Thursday, January 3, 2013

Si Utol at ang Chatmate ko (21-25)

By: Mikejuha
E-mail: getmybox@hotmail.com
FB: getmybox@yahoo.com
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com

[21]
Laking gulat ko noong tumambad na sa aking paningnin ang eksenang hindi ko inaasahan. Halos black and white ang makikita sa video, kuha ito galing sa isang camera na may kakayahang magrecord sa dilim.

Bagamat hindi klaro ang mga mukha namin, naaaninag ang pagsampa ko sa kama kung saan nakahiga si kuya noong nagpaalam ako sa kanya na ibigay ko na kay Zach ang aking pinakaiingat-ingatang puri. Pagkatapos, Lumipat ako sa kama ni Zach. Hinipuan ko siya at nilaro-laro ang kanyang katawan. At sa parteng iyon, habang nag-eenjoy ako sa paglalaro sa kamunduhan ni Zach, dahan-dahang bumalikwas ni kuya, lumapit sa kama ni Zach, biglang hinablot ang buhok ko at tinakpan ang aking bibig. Kinarga niya ako at doon na naganap ang panghahalay...


Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman, naghalo ang poot at pagkagulat. Agad kong hinarap si kuya at sinigawan. “Bakit mo ginawa sa akin iyon?! Bakit kuya!!!!???? Bakitttttttttttt!!!?” ang bulyaw ko sa kanya.

“T-tol. Pasensya na. L-lasing ako noon tol. Hindi ko na-control ang sarili ko. Patawarin mo ako.” Ang tila nanginging na pagmamakaawa ni kuya.

“Isusumbong kita kay mama! Isusumbong kita kay mamaaaaaaa!!!!!!” Ewan ko rin kung bakit ko nasabi iyon. Wala naman talaga akong balak isumbong siya e.

Kitang-kita ko ang pamumutla sa mukha ni kuya sa narinig. Syempre, nakakahiya iyon para sa kanya at puwede pa siyang ipasuplong. At lalo pa kapag nalaman ito ng papa ko, baka itakwil pa siya.

At ang sunod kong naalimpungatan ay ang pag-iiyak ko, nagtatakbong tumakbo papasok sa aking kwarto. “Argggggggggghhhhhhhhhhhhh!”

At doon sa loob ipangpatuloy ko ang aking pag-iyak. Bumabalik-balik tuloy sa isip ko ang mismong eksena, ang takot, sakit sa aking likuran sa ginawa niyang pwersahang pagpasok sa akin, ang mga matitinding pagsisipsip niya sa aking balat sa katawan na nagdulot ng malalaking kissmarks na mistulang mga latay na kung titingnan. Ang mismong panghalay niya na pakiramdam ko ay isa siyang hayop na gutom na gutom. At ang matinding katanungan na bumalot sa akig isip ay kung bakit nagawa niya iyon sa akin at bakit kailangan niyang gawin iyon?

Sumingit din sa isip ko ang mga kasagutan sa aking tanong kung bakit tila hindi pansin ni Zach ang mga kissmarks na nagmukhang latay ko sa katawan. Ni kahit tanong man lang galing sa kanya ay hindi niya ginawa noong nag love-making kami. Naturingan pa namang iyon ang unang pagniniig namin, at iyon din ang simula ng aming naudlot na relasyon. “Kaya pala hindi siya nagtanong. Alam niya ang buong pangyayari. At hinayaan lang niya ito dahil may balak siyang gawin itong pamblackmail kay kuya!” Sa isip ko lang. Pakiramdam ko ay talagang pinaglaruan lang nila ako...

Maya-maya, may kumatok. Si kuya. “Tol... Papasukin mo naman ako o... please. Mag-usap tayo.”

Lumapit ako sa may pintuan ng kwarto ko at sumigaw. “Ayoko! Ayoko!!!”

“Tol... patawarin mo na ako, please.”

“Umalis ka na! Umalis ka naaaaaaaa!!!!”

Wala na akong narinig pang sagot. Bumalik ako sa aking higaan at doon ipanagpatuloy ang pag-iiyak. Hindi ko rin lubos maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang galit ko. Kasi, mahal ko naman din ang kuya ko. Ngunit may poot pa ring pumapasok sa aking puso. Siguro ay dahil sa iyon bang feeling tinatraydor ka. Sa tagal-tagal kong nag-isip kung sino ang taong gumawa sa akin ng kahalayan, siya lang pala. Antagal kong itinatago ang lahat, na ni sa kanya hindi ko sinabi ito dahil baka magwala siya sa galit o na baka lalao lang lalala lang ang issue. Ngunit siya pala itong salarin. Parang naglokohan lang kami. Niloko na nga ako ni Zach, pati ba siya, manloloko rin pala. Mas tanggap ko pa siguro ang panloloko ni Zach sa akin kasi hindi ko siya kaanu-ano at tanggap ko namang kung hindi dahil sa kalandian at panloloko ko sa kanya, hindi aabot sa ganoon ang lahat. Pero si kuya...?

Kaya balik na naman kami ni kuya sa sitwasyong hindi ko siya pinapansin. At katakot-tako na panunuyo ang kanyang ginawa.

Ngunit umataki pa rin ang katigasan ng ulo ko. Ganyan talaga siguro kapag isa kang spoiled na anak. Kapag may tampo, parang gusto mong guluhin ang lahat, bubulabugin ang taong siyang dahilang ng iyong pagka-irita.

May isang beses, nakaupo lang ako sa sala nanood ng TV noong bumaba si kuya galing sa kwarto niya, may dala-dalang malaking teddy bear. Ang ipinagtaka ko ay kung bakit may ganoon siyang stufffed toy samantalang hindi naman niya type ang ganoon. Pinagtatawanan nga niya ako kapag nagyayakap ako sa luma kong teddy bear.

Sa totoo lang, ang ganda ng teddy bear niya. Mukhang malambot at makakapal ang balat, light brown ang kulay. Parang gusto kong hingiin sa kanya ito. Alam niyang paborito ko ang teddy bear ngunit dahil galit ako sa kanya, dedma lang ako. Hindi ko kunyari siya nakita.

Walang imik siyang umupo sa tabi ko. Maya-maya lang ay, “T-tol...” Ang pag-aalangan niyang bigkas sa pangalan ko “...para sa iyo. B-binili ko iyan para talaga sa iyo.” Sabay abot din ng teddy bear sa akin, ang mukha ay may ngiting-takot.

Ngunit tiningnan ko lang siya at parang wala lang akong nakita at ibinaling muli ang mga mata sa panonood ng TV.

“Tol... patawarin mo na ako tol, please....” pagmamakaawa pa niya.

Hindi pa rin ako kumibo. Ansakit pa kaya ng ginawa niya sa akin.

“H-hindi ko kasi alam ang ginagawa ko tol eh... Maniwala ka tol, nagsisisi na ako”

Dedma pa rin ako. At imbis na sagutin siya, nagwalk out pa ako, dumeretso sa kwarto at doon nag-iiyak na naman.

