Showing posts with label Against All Odds. Show all posts
Showing posts with label Against All Odds. Show all posts

Friday, February 8, 2013

Against All Odds 24

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Hindi makapaniwala si Dan na matapos niyang takbuhan lahat ng kaniyang nakaraan ay ito ngayon si Melvin sa kaniyang harapan, si Melvin na isa sa mga pasimuno sa pambubugbog sa kaniya at nanggagatong kay Dave, Mark at Mike upang ipagpatuloy ang panghahalay sa kaniya noong nakalipas niyang kaarawan mag-iisang taon na ang nakakaraan. Ipinikit ni Dan ang kaniyang mga mata, iniisip na guni-guni niya lang ito, na hindi totoong nanlalamig ngayon ang kaniyang buong katawan, na hindi siya ngayon pinagpapawisan ng malamig, na hindi siya ngayon makagalaw mula sa kaniyang kinatatayuan...


Na walang Melvin na nakatayo sa kaniyang harapan ngayon na nagmamakaawa na kausapin niya.

“Please, Dan.” lumuluha ng pagmamakaawa ni Melvin na siyang nagtulak kay Dan na idilat ang kaniyang mga mata.


“I-I n-need him---” simula ni Melvin na ikinataka ni Dan sa kabila ng ibayong takot na kaniyang nararamdaman.


“I-I n-never meant to push him away. I-I never meant to hurt him--- Please, Dan. Please--- He's all that I have left. I'm going to die without him. P-Please.” pagmamakaawa paring saad ni Melvin.

Against All Odds 23

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Nakapangalumbaba si Ryan malapit sa kinatatayuan ni Dan sa kanilang kusina habang pinapanood niya ang kamay nito sa paghahati ng mga kamatis na gagawin nitong sahog para sa nilulutong hapunan, pinapanood ang bawat pag-galaw ng mga daliri nito na miya mo makina dahil sa ganda ng presisyon. Wala sa sariling inabot ni Ryan ang kamay ni Dan, marahang inalis ang kutsilyo sa kamay nito at inilapit ang makinis at malambot nitong kamay sa kaniyang bibig at pinadampian ito ng kaniyang labi.

Hindi alam ni Ryan kung bakit pero tila ba ang bawat galaw ni Dan ay lalong nakakapagpaibig sa kaniya dito. Kahit gaano pa man kasimple ng kilos nito ay talaga namang napapamangha siya. Idadampi pa sana niya ang kaniyang mga labi sa likod ng kamay ni Dan nang may magsalita sa likod nilang dalawa.


“Geeeshhh! Let the guy cook breakfast first! We're going to starve to death if you keep on kissing his hands!” singhal ni Bryan sa may gawi ng pinto na agad namang ikinatalon ng dalawa palayo.


Alam naman nilang walang problema kay Bryan ang kanilang sekswalidad at ang possibleng pagkakaroon nila ng relasyon, ang tangi lang nilang naiisip na magiging problema ay ang posibilidad na pagka-asiwa nito sa oras na mahuli sila nitong naglalambingan. Ang ideya din ng pagkailang sa kanila ni Bryan ang nakikitang dahilan ng dalawa upang wag sabihin kay Bryan ang tungkol sa kanilang dalawa dahil wala mang tutol si Bryan sa kanilang sekswalidad at posibilidad na relasyon ay hindi naman nila alam ang limitasyon nito.


“I-I'm g-going to school. Bye. See you later guys.” nabubulol at nagmamadaling paalam ni Ryan sabay hapuhap ng lakad palabas ng front door na sa sobrang pagmamadali at dahil narin sa laki ng katawan ay nasagi ang mga bagay sa hallway palabas ng pinto.


Bago pa man isara ni ryan ang pinto sa kaniyang likod ay muli niyang nilingon si Dan at ang mukha nitong nagsasabi na “Iwan ba ako sa ere?” ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapahagikgik at mapangiti ng malaki sapagkat hindi niya mapigilang isipin kung gaano ka-cute ni Dan kahit pa pinandidilatan siya nito ng mata. Nang makita naman ni Dan ang pag-ngiti na ito ni Ryan ay hindi niya rin mapigilan ang sarili na mapangiti. Hindi nakaligtas ang namumula pang pisngi na pag-ngiti na ito ni Dan kay Bryan na hindi napigilan ang sarili na mapahagikgik, iniisip kung gaano ka-cheesy ng dalawa at kung gaanong kabilis na nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.

Wednesday, January 30, 2013

Against All Odds Book 2: 22

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Kahit mag-iisang oras ng nakahiga si Ryan sa kaniyang kama at kahit medyo napagod siya sa paglabas nila ni Dan nung gabing iyon ay hindi parin magawa ng kaniyang mga mata na sumara at mahimbing ng makatulog. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa kaniyang isip ang magandang ngiti ni Dan, ang malalambot na kamay nito, ang boses nitong musika sa kaniyang pandinig at ang ugali nitong hindi papadaig sa kaniya sa tuwing sinisinghalan niya ito.

Hindi rin maalis sa kaniyang isip ang halos pagdampi ng mga labi nila at ang tila ba pag-aalinlangan ni Dan na lubos niyang ipinagtataka. Ito ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa kaniyang pinto. Hindi niya ito sinagot, iniisip na baka ang kapatid niya lamang ang nasa labas at mangungulit lamang ito kapag pinagbuksan niya kaya naman laking gulat niya nang marinig niya ang marahang pagtawag sa kaniyang pangalan ni Dan.

“Ryan?” nagaalangang tawag ni Dan na ikinabalikwas ni Ryan sa pagkakahiga sa kama.

“I-I'm sorry to w-wake you up. I'll c-come back tomorrow--- I'm sorry.” nauutal na saad ni Dan sabay tatalikod na sana nang pigilan siya ni Ryan.

“It's OK, Dan. Di rin naman ako makatulog---uhmm--- tuloy ka---” saad ni Ryan na nagtulak kay Dan na pumasok sa loob ng kwarto ng huli.

Thursday, January 24, 2013

Against All Odds Book 2 (21)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Hindi bago ang tagpong ito kay Ryan. Bago pa man sila magkakilala ni Ryan nung unang umaga na magkita sila nito sa sala ng kanilang apartment at nagising ito na nakadungaw silang dalawang magkapatid ay halos tumalon ito palayo sa kanila at sumandal sa pader, takot na takot at nagdadasal na wag nila itong sasaktan. Akala niya noong una ay umaarte lamang ito pero nang makita niya ang aktwal na panginginig nito ay hindi na siya nagdalawang isip na totoo nga ang takot na iyon at maaaring may masamang nangyari dito noon kaya ito nagkakaganoon.

Thursday, January 17, 2013

Against All Odds Book 2 (20)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Wala ng nagawa pa si Dan kundi ang umiling habang pinapanood niya ang ubod ng tahimik na si Ryan, tahimik tapos naka-kunot ang noo at nakatitig sa malayo habang asa dyip sila pauwi na kala mo napakalalim ng iniisip. Pabiro nitong sinuntok ang malaking braso ng huli kung saan naman malungkot lang na ngumiti si Ryan atsaka ipinagpatuloy ang pagtitig sa malayo.

Against All Odds Book 2 (19)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Hindi napigilan ni Dan ang sarili na tanungin ang sarili. Natatandaan niyang ilang beses ng pahapyaw na sinabi sa kaniya ni Bryan ang maaaring tungkol sa sekswalidad ng kapatid pero ilang beses niya rin itong binalewala at ikinibit balikat. Sunod niyang tinanong sa sarili ay kung ano ang kaniyang dapat maramdaman sa nalamang ito at kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.

Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 2 (16-18)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[16]
Kunot noong pinagmasdan ni Dan si Ryan habang naglalakad ito papunta sa sariling kwarto. Tumatak kasi sa isip niya ang magandang ngiti at tila musikang paghagikgik ni Ryan pero sa kabila nun ay hindi parin mapigilan ni Dan ang maguluhan lalo na ng bawiin ni Ryan ang pinakawalan nitong ngiti na tila ba ang ginawang iyon ay kaparu-parusa ng kamatayan. Hindi rin napigilan ni Dan ang maisip na baka lasing nanaman ito pero nang mapagtantong hindi naman ito amoy alak katulad ng mga nakaraang uwi nito na lasing ay nagkasya na lang siya sa pag-iisip ng...

