Sa Loob ng Sinehan
Kwento ni Dakotang Bulakenyo
Magandang araw ulit
sa lahat ng mambabasa ng site na ito. Ako ulit ito, ang dakotang bulakenyo. May
isi-share ulit ako na kwento sa inyong lahat. Ito ay isa na namang totoong
nangyari sa akin noong July 24, 2009 lamang. Pasensya na kung hindi ako masyado
magaling magkwento. Eto na yun.
Noong umaga ng araw
na iyon ay nagpunta ako sa Morayta dahil nagpasama sa akin ang kaibigan ko sa
PRC para mag-renew ng license nya. Mga 9AM ay nandoon na kami. Dahil maaga
kaming nandoon ay natapos agad ang kaibigan ko sa pag-renew ng license nya. Mga
10:30 yun ng umaga. Dahil maaga pa nga ay nagpasya ang kaibigan ko na pumunta
pa sa kaibigan din niya. May kalayuan iyon kaya hindi na ako sumama sa kanya.
Kaya naman naghiwalay din kami agad paglabas namin sa PRC.