Noong bumaba uli ako, nakita ko sa sofa ang teddy bear. Umupo ako at bagamat gusto ko itong yakapin, pinigilan ko ang sarili. Malay ko ba kung nand’yan lang siya sa tabi at nagmamanman kung kukunin ko ba ang teddy bear niya.

Maya-maya naman, dumating sina mama at ang unang nakita ay ang teddy bear. Pansinin kasi siya, malaki na, maganda pa. “Wow! Kaninong teddy bear iyan enzo? Sa iyo ba iyan?”

“Kay kuya po iyan ma!” Ang sagot ko.

“Huh! Nagti-teddy bear na rin ang kuya mo?” Ang gulat na tanong ni mama.

“Malay ko po sa kanya...” Sagot ko na lang.

Ngunit doon ako mas naantig noong kinabukasan galing ako ng school, sinalubong ako ni mama sa sala, iniabot sa akin ang isang supot. At sa porma pa lang nito, alam kong mamahalin ang laman noon.

Hindi nga ako nagkamali. Noong binuksan ko ito, tumambad sa aking paningin ang isang i-pad. “Waaaaahhhh! Ang ganda ma!” Ang sigaw ko habang nagtatalon na. Noong makita ko kasi ito sa TV, nangangarap na akong magkaroon nito. “Binili mo para sa akin ma?” ang tanong ko.

Nungit bigla din akong nabusalan noong sinabi ni mama na, “Hindi. Kuya mo ang bumili niyan para sa iyo.”

Bigla akong nahinto sa pagtatalon. Tiningnan ko si mama na ang mukha na may bahid panghihinala, na nagpakabog naman sa aking dibdib.

“Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ng kuya mo, ha?” Ang di na napigilang tanong ni mama. “Iyang i-pad na iyan, alam mo ba kung magkaano iyan? Halos mauubos na ang personal savings ng kuya mo. Alam kong masinop ang kuya mo pagdating sa pera at hindi basta bumibili ng kung anu-anong luho. Ngunit hindi ko maintindih kung ano ang nakain at ang pinaghirapan niyang pagtitipid ay ngayon ibinili niya niyan at para sa iyo pa.”

Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni mama.

“Napapansin kong hindi mo siya iniimik at heto, para kang babaeng nililigawan. At iyang teddy bear...” sabay turo sa teddy bear na nakalatag lang sa sofa “...ang sabi mo ay kay kuya mo iyan. Ngunit ang sabi naman ng kuya mo ay sa iyo daw iyan. Maari bang malaman kung ano ang nangyayari dito, na hindi ko alam, Enzo?”

“E...” ang naisagot ko na lang, hindi na muling nakakibo pa.

“Anong e...? Tinatanong kita.” Ang giit ni mama. At noong makitang parang iiyak na ako, hinila niya ako patungo sa sofa atsaka naupo kaming magkatabi. “O sige, magsalita ka. Sabihin mosa akin kung ano ang problema ninyo ng kuya mo?”

At doon, tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya ang lahat. “Ma... m-may ginawa po si kuya sa akin...”

Nasa aktong ibubunyag ko na sana kay mama ang lahat noong nagkataon namang dumaan si kuya sa harap namin. Ewan, baka nasa isang tabi lang din siya at nagmanman nga sa akin. At noong mapansing bibigay na ako, atsaka nagparamdam, dumaan pa talaga sa harap namin.

Natigil naman ako sa pag-iyak, ang mga mata ay napako sa kanya. Habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa hagdanan paakyat sa kwarto niya, pasikreto niya akong tinitigan; isang titig na mistulang nagmamakaawa, nagsusumamo na huwag ko siyang ipahamak. Atsaka dumeretso na siya sa kanyang kwarto. At alam ko, binabanayan niya kung ano man ang sasabihin ko kay mama.

Mistula naman akong tinablan sa titig niyang iyon.

“A-ano ang ginawa sa iyo ng kuya Erwin mo...?” ang paghikayat ni mama sa akin na magpatuloy.

“B-bumagsak po ako sa isang subject ma. At kaya po ako bumagsak ay dahil kay kuya. Iyong notebook ko po at libro ay nawala niya, hindi po ako nakapag-aral.” Ang pagsisinungaling ko. Ewan ko, sadyang likas siguro talaga sa dugo ko ang pagkasinungaling.

“Iyan lang ang dahilan kung kaya ka galit sa kuya mo?”

“Opo. Kasi po, pinagtatawanan po ako ng mga classmates ko. Paano ko mamaintain ang top honors ngayong may bagsak na ako?”

“Hay naku... Oo naman gusto nating lahat na ma-maintain mo ang top honors mo. I’m sure pati kuya mo ay gusto din niya iyan para sa iyo. Ngunit ang honors... nand’yan lang iyan, pewede mong mabawi ngunit kapag ang damdamin ng kuya mo ang nasaktan mo, ang sakit na ito ay babalik din sa iyo habang hindi mo siya pinapatawad. Atsaka, sigurado ako, hindi sinadya ng kuya mong mawala ang notebook at aklat mo. Kaya kausapin mo ang kuya mo at sabihin mong hindi ka na galit sa kanya. Ok ba?”

“H-hindi pa po ako handa ma e...”

“Kailan ka maging handa? Kapag naisipan na naman ng kuya mo ang umalis? Ganoon ba? Gusto mo bang umalis ang kuya mo?”

Natakot naman ako sa sinabing iyon ni mama. Para akong binatukan. “H-hindi ma ah! Ayokong mawala ang kuya ko!”

“O e di kung ganoon, huwag mo siyang pahirapan...”

“S-sige po ma. B-ukas o sa makalawa, kausapin ko na si kuya. Maghanap lang po ako ng timing.”

“O sya basta dalian mo. Hindi maganda ang may kinikimkim na galit o sama ng loob...”

Dali-dali akong umakyat ng kwarto.  Sa sinabi kasi ni mama, pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam at bigla ko ring naramdaman ang saya. Pakiwari ko ay unti-unting nawala ang mga balakid sa puso ko para magpatawad sa nagawa ni kuya. At napagtanto ko na kuya ko rin naman talaga iyong tao at kahit ano pa ang mangyayari, hindi ko maitatwang mahal ko siya, at di rin maipagkakailang mahal din niya ako at, in fact, mahal na mahal. At hindi lang iyan, napakarami na naming mga pinagsamahan at napakahaba na ng listahan ng kanyang pagsasakripisyo para sa akin. “Atsaka... ang landi landi ko din naman kasi. Ako ang pasimuno ng lahat ng mga nangyayaring kaguluhan. Kung hindi ko sana nilandi si Zach, baka hindi magawa ni kuya ang panghahalay sa akin.” Sa isip ko lang. Muli tuloy sumagi sa utak ko si Zach at bumuhos muli ang matinding galit ko sa kanya.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong naisipan kong buksan ang laptop ko na konektado sa camera sa loob ng kuwarto ni kuya. Noong mabuksan na ito, sinilip ko sa monitor kung ano ang kanyang ginagawa.

