Showing posts with label Make Me Believe. Show all posts
Showing posts with label Make Me Believe. Show all posts

Tuesday, December 25, 2012

Make Me Believe (Finale)

by: Zildjian

“We’re glad na maganda ang kinalabasan ng forced leave sa’yo Kenneth.”

“Korek!Mukhang marami nga ang nangyari sa isang linggong bakasyon mo.”

“May naghatid sa kanya kanina nakita ko.”

“Sino?” Ang sabay-sabay na wika ng mga kaibigan-cum-katrabaho kong mga tsismoso at tsismosa.

Make Me Believe (25)

by: Zildjian

Habang pinagmamasdan ko si Martin na mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.

Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.

Make Me Believe (25)

by: Zildjian

Habang pinagmamasdan ko si Martin na mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.

Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.

Make Me Believe (25)

by: Zildjian

Habang pinagmamasdan ko si Martin na mahimbing na natutulog at nakayakap sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Kanina, nang pag-isahin nito ang aming katawan at kaluluwa ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang kaligayahan. The man I longed for the longest time had finaly came and made me feel how much he loved and cared for me.

Sa bawat indayog, sa bawat ulos at sa bawat halik nito ay hindi ko maikakailang ramdam ko ang kung anumang damdamin nito para sa akin. Hindi ko lubos mapaniwalaan ang lahat. Ang taong matagal ko nang pinapangarap ay heto’t katabi ko sa kama. Parang isang panaginip, isang napakagandang panaginip na sa wakas, sa matagal na panahon na paghihintay ay hindi ko lang nakadaupang-palad kundi nakaniig ko na rin ang taong pinakamamahal ko, ng higit pa sa buhay ko.

Make Me Believe (24)

by: Zildjian

Martin

“Kamusta ang kalagayan ng anak ko Doc?” Nag-aalalang tanong ng mama ni Kenneth sa doctor na tumingin dito.

“He will be fine. Kailangan lang niya ng sapat na pahinga para makabawi ang katawan niya sa ibayong pagod at stress. Wala namang naging kumplikasyon ang natamo niyang sugat sa ulo dala ng pagkatumba niya sa sahig.” Tugon ng doctor.

Make Me Believe (23)

by: Zildjian

Ilang araw na ang lumipas matapos na makita ni Nhad ang pag-uusap namin ni Martin, at sa bawat araw na iyon ay sinubukan kong kausapin ito, subalit hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Tuluyan na itong nilamon ng galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kung hindi sana ako naging mahina, hindi kami aabot sa gano’ng punto.

Make Me Believe (22)

by: Zildjian

Kenneth

Tatlong araw na rin ang nakalilipas, at sa loob ng tatlong araw na iyon siniguro kong hindi na muling makakalapit pa si Martin sa akin. Ayaw kong gawing komplikado ang lahat at lalong ayaw kong masira ang relasyon namin ni Nhad.

Ang sabihin mo umiiwas ka dahil alam mong malapit ka nang bumigay. Malapit mo na namang paniwalaan ang mga pinapakita niya. Usal ng isang bahagi ng isipan ko.

Make Me Believe (21)

by: Zildjian

“Okey ka lang ba Ken?” Simpleng katanungan lamang iyon pero hindi ko mabigyan ng kasagutan dahil sa iba’t ibang pakiramdam na bumabalot sa buo kong katauhan.

Matapos ang deklarasyon na nangyari kaninang tanghali nang paunlakan ko si Martin sa imbitasyon nito, ay hindi ko na alam kung anu ang p’wede kong maramdaman o mas tamang sabihing hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, o dapat kong maramdaman.

Make Me Believe (20)

by: Zildjian

Hindi parin natitinag si Martin sa kadadaldal habang minamaneho nito ang kanyang bagong sasakyan papunta sa apartment na tinutuluyan ko. Sa sobrang pagkabigla ng biglaang pagsulpot nito mula nang umalis ito at magpakalayo-layo mahigit tatlong buwan na, ay natagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob na ng sasakyan nito nang pasakayin niya ako kanina.

Oo, pansamantalang nakaramdam ako ng pagka-miss dito. I longed for my bestfriend na matagal ko ng gustong makita pero, agad naman din iyon napalitan ng pagkainis habang kinakausap ako nito na parang wala lang nangyaring hiwalayan sa amin. It’s as if he didn’t left me at all, at iyon ang ikinaaasaran ko. Pakiramdam ko kasi ay parang wala lang sa kanya ang matagal naming hindi pagkikita habang ako ay halos isang buwang nagluksa.

Make Me Believe (19)

by: Zildjian

“Ito po si Lantis ang sinasabi ko sayo Manang Susi na intersado mangupahan sa apartment.”

“Siya ba? Ka gwapong bata naman nitong kaibigan mo iho.” Ang nakangiti nitong sabi.

“Salamat po.” Tugon naman ni Lantis.

Napag-alaman nitong bakante ang isang kwarto sa inu-upahan kong apartment. Kinausap ako nito kung pwedi siyang mangupahan kasama ko. Hindi naman ako nagdalawang isip dahil naging kaibigan ko na rin ito sa nagdaang mga buwan. Suplado, hindi palasalita at minsan lang ngumiti si Lantis pero hindi maikakailang mabait na tao ito tulad ng mga kaibigan niya.

Make Me Believe (18)

by: Zildjian

“Hindi naman kayo nag-abiso Ma na luluwas pala kayo rito.”

“Nag-aalala na kasi ako sa ‘yo anak.  May katagalan na rin nang huli kang magparamdam sa amin ng kapatid mo. Baka kako kung napa’no ka na.”

“Wala ho kayong dapat ipag-alala sa akin Ma, ayos lang ako rito. Mabuti na lang at gising pa ako nang tumawag kayo para magpasundo sa terminal.”

Make Me Believe (17)

by: Zildjian

“Siguradong masaya ang beach party na naisipan ng mga kaibigan mo Ken.” Ang wika ni Nhad habang binabagtas namin ang daan pauwi. Muli itong nagpumilit na ihatid ako sa kabila ng pagtanggi ko sa kanya.

“Ayon nga. Sobrang bilis magpasya ng mga sira-ulong ‘yon.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kahit kailan talaga pahamak sa katahimikan ko ang mga sira-ulo kong kaibigan na kasamahan ko rin sa trabaho.

Make Me Believe (16)

by: Zildjian

Matapos magkapag-lunch sa bahay nina Nhad ay inihatid ako nito sa apartment na tinutuluyan namin. I must admit that last night really shocked the hell out of me. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa ginawang pagtatapat ng lalaking naging hobby na ata ang manggulat. Pero aaminin ko na kahit papaano ay pansamantala kong nakalimutan ang sakit na idinulot sa akin ng pagpapakatanga ko sa aking matalik na kaibigan.

Make Me Believe (15)

by: Zildjian

“Hindi ko alam na may ganito palang bar dito.” Ang may pagka-groogy nang wika ko kay Nhad. Dinala ako nito sa isang bar matapos ang eksena sa apartment kanina. “I’m really not that fond of mixed drinks before. Mabilis kasi akong patumbahin ng mga hinayupak na ‘to. But this one is great.” Dagdag wika ko pa rito habang nakaupo kami pareho sa bar counter.

Kahit halata na sa mukha nito ang pag-aalala sa akin ay ngumiti pa rin ito. Marahil ay hinahayaan lang nitong mailabas ko ang sama ng loob ko. Nhad is very observant and sensitive sa mga taong nasa paligid niya, malamang alam na nitong may mali sa mga ikinikilos ko.

Make Me Believe (14)

by: Zildjian

“Hi Ken, I’ll see you at Juliu’s Restaurant 7pm.”Ito ang text na natanggap ko galing kay Nhad pagkagising ko. Araw ng Sabado, rest day ko at naimbitahan ako nitong lumabas kaninang aksidente namin itong makasabay ng mag-lunch break kami ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Restaurant? Ang naitanong ko sa aking isip na parang di makapaniwala. Nakakahiya mang aminin pero sa edad ko ngayon na 23, ito ang unang makikipag dinner ako sa labas lalo na sa isang lalaki. Maski no’ng college pa kami, kahit may mga babae nang nagpapakita ng interes sa akin ay wala kahit isa sa kanila ang niyaya o sinamahan kong makipag dinner.

Make Me Believe (13)

by: Zildjian

Kinabukasan, nauna akong nagising kay Martin. Agad na gumuhit ang magandang ngiti sa mukha ko nang makita ang posisyon naming dalawa habang natutulog.  Nakadantay ang isang kamay ni Martin sa akin habang ang ulo nito ay nagsusumiksik sa aking balikat.

Ilang minuto ko munang hinayaan ang sarili kong magsawa sa posisyon namin. Hindi ko pa rin maiwasang pamulhan nang maalala ko ang kahihiyang sinapit ko kagabi nang marinig nito ang mga papuri ko sa kanya. Maingat akong tumayo sa kama para hindi ko maabala ang mahimbing pa rin nitong tulog.

Make Me Believe (12)

by: Zildjian

“Mukha ka atang naluging bombay ngayon Ken?” Ang nakangiting wika ni Rex.

Break namin at gaya nang dati naming ginagawa ay tinungo namin ang Mcdo na malapit sa opisinang pinagtra-trabahuhan namin para kumain.

“Kulang lang siguro ako nang tulog.” Yon nga siguro ang dahilan kung bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Kanina pa kasi medyo may kabigatan ang katawan ko isama mo pa ang paminsan-minsang pagsakit ng sintido ko.

Make Me Believe (11)

by: Zildjian

“Why are you here `Ma? And how the heck did you find me? Hindi ba’t itinakwil na ninyo ako ni Papa?” Batid ko ang galit at pagtatampo sa boses nito. Martin cannot deny the fact that even if he hated the woman sitting in front of him right now he still missed her. After all, mama pa rin niya ito.

“You can’t blame me for missing my only son. Nag-hire ako ng tao para ipahanap ka. Don’t worry hindi ito alam ng Papa mo.”

Make Me Believe (10)

by: Zildjian

Patapos na ang kanta ni Jay nang makabalik ako sa mesa kung saan masayang nakikisabay sa kanta ang mga kasama ko sa trabaho na ngayon ay mga kaibigan ko na rin. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa ako na ang susunod na sasalang sa isang marubdob na kahihiyan sa buong buhay ko.

Muli kong nilibot ng tingin ang buong bar na iyon, ngunit sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil umapaw na naman ang kaba sa aking dibdib nang makita ang maraming taong naroon. I know from the very beginning na hindi ako binigyan ng Maykapal ng kakayahang kumanta kaya naman kakaibang kaba ang dulot nito sa akin ngayon.

Make Me Believe (09)

by: Zildjian

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos kong aminin ang tunay na nararamdaman ko para kay Martin. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniintindi ang huling salitang binitiwan nito sa akin.

“’Wag.”

Sobrang simple ng salitang iyon, pero ang hirap intindihin kung ano ang kanyang ibig sabihin nang sabihin niya iyon sa akin.