Showing posts with label In Love with Brando. Show all posts
Showing posts with label In Love with Brando. Show all posts

Friday, January 11, 2013

In Love with Brando (16-Finale)

By: joshX
Source: m2m-bromance.blogspot.com


[16]
MAG-AALAS-DIYES NA NANG umaga nang magising ako kinabukasan. O mas tama yatang sabihing noon na lang ako nagdesisyon na bumangon sa kama dahil hindi naman talaga ako nakatulog sa buong magdamag. Napakahapdi tuloy ng mga mata kong hirap na imulat sa pagtama ng sikat ng araw na lampasan sa aking bintana.

In Love with Brando (11-15)

By: joshX
Source: m2m-bromance.blogspot.com


[11]
Kakaibang takot ang naramdaman ko nang mga oras na iyon. Pero naisip ko na hindi ako dapat magpadala sa emosyon dahil kailangan ng tulong ni Kuya Brando. The fastest possible time he will be given first aid, the better. Kaya naman mas mabilis pa yata ako kay Superman nang puntahan ko si Eunso para magpatulong.

In Love with Brando (06-10)

By: joshX
Source: m2m-bromance.blogspot.com


[06]
“Here comes your knight in shining armor, oh dear damsel in distress,” may halong pagkainis na sabi ni Kuya Brando na ang tinutukoy ay si Harry. Binitawan niya ang magkabila kong balikat saka humakbang palayo sa akin. Nanatiling nakatayo sa may likuran ko habang nakatitig pa rin kay Harry.

In Love with Brando (01-05)

By: joshX
Source: m2m-bromance.blogspot.com


[01]
“Rhett, tama na ‘yang pagdidilig mo, mag-aalas-sais na, maligo ka na at mag-aalmusal na kayo ng Kuya Rhon mo.”

Lumingon ako sa aking likuran. Nakatayo si Tiya Beng, treinta’y singko anyos na sa katabaan ay halos nasakop na ang kawadro ng harapang pintuan sa may terasa. Ang sinag ng papasikat na araw ay abot na sa kaniyang paanan. Nag-aanyaya ang ekspresyon ng mukha.