Showing posts with label Blinded by the Spotlight. Show all posts
Showing posts with label Blinded by the Spotlight. Show all posts

Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (18)

by: Eusethadeus

“Daddy?” Pagtawag pansin ko sa aking daddy habang ito'y naninigarilyo sa parking lot ng naturang restaurant.

“Lenard.” Bati rin naman nito sa akin.

“Tanong lang po, bakit po kayo pumayag na dito matulog sila Missy?” Direct to the point kong tanong dito.

“Anak” Panimula nito at humithit muna sa kanyang sigarilyo bago muling nagsalita. “Hindi mo naman pwedeng takasan ang problema ninyong magkakaibigan, ang tatagal na ninyo nila Missy at Echo na magkakaibigan, ngayong nag-college lamang kayo nagkasira.” Paliwanag naman nito sa akin at muling humithit ng kanyang sigarilyo.

Blinded by the Spotlight (17)

by: Eusethadeus

“Kamusta ka naman, Missy?” Kaswal kong tanong kay Missy habang nilalantakan namin ang pagkaing aming in-order.

“Okay naman ako. Actually, I'm superb, ngayong nagsisimula nang mag-boom ang career ko as drumer, at ang unti-unti kong pagbuo ng dream band eh natutupad na rin.” Masayang pagbabalita nito sa amin. “Eh kayo? Okay pa ba kayo?” Dugtong naman nito.

Blinded by the Spotlight (16)

by: Eusethadeus

“Hi, Babe. Happy Monthsary!” Usal ng isang babae habang pilit ko pang inaarok kung sino ba ang nagsasalita.

“Happy Monthsary din, Babe.” Sambit naman ng isang pamilyar na boses ng lalake.

Namulatan ko nalang ang sarili kong nasa isang kilalang restaurant dito sa BiƱan na matamang pinapakinggan ang usapan ni R-Kei at ni Missy. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata, kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagregudon ng aking puso na animo’y tinutuhog ng kung anu-anong panusok.

Blinded by the Spotlight (15)

by: Eusethadeus

"Love is about how you handle things on your relationship. It is how you balance things just to make what you have work and not making it worst..."

Maraming salamat sa mga patuloy pa ring sumusuporta ng storyang ito kahit na medyo matagal (MATAGAL TALAGA, WAG KA NANG MAGEXPLAIN PA!) ang updates ko. Pero sana magustuhan nyo pa rin 'tong update na 'to... Medyo hindi pinag-isipan kasi. hehehe...

Blinded by the Spotlight (14)

by: Eusethadeus

LENARD

“May problema ba?” Untag sa akin ng aking ate habang mataman akong nakatinging sa kisame ng aking kwarto.

Kanina pa ako nakapagtext kay R-Kei na ako'y matutulog na ngunit parang may kakaiba akong nararamdaman sa gabing ito. Parang may hindi tama pero hindi ko ma-arok kung ano man ito.

Oo't, hindi ako kumbinsido sa sinabi ni R-Kei na may aasikasuhin lamang daw sila ng kanyang mga kapatid para sa nalalapit na anniversary ng kanilang mga magulang. Pero hindi ko na ito nagawa pang tanung-tanungin dahil na rin sa ayaw kong mag-away nanaman kami dahil kaayos lamang naming kaninang umaga.

Blinded by the Spotlight (13)

by: Eusethadeus

“Ano, tol? Sasali ka pa ba?” Bungad sa akin ni Thep nang makita ako nitong papasok na sa classroom.

Matapos ang umagahan namin ni Lenard ay napilit ko naman itong pumasok na sa klase namin ngayon, katulad ko ay hindi rin pala ito pumasok noong mga nakaraan, kaya't napakarami naming dapat habulin sa klase.

Pasalamat nalang at malamig ang mga classroom sa aming pinapaskang unibersidad dahil makakapag-jacket si Lenard at maitatago nito ang mga pasang natamo niya dahil sa pangre-rape ni Echo dito.

