Friday, January 11, 2013

Taking Chances (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Nagising si Chino na may nararamdamang mabigat na nakapatong sa kaniyang tagiliran at matigas na katawan na nakadikit sa kaniyang likuran, naalala niya na kasama niyang matutulog ngayon si Chris sa kaniyang bahay habang andun din si Jed, saglit siyang napangiti at pinigilan ang sarili na mapahagikgik. Ini-atras niya ang kaniyang sarili sa katawan ni Chris at isiniksik ito, muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.




Kung sasabihin mo kay Chino noon na makakatabi niya si Chris sa isang kama at literal na isisiksik niya ang katawan niya dito ay malamang sinapak ka nito o kaya naman ay tinawanan. Ni sa hinuna ni Chino ay di niya aakalain na magkakagusto rin siya sa modelong iyon.



“Why are you smiling like that? And why the hell are you snuggling closer to me?” natatawang tanong ni Chris kay Chino agad namang nagbukas ng mga mata si Chino, halos tumalon palayo kay Chris pero hinawakan siya ng mahigpit nito. Nakita niyang nakataas ang ulo ni Chris, tukod tukod ng kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay nito ay nakabalot parin sa katawan niya, nun niya lang napagtantong marahil ay gising na ito nang imulat niya ang kaniyang mga mata, ngumiti at nang isiksik niya ang sarili dito kanina.



Kung may posibilidad pang mamula sa pagkahiya si Chino ay namula pa nga ito.



“Awww! Did I tell you that you're cute when you blush like that?” taas babang kilay na tanong ni Chris na lalong ikinamula ni Chino saka nagbigay ng matipid na ngiti, muling natigilan si Chris sa ibinigay na ngiti ni Chino, wala sa sarili niyang inilapit ang kaniyang mukha dito. Pinagmasdan ang mga magagandang labi ni Chino, tila ba gusto niya itong---



Dahan dahang inilapit ni Chris ang kaniyang mga labi pasalubong sa mga labi ni Chino, ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga labi---



“Breakfast is ready!” sigaw ni Jed sa may pinto ng kwarto ni Chino, sabay na napatingin si Chino at Chris sa may pinto, binigyan lang sila ng nakakalokong ngiti at tingin ni Jed saka tumalikod at naglakad pabalik ng kusina.



Agad na tumayo si Chino at kumawala sa bisig ni Chris, nagbuntong hininga at umiling naman ang huli.



“Someday I'm going to kill that sonovabitch!” singhal ni Chris na ikinahagikgik naman ni Chino.



Pumasok si Chino ng CR, nagulat ito ng sundan siya ni Chris, kinindatan siya nito, agad na nakaramdam si Chino na panlalambot ng tuhod sa simpleng pag-kindat na iyon ni Chris. Binigyan niya ulit ito ng matipid na ngiti.



Natigilan naman si Chris, gusto niyang gahasain sa loob ng banyong iyon si Chino matapos siya nitong ngitian ng ganun. Lumapit siya kay Chino, nakita ni Chino ang seryosong mukha ni Chris habang papalapit sa kaniya, tila naman siya napako sa pagkakatayo. Inilapat ni Chris ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Chino, napapikit si Chino nang maramdaman ang malalambot na labi ni Chris, nilaro ni Chris ang babang labi ni Chino, marahan itong kinagat at saka itinuton ang kaniyang mga labi sa itaas na bahagi ng labi ni Chris, nagbuntong hininga si Chino na lumabas na parang ungol, inisip ni Chris na paanyaya ito mula kay Chino, di naman siya nabigo, tinukso ng kaniyang dila ang mga labi ni Chino, pinagbiyan siya ni Chino at saglit na naglaro ang kanilang mga dila, tila sinasaulo ang loob ng bibig ng bawat isa.




“BREAKFAST IS READDDDYYYYYY!” sigaw ulit ni Jed sa di kalayuan. Agad na kumawala sa pagkakagulat si Chino mula sa halikan nilang iyon ni Chris, tinignan niya si Chris, nakita niya ang pagkinang ng mga mata nito at ang ngiti na tila ba para sa kaniya lamang. Napangiti din siya, idinikit ni Chris ang kaniyang noo sa noo ni Chino ang dulo ng kanilang mga ilong ay magkasalubong at para silang mga tanga na nagngi-ngitian sa isa't isa.



“How was the kiss?” pabulong na tanong ni Chris, hindi niya inaalis ang tingin niya sa mga mata ni Chino.



“Like fireworks and magic.” wala sa sariling sagot ni Chino, hindi na niya kailangang halughugin ang kaniyang utak para sagutin ang tanung na iyon ni Chris. The kiss was exactly like fireworks ang magic.



Inilapit ulit ni Chris ang kaniyang mga labi sa labi ni Chino, napapikit na ang dalawa bago pa man magdikit ang mga labi nila.



“BREAKFAST IS READDDDYYYYYY!” sigaw ulit ni Jed sa may pinto ng CR. Tinignan ng masama ni Chris at Chino ang intrimitidong si Jed.



“Do you have a gun, baby?” tanong ni Chris habang magkasalubong parin ang kanilang mga noo at ilong.



“Huh?” nagtatakang tanong ni Chino.



“I'm going to kill, Jed.” nagbibirong sagot ni Chris. Napahagikgik naman si Chino.



“C'mon, breakfast is getting cold.” aya ni Chino.



“awwww... Do we have to?” parang batang tanggi ni Chris sa alok ni Chino at Jed.



“Did you just whine like a kid?” pangiinis ni Chino kay Chris, binigyan naman siya ng nahihiyang ngiti ni Chris.



“Yeah, I think I just did.” nahihiyang sagot ni Chris. Napahagikgik si Chino.



“C'mon you childish asshole!” humahagikgik na hila ni Chino kay Chris.



“Hey!” sigaw ni Chris.


0000ooo0000



Narinig ni Jed na paparating na ang dalawa kaya naman palihim siyang napangiti, naisip niyang asarin ang dalawa patungkol sa nakita niyang pagtiti-tigan kanina ng mga ito. Nang maramdaman niyang nakalapit na ang dalawa ay sinimulan na niya ang pagkanta.



“I think I'm in-love... I think I'm in looove with youuuu...” narinig niya ang pagkalansing ng kutsara at tinidor sa likod niya at napangiti siya bago humarap, pagkaharap niya ay nakita niya ang gulat na gulat na mukha ni Chino, tila ba hindi ito makapaniwala sa swak na swak na obserbation ni Jed sa nararamdaman nito habang si Chris naman ay tila naguguluhan sa mga nangyayari.



“Oh, there you are. I though you're having se---”



“What are you cooking?” putol ni Chino sa sasabihin sana ni Jed, napangiti si Jed habang si Chris naman ay naguguluhang lumapit sa coffee maker at nagsalin sa isang tasa.



“I'm cooking pancakes.” sagot ni Jed.



“Ohh! I haven't had pancakes since---” agad nabura sa mukha ni Chino ang ngiti nang maalala niya na si Francis ang huling nagluto ng pancake para sa kaniya.



Hindi nakaligtas iyon kay Jed, para kasi sa kaniya, ang ganoong reaksyon ay para lamang sa mga magkasintahan na nawalay sa isa't isa, pero maaari rin namang nagkakamali siya at baka magkaibigan lang talaga ang mga ito pero malakas ang hinala niya na hindi lamang mag best friend ang kaniyang kapatid at ang lalaking asa harapan niya ngayon. Siguro ayaw ipaalam ni Chino sa kaniya ang relasyon na iyon dahil sa takot na husgahan niya ang kaniyang kapatid at si Chino na ngayon ay matalik na niyang kaibigan.



“Can I taste it?” pagiiba ulit ni Chino ng usapan na siyang pumutol sa malalim na pagiisip ni Jed. Saglit siyang tinignan ni Jed ng seryoso saka ngumiti.



“Sure, go ahead.” alok ni Jed. Pinanood niya si Chino habang pumuputol ng piraso ng pancake, di niya maiwasang isipin ang sasabihin sana kanina ni Chino, ngayon lalo siyang napaisip tungkol sa totoong naging relasyon nito at ng kaniyang kapatid. Naputol lang ang pagiisip na iyon nang sumigaw si Chino.



“Ansarrrraaapppp!” sigaw ni Chino, agad namang tumingin si Chris sa dalawa, naningkit ang kaniyang mga mata. Agad siyang binalot ng selos. Lumapit siya sa dalawa at inagaw kay Jed ang sandok.



“I think you should sit down, Jed. You shouldn't be cooking, you're a guest here.” sagot ni Chris sa mga nagtatakang mga tingin nila Chino at Jed.



“OK if y-you're sure---”



“I'm sure about this, I can handle a stupid pancake, OK?!” naiiritang balik ni Chris kay Jed, nagkibit balikat lang si Chino nang tignan siya ni Jed. Nang maka-upo na si Jed ay marahang lumapit si Chino kay Chris.


Di parin siya makapaniwala na sa saglit na panahon nilang pagkakalapit ni Chris ay tila ba kilalang kilala na nito ang kilos ng modelo, alam na agad ang iniisip sa mga ganitong sitwasyon at alam kung ano ang kahulugan sa likod ng mga kilos nito.


Kung hindi siya nagkakamali ay baka nagseselos nanaman si Chris kaya nagiging jerk nanaman ito, di niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa mga kinikilos nito sa tuwing tatamaan ng selos.



“Asshole.” bulong nito kay Chris, nang tignan siya ni Chris ay sinuklian niya ito ng masamang tingin.



0000ooo0000



Matamang tinitignan ng tatlo ang kanilang plato na puno ng pancakes. Sunog at durog durog na pancake. Kinakabahang dinampot ni Chris ang kaniyang tinidor at sinubukang kainin ang kaniyang luto, hindi niya alam kung bakit sa tuwing nagseselos siya ay nauuwi ang kaniyang mga ikinikilos sa katangahan at disaster.



“Is this even edible?” tanong ni Jed habang minamata ang sunog na pancake sa harapan niya na ikinainis naman ni Chris, sasagutin na sana niya si Jed nang mahuli siya ni Chino. Sinipa ni Chino si Chris sa ilalim ng lamesa.



“Don't.” bulong nito, nahihiya namang tumango si Chris sa sinasabi ni Chino. Tumayo si Chino at kinuwa ang isang haba ng tinapay, keso at butter at inilatag ito sa lamesa. Napasimangot naman si Chris nang makita ang ginawang iyon ni Chino, pero alam niyang hindi niya ito masisisi lalo nang tignan niya ulit ang kaniyang niluto.



