by: Lui
'Chill!', ang pag-awat ni Coleen sa
pagkainis ni Symon sa tagpo nila ni Agapito umaga bago magsimula ang klase.
'He's so... Ugh!!', ang pikon na sabi
ni Symon.
'Come on! Let it go!', ang sabi ni
Coleen.
'What's up?', ang bati ni Lexie
pagkarating nito.
Napansin nito ang hindi maipintang
mukha ni Symon. In-explain ni Coleen kung ano ang nangyari. Hindi naman
naiwasan ni Lexie ang matawa. Nang dumating sina Shane at Jeric, napansin din
nila ang hindi magandang mood ni Symon at si Lexie na ang nagkwento ng dahilan.
'Just ignore him, dude!', ang sabi ni
Jeric.
Nakikita naman ni Agapito ang
pagkainis ni Symon sa ginawa niya. Hindi niya maiwasan ang tumawa sa loob niya
dahil nakaganti na siya sa pagtawa nito sa pangalan niya. Math of Finance ang
una nilang klase ngayong araw at alphabetical ang arrangement nila kaya naman
hindi magkakatabi ang magkakabarkada. Dumating na ang professor pagkalipas ng
ilang minuto at umupo na sila sa kani-kanilang assigned seats. Agad itong nag-attendance.
'How's your friend?', ang tanong ni
Agapito kay Lexie na kanyang katabi.
'He's really pissed off. Said you
ruined his day.', ang pagsasabi ni Lexie ng totoo.
'Tama lang sa kanya 'yan.', ang
nakangisi niyang sabi.
'Okay. Both of you need to stop this
petty thing. We're not in high school anymore. And come on, both of you are
guys! You fight like girls!', ang walang prenong sabi ni Lexie.
Parang natauhan naman si Agapito sa
sinabi ng katabi at natahimik na lang sa kanyang kinauupuan.
'Makikipagbati ka ba sa kanya?', ang
tanong ni Lexie.
'Okay. But I won't be the one na
lalapit.', ang sabi ni Agapito.
'We'll see. I'll talk to him.', ang
nakangiting sabi ni Lexie.
Ipinakuha na ng professor ang kanilang
mga workbook at sinagutan na nila ang assignment na ibinigay nito. Nagtawag ito
ng magbibigay ng final answer. Kapag mali ang isinagot ay saka ito tatanggap ng
volunteers.
Nasa ikalawa sa huli nang tanong ng
tinawag si Agapito upang sumagot.
'What's the value of the interest?',
ang tanong ng professor.
'Uhm. It's P3, 489.26.', ang sagot ni
Agapito.
'Wrong.', ang mabilis na sabi ng prof
at agad itong naglagay ng grade kay Agapito.
'Any takers?', ang tanong nito sa
klase.
Agad na itinaas ni Symon ang kanyang
kamay at naunahan ang lahat.
'Yes, Mr. Gonzales?', ang pagtawag sa
kanya ng prof.
'After CAREFUL computation, the value
of the interest is P4, 156.96.', ang sagot ni Symon.
Pagkabanggit niya ng salitang
'careful' ay tiningnan niya si Agapito. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya
ng masama.
'Correct. Sit down.', ang sabi ng prof
at hindi pagpansin sa pahaging nitong banat kay Agapito.
Lalo namang sumama ang tingin ni
Agapito kay Symon. Pangalawang beses na niya itong napahiya sa klase. Si Symon
naman ay gumanda ang pakiramdam dahil nakabawi na siya sa ginawa ni Agapito sa
kanya sa cafeteria.
'That's the second time!', ang gigil
na bulong ni Agapito.
'Hey. Don't make it personal.', ang
sabi ni Lexie.
'Oh, shut up.', ang inis na baling ni
Agapito kay Lexie.
***
Kung makakahanap ng pagkakataon ay
nagpapaangasan sina Symon at Agapito sa klase. Habang wala namang pakialam ang
mga kaklase maliban sa mga kaibigan ni Symon.
