By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Katulad din siya ng
ibang alanganin. Hindi nakukuntento sa iisa. Nagsasawa at laging naghahanap ng
bago. Malaki ang nagawa ng pang-iiwan niyang iyon. Napakalaki ng naging epekto
ng sunud-sunod na dagok na iyon sa aking pangkalahatan bilang tao. Mas nagiging
matibay ako, nagiging mapagkilatis, hindi basta-basta naniniwala sa tamis ng
dila at lalong pinatibay niya ang loob ko sa laro ng kakaibang buhay ng mga
alanganin. Noon ko napagtantong sa pagkataong ganito, kailangan mong
makipaglaro. Kailangan mong sumabay nang di ka naloloko ng paulit-ulit.
-CLYDE in OPEN
RELATIONSHIP
“Mahal kita Clyde.
Masakit sa aking gawin ang iwanan ka ngunit kung ito ang paraan para matahimik
na ang buhay natin ay gagawin ko. Ito lang ang paraan para matigil na ang
pagsasakitan natin sa isa’t isa. Hindi ko alam kung paano akong magsisimulang
muli ngunit alam kong makakaya ko ng paunti-unti.”
-Dale in Open Relationship