At laking gulat ko noong nakita ang isang malaking cartolina na nakasabit sa dingding, harap ng camera. May mga baloons at ang mga mlalaki at makukulay na letra na nakasulat dito ay, “Salamat tol sa pagtakip mo sa akin kay mama. I love you! Sorry na tol pliiissss.... Patawarin mo na si kuya.” at sa pinakababa nito at may arrow pa na tinuturo ang direksyon sa gilid kung saan may isang malaki, presko at pulang-pulang rosas.

Napangiti naman ako sa nasaksihan. Syempre, kinikilig. Ngunit noong makita kong bumalikwas siya sa pagkahiga, tinumbok ang laptop niya at ikinabit uli ang wire na konektado sa camera na nasa kuwarto ko, agad akong humiga at nagtalukbong pa ng kumot. Alam ko, sinisilip niya kung pinanood ko ba siya o hindi. At ayokong malaman niyang handa na akong patawarin siya. “Gumawa pa siya ng effort...” sabi ko sa sarili ko bagamat nakatatak na sa utak ko na kinabukasan ng gabi ay kakalampagin ko na lang siya sa kwarto niya at doon uli ako matutulog.

Iyon ang plano ko.

Ngunit hindi nangyari iyon. Hapon pa lang kinabukasan ay nagkaletse-letse uli ang lahat. Lalabas sana ako noon ng kuwarto upang pumunta sa kusina noong narinig akong may kausap si kuya sa may main door ng bahay, pigil ang pagsasalita at kilala ko ang boses ng kausap niya.

Si Zach!

Dali-dali akong bumalik sa loob ng kwarto ko bagamat, inilapit ko ang tenga ko sa guwang ng hindi lubusang nakasarang pinto.

“Ba’t ka pumunta dito? Di ba ang usapan ay ako ang pupunta sa iyo?” Ang tanong ni kuya na halatang iritang-irita.

“Ano ba ang problema tol kung dadaan ako sa inyo? Ayaw mo bang makilala ako ni mama... ay mama mo lang pala, hehehe!” ang pang-iinis ni Zach kay kuya.

“Wala iyan sa usapan natin, Zach, ano ka ba! Tangina...”

“Awts, sorry. Gusto ko lang na makita ka e...”

“Pwes, hintayin mo na ako ang bibisita sa iyo sa inyo!”

“Dumaan lang ako para imbitahin kang maglakwatsa, o kumain sa labas. Ito naman o, masyadong OA...”

“Tangina! Wala sa schedule ko iyan! At may lakad ako, ok? Ako na ang pupunta sa inyo.” ang pag-aalibi ni kuya.

“E di kung may lakad ka, sasamahan kita, ayaw mo noon, may bodyguard ka?”

Saglit na natahimik. Siguro nag-isip si kuya kung paano makalusot.

Ngunit sumingit pa rin si Zach. “Hahaba ang kuwento tol... kaya sumama ka na sa akin. Tara!” giit niya.

“Shiitttttt! Tangina!” ang pagmamaktol ni kuya. “O sya, hintayin mo na lang ako sa may gate!” marahil ay iyon na lang ang pumsok sa isip ni kuya para matahimik na si Zachat makaalis na sila. At hinid na rin niya ito pinapasok.

Nasa ganoon na silang pag-uusap noong biglang, “Erwin! Sino iyang kausap mo?” Si mama, kalalabas lang galing ng kuwarto nila ni papa na nasa ground floor lang at narinig niya palang may kausap si kuya.

“Eh... kaibigan ko po ma.” Ang sagot ni kuya.

Ngunit marahil ay sinilip ni mama si Zach sa labas at namukhaan niya ito. “D-di ba si Zach iyan? Nakapunta ni sya dito dati noong inihatid niya si Enzo. Papasukin mo.”

“Eh... sa gate na lang siya ma, aalis din kami kaagad.”

Ngunit tinawag pa rin ni mama si Zach. “Zach! Pasok ka muna dito!” At dugtong ni mama, “Hindi niyo ba isama si Enzo?” tanong uli niya kay kuya.

“Hindi na ma!” ang pagdadabog ni kuya habang nagtatakbong umakyat sa second floor at dumaan pa sa pintuan ng kwarto ko. Dinig ko pa ang bulong ni kuya na may pagmamaktol, “Ang kukulit!!!” halatang nagpigil sa sarili.

Ewan kung si mama ang ibig niyang sabihing makulit o si Zach ba, o silang dalawa.

At iyon, narinig kong lumakas ang boses ni Zach. Ibig sabihin, pumasok talaga ang hudas sa bahay at nakikipagkuwentuhan pa kay mama. “Demonyo!” sigaw ng utak ko, tuluyan ko nang isinara ang pinto sa takot na masilip ni Zach.

Noong nakapasok na sa kwarto niya si kuya, dali-dali naman akong humiga sa kama, kunyari tulog ako. Baka kasi silipin niya ako sa cam at malaman niyang alam ko ang lahat.

Maya-maya lang, narinig ko na ang motorsiklo ni Zach na humaharurot. “Sigurado ako, nakaangkas ang kuya ko sa kanyang likuran.” Bulong ko sa sarili na may halong matinding selos.

Ewan, hindi ko maisalarawan ang tunay na saloobin. Ang saya na nadarama sa nakaambang pagpapatawad ko na sana kay kuya ay biglang naglaho at bumalik na naman ang poot ko – sa kanya at kay Zach. Hindi ko inaasahan na patuloy pa rin pala silang nagkikita lingid sa aking kaalaman.

“Arrggghh! Paano ko mapapatawad ang kuya ko kung ganoong nakikipagkita pa rin pala siya kay Zach?” sigaw ng utak ko.

Maya-maya, naisipan kong tumawag sa resort nila ni Zach. “Hello! Can I talk to Ormhel please?” ang sabi ko.

“Speaking! Sino po sila?” ang sagot naman sa kabilang linya.

“Si Erwin, ay Enzo pala... Iyong magkapatid na bisita ng anak ng may-ari ng resort?”

“Ah... iyong nagsabi sa akin na kamag-anak daw siya ni Sir Zach at ipasesante ako kapag di ako nagtrabaho ng maayos?”

“Woi, kaw naman, biro lang iyon ah...”

“Alam ko naman e. Ano pong atin Sir? Saan ka ba ngayon?”

“Sa bahay lang.”

“Ba’t po kayo napatawag?”

“Naiinip ako e...” ang nasambit ko.

“Ah... kung gusto mo pupuntahan kita d’yan” Ang sagot niya sabay bitiw ng isang nakakalokong tawa, hinid malaman kung nagbibiro.

