By: Dhenxo
Source:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
[06]
“Dhen,
salamat huh.” Pambungad niya pagkapasok namin sa bahay nila.
“Para saan?”
Tanong ko.
“Kasi pinili
mong makasama ako ngayong gabi.” Sinsero niyang sabi sakin.
“Adik ka Len
alam mo ba?” Pagbibiro ko.
“Kaw talaga.
Basag trip ka lagi. Magseryoso ka naman, seryoso kaya ako oh.”
“Oo na
seseryoso na po.” Sabay ngiti.
“Ayan ka na
naman eh. Niloloko mo na naman ako.”
“Batukan
kita dyan eh, seryoso na ako oh. Ewan ko sa’yo bahala ka nga.” At tumalikod na
ako sa kanya bitbit ang bag ko kunwari nagtatampo.
“Dhen, sorry
na. Naglalambing lang naman ako eh di mo man lang nasakyan.” Hinarap niya ako
sa kanya. Yumuko naman ako. “Huy, tumingin ka naman sakin. Di ko na yun uulitin
promise.”
“Di bagay
sa’yo magseryoso Len. Natatawa ako sa hitsura mo, umayos ka nga.” At
napabunghalit na ako.
Dahil sa
sinabi ko ay nakatikim ako sa kanya nang napakaraming kiliti. Hindi ko
napigilan ang sarili na mapatumba. Hindi pa siya nakuntento at ang mokong di
ako tinigilan.
Tawa kami
nang tawa. Nang mapagod ay sinuntok ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon.
“Walastik
ka! Napaniwala mo ako dun huh. Akala ko totoo na, sa susunod di na ako
maniniwala sa’yo.” Sabi niyang nakangiti.
Naging
pormal mukha ko sa sinabi niya. “Umalis ka na diyan sa ibabaw ko. Nahihirapan
na akong huminga.”
“Ah eh
sorry.” Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi ko
tinanggap.
“Nasaan ba
ang banyo niyo dito? Magsa-shower lang ako.” At binuksan ang bag para maglabas
ng maisusuot.
“Doon sa
labas may makikita kang palikuran. Teka mag-iigib muna ako nang tubig mo.”
“Huwag na
ako na lang tsaka hindi naman ako lumpo para hindi magawa yun.” Pormal kong
tugon.
Hindi na
siya sumagot at ramdam kong ramdam niya ang biglaang paglamig ko sa kanya.
Kinuha ko ang timba at tumungo na sa poso.
Binatak ko
ang manggas ng t-shirt ko. Natawa ako sa inasal ko dahil akala mo naman mabigat
na trabaho ang gagawin ko.
Kasalukuyan
akong nag-bobomba nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pansamantala ko
muna itinigil ang ginagawa at asikasuhin muna iyong tumatawag.
‘Hello ate!
Napatawag ka?’
‘Asan ka?’
Tanong ng ate ko.
‘Bakit?’
Balik tanong ko sa kanya.
‘May pumunta
dito kani-kanina lang hinahanap ka. Mukhang pupunta sa party.’
“’Bakit daw
niya ako hinahanap?’
‘Wala namang
sinabi.’
‘Natanong mo
ba pangalan niya?’
‘Francis daw
eh.’
‘Ah okay.’
‘Teka sabi
ni mama pupunta ka sa party? Andyan ka na ba?’
‘Oo andito
na ako. Ako nang bahala dun sa nagpunta dyan pag nakita ko.’ Pagsisinungaling
ko.
‘O sige na.’
At pinutol
na namin ang linya. Hindi na nakakapagtaka ang iginawi niya. May kasalanan ako
sa kanya pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko. Sa tingin ko pa
nga tama ang ginawa ko eh. Kitang-kita ko na may pagtingin si Jie sa kanya.
Tsaka marami na silang pinagsamahan. Tsaka…
“Ano ba yan,
maka-shower na nga at ang init.”
Matapos
maglinis ng katawan at makapagbihis ay muli kong tiningnan ang cellphone ko.
Wala ni isang miscall or text. Nag-eexpect ba ako? Oo.
Nakadama ako
nang disappointment kaya napagpasyahan kong matulog na lang. Nakita ko si Arnel
na nakahiga na kaya tumabi na ako.
Kahit
nakalapat na ang katawan ko sa kama ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit kong
binabalik-balikan ang nangyari kanina sa party. Ngayon na lang ako inatake nang
hiya sa nagawa ko.
Pabiling-biling
ako sa higaan. Hindi ako mapakali kakaisip.
“Namamahay
ka ba?” Tanong niya.
“Hindi.”
Simpleng tugon ko.
“Ganun ba?”
Naramdaman kong bumangon siya.
“Saan ka
pupunta?”
“Lilipat ng
higa.”
“Bakit?”
“Baka kasi
hindi ka sanay na may katabi pag matutulog eh.”
Nainsulto
ako. Gusto kong mag-walk out ulit pero saan naman ako pupunta. Pinakalma ko ang
sarili ko. Masyado nang madaming tension ang namamahay sa loob ko.
“Len, huwag
ka nang umalis. Tabi na tayo.” Sabi ko pero ang tingin ay nasa kisame.
“Sigurado ka
ba na okay lang?” Tumango lang ako.
“Galit ka ba
sa akin?” Umiling lang ako.
“Bakit di mo
ako kinakausap?”
“Pasensya na
may iniisip kasi ako eh.”
Humarap siya
nang higa sa akin.
“Hindi kaya
matunaw ako?” Pagbibiro ko. Napangiti siya.
“Sarap mo
kasing tingnan eh.”
“Tse!
Tumigil ka.”
“Dhen.”
Lumapit siya.
“Kung ano
man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy.”
Pero hindi
siya nagpapigil. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at idinantay ang
kamay niya sa dibdib ko.
“Can I stay
this way?” Hindi ako sumagot and he took it as a yes.
Ramdam ko
ang init na nagmumula sa kanya.
“Len?”
“Hmmm?”
“Bakit ako?”
“Dahil ikaw
lang.”
“Ang alin?”
“Ang gusto
ko.”
“Bakit nga?”
“Masaya
akong kapiling ka. Hindi ka maalis sa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Sa’yo lang
naman ako nagkaganito eh.” Sunud-sunod na paliwanag nito.
“Eh si
Jessa?” Hindi siya nakaimik.
“Sulitin
natin kung anong meron tayo ngayon Dhen.”
Alam ko
umiwas siya sa tanong ko kaya di na ako nagpumilit pa sa halip
napabuntung-hininga na lang ako.
Ilang minuto
matapos ang pag-uusap namin, sinilip ko kung tulog na siya. Nagulat pa ako nang
makitang nakatingin siya sa akin. Parang nahipnotismo ako sa titig niya. Dahan-dahan
niyang nilapit yung mukha niya sakin. Hindi na ako nakaiwas pa.
For the
first time ay naghalikan kami na para bang wala nang bukas. Isinantabi ko muna
ang katotohanan tungkol kay Jessa. I want the moment to last. Mula sa simpleng
paghahalikan, nagsimula nang maglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t
isa.
Nang
makaramdam ako nang boner mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na
yelo. Tumigil ako sa ginagawa ko. Nagtataka siyang napadilat.
“Sorry,
hindi pa ako handa sa ganito.” Sabay iwas ng tingin.
“Sorry Dhen,
masyado akong naging mabilis. Hindi ko sinasadya, hindi ko na kasi napigilan
eh.” Binatukan ko siya.
“Loko ka,
pinagnanasaan mo pala ako.” Natawa siya. “Kelan pa?”
“Aba secret
siyempre. Hindi ko pwedeng sabihin sa taong mukhang puwet.” Pang-aasar niya.
“Mukhang
puwet pala huh.” At inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
Kunwari
naman siyang umiiwas pero sa tingin ko nag-eenjoy siya. Hinayaan ko na lang na
makaramdam siya nang ganun. Nang mapagod sa kakatawa, naghari ang katahimikan
sa pagitan naming dalawa.
Likas
talagang hindi sanay ang bestfriend ko na tahimik ako kaya naman siya na ang
nagkusang bumasag sa katahimikan.
“Dhen.”
“Hmmm?”
“Pwede isa
pa?”
“Isa pa ang
alin?”
At ngumuso
siya sa akin.
“Ano ba yan
ang hilig. Teka don’t tell me naaadik ka na sa mga halik ko. OMG!” Pinanlakihan
ko pa siya kunwari nang mata.
“Ulol ka.”
At tumawa siya. “Sige na Dhen.” Binigay ko na din ang hiling niya. Sobrang
nag-eenjoy na akong kahalikan siya.
Naalala ko
pa nuong high school kami na pilit kong itinatago sa kanya ang pagkatao ko. Na
sa bawat tanong niya sa aking pagkalalaki ay laging ang isinasagot ko ay hindi.
Sa bawat
pagtataas ng kilay ng mga kaklase at schoolmates namin dahil sa kakaibang
closeness namin noon, siya ang laging nagtatanggol sa akin. Laging magkatabi sa
upuan, sabay umuwi, magkatabi sa higaan pag may sleepover at minsan ay
nagsusubuan pa.
Kami ang
sentro lagi nang tuksuhan sa grupo namin. Ang tawag nga nila samin eh
lovebirds. Kinikilig ako sa tuwing magkasama kami at sweet sa isa’t isa.
