Wednesday, December 26, 2012

Piso (08)

by: Justyn Shawn

Ngayong pasado na ako sa trabahong pinag-aplayan ko, alam kong magiging masaya na rin sa wakas si Zaldy para sa akin. Alam kong kung saan man siya ngayon ay nakangiti siya, sumasaludo sa pagharap ko sa katotohanan, sa hamon ng buhay at sa aking pagbabago. Positibo ang pakiramdam ko na makakatulog na din ako ng payapa, ng magaan ang pakiramdam, ng walang inaalala; dahil alam ko, ang ginagawa ko ay tama.

Kasabay ng pagbabagong ito, may mga bagay akong kakalimutan at pilit na kinakalimutan na. May mga bagay na magbabago at magbabago. Mahirap man, alam kong kaya ko ito. Kakayanin ko.

Masaya kong tinahak ang daan pauwi. Habang naglalakbay ang mga paa ko ay may napansin akong nakalagay sa isang istante noong may madaanan akong isang tindahan. Masuyo ko itong tiningnan. Napangiti akong naalala si Jay. Binili ko ang nakadisplay dito. Alam kong magugustuhan ito ni Jay.  Tuwang tuwa akong naglalakad pauwi habang bitbit ko ang pasalubong ko sa kanya.

Piso (07)

by: Justyn Shawn

Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos.

Umupo ako pagkatapos kong pumasok ng bahay. Pati ang inuupuan ko ay iba na ang ayos nito. Itinama kung saan dapat nakapwesto, pati ang cover nito napalitan na din. Nakakapanibago.

Siguro'y narinig ni Jay ang pagpasok ko kaya naman tumawag ito mula sa banyo kung saan siya naliligo. "Jose...ikaw na ba yan?"sigaw niya mula sa banyo.

"Parang di ko 'to bahay ahh. Ikaw lang ang gumawa ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanyang may boses ng pagkamangha at kalasingan. Tawa lang naman ang nakuha kong tugon mula sa kanya.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng bahay habang ako ay nakaupo. Hindi pa rin ako makapaniwalang siya lang mag-isa ang gumawa ng lahat ng ito. Nakakapanibago talaga.

Piso (06)

by: Justyn Shawn

Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.

Ginising ako ng aking gunita at katotohanan noong marinig ko ang isang katok. Nanaghinip lang pala ako. Hindi ko akalaing isa iyong panaghinip. Ramdam na ramdam ko pa ang kanyang presensya. Ang tamis ng kanyang mga halik sa aki'y nalalasahan ko pa, ang higpit ng mga hawak niya sa aking kamay, ang init ng kanyang mga yakap, bilis ng tibok ng kanyang puso, ang kanyang nakakapanghipnotismong mga titig; ramdam na ramdam ko pang tila isa iyong totoong pangyayari.

Piso (05)

by: Justyn Shawn

Natulala ako kung sino ang nakita ko. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa galak. “Salamat…salamat at nagbalik ka.” Hindi ko na pinulot ang piso bagkus ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Dinama ko ang init ng kanyang katawan sa pagkakayakap kong iyon. Pinakiramdaman ko ang tibok ng kanyang puso.

Tumingin akong deretso sa kanyang mga mata. Ganun pa rin tulad ng dati. Andon pa rin ang kislap nito. Andon pa rin ang nakakapanghipnotismo niyang mga titig. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko kung totoo nga ba ang nakikita ko. Pumikit pikit pa ako baka dala lang ito ng puyat at nananaghinip lang ako ng gising na andiyan nga siya. Na nayakap ko siya at kaharap. Pero totoo…si Zaldy nga ang nasa harap ko. Buhay na buhay. Napakasigla nitong tingnan. Andon pa rin ang kanyang angking kakisigan na talaga namang nakakahalina. Napaka gwapo pa rin niyang tingnan sa pagdadala ng damit. Nakakabighani.

Nabuhayan ako ng loob. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko noong mga panahong iyon. Para akong nasa ibang dimension ng mundo. Napakasaya. Parang akin ang mundo. Umiikot batay sa kung ano mang gustuhin ko. Masarap sa pakiramdam.

Piso (04)

by: Justyn Shawn

Sarap na sarap siya sa haba at laki ng aking pagkalalaki. Maging ako ay sarap na sarap din sa pagbayo sa kanya. Maya maya pa, noong malapit na akong labasan, para namang may sumapi sa akin. Sarap na sarap pa rin ako sa pag labas pasok sa kanya. “Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh”.

Iyon na lamang at naalala ko ang mga pinagdaanan ni Zaldy sa malupit na kamay ng kanyang tiyuhing adik.

Masaya ako noong naglalakad patungo sa bahay nila Zaldy. May date kasi kami sa may ilog kung saan nabuo ang lihim naming pag-iibigan. Madami na din akong nabuong plano kung ano ang mga gagawin namin sa buong araw na iyon. Andon na lang yung nagprepare ako ng picnic, nanguha ako ng buko, manghuhuli kami ng isda sa mismong ilog na iyon upang maihaw namin at gawing pulutan dahil may dala din akong alak at syempre hindi mawawala ang paghahanapan namin ng piso sa ilamin ng ilog, dun kaya kami nagkalapit. Pasimpleng naglagay din ako ng karatula na nagsasabing delekado na ang ilog na iyon sa may dadaanan papuntang ilog upang ang mga maliligo doon ay hindi na tumuloy at walang maka istorbo sa aming dalawa ni Zaldy. Nakatago na rin doon ang gitara na pangsorpresa ko naman sa kanya. Hindi kasi niya alam na marunong akong maggitara at kumanta at aawitan ko siya ng napakaganda na para bang nanghaharana.