Ngunit pinatulan ko ito. “T-talaga? Puwede kang pumunta?”

Na hindi ko rin akalaing sagutin niya ng, “Oo ba! Off ko na kaya ngayon. Kaya pwede na akong gumala!”

“Waaahhh! Sige Ormhel! Punta ka sa amin at ngayon na, please!”

Alas 6 ng gabi noong makaratnig na si Ormhel sa bahay. Agad ko siyang ipinakillala kay mama at papa atsaka nagpaalam ako kung pwede kaming mag-inuman sa lawn. Pinayagan naman kami at kaya hayun, nagdala kami ng isang case ng beer at pulutan.

Madaming kwento si Ormhel. Ikinuwento niya kung paano siya nakapagtrabaho kina Zach. At ang ikinatataas ko ng kilay ay ang kuwento niya na mabait daw si Zach. Lahat nga daw ng mga empleyado nila ay hanga sa kabaitan niya.

“Hmp! Hindi ako naniniwala!” ang sagot ko.

Natawa naman si Ormhel. “Bakit naman?” sagot din niya.

“Basta... alam ko hindi siya mabait.”

Hindi na nakaimik pa ni Ormhel. Marahil, ayaw lang niya akong kalabanin.

“Galit sa bakla ang daddy ni Zach, di ba?”

“O-oo.” Ang maiksing sagot ni Ormhel.

“Alam mo bang bakla si Zach?” ang deretsahan ko ring tanong.

“Ah... personal na tanong, hindi ko masasagot, hehehe.”

“Pero alam ng daddy niya na bakla si Zach?”

“Hindi ko alam...”

“Ibig mong sabihin, bakla talaga si Zach ngunit hindi mo lang alam kung alam ito ng daddy niya?” ang pilosopo kong tanong.

Natawa si Ormehl. “Ayoko na ngang sumagot sa mga tanong mo. Hehehe. Nakakatakot.”

Sabay na lang kaming nagtawana.

Maya-maya, naghain na ng hapunan si mama at tinawag kami. Gusto na sanang magpaalam ni Ormhel, nahiya baga, ngunit pinigilan siya ni mama. Kaya doon na rin siya kumain sa amin.

Tapos na kaming kumain at balik uli kami sa lawn noong dumating si kuya. Nag-isa lang siya. Marahil aay pinakiusapan niya si Zach na huwag na siyang ihatid.

Noong nadaanan niya kami habang papasok siya ng bahay, kitang-kita ko ang masamang tingin niya kay Ormhel. Marahil ay nagtatanong kung paano napunta sa amin ang tao na iyon at ano ang pakay niya doon.

Alam ko, nagmanman si kuya sa mga kilos namin. Kaya ang ginawa ko ay binitbit ko ang upuan ko at inilagay iyon sa tabi mismo ng inuupuan ni Ormhel. Dikit na dikit ang aming mga katawan. At tsinatsansingan ko pa siya, hinahawak-hawakan ang kamay, pasikretong hinahaplos-haplos ang hita...

At marahil ay hindi na natiis ni kuya pa ang pagtsa-trsansing ko kay Ormhel, naupo na siya sa di kalayuan sa amin. Nagdisplay ba, parang ipinarating sa akin na “Hoy, nandito ako, mahiya kayo sa mga balat ninyo!”. Epal... Syempre, hindi siya makalapit dahil alam niyang galit ako sa kanya.

Ngunit kahit na nandoon siyang nagdisplay sa sarili niya sa amin, sige pa rin ako sa katsa-tsansing kay Ormhel, na nakisakay din. Halos nga na yakapin ko na lang siya at halikan sa bibig e. At baka kapag ginawa ko iyon, hindi rin siguro ito papalag.

At lalong binilisan ko talaga ang pag-inum upang magkaroon ako ng lakas sa ginawang pananatsing. Si Ormhel naman ay cool lang, kontrolado ang sarili, ngingiti. Parang hindi siya natablan sa pagkalasing. Ewan ko rin kung ano ba ang trip niya. Paano, umaakbay din sa akin, paminsan-minsang inililingkis ang isang kamay niya sa beywang ko... Siguro ay type niy din ako. Ewan.

Anyway, mag-aalas 10 na ng gabi noong marahil ay hindi na nakatiis si kuya, lumapit na sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at halos kargahin na ako sa lakas ng kanyang paghatak. “Tol... lasing ka na, halika na sa kwarto mo!” at baling kay Ormhel, “Pare... lasing na itong utol ko, umuwi ka na.”

Tumalima naman si Ormhel. Tumayo ito at nagpaalam.

Ngunit pumalag ako sa pagkahawak ni kuya sa akin. “Bakit ka ba nakikialam sa bisita ko? Ikaw ba pinapakialaman ko?”

“Tol... lasing ka na, ok?” ang mahinahong sabi ni kuya. “S-sige na pare, umalis ka na. May sasakyan ka ba?” tanong ni kuya kay Ormhel.

“M-meron pare, ok lang ako. S-sige... aalis na ako” ang sagot ni Ormehl. At baling sa akin, “Bye tol... text-text na lang tayo ha?” ang sabi ni Ormhel.

Tumango lang ako. At noong makaalis na siya, hinila na ako ni kuya patungo sa second floor. Habang hila-hila niya ako, pilit naman akong tumutol at nagsisigaw ng, “Bakit ka ba nakikialam?!”

“Sa kuwarto na tayo mag-usap. Lasing ka na e.” Sagot niya.

Hanggang sa makarating kami sa second floor. At laking gulat ko naman noong lumampas kami sa kuwarto ko at sa kuwarto niya ako dinala.

Noong nasa loob na kami at mailock na niya ang pinto, agad niya akong itinulak dahilan upang mapaupo ako sa kama.  “Ok, sige sumigaw ka hangga’t gusto mo!”

Ngunit tumayo din ako at humarurot papunta sa kanya at pinukpok-pukpok ng aking kamao ang kanyang dibdib na para itong isang tambol. Agad din niya akong niyakap. Mahigpit, at hinayaan sa aking ginagawa. Alam ko, tiniis ni kuya ang sakit ng paghahambalos ko sa kanyang dibdib. “Bakit ka nakikipagkita kay Zach? Bakiiitttttt!!!” Sigaw ko.

“Iyan ba ang dahilan kung bakit mo inimbita dito si Ormhel? Upang makaganti?”

“Sagutin mo ako kuyaaaa!!! Sagutin mo akoooo!!!! Nahirapan na ako!!! Palagi mo na lang akong sinasaktan!!!”

“Hindi ko intensyon na saktan ka tol. Kailan man ay hindi ko kayang saktan ka! Naintindihan mo iyon?”

“Bakit ka pa rin nakikipagkita kay Zach?!”