0000ooo0000



Paminsan-minsang sinusulyapan ni Chino si Chris habang nagmamaneho ito. Simula nung disaster kanina sa pagluluto nito ng pancakes ay hindi na ulit ito nagsalita pa, iniisip tuloy ni Chino kung may nasabi ba siya ditong mali. Kakausapin na sana ito ni Chino nang biglang magsalita si Chris.


“You could've given me your support back there, you know.” nagtatampong sabi ni Chris kay Chino.



“Is that why you're being so quiet?!” di makapaniwalang tanong ni Chino, pinipigilan niya ang sarili niya na mapangiti at abutin ang mukha ni Chris para halikan ito.



“hmpft!”



“awww! Chris and his broken ego.” pangaalaska ni Chino kay Chris.



“Stop it!” sigaw ni Chris na ikinagulat naman ni Chino. Tinignan niya maigi si Chris, galit na galit ito sa kaniya, akala niya nakita at alam na niya ang lahat kay Chris, nagkakamali pala siya. Ito ang isa sa mga problema sa mga taong masyadong sigurado sa sarili nila...



“They always expect someone to stroke their ego.” umiiling na sabi ni Chino sa sarili niya, di nakaligtas ang pagiling na iyon ni Chino kay Chris, iniwas ni Chino ang tingin niya kay Chris, ngayon naiinis nanaman si Chris sa sarili niya, alam niyang binibiro lamang siya ni Chino at napikon siya dito.



“What's your problem, Chris?” pabulong na tanong ni Chino, tila naman sinampal si Chris sa tanong na iyon, tatanggapin pa sana niya na sigawan din siya ni Chino tulad ng ginawa niya dito, ngayon nasaktan nanaman niya si Chino at wala siyang ibang alam na paraan para bawiin iyon kundi ang magsabi ng totoo.



“I was jealous, Chino, I wanted to be the one who cooks breakfast for you, I want to be the one that impresses the shit out of you---”



“But you can't always be the only one, Chris, anyone can impress me and you don't always have to be jealous of them. Being always jealous is not a healthy thing, Chris.” putol ni Chino sa sasabihin ni Chris.



“I'm just scared to lose you---” di na naituloy ni Chris ang sasabihin niya dahil inilpat ni Chino ang hintuturo niya sa mga labi nito.



“You're not going to lose me, Chris.” bulong ni Chino saka marahang sumandal sa balikat ni Chris, inabot ni Chino ang kamay ni Chris at hinawakan ito ng mahigpit.



Sa simpleng mga salitang iyon ni Chino ay napanatag ang loob ni Chris.



“You're cute when you're jealous.” biro ulit ni Chino, napatawa si Chris.



0000ooo0000


“Behave!” saway ni Chino kay Chris nang makarating sila sa ospital, kahit na gumaganda na ang mga nangyayari sa pagitan ni Chino at Chris ay hindi parin nakakalimutan ni Chino ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.



“Promise.” sabi ni Chris sabay ngiti, napangiti naman si Chino.


Nang makarating sila sa kwarto ni Francis ay agad na natigilan si Chino, sa biglaang pagtigil na iyon ay bumangga si Chris sa likuran nito. Sa loob ng kwarto ay ang buong pamilya ni Francis kasama na si Laura, hindi maipinta ang mukha ng mga ito. Alam ni Chino na hindi parin tanggap ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa sekswalidad ni Jed.


“Excuse me!” singhal ni Laura sabay labas ng kwarto, hindi ito nagabalang humingi ng tawad, sa kabilang banda ay hindi naman talaga umasa na mag-sorry si Laura dahil alam niyang sadya ang ginawang pagbunggo na iyon.



“What the--- bitch!” singhal ni Chris sa likod ni Chino, hindi nakaligtas dito ang ginawang pambabastos ni Laura. Tinignan ni Chino ng masama si Chris. Agad binalik ni Chino ang tingin sa mga magulang ni Francis, nakita niya na may paghingi ng tawad sa mga mukha nito pero agad din yun nawala.



“Jed, is everything OK?” mas pinili niyang tanungin ang kaibigan kesa sa mga magulang nito, kitang kita kasi ni Chino ang pagkabalisa nito, sinulyapan niya ang reaksyon ng dalawang matanda pero wala siyang nakita sa mga mukha nito.



“I-I want--- I'm tired, c-can you take me h-home?” tanong ni Jed, halata ang galit sa boses nito. Tinignan niya ng masama ang kaniyang mga magulang, naguguluhan man si Chino sa mga nangyayari ay marahan siyang tumango dito.



Tinawid ni Chino ang ilang hakbang sa pagitan nila ni Francis, hinawakan niya ang mga kamay nito at marahan iyong pinisil.


“You should be ashamed of yourselves.” singhal ni Jed sa dalawang matanda saka umiling, hindi na nangielam si Chino sa kung ano man ang namamagitan sa kapamilya ni Francis, hinihiling niya lang na ma-resolba ng mga ito ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan para kay Francis.



Pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto ay agad na napakapit si Jed sa pader, alam ni Chris at ni Chino na umiiyak si Jed, nilapitan ito ni Chino, nang maramadaman ni Jed ang paglapit ni Chino ay agad niya itong hinila para mayakap.


“I'm sorry, Chino. I'm so sorry.” bulong nito.



Nagkatinginan si Chino at Chris, nagtataka sa paghingi ng tawad na iyon ni Jed.



Itutuloy...


[12]
Paminsan-minsang nagkakatinginan si Chino at Chris. Nagtataka prin sila sa ikinilos ng mga magulang ni Francis at ni Jed kanina. Sinusulyapan ni Chino si Jed sa rearview mirror, hindi ito nagsasalita at hindi rin masyadong kumikilos, nakatanaw lang ito sa bintana, malalim ang iniisip, paminsan minsang napupuno ng luha ang mga mata pero maagap itong pinapahiran ni Jed bago pa man tuluyang tumulo.



Nang makarating sila sa bahay ni Chino ay agad na pumasok ng kwarto si Jed. Lumapit si Chris kay Chino. Naramdaman ni Chino ang pagbalot ng mga malalaking braso ni Chris sa kaniyang bewang.



“Sa tingin mo, ano kayang nangyari?” tanong ni Chris. Umiling naman si Chino.



“Di tanggap ng mga parents ni Jed ang tungkol sa sekswalidad niya. Hula ko yun ang pinagtatalunan nila kanina bago tayo pumasok.” umiiling paring sagot ni Chino.



Saglit silang natahimik.



“Pero bakit magso-sorry si Jed sayo?” tanong ni Chris, agad ding napaisip si Chino. Ang totoo niyan naguguluhan parin siya sa paghingi ng tawad na iyon ni Jed at desedido siyang malaman ngayon ang sagot don.



“Di ko rin alam, Chris. Mamya kakausapin ko siya.” sagot ni Chino.



“Ibig sabihin ba nun kung hindi tanggap ng mga magulang ni Jed ang sekswalidad niya, ibig sabihin ba nun tanggap ni Francis ang kapatid niya saka ikaw?” tanong ulit ni Chris.



Natigilan si Chino. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala alam ni Chris ang totoo tungkol sa kanila ni Francis, nagpalusot lamang siya noon nang mahuli siya nito na hinahalikan sa labi si Francis habang nakaratay ito sa ospital. Ngayong malapit na sila sa isa't isa ay naisipan ni Chino na sabihin na kay Chris ang totoo.



“Chris, I have something to tell you.” saglit na bumitiw si Chris kay Chino, agad niyang napagtantong seryoso ang kanilang paguusapan.



0000ooo0000


Matapos magkwento ni Chino nang tungkol sa totoong relasyon nila ni Francis at kung anong nangyari sa kanila nang malaman ang kasal nito kay Laura ay nakatulala lang si Chris sa kabilang bahagi ng sofa, iniintay niya kung ano ang magiging reaksyon nito pero tahimik lang ito. Pinagmamasdan niya kung pano paminsan minsang kumukunot ang noo nito na tila ba may malalim na iniisip.


“Chris?” kinakabahang tanong ni Chino.


“Yeah?” tanong ni Chris na miya mo ginising sa isang day dream.


“Are you OK?” dumoble na ang kaba ni Chino sa punto na ito dahil muling bumalik sa pagtitig sa kawalan si Chris.


“so--- uhmm--- you and Francis were lovers? And then he got engaged and you heard about it then you broke up with him?” nagaalalang tanong ni Chris, tumango naman si Chino.


“Does anybody else knows about this?” tanong ulit ni Chris. Umiling si Chino bilang sagot.


“Why?” tanong nanaman ni Chris.


“His parents are homophobes, the kicked Jed out when they new about him and his partner, Francis is not ready to be disowned so we kept our relationship secret.” sagot ni Chino, saglit siyang tinignan ni Chris at bigla din nitong binawi ang tingin saka tumango tango.



Saglit ulit na pinagmasdan ni Chino si Chris. Bumalik ito sa pagtahimik, paminsan-minsang kumukunot ang noo at bumalik ulit sa pagiisip ng malalim. Di na natiis ni Chino at lumapit na siya sa modelo.



“Why are you being quiet?” kinakabahang tanong ni Chino pero kailangan niyang malaman.


“I'm just thinking, when Francis wakes up, what if he ask you to come back, what will I do? I don't want to lose you, Chino.”



Pinagmasdan maigi ni Chino si Chris, tinitignan niya kung pinagtri-tripan lamang siya nito o niloloko para pag tawanan kapag bumigay siya. Wala siyang nakita sa mukha at mga mata nito kundi sinseridad at pagkabagabag. Inalis na ni Chino ang natitirang espasyo sa pagitan ng katawan nila ni Chris at niyakap ito.



“Francis is not going to ask me back, Chris. He's engaged.” bulong ni Chino dito, ibinalik ni Chris ang yakap na ibinibigay sa kaniya ni Chino.


“I'm just making sure.” balik ni Chris na ikinahagikgik naman ni Chino.


“Asshole!” singhal ni Chino sabay pabirong hinampas si Chris sa kaniyang braso. Tumayo na si Chino.


“Where are you going?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay.


“I'm going to make sure Jed is OK.” sagot ni Chino sabay irap kay Chris at umiling.


“Jed. Jed. Jed. Lagi na lang si Jed.” bulong ni Chris.


“You can come with me if you want.” aya ni Chino.


“Nah. He's too mushy right now. I don't know how to deal with mushy people.” balik ni Chris.


“Asshole!” singhal ni Chino sabay talikod at lakad papunta sa kwarto ni Jed, napahagikgik naman si Chris.



Nang makarating si Chino sa tapat ng pinto ni Jed ay marahan siyang kumatok. Saglit siyang nagintay, narinig niya ang pag-hikbi sa kabilang panig ng pinto.