Nakakatawa ngang isipin na minsan ako pa rin ang priority niya kahit na ba may
girlfriend siya. Ako pa rin ang punu’t dulo nang alitan nila kaya naman ako na
ang kusang umiwas sa kanya.
Naging
malungkutin na siya simula noon. Naalala ko pa nga kung paano ako kinausap nung
isa sa mga naging girlfriend niya. Halos mangiyak-ngiyak na yung babae dahil sa
biglaang panlalamig sa kanya nang bestfriend ko. Hindi niya daw kakayanin na
mawala ito sa kanya kaya siya nakikiusap sa akin.
“Arnel,
pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian sa kubo?” Seryoso kong sabi sa kanya.
“Bakit?”
Malamig niyang tugon.
“May mga
bagay tayong kailangang ayusin sa pagitan nating dalawa.”
“Okay.” At
bumalik na ako sa nilipatan kong upuan.
Nang sumapit
na ang oras, andudun na siya sa kubo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo.
Umupo ako sa harap niya. Ilang minutong katahimikan. Nag-iipon muna ako nang
lakas ng loob bago magsalita.
“May mga
bagay na kailangang isakripisyo para maging matagumpay ang isang bagay at
kasama na dun ang turingan natin.”
Tumingin
siya sa akin at bakas ang lungkot. Hindi ko kaya na nakikita ang taong mahal ko
na ganun pero kailangan kong maging firm at realistic.
“Arnel,
ayoko mang gawin ang pag-iwas sa’yo pero kailangan.”
“Bakit
kailangan mong umiwas?” Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha niya.
“Dahil may
mga taong nasasaktan sa pagkakaibigan natin.”
“Si Nikki ba
yang taong yan?”
“Hindi na
mahalaga kung sino pa iyon pero gusto kong ipaintindi sa’yo na…”
“Na ano? Na
nahihirapan ka? Na nasasaktan ka sa sitwasyong pinasok ko?” Nag-break down na
siya nang tuluyan.
“Nasasaktan?
Oo nasasaktan ako pag ang mga babae mo lumalapit sa akin at humihingi nang payo
kung anong gagawin nila pag nararamdaman nilang nanlalamig ka sa kanila. Na sa
tuwing umiiyak sila, ang laging bukambibig ay kung may iba ba na nagpapasaya
sa’yo. Nakaramdam ako nang guilt alam mo ba yun?”
“Kung
nasasaktan ka sa paglapit nila sa’yo bakit hindi ako ang kausapin nila?”
Iritado niyang tanong.
“Dahil ayaw
nilang marinig mula sa bibig mo mismo ang isang kasinungalingan na walang
nagpapasaya sa’yong iba gayong iba ang pakikitungo mo sa kanila.” Hindi ko
naiwasang medyo tumaas ang boses ko.
“Bakit nga
hindi ako ang kausapin nila? Bakit ikaw?”
“Dahil ako
ang BESTFRIEND mo!”
“Ang labo
mo. Kung bestfriend nga talaga kita dapat nakikita ko ang pagsuporta galing
sa’yo at hindi ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Alam mo bang ang sakit sa
dibdib na hindi na tayo gaya nang dati?”
“Hindi na
nga tayo gaya nang dati dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pilit mo mang
itanggi sa sarili mo pero iyon ang dapat.”
“Hindi iyon
ang nararapat Dhen. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos simula nung
magka-girlfriend ako, nagbago ka na at nasasaktan ako sa pagbabago mong iyon.
Alam mo, I missed my bestfriend! At alam mo kung ano ang mas masakit pa doon ,
I lost him!” At umalis na siya na lumuluha.
Hindi ko
maiwasang mapaluha nang maalala ko ang malungkot na bahagi na iyon ng nakaraan
namin. Nang muli ko siyang silipin ay mahimbing na siyang natutulog. Muli ko
siyang hinagkan.
----------------------------------------------------------------------------------
“Good
morning!” Bungad niya sakin ng imulat ko ang mga mata ko.
Tinakpan ko
ang bunganga ko at bumati sa kanya. Natawa siya sa inasal ko. Napatakbo akong
bigla sa banyo nang maramdaman kong sasabog na ang pantog ko. Nang mai-release
ko na ang tension ay nakaramdam ako nang ginhawa.
“Halika na,
kaen na tayo.”
Dumulog na
ako sa hapag at dinaluhan siyang kumain. Parang bumalik ang mga masasayang araw
naming dalawa. Nagsusubuan kami nang pagkain at ine-enjoy ang moment.
“Ano Dhen,
sabay tayong maligo?” Aya niya sa akin.
“NO WAY!”
Pagsalag ko sa alok niya. Tumawa naman siya.
“Andaya mo,
hindi ko pa nakikita yang katawan mo samantalang ako ilang beses mo nang
nakita. Unfair ito.”
“Unfair ka
dyan. Tse! Hala sige, mauna ka nang maligo dali at ako ang susunod.”
Matapos
maligo at makapagbihis ay naghanda na akong umuwi. Bitbit pa rin ang bag ko,
umangkas na ako sa motor niya. Inutusan niya akong humawak ng mabuti at sumunod
naman ako.
Ilang minuto
ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay namin. Agad kaming sinalubong ni
mama. Bagama’t may kakaiba sa pagsalubong niya ay dineadma ko muna at inayang
pumasok muna si Arnel. Naramdaman niya din ang ibang aura ni mama kaya hindi na
siya tumuloy at nagpaalam ng umuwi. Hindi ko na siya pinigilan.
“Nasan ka
kagabi?” Sumunod pala si mama sa kuwarto ko.
“Sa party.”
“Party?
Bakit andito si Francis kagabi sabi ni ate mo at hinahanap ka eh magkasabay
naman kayong umalis dito.” Hindi ako umimik.
“May
ginagawa ka bang kalokohan?”
“Wala ma.”
Depensa ko.
“Kung ganon,
nasan ka kagabi?”
“Pumunta ako
kila Arnel nagpasundo ako.”
“Nagpasundo?
Bakit?”
“Eh nahihiya
akong makitulog dun ma eh.”
“Bakit nung
nagpunta dito si Francis malungkot siya? Anak, nag-away ba kayo?”
Umiling lang
ako.
“O siya,
grounded ka ngyong araw na ito.”
“Ma? Ang
tanda ko na para ma-grounded.”
“Parusa mo
yan sa pagsisinungaling mo.” At tuluyan na akong iniwan ni mama sa loob.
Ilang
buntong-hininga din ang pinakawalan ko bago ko unti-unting pinilit na tanggapin
ang kaparusahan ko. Sa totoo lang, wala din naman akong magagawa pag
nagdesisyon na si mama. Siya kasi ang batas sa bahay.
Wala akong
ibang ginawa sa maghapon kundi ang kumain, magluto, maghugas ng pinggan at
maglinis ng bahay. Napaka-domestic ng araw kong ito. Lalo pa akong nabagot ng
wala man lang nagtext ni isa. Kaka-badtrip talaga.
Pinili ko na
lang na mag-stay sa kuwarto ko. Isip-isip ng kung anu-ano.
“May bisita
ka.” Si mama.
“Sino daw?”
Pero walang tugon akong narinig kay mama kaya naman napilitan akng bumangon
para harapin yung bisita ko. Nag-ayos muna ako nang gulo-gulo kong buhok bago
tuluyang lumabas.
Ngiti ang
sumalubong sa akin. Bagama’t may konting sakit pa rin akong nararamdaman sa
puso ko, unti-unti naman itong tinatalo nang katotohanang nag-eeffort siya na
puntahan ako rito sa bahay. Nagpaka-pormal ako.
“Hi!” Bati
ko.
“Hello kuya.
Kamusta ka na?”
“Hmmm, okay
lang naman ako. Ikaw ba?” Pilit niyang itinago yung lungkot niya pero hindi
niya napigilan.
“Kuya,
sorry.”
“Ma, pwede
ba kaming mag-usap sa kuwarto?” Sumagot naman agad ito. “Tara dun tayo
mag-usap.”
“Sige po.”
Tumayo siya at sumunod sa akin.
“Nga pala,
juice or coke?” Tannong ko sa kanya.
Umiling
siya.
“Water or
coffee?”
Umiling
ulit.
“Wala ka
talagang gusto?”
“Meron.”
“Ano para
maihanda ko muna bago tayo mag-usap.”
“Ikaw.”
Waaaaaaahhhhhh,
natameme ako. Napatakbo ako bigla palabas. Tumungo ako sa kusina para magtimpla
nang iced tea at makaiwas sa sinabi niya. Shet! Kinilig ako. (Hanglande lang!)
“Hala
nakalimutan kong magdala nang pambara.” Pagpasok ko na pilit ibinabalik ang
composure.
“Huwag na
kuya gusto lang kitang makausap.”
“Ah okay,
sabi mo eh.” Nate-tense ako. Ano ba yan. Para naman akong dalaga nito na
nililigawan.
“Kuya…”
hinawakan niya kamay ko. “…patawad sa nagawa ko kagabi.”
“Ikaw naman,
lagi kang nagso-sorry kahit na hindi naman ikaw may kasalanan.”
“Mahal
kita.”
“Alam ko.”