'This seriously has to stop.', ang
sabi ni Coleen habang patungo sila ni Symon sa elevator.
Naiwan ang ibang kasama sa room dahil
may pinag-uusapan pa sila about sa isang group report.
'What? He doesn't give up! So I won't
too.', ang sabi ni Symon.
'Mag-sorry ka na lang. Tutal, ikaw naman
nagsimula nito.', ang sabi ni Coleen.
'Okay. When he starts being nice.',
ang kundisyon ni Symon.
Pagdating nila sa lobby ay kumaliwa si
Symon papunta sa SC meeting room. Ang akala niya ay kasama si Coleen.
'Where are you heading?', ang tanong
ni Coleen.
'Sa meeting. Didn't you sign up to be
a new volunteer?', ang tanong ni Symon.
'No. I really don't have a thing for
that.', ang sagot ni Coleen.
'Oh. I thought you signed up. So, are
you heading home?', ang tanong ni Symon.
'I guess. Was planning on inviting you
to eat merienda sana. And wait for Lexie and the rest.', ang sabi ni Coleen.
'Actually, meeting don't start til
6pm. Tara.', ang sabi ni Symon.
Nauna na itong naglakad palabas ng
building. Naguluhan naman si Coleen sa kanya at agad ring sumunod dito.
'What? 6PM pa yung meeting mo and
you're going there an hour and a half earlier. Dude! That's weird! Super
dedicated ka naman.', ang sabi ni Coleen habang papunta sila ng cafeteria.
'I was hoping to see Darrel. Baka maaga
siya. Then makakapag-usap kami.', ang nasa isip ni Symon na gusto sana niyang
isagot kay Coleen.
'E, akala ko kasama ka so I thought
we'd be waiting there til 6PM.', ang sabi ni Symon.
'Papunta na rin daw sina Lexie sa
caf.', ang sabi ni Coleen na parang di narinig ang sinabi ni Symon.
Um-order lang si Symon ng pasta habang
si Coleen naman ay sandwich. Nagkakwentuhan ang baong magkakabarkada. Nalaman
ni Symon na kasama sa meeting sina Jeric at Lexie.
'Anong committee ka?', ang tanong ni
Symon sa dalawa.
'Externals ako.', ang sabi ni Lexie.
'Ako sa Dance.', ang sagot ni Jeric.
'Media.', ang sagot ni Symon ng
tinanong naman siya.
Sina Coleen at Shane ay hindi mahilig
maging involved sa extra-curricular activities. Gusto lang daw nilang maging
ordinaryong mga estudyante.
'It's Friday! What are your plans?',
ang tanong ni Lexie.
'Wala. I might go home na lang.', ang
sabi ni Coleen.
'You're so conyo talaga!', ang
pang-aasar sa kanya ni Jeric.
'Shut up, Jeric!', ang sabi ni Coleen.
Inasar ng tatlo ang dalawa dahil sa
asaran nila. Simula nang nagkasama-sama sila ay hilig ni Jeric na asarin si
Coleen.
'I heard of this place called PJ's
from the higher years. Yun yata yung gimikan nila dito. Walking distance lang
yata. I'm not sure.', ang sabi ni Shane.
'PJ's? Hmm. We'll ask later since may
higher years kaming kasama.', ang sabi ni Lexie.
Quarter to five na at nagpaalam na ang
tatlo kina Shane at Coleen. Babalik na sila ng building para um-attend sa
kanilang kauna-unahang meeting. Halos gusto nang lumipad ni Symon papuntang
meeting room para makita si Darrel.
'Uuwi ka na ba? Or dyou wanna hang and
wait for them?', ang tanong ni Shane kay Coleen.
'I don't know. You wanna wait for them
ba?', ang tanong ni Coleen habang inuubos niya ang sandwich.
'Sakto lang. Tinatamad pa kasi akong
umuwi.', ang sabi ni Shane.
'Alright.', ang pagpayag ni Coleen na
mag-stay muna.