“Come in.” mahinang usal ni Jed sa gawi ng pinto. Saglit na nagalanagan si Chino bago buksan ang pinto.



“Jed, is everything OK?” tanong ni Chino. Umiling naman si Jed bilang sagot, may isang luha ang tumulo at tumakbo sa makinis na mukha nito.



“What happened?” tanong ni Chino sabay lapit kay Jed para aluhin ito. Hindi na pumalag si Jed at hinayaan na niyang yakapin siya ni Chino.



“It's their fault, Chino.” umiiling na sabi ni Jed sa pagitan ng mga hikbi nito.



“Fault?” paglilinaw ni Chino.



“The accident, they upset Francis the night of the accident---” humihikbi paring sabi ni Jed. Nararamdman ni Chino na nahihirapan na si Jed magsalita at huminga dahil sa hindi mapigilang paghikbi kaya't di na niya ito pinilit pang magsalita at ituloy ang sasabihin. Sa katahimikan ng kwartong iyon at sa kanilang dalawa na hindi naguusap ay naalala ni Chino ang tawag ni Francis nung gabi ng aksidente.



“I'll be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.”



Naisip niyang nag-away si Francis at kaniyang mga magulang, naisip niya rin na kailangan ni Francis ang kaniyang kaibigan pero sa halip na pakinggan niya ang pagmamakaawa nito ay nilamigan niya pa ang pakikitungo dito. Di maiwasan ni Chino ang magsisi.



“Francis needs someone to talk to and all I did is to be immature.” umiiling na sabi ni Chino sa kaniyang sarili.



Napansin ni Chino na mataman silang tinitignan ni Chris sa may pinto ng kwarto, tuloy parin sa paghikbi si Jed, binasa niya ang reaksyon sa mukha ni Chris, may bakas ng selos sa mukha nito pero mas namumutawi ang awang nararamdaman para kay Jed.



Ilang saglit pa at umalis na si Chris sa may pinto, naramdaman ni Chino na unti-unti ng humuhupa ang paghikbi ni Jed, mahigpit parin itong nakayakap kay Chino kaya't di naman umalis ang huli sa tabi nito at hindi tinigilan ang paghagod sa likod nito. Ilang saglit pa ay bumagal at lumalim ang paghinga ni Jed, sa tingin ni Chino ay nakatulog na ito.



Nagulat si Chino nang sumulpot si Chris sa may pinto, may hawak itong dalawang tasa ng tsaa. Inalok niya ito kay Chino, tinanguan nito si Chris bilang pagpapasalamat.



“How is he?” tanong ni Chris habang tinutulungan si Chino na ihiga ito sa kama. Umiling lang si Chino bilang sagot, nagsasabi na mamya sila magusap kapag nakalabas na sila ng kwarto. Naintindihan naman ito ni Chris at nang maihiga na ng maayos si Jed ay lumabas na ito ng kwarto kasama ang dalawang tasa ng tsaa.



“Every thing's going to be OK.” bulong ni Chino sa natutulog nang si Jed. Saglit pa sana niyang titignan si Jed habang natutulog nang biglang sumulpot si Chris sa pinto.



“How can you possibly make a hot guy like me wait?” bulong ni Chris sa may pintuan, nakangising aso ito.



“Asshole!” singhal ni Chino. Napahagikgik naman si Chris.



“I'm a hot asshole and you're a hot coc---”



“OK that's it, you horn dog! You will sleep in the couch!” singhal ulit Chino habang marahang isinasara ang pinto ni Jed.



Humahagikgik na sinundan ni Chris si Chino sa kusina para inumin ang hinandang tsaa kanina ni Chris. Di naman nakaligtas kay Chris ang pagtahimik na iyon ni Chino na tila ba napakalalim ng iniisip nito. May pumasok nanamang katarantaduhan sa utak ni Chris.



“Do you think he will be OK?” tanong ni Chris sabay lakad papuntang fridge at tumuwad sa harapan nito na tila nagahahanap ng pagkain.



“I think he will be.” nagaalangang sgot ni Chino.



“I think he's just acting.” nangiinsultong kumento ni Chris. Nagpintig naman ang tenga ni Chino sa sinabing iyon ni Chris.



“Why, you insensitive sonovabitch!” singhal ni Chino.



“Hey, you don't need to be bitchy about it, I'm just stating an observation.” balik ni Chris habang nakatuwad parin sa nakabukas na fridge, yung simpleng hindi pagharap ni Chris kay Chino ay talaga namang lalong ikinainis ng huli.



“Observation?! Bitchy?! Humarap ka nga at wag kang bastos! Ngayon sabihin mo sakin kung anong maaring dahilan ni Jed para peke-en ang mga emosyon niya?!” singhal ni Chino, dahan dahan na humarap si Chris.



Saglit na binalot ng katahimikan ang buong bahay. Ilang segundo pa at humagalpak na sa tawa si Chino. Nasa harapan niya ngayon si Chris, nababalot ng tsokolate ang karaniwang pantay pantay at mapuputing ngipin nito na nagbibigay ng ilusyon na para itong walang ipin, sa magkabilang butas ng ilong nito ay may nakapasak na pulang sili.



Hindi malaman ni Chino kung saan galing ang malakas na pagtawa niyang iyon. Ang alam niya lang ay panandalian niyang nakalimutan ang mga bagay na gumugulo sa kaniyang isipan at lahat ng iyon ay dahil kay Chris.



“I'm glad I took my chances with Chris.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili habang humahagalpak parin sa tawa dahil sa ginawang kalokohan ni Chris.



“There's the Chino I'm in-love with.” ang siya namang sabi ng isip ni Chris habang pinapanood ang pagtawa at ngiti sa mukha ni Chino na talaga namang gustong gusto niya.


“You do the stupidest things, you know that?” tanong ni Chino, napangiti si Chris.


“Well if being stupid makes me see you smile like that then I might consider being stupid more often.” sabi ni Chris na tila ba proud na proud sa ginawa niya. Muling napatawa si Chino.



“You'll pay for those sili and chocolates.” sabi ni Chino sa pagitan ng tawa.


“I'm broke, I can't pay you. Pwede bang kiss na lang ang bayad?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay.



“Asshole! That's it! You'll sleep on your own bed tomorrow.” balik ni Chino, pinipilit na maging seryoso pero hindi nakaligtas kay Chris ang pagtaas ng kaliwang bahagi ng labi nito.



“Yeah right!” sabi ni Chris nang mapagtantong nagbibiro lang si Chino.



0000ooo0000



Habang nakahiga si Chino sa kaniyang kama at iniintay na kainin ng antok ay naisip niya ulit ang sinabi sa kaniya kanina ni Jed. Lalo na ang tungkol sa paninisi nito sa kaniyang mga magulang dahil sa nangyaring aksidente kay Francis. Naalala niya nung unang gabi ni Francis sa ospital pagkatapos ng operasyon ay sinabi rin ng ama ni Chino na kasalanan nila ang lahat.



“This is our fault.” tandang tanda ni Chino kung gaano kalamig at puno ng pagsisisi ang mga salitang iyon na sinabi ng ama ni Chino.



“Ano nga kayang ibig sabihin nun? Bakit nila sinisisi ang kanilang mga sarili? Kung hindi lang sana ako nagmatigas at nakipagusap agad kay Francis matapos sabihin sakin ni tita ang tungkol sa kasal baka hindi nangyari ang lahat ng ito, baka hindi kinailangan ni Francis ang kaibigan nung gabing iyon, baka hindi na dapat niya ako kausapin ng personal at tamang sa telepono na lang kami nagusap, baka hindi sana siya naaksidente.”



Pero alam ni Chino na walang mangyayari kung sisisihin niya ang kaniyang sarili. Ang tangi na lang niyang magagawa ay kausapin kinabukasan si Jed at alamin ang mga nangyayari, at may isang bagay pang bumabagabag kay Chino.



“Bakit humihingi ng tawad si Jed sa kaniya? Anong ginawa ng mga magulang nito na kailangang ika hingi ng tawad?”



Pero lahat ng bumabagabag sa isipan ni Chino ay tila ba nalusaw nang makita niya si Chris na katatapos lang maligo. Basa pa ang buhok nito, napuno ng bango ng sabon na ginamit nito ang buong kwarto, hapit na hapit ang sando nito na galing sa tokador ni Chino pati narin ang boxer shorts.



“I thought I told you that the couch is going to be your bed tonight?” naniningkit matang tanong ni Chino, pinipilit ang sarili na maging seryoso.


“C'mon, Chino.” sabi ni Chris sabay ngiti na nangaakit.


“Please.” bulong ni Chris, tila naman nanlambot si Chino sa pagmamakaawang iyon ni Chris. Nakita ni Chris na bahagyang tumango si Chino, agad siyang tumakbo at humiga sa kama bago pa magbago ang isip nito. Nakangiting ipinikit ni Chris ang kaniyang mata matapos siyang magsabi ng good night dito. Saglit na pinagmasdan ni Chino si Chris. Narinig niya ang marahang paghilik ni Chris, napahagikgik si Chino, alam niya kasing hindi pa talaga tulog si Chris.



“It's official, I'm fucking in-love with this asshole!” bulong ni Chino sa kaniyang sarili, tumalikod na siya kay Chris, naramdaman niya ang pagbalot ng bisig nito sa kaniyang bewang.


“Asshole.” singhal ni Chino, naramdaman niya ang paghagikgik ni Chris. Ilang segundo pa ay bumarap siya kay Chris, iniunan ang kaniyang ulo sa pagitang ng baba at dibdib ng modelo at nakatulog na sa ganung posisyon.


“This asshole is in-love with you, Chino.” bulong ni Chris, sandali niyang ibinukas ang kaniyang mga mata at ilang segundong tinignan ang kapareha na masuyong natutulog habang nakayakap sa kaniya. Napangiti siya at miya miya pa ay nilamon narin siya ng antok.


Itutuloy...


[13]
Pagka-gising ni Chris ay wala na sa kaniyang tabi si Chino, agad siyang kinabahan at nagpanic. Agad niyang inisip na nabigla si Chino sa kaniyang panunuyo, masyadong nabilisan sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Wala pang nangyayari na kahit ano mang sekswal sa pagitan nila, tanging paghahalikan at pagyayakapan lamang sa kama ang pinakamalayo nilang nagawa pero aminado parin si Chris, maski sa kaniyang sarili na napablis ang mga nangyayari.



“Mabilis para sa nagsisimula pa lang na relasyon.” sabi ni Chris sa kaniyang sarili habang nagiinat.