Piso (03)

by: Justyn Shawn

Simula noong nawala si Zaldy, hindi ko na alam kung may dereksyon pa ba ang buhay na tinatahak ko ngayon. Siya kasi ang nagsilbing ilaw ko sa madilim na tahakin ng buhay. Siya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay sa akin ng tadhana. Siya ang naging paa ko sa pagsuong sa buhay at naging lakas ko kung madapa man ako. Siya ang naging mata ko sa madilim na panahon na bumabalot sa akin.

Para akong napilayan at hindi na makalakad. Para akong nabulag at hindi na makita ang kagandahan ng buhay noong nawala siya. Nawalan ako ng goal, ng direksyon at pag-asa sa buhay. Lagi na lang akong tulala, tuliro at di alam ang gagawin.

Buti na lang ay may kaibigan pa rin akong matatawag. Andyan si Jay na hindi man naging paa, naging saklay naman siya upang tulungan akong lumakad. Hindi man siya naging mata ko upang makita ang kagandahan ng buhay, naging ilaw naman siya sa madilim kong daraanan. Siya rin ang parating andyan kapag may kailangan ako. Kapag katulad nitong malungkot ako't naaalala ko si Zaldy, pinapatawa niya ako; pinapagaan ang loob. Siya ang naging sandalan ko sa panahong wala akong makapitan at gulong gulo ang isip ko.

Piso (02)

by: Justyn Shawn

"Joseeeee...!" sigaw sa akin ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako. Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.

Nakita kong naglakad na patungong kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si Zaldy. Hindi mawala-wala.

Alala ko pa noon, ganitong araw din noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko, kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito ang aking nararamdaman.

Piso (01)

by: Justyn Shawn

Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni Zaldy.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.

Anino ng Kahapon (19)

by: iamDaRKDReaMeR

DING DONG!

Agad kong kinuha ang wallet ko at tinungo ang pintuan.  Upang pagbuksan ang delivery boy.  Matapos  makuha ang pinadeliver ko ay bumalik agad ako sa kwarto.  Inilalabas kong paisa-isa ang mga pagkain ng makakita ako ng isang papel na nakatupi.

Inaayos ko na ang mga chips na binili ko ng dumating si Enzo.

“Ang dami naman masyado ng chips na binili mo, mukhang magdamagan ang panonood natin ng movie ha.” Bungad nito ng makapasok sa kwarto.

“Movie marathon diba?  ‘Pag movie marathon ba isang movie lang pinapanood mo?”, pang-aalaska ko dito.

Balik ang tingin ko sa papel na nakatupi.

“Ano yan, loveletter?”, balik alaska nito  sa akin.

Anino ng Kahapon (18)

by: iamDaRKDReaMeR

Isang lalaki ang nakaupo at nag-iisa sa isang sulok.  Pinakatitigan ko munang mabuti at kinilala baka mamaya mapahiya ako.  Pero hindi ako magkakamali dahil bigla siyang tumingin sa akin at nagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi.  “Siya nga!” at agad ko itong nilapitan.

“Ikaw pala ang nagtext.  Musta na?”

“Ito OK naman ako.  Nung isang araw pa kitang kinokontak kaya lang out of coverage ka.  Nalaman ko na lang nagbakasyon ka pala,”  tugon ng kausap ko.

“Sandali!  Paano mo nga palang nakuha ng number ko?  At kailan ka dumating?  Ni hindi ka man lang nag-message sa akin na papunta ka pala dito para naman nakapaghanda ako. “

“Actually two weeks pa lang ako dito.  Nagpakuha ako ng visa sa kakilala ko.  Ayun OK pa nung unang linggo, halos hindi ako pakilusin sa loob ng bahay kaya lang nagkagulo kami kasi feeling ko sobra iyung singil niya sa akin.  Wala namang problema sa akin kaya lang nitong week na ‘to halos lahat yata kilos ko may bayad.  At kaya ako tumawag sa ‘yo kasi itatanong ko sana kung may alam kang bedspace dahil gusto ko na talagang lumipat.  Tutal hindi naman n’ya na siguro ako kargo dahil malaki na ako.  Sige na Ron oh… Tulungan mo na ko.  O, kung gusto mo naman, sa ‘yo na muna ako titira.  Please...” And here we go again the magic word PLEASE.  Ayaw ko talagang nagpi-please ang isang tao sa akin, kasi feeling ko hindi ko mahihindian.

Anino ng Kahapon (17)

by: iamDaRKDReaMeR

“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Local time is 3:00 o’clock in the afternoon and the temperature is 33 degrees celcius…” ito ang bungad ng flight attendant matapos lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.  Hudyat na malapit ng pumarada ang aming sinasakyan sa entrada ng gate na aming lalabasan.  Hudyat na rin ng pagharap ko sa paghanap sa aking sarili.