“Hindi ko alam ang gagawin tol! Litong-lito ang isip ko! Nasa kanya ang video at kapag nagalit siya sa akin, ipagkakalat niya iyon! Gusto mo bang ikalat niya ang video na iyon? Gusto mo bang ma-eskandalo ang pamilya natin? Kaya ba nating ipaliwanag o lusutan kapag kumalat iyon?”

At nahinto na ako sa pagpupukpok sa dibdib niya. Napatingala ako sa mukha ni kuya, may mga luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata.

“Akala mo ba ay natutuwa ako sa ginagawa ko???” at hindi na napigilan pa ni kuya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi.

Napayakap na rin ako sa kanya, hinahaplos-haplos ko ang kanyang likod. “I’m sorry kuya... Sorry po...” ang nasambit ko.

Na ginantihan naman niya ng paghalik sa aking noo.

May ilang minuto din kami sa ganoong posisyon. Nakatayo lang, nagyayakapan. Para kaming sumasayaw sa tugtog ng napakagandang himig, mistulang kaming dalawa lang ang tao sa mundo sa mundo, at pag-aari namin ito...

“S-salamat sa i-pad kuya... at sa teddy bear... at sa bulaklak” ang sambit ko.

Ngumiti siya. “Akala ko hindi mo nagustuhan ang teddy bear ko... Nahiya nga ko noong binili ko iyon. Maraming mga babaeng nakatingin sa akin habang yakap-yakap ko ito pauwi ng bahay. Ngunit dahil mahl ko ang baby bro ko, kaya hayun. Wala akong paki sa kanila.”

“Waaahhh1 Ang ganda nga eh! Noong una kong nakita iyon sa mga bisig mo, gusto ko na ngang agawin!”

“Bakit hindi mo inagaw?”

“Hmpt! Galit ako sa iyo!”

Tahimik. Hinahaplos-haplos niya ang aknig buhok, ang aking mukha.

“N-napatawad mo na ako tol?” ang kanyang nangungusap na mga mata ay nakatutok sa akin.

Tumango lang ako.

“S-sikreto na lang natin iyon tol ha...? Maipangako mo ba?”

“Opo kuya. Pangako po...”

“Salamat tol...”

“M-mahal na mahal kita kuya...”

“Mahal na mahal din kita tol...”

“B-bakit mo nagawa sa akin iyon?” ang hinid ko napigilang tanong na lumabas sa aking bibig.

Hindi na sinagot pa ni kuya ang tanong kong iyon. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Matagal, mapusok, nag-aalab. Hanggang sa naalimpungatan ko na lang na ibinagsak namin ang aming mga katawan sa kama...

Sa gabing iyon, muli naming ipinalabas ang init ng aming mga katawan, ang nag-aalab naming damdamin, at ang nagbabagang pagnanasa namin sa isa’t isa.

Mag-aalas 8 na ng umaga kinabukasan noong magising ako. Mukha ni kuya kaagad ang sumaluong sa aking paningin. Pareho kaming hubo’t-hubad, nakatagilid siya paharap sa akin, nakadantay ang ulo ko sa bisig niya habang ang isang kamay niya ay nakalingkis sa aking katawan.

Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan. Marahan kong idinampi ang aking mga labi sa labi ni kuya habang ang isang kamay ay inihahaplos-haplos ko sa kanyang pisngi. Tinitigan ko siya. “Ang guwapo talaga ng kuya ko!” ang sigaw ng isip ko.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni noong napadayo ang tingin ko sa kisame. Bahagyang ipinako ko ang mga tingin doon at biglang napaisip.

“K-kuya! Kuya! Gising kuya!”

“Hmmmm! Ano?!” ng tanong niya kaagad, kinuskos-kuskos pa ng isang kamay niya ang kanyang mga mata atsaka umunat.

“A-alam ko na kung paano tayo maka-ligtas sa pambablackmail ni Zach sa iyo!”

“Huh! Paano?” Ang gulat na tanong ni kuya, ramdam ang excitement sa narining.

Hindi ko na siya sinagot pa. Itinuon ko ang aking mga mata sa kisame.

Noong makita niya ang mga mata kong nakatutok doon, itinuon na rin niya ang tingin sa direksyon na tiningnan ko. Tiningnan niya uli ako. Pakiramdam ko ay nag-uusap ang aming mga isip

Ngumiti siya, pagpahiwatig na alam niya ang nasa isip ko at sang-ayon siya sa aming gagawin.

Niyakap niya ako. Nagyakapan kami at hinalikan niya muli ang aking bibig. “Sa wakas, makakaiwas na rin tayo sa mga pamba-blackmail ni Zach!”

(Itutuloy)


[22]
Agad akong bumalikwas sa higaana at tinungo ang ibabaw ng drawerkung saan nakapatong ang cp ni kuya. Dinampot ko ito, dinayal ang isang number at iniabot kay kuya.

Tinanggap naman ni kuya ang cp na galing sa aking kamay atsaka pinindot ang speaker nito.

“Hi tol!!! Musta! Napatawag ka?” ang sagot sa kabilang linya.

“Oo nga eh. Nakaistorbo ba ako?”

“Nope. Excited nga akong napatawag ka e. Syempre, mahal ko ata ang tumatawag. What’s up!” sagot ni Zach.

Napangiwi naman ang mukha ko sa narinig. Iyon bang ginagaya ang pagsasalita niya ng “Syempre, mahal ko ata ang tumatawag” bagamat walang boses na lumalabas sa aking bibig pero ngnaungutya ang dating. Grabe talaga ang galit ko sa taong iyon. Sobrang OA.

“Ah... wala naman. Naisipan ko lang na imbitahan ka sa bahay mamayang gabi. Nakakasawa na kasi palaging sa resort ninyo tayo nagkikita... Kung gusto mo lang naman.” sagot ni kuya.

“Wow! Why not? It’s nice to hear that!” Sagot naman ni Zach. “Wala bang magagalit?” Dugtong pa niya.

Sinimangutan ko si kuya. Alam ko kasing ako ang taong tinutumbok niya na magagalit.

“Bakit naman may magagalit? At sino naman iyong magagalit sa iyo dito?” tanong uli ni kuya.

“Si bunso mo. Alam mo naman... diba? Love na love ako noon. Hindi pa yata nakakapagmove on.”

Napangiti naman si kuya. Iyon bang nang-aasar na kinilig na parang may halong itinatagong selos. “Ang kapallllll!” sigaw ng utak ko na nangagalaiti ang titig kay kuya.

“Ah, wala iyon. Tanggap na niya siguro. Atsaka, wala siya mamaya, may camping.” Ang naisagot ni kuya.

“Camping? E, di dapat ay nandoon ka rin sa tabi niya. Di ba iyan naman ang nakaukit sa palad mo na role sa buhay niya? Tagabantay, alalay, alila, bodyguard?”

Napa- “Amffff!” muli ako sa narinig. Talagang nang-aasar ang gago.

“Hindi na... Nag-usap na kami na ngayong may love-life na ako, dapat matuto na siyang tumayong mag-isa kasi kapag nagkaroon na rin siya nito, hindi ko na rin naman siya pipigilan at bubuntot-buntutan...”

