By: Mikejuha
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[11]
Unang gabi
sa naiibang setup namin kung saan doon natulog si Rodel sa kuwarto ni Mae.
Hindi maiwasang hindi ako manibago, masaktan, mag-isip, mangamba
pabaling-baling sa kama, iniimagine na ang unan na yakap-yakap ay si Rodel.
Hindi rin maiwaksi sa isipan ang mga eksenang kung sakaling manganak na si Mae
at tuluyang bigyang-laya ko si Rodel, ipaubaya sa mag-ina, ipakakasal at hayaan
silang magsama. Nakikinita ko ang saya na malalasap nila, kasama ng kanilang
magiging anak.
Matutupad na
ang pangarap ni Rodel. Bulong ko sa sarili. Alam ko, hindi puwedeng pag-isahin
ang mga pangarap namin. Pangarap ko ay ang magkaroon ng isang lalaking magmahal
sa habambuhay, hanggang sa pagtanda; ngunit ang pangarap niya ay ang magkaroon
ng katuwang, pamilya, at anak. At hindi ko maibibigay sa kanya iyon. Na kay Mae
ang lahat ng katangiang makapagbigay ng katuparan sa minimithi niya. Kapag
tuluyan nang mabuo ang pangarap ni Rodel, hindi na ako nakasisiguro kung
paninidigan pa niya ang pangako na hindi ako iiwan. Arrggghh! ! sigaw ko sa
sarili. If you love someone, set him free. If he comes back to you,
then he is
yours, but if he doesnt, then he never was ang kasabihang pilit na isiniksik ko
sa utak. Grabe, sakitttt!


