By: Joemar Ancheta
Blog:
joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta
Kinabukasan
ay masayang pumasok ang mga anak ko sa kuwarto ko. Nakaidlip man ako ngunit
nasa mahigit isang oras lang. Mabigat man ang katawan kong bumangon sa kama ay
kailangan kong gawin dahil gustokong iparamdam sa mga bata at sa pamilya ko na
masaya ako kahit naroon ang pangungulila at takot. Kailangan kong makisaya sa
kanila. Buong umaga kaming namasyal at kinahapunan ay nagpiknik kami sa
Tagaytay gamit ang sasakyan ni kuya. Alam kong ramdam ng pamilya ko ang lungkot
sa aking mga mata. Gumuguhit man ang ngiti sa aking labi ngunit naroon ang
pait. Minsan nga nawawala ako sa saking sarili na kahit kinakausap ako ay hindi
ko sila nasasagot. Naririnig ko sila ngunit hindi ko sila naiintindihan.
Nandoon ko physically pero na kay Xian ako mentally at emotionally.