The Engineer
Nakatira kami sa
isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive
ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May
kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang
mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa.
Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang
ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng
bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking
nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa
aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang
makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang
doctor bago ako sumunod sa US.
Subalit nagbago ang
lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay
namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador
na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng
semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi
kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa
hospital.
Nang minsang nagising
ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga
bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay.
Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador
dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga
nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay
ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat
lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil
nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.