Napatingin siya sa akin at namilog ang mga mata. “Ah, eh, nasabi mo kagabi.”
Sabay bawi nang tingin.
“Wala ba
akong pag-asa sa’yo kuya?”
“Hala, ibig
sabihin ba nito…?”
“Oo kuya,
nanliligaw na ako sa’yo.” Toinks, confirmed. Dalaga nga ako.
“Di ko alam
paano magre-react Francis. First time ko.” Natawa siya sa huling sinabi ko.
“Huwag mong
madaliin ang sarili mo kuya. Willing akong maghintay ng sagot mo.”
“Aaminin ko,
gusto din kita. Gusto pa kitang makilala. Ilang beses na akong nasaktan sa mga
nalaman at nakita ko sa’yo kaya naman siguro mas dapat na kilalanin muna nating
maigi ang isa’t isa.” Sa wakas muli ko na namang nasilayan ang mga ngiting
bumighani sa akin.
“Talaga
kuya?” Napatayo siya at niyakap ako.
“Whoa
Francis! Baka masanay ako at hanap-hanapin ko ito.” Sabay kalas sa yakap niya.
“Walastik ka
kuya eh kung hahanap-hanapin mo yakap ko eh di text mo lang ako at yayakapin
kita.”
“Palabiro ka
talaga.”
“Ang saya
ko, okay na tayo ulit.” Niyakap niya ako ulit. Hindi ko na siya sinaway pa.
“Nga pala kuya, nagpaalam na ako kay tita na dito ako matutulog ngayon.”
“Wala na
akong sinabi.”
At tumawa na
siya ulit.
“Mukhang
nagkakasiyahan na kayong dalawa diyan ah.” Saway ni mama sa kabila nang pinto.
“Hindi naman
ma. May nasabi lang kasi siyang nakakatawa kaya kami tumawa.”
Loko-loko
talaga tong taong to. Sana makilala ko pa talaga siya. Napahiga siya sa pagod
gayundin ako. Nang makalapat na ang mga katawan namin sa kama, hindi ko
maiwasang hindi maghikab.
“Aga pa kuya
inaantok ka na.”
“Hindi
naman.” Nang tiningnan ko siya ay nakatingin lang siya sa kisame.
Pinagmasdan
ko ang kabuuan ng mukha niya. Napaka-gwapo niya sa kabila nang mga pimples na
nag-trespass dito. Ang lips niya, hmmmm. Shet! Ang sarap halikan. Di ko
napigilan ang sarili kong humanga sa parte na iyon ng mukha niya.
Namalayan ko
na lang ang mga impit na ungol niya. Oo. Nilalapastangan ko ang mga mapang-akit
na mga labi niyang iyon. Hindi naman siya gumawa nang anumang move para pigilan
ako. Ang sarap ng feeling na hinahalikan siya.
“Francis.”
“Kuya.”
Tumingin ako
sa mga mata niya at muling dinama ang ligayang dulot ng mga labi niyang iyon sa
pagkatao ko. Gusto ko talaga si Francis, hindi naman siguro malayong mahalin ko
na din siya. Mabait siya, guwapo, matalino, active sa school, may kaya sa
buhay. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya? All-in-one na nga siya eh kumbaga
kumpletos rekados.
Ngunit…
(itutuloy)
[07]
Si Jie. Si
Jie na ang tanging alam ko lang ay best friend ni Francis simula pa noong first
year high school sila. May hitsura rin ito, matalino, mayaman. Nakakapagtakanga
ngang bakit hindi ito nagustuhan ni Francis.
Sa school,
inseparable sila. Halos magsasawa ka na nga na palagi mo silang makikitang
magkasama. Tipikal na magkaibigan. Harutan, kantsawan at damayan pero bakit may
nararamdaman akong mali. Alam ko meron talagang mali sa kanilang dalawa.
“Kuya?”
Napatingin ako sa nagsalita.
“Hmmm.” Ang
guwapo talaga niya.
“May
problema ba?” Tanong niya.
“Wala naman.
May naisip lang.”
“Huwag mo
nang isipin yun. Andito naman ako eh.” At ngumiti.
Kinurot ko
ilong niya. “Ang cute mo talaga.”
“Kaya mo nga
ako nagustuhan eh.”
“Nagustuhan
pala huh. Ugok mo.” Sabay tawa naming pareho.
“Ugok ka
dyan. Totoo naman ah.”
“Whatever.”
“Huli ka
kuya.” At pinaulanan ako nang hampas ng unan.
“Aray!
Nakakasakit ka na ah. Ganyan ka ba magmahal? Nananakit?”
“Hindi
naman. Ganito ako magmahal.” Sabay halik sa aking noo.
Napantastikuhan
ako sa ginawa niya. Natawa naman siya sa naging reaction ko.
“Kala mo
hahalikan kita sa lips huh.” Sabay labas ng dila.
“Asa ka.
Simula ngayon di mo na matitikman tong mga labi kong to. Manigas ka!”
Tumawa lang
siya. Narinig kong nagri-ring phone niya.
“Hoy, phone
mo!” Tumalima naman agad siya.
Parang tanga
pa na tinanong kung ayos lang daw ba na sagutin niya. Nailing na lang ako sa
ginawa niya.
“Hello?”
“O napatawag
ka?”
“Ah tapos
na. Daanan mo na lang sa bahay bukas.”
“Oo eh.”
“Hoy excuse
me! Nagpaalam ako kay mama tsaka alam niya kung nasaan ako.”
“Bakit mo
tinatanong? Susunduin mo ako ganun?”
“Yup,
overnight ako dito.”
“Wala naman
problema. Okay lang naman kila tita na makitulog ako ngayon eh. Welcome ako
rito.”
“O siya ayaw
pa maniwala eh. Heto kausapin mo si kuya.”
At iniabot
nga niya sakin yung phone niya.
“Hello?”
“Kuya, dyan
ba talaga matutulog ngayon yang si Francis?” Si Jie.
“Nagulat nga
ako eh. Kasi ang paalam kay mama may pag-uusapan lang daw kami tapos yun pala
may dala na siyang mga damit niyang pamalit.”
“Ganun po
ba.” Ewan ko lang huh pero feeling ko nadismaya siya sa nalaman.
“May
problema ba?”
“Ngayon niya
lang kasi ginawa yan eh.”
“Alin?”
“Maki-sleep
over sa ibang bahay.” Napatingin ako kay Francis na may questioning stare.
Sumagot naman ito nang ANO. Umiling ako sabay bawi nang tingin.
“Anong ibig
mong sabihin?”
“Never pa
siya natulog dito kahit may invitation naman siya.”
“Ganun ba?
Ano daw dahilan niya bakit lagi niyang tinatanggihan yung alok mo?”
“Kesyo di
raw siya papayagan o kaya naman eh may tinatapos siyang project. Sakto namang
wala kaming mga projects or kung ano na pwedeng maging busy siya.”
Napabuntung-hininga
ako.
“Sige hayaan
mo kakausapin ko siya mamaya.”
“Naku kuya,
huwag na. Baka isipin pa niya na nagsusumbong ako sa’yo mag-away pa kami
niyan.”
“Eh mag-best
friends naman kayo kaya walang issue roon.”
Matagal bago
siya muling nagsalita.
“Nga pala,
kuya kunin ko nga number mo para text text na lang tayo.” Pag-iiba niya sa
usapan.
Ibinigay ko
naman sa kanya kahit ramdam kong umiwas siya sa huling sinabi ko. Hindi
nagtagal ay nagpaalam na ako at ibabalik ko na kay Francis yung phone.
Hindi na ako
nakinig pa sa pinag-uusapan nila bagkus ay natuon ang buong atensyon ko sa nagawang
pag-uusap naming iyon ni Jie.
Mukhang tama
ako. Jie’s secretly in loved with his bestfriend. Sabi ko sa sarili. Pero. . .
Nagulat ako
nang bigla akong yakapin ni Francis.
“Kuya ano ba
kasi problema?” Tapos na pala sila mag-usap.
“Huh?”
“Huh ka
dyan. Kanina ka pa natutulala.”
“Wala ito.
Pagod lang siguro.”
“Asus! Sabi
ko naman sa’yo, huwag mong isipin yun. Mahal na mahal ka nun.” Pertaining to
his self.
Natawa ako
sa inasta niya.
“What’s
funny? Hay naku.” Patampo niyang sabi pero lalo lang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin.
Tahimik pa
rin ako.
“Kuya?”
“Hmmmm.”
“Masaya ako
kasi okay na tayo. Mas masaya ako dahil finally umamin ka na sa nararamdaman mo
sa akin. Mas sasaya ako kapag . . .” Pambibitin niya.
“Kapag ano?”
“Kapag
tayo.”
I am lost
for words. My heart skips a beat while my mind settles in euphoria. Si Arnel.
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe niya. Naguguluhan na tuloy ako.
I like them
both pero hindi ako papasok sa sitwasyong alam kong madedehado rin ako sa huli.
“Francis?”
“Kuya.”
“Masaya rin
ako na okay na sa ating dalawa ang lahat but I can’t assure you of anything. I
am confounded with the truth that you are around as well as si Arnel.”
Tahimik siya
kaya nagpatuloy ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin giving
him the feeling that he has to listen sa sasabihin ko.
“Overwhelming
ang presence niyong dalawa. Minsan nga natatakot na nga ako na baka dahil sa
lakas ng charisma niyo eh sabay kayong mawala sa akin.”
“No kuya!
Hindi iyon mangyayari. I won’t leave you at that.”
“Don’t make
promises Francis. I am tired of hearing those. Just do it wala nang need pa na
gumawa nang stupid guarantees.”
“I have to.”
“Why?”
“Dahil mahal
kita kuya, ikaw ang buhay ko.”
“Don’t say
that. Iikot pa rin ang buhay mo without me.”
“Siguro nga
pero days would be lonelier kung wala ka.”
“Why?”
“You’re
responsible of me.”
“Huh?” Ano
daw?
Ngumiti muna
siya bago nagsalita. “You’re the reason of my smiles, the reason why I am
looking up to a brighter day, my only reason kung bakit ko pinagbubuti lahat ng
mga ginagawa ko sa lectures, sa office, sa bahay, sa lahat.”
“I’m
flattered Francis but I can’t say the same.” Pagputol ko.
“Naiintindihan
ko kuya. Ang gusto ko lang eh sana maramdaman mo na you’re my other half.”
“You’re too
fast. Hindi pa tayo remember.” Napatawa kami sa sinabi ko.
“That’s why
I love you.”
Natawa ako
ulit. Nang makabawi na ako, nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming
dalawa.
Siya na
bumasag sa gap na iyon.
“I’ll be
missing this.” Malungkot niyang sabi.
Napabitaw
ako sa yakap niya at hinarap siya. Bakas sa mukha ang pagkabigla at naguluhan.
“You’re
leaving me?”
“Hindi kuya.
I have no guts to leave you baka ikamatay ko iyon.” Binatukan ko siya.
“What’s that
for?”
“Masyado ka
nang OA.” Napakamot lang siya sa ulo niya.
“Honestly, I
am afraid of losing you.”
“Ako rin, I
am afraid of losing . . .” Tiningnan ko siya. Nakita ko naman ang anticipation
sa mga mata niya. “. . .me.” At tumawa ako na para bang wala nang bukas.
Dahil dun ay
nakatanggap ako nang ilang hampas ng unan. Tawa pa rin ako nang tawa.
“Nagoyo mo
ako dun kuya huh. Ang korni mo!”
“Mahal mo
naman.”
Dinaganan
niya ako. Napatigil siya. Nag-uusap ang mga mata namin. Unti-unti niyang
nilapit mukha niya sa akin.
“Oops, no
kissing. Sabi ko di ba na hindi mo na ako mahahalikan.” Patuloy pa rin niyang
nilalapit mukha niya.
“Sisigaw ako
nang rape sige ka.” No comment.
“Francis!”
“Beg for me
to stop!” May utos sa salita niya.
“Ulol mo.
Beg beg ka dyan.”
“Then you
can’t stop me.”
Pinigilan
kong magkadikit mga lips namin. He moaned for failing but he’s insisting.
Tinanggal niya kamay ko at hinawakan palayo kasabay ng paghawak sa kabilang
kamay ko. Now I am guard less. Vulnerable.
“Kuya.”
Wala na
akong magawa. Pilit ko mang labanan ang sarili pero hindi ko kayang pigilan na
muling malasap ang mga halik niya kaya naman pumikit na ako. Without battling
an eyelash, I felt his soft, warm lips against mine. The kiss was swift, pure
and addictive. Tongues were pressed against each other. Soft moans were heard.
Then suddenly we stopped.
“That was
intense.” Sabi ko. He smiled.
“I love you
kuya.”
“I like you
more.”
“Oh bakit
like lang?”
“I want to
know you more.” He gave me that not-convinced stare. “Basta.”
“Okay.”
“One more?”
“Yes your
majesty.”
And naulit
ang paghihinang ng mga labi namin.
(itutuloy...)
[08]
“Ugghhh!”
Napadilat
ako dahil sa narinig. May umuungol. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may
kakaiba pero wala naman. Patuloy lang ang mga ungol na ngayon ay lumalakas na.
Nanggagaling yun sa pwesto ni Francis.
Napabangon
ako at sinigurong dun nga banda galing. Di nga ako nagkamali kaya naman agad ko
siyang pinuntahan. Inabot ko yung switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng
paligid ay ang pagkakita ko sa ayos ni Francis na unat na unat.
Patuloy lang
siyang umuungol. Ginigising ko siya pero hindi magising. Kinakabahan na ako.
Sinubukan ko siyang gisingin muli pero hindi pa rin effective. May nabasa ako
sa isang libro noon na pag hindi raw magising ang isang taong binabangungot ay
umusal lamang ng prayer. Yun nga ang ginawa ko.
Nagdasal ako
sa tabi niya ngunit hindi pa rin. Napahawak ako sa kamay niya habang patuloy sa
pagdarasal. Hindi nagtagal ay naramdaman kong humigpit pagkakahawak niya sa
kamay ko. Napadilat ako at tiningnan siya.
Wari mo’y
naligo ito sa sobrang pawis habang nakaupo sapo ang ulo.
“Saglit kuha
ako nang tubig tsaka pamalit mo.”
Tatayo na
sana ako nang pigilan niya ako.
“Kuya huwag
mo ako iiwan.” Usal niya habang di mapigilan ang pagtulo nang mga luha niya.
Napayakap
naman ako sa kanya.
“Hindi kita
iiwan Francis. Tahan na.”
Patuloy lang
ako sa pagyakap at paghaplos sa likod niya nang maalala ko na dapat pala ako
kumuha nang tubig.
“Saglit lang
huh, kuha lang ako nang maiinom tsaka pagbibihisan mo.”
“Kuya dalian
mo huh. Ayoko mag-isa.”
Tumalima
naman ako agad at kumilos na. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ako sa
kuwarto dala ang isang baso nang tubig at bihisan. Inabot ko na iyon agad sa
kanya.
“Bakit mo
kinukuha unan kuya?”
“Tabi na
kasi tayo matutulog. Okay?”
“Opo.”
“Yan good
boy. Lika na kay daddy dali.” Sabay pagpag sa katabing space.
Tuwang-tuwa
naman ang loko at tumalon pa sa kama.
“Ay
excited?”
“Opo daddy.”
At nagboses bata pa.
“Yuck!”
Natawa na lang kami pareho. Naka-move on na siya.
Inakala kong
nakatulog na siya nung tumahimik na siya. Sinulyapan ko. Nakapikit na siya kaya
naman napagpasiyahan ko na ring matulog.
“Sorry kuya
huh, naistorbo pa tuloy tulog mo.” Rinig kong sabi niya.
“Wala yun.
Kinabahan nga ako kasi baka napano ka na eh.”
Tahimik
ulit.
“Lika nga
dito, lapit ka.” Lumapit naman siya.
Inangat ko
ulo niya para sa braso ko siya uunan. Yung isang kamay ko naman ay iniyakap ko
sa kanya. Instinct na sigurong maituturing yun para maramdaman niyang secured
siya. Napayakap na rin siya sa akin. Ganun ang ayos naming natulog.
“Good
morning daddy!” Bungad niya sa akin pagmulat ko.
“Good
morning din Francis.” Nagulat pa ako nang halikan niya ako. Nakabawi rin ako
agad. “How was your sleep?”
“Never been
better.”
“Hus,
bolero.”
“True yun
kuya ah!”
“Sabi mo
eh.”
“Ay di
naniwala oh.” Patampo niyang tugon.
“Nagtatampo
ka na nyan?”
“Nope.”
“Weh di
nga?”
“Nope.”
“Sige bahala
kang magtampo dyan.”
Bumangon
siya agad at talagang nagtampo nga. Babangon na rin sana ako pero nahihirapan
akong tumayo.
“Francis.”
Hindi siya
sumagot.
“Francis
tulong.”
“Bahala ka
riyan tumayo mag-isa.”
“Hindi ko
nga maigalaw braso ko paano ako tatayo?” Sa totoo lang kaya ko naman tumayo
gamit ang isa ko pang kamay pero inaamo ko lang siya.
“Style mo
bulok.”
“Francis!!”
Napasigaw na ako bigla. Napahangos naman siya agad sa akin.
“Huwag mong
gagalawin! Huwag mong gagalawin!” Hiyaw ko dahil sa biglang sumakit yung braso
ko.
“A-anong
nangyayari kuya?” Taranta niyang tanong at biglang hinawakan ako sa braso.
“Namamanhid
yung braso ko. Ang sakit sobra! Please huwag mo munang gagalawin.” Halos
maiyak-iyak ko nang sabi.
“Kuya sorry!
Sorry!” Binatukan ko uli siya. “Aray! Pangalawa na yan huh.”
“Bakit ka ba
kasi nagsosorry?”
“Eh kaya
nagkaganyan yan kasi ginawa kong unan kagabi.”
“Hay naku,
mawawala rin ito maya-maya basta di lang magalaw. Parang di ka nursing ah.”
Tumawa pa ako para naman gumaan pakiramdam niya kahit paminsan-minsan ay
napapangiwi ako pag nasasagi.
Mukhang
nagkamali ako dahil napayuko siya. Inangat ko mukha niya gamit yung nangalay na
kamay ko na ngayon ay hindi na gaanong masakit.
“Huwag na
malungkot huh. Ayaw ko makita kang nakasimangot o kaya naman malungkot kaya
naman smile na, please?”
Alangan pa
rin ito. Kaya naman nilapastangan kong muli ang mga labi niya bilang pang-aamo
ko sa kanya. Saglit lang iyon pero kapalit naman nun ang isang ngiti sa kanya.
Sapat na iyon sa akin. Nakabawi na siya maging ako rin.
“Ang aga
namang drama nito. Halika na nga at kumain na tayo.”
Lumabas na
kami at kumain. Matapos iyon ay agad na itong nag-ayos para umuwi. Bitbit ang
backpack niyang iyon ay nagpaalam na siya kila mama.
“Hatid na
kita.”
“Di na kuya.
Kaya ko na ito tsaka baka masanay ako na may naghahatid sakin eh mahirapan ka
pa.”
Oo nga
naman. Tama siya dun ah.
“Ganun ba? O
sige tawag na lang ako nang tricycle.”
Tinawag ko
yung nakapila at lumapit naman ito agad.
“O text mo
ako pag nasa bahay ka na huh?”
“Yup. So
paano kuya, see you sa school.”
Tumango lang
ako. Hahalik sana siya pero pinandilatan ko para sabihing di pwede. Nakuha
naman niya agad kaya yumakap na lang.
“I love you
kuya.” Bulong niya sabay kalas sa yakap. Ngumiti na lang ako.
“Hays,
napagod akong bigla dun ah.” Sabi ko sa sarili nang tuluyan ng mawala sa
paningin ko yung sinasakyan ni Francis.
Papasok na
ako sa loob nun ng tumunog yung phone ko.
Bez Arnel
Ano na naman
kaya nakain ng taong ito at nagtext. Binuksan ko yung message. Parang mas lalo
akong napagod sa nabasa ko. Kakatapos ko lang makipagharutan kay Francis tapos
heto na naman ang isa. Salawahan lang eh.
“Ma, pupunta
raw si Arnel ngayon.” Walang gana kong sabi kay mama.
“Ganun? O
siya pupunta muna ako sa palengke. Ikaw na muna bahala rito sa bahay tsaka dyan
sa bisita mo.”
“Okay.”
Matapos iyon
ay tumungo na ako sa sala at nanuod muna nang TV. Hindi pa nag-iinit yung puwet
ko sa upuan ng muli ito magtext. Nasa labas na raw siya. Tumayo na ako para
puntahan siya.
“Oh bakit
parang pagod ka?”
“Huwag mo na
lang pansinin yan. Anong meron?”
“Wow sungit
ah. Meron ka ba ngayon?”
“Don’t start
with me.” Sabay irap.
“Okay.
Anyway, sila tita?”
“Obvious
ba?”
Napakamot
siya nang ulo. “Oo nga naman.”
“Do you want
anything? Merienda?” Habang nakatutok ang mga mata sa paborito kong palabas.
“Ahm, hindi
na.” Tumahimik siya.
Hindi ako
sanay na ganito siya katahimik. Kakausapin ko na sana nang makita kong
nakatulog pala ang loko. Napailing na lang ako. Maya’t maya ko siyang
tinitingnan. Ang amo kasing tingnan ng hitsura niya ngayon.
“Baka
matunaw ako.”
“Ulol!”
Sabay hampas ng throw pillow.
“Aray!
Nananakit?”
“Dapat lang
sa’yo yan.”
“Pa-kiss
nga!”
“Tukmol, di
pwede.”
“Bakit
naman?”
“Wala tayo
sa bahay niyo o kaya sa isang private na lugar. Baka mahuli tayo.”
“Eh wala
naman sila di ba?”
“Basta hindi
pwede.”
“Ay ang
damot naman. Para halik lang eh.”
“Anong para
halik lang ka dyan! Len umayos ka nga.”
“Sabi mo
eh.” Sabay iling.
“Anong
meron?”
“Saan?”
“Wala.”
“Hay naku.”
“Ewan.”
Nakatutok
ako sa panunuod samantalang siya ay walang puknat kung makapagtext. Iyon
marahil ang paraan naming dalawa para punuan yung gap na naghahari sa pagitan
namin. Maya-maya pa ay may tumatawag sa labas.
“Saglit lang
po.” Sabi ko sabay tayo.
Mga ilang
minuto na rin siguro akong nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan yung
babaeng kanina pa nagtatao po sa labas. Nagngingitngit ang kalooban ko.
“Hi.” Labas
sa ilong na bati ko.
“Hi Dhen!
Andyan ba si Arnel?”
“Ah oo.
Saglit tawagin ko.” Sabay talikod.
Nasa pintuan
na ako nun ng maalala kong hindi ko pa pala siya pinapasok or inalok man lang
na uminom. Ewan. Nagdadalawang isip ako kung papatuluyin ko pa ba siya.
Nagtatalo ang pagkainis ko kay Len at sa babaeng ito at yung better side of me.
Siyempre nanaig ang hiya ko. Binalikan ko siya para papasukin.
“Hayan siya
oh.” Sabay turo kay Len na nakaupo.
“Hi hon! I
miss you!” Sabay halik sa pisngi nito.
Lalo akong
nag-alburoto. Padabog akong umupo sa sofa. Napatingin pa silang dalawa sa akin.
Nakaramdam ako kaya tumingin din ako sa kanila sabay sabi nang sorry at ngiting
pilit.
Nakatutok
ang mga mata ko sa screen pero tutok na tutok ang tenga ko sa pinag-uusapan
nila.
“Ahm hon,
bakit mo nga pala ako pinapunta rito kila Dhen? Nakakahiya naman.”
“Na-miss
lang kasi kita eh. Kelan na ba kasi ulit tayo huling lumabas?” What the!? Hindi
dating place itong bahay!!! Kapal at pinapunta pa rito!!! Buwisit talaga!!!
“Hindi ko na
rin maalala eh. Hmmm, two weeks ago?”
“Tama, sa
may park tayo nun with matching sorbetes tsaka cotton candy.” Sabay tawa. Malas
nga naman oo.
“Oo nga hon.
Tapos napag-usapan din natin yung future natin 3 years from now. Remember,
nagplan tayo about our wedding?”
Bigla akong
napaubo parang nasamid.
“Dhen okay
ka lang ba?” Si Jessa.
“Ah, oo.
Huwag niyo akong intindihin.”
At
nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Medyo tumatahimik si Arnel. Buwisit na
buwisit naman ako. Hindi na ako makatiis. Gusto ko nang umalis pero saan naman
ako pupunta? Malamang makakaramadam si Francis pag siya ang tinawag ko.
“Ah Dhen,
phone mo nagri-ring.” Si Jessa ulit.
“Huh?”
“Phone mo.”
Si Len.
“Ah sorry.”
Sabay dukot ng phone at sagot dito.
Tumayo ako
at bahagyang lumayo.
“Buti
tumawag ka!” Halos pabulong kong sabi sa kausap ko.
“Ay anong
meron?” Si Xyza.
“Mahabang
kuwento Xy. Kuwento ko sa’yo lahat pero may kapalit.”
“Ano?”
“Magdala ka
nang float and fries for two rito sa bahay tapos kunwari hindi mo alam na may
bisita ako rito sa bahay. Gets?”
“Copy.”
“Okay. Now
na.”
At naputol
na ang linya kasabay nun ang pagkakita kong nag-smack silang dalawa. Gusto ko
nang ibalibag tong dalawa palabas. Feeling ko nananadya itong si Len eh. Lintik
lang ang walang ganti!
Nag-ring
ulit phone ko.
“Nasaan ka
na? Bakit ang tagal mo?” Singhal ko sa tumawag.
“Huh? Kuya?”
“Ay FRANCIS!
Sorry. Ikaw pala yan.” Diniinan ko talaga ang pangalan niya para marinig ni
Len.
Napalingon
naman ito. Palihim na nagbubunyi ang kalooban ko dahil sa nakita kong medyo
naningkit ang mga mata nito.
“Anong meron
at napatawag ka?”
“Nakalimutan
ko kasi kuya yung ano ko.”
“Anong ‘ano’
mo?”
“Yung ano ko
sa banyo.”
“Ano nga
yun?”
“Yung brief
ko.” Natawa ako dahil sa sobrang hina nang pagkakabanggit niya sa brief. “Kuya
naman eh. Nahihiya na nga akong sabihin tinawanan pa.”
“Sorry,
natawa talaga ako sa pagkakasabi mo nang brief eh.” At ginaya ko ang hina nang
pagkakasabi niya.
“Lagot ka
sakin. Humanda ka, malapit na ako.”
“Can’t
wait!” Sabay tawa ulit.
Pansamantala
kong nakalimutan ang dalawang nilalang sa loob ng bahay na kanina pa pinapapak
ng langgam. Tingnan ko lang kung anong mukha ang ihaharap mo sakin after this.
Maya-maya pa
ay may bumusina na sa labas. Dali-dali ko itong pinuntahan. Bumukas na ang
pintuan at iniluwa noon si Francis na kuntodo porma.
“Oh saan ang
date huh Francis?”
“Saan pa nga
ba kuya? Eh di rito sa bahay mo.”
“Loko. As if
pwede.”
“Malay mo
kuya makalusot.”
“Ewan.”
“Ay kuya
teka, may nakalimutan ako.”
“Don’t tell
me brief din yan.” Natawa lang ito.
“Wait lang
huh, kunin ko.” Pandededma niya sa pang-aasar ko.
“Okay.”
Di rin
nagtagal ay bumalik na rin siya.
“O nasan
yung kinuha mo.”
“Secret. Sa
loob ko na lang ibibigay.”
“No! Pakita
muna bago pumasok.”
“Guard? Ikaw
ba yan?”
“Oo at oo pa
kaya dali na. ilabas na iyan.”
“Si kuya
naman excited masyado. Hala sige na nga.”
May
dinudukot siya sa bulsa niya. Nag-eexpect naman ako na singsing iyon o kaya
naman ay necklace or wrist band pero nagkamali ako.
“Ano yan?”
Sabay turo sa hawak niya.
“DVD.”
“Harry
Potter?”
Tumango lang
siya. Sa sobrang kasayahan ay nayakap ko siya nang mahigpit. Natigil lang kami
nang may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako. Kita ko naman ang reaction ni
Len. Naiinis rin ito lalo pa at naabutan niya kami sa ganung sitwasyon.
“Ah,
Francis. Pasok ka muna sa loob.” Anyaya ko. Sumunod naman ito.
“Ah Dhen,
alis na muna kami ni Arnel huh. May pupuntahan lang kami.” Maharot nitong sabi.
“Ingat.”
Sabay talikod. “Nga pala BEZ, pasara na lang yung pinto pagkalabas niyo huh.”
At tumalikod ulit.
Narinig ko
na lang ang may kalakasang paglapat ng pintuan. Waring padabog kaya naman
sobrang nagbubunyi ako. Kasunod nun ang message ni Xyza na hindi na raw siya
makakapunta dahil dumating sa bahay nila yung bf niya.
(itutuloy...)
[09]
Kakatapos
lang naming panuorin nun yung DVD na dala niya at napag-isipan naming umorder
na lang ng makakain kesa magluto pa ako.
“Kuya anong
gusto mo?” Bigla niyang tanong.
“Gaya nang
iyo.” Simple kong tugon.
“Ah okay
kuya. Order lang ako saglit huh.”
“Sige.”
Inilabas
niya phone niya at nag-dial. Narinig ko na lang na sa McDo pala siya tumawag.
Matapos niyang ibaba yung phone eh tinanong ko agad siya.
“May float
ba tsaka large fries?”
“Oo naman
kuya. Hindi mawawala yun.”
“Yes!!!”
Parang bata kong sagot sa kanya.
Tatawa-tawa
naman si Francis habang pinagmamasdan ako.
Nagkukulitan
pa kami nang may biglang kumatok sa pinto. Agad naman itong pinuntahan ni
Francis at hindi nagtagal ay bumalik na ito agad.
“Tsaraaaaannn!”
Sabay labas ng inorder niya.
Nag-asal
bata naman ako na may papala-palakpak pa habang inaabot yung float tsaka fries.
“Francis,
lapit ka.” Seryoso kong sabi.
Napakunot
noo siya sa sinabi ko.
“Don’t
worry, wala akong gagawing masama sa’yo.”
Lumapit
naman siya agad. Sumandal ako sa balikat niya.
“Thank you
huh.”
“Saan kuya?”
“Sa mga
moments na ganito. Sa mga panlilibre mo, sa mga pagpapasaya mo sa akin.”
“Wala yun
kuya. Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya okay lang sa akin.”
“Hmmmm.”
“Bakit kuya?
Hindi ka ba nag-eenjoy?”
Isang kamay
ang lumanding sa ulo niya.
“Aray ko
huh!”
“Loko ka
kasi eh. Mukha ba akong hindi nag-eenjoy?”
Natahimik
siya. Gayundin ako. Naramdaman ko na lang na may nakaambang fries sa bibig ko.
Napatingin ako dito. Sa halip na ngumanga ay dinampian ko nang halik yung mga
labi niya.
Napapikit na
lang ako sa ginawa ko. May dulot talagang sensation ang halik na iyon.nang
maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay nagpakawala ito nang matamis na ngiti.
Natawa ako bigla kasi nakaamba pa rin yun fries. Natawa na rin siya.
Ang siste, susubuan
niya ako nang fries at ganun din ako. Salitan kami. May mga times na trip
naming pagsabayin. Nasa ganun kaming eksena nang may magsalitang babae.
“Ayieee, hon
ang sweet nilang dalawa oh!”
Bigla naman
kaming naghiwalay ni Francis. Kabadtrip. Di man lang nagpasabi na uuwi na sila
agad.
“Kuya, ate,
meryenda po tayo.” Nahihiyang sabi ni Francis.
“Naku hindi
na. Sige lang. Kakatapos lang din naman naming kumaen eh.” Pagtanggi ni Jessa.
“Ah, ahm,
ang bilis niyo naman? May naiwan ba kayo?” sabay tayo ko na may hinahanap
kunwari.
Hindi ko
kaya yung mapanuring tingin ni Arnel sa akin kaya nagpaalam ako na may kukunin
lang sa kuwarto. Isasara ko na sana yung pinto nang may humarang na kamay dito.
Pagsilip ko, patay.
Nagkunwari
naman ako na parang inosente. Pumasok siya sa loob. I composed myself.
“Yes,
anything?”
“Could we
talk?”
“We’re
already talking.”
“Yung tayong
dalawa lang.”
Inisip ko na
baka naghihintay na si Jessa sa labas.
“Ahm, some
other time na lang. Ayaw ko naman na istorbohin kayo ni Jessa.”
Tumahimik
muna siya bago nagsalita.
“Kami o baka
ayaw niyo maistorbo intimate moments niyo niyang bisita mo?” With emphasis sa
salitang moments.
Medyo
nainsulto ako.
“You don’t
have any concerns kung ano man yung ‘moments’ namin ng bisita ko dahil bahay
namin ito and I have the sole rights kung paano ko ie-entertain mga bisita ko.”
“So that’s
your treatment sa akin. Bisita ako rito ah.”
“Bisita
yourself! You always slam the door open as if you own this house and yet
bisita?”
“You’re
being rude na sa akin Dhen. Bumabalik ka na naman sa dati. Is this how you
really wanted?”
“Wanted
what?”
Nagsusumbatan
na kaming dalawa but we kept our voices low pero ramdam pa rin yung intensity
nang bawal salitang lumalabas sa mga bibig naming.
“As if you’re
itching to kick me out of your life!”
“Anong
sinasabi mo?”
“Ramdam ko
naman eh. Ramdam na ramdam ko na habang tumatagal lalong tumitindi yung
panlalamig mo sa akin. Bakit Dhen? May problema ba tayo?”
Ayoko
sumagot dahil ayoko magbreakdown.
“Ano Dhen,
bakit hindi ka sumagot?” Hindi na niya napigilang yugyugin ako.
“Marami
Len!! Sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano ko pa iha-handle!”
“Kaya ba
ginagawa mong escape goat si Francis? Hindi ka na naawa sa tao.”
Tiningnan ko
siya nang masama.
“How dare
you! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Ni hindi mo alam kung anong
tumatakbo sa isip ko para sabihin mong pampalipas oras ko lang si Francis!
Gusto mong malaman yung totoo? Fine! I want to get rid of you Len! You’re
hurting me so much. Kumplikado ka masyado. Hindi ko hahayaang masaktan mo ulit.
Once is enough.”
Nabigla siya
sa naging reaction ko. Agad niya akong niyakap. This is why I hate dramas.
“I’m sorry
for making things so hard for you. Ako rin nahihirapan. We could make things
work out. Pro---”
“Hon okay
lang ba kayo ni Dhen dyan?” Naputol yung sasabihin niya dahil sa tanong ni
Jessa sa labas.
Kumalas ako
sa yakap niya. “Leave.” Malamig kong sabi.
“Babalik
ako. Hintayin mo ako. Mag-uusap pa tayo.”
“Saka na.
Ayaw muna kita makausap.”
Malungkot
siyang lumabas ng kuwarto. Dali-dali ko naman inayos sarili ko at naghalughog
ng pwedeng gawing alibi nang maalala ko na may binili pala akong brownies para
kay Francis.
“Anything
wrong kuya?” Bungad ni Francis pagkalabas ko nang kuwarto.
“None. Why?”
Sabay abot ng box ditto.
“You seemed
uneasy. Come on tell me.”
“Wala
Francis, promise.” Sabay taas ng kamay na nagpa-promise talaga.
Alam kong
hindi siya convinced kaya naman I flashed him a smile.
“If you’re
ready I’m willing to listen kuya.”
Bumuntong-hininga
lang ako.
“Hala, yung
float ko!” Dinukwang ko yung inumin. “Inubos mo fries ko?”
“Oo kuya.
Sayang eh, lumamig na kasi.”
“Aww, sayang
naman. Di bale, atleast nabusog ka naman.”
“Hus style
mo bulok!”
“Bulok pala
huh.”
At inulan ko
siya nang kiliti. Malakas kiliti niya sa batok kaya yun pinuntirya ko. Hindi
sinasadya na napatid ako at napasubsob ako. Natahimik siya. Ang tagal ko kasing
hinalikan yung floor. Todo concern naman siya. Kunwari naman ako na nasaktan
talaga.
“Kuya, okay
ka lang ba?”
Ungol lang
ako.
“Hala, kuya.
Saan ang masakit?”
Tahimik.
“Kuya!”
Natatawa ako
sa reaction niya kaya hindi ko na napigilang tumawa. Nagulat siya sa reaction
ko pero tumawa na rin siya.
---
“Kuya, sa
sunod ulit huh.”
“Yeah,
anytime basta i-text mo na lang ako.”
“Opo kuya.”
“So, see you
soon?”
“Yeah.”
“Ingat sa
pagda-drive huh.”
“Opo kuya.
Text kita later when I got home.”
Ngiti na
lang ako.
“Ngayon ka
lang uuwi?” Si Arnel na sumulpot sa kung saan.
Ang bilis ko
nagshift mood. Ang bastos kasi nang dating sa akin eh.
“Opo kuya
eh.”
“Ingat.”
At umalis na
nga si Francis.
Dire-diretso
lang ako sa loob. Bahala na siya kung papasok siya o hindi. Labas pasok na nga
yan dito sa bahay eh.
“Asan sila
tita?”
“Wala.”
“Si bunso?
Si ate?”
“Wala.”
“Ikaw lang
nandito?”
Tiningnan ko
lang siya. Gusto ko na ngang sugurin eh kaso nagpaka-civil na lang ako. Tama ba
naman na tanungin kung ako lang ba ang nasa bahay. Stupidity kills.
Ramdam pa
rin sa pagitan namin yung tension mula kanina lalo na sa akin.
“Hindi mo pa
rin ba ako kakausapin ng matino?”
“Bakit ka
nandito?”
“Don’t
answer me with a question.”
A gave him a
dumb look.
“Please usap
tayo. Ayusin natin to.”
“Ayusin?
Wala naman tayong dapat ayusin in the first place. Lumalagay lang ako sa dapat
paglagyan. I don’t want to interfere with your affairs.”
“Meron Dhen.
I’m losing my best friend and I want to win him back.”
“You’re not
losing him. Ginagawa niya lang yung dapat niyang gawin for his BEST FRIEND to
be happy.”
“But his doing
the other way around.”
“Ano ba
dapat niyang gawin? Tugunin yung nararamdaman mo? Ang maging kabit? No way Len.
Hindi niya gagawin yun.”
“Kabit?
Hindi ko inisip na gagawin kitang kabit Dhen.”
“Eh ano?”
“Hindi ko
alam.”
Tahimik.
“Am I asking
too much?”
“Oo.”
“What do you
want me to do? Do you really want to get rid of me?”
“No.”
“Then ano?”
“I want you
to be still with your girl. Tama na muna yung affection mo sa akin. Nahihirapan
ako, nasasaktan, nagi-guilty. Ayaw mo naman siguro yun di ba? Bigyan na muna
natin ng space yung friendship natin. Let’s focus to one situation at a time
para iwas complication.”
“Hindi ko
maintindihan yung hinihingi mo Dhen pero promise me one thing. Babalik ka.
Hindi mo ako iiwan forever. Kasi ako maghihintay ako, I don’t want to lose you.
Special ka sa akin.”
“Promise.”
Yumakap
siya.
“I’ll wait.”
Nagpaalam na
siya pagkatapos. Ang bigat dalhin sa dibdib kasi unang beses kong hiniling sa
kanya na pansamantalang layuan ako. Yung yung naisip kong win-win solution and
sana tama ako.
After some
time, namimiss ko ang best friend ko. But I have to stand on my grounds na
kailangan ko nang putulin ang ugnayan namin. It’s more than unfair sa girl
friend niya mas lalo na sa akin. I don’t want to be hurt anymore.
History always
repeats itself even a thousand folds. Kainis.
(itutuloy…)
[10]
It’s been
days nung hiniling ko kay Len na layuan muna ako. Masisisi ba ako? Hindi. I’m
just doing what I know is right. Sa sampung mali ko, gusto ko itama ang isa.
One at a time ika nga. Mas naintindihan ko how it is being the other person sa
isang relationship; nakaka-guilty, nakakainis. Hindi ko ginustong mangyari ito,
pinili ko lang na mahalin siya but it has to end. (I hope so.)
Aaminin ko,
it’s been lonely since that day kasi wala nang makulit na bestfriend akong
umaaligid, wala nang bestfriend na nangungulit, wala nang bestfriend na
nagtatampo dahil di ko nagawa yung ganito, yung ganun, wala nang bestfriend na
maglalambing. Hays, nakakainis na ewan. Mahirap talagang dalhin pero naniniwala
ako I can get over with this.
“Huy girl,
anong emote?” Si Xyza.
“Wala
naman.”
“Come on,
tell us.”
Tahimik.
“May
problema to girl.” Si Febbie.
“Oo nga.
Mukhang ayaw magsabi eh.”
“Hindi naman
girls.”
“Teka lang
huh mukhang may idea na ako.”
Sabay naman
kaming napatingin ni Febbie sa sinabi ni Xyza.
“Kasi pansin
ko lang huh, hindi ko na madalas makitang magkasama kayo ni Arnel. May LQ ba
kayo?”
“Gago! Anong
LQ ka dyan! Kami ba eh hindi naman.”
“Ay
comfirmed na girl.” Sabay apir nung dalawa.
“O dali na.
you owe us a kwento of what happened between you and si Arnel.”
Buntong-hininga.
No choice na
ako basta pag ganito malakas radar ng dalawa. Gawa na rin siguro na kilala na
nila talaga ako. Kinuwento ko sa kanila lahat ng mga pangyayari. Mataman naman
silang nakikinig sa bawat sinasabi ko.
“Tama lang
ginawa mo girl. Maski ako, ayoko sumabit.” Comment ni Xyza after ng kuwento ko.
“Sinabi mo
pa, takot ko lang sa karma.”
“Yun na nga,
pinili kong masaktan kesa makasakit sa damdamin ng iba lalo pa at kitang kita
ko how Jessa loves him at kung paano niya iyon tumbasan.”
“Papaka-martyr
ka na naman girl. Hayaan mo may dadating din na para sayo soon.”
“Wow, kung
maka-advice ka Feb ah parang hindi ka pinagsabay din noon.” Si Xyza.
“Fuck you!”
“Thank you!”
Dahil sa
asaran nung dalawa, nabawasan kahit papaano yung lungkot ko. Nakisabay na ako
sa kulitan nila. Kahit nasasaktan ako, iba pa rin talaga kapag may mga
kaibigang dumadamay sa’yo sa mga oras na ganito. Nakakawala nang lungkot.
“Hi kuya!”
Biglang sulpot ni Francis sa kung saan.
Napalingon
naman ako sa kanya. Nakangiti na naman siya.
“Oh hi!
Musta?”
“Okay lang
ako kuya. Ikaw ba? Pansin ko kasi na emo ka kanina. May problema ba?”
“Hay naku
Francis, yang kuya mo. Pagsabihan mo nga minsan na huwag mag-isip isip ng kung
ano-ano. Hala, baka isang araw makita na lang natin yan sa kalsada na ang
dungis dungis.” Sabay tawa nung dalawa.
“Ang sweet
niyo talaga mga letse kayo.”
Tumatawa na
rin si Francis sa kulitan namin.
“Nga pala,
isang tanong isang sagot.” Pag-iba ni Febbie.
“Ano po iyon
ate?”
Nagtinginan
muna yung dalawa na para bang nagkaintindihan sila. Medyo kinabahan ako dahil
mukhang may plano itong dalawang ito ngayon.
“Seryoso ka
ba dito sa kaibigan namin?” Si Xyza na ang nagtanong.
Nanlaki mga
mata ko sa tanong niya.
“Xyza,
tigilan mo yan!” Pagsaway ko.
“Ano ba
girl, kikilatisin lang namin siya. Hindi naman namin siya sasaktan eh.”
“Nakakahiya.
Wag niyo nang ituloy.” Seryoso kong sabi.
“Ayos lang
yun kuya.” Sabay flash ulit ng kanyang killer smile.
“See girl,
interested din siya. Okay, balik tayo. Nasa hotseat ka ngayon remember and
sagutin mo tanong naming dalawa nang may katapatan at katotohanan. Mangako ka.”
“Opo.
Promise!”
“Okay by the
power vested in me I will now pronounce you as. . .”
“XYZA!!!”
“Okay fine.”
Sabay hagikhik niya. “Going back, seryoso ka ba sa kaibigan namin?”
Tumingin
muna sa akin si Francis bago sumagot.
“Opo.”
“Paano ka
namin pagkakatiwalaan?”
“Hayaan niyo
pong patunayan ko sa inyo na seryoso ako sa kanya. I don’t want to overwhelm
you with my words mas maigi po atang ipakita ko na lang yun kesa sabihin pa.”
“May point
nga naman siya girl.” Sabay tango. “Next question, halimbawang maging kayo
nitong damulag na ito. . .”
“Wow ang
sweet talaga!” Sarkastiko kong sabi.
“Shut up nga
muna dyan, busy kami.”
“Fine. Huwag
lang kayo magkakamali!” Pagbabanta ko. Tumango lang ito
“So yun nga,
if ever na maging kayo niyang si Dhen, maipapangako mo ba samin na hindi mo
siya sasaktan?”
