By:
Dalisay
Blog:
theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail:
angelpaulhilary28@yahoo.com
Chapter 11 (Happily Ever After)
Tinatangay
ng malakas na hangin ang buhok ni Earl habang nakatayo siya sa itaas na bahagi
ng bleachers sa football field ng San Bartolome. Isa iyon sa mga lugar na
pinagdadalhan sa kanya ni Ronnie sa durasyon ng pagbabantay nito sa kanya mula
kay Russ. Ang sarap sana sa pakiramdam ang ganoong aktwasyon pero hindi niya
makuhang maging masaya ng lubos dahil ang alam niya ay nagpapanggap pa rin sila
at umaakto lang ito ng ganoon dahil ayaw nitong masaling ang gabundok nitong
ego.