Muntik naman akong malaglag sa kama sa narinig na salitang “lovelife”. At ang nasigaw ko sa sarili ay “Ewwwwwwwwwwww!” Parang gusto kong ako na ang sumambunot o kaya ay bumatok kay kuya. Ngunit pinigilan ko na lang ang sarili gawa nang naka-speaker ang phone niya.

“Ah... so ok naman pala. At least matuto na rin siya.”

“Oo naman. Doon naman talaga pupunta ang lahat, di ba? O ano? Darating ka?”

“Sige! Sure mamaya. 7pm nand’yan na ako.”

“Ok! Bye Zach!” ang sabi ni kuya.

“Bye lang? Wala bang ‘I Love You?’”

Tiningnan ako ni kuya na nakangiting-aso at nang-aasar sabay sabing, “”I love you Zach!!!!”

“Ewwwwwwwwwww!” sigaw naman ng isip ko, ang mga kamay ay itinakip sa bibig ipinakitang naalibadbaran ako sa kanyang pag-a-i-love-you.

“Hahaha! I love you too! Mwah!” ang narinig kong sagot ni Zach sabay patay na sa cp niya.

At noog pinatay na rin ni kuya ang cp, hindi ko na napigilan ang sarili. “Love life pala ha at I love you Zach?!” ang naisigaw ko, ang boses at mukha ay may pangungutya sabay tayo, sambunot sa buhok niya at dali-daling tumakbo sa isang gilid ng kwarto, hindi alintanang wala pang saplot ang aking katawan.

Napa-“Arekop” naman si kuya sa pag sambunot ko... Tinitigan ako na parang gustong makaresbak, haplos-haplos pa ng isang kamay ang kanyang ulong nasambunutan.

Dahan-dahang hinawi ni kuya ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Lumantad ang kanyang hubo’t-hubad na katawan at noong makatayo na, hindi rin niya alintanang nakaharap lang ako sa kanya, hinayaang ang kanyang malaking kargada ay nakalambitin sa kanyang harapan, dahan-dahang lumapit sa aking kinatatayuan. “Gusto mo ng sambunutan ha?”

Syempre, wala na akong magawa pa kundi ang magyumukyok sa may digding at hintayin na ang kanyang paglapit. At noong makalapit na, agad naman niya akong sinambunutan. “Um! Um! Ansakit noon ha!” At pagkatapos ay kinarga niya ako sa kanyang mga bisig at inihagis sa kama. “Arrgggggghhhhh!” Sigaw ko. At lumanding akong napatihaya.

Agad din niya akong dinaganan at inilock ang dalawang kamay sa kanyang kamay upang hindi makakilos. “Nanggigigil ako sa iyooooo!” ang sabi niya sabay kagat-kagat sa may parteng dibdib ko, sa aking mismong utong, sa aking tiyan, sa puson, sa lahat ng parteng nakakakiliti. “Kuyaaaaaa! Ayoko na!!! Ayoko na po!!!!”

Hanggang sa mangiyak-ngiyak na ako sa magkahalong sakit at sobrang kiliti sa pagtatwa at pagpipiglas. At kahit nasa ganoon akong pagpipilit na makaalpas sa kanyang pagpigil sa aking katawan, naramdaman ko ang paglaki at pagtigas ng kanyang ari.

Hanggang sa hindi na pagkagat-kagat ang naramdaman ko sa kanyang bibig kundi pagdidila na at pagsisisipsip sa aking utong... sa aking leeg...  At ang aking pagsisigaw ay napalitan ng pag-ungol. Napapikit ako sa matinding sarap sa ginawang iyon ni kuya. Ang pagpipiglas ko ay napalitan din ng paghahaplos ng aking mga kamay sa kanyang katawan. At lalo pa akong nag-init sa pagkarinig ng kanyang mga sagot na ungol. “Ahhhhhhhhh! Ahhhhhhh!”

Hanggang sa naramdaman kong dumampi ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Nag-espadahan ang aming mga dila. Nagsipsipan ang aming mga labi. Naghalo ang aming mga laway. At pilit na lumabas sa aming bibig ang mga ungol na bunga ng matinding pagnanasa.

At muli, pinagsaluhan namin ni kuya ang sarap ng isang bawal at lihim na pagniniig...

Noong matapos na kami at mahimasmasan, “May I-love-you I-love-you pa kayo1 Hmpt!” ang sambit ko kay kuya.

Tinitigan niya ako, ang kanyang mga mata ay nangungusap. “Nagselos ba ang baby bro ko?”

“Opo...” ang pag-amin ko.

“Wala ka namang dapat ipagseselos e. Ikaw ang nag-iisang baby bro ng buhay ko.”

“Nag-a-i-love-you ka kasi.”

“Hmmmmm!” Ang expression niya sabay pagkakagat ng marahan sa aking pisngi. “Ikaw nga d’yan... love na love mo raw siya e.” dugtong ni kuya.

“Ewwwwwwww! Dati iyon! Kala ko kasi matino siya!”

“Noong siya pa ang knight in shining armor mo? Ang sumagip sa iyong pagkalunod sana sa dagat sa floating restaurant?”

Napahinto ako at napaisip. Nalala ang insidenteng iyon. “Bakit hindi mo ako sinagip at hinayaan mo pang siya ang sumagip sa akin?” ang may halong pagtatampo kong tanong.

“Akmang tatalon naman sana ako noon e. Kaso, noong tinanong niya ako kung marunong akong lumangoy at ang sagot ko ay hindi, bigla niyang hinablot ang damit ko at hinila dahil baka tayong dalawa pa daw ang mapahamak. Akala ko ay siya ang tatalon dahil ang sabi niya ay marunong daw siyang lumangoy. Ngunit noong hindi siya lumundag, itinulak ko na, lalo’t galit na galit pa ako noon. Kaya hayun, napilitan siyang sagipin ka.”

“Ganoon pala iyon... Akala ko pa naman, talagang bukas sa kanyang kalooban ang pagsagip sa akin. Hmpt!”

Dumating ang alas 6 ng gabi. Nakahanda na ang lahat. Naipagpaalam na rin ni kuya kina mama at papa na bibisita si Zach sa bahay sa gabing iyon at doon matulog sa kwarto ni kuya. Gumawa na lang ng alibi si kuya na magpapaturo ng computer programming kay Zach. Sumang-ayon naman ang mga magulang namin. Natuwa pa nga sila dahil ang alam nila ay mabait na tao si Zach na tinutulan naman ng isip ko at sumisigaw ng, “Haaayy! Ganyan din ang tingin ko sa kanya noong una!”

