Encounter with a Taxi Driver
“Sa susunod kapag
nag-set ka ng EB ay magpakita ka. Wala kang modo! Bastos ka! Mahiya ka sa balat
mo!” ang sigaw ko sa kausap ko sa celfone.
Nawala sa loob ko na
sakay na pala ako ng isang taxi na aking pinara ng hindi ako siputin ng
ka-eyeball ko ng hapon na iyon. Galit na galit ako dahil nag-absent pa naman
ako sa opisina para lamang makita ang ka-YM ko noong isang gabi na nakipagsundo
na magkikita kami sa may SM Bicutan. Taga-ParaƱaque daw siya at taga-Makati ako
kaya mas convenient sa amin ang lugar na iyon. Subalit ni anino ng lalaking
iyon ay hindi ko nakita. Hindi daw siya pinayagan na mag-halfday kaya hindi na
siya makakarating. Pero sa palagay ko ay sobrang pangit niya at nahiya siya ng
makita na niya ang kagwapuhan ko. Hehehe…
.jpg)





.jpg)