Ang sarap ng pakiramdam.  Kasama ko ang aking pamilya na matagal na ring nawalay sa akin.  Nagkamustahan, ibinigay ang mga pasalubong para sa mga kamag-anak.  I had my quality time with my parents and siblings.  Hindi ko masyadong ininda ang mga sakit na aking naranasan sa pag-ibig.  Masaya ako dahil kasama ko ngayon ang mga mahal ko sa buhay.  Ngunit may mga pagkakataong nakakalusot pa rin ang kalungkutan upang bisitahin ako.

Naging maayos ang unang dalawang linggo ng aking pagbabakasyon.  May mga araw na gumagala ako kasama ng mga dati kong kasamahan sa trabaho.  Gimik dito, gimik doon ang ginawa ko upang libangin ang sarili.  Nandyang ayain ko ang buong pamilya upang mag outing.  Lahat ng paraang alam ko upang makalimot ay ginawa ko na.  Ngunit nakalimutan ko ang tunay na pakay ko kung bakit ako nagbakasyon.  At ito ay ang hanapin ang sarili ko, ang hanapan ng kasagutan ang nararamdaman ko.

Anino ng Kahapon (16)

by: iamDaRKDReaMeR

Isang linggo matapos magpadesisyunan kong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay ko ay naging maayos na rin ang sitwasyon ko.  Hindi na rin ako masyadong umiinom upang mapagtagumpayan ang sakit na aking nararamdaman.   Marahil nga ay handa na akong muling humarap sa hamon ng buhay.  Ipinagpatuloy ko ang aking buhay ng may bagong pag-asang tinatanaw.  Laking pasasalamat ko na rin sa aking kaibigan na si Jane dahil kung hindi sa kanya hindi ko makikita ang ganda ng buhay at ng mga bagay na nakapaligid sa akin.  Sadyang nabulag ako ng aking kalungkutan at ng sakit na aking naramdaman.

Pilit kong itinatayo ngayon ang sarili ko mula sa pagkakadapa.  Wala na akong maaaring maasahan sa pagkakataong ito kundi ang sarili ko na lang.  Tuluyan na rin akong lumayo kay Lee at pinipilit ko namang kalimutan ang mga bagay nakapagbabalik ng lungkot at sakit sa aking puso.  Unti-unti kong ibinabalik ang sigla sa aking pagkatao sa tulong na rin ng sarili ko.  Siguro tama nga ang ang taong nakausap ko sa aking panaginip.  I need to let go of my past para makapagsimula ako ng bagong buhay.

Anino ng Kahapon (15)

by: iamDaRKDReaMeR

Tok... Tok... Tok...

"Christian... Christian... Hoy tanghali na di ka ba papasok ngayon?"  ang tawag ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto.  Naalimpungtan ako sa aking narinig.  Agad kong ibinaling ang aking tingin kung may katabi ako sa kama.  Nalungkot ako ng makita kong mag-isa lang ako sa kwarto at ang kamang hinihigaan ko ngayon ay ang sarili kong kama.  It seemed so real.  Kahit yung mga simpleng detalye nung kasama ko si Ron, totoong totoo ang lahat sa aking alaala.

"Hoy Christian! Di ka ba papasok?" ang sigaw ng kasamahan ko sa bahay na kasama ko rin sa work.

"Papasok ako. Mauna na lang kayo. Magtataxi na lang ako." ang tugon ko.

Habang nag-aayos ako ng sarili ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang aking panaginip.  Ang kanyang ngiti, ang mga kislap sa kanyang mga mata ng magkabati kami, ang kanyang nakakahawang pagtawa, at lahat ng positibong bagay at katangian nya.  Lalong lumakas ang loob ko na makipagbati na kay Ron.  At ngayon yun.  Haharapin ko na kung ano man ang magiging resulta nito.

Anino ng Kahapon (14)

by: iamDaRKDReaMeR

I started thinking how will I win back Ron.  Kailangan bago  pa kami magkita dapat malinaw na ang utak ko at dapat handa na ako sa maaaring mangyari sa aming pagkikitang muli.  I want this day to be very special that he may not forget.

"I need to prepare a wonderful dinner for me and Ron.  Tama, magpapaluto ako sa mga kasama ko dito sa bahay then I will fetch him from work.  I need to do this para magkaayos na kami hindi ko kayang patagalin pa ang pangungulila ko sa kanya.  Mali, baka hindi sya sumama if gawin ko yun.  I need to think of something na pwede syang mapapunta dito."  Ito ang mga katagang sinasabi ko sa sarili ko habang nag-iisip kung ano nga ba talaga ang gagawin kong approach kay Ron.

"Christian, I want this file to be double checked."  Napatigil ako sa pag-iisip dahil na rin sa nagulat ako at nasa harapan ko na pala ang boss ko habang ako ay tulala.

"Huh! What is it Sir?" Ang naguguluhan kong tanong.

Anino ng Kahapon (13)

by: iamDaRKDReaMeR

Si Christian...

