha ng pagkain sa mahabang buffet table.

“Huh? Bakit?” Takang tanong naman niya rito.

“Normal na lang ba talaga sa mga kaibigan ng ate mo ang mga katulad nila?” Ani nito sa mahina pa ring tinig sabay pasimpleng sinipat ang mesa kung nasaan nakaupo ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.

Bittersweet (11)

by: Zildjian
“So what’s your plan? Pupunta ka ba o hindi? Huwag mong sabihin na bibiguin mo ang Ate mo? Kilala mo ‘yon, mas sira ang ulo niyon kesa sa atin.”

“Sinabi mo pa! Pero `yon ang mga tipo kong babae.  Bukod sa pagiging astig ay napakaganda pa. Sayang lang at hindi niya nahintay na maka-graduate tayo. Liligawan ko sana siya.”

“Huwag ka nang mangarap Zandro at ‘di ka papatulan niyon.” Buska niya sa kaibigan.

Bittersweet (10)

by: Zildjian

Dahil araw naman Linggo – ang natatanging araw na wala siyang pasok ay minabuti ni Andy ang mag-general cleaning. Minsan lang niya itong magawa kapag tinatamaan siya ng sipag. Kaya imbes na gawin niyang pahinga ang araw na iyon ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban na muna.

Inuna niya ang mga nakatambak niyang labahan sa kanyang kwarto.  Napailing siya nang mapagtanto kung gaano karami iyon. Noong unang Linggo ay hindi siya nakapaglaba dala ng ulan at ngayon heto’t tambak na ang kanyang maruruming damit, pantalon at boxers.

Bittersweet (09)

by: Zildjian

Hindi mawari ni Andy ang nararamdaman. Para siyang naiihi na ewan habang nasa banyo at naliligo sa katotohanang nasa sala lamang niya ang taong hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang epekto sa kanya.

Damn those smiles! Naibulalas niya sa kanyang isipan. Paulit-ulit kasi ang imahe nito na nakangiti at hindi niya maiwasang lalong magrigudon ang kanyang puso.

Bittersweet (08)

by: Zildjian

Napataas ang kilay niya rito. Aba, pagkatapos nitong sungit-sungitan siya kanina sa harap ng mga taong hindi niya gaanong kilala ay bigla siya nitong babalingan ngayon para manghingi ng pagkain? Sinusuwerte naman yata ang taong ‘to.

“Nagugutom ako. Hindi mo ba ako narinig?” Kunot-nuong muling wika nito nang hindi siya gumalaw.

“Eh di kumain ka kung nagugutom ka.” Balik naman niyang sagot dito sabay hugot ng kanyang cellphone at nagkunyaring may itetext.

Bittersweet (07)

by: Zildjian

Sa bar kung saan kasakuluyang naroon siya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang mga nangyari kani-kanina lang sa hospital. Ang hindi inaasahang pagbisita ng mga kaibigan ng lalaking sa kabila ng pagsusungit na ipinapakita nito ay hindi pa rin niya maikakailang may kakaiba itong epekto sa kanya na hindi niya matukoy at mabigyan ng pangalan.

Kanina, nang makaalis ang mga bisita nito ay hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi niya alam kung ano ang mga nasa isip nito, kung pinag-iisipan ba nito ang lahat ng mga sinabi ng mga taong kita niya ang matinding pagmamalasakit dito.

Bittersweet (06)

by: Zildjian

Pagkapasok na pagkapasok ni Andy sa kanyang tinutuluyan ay agad siyang sumampa sa sofa at doon ay pasandal na naupo. Binalikan niya ang mga nangyari kani-kanina lang at doon gumuhit sa kanya ang isang ngiti. Hindi niya sukat akalain na makakayanan niyang makipagsabayan ng salita sa taong unang nagparamdam sa kanya ng hiya.

Hindi siya ang tipo ng tao na mahiyain. Tulad ng kanyang Ate at mga kaibigan ay praning din siya, subalit sa lalaking kumuha ng atensiyon niya ay hindi niya maiwasang tablan ng hiya. At iyon ay talagang nagpapagulo sa kanya noon. Ni minsan ay hindi pa siya naubusan ng sasabihin, subalit ngiti pa lamang ng lalaking iyon, bigla siyang tumitiklop at nabubusalan. Ngunit kanina, nagawa niyang makipagbatuhan ng salita rito.

Bittersweet (05)

by: Zildjian

“Kaano-ano ba kayo ni Mr. Say?” Wika ng doctor sa kanila nang lumabas ito mula sa ER ng hostpital.

“Mr. Say?” Takang-tanong naman ng isa sa kanyang mga kaibigan na agad niya kaninang tinawagan nang mangyari nga ang hindi inaasahang aksidente kani-kanina lang.

“Iyong pasyente na dinala niyo. He’s one of our nurses here in this hospital.” Tugon naman ng doctor.

Bittersweet (04)

by: Zildjian

Ilang araw ang nakalipas matapos ang huling pag-uusap nila Andy at Jasper. Inubos niya talaga lahat ng p’wede niyang mailabas sa gabing iyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Lahat ng hinanakit at lahat ng pagkabigo na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang puso.

Araw ng Sabado. Magulo, puno na naman ng tao ang loob ng pinagta-trabahuan niyang bar. Mga taong tulad niya ay gustong makalimot sa mga problemang pinagdadaanan; sa trabaho, pamilya, pag-ibig at kung anu-ano pa.

Bittersweet (03)

by: Zildjian

Kinagabihan ay pumasok si Andy sa trabaho. Hindi na siya nakatulog dahil sa biglaang pagbisita ng makukulit niyang mga kaibigan.

Hanggang sa trabaho ay hindi pa rin niya maiwasang hindi maisip ang mga nangyaring usapan kanina sa kanyang apartment.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalamang ikakasal na ang taong ilang gabi pa lang ang nakakaraan ay nakatalik pa niya.