Nagkwentuhan ang dalawa sa cafeteria
hanggang sa itanong ni Shane ang pinakagusto niyang itanong kanina pa.
'So, what's the real deal between you
and Jeric?', ang tanong ni Shane.
'Nothing. We're friends.', ang
nakangiting sagot ni Coleen.
'You like him?', ang tanong ni Shane.
'I don't know. He's good looking,
yeah. But he's not my type e. I mean, the nerdy kind is not my thing.', ang
sabi ni Coleen.
Gwapo si Jeric. Hindi katangkaran pero
slim naman ang katawan. Moreno ang kulay at nakasalamin.
'We talked through text and he's kinda
into you.', ang kinikilig na sabi ni Shane.
'Oh. Really?', ang namumulang reaksyon
ni Coleen.
'Uyyy! You're blushing!', ang
pagpansin ni Shane sa namumulang cheeks ni Coleen.
'I'm just flattered. But I think we're
better off as friends. Tsaka we just met.', ang sabi ni Coleen.
'Well, ano bang masasabi ko? Basta,
wag ka na lang magsalita ng tapos.', ang sabi ni Shane.
'What?? You want me to keep talking
and talking til like forever?', ang naguguluhang sabi ni Coleen nang
i-interpret niya literally ang sinabi ng kaibigan.
'No! Ibig sabihin, wag mong sabihing
hanggang friends lang kayo kasi we don't know what might happen in the
future.', ang sabi ni Shane.
'Oh. Okay. Got it!', ang sabi ni
Coleen.
***
Magkakatabi sina Jeric, Lexie at Symon
sa meeting room. May isang mahabang table at maraming upuan ang nakapalibot
dito. Halos puno na ang mga ito. Sa isang dulo ng table ay matatagpuan ang
isang white board at sa taas nito ang isang projector. Palinga-linga si Symon.
Hindi niya makita si Darrel. Tuwing magbubukas ang pinto ay agad siyang
titingin pero laging ibang tao ang pumapasok. Malakas ang musika sa loob ng
meeting room para hindi mainip ang mga estudyanteng naghihintay.
'Party rock is in the house
tonight
Everybody just have a good time
And we gonna make you lose your mind
Everybody just have a good time'
'Hay.', ang malungkot niyang
buntong-hininga sa gitna nang dance tune.
'Party rock is in the house
tonight
Everybody just have a good time
And we gonna make you lose your mind
We just wanna see ya shake that'
Bumalik lang ang sigla ni Symon nang
sa huling pagbukas ng pinto ay si Darrel na ang pumasok mula dito.
'Everyday I'm shufflin''
Nagsimula na ang meeting at si Jeremy,
isang junior volunteer ang nagsasalita. Ipinakilala nito si Darrel at hindi na
pinakawalan ni Symon ang tingin dito.
'Hello! Kamusta kayo?', ang
nakangiting bati ni Darrel na halos hindi na makita ang kanyang mga mata.
Halos wala namang sumagot sa kanya
dahil siguro ay nahihiya pa ang mga nakaupo. Buong atensyon ang ibinigay ni
Symon habang nagpapaliwanag si Darrel. Para siyang nanaginip at halos hindi na
siya kumukurap. Ilang minuto ring nag-discuss si Darrel hanggang sa ipakilala
na niya ang iba't ibang committee heads.
'And for the Media Committee, I'll be
your committee head.', ang sabi niya.
May ilang mga bulungan mula sa mga
kapwa freshmen ang narinig ni Symon. Puno ito ng panghihinayang. Siguro ay
hindi lang siya ang naakit sa charm ni Darrel.
'You can now go to your respective
committees.', ang utos ni Darrel.
Nagkanya-kanya na ang mga estudyante
sa pagpunta sa kani-kanilang mga committee. Nagkahiwalay na sina Symon, Jeric
at Lexie. Lumapit agad si Symon sa kinatatayuan ni Darrel. May ilan nang nauna
sa kanya at magiliw na nakikipag-usap si Darrel sa mga ito. Agad naman siyang
napansin nang sumama na siya sa grupo.
'Media?', ang tanong ni Darrel.
'Yes.', ang nahihiyang sagot ni Symon.
Feeling niya ay namumula siya. Parang
ang init ng pakiramdam ng kanyang mukha. Hindi niya maiwasang titigan si Darrel
ng malapitan. Ang kinis ng mukha nito at napakaganda ng mga singkit na mata.
Nang sumagot siyang 'yes' ay ngumiti ito at lumabas ang kanyang mga pantay na
ngipin.
'Keep it cool, Symon.', ang sabi niya
sa sarili.
'Welcome, uhm?', ang sabi ni Darrel sa
kanya pero hindi nito alam ang pangalan niya.
'Symon.', ang pakilala niya muli.
'Right! Sorry. Ang dami niyo kasi.
Ikaw 'yung unang nag-sign up.', ang naalala ni Darrel.
Muli nitong inilahad sa kanya ang
palad upang magpakilala ng pormal. Agad namang nakipagkamay si Symon at muli na
naman niyang nahawakan ang malambot na kamay ng crush.
Nagpakilala sila isa-isa. May dalawang
member na kaklase ni Symon at doon lang niya ito nakilala. Sila ay sina Paulo
at Aika. Pito silang freshmen. 3 mula sa F-CA1, 1 sa F-CA2 at 3 galing sa
F-CA3. Matapos magkakilanlan ay muling nagpaliwanag si Darrel ng mga
responsibilidad ng kanilang committee. Inilahad din nito ang schedule nila sa
buong sem.
'Photo and video coverage, news and
features report, editing. Ayan ang mga assignments natin. And by next Friday,
we'll have our team building activity dito sa campus. Overnight activity iyon.
The first part will be with the whole team. So kasama yung ibang mga committees
then the latter part will be dedicated sa committee lang. So here's the letter
and the waiver form.', ang sabi ni Darrel.
Halos gusto namang tumalon ni Symon sa
tuwa dahil mukhang madalas niyang makikita si Darrel dahil sa sunud-sunod na
activities. After ng team building ay may General Assembly na silang
aasikasuhin sa sumunod na linggo pagkatapos ay ang weekly news and features
reporting na ifa-flash sa buong building ang kanilang trabaho.
'I'll be honest with you, guys. This
committee is the most demanding one. We might go home late. Or minsan nga hindi
na talaga nakakauwi. Pero if we will work together, mas magiging lighter yung
load diba? So sana maging okay tayong lahat.', ang sabi ni Darrel.
Ni-wrap up na agad ni Darrel ang lahat
ng kanyang mga sasabihin para hindi na magtagal ang meeting nila.
'Alam ko Friday ngayon and baka may
gimik kayo, so that's all for now. You'll be receiving messages from me na lang
for further instructions.', ang sabi niya.
Nang sinabi ni Darrel ang gimik ay
naalala ni Symon ang PJ's na binanggit ni Shane bago sila pumunta sa meeting.
Nagsialisan na agad ang mga kasama at tumalikod na si Darrel.
'Uhm. Kuya?', ang nahihiya niyang
pagtawag dito.
'Yes, Symon?', ang nakangiting baling
sa kanya ni Darrel.
'Uhm. May gusto po sana akong
itanong.', ang sabi niya habang feeling niya ay namumula na naman siya.
'Shoot.', ang sabi ni Darrel.
'Saan po yung PJ's?', ang tanong ni
Symon.
'Ah. You heard about it already? Cool!
Dyan lang 'yun sa tapat ng campus. Diba may street pagtawid mo, diretsuhin mo
lang 'yun. Nasa pinakadulo siya.', ang turo ni Darrel.
'Okay. Thanks po!', ang parang bata na
sabi ni Symon.
'Sure. Anytime!', ang nakangiting sabi
ni Darrel.
Lagi na lang nakangiti si Darrel! Kaya
naman hindi maiwasan ni Symon na lalong ma-attract dito. Parang ang gaan lang
sa kanya nang lahat kahit na ang dami niyang ginagawa. Tumalikod na siya at
hinanap na ang mga kasama na sina Jeric at Lexie. Ang saya-saya niya kasi iyon
ang unang conversation nila ni Darrel na hindi tungkol sa org.
'Ay, Symon!', ang pagtawag muli ni
Darrel.
'Yes po?', ang mabilis na pagharap
muli niya.
'Ilang taon ka na?', ang tanong ni
Darrel.
Kinabahan naman si Symon sa tanong ni
Darrel. Bakit niya gustong malaman? Ano kaya ang ibig sabihin nito? Okay, ang
OA ni Symon para isipin na may laman ang tanong ni Darrel.
'16 po.', ang sagot niya.
'Oh. Hindi ka pa pwede pumasok sa bar
ng PJ's. Sa coffee shop pwede. Kasi yung PJ's, 2 floors siya. Bar and resto sa
baba. Tapos coffee shop sa taas. Hindi pwede pumasok ang mga naka-black tie sa
baba.', ang sabi ni Darrel.
'Ay, ganon po ba? Sige po. Thanks for
the info, Kuya!', ang sabi ni Symon.
'Anytime!', ang sabi ni Darrel bago
umalis.
***
'When you see my face
Hope it gives you hell, hope it gives
you hell
When you walk my way
Hope it gives you hell, hope it gives
you hell'
'Yang chorus part lang ng kanta ang
sintunadong sinasabayan ni Agapito habang mag-isa sa kwarto. Ni isang tono yata
ay walang sumakto pero wala siyang pakialam.
'Hindi mo naman masyadong feel yung
kanta, JR?', ang bungad ng kaibigan at kapitbahay na si James nang buksan nito
ang pinto ng kwarto. Itinigil ni Agapito o JR, dahil siya ay junior, ang kanta.
'You know the act of knocking?', ang
tanong nito.
'Di na 'to nasanay. Anong atin?', ang
sabi ni James habang isinalampak ang sarili sa malambot na kama ni Agapito.
'Wala naman.', ang maikling sagot
nito.
'Prang may pinaghuhugutan 'tong kanta
mo ah.', ang pasimpleng asar ni James sa kaibigan.
'Sakto lang. Meron kasi akong kaklase
na unang araw pa lang ng klase e di na maganda ang timpla sa'kin! Tawanan ba
naman ang pangalan ko sa harap ng buong klase!', ang halos parang sumbong na
sabi ni Agapito sa kaibigan.
'O? Anong bago dun? Ikaw, nag-college
lang tayo, parang di ka na sanay sa mga bagay na nangyayari na naman dati.',
ang walang emosyong sabi ni James.
'Iba ngayon kasi, Je! Simula nung
nawala si Papa, alam mo na.', ang medyo lumungkot niyang sabi.
'Yeah. Sorry.', ang mahinang sabi ni
James.
'Bakit ka pala nandito?', ang tanong
ni Agapito.
'Oo nga pala. Tara, ball!', ang yaya
ni James.
'O sige. 'Yung bola mo na lang,
nabutas yung sa'kin e. Di ko pa napapahanginan.', ang sabi ni Agapito.
'O sige. Kunin ko muna. Sa baba na
lang.', ang paalam ni James.
Gabi na pero wala namang klase
kinabukasan kaya't okay lang maglaro ng basketball. Ito na rin naman ang
kinagisnan na gawin ni Agapito. Mag-isa man o kasama si James. Kinuha na niya
ang rubber shoes sa shoe rack at isinuot ito. Dahil sa hilig maglaro ng
basketball ay nakakailang palit na ito ng salamin dahil madalas itong matanggal
at maapakan. Pero iyon talaga ang passion niya kaya naman walang kaso sa kanya
ang pagpapalit.
***
Binalikan ng tatlo sina Shane at
Coleen sa cafeteria nang ma-receive ni Symon ang text ng huli na doon sila
naghihintay. Maikling ikinwento nila ang nangyari sa meeting dahil alam naman
nilang hindi sila ganoon kainteresado dito. Ang nakapukaw lang ng kanilang
atensyon ay nang ipaliwanag ni Symon kung ano ang PJ's.
'Tara. Kahit sa coffee shop lang!',
ang pilit ni Shane sa apat na kaibigan.
Ginatungan naman ito agad ni Coleen.
Agad namang um-oo si Jeric nang nalamang go si Coleen. Wala na ring nagawa sina
Symon at Lexie kung hindi ang sumama. Besides, ito ang una nilang gimik sa
labas ng school.
Nang makapasok sila sa loob ng
ikalawang palapag ng PJ's ay hindi maiwasan ng lahat ang mamangha.
'Hello, new breed of MSCAns!', ang
bati ng barista.
Oo nga pala. Halatang first time nila
dito dahil sa tie na suot at sa mga bibig na nakanganga sa mangha. Agad namang
kumaway si Shane sa barista na bumati sa kanila. Nagpasabay na lang ng order si
Coleen kay Symon habang si Shane ang um-order para kina Lexie at Jeric.
'Crush ko 'yung barista! Cute ng ngiti!',
ang kinikilig na sabi nito kay Lexie.
'Uhm, kuya?', ang pagtawag ni Lexie sa
barista na agad naman tumingin sa kanila na nakangiti.
'Uhhh. Nothing.', ang pagbawi ni Lexie
sabay bigay ng isang awkward na ngiti.
Mukha namang sanay na ang barista sa ganito
kaya naman ngumiti lang ito ng todo at lalo namang kinilig si Shane.
'Shane! Oh, my!!', ang mahinang tili
ni Lexie na mukhang nabitag din ng ngiti ng barista.
'Stop it, guys!', ang pagpapatigil sa
kanila ni Coleen.
'Wag kang KJ! Di porke't taken ka
na!', ang sabi ni Shane sabay galaw ng mata papunta kay Jeric.
'Hindi no! Grabe ka!', ang todo react
ni Coleen.
'Sana pala ako na lang ang um-order,
di na si Symon!', ang panghihinayang ni Lexie.
'Tara!, ang paghatak ni Shane sa
kaibigan papunta sa bar.
***
Halos isang oras ding nagkwentuhan ang
bagong magkakaibigan hanggang sa nauna nang umalis si Coleen dahil may sundo na
ito. Sumunod na umalis si Jeric at Shane dahil magko-commute pa sila pauwi.
Sina Symon at Lexie na lang ang naiwan dahil naghihintay pa sila ng
kani-kanilang sundo. Halos kalahating oras na simula nang nagtext si Symon sa
kanyang mommy pero wala pa rin itong reply.
'Uy, Symon. Malapit na raw si Mang
Doms. Gusto mo sumabay ka na lang?', ang yaya ni Lexie kay Symon makalipas ang
sampung minuto pagkaalis nina Jeric at Shane.
'Ay. Wag na. Susunduin din naman
ako.', ang pagtanggi ni Symon.
'E maiiwan ka mag-isa dito. Tara na.',
ang pagpupumilit ni Lexie.
'Okay lang. Baka malapit na rin si
mommy.', ang sabi ni Symon.
'O sige. Pero alam mo, ang strange
lang na hindi ka pa nakapag-commute ever and sinusundo ka pa. Ayaw mo
mag-drive?', ang sabi ni Lexie.
'I'm dying to have my own car! Ayaw
lang ni mommy kasi I'm too young pa daw.', ang sabi ni Symon.
Nag-usap na sila tungkol sa iba't
ibang models ng kotse. Parehas pala silang mahilig sa mga ganito. Hanggang sa
nagpaalam na si Lexie dahil dumating na ang driver. Naiwan mag-isa si Symon sa
table. Agad niyang tinawagan ang ina pero binabaan siya ng phone.
'I'm still in a meeting. 30 more mins.
Sorry.', ang text ng ina.