Tinigilan na niya ang kaniyang iniisip at nagpasya na lang na hanapin si Chino at alamin kung ano ang ginagawa at iniisip nito. Nang matapos maghilamos at magsipilyo si Chris ay agad siyang tumuloy sa sala, nang hindi niya nakita doon si Chino ay tumuloy naman siya sa kusina, natigilan siya nang maabutan niya itong nakatulala, malalim ang iniisip at paminsan minsang kinakausap ang sarili na tila ba isinasa-boses ang kaniyang iniisip.



Muling sumagi sa isip ni Chris ang kaniyang naisip pagkagising. Naisip niya na maaaring nagdadalawang isip na si Chino tungkol sa relasyon na namumuo sa kanilang dalawa. Palihim niyang sinisi ang kaniyang sarili, masyado niyang minabilis ang lahat, ngayon nagdadalawang isip na si Chino at hindi magtatagal ay posibleng ayaw na siyang makita pa ni Chino. Nangilabot siya sa naisip.



Lumakas ang kabog sa dibdib ni Chris, alam niyang di niya kakayanin kapag lumayo sa kaniya si Chino. Alam niyang sobrang lalim na ang pagmamahal niya dito.



Dahan-dahan niyang nilapitan si Chino, wala sa sariling iniyakap ni Chris ang kaniyang malalaking braso kay Chino mula sa likod na ikinagulat ng huli.



“Asshole!” “Please don't dump me.” sabay na sabi ni Chino at Chris, si Chino dahil nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Chris at si Chris dahil sa pagaalala niya na baka nabibilisan si Chino sa takbo ng kanilang relasyon.



““What?”” saby ulit nilang sabi. Saglit silang nagkatinginan at lumatay sa kanilang mga mukha ang ngiti, pero saglit lang iyon dahil agad na sumeryoso ang mukha ni Chino.



“I said you're an asshole, sneaking at my back like that and scaring the bejezuz out of me!” singhal ni Chino, natigilan si Chris.



“So what are you saying about dumping you or something?” tanong naman ni Chino. Agad na namutla si Chris at nahiya. Tumango si Chris na miya mo biglang naging interesado sa kaniyang paa.



“I thought we're going too fast and you want out. I- I thought you were going to dump me.” nahihiyang sagot ni Chris. Napangiti naman si Chino.



“Awww! Big Chrissy is being all touchy and sensitive.” pangaalaska ni Chino, agad namang bumalik ang kulay sa mukha ni Chris. Bigla itong nainis sa sinabing iyon ni Chino.



“Shut up!” umiiling na sabi ni Chris sabay kalas sa pagkakayakap kay Chino at maglalakad na sana pabalik ng kwarto nang maramdaman niya ang mga braso ni Chino na yumakap sa kaniyang bewang.



“I'm not dumping you, not yet anyway.” bulong ni Chino, naramdaman ni Chris na ibinabaon ni Chino ang mukha nito sa kaniyang likod. Napangiti siya.



“Yet?” tanong ni Chris sa kaniyang sarili, ngayon alam niyang isang pagkakamali lang ay maaari ngang bitawan siya ni Chino, pero sinumpa niya sa sarili niya na hindi niya iyon hahayaan mangyari.



“Walk out king!” bulong ni Chino sa kaniyang likod pero naramdaman din ni Chris ang paghigpit ng yakap ni Chino sa kaniya na miya mo nagsasabi na hindi siya nito papakawalan kahit kailan.



0000ooo0000


Parang tangang nakangiti ang dalawa sa isa't isa habang magkaharap sa hapag kainan, nagluto si Chino ng kanilang agahan. Naaalala nilang dalawa ang kanilang paguusap kani kanina lang, di maiwasan ni Chino na matuwa sa sinabi ni Chris na natatakot ito na baka talikuran niya ang namumuong relasyon sa kanilang dalawa.



“Ibig sabihin nun maaaring mahal na ako ng mokong na 'to.” habang nakangiti ay bahagyang kinilig sa naisip si Chino.



Habang si Chris naman sa kabilang banda ay napapangiti dahil naiisip niya na hindi siya basta basta papakawalan ni Chino ng walang dahilan, ibig sabihin din nun ay hindi ito nabibilisan sa takbo ng kanilang relasyon at hindi lang yon, naisip din nito na maaaring pareho narin sila ng nararamdaman.



“Ibig sabihin nun maaaring mahal na ako ng pakipot na 'to.” nakangiting sabi ni Chris sa sarili niya.



Nang matapos silang magusap ay sabay silang tumapat sa lababo at hinugasan ang kanilang mga pinagkainan. Nun napansin ni Chris na may kulang sa kanilang umaga.



“Hey, where's the douche bag, Jed?” tanong ni Chris kay Chino, agad nag- tense ang katawan ni Chino sa tanong na iyon, natiglan siya at muntik na niyang mabitawan ang plato na kaniyang sinasabon. Napansin ito ni Chris dahil hindi lang sa natigilan ito, nawala din ang ngiting gustong gusto ni Chris na nakikita sa mukha ni Chino.



“Chino, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Chris, naisip niya na baka nainis na ito sa panlalait na ginawa niya kay Jed.



“Jed's not here anymore, Chris. He left.” sagot ni Chino, natigilan din si Chris.



“Is it because of something I said? You know I didn't mean it, right?” marahang umiling si Chino at nagbigay ng isang malungkot na ngiti kay Chris.



“He didn't say goodbye before leaving, Chris, I don't know why he left. I promised last night that we will talk today, but he just left. He left without saying goodbye.” malungkot na kuwento ni Chino, nakita ni Chris na naaapektuahn si Chino sa nangyaring iyon.



“I'm sure he has his reasons.” sabi ni Chris habang minamasahe ang balikat ni Chino.



Alam niyang may punto si Chris pero hindi parin makuwang hindi malungkot ni Chino sa nangyari, ano bang maaaring dahilan ng pagaaway nila Jed at kaniyang mga magulang at kailangan niya pang umalis ng bahay nito.


0000ooo0000



Tinitignan maigi ni Dom ang kaniyang dalwang kaibigan, si Chino na kaniya nang itinuturing na best friend ay matamang nakatingin kay Chris, paminsan-minsang nangingiti. Sa loob ng isang buwan ay napapansin niyang may kakaiba sa dalawang ito pero ngayon lang siya nagkaroon ng oras para matahin ang mga pagbabagong iyon, si Chris naman ay nagpu-push up, nagpapawis para sa kaniyang shoot, sinusulyapan din nito si Chino at sa tuwing nakasisiguro itong sa kaniya nakatingin si Chino ay eksaherado nitong ife-flex ang kaniyang muscle at kikindat sa tuwing magtatama ang kanilang tingin.



Nang tawagin na ng photographer si Chris ay siniko ni Dom si Chino sa tagiliran nito.



“Ow! What's that for?” naiiritang tanong ni Chino kay Dom sabay himas sa kaniyang tagiliran.



“What's wrong with Chris' eyes?” tanong ni Dom, nagdikit naman ang kilay ni Chino sabay sulyap kay Chris, nahuli ni Chris na sa kaniya nakatingin si Chino kaya't magiliw itong ngumiti, nag-flex ng muscles at kumindat na ikinagalit naman ng photographer.



“I don't know—-” simula ni Chino pero agad siyang pinutol ni Dom.



“Funny, I thought you would notice, kasi parang sayo lang naman siya kindat ng kindat.” namula si Chino sa sinabing ito ni Dom.



“So what's the deal?” tanong ni Dom sabay singkit sa mga mata niya na miya mo nililitis si Chino.



“Wala---”



“Oh c'mon, Chino!” singhal ni Dom, hindi naman talaga siya nagagalit, gusto niya lang na magsabi ng totoo si Chino, tinignan niya ito ng daretso sa mata, ganun din ang ginawa ni Chino, si Chino naman ay walang nakitang masama kung sasabihin niya man kay Dom ang namumuo nilang relasyon ni Chris.



“I-I -I think I'm falling for that asshole Chris.” bulong ni Chino na miya mo nahihiya sa pag-amin sabay sulyap kay Chris, nabitawan naman ni Dom ang kaniyang hawak hawak na clipboard.



Alam niyang may kakaiba sa dalawa pero hindi niya inaasahan na ganun na pala ka-seryoso ito, akala niya ay sinusubukan lamang ng dalawa kung magkakasundo sila at magiging malapit na magkaibigan pero hindi sumagi sa isip niya na magakaka-relasyon ang dalawa. Wala sa sarili niyang ibnalik balik ang kaniyang tingin kay Chino at Chris.



“A-are y-you sure?” tanong ni Dom, napatigil naman si Chino.



“What do you mean?” balik tanong ni Chino.



“I mean, sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Ilang linggo lang ang nakalipas gustong-gusto niyong patayin ang isa't isa ngayon naman nai-in-love ka na sa kaniya?”



“Shhh! Baka may makarinig!” singhal ni Chino sabay lingon nang masigurong walang nakarinig ay muli siyang humarap kay Dom.



“Kahit naman nung inaaway niya ako di ko naman maikakailang attracted ako sa kumag na yan and he can actually be sweet if he wanted to and this might sound korny but- but there's this connection between us that I can't explain, and I'm sure he feels a connection between us also kasi sinabi niya yun sakin the first time we talked about it.” sagot ni Chino, hindi niya namalayan na kay Chris ulit siya nakatitig at ang pagsasalita lang ni Dom ang nagaalis ng kaniyang atensyon dito.



“Connection?” tanong ni Dom.



“It feels like there's a fireworks display inside my chest every time we touch, there's this magic like atmosphere whenever he looks straight in my eyes. Maniwala ka kapag sinabi ko sayo na iniwasan ko lahat ng yun nung simula kong ma-realize kung anong nangyayari but I can't just ignore something that feels right, I decided to take my chances.” sagot ni Chino na ikinanganga naman ni Dom.



“Is this guy for real? Fireworks display? Magic in the atmosphere? What the heck?! He sounds like a love sick puppy.” nangaalaskang sabi ng malikot na bahagi ng isip ni Dom pero pinili niyang sarilihin lang iyon.



“I hope those chances that you took will be worth it in the end, Chino.” balik ni Dom, napatingin ulit sa mga mata ni Dom si Chino, pilit na inaalam kung saan nanggaling ang sinabi niyang iyon at nang wlaang makita doon ay naisip niyang tanungin na lang ito.



“What do you mean, Dom?” tanong ni Chino, hindi parin nito binibitiwan ang pakikipagtitigan dito.



“All I'm saying is that I don't want you to get hurt, Chino, not now that you're starting to loosen up and you're on top of your game, I don't want you taking the wrong chances and get hurt-- I—I just want you to be careful, ayt?” balik ni Dom sabay tayo mula sa kinauupuan at nagsimula nang bumalik ulit sa trabaho.



Napaisip naman si Chino at napatingin kay Chris. Abala parin ito sa ilalim ng maliliwanag na ilaw at nagpupu-pose.



“Please be worth it, Chris.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.



Sa di kalayuan ay narinig lahat ni Ron ang paguusap ni Chino at Dom.



0000ooo0000



Nagkaayaan ang buong production team na magdinner sa labas, kasunod ito ng isa nanamang successful na issue na idinirek ni Chino at pinaghirapan ng buong team, magkakalapit sa lamesa si Chino, Dom at Chris. Sa kaliwa ni Chino ay si Chris kaharap naman nila sa kabilang panig ng lamesa si Dom, pinagmasdan ni Dom ang kilos ng dalawa, kung sa iba ay walang kakaiba dito para kay Dom ay meron, tila ba gwardyado ang mga kilos ng mga ito, paminsan minsang nagpapalitan ng matitipid na ngiti at paminsan minsan ding nagtitinginan sa mata.



Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Dom sa sinabi sa kaniya ni Chino pero nang makita ni Dom ang mga tingin na ibinibigay ni Chris kay Chino ay na-realize niyang maaari ngang may namumuo nang relasyon sa pagitan ng dalawa.



Sinubukan ni Dom na sukatin ang maaaring nararamdamn ni Chris para kay Chino sa pamamagitan ng mga kilos nito, walang nakita si Dom kundi sinseridad sa mga kilos nito, sa mga tingin na ibinibigay ni Chris kay Chino sa tuwing hindi nakatingin ang huli ay para bang gustong gusto na nitong mahawakan ang mukha ni Chino at halikan, tila ba sinasaulo nito ang itsura ng mukha at mata ni Chino at sa tuwing may kukuwa ng atensyon niya sa loob ng kanilang lamesa ay tila ba hinayang na hinayang siya na alisin ang kaniyang tingin sa mukha ni Chino.



Si Chino naman ay kumikilos na tila ba wala siyang napapansing kakaiba sa ginagawa ni Chris na paminsang-minsang pagtitig sa kaniya pero sa tuwing aalisin ni Chris ang tingin niya kay Chino ay si Chino naman ang titingin kay Chris, tulad ng ginagawa ni Chris sa tuwing nakatingin siya sa mukha ni Chino ay ganun din ang ginagawa ng huli sa tuwing siya naman ang nakatingin sa mukha ng nauna.



“Damn! They really are in-love!” sabi ni Dom sa sarili niya nang mauwi sa pagtatapos ang kaniyang obserbasyon. Muli niyang tinignan ang dalawa at napangiti.



0000ooo0000


Matapos ang kanilang dinner ay inaya ni Dom ang dalawa na magkape.



“Chloe is dying to see you, Chino.”



“I bet she does! Madami akong ikukuwento sa kaniya! You're going with us Chris?” excited na sabi ni Chino.



“Uhmm- sure!” sagot ni Chris sabay bitiw ng matipid na ngiti.



Unang sulyap pa lang ni Chloe sa dalawa ay alam na niyang may namamagitan sa mga ito, di tulad ng kaniyang nobyo na si Dom ay matalas ang pakiramdam ni Chloe at mahusay siyang bumasa ng mga kilos, ipinakilala ni Dom at Chino si Chris kay Chloe. Masaya silang nagkukuwentuhan na miya mo matagal ng magkakaibigan.



“Punta lang akong CR.” paalam ni Chino, tumango lang ang tatlo, saglit na natahimik ang lamesa nang umalis si Chino, tinitignan ni Chloe si Chris, tila ba kinikilatis nito ang huli. Medyo nakakaramdam ng hindi pagkapakali si Chris kaya't ibinaba niya ang kaniyang tingin at napagpasyahang saulohin ang itsura ng kaniyang baso.



“Chris?” tawag ni Chloe dito.



“Yes?” sagot ni Chris.



“Hurt Chino and I will cut your balls off!”



Napatingin si Chris kay Dom, nakita niyang seryoso ang magnobyo, wala sa sarili siyang napalunok, tila ba lumapot maigi ang kaniyang laway at nahirapan siya biglag lunukin ito at tila ba humarang ito sa kaniyang lalamunan.



Itutuloy...


[14]
Matapos ang pagbabanta ni Chloe ilang linggo na ang nakakaraan ay tila naman lalong naging desedido na wag saktan si Chino. Alam niyang nagaalala lamang si Chloe sa kaniyang kaibigan pero hindi parin niya kayang atimin na saktan si Chino at madismaya sa kaniya ang mga kaibigan nito. Dalawang linggo rin matapos ang paguusap na iyon nila ni Chloe ay napansin din ni Chris na tila ba naging mas pansinin siya, lagi niyang naaabutan ang mga make-up artist na pinaguusapan siya at pinagtitinginan sa malayo.



Wala siyang pakielam kung pagtsismisan man siya. Alam ng lahat ng andun na bisexual siya at sa ilang taong pagtratrabaho niya doon ay wala naman siyang naging problema tungkol doon. Hindi nagtagal ay lumabas din ang usap-usapan ang tungkol sa kanilang namumuong relasyon ni Chino, hindi nila ito pinansin at binigyan ng pagkakataon na sirain ng ibang tao.



Ngayon lang.



Nagpaalam si Chris kay Chino, nagsabi siya na magpapa-make up lang siya para sa photo shoot nilang gagawin, nginitian siya ng huli, ang ngiting gustong gusto ni Chris, muntik na niyang hilahin si Chino at paghahalikan sa kalagitnaan ng studio pero pinigilan niya lang ang kaniyang sarili.



Pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto kung saan siya me-make up-an ay agad niyang napansing may kakaiba. Ang kanilang make-up artist na si Rhoda ay naka-gayak na miya mo magpa-party o magclu-clubbing. Sa ilang taong pagkakakilala ni Chris kay Rhoda ay bihira lamang itong magbihis, katunayan niyan, nakikita niya lang itong nakabihis ng ganon ay tuwing Christmas party.



“Anong meron? Birthday mo?” tanong ni Chris dito imbis na batiin ng good morning. Tila naman kinilig si Rhoda sa sinabing iyon ni Chris, katunayan lang ito na napansin ni Chris ang kaniyang effort na ginawa para mapansin siya nito.



Twenty eight years old na si Rhoda, ipinanganak siyang lalaki pero nang tumuntong siya ng high school ay nasiguro niyang isa siyang babae na nakakulong sa katawan ng lalaki. Isa siya sa pinaka ginagalang na make-up artist sa bansa, ginamit niya ang kaniyang talento para matupad ang kaniyang pangarap. Ang maging isang babae, hindi man biological ay at least sa anyong panalabas.



Hindi masama ang kaniyang itsura, sa totoo niyang ilang beses na siyang napagkakamalang babae, may ilang straight na lalaki na ring nagkamaling nanligaw sa kaniya sa pagaakalang babae siya. Matagal na siyang may gusto kay Chris, matagal na nitong naririnig na bisexual si Chris pero kahit naman bisexual ito ay hindi naman siya nakakasiguro na maaari itong magkagusto sa kaniya kaya naman isinang tabi na lang ni Rhoda ang nararamdaman niya dito.



Pero nang marinig niya ang usap usapang may namumuong relasyon si Chino at Chris ay nagbago ang kaniyang isip. Si Ron, kapwa modelo ni Chris ang nagkuwento sa kaniya nito matapos nilang mag-sex nung isang gabi, kaswal lang sa kanila ito, walang relasyon, binabayaran ni Rhoda si Ron, sa makatuwid, pareho nilang pinakikinabangan ang isa't isa.



Desedido na si Rhoda na matikman man lang si Chris, iniisip niya na kung si Chino nga ay nakuwang patulan ni Chris ay di malayong ganun din ito sa kaniya.



Nang umupo si Chris sa upuan para simulan na ang pagpapa-make up ay agad sinimulan ni Rhoda ang kaniyang plano. Hinawkan niya ang modelo sa magkabilang balikat nito.



“You seemed tense.” sabi ni Rhoda sabay masahe sa mga balikat ni Chris, napapikit naman si Chris sa pagmamasahe na iyon ni Rhoda, hindi iyon nakaligtas kay Rhoda at palihim siyang napangiti.



“Just had a stressful week.” sagot ni Chris.



“awww! Wawa ka naman pala. Sige imamasahe muna kita bago kita make-up-an.” alok ni Rhoda, hindi na nakatanggi si Chris dahil nagsimula narin naman si Rhoda sa pagmamasahe at ayaw man niyang aminin ay nasasarapan siya sa bawat hagod ng kamay nito.



Hindi na pinansin ni Chris ang pagtigil ni Rhoda sa pagmamasahe sa kaniyang balikat at batok, naisip niya na magsisimula na itong make-up-an siya, hindi na siya nagabalang dumilat, naisipan niyang mag-relax muna saglit. Nagulat na lang siya nang maramdaman niya ang isang pares ng kamay na nagbubukas ng kaniyang pantalon. Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Rhoda.



“This will be our secret, Chris. I promise.” bulong ni Rhoda, pinigilan ni Chris ang kamay nito pero nabuksan na nito ang kaniyang zipper at hinihimas na ang kaniyang ari. Ramdam ni Rhoda na tumitigas na ang ari ni Chris kahit pa may brief sa pagitan ng kaniyang kamay at ng ari nito. Napangiti siya, alam niya kasing ilang saglit lang at hindi na tatanggi si Chris sa kaniyang ginagawa, sa ngayon kasi ay pinipigilan parin nito ang mga kamay ni Rhoda.



Agad na hinila ni Rhoda ang brief ni Chris pababa, hindi na siya nagaksaya ng panahon at isinubo na ang ari ni Chris. Narinig ni Rhoda ang pagungol ni Chris, nakalimutan na nitong dapat niyang pigilan si Rhoda sa mga advances nito.



Lingid sa kaalaman ng dalawa na may nanonood sa kanilang makamundong ginagawa sa maliit na siwang ng pinto.



0000ooo0000


Agad na tinamaan ng pagsisi si Chris sa kanilang ginawa ni Rhoda, Oo, hindi niya gusto ang ginawa nito sa kaniya pero hindi rin naman siya tumanggi dito nang ipagpatuloy ni Rhoda ang mga advances nito sa kaniya. Nahalata ni Rhoda na nagustuhan man ni Chris ang kaniyang pagseserbisyo ay binabalot naman ito ng pagsisisi ngayon.



Makikita ni Rhoda ang pagsisising iyon sa muha ni Chris, sinubukan niyang humingi ng tawad dito pero ayaw siya nitong pakinggan.



“Oh God, what have I done?” sabay na tanong ni Chrid at Rhoda sa kanilang sarili.



Alam ni Rhoda na wala lang iyon kay Chris dahil nangyayari naman talaga ang mga bagay na iyon, normal lang iyon sa industriya nila pero nang makita niyang agad na binalot ng pagsisisi si Chris matapos nitong makabawi nang makaros ay agad din siyang naguluhan.



“Unless Chris and Chino are in love with each other.” bulong ni Rhoda sa sarili, agad siyang kinabahan, alam niyang maaaring ganito ang reaksyon ni Chris sa ginawa niya dahil maaaring ikasira ito ng kanilang namumuong relasyon ni Chino. Agad ding binalot ng pagsisisi si Rhoda.



“Don't tell anybody about what happened.” bulong ni Chris, may galit sa pakiusap na iyon pero meron ding pagmamakaawa. Lalong namigat ang loob ni Rhoda. Napatango na lang siya bilang sagot sa pakiusap nito.



Nang matapos ang pagme-make-up niya kay Chris ay agad itong tumayo at walang paalam na lumabas ng kwartong iyon. Napaupo si Rhoda sa isang silya, agad na nanlumo sa pagakakamling kaniyang ginawa.



0000ooo0000



Abala si Chino sa pagtingin sa mga naunang kuwa ng photographer sa unang sequence ng kanilang photo shoot, hindi niya narinig ang panibagong usap-usapang kumakalat sa studio. Si Dom naman ay kumukuwa ng maiinom nila ni Chino, abala siya sa pagpili ng maiinom nang marinig niya ang isa sa mga kasamahan ni Rhoda. Ikinukuwento nito kung pano niya nakita ang ginawang kamunduhan ni Rhoda at Chris sa make-up room. Agad na binalot ng galit si Dom.



Inalam niya lahat ng impormasyon na maaari niyang makuwa at agad siyang nagsisi sa ginawa niyang iyon dahil agad siyang binalot ng panibagong galit. Gusto niyang gulpihin si Chris sa ginawa niyang panloloko ky Chino.



Nang matapos ang turn ni Chris sa photo shoot na iyon ay agad siyang nagbuntong hininga, halos sigawan siya ng photographer dahil sa hindi niya paggawa ng gusto nito. Gusto niya lang na matapos na agad iyon at mapag-isa para magisip kung anong nangyari at kaniyang nagawa. Hindi niya inaasahan ang paglapit ni Dom, kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.



“Chris, can I talk to you for a minute?” tanong ni Dom, sa tono nito ay tila ba hindi niya binibigyan ng pagkakataon si Chris na humindi sa kaniyang tanong. Tahimik na sinundan ni Chris si Dom, nagtataka kung anong maaari nilang pagusapan at kailangan pa nilang lumabas ng studio.



“What's this I hear about Rhoda giving you a blow job and you actually liking it and not doing anything against it?” walang paligoy ligoy na tanong ni Dom kay Chris matapos nilang makalabas ng studio, agad na namutla si Chris sa tanong na iyon ni Dom.



“Answer me!” sigaw ni Dom, napatalon ng kaunti si Chris sa pagsigaw na iyon ni Dom.



“I promise it was all Rhoda, it was not supposed to happ---”



“Well, tungkol sa usap usapan na kumakalat sa loob ng studio ngayon ay sarap na sarap ka raw sa ginawa ni Rhoda, hindi mo pa nga raw mapigilan ang pag-ungol mo eh.” tila naman napako si Chris sa nalaman na iyon, nanlamig siya, alam niyang maaaring naririnig na ni Chino ang balita ngayon sa loob, agad siyang naglakad pabalik sa loob ng studio na ikinainis naman ni Dom.



“What? Going to ask Rhoda for another round?” sarkastikong tanong ni Dom bunsod ng sobrang galit. Agad na naginit ang ulo ni Chris sa narinig na iyon, sinugod niya si Dom at agad itong pinaulanan ng suntok, hindi naman nagpatalo si Dom at pinaulanan din nito ng suntok si Chris.



0000ooo0000



Sa loob ng studio ay abala parin si Chino sa pagche-check ng sequence, nang may itatanong sana siya kay Dom ay napansin niyang hindi parin ito bumabalik, naisipan niyang tunguin ang pantry kung saan nagpaalam si Dom na doon pupunta, importante kasi ang kaniyang itatanong.



Nang makarating siya sa pantry ay puno ito ng mga make-up artist at mga taga wardrobe. Hindi napansin ng mga ito ang pagdating ni Chino dahal abala ang mga ito sa paguusap, lumapit si Chino para tanungin ang mga ito kung nakita nila si Dom pero agad na natigilan si Chino nang marinig ang kanilang pinaguusapan.



“Matagal naman na talagang may gusto si Rhoda kay Chris, baka matagal na silang nagse-sex, ngayon lang sila nahuli. Alam mo naman si Rhoda, walang pinapalampas iyon, lalo na kung kasing gwapo at tikas ni Chris.” sabi ng isang taga wardrobe.



“Ay girl, tama ka diyan! Sabi ni Mona sarap na sarap daw si Chris! Girl! For sure sarap na sarap din si Rhoda dahil malaki daw!”



“AYYYYYY!” sabay sabay na sigaw ng mga ito at muling pinagusapan ang tungkol sa ari ni Chris. Nanlulumong lumabas si Chino ng pantry, nang may nakasalubong siyang isang prod staff ay tinanong siya nito kung nakita nito si Dom. Itinuro siya nito palabas ng studio.



Naabutan niyang nakapaibabaw si Chris kay Dom at bibigyan na sana ito ng isang sapak sa mukha ng pigilan niya ito at hilahin palayo kay Dom, agad niyang tinulungan patayo si Dom, nakita niyang may sugat ito sa may kanang kilay at hiwa ang ibabang labi.



Agad na napako sa kinatatayuan si Chris, kitang kita niya ang sakit, galit at pagkalito sa mukha ni Chino habang inaalalayan nito si Dom patayo, agad niyang naramdaman ang tila ba pagpunit sa kaniyang puso. Alam niyang alam na ni Chino ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Rhoda at gusto niyang magpaliwanag dito.



“Dom, are you OK?” marahang tanong ni Chino kay Dom, nakaramdam ulit ng pananakit ng dibdib si Chris, hindi niya alam ang susunod niyang gagawin. Tumango si Dom bilang pagsagot sa tanong ni Chino.



Inalalayan ni Chino papasok ng studio si Dom, naisip ni Chris na wag ng patagalin ang lahat at magpaliwanag na agad kay Chino tungkol sa kung anong nangyari.



“Chino.” tawag ni Chris dito pero parang hindi siya nito naririnig.



“Chino, please.” pagmamakawa ni Chris. Hindi na nagabala si Chris na itago ang kaniyang sakit na nararamdaman sa pagmamakawang iyon.



“Don't talk to me!” singhal ni Chino.



“Chino, I can explain.”



“Fuck you!” sigaw ni Chino sabay harap, nakalimutan na inaalalayan niya si Dom palakad, si Dom naman ay muntik ng matumba sa biglaang pagharap na iyon ni Chino kay Chris.



“Chino--”



“Don't you ever talk to me again, I don't want to see your fucking face! We're through!” sigaw ni Chino, tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Chris at binagsakan ng malaking bato sa ulo. Nangilid agad ang luha niya, wala na siyang magawa kundi panoorin si Chino na inaalalayan papasok si Dom ng studio.



Nakita ni Rhoda ang iika-ikang si Dom, inaalalayan ito ni Chino, agad siyang kinabahan, hindi niya alam ang kumakalat na balita pero agad siyang nakarinig ng paguusap sa kaniyang tagiliran nang pumasok si Dom na sugatan. Ayon sa usap-usapan ay kinumpronta ni Dom si Chris, hindi alam ni Rhoda kung tungkol saan ang pagaaway ng dalawa pero agad nasagot ang tanong na iyon nang tumabi sa kaniya si Ron, may mga ngiti sa labi nito.



“I knew there will be drama today!” tila batang excited na excited na sabi ni Ron, agad binato ng nagtatanong na tingin ni Rhoda si Ron.



“Didn't you know? Someone saw you giving Chris head. I guess the news somehow reached Dom and decided to confront Chris.” natatawnag sabi ni Ron sabay kibit balikat at lakad palayo. Agad na nanlamig si Rhoda, nangingilid ang luha at hindi makapaniwala sa kaguluhang ginawa niya.



Sa di kalayuan ay ini-upo ni Chino si Ron at pinalinis sa isa nilang kasamahan ang sugat nito. Mabilis niyang nilikom ang kaniyang gamit, hindi ito nakaligtas kay Dom at sinubukan siyang pigilan, pero tila walang naririnig si Chino, nakita ni Dom kung pano bumagsak ang mga luha ni Chino, nasasaktan siyang nakikitang nasasaktan ang kaniyang kaibigan at wala siyang magawa para alisin ang sakit na nararamdaman nito.



“Chino, wait.” bulong ni Dom pero hinang hina parin siya.



“I'm leaving, Dom I don't care about the shoot anymore.”



“Chino---”


“I'm tired, Dom, I will just call it a day.” walang emosyong balik ni Chino.



Mabilis na naglakad palabas si Chino ng studio, gusto itong pigilan ni Rhoda at magpaliwanag pero nawalan siya ng lakas ng maisip na di niya alam ang sasabihin dito. Napansin niyang pinagtitinginan siya ng iba pang taong nandun kaya naman naglakad na lang siya pabalik ng make-up room para makatakas sa mga mata ng mga ito.



Alam niyang siya ang sinsisisi ng lahat sa kaguluhang nangyayari.



Napaupo si Chris sa isang tabi, hindi niya magawang pumasok ulit ng studio dahil natatakot siya sa maaaring maabutan niya doon. Nagawa niya kasi ang isang bagay na ipinangako niyang hindi niya gagawin kahit kailan. Ang saktan si Chino.



Hindi siya makapaniwala na nung umaga lang na iyon ay masaya silang gumising sa tabi ng isa't isa, ngayon hindi na niya alam kung mauulit pa iyon. Iniisip niya palang ito ay tila sinasaksak na ang kaniyang puso.



Halos mapatalon sa gulat si Chris nang pabalang na bumukas ang pinto ng studio, bumulaga sa Chino, umiiyak, hindi mapakali, naguguluhan, nasasaktan. Gusto niya itong yakapin pero natandaan niyang siya ang dahilan ng pagkakaganoon ni Chino. Hindi na nagaksaya ng panahon si Chino na tignan siya at iyon ay lalong ikinasakit ng damdamin ni Chris.



“What will I do now?” naiiyak na tanong ni Chris sa kaniyang sarili. Sa ngayon ay tila nakapako parin siya sa kaniyang kinauupuan habang pinapanood ang kaniyang minamahal na maglakad palayo, sumakay ng taxi, pinanood niya ang taxi na lumiko sa susunod na kanto hangga't hindi na niya ito makita pa.



Nun lang nakaramdam ng matinding sakit Chris at hindi niya alam ang gagawin dito.



Itutuloy...


[15]
Dalawang linggo na pagkatapos nagkasira sila Chino at Chris at hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Dom kung asan na ang kaniyang bagong best friend, tinanong niya ang mga big boss pero ayon sa mga ito ay hindi parin nila nakikita si Chino, nagpadala lamang daw ito ng resignation letter via email.



“When you see him, please tell him to report here in my office. Kailangan namin itong mapagusapan.” malungkot pero puno ng awtoridad na sabi ni Mr. Custodio na boss nila Dom.



“Yes Sir.” malungkot din na balik ni Dom, isa pang bumabagabag sa kaniyang isip ay si Chris, hindi niya malaman kung paano ito aaluhin. Di parin nwawala ang inis niya dito pero nabawasan na iyon lalo pa't nakikita niya kung gano rin ito kamiserable, paminsan minsang inis at pagkaawa ang nararamdaman niya dito. Miya mo kasi ito zombie, nagpapakita ito sa photo shoot at maayos na nairaraos ang bawat shoot pero sa tuwing kinakausap ito ay tango o kaya naman iling lang ang sagot nito.



Mapapansin din ang madalas na pagkatulala nito sa isang tabi na tila mo naubusan na ng pag-asa, kapag naman natapos na ang kanilang photo shoot ay wala naring pagkakataon pa na makausap ito ni Dom dahil mabilis itong umaalis. Kitang kita ni Dom na malaki din ang epekto nito kay Chris. Alam niyang mahal narin nito si Chino at hindi nito alam kung ano ang gagawin para mabawi ito.



“They're going to be OK, Dom, don't beat yourself because of this.” alo ni Chloe habang tinitignan nito ang kaniyang nobyo na malalim ang iniisip.



“I can't help it, Chloe, I haven't seen Chino for two weeks now, Chris is like a dead guy walking with the living.” umiiling na sabi ni Dom sa kaniyang kasintahan. Kitang kita ni Chloe na naaapektuhan ang kaniyang nobyo sa mga nangyayari sa mga kaibigan nito, wala na siyang ibang nagawa kundi abutin ang kamay nito at pisilin.



“Every thing is going to be OK.” bulong ulit ni Chloe, sa wakas ay tinignan ni Dom ang kaniyang kasintahan ng daretso sa mga mata, at sa unang pagkakataon matapos ang dalawang linggo ay napanatag ang loob ni Dom.



Kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Chris, walang kasing bigat ang kaniyang loob at malayo ito sa pagkakapanatag. Matapos ang kanilang photo shoot ay agad na tumuloy si Chris sa apartment ni Chino. Sa tuwing wala siyang ginagawa ay pumupunta siya sa apartment ni Chino, umaasa na makausap ito o kahit masulyapan man lang.



Kahit ipagtabuyan siya ni Chino ay ayos lang sa kaniya ito, gusto niya lang talaga ito makita kahit saglit kahit yung saglit pa nilang pagkikita na iyon ay ipinagtatabuyan siya nito ay ayos lang sa kaniya.



Halos maiyak-iyak si Chris nang wala nanamang sumagot sa apartment ni Chino hindi na niya alam ang kaniyang gagawin, napaupo na siya at napasandal sa pinto ng apartment ni Chino. Pakiramdam niya ay naka-stuck siya sa isang kwarto na walang bintana at pinto kung saan hirap na hirap siya huminga at ang malala pa ay wala siyang magawa tungkol dun.



Ganun din ang pakiramdam ni Chino habang tumatangis sa harapan ni Francis. Tinititigan niya ito, umaasa na milagro itong magising at kausapin siya, kailangang kailangan niya ng kaibigan ngayon at alam niyang si Francis lang ang kahit papano'y magpapagaang ng kaniyang loob.


“Don't be afraid to take some chances.” tila naman pagpapaalala ito ni Francis kay Chino nang maisip ni Chino ang madalas na sabihin na ito sa kaniya ng kaniyang best friend.


“I took those chances, Francis and look what it brought me. I'm hurting, Francis and I don't know what to do.” maluha-luhang sabi ni Chino sa kaniyang kaibigan.


0000ooo0000



“OPEN THE GODDAMN DOOR, CHINO!” sigaw ni Chloe sa labas ng pinto ni Chino, hindi na matiis ni Chloe na panoorin ang kaniyang nobyo na laging nagaalala.


“Chloe?!” gulat na bulalas ni Chino sa naghihimutok na babae.


“Dammit, Chino! Where have you been?!” sabi ni Chloe sabay yakap sa gulat na gulat parin na kaibigan.


“Uhmmm, in bed? Chloe, what are you doing here? It's five o'clock in the morning.” inaantok na tanong ni Chino sa kaibigan nang makabawi ito sa gulat.


Minata ni Chloe ang kaniyang kaibigan, tayo-tayo pa ang buhok nito, namumugto ang mata dahil sa agarang paggising, nakasando, boxers shorts at walang suot na salamin ang Chino na kaharap niya ngayon.


“Damn! So this is what you're hiding under those baggy slacks and long sleeves, Chino!” bulong ni Chloe sa kaniyang sarili. Napangiting aso siya, napansin ito ni Chino at agad siyang nakaramdam ng hiya at tinakpan niya agad ng magkabilang kamay niya ang unahang bahagi ng kaniyang boxer shorts..


“I came here because I'm sick and tired of watching Dom looking like a lost puppy whenever his brain asks about you! What happened?! It's been two weeks at wala kaming kabalita-balita sayo, akala namin nakidnap ka na or something!”


“I just need time off, Chloe, I'm just tired that's all. Wait, how do you know where I live?” sagot ni Chino sabay aya kay Chloe na pumasok ng kaniyang bahay, agad siyang pumunta sa kaniyang kuwarto at nagsuot ng disenteng damit.


“Time off? More like you just ceased to exist! We've been worried sick!” balik ni Chloe.


“Yup, time off--- How did you know where I live again?” tanong ulit ni Chino, umaasa na maiiba niya ang paguusapan, habang ipinaghahanda ang kaniyang bisita ng maiinom.


“I asked your HR.” kibit balikat na sagot ni Chloe, umaasa na wag nang magtanong pa ukol doon si Chino, naningkit naman ang mga mata ni Chino dahil alam niyang may hindi sinasabi sa kaniya si Chloe.


“Mr. Hernandez? That jerk is the strictest HR ever.” halos mabulunan naman si Chloe sa sinabing iyon ni Chino.



“I used my charms.” kibit balikat na sagot ni Chloe, napangiting aso si Chino sa sagot na iyon ni Chloe.


“Dom is going to flip! That HR guy is a pervert!” sigaw ni Chino sabay turo kay Chloe, si Chloe naman ay namumula sa hiya.


“I'm not here to talk about me and that pervert, I'm here so we can talk about you.” agad nawala sa mukha ni Chino ang ngiti at biglang namutla.


“I'm OK, Chloe, I just got tired that's why I need some time off.” kaswal na sagot ni Chino, sinubukan niyang magsinungaling pero hindi ito kinagat ni Chloe, ni si Chino ay hindi nakumbinsi sa sarili niyang palusot.


“Some time off? What about the resignation letter?” natigilan si Chino sa tanong na ito, hindi niya alam kung pan nalaman ni Chloe ang tungkol dun pero gad niya rin naisip na maaaring nagtanong ang kaniyang boss kay Dom. Napabuntong hininga si Chino, alam niyang wala na siyang lusot at kailangan na niyang sabihin ang totoo kay Chloe.


Napansin ni Chloe na malapit ng bumigay si Chino, malapit na nitong sabihin sa kaniya ang mga nangyayari, natuwa siya sa kaniyang ginagawa, hindi niya ito ginagawa para sa kaniya at sa kaniyang nobyo, ginagawa niya ito para tulungan ang kaniyang kaibigan. Agad na nangilid ang mga luha ni Chino.


“What happened, Chino?” nagaalala na ngayong tanong ni Chloe, agad niyang nilapitan si Chino at niyakap. Hindi na nakayanan pa ni Chino ang magmatigas, ibinalik na niya ang mahigpit na yakap ni Chloe at tahimik na humikbi.


“Mahal mo na siya no?” nagiingat na tanong ni Chloe, naramdaman niya ang marahang pag-tango ni Chino.


“Eh bakit ayaw mong ipaglaban ang nararamdaman mo sa kaniya?” tanong ulit ni Chloe. Natigilan si Chino.



0000ooo0000


Humiwalay si Chino sa pagyayakapan nila matapos ang huling tanong ni Chloe. Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi parin sinasagot ni Chino ang tanong nito, tumahimik sa isang tabi si Chino, tila malalim ang iniisip. Naisipan ni Chloe na hayaan na lang muna ang kaniyang kaibigan, tatayo na sana siya at magpapaalam nang magsalita ito.


“Have you ever been in a situation kung saan sinasabi na ng utak mo na magsisisi ka lang sa huli kapag pinili mong gawin ang isang bagay?” baling ni Chino kay Chloe, nakita ni Chloe ang pangingilid ng luha ng kaibigan. Tumahimik na lang si Chloe at hinayaang magpatuloy sa pagsasalita ang kaibigan.


“I decided to take some chances, I know that I will get hurt in the end, my brain tells me 'no' but my heart says to go and take those chances. I took my chances, at first it felt good but toward the middle up to the end I was spinning out of control and then I saw my self falling, head first and then I woke up, not having anything in me but pain.”


Saglit na natahimik ang magkaibigan. Alam ni Chloe ang pinagdadaanan ng kaibigan, ilang beses na nga ba siyang naging tanga? Ilang beses na siyang lumuha pero hindi niya iyon hinayaang pabagsakin siya.


“I know how you feel. I've been in a relationship where everything is built on stupidity, trust and one sided love.” natatawa at naiiling na sabi ni Chloe. Tinignan ni Chino ang kaniyang kaibigan na tila ba enganyong enganyo siya dito.