Alas 7, ambilis na ng kalampag ng aking dibdib. Syempre, magbuburo ako sa aking kwarto kasi ang pagkasabi ni kuya ay nasa camping ako.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Excited na sa wakas, makakaresbak na kami sa kanyang pambablackmail sa amin at nasasaktan din dahil sa nakaambang maaring mangyari at masaksihan ko pa man din na hindi kanais-nais na gagawin nina kuya at Zach. “Arrggghhh! Ang hirap!” sigaw ng isip ko.

Maya-maya may nag doorbell na. Sinenyasan na ako ni kuya na pumasok sa kwarto ko. Nagkulong ako at nagmanman sa mga pangyayari sa labas na parang isang espiya na idinikit pa ang tenga sa pinto.

At may narinig na akong kuwentuhan at tawanan. Mistulang tinadtad ang puso ko sa naimagine na pagkasweet nila ni kuya.

“Ma... doon na kami ni Zach sa kwarto ko!”

“O, Siya...” ang narinig kong sagot ni mama. Marahil ay nagtaka din siya kung bakit sa kwarto dumeretso iyong bisita niya hindi man lang muna pinahintay ng sandali sa sala upang makapakwentuhan sa kanila. Ngunit alam kong sinadya iyon ni kuya upang hindi mabuking na nasa kuwarto lang pala ako.

At narinig ko ang tunog ng mga nagtatakbuhang paa na para bang atat na atat silang masarili ang isa’t-isa. Naringi ko rin ang kanilang tawanan habang tumatakbo patungo sa kuwarto ni kuya.

Agad akong pumuwesto sa aking laptop at piagmasdan ang buong pangyayri sa loob ngkwarto ni kuya. Kitang-kita ko na noong pagkapasok na pagkapasok pa lang ng dalawa, agad inilock ni Zach ang pintuan atsaka hinablot niya ang harapang waistline na parte ng pantalon ni kuya at hinila ito habang sumandal siya sa dingding. Noong madikit na ang katawan ni kuya sa kanya, agad niya itong niyakap at siniil ng halik habang ang mga kamay ni kuya ay nakatukod lang sa dingding ng pintuan sa magkabilang gilid ng ulo ni Zach.

Nakilaro naman si kuya. Bagamat steady lang sa kanyang pwesto, ibinuka niya ang kanyang bibig at hinayaang laruin ito ng bibig at dila ni Zach.

Makikitang sarap na sarap si Zach sa kanyang ginagawa. Nakapikit pa ang mga mata nito habang umuungol. Nahahagip pa rin kasi ng microphone ang ingay na nasa kwarto.

Kung mailagay ko lang sana ang sarili ko sa isang taong walang emotional attachment sa kanila, masasabi kong napakaganda ng aking nakita. Dalawang puro mga hunk na parehong 19 years old lang na ang gaguwapo, flawless kumbaga na parang mga lovebirds na nagtutukaan, walang binatbat ang ibang mga bold films na kulang sa hitsura at katawan ang mga artista. Feeling ko napakaperpekto talaga nilang pareha. Parehong matangkad, parehong mestiso, parehong hayup sa porma at appeal... Nakakalibog. Nakakainggit.

Ngunit dahil may koneksyon ako sa kanila, ramdam ko ang sakit. Imagine, ang mahal mo ay nakikipaghalikan sa iyong ex at kitang-kita pa ng mga mata mo ang buong pangyayri. Nakakainsecure. Nakakapanlumo. Nakakasakit ng damdamin.

Nasa aktong hinila pataas na ni Zach ang t-shirt ni kuya noong tumiwalag ito sa pagkakayakap ni Zach. “Mag-inuman muna tayo tol, para mas lalong mag-iinit ang mga katawan natin!” ang mungkahi ni kuya, sabay tumbok sa mesa kung saan nakahanda na ang anim na beer.

Habang nakaupo si kuya sa isang silya, kinukulit naman ito ni Zach na kakahalik sa labi.

“Haliparot!” sigaw ng utak ko.

Ngunit cool lang si kuya. Tahimik itong nag-iinum habang si Zach naman ay di mapakali kung uupo sa mismong silyang inuupuan din ni kuya, tatayo at iskiskis ang kanyang harapan sa gilid ng nakaupong si kuya. Halos kakandong na lang ito sa hita ni kuya. Sobra talaga ang pagka-atat ni Zach. Pansin din ang kanyang nag-uumapaw na saya.

At marahil ay hindi na nakatiis ni kuya sa sobrang kakulitan, tumayo ito at pinaupo si Zach sa kanyang inuupuang silya. Tumalima naman si Zach at noong nakaupo na, hinila ni kuya ang isang bakanteng silya at itinabi ito sa kinauupuan ni Zach atsaka patuloy silang nag-inuman.

“Anong plano mo para sa atin?” tanong ni Zach kay kuya.

“Hindi ko alam... alam naman nating hindi tatagal ang ganitong klaseng relasyon, di ba?”

“Oo naman pero bakit, di mo ba ako mahal?”

Parang nabilaukan si kuya sa tanong. “M-mahal. Mahal naman... Pero hindi tayo puweding palaging ganito. Alam mo na.”

Nakita kong bumakas sa mukha ni Zach ang lungkot. “So ano ang plano mo para sa atin?”

“Wala. I-enjoy lang natin ito habang nandito pa. Ngunit kapag dahil sa tawag ng panahon ay mapaglayo tayo, sana ay manatili pa rin tayong mgkaibigan.”

“Hirap naman niyan.”

“Iyan naman talaga ang katotohanan, di ba? Sa ganitong klaseng relasyon, walang makapagsabi kung hanggang kailan. Iilan lang ang hahantong sa panghabang-buhay, kung mayroon man. Ikaw, kaya mo bang itago sa daddy mo ag lahat? Hindi ka kaya papatayin niya kapag nalamang lalaki ang mahal mo imbes na babae?”

Hindi nakaimik si Zach.

Sinuyo siya ni kuya. “M-maipangako mo ba na kapag mangyaring magkalayo tayo, o darating ang araw na maghiwalay tayo, manatili pa rin tayong magkaibigan?”

Tahimik pa rin si Zach. Alam ko, masakit ang kanyang narinig. Ako man ay may naramdaman ding awa sa kanya.

Maya-maya, tumango si Zach. “Oo, pangako kong manatili tayong magkaibigan kahit ano man ang mangyari sa relasyon natin.”

Natuwa naman si kuya. Hinalikan niya si Zach sa pisngi.

“Alam ko naman na kulang ang pagmamahal mo sa akin e. Pero OK lang... naintindihan ko.” Ang may halong tampong sabi ni Zach.

“Ito naman o, nagtampo agad.” Ang sagot naman ni kuya sabay akbay.

Umakbay din si Zach at hinalikan niya si kuya sa bibig.

Muli ipinagpatuloy nila ang pag-iinum. Hindi na nagtatanong pa si Zach. Hindi na rin nagsasalita pa si kuya. Kumuha uli si kuya ng beer sa refrigerator. Sabay nilang tinungga ito at noong maubos, nagbukas uli si kuya. Mistula silang nagmamadali. Alam ko, nagmamadali si Zach na matikman si kuya. Ngunit iba naman ang nababasa ko sa isip ni kuya kung bakit siya nagmamadali: gusto niyang matapos na ang gabing iyon.

