Sunday, December 16, 2012

Aftermath (09)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com


'Hey. Uhm. What... What are you doing here?', ang gulat at hindi mapakaling tanong ni Chuck kay Rico.

'Am I not allowed to be here? Aren't you thrilled I'm back?', ang mga tanong ni Rico.

'Sorry. I didn't mean it that way. So, what's up?', ang sabi ni Chuck habang naglalakad papunta sa kanyang upuan.

Malamig sa office ni Chuck pero pinagpapawisan siya. Sobrang hindi siya komportable sa presence ni Rico. Kung ano-anong folder ang binubuksan niya para magmukhang busy.

'Nothing much. I just wanted to see you so I stopped by. Nothing has changed much in here. I miss the company though.', ang masayang sagot ni Rico.

'Looks like the States treated you well.', ang pagpansin ni Chuck sa bagong accent at ibang looks ni Rico.

Mas gwapo ito ngayon. Charming, as always. Hindi na tulad dati na parang bata ang mukha. Nag-mature ito gawa siguro ng mga bagong tubong balbas.

'Pretty much, yeah! Would you care to have lunch or something?', ang imbitasyon ni Rico.

'I'd love to. But I gotta rush now. I have a meeting in 10 minutes. Still don't know yet what time it'll end.', ang alibi ni Chuck.

'Oh. Alright. Guess I'll just wait up.', ang insist ni Rico.

'You don't have to.', ang magalang na pagpapaalis ni Chuck dito.

'It's okay, really. I don't have anything to do naman. Gotta catch up with Mau, Anj and the rest din.', ang sabi ni Rico.

Kumatok si Pat bago pa makapagsalita si Chuck.

'Sir, Mr. Lopez is here already. They're prepping up for Sean's presentation in a few.', ang sabi ni Pat.

Tumango lang si Chuck kay Pat.

'Mr. Lopez, is it?', ang tanong ni Rico.

Nakalabas na si Pat kaya't si Chuck na ang sumagot.

'Yes. He's the new Vice President.', ang sagot ni Chuck habang kinukuha na ang hard copy ng kanyang presentation.

'You don't say. He used to be in this office.', ang pagbabalik-tanaw ni Rico.

'I gotta go. You don't need to wait up.', ang paalam ni Chuck.

Tumingin lang si Rico sa kanya habang palabas na siya sa pinto.

0*0*0*0

'Pat, where is Sean?', ang tanong ni Chuck pagkakita nitong bakante ang table ni Sean nang dumaan siya palabas ng office.

'He's running late, Sir.', ang sagot naman ni Pat kahit na wala itong ideya kung nasaan si Sean.

'Oh. He's presenting. Come with me in the meeting.', ang sabi nito.

Agad namang kinuha ni Pat ang kanyang notebook at pen at sumunod na agad sa boss.


0*0*0*0

'Dapat nag-MRT na lang tayo!! I'm almost an hour late!', ang inis na sabi ni Sean kay Ands habang naipit sila sa EDSA traffic sakay ng isang taxi.

'Chill! Di lang naman ikaw ang late.', ang sabi ni Ands.

'Hay. Ngayon yung presentation ko!!', ang buntong hininga ni Sean.

Inabot pa sila ng labinlimang minuto bago makapasok ng Ayala Ave. Halos takbuhin na ni Sean ang daan papuntang building paakyat ng office nila. 

'Whew!', ang sabi ni Sean nang makapasok ito sa office.

'Wow. You're super late! They're in the board room.', ang pagbati gn sekretarya.

'Whaaaat??!! I'm screwed!', ang sabi ni Sean.

0*0*0*0


Just before lunch nang bumalik sina Chuck at Pat galing sa meeting. Si Sean naman ay subsob sa trabaho dahil natambakan ito dahil sa pagiging late.

'Sean, you're here.', ang sabi ni Chuck.

'Yes, sir! I'm very sorry. I ran late today.', ang pagpapaumanhin ni Sean.

'No problem. Pat got everything covered.', ang sabi ni Chuck.

'Oh.', ang sabi ni Sean.

'By the way, Mr. Lopez liked the presentation. It's still your work. Way to go, Sean.', ang sabi ni Chuck.

Napangiti naman si Sean sa sinabi ng boss dahil siya ang naghirap sa pag-put up ng data sa presentation nito.

Ang lahat naman ay napatingin ng magbukas ang pinto ng office ni Chuck.
'I though I heard your voice. How's the meeting?', ang bungad ni Rico.

Napasimangot naman ng bahagya si Chuck pagkakita na naroon pa rin si Rico. Habang si Pat naman ay bumalik na sa kanyang work place. Si Sean ay pilit na minumukhaan ang taong nakatayo sa harapan.

'Uncle Rico?', ang hindi sigurado nitong sabi.

Tumingin naman si Rico sa matangkad na lalaking katabi ni Chuck. At agad na nagliwanag ang mukha nito.
'Sean?', ang pagkilala ni Rico dito.

'Uncle!!! I didn't know your back!', ang sabi ni Sean pagkalapit kay Rico.

Mabilis na nagyakap ang dalawa. Habang si Pat, pati na ang mga ibang kasamahan, ay napadungaw mula sa kani-kanilang workplace upang masaksihan ang reunion ng mag-tito.

'Seriously???', ang mahinang sabi ni Chuck.

Agad naman siyang tinapik sa balikat ni Anj.

'What a twist huh? Kaya pala magkamukha ang dalawa.', ang sabi ni Anj.