Blinded by the Spotlight (12)

by: Eusethadeus

Hanggang ke'lan ka ba magiging ganiyan Renz Kristof? Untag sa akin ng aking utak.

May tatlong araw na rin ang nakakalipas nang malaman ko sa pamamagitan ng pananahimik ni Lenard ang katotohanang niloko lamang ako nito. Masakit para sa akin ang aking nalaman. Sa tatlong araw na lumipas ay wala akong ginawa kung hindi ang mag-inom. Aalis ako sa bahay ng naka uniporme pero didiretso sa mga tagong bar na malapit sa aming unibersidad.

Blinded by the Spotlight (11)

by: Eusethadeus

“Akin ka lang, Lenard. Akin ka lang!” Parang nasapian ng demonyong asik ni Echo.

Hawak-hawak nito ang aking magkabilang braso  habang mapusok na ipinagduduldulan niya ang kanyang sarili sa aking mukha. Parang hayok na hayok ito sa laman at alam kong nilamon na ito ng kanyang katinuan. Hindi ko mapigilang mapasigaw at magpumiglas dahil sa sakit na nararamdaman.

Blinded by the Spotlight (10)

by: Eusethadeus

Kamusta na po, eto nanaman ako ulit, pasensya na kung medyo matagal mga updates ko. Sobrang busy lang sa work... Pero I still hope you like this story...

Paalala po guys: Eto po ay kathang isip lang... kung meron mang pagkakatulad sa tunay na buhay ay ipagpasensya nyo na po dahil hindi ko sinasadya.. hehehe... maraming salamat ulit and please leave your comments... para sipagin na akong magsulat.. hehehe... thank you...

Blinded by the Spotlight (09)

by: Eusethadeus

Hello po, kamusta kayo?

Sana po magustuhan nyo 'tong part na 'to... thank you po sa mga nagbibigay ng kani-kanilang komento, sana yung iba din magcomment na... hehehe... thanks ulit nin advance...

“Guys, tinawagan ako ng Big Cha kagabi, kung okay lang daw na tayo muna ang tumugtog sa bar nila.” Bungad sa amin ni Thep habang kami ay nakain sa paborito naming kainan, ang kainan ni Kuya Mack.

Blinded by the Spotlight (08)

by: Eusethadeus

Pasensya na po kayo kung mabagal ako mag-update, sobrang busy lang talaga sa work, isinisingit ko lamang po ito pag medyo walang ginagawa. Yaan nyo, I will try my very best para pabilisin pa ang pag-uupdate. and sana magustuhan n'yo tong update ko ngayon... thanks guys...

“Is there something bothering you, babe?” Untag ni R-Kei sa akin nang siguro’y mapansin nitong hindi ako mapakali at malalim ang iniisip.

Blinded by the Spotlight (07)

by: Eusethadeus

“Good Morning Lenard, wake up na, ligo na, kain na, malapit na mag-time kaya gumising ka na.” Sagot ng lalaki sa kabilang linya ng telepono.

Ilang araw na din ang lumipas nang mangyari ang pag-amin ni R-Kei sa akin ng tunay niyang nararamdaman. Hindi man ako nakapagsalita noong mga oras na iyon at wala siyang napala sa akin ay patuloy pa din ang pagsuyo nito sa akin na animo’y boyfriend ko siya. Oo, gusto ko ang mga nangyayari at pumapabor sa akin ang lahat, pero hindi pa din maalis sa aking isipan ay ang palaisipang baka pinaglalaruan lamang nito ang aking damdamin sa kabila ng mga pinapakitang sinseridad nito sa akin.

Blinded by the Spotlight (06)

by: Eusethadeus

“Ano nga bang dapat kong malaman Lenard?” Malokong tanong ni Genina sa akin.

Bagkus na sagutin ito ay tiningnan ko nalang ito ng matalim para malaman niyang hindi ko nagugustuhan ang kanyang tinatanong. Alam ko naman kasi na walang patutunguhang maganda ang pinupunto ni Genina sa kanyang mga tanong kaya’t hindi ko na ito pinansin pa.

“Okay!!!” Eksahiradang sabi nito nang mapansin sigurong hindi ko nagugustuhan ang kanyang itinuturan. “Sure ka ba na ikaw ang kakanta sa kanila? Baka naman mapahiya ka lang.” Pag-iiba nito ng usapan namin.

Blinded by the Spotlight (05)

by: Eusethadeus

“Good morning, Bull!” Paggising sa akin ni R-Kei na sinamahan pa nito ng pagkalabit sa aking pisngi.

Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko kaagad ang pinagpalang mukha ni R-Kei, parang anghel lamang ang nabungaran kong nakangiti sa akin at wari mo’y nagkikislapan ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita.

Nginitian ko lang ito bilang tugon.

Blinded by the Spotlight (04)

by: Eusethadeus

“R-Kei, gabi na. Baka mapagalitan ka sa inyo pag hindi ka pa nakauwi?” Pag-gising ko kay R-Kei na sinamahan ko pa ng pagyugyog sa kanya.

Hindi pa man ito namulat ay mabilisan nito akong hinila at niyakap.

“Mamaya na, gusto ko muna dito, dito ka lang. Dito sa tabi ko.” Halata sa boses nitong antok na antok pa ito kaya’t mabilisan kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin.

Blinded by the Spotlight (03)

by: Eusethadeus

“Ang galing mo naman Lenard!”

Matapos kong kumanta ay narinig ko nalang ang maraming palakpak mula sa aking likuran. Nang lingunin ko ang kung sino-sino man ang mga pumapalakpak, nakita ko ang mga kaklase ko. Hindi ko namalayan ang pagpasok nila sa aming silid-aralan dahil na din nakaharap ako sa unahan habang ang mga ito naman ay sa likod pumasok. Madami na sila at kitang-kita ng dalawa kong mata ang kinang, o mas tamang sabihin na amazed ang nakikita ko sa mga mata ng mga ito.

Blinded by the Spotlight (02)

by: Eusethadeus

“Lenard, wala ng iced tea.” Sabi sa akin ni Thep.

Mahigit tatlong oras na kaming nag-iinuman, kasama namin ang limang kaklase ni Ate Me-an, sila Drin, Jhez, Mercy, Jie at Angie. Sa batch naman namin ay si Thep, Tristan, Apple, Leban, Zai at syempre, si R-Kei. Nakaka pitong bote na kami ng long-neck na matador, pero wala pa samin ni isang gustong sumuko, at lahat ay tila enjoy na enjoy sa company ng bawat isa.

Blinded by the Spotlight (01)

by: Eusethadeus

Salamat po sa mainit na pagtanggap ng story ko, sana po ay magustuhan ninyo ang gawa ko, and sana din po magcomment po kayo.

This is a work of fiction, kung meron man pong kaparehas na storya o kung meron mang bahagi ng inyong buhay ang katulad nito, pasensya na po, hindi ko sinasadya. hehehhe. salamat po ulit.

“Lenard, gising na! 6:30 na ng umaga, 7 pa ang pasok mo! Ano ba!?” Paggising sakin ng yaya ko.

Blinded by the Spotlight (Prologue)

by: Eusethadeus

Habang wala po si James Cornejo, after kasi ng can it be love niya ay mawawala siya pang samantala, kaya ako po muna ang magbibigay ng istorya sa inyo, sana mag-enjoy po kayo. Maraming salamat po.

“Mahal mo ba talaga si R-kei?” tanong sa akin ng bestfriend kong si Genina.

“Oo beshy. Kung hindi ko siya mahal, bakit ako magkakaganito?” Mangiyak-ngiyak kong tugon dito.