“His name is Tony, he's bisexual, in fairness naman sa kaniya he told me about his orientation on our first date, I let myself be blinded by stupidity and accepted it, I know that he is leaning to the gay side of his sexuality more than the straight side but I chose to ignore it. I trusted him, again another wrong move, I didn't know that he sleeps with other guys behind my back and because I'm blinded by stupidity and let myself trust him even if at the back of my head he's cheating on me, I missed all the signs, it wall all one sided, I'm nothing but a side dish to his main course.” naiiling na sabi ni Chloe sabay humagikgik.


“When someone slapped me with the truth, it felt like I have been hit by a ten wheeler truck, all came crashing down. Somehow, I know that it will eventually happen but I still decided to take my chances--- and now, I'm actually thankful I took those chances, because now I know never to make the same mistakes again. Chino, there's nothing wrong in taking chances, it doesn't mean that the next time you decide to take another chance that it will end up like the first one you took.”



At sa mga sinabing iyon ni Chloe ay tila naman nagising sa matagal na pagkakatulog si Chino.


After five months



“Ready?” tanong ng kaniyang mga assistant director.


Di parin makapaniwala si Chino na nagdi-direk na siya ngayon ng mga TV commercial, may limang buwan lang ang nakakalipas ay tanging mga photo shoot lamang ang kaniyang pinamamahalaan, ngayon sa tulong ni Chloe ay muli siyang sumugal at napagtagumpayan niya nga iyon pero aminado parin siya na namimiss niya ang mag direk ng photo shoot. Limang buwan na ang nakakalipas nang umalis siya sa kaniyang bahay, muli siyang sumugal at ibinenta na niya iyon, masyadong siyang maraming naaalala sa bahay na iyon. Limang buwan narin ang lumipas at sa wakas ay tumigil na si Chris sa pangungulit kay Chino, hindi narin kasi alam nito ang bagong number at bagong address ni Chino.


Kung may ipagpapasalamat si Chino yun ay ang panloloko sa kaniya ni Chris, ngayong nalagpasan na niya lahat ng sakit, naisip niya na sa susunod na sumugal siya ay alam niyang wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Chris. Ngayon handa na siya kung sakaling pumalpak ang chances na tatahakin niya at iyon ay dahil lahat kay Chris.


Sa wakas sa loob ng ilang taong pagkakaroon ng mababang self esteem si Chino ay tila siya isang lobong hinipan, isa na siya ngayong panibagong tao, isang indibidwal na may kumpiyansa sa sarili at hindi na niya hahayaang sirain siya ng isang katulad ni Chris.


Limang buwan na ang nakakalipas at pitong buwan ng hindi nagigising si Francis. Ito ang ikinalulungkot ni Chino, kahit kaibigan man lang sana at hindi kasintahan ay kasama niya ngayong nagdidiwang ang kaniyang best friend sa kaniyang mga bagong accomplishment, pero gaya ng sinabi ni Chloe sa kaniya ay hindi na niya ngayon hahayaang ibagsak siya ng nakalipas. Handa na siya ngayong salubingin ang mga panibagong suliranin, magkaroon man ito ng hindi magandang bunga o kabaligtaran ay ayos lang sa kaniya.


“Yes, I'm ready.” sagot ni Chino.


0000ooo0000



Madalas parin na wala sa sarili si Chris, bumitiw na siya sa modeling agency na kaniyang pinapasukan at nagpurisgi siya na gumawa ng pangalan sa mundo ng photography, sa larangan kasing ito ay madalas siyang busy, nakakalimutan niya paminsan minsan ang kaniyang nararamdaman patungkol kay Chino, hindi katulad sa modeling na may oras pa siyang mag-lasing at magpaka wild sa iba't ibang klase ng tao na makikita mo sa mundo ng modeling.


Pero kahit anong iwas ni Chino kay Chris ay tila naman sila pinagtatagpo ng tadhana.



0000ooo0000


“Hello.” bati ni Chino kay Dom sa kabilang linya, katatapos lang ng kanilang tv commercial shoot nang mag-ring ang kaniyang telepono, nakita niya ng pangalan ng kaibigan na nakaplaster sa screen ng telepono kaya naman di na siya nagatubiling sagutin ito.


“Hey, buddy, what's up?” bati ni Dom.


“Wala naman. Ikaw, bakit ka napatawag?” tanong ni Chino habang iniintay ang kaniyang sundo.


“Well---” agad na napangiti si Chino, walang pinagbago ang kaniyang kaibigan, ang dating kinaiinisan niyang ugali nito na laging nagaalangan ay ginagawa parin nito.


“Spit it out, Dom.” sabi ni Chino nang masagad na ang pasensya nito.


“I'm working in a new magazine company and we're one photo shoot director and photographer short, can you help me?” nagaalangan paring sabi ni Dom, pero para kay Chino naman ay wala na itong dapat ipagalangan pa dahil gagawin naman ni Chino ito kahit pa walang bayad.


“Sure.” walang sabi sabing sagot ni Chino. Natahimik saglit ang linya.


“uhmmm... Chino, kasi---”


“I said, I'm going to do it, Dom---” pagpupumilit ulit ni Chino habang minamata ang isang kotse na papalapit sa kaniyang kinatatayuan.


“Dom, I have to go, just text me the details and I'll be there for the photo shoot. OK? Don't worry about it, just do what you have to do and we will impress you new boss. Bye.” paalam ni Chino kay Dom, hindi na nakasagot si Dom dahil agad na siyang kinamusta ng dial tone.


“Ready?” tanong ng lalaking naka-kotse kay Chino.


“Yup.” sagot ni Chino sabay lagay ng kaniyang mga gamit sa likod na bahagi ng kotse.


0000ooo0000


Sabay na nagulat si Chino at Chris nang magkaharap ulit sila nang pumasok si Chino sa tent kung saan nakalagay ang mga importanteng gamit para sa gagawing shoot. Pagkatapos ng inisyal na gulat ay agad na nakaramdam ng tuwa si Chris habang si Chino naman ay galit at pagkainis. Agad na hinanap ni Chino si Dom para agad na singhalan, as if on cue biglang sumulpot si Dom, nagpabalik balik ang tingin nito kay Chino at Chris at agad na nakaramdam ng kaba.


“I though this is a new magazine for men. Anong ginagawa niya dito?” tanong ni Chino sa nanginginig na ngayong si Dom.


“He's our photographer.” simpleng sagot ni Dom. Tinignan ni Chino si Chris, nun niya lang napansin ang mga gamit na nakalatag sa paligid nito at nun niya lang napansin na hindi nakagayak at naka-ayos pang model si Chris.


“And you forgot to tell me about this, because---?” pabitin na tanong ni Chino habang nakaturo kay Chris.


“I tried to tell you over the phone but I guess you got too busy because the next thing I know I was talking to the dial tone.” sagot ni Dom, muling bumabalik ang kaniyang tapang sabay kibit balikat at lakad palayo. Napanganga naman si Chino nang maalala ang kanilang paguusap nung araw na iyon.


“Look, Chino, I can go if you want me to.” bulong ni Chris, napairap si Chino.


“I'm not doing this for you or for me, I'm doing this for Dom, he needs this job, so can we please just ignore each other?” singhal ni Chino, lihim na napangiti si Chris, para sa kaniya ay mabuti na iyon, at least kahit papano ay nakikita niya parin si Chino. Matapos ang maikli nilang palitan na iyon ay muling sumulpot si Dom at naabutan nito ang sagot ni Chris.


“I can live with that.” kaswal na sagot ni Chris, di nakaligtas kay Chino at Dom ang medyo masayang tono sa sinabi ni Chris na iyon.


“Chino!” sigaw ng isang lalaki sa may bungad ng tent. Nagulat si Chino at agad na humarap doon, agad namang kumunot ang noo ni Chris lalo na ng mapagmasdan niya kung pano tumingin ang lalaki kay Chino, tila ba nananabik ito kay Chino, alam na alam niya ang tingin na iyon, dahil kapag tumingin siya sa salamin at nasa isang kwarto lamang sila ni Chino ay ganun din ang makikita niya sa kaniyang mukha.


“Charlie! Oh, akala ko nakaalis ka na?” tanong ni Chino, napangiti naman si Charlie at agad na lumapit kay Chino, sa palagay ni Chris ay masyadong malapit ang katawan nito kay Chino.


“You forgot your phone, buti na lang I saw it before I pull out of the parking lot.” sagot ni Charlie sabay abot ng telepono kay Chino, may kakaibang kislap sa mga mata nito na nakikita si Chris.


“Thanks.” balik ni Chino sabay kamot sa kaniyang ulo, lalong napangiti si Charlie.


“Ehem!” pagpapapansin ni Chris, napatingin si Chino, Charlie at Dom sa gawi nito matapos ang malakas na pagaalis ng bara ni Chris sa kaniyang lalamunan.


“This is a 'authorized personnel only' zone. I'm sorry, sir but you have to get out.” malamig na sabi ni Chris, agad siyang tinignan ng masama ni Chino habang si Dom naman ay pinipigilan ang sarili na mapatawa.


“You don't have to---” baling ni Chino kay Charlie pero agad siyang pinutol ni Charlie.


“It's OK, Chino. I have to go anyways.” balik ni Charlie.


“I'm sure.” sarkastikong bulong ni Chris, hindi ito narinig ni Charlie pero hindi iyon nakaligtas kay Chino na lalo nitong ikinainis.


“I'll see you later?” tanong ni Charlie, hindi ito nakaligtas kay Chris, may tono ng antisipasyon sa mga sinabing iyon ni Charlie. Di niya mapigilang magselos at magalit.


“Yes, I'll text you when I'm ready for you to pick me up.” sagot ni Chino, tila naman may tumarak na kutsilyo sa puso ni Chris. Tinignan ni Dom si Chris, nakita niya kung pano bumakas sa mukha ng kaniyang kaibigang si Chris ang sakit, napailing siya. Muling binalot ng galit si Chris.



Lalong ikina-inis ni Chris ang paghatid ni Chino kay Charlie pabalik ng parking lot. Nang bumalik si Chino ay tila nahihiya ito. Agad na lumapit dito si Dom at siniko si Chino sa tagiliran.


“Charlie, huh?” pangiinis ni Dom, sabay taas baba ng kilay. Lalong namula si Chino.


“Is his sense of direction poor? Kailangan mo pa talaga siyang i-hatid sa parking lot? I thought we're on a tight schedule?! Bakit may pahatid-hatid ka pang nalalaman?!” singhal ni Chris. Naginit ang ulo ni Chino at agad na lumapit kay Chris.


Umiwas na si Dom at pasimpleng lumabas ng tent, hindi pa man siya nakakalayo ng tent ay narinig na niya ang sigawan ni Chris at Chino.


No comments:

Post a Comment