Showing posts with label The Accidental Crossdresser. Show all posts
Showing posts with label The Accidental Crossdresser. Show all posts

Friday, February 8, 2013

The Accidental Crossdresser 11

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Cmon Alexis? Wag mong sabihing hindi na ganun ka-intense ang panglaban mo sa alcohol?” wika nung Sam na nakasumbrero sabay offer sa akin na uminom ng pinakabago umanong drinks ng Bar 101.


Hindi naman ako lumaki sa bundok.... Ok lumaki ako sa bundok.


Hahahaha. Denial Queen lang ang peg? Chaka.


Lumaki ako sa bundok para magtraining at sanayin ang aking fighting skills. Doon rin sa isolated na bundok na iyon ay may isang pribadong building na pagmamay-ari  ng Black Society, doon kami nag-aral ng parehong mga aralin na natutunan ng ibang ordinaryong bata sa isang normal na paaralan.


Kaya naman ng bumaba na sila dito ay daig pa nila ang mga sopistikadong mga tao sa kanilang mga natutunan. Bumaba sila mula sa kanilang training ground ng handa at bagong tao. Wala silang record sa NSO o sa anupamang ahensya ng gobyerno. Ang kanilang apelyido ay pinalitan ni Gustav Robredo, ang kanilang Master Black. Kaya naman napakadali lang sa kanila ang magpalit ng katauhan kung kinakailanagn ito sa isang misyon. Documents can be forged.


Kinuha ko ang inumin na inaalok sa akin at sinimsim ko ng kaunti gamit ang straw.


“That’s my girl...” excited na cheer nito sa akin.


Pinakiramdaman ko ang iniinom kong alak. Sabi ko na nga ba... may inihalo silang kakaiba sa iniinom ko. Pumupunta rin naman ako sa mga bar yun nga lang ay hindi ako naglalalabas dito sa Ilocos dahil narito nga ang Black Society, mas maiigi na walang nakakakilala sa kanya sa lugar kung saan siyanag nagta-trabaho. He treated Ilocos Norte as his personal work space... no extra monkey business. Saka ko lamang nagagawa ang ginagawa ng normal na tao sa mga lugar kung saan ako nadedestino para sa isang misyon.

Thursday, January 17, 2013

The Accidental Crossdresser 10

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Are you ready anak? Its time to inform everyone that Alexis Saavedra is back” tanong ni Anita Saavedra sa akin ng pumasok siya sa kuwarto.


I am nervous. No. Dying. Hindi ko inakalang sa pagpapanggap kong ito ay kailangan kong pagdaanan ang mga kumplikadong proseso. Its not as easy I thought. Akala ko being femininely the same would be an advantage. This is the most challenging mission I had to date. Hindi ko naman inakala na ang pagpasok sa mundo ng alta sosyedad ay magiging ganito kahirap. Daig pa ni Alexis ang babae kung itrato siya rito sa manision. She was like the princess in her own kingdom. And Ilocos Norte is her dynasty.

Tuesday, January 15, 2013

The Accidental Crossdresser 09

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Anak...anak... wake up”


“Anak...”


Naalimpungatan ako ng mga tawag na iyon. Mga tawag na naglalambing... nagiingat na huwag akong mabwisit sa pagkakaistorbo ng aking tulog.


“Hmmmmmmm” marahan kong reklamo ng tuluyang magising ang aking diwa. Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata ay nakita ko ang isang anghel.... Hindi. Kriminal. Isang mamatay tao. Isang...ina.

The Accidental Crossdresser 08

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Bwaaaaaaaaaaaaaaarkkkk”


“Yuckkkkkkkkkkk kuya!!! Kadiri ka!” sigaw niya sa akin ng isuka ko ang fried chicken na niluto niya.


Dali-daling lumabas siya sa kuwarto at narinig ko na lang na nagtatakbo siya pababa ng hagdan. Hindi man lang niya naisip na may sari-sarili kaming banyo at pwedeng doon na lang siya maglinis. Kahit kailan talaga iyang baklang iyan minsan mag pagkabobo kahit pa siya raw ang pinakamatalino sa pamilya.

The Accidental Crossdresser 07

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Lalabas lang sana ako wala kasi akong magawa sa kwarto... Im kinda bored” sagot ko sa kanya ng tanungin niya ako kung saan ako pupunta. Syempre, kailangan ko na namang magpalusot nito.


“Tigas rin ng ulo mo no? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko na hindi ka pwedeng lumabas? pati ba utak mo naging utak isda na ng matambay ka sa isla?”

Monday, January 7, 2013

The Accidental Crossdresser (06)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

So bale ganito na ang maabutan ko kada umaga?


Tanginang buhay to. Nakakainis. No. Nakakawalang ganang mabuhay. That is the right word. Ikaw ba naman ang laging gumising araw-araw tapos maabutan mo yung baklang iyon? He is a pain in the ass I swear.


Maaga pa naman but I just dont want to stay that long in the house. Knowing na katabi ko lang siya ng kuwarto at pagkatapos ay may posibilidad na makabangga ko siya o makasalubong kada minuto na lalabas ako. And maybe... there’s a possibility na kunin niya uli yung kuwartong tinutulugan ko ngayon.

The Accidental Crossdresser (01-05)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

[01]
Laoag City Ilocos Norte



“Black Scorpion” tawag sa akin ng isa sa mga staff ng Black Society.


Inangat ko naman ang aking ulo para tingnan ang bumulaga sa aking opisina. Siya si Angelo isa ring secret agent ng Black Society ngunit mas kilala ito sa pangalang Thorn Black.