Desert Diary Story 16 – Birthday ni Pareng
Ryan
Ni Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com]
Blog: desert-diaries.blogspot.com
“Hi! Puwede bang
magpa print ng colored”. Nagulat na lang ako habang nakipag kuwentuhan ako sa
aking kaibigan sa telepono ng biglang kumatok sa pintuan ng office ko si Ryan,
ang cute sa Engineering. Hay, ganito naman silang mga taga Engineering, hindi
namamansin kung walang kailangan. Pero kung may kailangan, super galang ang mga
putah! At sobra sa pa cute. Kung sabagay, pogi talaga itong si Ryan na ito. At
ang cute niyang talaga. Pero dahil PINOY, distansya pa rin ako kasi problema
lang yan.
Ngumiti ako, ngiting
Close-up sabay paalam sa aking kausap sa phone. “Sure.”
“Pinadala ko na sa
email mo, paki bukas na lang”. At ngumiti ito ng napakatamis na ngiti.
Hindi na ako nag
aksaya pa ng panahon at binuksan ko na lang kaagad ang aking Outlook. True
enough, andoon na nga yong email niya at may dalawang attachments.
“Mga credentials mo
ba ito?” tanong ko pagkatapos kong buksan ang attachments.
“Oo. Kailangan daw
eh”.
“Bakit? Susunod ka na
ba sa mga nakaalis na patungong US?” Marami kasi kaming m ga detailers na naka
alis na patungong States at siguro ay susunod na rin itong si Pareng Ryan na
ito.
“Sana”.
“Kaya mo yon, sa
galing mong yan”.
Hindi naman nagtagal
ang pag print ko kasi high speed naman ang aking colored printer sa opisina
kaya natapos din kaagad.