Showing posts with label A Dilemma of Love. Show all posts
Showing posts with label A Dilemma of Love. Show all posts

Sunday, February 3, 2013

A Dilemma of Love 13

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


“Pagka-ikot mo, lalayo ka sa akin, pero magkahawak pa rin ang kamay natin...”
Madiin naming hinawakan ang kamay ng bawat isa.
“Ihawak mo sa kanan kong balikat ‘yang kaliwa mong kamay!”
Gusto ko na siyang tuluyang yakapin, hagkan ang buo niyang katawan ng may pagmamahal at pagnanasa.
“Ikot papunta sa akin...”
At sa huli, nagdikit ang aming mga katawan, nagdikit ang aming mga kaluluwang nais makapiling ang isa’t...
KABLAG!!!!
“ARAY!!!”
“Fonse...” Tinawag ako ni mama, pagtawag na may pigil na panggagalaiti.
FUCK!!!! Kanina pa ako wala sa sarili!!!
“Kanina ka pa tinatanong ng tatay mo kung anong nangyari sa practice mo kanina?”
“Ah....ah? Ahhhhh, ‘yung practice ko kanina, oh, ah. Ah, perfect. Naituro naman sa akin ‘yung sayaw...” ang aligaga pero masaya kong sagot. Dinampot ko ang kutsilyo’t tinidor na kanina ko pa binitawan at saka hiniwa ang steak. Haaayyy, kung pwede ko lang talagang sabihin kung gaano kaganda ang mga nangyari kanina.
“Perfect. What an adjective? Parang description ng kasal...” ang sabi ni Papa sabay subo ng steak.
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Habang si Fonse naman ay nangingiting hinihiwa ang steak niya.
 “Bakit sabi ni manang kanina, tumatakbo daw na umalis ‘yung nagturo sa’yo? Ni hindi man lang daw nagpaalam...” sabay subo ng caesar salad.
Bwisit.

Tuesday, January 15, 2013

A Dilemma of Love 12

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


“Ayoko!!!” ang sabi niya sa akin habang nakatingin ng matulis at nasa harapan niya ang kanyang mga brasong parang niyayakap ang sarili niya.
“Pumasok ka na nga! Gusto mo talagang dito sa kalsada magpractice ng sayaw?” ang tanong ko sa kanyang natatawa. Para kasi siyang batang ayaw ibigay ‘yung lollipop na nasa bibig niya. At kapag pinilit uli siyang ibigay ‘yung lollipop niya, sisimangutan ka lang niya...

Monday, January 7, 2013

A Dilemma of Love (11)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


“...Talagang ang regalo mo sa akin eh...MAGNET!!!” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
SA LAHAT NG BAGAY!!! SA LAHAT NG PWEDE NIYANG IBIGAY!!! SA LAHAT-LAHAT, MAGNET LANG!!!
“...Not just a magnet, but a magnet keychain...” saka niya ito itinaas sa level ng kanyang ulo at iwinagayway ito habang parang nagpapacute na nakasalumbaba.
“Eh ano na naman ang gusto mong palabasin niyan...” ang tanong ko sa kanyang pasinghal.

A Dilemma of Love (06-10)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


[06]
 “There is always some madness in love. But there is also always some reason in madness.”
-Friedrich Nietzsche
----------------------------------------------------------------------
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NANG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!
Halata sa boses niya ang galit, ang sobrang galit. Wala siyang pakialam kahit na may makarinig sa isinigaw niyang iyon, wala siyang pakialam kahit na malaman ng tao na may hindi kami pagkaka-unawaan. At ang huli...
...Wala siyang paki kahit na isang gwapong katulad ko ang sinisigawan niya...
Talagang nawalan na siya ng pasensya. Kitang-kita mo yun sa panggagalaiti ng halos namumula niyang mukha, bakas na bakas mo sa kanyang mga labi at sa nakakunot niyang noo at mga kilay, damang-dama mo sa matalas, nakakatakot, at nag-aapoy niyang tingin.

A Dilemma of Love (01-05)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


[01]
“SANDALI LANG!!”


Sinubukan kong pigilan ang tuluyan niyang paglayo mula sa akin. Tinangka kong abutin ang kanyang kamay mula sa pulutong ng mga estudyanteng matuling naglalakad sa hallway na iyon. At nang mahawakan ko ang kanyang kamay, buong loob ko siyang hinagkan sa aking bisig at yinakap siyang wari’y kaming dalawa lang ang narorooon, walang pakialam sa maaaring maganap, walang pakialam sa sasabihin ng iba...