Against All Odds: Book 2 (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Palinga-linga si Mike. Puno ng kaniyang mga kapwa magaaral ang gymanasium ng kanilang paaralan para sa kanilang pagtatapos. Masasaya ang mga ito, ang iba, katulad ni Mark ay dahil wala ng mga nakakairitang guro na magbibigay sa kanila ng assignments, tulad ni Dave ay wala ng uniform na mandatory na ipapasuot sa kanila, katulad ni Martin na umaasang makakapagsimula ulit siya ng bago sa kolehiyo at hindi na muli pang pasasaringan. Pero kabaligtaran ng kasiyahan ng mga ito ang nararamdaman ni Mike.

Against All Odds: Book 2 (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Hindi mapigilan ni Brenda ang malungkot para sa anak habang nakasilip siya sa siwang ng pinto ng kwarto nito. Apat na araw na itong hindi lumalabas ng kwarto, hindi kumakain at hindi bumabangon sa kama. Tatlong araw na itong hindi pumapasok sa eskwelahan na tila ba ang tangi lang gustong gawin ay ang umiyak. Nagsimula ito noong malaman ni Mike ang nangyari sa kaniyang kaibigang si Dan, hindi naman ito naging mahirap intindihin para kay Brenda. Halos anak narin ang turing niya kay Dan at maski siya, kung hindi niya lamang nilalaksan ang loob ay malamang nagiiiyak din siya ngayon kasama ang anak.

Against All Odds: Book 2 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Pakiramdam niya ay panaginip lang lahat ng nangyayari habang tahimik silang naglalakad ng kaniyang ina sa maputi, tahimik at mahabang hallway ng ospital na iyon, hindi maikakaila ang lungkot at pagaalala sa mukha ng kaniyang ina samantalang siya naman ay pilit niya paring pinapakalma ang sariling puso mula sa mabilis na pagtibok nito at ang sariling sikmura na ilabas lahat ng kaniyang nainom at nakain noong nakalipas na gabi.

Against All Odds: Book 1 (21-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[21]
Nagsisimula na akong manginig, itinutok nanaman sakin ni Sandra ang baril tulad ng huli naming pagkikita pero iba ngayon dahil may ilang dipa pa ang layo nito sakin. Agad itong lumingkis kay Jase ng makalapit ito dito.

Against All Odds: Book 1 (16-20)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[16]
Nagme-meeting kaming mga bagong sampa sa Internal Medicine Department. Di ko akalain na nagsisimula ng gumanda ang mga bagay bagay para sa akin. Isang buwan na ang lumipas. Di na ako ngayon isang general practitioner, isa na akong attending physician, isang doktor na may spesyalisasyon. Di lang ito ang ikinagagalak ko ngayon. Maganda na rin ang mga bagay bagay sa pagitan namin ni Jase, wala ng bangayan, di na kami yung dadaan ang isang araw na walang kibuan.

Against All Odds: Book 1 (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Muli kong ibinukas ang mga pinto ng elevator. Mabilis kong tinahak ang daan ulit papuntang parking lot, ramdam ko at alam kong sumusunod sakin si Nathan. Tinulak ko ang pinto palabas ng parking lot, agad nanlaki ang mata ko sa nabungaran. Si Jase, anduon, nagyoyosi.

Against All Odds: Book 1 (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Napatitig ako sa lalaking palapit ng palapit sakin, may nakaplaster na ngiti sa mukha nito at pakawaykaway pa sa aking direksyon. Nun ko lang ulit napagmasdan si Nate, malaki na talaga ang pinagbago nito, wala na ang emo look na noon ay gustong gusto niya, wala na ang mahabang buhok na lagi niyang ipino-ponytail, wala na ang hikaw niya sa may kaliwang kilay na ikinaeeskandalo ng maraming tao, wala na ang punit na pantalon nito.

Against All Odds: Book 1 (Prologue-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Nasa harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga nakaputing nurse at mga naka putting coat na mga doktor. Iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako.