Bangkero
Heto pa ang isang kwento na galing sa
isang reader ng blog ko. Brian ang pakilala niya sa akin at pinamagatan niya
ang kanyang kwento na ‘BANGKERO’.
Kahit na papalapit na ang Christmas ay
mukhang napakainit pa rin ng panahon. Parang summer na naman. Mukhang mas
masarap kumain ng ice cream, halo-halo at kung anu-ano pang pampalamig kaysa
kumain ng puto, bibingka at kung anu-anong kakanin at suman. Syempre mas
masarap kung habang kumakain ng pampalamig ay nakababad ang katawan mo sa
tubig. Hay, kailan na naman kaya ako makakapunta sa beach na kasama ang mga
barkada ko. Sana maranasan ko uli yung kakaibang naranasan ko noong isang beses
na pumunta kaming magbabarkada sa Hundred Islands.
Last summer kasi ay nagkayayaan kaming
magbabarkada na pumunta sa isang beach. Si Ramon ang nag-suggest na pumunta
kami sa Pagudpod at dadalhin niya ang bagong nilang Starex Van. Yun na sana ang
pupuntahan namin. Biglang nag-back-out ang isa naming barakada na magiging
kahalili ni Ramon sa pagmamaneho. Dalawa lang sila kasing marunong magmaneho sa
aming walong magbabarkada. Kaya naman naiba ang plano namin na mas nakabuti sa
akin. He he he he……..