Dati kasi ay may driver sila pero
natakot na ang mommy niya simula nang mahuli niyang sinisilipan nito ang mga
anak na babae habang naliligo. Wala nang magawa si Symon kung hindi ang
maghintay. Naisip niya na sana pala ay nakapagdala siya ng libro para naman ay
may mabasa siya. Ipinasak na lang niya ang headset sa tenga at inaliw ang
sarili habang nagpapatugtog sa iPod.
Ilang kanta na ang natapos. Sa bawat
pagitan ay wala siyang ibang naririnig kung hindi ang kwentuhan ng ibang mga
customer na nag-aaral pati na ang jazz music na pinapatugtog sa loob ng shop.
'I'm puttin' on my shades to cover up
my eyes
I'm jumpin' in my ride, I'm headin'
out tonight
I'm solo, I'm ridin' solo
I'm ridin' solo, I'm ridin' solo,
solo'
'I'm feelin' like a star, you can't
stop my shine
I'm lovin' cloud nine, my head's in
the sky
I'm solo, I'm ridin' solo
I'm ridin' solo, I'm ridin' solo,
solo'
Pagkatapos ng kantang ito ay narinig
niya na tinawag ng barista ang isang pamilyar na pangalan.
'Hey, Darrel! What's up?', ang
masayang bati nito sa kadarating lang na customer.
Nakita niyang nag-fist bump ang
dalawa. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa kahit na tinanggal na
niya ang headset sa kanyang tenga. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos.
Babatiin niya ba? Tatawagin? Kakawayan? Ano??? Hindi alam ni Symon. Hindi pa
siya nagkaganito sa iba. Hindi siya mapakali. Kinuha niya ang iPod sa bulsa at
walang kwentang nag-browse ng mga apps.
'Hey.', ang sabi ni Darrel sa kanya.
Feeling ni Symon ay sobrang lapit ni
Darrel sa kanya. Pero nang nag-angat siya ng mukha ay nakapagitan naman sa
kanila ang round table kung saan nakapataong ang mga ubos na inumin ng mga
umalis na kasama at ang kanyang order.
'Hey... Ha.. Hello, Kuya Darrel!', ang
nauutal na bati ni Symon.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya
ay nagbubutil-butil ang pawis niya sa mukhasa sobrang kaba.
'O, bakit mag-isa ka? Don't tell me,
naubos mo lahat 'to?', ang tanong ni Darrel.
'Sana nga naubos ko na lang sila para
maintindihan ko kung bakit ganito ako kabahan.', ang sagot ni Symon sa isip
pero iba ang kanyang binigkas.
'Kakaalis lang po ng mga kaibigan ko.
Kayo po?', ang sabi ni Symon.
'Ah. E bakit naiwan ka?', ang tanong
nito.
'Para makita ka.', ang sabi ng kanyang
isip.
'Inaantay ko po yung sundo ko.', ang
sagot ni Symon.
'Ah. Ako eto magpapalipas lang ng
oras. Nakakapagod 'yung week e.', ang sabi ni Darrel.
'Oo nga po. Mukhang ang dami niyong
ginagawa. Upo po kayo?', ang yaya ni Symon na saluhan siya ni Darrel sa mesa.
'Did I just do that?!! I'm dead!!!!
Lalabas na talaga puso ko!! Sasaluhin niya kaya??', ang corny na sabi ni Symon
sa sarili.
'Sure? Okay lang ba sa'yo?', ang
nag-aalangang sabi ni Darrel.
'Sure!', ang sabi niya at labas ang
lahat ng ngipin na ngumiti.
Sumisigaw na ang loob ni Symon. Ang
saya-saya niya! Sinong mag-aakala na sa loob ng limang araw, hindi naging
mailap sa kanya ang tadhana. Pero paano siya magsasalita? Gusto niya
magpa-impress pero paano niya gagawin na hindi naman halata??
'HEEEEEELLLLPP!!!', ang sigaw ng
kanyang isip habang naghahalo ang saya, kilig at pag-aalinlangan.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment