Sunday, February 3, 2013

16

HALA!
from number 59, NUMBER 16 na po TAYO.

MARAMING SALAMAT PO!!!


ingat :)

Bayaran

Bayaran


Graduation day noon ni Nico ng magkaroon ng medyo malaking handaan sa kanilang bahay. Graduate na siya ng kusrong commerce at tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang dahil siya ang panganay nilang anak at inaasahan nila na makatutulong na ito sa kanila sa pagpapaaral pa ng lima pa nitong nakababatang kapatid. Nagkataon din na sa araw na iyon ay nadalaw ang bunsong kapatid ng kanyang tatay na naninirahan sa Maynila na nagngangalang Enrico. Kaya naman kahit papaano ay nakumpleto ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng kanyang pagtatapos sa college.

Matagal na rin nilang di nakakapiling ang kanyang Tito Enrico sapagkat mas ginusto nito ang manirahan sa Maynila. College pa lamang siya noong una siyang nanirahan sa Maynila. Hindi man niya natapos ang kanyang kurso ay pinilit pa rin niyang manatili doon. Hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit nais niyang manatili sa Maynila, nais din niyang iwasan ang pamilya ng babaeng nabuntis niya ilang taon na ang nakakaraan subalit ayaw niyang panagutan. Marami-rami na rin ang nagawang kalokohan ng kanyang tito sa kanilang lugar. Kaya naman tila ayaw na nitong umuwi pa sa lugar na iyon. Nasa high school pa si Nico ng huling magbakasyon ang tito niya.

Natatandaan pa ni Nico na noong bata pa siya ay ang Tito Enrico niya ang madalas magbantay sa kanya sa tuwing aalis ng bahay ang kanyang mga magulang. Mahigit lamang sa sampung taon ang agwat ng edad ng kanyang tito sa kanya. Dahil sa bunsong kapatid ito ng tatay niya ay doon na sa kanilang bahay nanirahan ito ng mamatay ang mga magulang ng kanyang tatay. Nahiwalay lamang ang kanyang tito sa kanila ng nagpumilit itong mag-aral sa Maynila. Kaya naman daw niyang suportahan ang sarili kaya hindi na ito napigilan ng kanyang tatay. Simula noon ay madalang na itong magbakasyon sa kanila. At sa tuwing magbabakasyon ito ay nakakagawa pa ito na kalokohan tulad ng pagkabuntis ng isang kababaryo nila.

Basta Driver Sweet na Sweet

Basta Driver Sweet Na Sweet


“Nasaan na nga ba si Buboy?” ang tanong ko sa aking secretary. “Male-late ako sa meeting ko. Sa Quezon City pa naman iyon.”

“Sir, hindi po pumasok si Buboy. Nasaksak daw po noong weekend.” ang sagot ng aking secretary.

“Eh papaano yan. Coding yung sarili kong sasakyan. Sino ang magda-drive ng service vehicle?” muli akong nagtanong sa aking secretary.

“Sir, may reliever na pong pinadala yung agency. Tatawagin ko lang po.” ang tugon ng aking secretary.

Hindi nagtagal at lumapit sa akin ang isang lalaki na nasa 5’ 8” ang taas, matipuno ang katawan at mukhang tahimik. ‘Di ko gaanong pinansin ang kanyang pagmumukha dahil nagmamadali akong umalis ng opisina. Sa loob ng aming service vehicle ay medyo napagmasdan ko ang driver na reliever. May itsura pala siya lalo na kung tititigan mo ng matagal. Nakagawian ko na kasing umupo sa passenger seat sa unahan kaya mahahalata talaga ako kung titingin ako sa nagmamaneho. Siguro ay napansin niya akong nakatingin sa kanya kaya nginitian na lamang niya ako.

“Syanga pala, di ko pa alam ang iyong pangalan” ang bungad ko sa driver na iyon.

“Sir, ako po si Julius. Minsan na rin po akong na-assign sa office ninyo noong nangailangan kayo ng reliever na driver.” ang tugon ng driver sa akin.

Bakasyon Grande

Bakasyon Grande


Summer na naman. Syempre uso na naman ang magbakasyon sa province lalo na sa may tabing dagat o kung saan man na may magagandang pasyalan at paliguan. Naalaala ko tuloy noong isang summer vacation na naganap sa isang dati kong staff dito sa opisina ko. Kahit nasa 20s pa lang ako ay supervisor na ako sa isang opisina dito sa Makati. Laki akong syudad kaya wala akong maituturing na probinsya. Pati ang mga magulang ko ay dito na rin namulat sa syudad.

Abril noon ng magplano ang ilang staff ko na magbakasyon sa bahay ng kasamahan nila sa opisina, si Jun-jun. Mabilisan ang pagpaplano kaya napa-oo din ako na sasama at lahat ng lakad ko ng weekend na iyon ay ipinagpaliban ko muna. Biyernes ng gabi ang balak naming pagluwas sa probinsya ni Jun-jun. Kaya pagpasok ko sa opisina ay dala ko na ang mga damit ko. Subalit laking gulat ko ng ang apat pang dapat sasama sa amin ay biglang nagsabing di sila makakasama sa kung anu-anong dahilan. Parang napahiya si Jun-jun sa ginawi ng apat ng ka-opisina namin. Kaya naman tinanong niya ako kung okey lang kung kami lang dalawa ang tutuloy sa kanila. Pumayag ako dahil alam ko na naghanda din ang daratnan namin sa bahay nina Jun-jun.