Natagalan bago
sumagot si Francis.
“Hindi ko po
maipapangako na hindi siya masasaktan dahil sa akin. Ayoko naman pong mangako
nang isang relasyong perpekto, na walang away, na walang nasasaktan pero
hanggang kaya ko iiwasan kong saktan siya.”
Na-touch ako
sa sinabi niya. Totoo nga naman iyon. Walang perpektong relasyon. Lahat
dumadaan sa pagsubok.
“I see.
Mukhang iba ka sa kanila.”
“Third
question, pag nagdate kayo pwede bang dapat kasama rin kami?”
“What?!”
Gulat kong sabi.
“Oh bakit?
Sosolohin mo?”
“Walastik
talaga kayong dalawa pagdating sa pagkain bigla kayong nagiging ewan.”
“Laman tiyan
din iyon girl.”
“Mga patay
gutom!”
“Busog
naman.”
“Hay ewan,
kayo talaga!”
Natatawa na
naman si Francis sa amin.
”Anong sagot
mo Francis? Naku wag kang magkakamali, hindi mo na ito makikita pa kahit
kalian.”
Lalong
natawa si Francis sa tinuran ni Xyza.
Nagpalitan
pa kami nang ilang kulitan at nakikisama na sa amin si Francis. Nakuha na niya
kasi ang mga loob nung dalawang gahaman.
“Huy
Francis, andito ka pala.”
Natigil kami
dahil sa nagsalita. Medyo nagbago mood ko na hindi naman alintana sa dalawa.
“Huy Jie upo
ka.”
“Hindi na.
Kumain ka na ba? Tara kain na tayo.” Aya niya dito.
“Hala oo
nga. Kuya kain na tayo. Sabay-sabay na tayo nila ate Xyza and ate Febbie.”
“Naku hindi
na. Busog pa kami di ba?”
Tumango na
lang yung dalawa sa sinabi ko.
“Ah ganun po
ba? Sige po kain na kami. Nice meeting you mga ate.”
“Nice
meeting you rin.”
“Sige kuya
see you later.”
Tumango na
lang ako bago sila tuluyang umalis.
“Hmmm,
what’s with that face girl?”
“Ang slow mo
Feb.”
“Huh?”
“Sabi ko na
nga ba, pagong ka talagang walanghiya ka.”
“Ay
nagsalita ang talipandas na elepante.”
“Che!
Anyway, mukhang gumana ang gaydar ko dun sa Jie na yun. Dhen, sino yung
kanina?”
“Best friend
niya.”
“Teka medyo
nakukuha ko na Xyza. Parang ikaw lang at si Arnel yung si Jie at Francis?”
“Nakuha mo
rin slow!” Pang-aasar ni Xyza.
“Tama ba
kami Dhen?” Pandedeadma niya sa pang-aasar nito.
“Hindi ko
alam kung kagaya nga nang situation naming dalawa ni Len. Kasi sa amin,
nakikita niyo naman na mahal namin ang isa’t isa pero sa kanila hindi ko alam.”
Nalungkot ako sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Len.
“Pero ramdam
mo ba na may pagtingin yang si Jie kay Francis?”
“Oo.”
“Ay, kaya
pala wala pang development sa status niyo ni Francis?”
Tumango lang
ako.
“Naku, ang
malas mo naman girl diyan sa mga lalake mo.”
Napabuntong-hininga
na lang ako.
“Naku hayaan
mo na yan girl. Kung hindi man si Francis iyang para sayo, ipagdadasal namin na
dumating na si mister right sa ating dalawa soon.”
“Tama buti
pa ako may Ruben.”
--
Mula nang
mangyari yung sa batibot palagi na naming kasama si Francis tumatambay doon.
Minsan sinusundo siya ni Jie para sabihing kakain na raw sila, o kaya naman ay magrereview,
o kaya naman uuwi na. tinataasan na lang nila Xyza and Febbie nang kilay yung
mga ginagawi ni Jie. Noon nila mas napatunayan na tama nga yung hinala ko.
Hindi ko
naman masisisi si Jie kasi mas matagal na niya itong kilala at mas nauna itong
magmahal kay Francis. Civil naman ako sa kanya at ayokong maging rude kasi
kahait papaano maayos naman itong makitungo sa akin until one day.
Nasa library
ako nun nang dumating si Jie.
“Kuya, pwede
ba tayong mag-usap?”
“Oh Jie,
sige saglit lang. Ayusin ko muna itong mga gamit ko.”
“Hindi na
kuya dito na lang tayo para may privacy tayo.”
“Sige ikaw
bahala. Have a seat.”
Umupo naman
ito.
“So anong
pag-uusapan natin? Mukhang seryoso ito ah tama ba ako?”
Matagal bago
siya nagsalita.
“Iwasan mo
na si Francis kuya.”
Nagulat ako
sa sinabi niya.
“Bakit?”
“Basta.”
“Hindi mo
pwedeng sabihin sa akin na iwasan siya nang walang sapat na dahilan.”
Tumahimik
siya.
“Alam ko na.
Umamin ka nga sa akin, mahal mo si Francis. Tama ako di ba?”
Hindi siya
sumagot.
“Bakit mo
ito ginagawa?”
Tahimik pa
rin siya.
“Gusto mong
layuan ko si Francis dahil gusto mong bumalik siya sa’yo? That’s so selfish of
you Jie.”
“Selfish na
kung selfish pero iwasan mo na siya.”
“Hindi mo
ako pwedeng diktahan Jie! Buhay ko ito at ako mismo ang didiskarte.”
Tumahimik
ulit siya.
“I have to
go, ayokong dumating sa point na magalit pa ako sa’yo nang todo. I have high
respect on you dahil best friend ka niya, huwag mong hayaang masira iyon.”
Sabay walk-out.
“I’ll do
anything para bumalik si Francis sa akin. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa
iyo. Tandaan mo yan.” Sa kung saan ay sabi niya.
Tiningnan ko
lang siya nang masama bago tuluyang umalis.
Nakita ko sa
hallway si Francis pero hindi ko ito pinansin. Nagtaka siya siguro kasi naramdaman
ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. Humarap na ako sa kanya.
“What’s
wrong?”
“Wala.”
“Come on
kuya, alam ko may nangyaring hindi maganda sa’yo.”
“Wala ito
Francis pagod lang ako.” Sakto namang nakita ko na nasa likod na si Jie. “I
have to go.”
Walang
lingod-likod akong umalis.
Nag-vibrate
yung phone ko kaya naman dinukot ko ito. Nakita ko na may message siya sa akin.
Pagkabasa ko ay agad ko itong binalik at hindi na nag-aksaya nang panahon pa na
magreply.
Akala ko
wala na sila run sa lugar na yun kaya nilingon ko. Laking pagkakamali na ginawa
ko yun, nakita kong nakayakap si Jie kay Francis at nakatingin pa ito sa akin
na waring sinasabi na One Point for me.
Mas lalo ko
tuloy binilisan maglakad. Badtrip na badtrip ako. Kitang kita iyon sa classroom
gawa nang pagiging tahimik ko at palaging nakakunot noo. Pag tinatanong ako
nang mga prof ko parang out of the world mga sagot ko.
“Anong
nangyayari sayo?” Tanong ni Xyza.
“Oo nga
naman girl. Alam mo bang obvious ka kanina nung tinanong ka ni ma’am nang anong
gamot para sa ulcer tapos ang sagot mo eh paracetamol. Girl, out of this world
ka pang-lagnat yun.”
“Bakit may
pain naman pag ulcer.” Walang kuwenta kong sagot.
“Uto! Hindi
mo kami maloloko. Kahit utot mo alam namin ang ibig sabihin.”
Wala na
naman akong ligtas sa dalawa.
“Huwag muna
ngayon, wala ako sa mood magkuwento.”
“Ay ang
arte! Anyway, sige ikaw bahala. Basta utang mo yan ngayon huh.”
Tumango na
lang ako para matigil sila.
Hanggang sa
matapos yung araw tahimik lang ako. Ni hiindi ako makausap ng matino nung
dalawa. Nang matapos na yung final class ko, nagulat ako nang makitang nasa
labas si Francis.
“Oh, kanina
pa out mo ah.”
“Hinihintay
kita.”
“Bakit?”
“Mag-uusap
tayo.”
“Pwede bukas
na lang? Pagabi na rin kasi.” Pagtanggi ko.
“Walang
problema. Dun ako matutulog sa inyo. Andun na mga gamit ko, dun tayo
mag-uusap.”
I threw him
a questioning stare.
“Ramdam ko
kasi kuya na hindi mo ako kakausapain about dyan sa problema mo kaya ako na
gagawa nang paraan. Don’t worry nagpaalam na ako kila tita.”
Wala na
akong nagawa. Kaya hayun, sumakay na kami sa kotse niya. Hinatid muna namin
yung dalawa ugok sa mga bahay nila bago kami tuluyang umuwi. Pagkadating sa
bahay ay agad na kaming dumiretso sa kuwarto.
Pagkapasok
ay hindi napigilan ni Francis sarili niya at hinalikan ako. Pinilit kong
gumanti pero ramdam niya na may kulang kaya naman tumigil siya. Tumingin sa mga
mata ko. Ngumiti.
“I’m sorry.”
(itutuloy…)
No comments:
Post a Comment