How can I forget the first time I saw this person who caught my attention, that was when I went to Qeshm Iran para mag exit for visa change, a very simple looking guy yet very appealing.  I know na hindi ito ang first time ko na maattract sa kapwa ko lalaki pero iba ang feeling ko ng makita ko ang taong ito.  "I want him to be part of my life."  Ito ang unang pumasok sa isip ko.  Kaya naman kahit na medyo naiilang ako ay pilit ko pa rin siyang nilapitan upang makipagkilala.  Kahit pa ang puso ko ay kumakabog na halos ikabingi ko ang tibok nito dahil na rin sa kanyang presensya.  At ng magkausap kami ay sobrang saya ang aking naramdaman dahil tila isang puwang sa pagkatao ko ang napunan.  Hindi ko mawari kung bakit, pero ang alam ko iba ang pakiramdam ko ng makausap ko sya at lalo pa ng iguhit nya ang napakaganda nyang mga ngiti.  Isang ngiti na sadyang nakakahawa.  Kaya pinilit ko ang sarili ko na sumabay sa kanya at doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Habang hinihintay namin ang eroplanong aming sasakyan ay nagkwentuhan muna kami.  Getting to know stage siguro para sa akin.  Hanggang sa pagsakay namin ay tinabihan ko pa rin sya at pagdating sa hotel ay pinilit kong makasama ko sya sa room.  Ito rin naman ang napagkasunduan namin while we were waiting for the plane.  Sobrang saya ang aking naramdaman nung pumayag ang receptionist ng hotel na magkasama kami sa iisang room.

Anino ng Kahapon (12)

by: iamDaRKDReaMeR

Simula nga ng iniwan ako ni Christian ay bumalik ako sa pag-inom at paghang-out sa mga bar gabi-gabi upang makalimot. Ilang beses ko rin syang sinubukang kausapin ngunit lagi akong bigo. Lagi na lang nitong kinacancel ang tawag ko at kung magsesend naman ako ng text messages ay wala naman akong nakukuhang reply.

“Hindi ka ba napapagod at nagsasawa sa ginagawa mo?” ang tanong ng boses mula sa aking likuran.

"Kung kapaguran lang pagod na pagod na ako. Kung kasawaan lang sawang sawa na ako. Dahil paulit ulit na lang nangyayari sa akin ang masaktan pero anong magagawa ko hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana o talagang wala lang akong swerte sa pag-ibig.” Ang malamig kong wika.

“Sa pag-ibig hindi mo maiiwasang hindi masaktan dahil kakambal na nito ang pagluha. Tandaan mo, kapag nagmahal ka, hindi lang puro saya ang mararamdaman mo dahil kakambal na nito ang sakit. You are still young, there are lots of possibilities and chances na darating pa sa yo. But for now, all you have to do is to accept the reality. It will help, masakit nga lang pero pagnatutunan mo ng tanggapin ang katotoohanan makakalimot ka din sa mga bagay na pinagdadaanan mo. And don't forget to always wear your smile. It will surely attract good vibes. There are many things in life worth smiling for. Keep Smiling. Cute ka pa naman. Pumapangit ka kapag malungkot ka. Kaya smile ka na ha. Ampangit mo na eh ”

Anino ng Kahapon (11)

by: iamDaRKDReaMeR

"Don't worry nandito na ako at hindi na kita iiwan pang muli.  Mahal na mahal kita Ron at hindi magbabago ang feelings ko para sa yo."  ang sarap pakinggan ng mga salitang ito.

"Ron... Ron... Ron..." ang tinig ni Lee habang ginigising ako.  “Nasa bus station na tayo ng Abu Dhabi.”

Panaginip lang pala ang lahat. Bakit? Sana totoo na lang.  Masaya na ako eh.  Yakap ko na sya at yakap na nya ako. Bakit bumalik na naman ako sa katotohanang wala sya?

“Tara na Ron para makapag pahinga ka na ng maayos sa bahay.” Ang pag-aya ni Lee sa akin.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo upang makababa na ng bus.  Pagkababang pagkababa agad kaming kumuha ng taxi upang makauwi.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang tinutuluyan ko.  Agad kong binuksan ang kwarto ko ngunit bakit parang bukas ang pinto.  Ako lang ang may susi nito at si…

Anino ng Kahapon (10)

by: iamDaRKDReaMeR

“Hello po good afternoon si Christian po?” Ito ang tanong ko sa mga kasamahan nito sa bahay nung pagbuksan ako ng pinto.

“Ay ikaw pala. Wala na si Christian dito lumipat na sya ng bahay.  Hindi ba nasabi sa 'yo?” ang paliwanag sa akin ng isa sa mga tao sa sala.

“Ay ganon po ba? Kaylan po ba sya dumating? Hindi po kasi sya tumawag sa akin eh.”

“Last week pa.  Last Thursday sya lumipat kaya lang di ko alam saan sya nakatira ngayon eh.”

“Sige po maraming salamat.”

Agad akong umalis dahil dama ko na anumang saglit ay bubuhos ang luha ko at hindi nga ako nagkamali.  Nakakailang hakbang pa lang ako ay malaya ng dumadaloy ang tubig sa aking mga mata tungo aking pisngi.  Halos manlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.  “Bakit nagawa nyang maglihim sa akin? Bakit hindi nya sinabi na nakabalik na sya? Nasan na kaya sya ngayon?” ang paulit ulit na tanong na tumatakbo sa aking isipan.  Katanungang hindi ko pa alam ang kasagutan.  Huminto ako sa isang taxi stand at agad kong kinuha ang aking telepono sinubukan kong tawagan ang number ni Christian ngunit not working number na ito.  Makailang ulit kong sinubukan ngunit wala talaga, hindi na gumagana ang number nya.  Nawawalan na ako ng pag-asa hanggang sa naisip ko na puntahan ang opisina kung saan sya nag tatrabaho kaya naman agad akong pumara ng nagdaang taxi at tinungo ito.  Kinakabahan ako sa aking gagawin hindi ko alam kung ano ang maaari kong madatnan sa aking pupuntahan pero lakas loob pa rin akong tumuloy.

Anino ng Kahapon (09)

by: iamDaRKDReaMeR

“Hello…”  ang pupungas pungas kong sagot.

Nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya.

“Aren’t you gonna talk or I will hang up?” ang inis kong wika.

“Ron, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang gusto kong marinig ang boses mo. “ ang boses sa kabilang linya na tila lasing.

“Lee?”

“Ako nga. Ron hirap na hirap na ko. Please give me another chance I will prove to you how much I love you.  Di ko pala kayang wala ka sa akin.  Masakit Ron sobrang sakit.  Please.  I’m begging you.” Ang pagsusumamo nito sa akin.  Dinig ko ang bawat hikbi nito.  Alam kong naawa ako ngunit kaylangan kong pigilan ang sarili ko.  Mahal ko na si Christian at ayaw kong magkasira kami.

“Lee enough na, you have caused me so much pain. And now I am having trouble with my boyfriend because of you.  Gusto ko ng mamuhay ng tahimik.  Kaya please lang stop calling me you’re making things complicated.” Ang may kataasan kong boses na tugon dito.

Anino ng Kahapon (08)

by: iamDaRKDReaMeR

“Excuse me.” Ang wika ko sa isang lalaking nakatalikod at namimili.

“Ron.” Ang wika ng natulalang lalaki sa akin.

Natulala ako sa aking nakita.  Bakit kung kalian nakalimutan ko na sya at kung kalian tinanggap ko na si Christian at tsaka naman makikita ko ang taong naging sanhi ng pighati ko ng mga nakalipas na buwan.

“Ako nga wala ng iba!” ang sarkastiko kong tugon.

“Kamusta ka na?” tanong ni Lee.

“After we broke up? Just simply plain miserable and now moving on with my new life.   Happy with my answer?  Now if you will excuse me I need to look for my boyfriend.  Oh! There he is. Excuse me.” Ang mapangbuska kong wika dito pero imbis na paalisin na ako.

“Ron, can we talk?”

Anino ng Kahapon (07)

by: iamDaRKDReaMeR

Hindi naging madali ang aming pagsasama ni Christian ngunit lagi pa rin niya akong iniintindi at inuunawa sa mga naging kilos ko dahil sa totoo lang hindi madaling limutin ng tulad ni Lee.  Alam kong darating din ang araw na buong-buo ko ring mamahalin ang taong nagmamahal sa akin ngayon.

Lumipas ang ilang buwan ng pakikibaka sa paglimot ko sa nakaraan at paghahanap ng trabaho sa tulong ni Christian.  Natanggap ako sa isang trading company at nagtatrabaho na bilang Admin Assistant/Secretary.  Naging madali lang sa akin ang paghawak sa trabaho more on clerical works lang naman kaya madali na para sa aking gampanan ang trabahong naibigay sa akin.

Si Christian ay hindi pa rin pumapalya sa pangako nya na tutulungan akong makalimot at sa totoo lang natutuon na ang atensyon ko sa kanya unti-unti ko ng nalilimutan ang sakit.  Sigruo kung matagal ko ng tinanggap si Christian malamang naghilom na ang sugat ng kahapon.

Isang gabi habang nagmumuni muni ako sa naging desisyon ko biglang nagring ang telepono ko at ng tignan ko ay si Christian ang tumatawag.  Walang palya araw-araw tumatawag sya para lang mangamusta at magkwento ng nangyari sa araw nya.

Anino ng Kahapon (06)

by: iamDaRKDReaMeR

"Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin".
(Line from the movie One More Chance)

Talaga nga naman pag biniro ka ni tadhana hindi ka makakaiwas.  Hindi ko rin naman alam kung sinadya rin ng ungas na toh na ang movie na hiniram ay talagang pwede kong ikabreakdown.   Pero wala akong magawa alangan namang iwan ko syang mag-isa na manood ng movie.  Tiis-tiis lang ako sa bawat scene ng movie.  Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na tumutulo na naman si luha.  Feeling ko ako si Basha dahil sa umaasa pa rin ako na may pag-asa pa kami ni Lee pero sa totoo lang wala na.  Sana madali lang ayusin o buuin ang pusong sugatan at pirapiraso, pero hindi. Sana sa bawat patak ng luha sa aking mga mata kasabay nun ang pagbura ng mga alaala ng kahapon, pero hindi.  Sabi nila time heal all wounds pero kaylan pa ang tamang panahon para mabuo muli ako?
Hindi ko alam na habang umiiyak pala ako ay tinititigan na pala ako ni Christian.

Anino ng Kahapon (05)

by: iamDaRKDReaMeR

“Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!” ang pasigaw kong untag kay Lee.  Kaya naman pala parang familiar ang mukha ng taong nakita ko kanina ang ex ko pala yun.   Matapos ko syang masigawan ay isang mabilis na kamao ang lumatay sa kanyang panga.  Hindi ko napigilan ang sarili ko ng mga sandaling iyon.  Hindi ako ang tipo ng tao na palaaway pero hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ng loob upang saktan ang taong minsan kong minahal.  Dala na rin siguro ito ng pagkikimkim ko ng halos magdadalawang linggong galit at sakit.  Hindi agad nakakibo si Lee mula sa aking pagkakasapak hawak lang nya ang kanyang panga na tinamaan ng aking kamao.  Uundayan ko pa sana ng isa pa ngunit naawat ako ng mga taong nakakita ng pangyayari at agad naman akong pinalabas ng gwardiya.

“Tol… dito ako sa labas napaaway ako sa loob kaya ito tinaboy na ako ng gwardiya di na ako makakapasok.”  Ang pagtawag ko kay Christian upang ipaalam ang nangyari.

“Huh! Sige bayaran ko lang to tapos lalabas na ako.” Ang taranta nitong tugon sa akin.

Anino ng Kahapon (04)

by: iamDaRKDReaMeR

“Tol… nakakahiya man pero gusto ko sana yumakap sa yo habang natutulog katulad lang nung nagkasama tayo sa Qeshm.” Ang tila nahihiyang paghingi ng pahintulot sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko lang syang gawin yung gusto nya.

“Tol namiss ko tong gawin sa yo.  Alam kong nasasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Lee.  Pero Tol tandaan mo may mga taong nasa paligid mo lang ang handang magmahal sa yo at handa kang tanggapin.”

“At sino naman yun ikaw?”  ang biglang sagot ko ng tila hindi alintana kung ano ang magiging reaksiyon ni Christian.

Tila nabusalan ang bibig ni Christian ng mga sandaling iyon hindi alam kung ano ang tamang sagot na kanyang itutugon.  Namagitan sa amin ang ilang minutong katahimikan ng bago pa niya nasagot ang tanong ko.

Anino ng Kahapon (03)

by: iamDaRKDReaMeR

“Oh, ready na para sa magdamagang inuman?” ang bungad ni Christian.

“Hindi mo na ako dapat tanungin lagi akong handa.” Ang magiliw kong tugon at binuksan ang mp3 player ko at ikinabit sa speaker.  Since inuman tunog kalye ang inilagay kong playlist.  Para naman ganahan kaming lalo sa pag-inom.

Agad ng naming inumpisahan ang pag-inom.  Si Christian ang unang tumagay.  Ito ang unang pagkakataong makakasama ko si Christian sa inuman at one on one pa talaga.  Dahil simula nung makabalik kami galing ng Kish Island ay hindi na kami nagkita panay usap na lang sa telepono ang aming ginawa.  Sa kadahilanang iniiwasan ko talaga sya dahil ayaw kong masira ang pinakaiingatan kong relasyon kay Lee ngunit ganon pa rin ang nangyari nawala pa rin sa akin ang taong labis kong minahal.  Ang taong labis kong pinagkatiwalaan.  Ang taong malaki ang naging parte sa buhay ko.  Pero nangyari na ang nangyari.  Gustuhin ko mang balikan sya hindi na pwede.  Dahil may iba na syang mahal.

Anino ng Kahapon (02)

by: iamDaRKDReaMeR

“Kamusta naman ang pagkikita nyo ni Lyndon? Masaya ba? Katabi mo ba sya ngayon?” Ito ang tinig na nakagising ng tulog kong diwa.

“Huh? Anong pinagsasabi mo dyan?” ang inis kong sagot na ikinabalikwas ko sa higaan.

“Pwede ba Charlie nananahimik na ako pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari sa akin. Ngayon kung wala si Lyndon sa tabi mo ngayon wag ako ang pagdiskitahan mo at hindi ko na para kausapin o makipag kita pa sa kanya!” galit na galit ako ng oras na iyon.  Sa dinami dami ng tatawag at mang iistorbo sa akin bakit sya pa at bakit sa akin pa nya hahanapin ang taong sanhi ng pagkawasak ko.

“Please Ron wag mo ng pagtakpan pa si Lyndon.  Alam kong nariyan sya.” Pagmamakaawa nito sa akin.

“Eh praning ka rin naman pala talaga noh? Sinabi na ngang wala sya dito at hindi ko na kinakausap ang boyfriend mo.  Ibinigay ko na nga sa yo alangan namang bawiin ko pa? at isa pa hindi na ako pumupulot ng bagay na tinapon ko na.” inis kong bigkas dito sabay baba ng tawag.

Anino ng Kahapon (01)

by: iamDaRKDReaMeR

“Love me like the first time again
Let’s pretend that it never gonna end
For one last time
Just hold me in the way
We used to do, you know
Love me like the first time and go…”
(an excerpt from the song Love me like the first time)

Ito ang linya ng kanta na biglang pumasok sa aking isipan habang ako ay nasa taxi pauwi ng bahay.  At sa pagkakataong ito hindi ko namalayan na malaya palang umaagos ang luha sa aking mga mata.  Ito ang matagal ko ng hinihintay ang lumabas ang aking sama ng loob.  Alam kong sa paglabas ng mga luha ko ay kaakibat na nito ang magiging bigat ng aking kalooban sa mga susunod pang mga araw.  At kung kalian ito matatapos iyon ang hindi ko alam.