0*0*0*0

'So, what do you say, let's all go to some bar later and celebrate? I'm back, guys!!' I'm resuming the position I left.', ang sabi ni Rico habang kumakain silang lahat sa conference room.

Nag-treat si Rico ng lunch. Kaya wala nang lumabas sa kanila upang kumain. Magiliw ito at isa sa mga asset ng kumpanya bago lumipad patungong States upang mag-aral at tumakas sa kung ano man ang nangyari sa kanya dito sa office. Pero ngayon ay nagbalik na siya. Nakipag-usap na siya sa big bosses ng kumpanya upang i-hire siya muli. Hindi naman siya matanggihan dahil talagang magaling si Rico.

'Great!!!', ang malakas na sabi ni Mau.

'Ugh! Seriously?', ang sabi ni Chuck sa sarili.
'Chuck.', ang warning ni Anj dahil baka may makarinig sa kanya.

Sa kabilang side ng table ay tahimik na nag-uusap sina Sean at Pat.

'So, kamusta yung presentation?', ang tanong ni Sean.

'Okay naman. Sir only gave me 10 minutes to study your work before presenting it.', ang sabi ni Pat.

'Oh. Thanks. Uhm..', ang medyo nag-aalinlangan na sabi ni Sean.

'Don't worry, Sean. I mentioned that you did all the work and I'm just there as a proxy since you called in sick.', ang sabi ni Pat.

'You did that?', ang hindi makapaniwalang sabi ni Sean.

'Yeah. I don't wanna own something I didn't do. And it's a great work.', ang sabi ni Pat.

'You're flattering me. Thanks!', ang sabi ni Sean.

'Anong thanks? You owe me one.', ang sabi ni Pat.

'Sure! Anything you want. Anything at all.', ang sabi ni Sean.

'I'll think about it.', ang nakangiting sabi ni Pat.

0*0*0*0

Lahat sa office ay nagpunta sa bar kung saan nila ise-celebrate ang pagbabalik ni Rico. Masaya ang lahat. Kwentuhan, inuman at kainan.
'Ken, sunduin mo na ako dito sa Greenbelt. Medyo nahihilo na ako.', ang sabi ni Pat habang kausap si Ken sa phone.

'Marami ka yatang nainom e.', ang sabi naman ni Ken.

'Hmm. Medyo. Dali na. Gusto ko na matulog.', ang sabi ni Pat.

Dahil baguhan pa lang, medyo ilang si Pat na makipagsiyahan sa mga kasama. Si Sean naman ay kakwentuhan ang kanyang uncle na si Rico. Kaya medyo na-out of place siya ng kaunti.

'O sige, papunta na po. Sa bahay na tayo diretso ah? Friday naman e.', ang sabi ni Ken.

'Okay. Ingat.', ang sabi ni Pat.

Bumalik na siya sa grupo at pabulong na nagpaalam kay Sean.

'Nagpasundo na ako. Medyo nahihilo na ako e.', ang sabi ni Pat.

'Ganon ba? Ang aga pa ah. Di ka ba nag-eenjoy?', ang medyo lasing na baling sa kanya ni Sean.

'Nahihilo lang talaga ako.', ang excuse ni Pat.

Umupo na siya sa tabi ni Sean at tahimik na kumain ng pulutan. Ilang minuto lang ang lumipas ay nag-ring ang phone niya. Nasa driveway na si Ken. Mabilis namang nagpaalam si Pat sa mga kasamahan at lumabas na ng bar.

'Hi.', ang bati sa kanya ni Ken pagkasakay sa sasakyan.

'Hmmm.', ang sabi lang ni Pat bago humalik sa kanya.

Sumandal ito at pumikit na.

'Seatbelt.', ang sabi ni Ken.

Nakapikit na inayos ni Pat ang kanyang seatbelt. Tahimik lang na nag-drive si Ken at hinayaan na lang si Pat na makatulog.

Halos isang oras din ang binyahe nila bago nakarating sa bahay nina Ken. Marahan niyang ginising ito upang makapasok na sila sa loob ng bahay.

'Pat. Nandito na tayo. Tara na sa loob.', ang malambing na paggising ni Ken.

Mabagal na lumabas si Pat sa sasakyan at tinungo agad ang kwarto ni Ken pagkapasok sa bahay. Tulog na marahil ang mga magulang ni Ken dahil wala ng tao sa sala. Pagkapasok sa kwarto ay humilata agad si Pat sa kama.

'Baka gusto mong magbihis na muna.', ang sabi ni Ken.

'Hmmmm.', ang tanging sabi ni Pat.

Naghalo na ang hilo at antok. Kaya't tamad nang bumangon si Pat. Si Ken na ang nag-ayos sa paghiga ni Pat at tinanggal na niya ang sapatos nito pati na ang pantalon at long sleeves.

'Good night.', ang sabi niya bago humalik sa pisngi nito.

Papunta na siya sa CR upang mag-shower nang biglang pumulupot ang kamay ni Pat sa kanyang katawan.

'I love you.', ang mahinang sabi nito.

Hindi naman mapigilan ni Ken ang mangiti sa sinabi ni Pat. Sabi nga nila, the drunk speaks of the sober heart. Hindi na siya makaalis mula sa pagkakayakap ni Pat kaya humiga na ito sa tabi niya. Lalo namang humigpit ang yakap ni Pat at isiniksik ang sarili sa katawan ni Ken.

'Gino.', ang bulong ni Pat.

Para namang tumigil ang mundo ni Ken sa pagkabanggit ni Pat sa pangalan ni Gino.

No comments:

Post a Comment