5:01 PM ng lumabas kami ng opisina ni Jun-jun. Kotse ko na lamang ang ginamit namin patungo sa kanilang probinsya. Malapit lang naman ito sa Manila kaya bago mag-alas dyes ng gabi ay narating na namin ang bahay nina Jun-jun. Mukhang malayo ito sa kabihasnan at malayo din ang mga kapitbahay nila. Napapaligiran ito ng malawak na bukirin na ayon kay Jun-jun ay sinasaka ng kuya niya ang ilan doon. Pagtapat ng sasakyan namin sa harap ng bahay nila ay lumabas ang kuya ni Jun-jun. Pinakilala niya itong si Jessie. Ilang saglit pa ay lumabas ang isang batang lalaki na pinakilala namang anak ni Jessie.

Angel's Eyes

Angel's Eyes


“Angelito, ikaw ng bahala dito kay Mr. Robbie. Huwag mong kalilimutan ang mga gamot na dapat niyang inumin. Yung mga hindi pa masyadong magaling na sugat nya, lagi mong linisan at palitan ng dressing.” ang bilin ng doctor kay Angelito habang hinihintay nila ang sasakyang susundo kay Robbie papauwi sa bahay nito. “And don’t forget yung check up nya next week.” ang dugtong pa ng doctor.

“Yes doc. Noted po lahat ng bilin ninyo.” ang tugon naman ni Angelito.

Si Angelito ay isang nurse na tumatanggap ng extra duty bilang private nurse ng mga pasyenteng na sa bahay na lamang nagpapagaling ng kanilang karamdaman. Maayos naman ang sweldo ni Angelito sa hospital na iyon. Pero dahil nga kailangan niya ng mas malaking income para itaguyod ang kanyang pamilya ay okey lang sa kanya ang maging private nurse ng mayayamang pamilya. Nasa mid-20’s pa lamang si Angelito at nasa kalakasan pa ang kanyang katawan upang kayanin ang pagiging private nurse na stay-in pa sa bahay.

Si Robbie naman ay isang binata na nasa mid-20’s tulad din ni Angelito at isang anak mayaman. Naaksidente siya sa pagmamaneho ng kotse pero naging maswerte naman na nakaligtas sa sakuna. Subalit napinsala ang kanyang mga mata at may bali sa kanyang kanang paa at di mabilang na sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Palibhasay anak mayaman kaya nagpasya na lamang magpagaling sa bahay sa pangangalaga ng isang stay-in private nurse. Si Angelito nga ang naatasan ng hospital na maging private nurse ni Robbie. Sa taglay na pangangatawan ni Angelito ay kayang-kaya niyang buhatin o alalayan si Robbie sa bawat pagkilos nito.

Ang Tindahan ni Mang Peter

Ang Tindahan Ni Mang Peter


“Pabili nga po.” sabay katok ko sa harap ng munting sari-sari store.

“Sandali lang” ang narinig kong boses na tila nagmula sa likod ng tindahan. Di nagtagal at pumasok sa loob ng tindahan ang isang mama na sa tingin ko ay nasa 50 years old na. “Ano yun iho?” ang tanong ng mamang pumasok sa tindahan.

“Pagbilhan nga po ng dalawang litrong coke. Yung malamig na malamig po” ang tugon ko naman.

Inabot niya sa aking ang dalawng litrong coke at inabot ko naman ang aking bayad. Nang iabot niya sa aking ang aking sukli ay muli siyang nagtanong. “Kayo ba ang bagong lipat diyan sa bahay na iyan? Mukhang maganda ang inyong bahay pero hindi pa yata tapos.”

“Opo, kami nga po ang may-ari ng bahay na iyan. Binili ko sa ka-opisina ko kasi sa Australia na daw sila ng kanyang buong pamilya maninirahan. Di pa nga tapos pero kailangan na naming tirahan. Sayang din ang upa namin sa apartment.” ang aking naging tugon.

“Kaunti na lang naman ang kailangan at matatapos na rin iyan. Pwedeng pwede na namang tirahan” ang nasabi ng mama sa akin.

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 08

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Nasakalagitnaan na ako ng pagsisilip ng may biglang tumapik sa likod ko.

“Ano ang ginagawa mo diyan?” sambit ng pamilya na boses sa likuran ko.

(Ay putik!) sa isip ko lang

Mabuti na lang at nasilayan ko siya sa side mirror. Si Philip pala.

“Ah. Eh. Kasi may hinahanap ako eh, baka nahulog lang dito.”

“Talaga? Ano naman iyon?”

Hindi ko alam ang isasagot pero ang unang sumagi sa isip ko ay ang ID ko.

“Yong ID ko kasi baka nahulog dito eh!”

“Sigurado ka ba?”

“OO naman! Diba ako ang nagdrive ng sasakyan? Eh siguro paglabas ko ng kotse ay nahulog dito?”

“Talaga lang ha. Eh kasi diba hindi ka naman dito lumabas ng kotse. Remember?”

(Lagot! OO nga pala! Putik! May utak talaga ang gagong ito) sa isip ko lang

“Ah… Oy! Saan ka ba nagpunta at nasaan si Prince? Kanina pa kita tinatawagan. Hindi ka sumasagot!” paiba ko ng mood

“Eh diba nagmeeting tayo? May activity kasi kami mga freshmen. Signature Hunting kasi kaya hinagilap pa namin ni Prince ang mga taong nakasulat sa note na ibinigay sa amin eh! Hey bakit iniiba moa ng tanong ko?”

“Wala!”