Pagkadating na pagkadating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto tila walang pakialam kung may tao sa sala o wala, basta ang nasa isip ko noon ay gusto ko lang umiyak at magmukmok.  Hindi ko na rin nakuha pang magpalit muna ng damit.

Ibinagsak ko ang bigat na bigat kong katawan padapa sa aking kama habang umiiyak.

Nilimot na Pag-ibig (Finale)

by: iamDaRKDReaMeR

“Alam ko Lee, naririnig mo ko.” Ang pauna kong wika.

“Ano ang feeling mo ngayon na may tao kang nasasaktan? Masaya ka na ba? Pinagmuka mo akong tanga! Alam mong ayaw ko sa lahat ang pag mukhain akong tanga! Pero parang wala lang sa 'yo! Ang linaw ng usapan natin na kung ayaw na natin sabihin lang.  Hindi naman kita tututulan kung may makita kang iba. Pero ang duwag mo!  Hindi mo kayang harapin ang katotohanan! O, sadya talagang wala ka lang pakialam?" may galit sa puso kong wika sa kanya. "Wala ka bang sasabihin? Umurong na ba ang dila mo o nakain na ng BOYFRIEND mo ang dila mo kaya napipi ka na?” dagdag ko pang wika dito.

Nilimot na Pag-ibig (12)

by: iamDaRKDReaMeR

“Hello sino to?” ang ulit kong tanong ngunit ibinaba lamang nito ang tawag.

Nang matapos si Lee.

“Labs may tumawag sa yo.” Ang pagbabalita ko dito.

“Huh?!” ang tila nagulat nyang tugon.

“Sabi ko may tumawag kaya lang binaba lang bigla. Check mo na lang ang phone mo at magsashower na ako.” Ang wika ko dito.

Nilimot na Pag-ibig (11)

by: iamDaRKDReaMeR

“Tutal gusto mo naman malaman ang totoo. Makinig ka.” Ang ulit ko dito.

“Ayaw kong magtaksil sa boyfriend ko pero hindi ko maiwasan!” ang pauna kong wika. “Sa halos dalawang linggo nating magkasama nahulog na ako sayo. Hindi dapat  pero nangyari na. Hindi pwede pero nandyan ka lagi para sa akin. Pilit kong iniiwasan pero hindi ko maiwasan. Akala mo ba madali ang pinagdaraanan ko ngayon? May boyfriend ako pero na iinlove ako sayo! Ayaw kong makasakit ng tao! Ayaw kong masaktan ka. At higit sa lahat ayaw kong masaktan ko ang boyfriend ko.” Ang tuluy-tuloy kong pagsasaad habang lumuluha.

Nilimot na Pag-ibig (10)

by: iamDaRKDReaMeR

"Kanina ka pa ba dyan tol?" ang tanong ko kay Christian.

Tinugon lang ako nito ng ngiti. Isang ngiti na nakakaloko.

"Hoy ang tanong ko kung kanina ka pa dyan hindi ko sinabing ngitian mo lang ako!" ang inis kong wika dito.

Ngunit tila bingi ito at napagkit lang sa kanyang mga labi ang nakakalokong mga ngiti, kaya naman hinayaan ko na lang sya at ako ay umalis na upang tunguhin na ang aming room.

Nilimot na Pag-ibig (09)

by: iamDaRKDReaMeR

"Tol, tol, tol..." ang paggising sa akin ni Christian.

"Oh bakit? Di ka pa ba natutulog?" ang mejo inis kong sagot dito.

"Tol ang sama kasi ng panaginip ko kaya nagising ako." ang paliwanag nito sa akin.

"Bakit ano ba napanaginipan mo?" ang tanong ko dito.

"Basta tol di ko maipaliwanag." ang di ko maintindihang paliwanag nya.

Nilimot na Pag-ibig (08)

by: iamDaRKDReaMeR

Napatunganga ako ng makita ko kung knino galing ang mga boses na yon.
"Jusko di pa man mukang makakalimot ako na may karelasyon ako ha. Oh tukso layuan mo ako." ang tanging naisatinig ko sa aking isipan.

Kasi naman sino ba naman ang hindi matutunganga sa kanya unang una mapapansin mo agad sa kanya ang kanyang mga malamlam na mata na lalo pang gumanda dahil sa makapal nyang kilay, matangos na ilong, at mapupulang labi na parang nag aaya na halikan ito. Hayzzzzz.

Nilimot na Pag-ibig (07)

by: iamDaRKDReaMeR

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" ang tanong nito sa akin.

"Tito kung pwede po sa kwarto tayo?" ang pag-anyaya ko dito.

Agad naman kaming nagpunta ni tito kasama si Lee sa kwarto.

"Tito since alam naman na po nila mama ito gusto ko na rin ipaalam sa inyo." ang pauna kong wika na nasundan ng sandaling katahimikan, kinuha ko ang kamay ni Lee at...

Nilimot na Pag-ibig (06)

by: iamDaRKDReaMeR

Ito ang aking naisatinig sa kanya.

"Labs handa na ako na ibigay sa iyo ang buo kong pagkatao."  ang sigurado kong wika sa kanya. Oo, tama ang nababasa nyo kay Lee ko unang ibinigay ang aking buong pagkatao.

Labis na tuwa ang nakita ko sa kanyang mga mata na tinugunan ko lang ng matamis na ngiti at mapanuksong mga tingin.

Sa puntong ito ay bumalik ako sa pagkakahiga ay si Lee naman ay pumuwesto na upang isakatuparan ang bagay na matagal na nyang hinihingi sa akin.

Nilimot na Pag-ibig (05)

by: iamDaRKDReaMeR

"Labs ano yung sasabihin mo kinakabahan ako ha." ang pangungulit at naguguluhan kong  wika sa kanya.

"Kasi Mahal, hihintayin kitang makalabas ng work mo at may surprise ako sa yo." ang tila kinikilig nyang wika sa akin.

"Huh bakit di mo sinabi sa akin na pupunta ka!" ang gulat kong untag sa kanya.

"Kaya nga surprise diba!?" ang tila pang-aasar naman nyang sagot sa akin.

Nilimot na Pag-ibig (04)

by: iamDaRKDReaMeR

"Hoi Ronald ano yung sinasabi ng tito mo na pupunta ka daw ng Dubai. Hindi pa lumalabas ang residence visa mo naggagala ka na jan. Kung may maninita sa yo anong ipapakita mo?" ang galit na boses ng nasa kabilang linya.

Nang mabosesan ko, tawag pala ito ng aking tita mula sa pinas. Agad nanlaki ang mata ko dahil sa pagkakalaam ko ay pinayagan ako ng aking tito sa sinabi nyang ako na ang bahala ngunit nagkamali ako at umabot pa pala ito sa Pinas.

Nilimot na Pag-ibig (03)

by: iamDaRKDReaMeR

"Hello Lee?" ang tugon ko habang hindi makapaniwalang makakausap ko pa sya.

"Oo ako nga. Hindi ba nakasave ang number ko sa yo at di mo alam kung sino ang tumawag sa yo?" ang may pagtataka nyang tugon sa akin.

"Ah eh hindi natutulog kasi ako sinagot ko ng nakapikit ako kaya di ko alam kung sino ang tumatawag." ang pagpapaliwanag ko naman sa kanya na agad nyang sinang ayunan.

Nilimot na Pag-ibig (02)

by: iamDaRKDReaMeR

Laking gulat ko ng makita ko silang hubo't hubad, naghahalikan at naghihimasan ng kanilang mga alaga na di alintana kung may nakakakita sa kanila. (Sa totoo lang hindi ko inisip na mga bisexual din pala ang mga naging ka room mate ko dahil hindi naman halata sa itsura nila at sa mga kwento nila).

Sa hindi inaasahang pangyayari, napansin ko na lang na nakatingin na pala sa akin si Owen na parang nang eenganyong makisali ako. Sa tagpong iyon ay nilukuban na rin ako ng matinding init ng pagnanasa sa aking nasaksihan. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na si Owen at hinahalikan ako na tinugunan ko naman. Naging mapusok at mainit ang halik ni Owen sa akin habang ang tatlo pa naming kasama ay walang tigil sa pagpapaligaya sa isa't-isa habang hindi naman kami tumitigil ni Owen sa halikan. Bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa likot ng dila ni Owen napapahalinghing ako ng di ko namamalayan bumaba ito sa aking dibdib at nilaro ng dila niya ang aking dibdib at dahan-dahang bumaba sa aking puson na lalo kong ikinadiliryo. Sa tagpong iyon ay napatingin ako sa tatlo habang si Owen ay busy sa kanyang ginagawa. Nakita ko si Allan na hawak ang alaga ni Gerald at si Gerald ay hawak ang alaga ni Raymond at ni Allan. Kitang kita sa kanilang mga mukha ang labis na sarap sa ginagawa nilang pagpapaligaya sa isa't isa samantalang si Owen ay abalang abala sa pagpapaligaya sa akin. Ipinasok ni Owen ang aking alaga, mainit ang kanyang bibig kakaibang hagod ng labi niya ang aking naramdaman sa aking alaga. Hindi ito ang unang beses na na BJ ako pero iba ang dulot ng kanyang mga labi. Habang nasa ganon kaming sitwasyon ay nakarinig ako ng mga impit na ungol mula sa tatlo at sa pagkakataong ito ay nakita kong unang nilabasan si Allan marami ito nagkalat sa kamay ni Gerald mayamaya pa ay hingal ungol kong narinig si Raymond kasabay ni Gerald parang musika sa aking pandinig ang mga hingal at ungol na naririnig ko mula sa kanila at ilang sandali pa ay halos magkasabayan silang nilabasan, katulad ng lumabas kay Allan marami rin ang lumabas sa dalawa. Sa sandaling iyon nakita ko ang ngiti sa labi ng tatlo habang kami ay pinapanood nila. Ilang minuto pa ang lumipas at nakaramdam na ako na malapit na akong labasan.