Siguro ay nakatigsasampung beer na sila noong mag-init na si Zach. Tumayo ito, hinubad ang kanyang t-shirt atsaka hinawakan ang kamay ni kuya, pinatayo din at siya na ang humatak sa t-shirt ni kuya upang matanggal.

Noong parehong wala na silang pang-itaas na saplot, niyakap ni Zach si kuya at siniil ng halik. Mapusok, nag-aalab, damang-dama ko ang kasabikan niya kay kuya.

Pansin ko naman ang pagpaubaya ni kuya. Hinayaan niyang laruin ni Zach ang kanyang mga labi, sipsipin ang kanyang dila. Kitang-kita ko ang pagpikit ni kuya sa kanyang mga mata at pag-angat ng kanyang ulo noong bumaba ang mga labi ni Zach sa kanyang leeg. Naririnig ko rin ang tinig ng kanilang mga ungol na lumalabas sa speaker ng aking laptop.

Mistulang ang mga katawan nila ay sumunod sa isang sweet na tugtugin habang ang kanilang mga kamay ay hindi magkandaugaga sa paghahaplos kanilang mga hubad na katawan.

Nasa gnoon na silang eksena noong biglang kumalas ni Zach. “Patayin natin ang ilaw.” Ang bulong niya kay kuya habang tinumbok na ang switch.

Mistula naman akong binatukan sa narinig. Kasi hindi naman hi-tech ang aming camera. Kapag patay ang ilaw, paano ko pa mairecord ang eksena nila.

Agad din humarang si kuya at niyakap uli si Zach. “Hayaan mo na. Hindi ako sanay na patay ang ilaw e.” sagot niya kay Zach.

“E... bakit kapag nasa hotel tayo, pinapatay mo palagi ang ilaw?”

“Iba iyon doon. Nasanay ako dito sa kwarto ko na bukas palagi ang ilaw” sagot uli ni kuya sabay lapat ng labi niya sa labi ni Zach upang marahil ay hindi na makapagsalita.

At tuluyna na ngang bumigay ni Zach. Hinayaan a lang niyang naka-ilawa ang buong kuwarto habang si kuya ay abala sa paghahalik at pagpapaligaya kay Zach...

(Torrid Scene. This scene will be released on Friday yet December 24, 2010 ng gabi at dito po iyon: http://torridparts.blogspot.com/)

At sa wakas, sa kabila ng pagdurugo ng aking puso, nagtagumpay din ang aming plano ni kuya. Kumabaga, ay mission accomplished at picture-perfect pa.

Alas 6 ng umaga noong ako ay magising. Agad kong tinungo ang laptop ko kung saan hinayaan kong magdamag na nakabukas. Noong tiningnan ko, tamang-tamang nakapaligo na si kuya at nakabihis na rin si Zach. Nakita ko ring nagpapaalam ito na aalis na.

Noong sinabayan siya ni kuya palabas, sa pinto pa lang bago sila lumabas, sinunggaban muna ni Zach ang beywang ni kuya, niyakap ng mahigpit atsaka siniil ng halik ang mga labi. Matagal siyang binitiwan ni Zach at noong matapos, ay parang wala lang na lumabas na silang dalawa sa kuwarto. At hindi ko na sila nakita pa sa monitor.

Noong makasigurong nasa baba na sila, binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng aking kwarto upang marinig ang kanilang pag-uusap. Nagpaalam lang si Zach kay mama na kasalukuyang naghanda ng agahan. “Dito ka na magbreakfast Zach!” sigaw ni mama.

“Next time na lang po kasi may pupuntahan pa kami ni daddy. Siguradong hinahanap na niya po ako ngayon.” Ang sagot naman ni Zach sabay lakad na.

At maya-maya lang, narinig ko na rin ang tunog ng pinaharurot niyang motorsiklo.

Mistula akong nabunutan ng tinik sa pag-alis ni Zach. Bagamat nagtagumpay kami ni kuya sa aming plano, parang tulala pa rin ako. Aasakit pala ang ganoon; ang masaksihang nakikipagtalik sa iba ang iyong mahal. Parang hindi ako makahinga. Para akong nasasakal at ang aking puso ay tila paulit-ulit na sinaksak.

Nasa ganoon akong pag-mumuni-muni, nakatihaya sa kama ang mga mata ay itinutok sa kisame noong bumukas ang pinto. Si kuya. “O ano tol... tagumpay ba?”

Hindi na ako kumibo. Tumalikod ako sa kanya. Ansakit-sakit kasi ng naramdaman ko. Tapos, parang ang saya-saya pa niya. Nag-eenjoy ba?

Humiga si kuya sa kama, tumagilid paharap sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay na idinantay sa aking beywang. Hinila niya ako upang humarap sa kanya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni kuya noong makaharap na ako sa kanya, ang kanyang mga mata ay nanunuyo.

“Ansakit-sakit pala kapag nakikita kitang ang kaniig ay iba... Pumapasok tuloy sa isip ko na ganoon ang palagi ninyong ginagawa ni Zach sa patago ninyong pagkikita. Ansakit kuya. Sobra...”

Binitiwan ni kuya ang malalim na buntong-hininga sabay haplos ng kanyang palad sa aking mukha at pagpahid ng luha sa aking pisngi. “Pasensya ka na kung nasaktan kita tol... Pero kailangan nating gawin ang ganoon, diba? Kailangan nating makawala sa kulungang ginawa ni Zach para sa akin. Kung hindi natin ginawa iyon, paano ako makaalpas sa kanya? Gusto mo bang habambuhay ako sa piling niya? Gusto mo ba iyon?”

“K-kasi naman, nakita kong nag-enjoy ka sa ginawa ninyo e!”

“Hindi ako nag-enjoy ah! Pakitang-tao lang iyon. Syempre mahirap na kung makahalata siya. Kapag nangyari iyon, maunsyami ang ating balak at tuluyan na siyang magalit sa atin. At iyon na marahil ang katapusan natin...”

Tahimik.

“Huwag ka nang umiyak please... O sige, hug na lang sa kuya. Lika, hug ka. O kaya kiss na rin. Kahit saan pwede mo akong i-kiss. O kahit ano ang gagawin mo uapang makabawi ka sa akin.” At hinubad niya ang kanyang t-shirt. “Lika...” sabay buka ng kanyang mga bisig upang yumakap ako sa kanya.

Napangiti naman ako sa inasta niya. Agad ko siyang niyakap at noong mayakap ko na, bigla din siyang tumihaya at napadapa ako sa ibabaw ng kanyang katawan.

Nagtitigan kami, ang kanyang mga mata ay may dalang pang-aamo, nangungusap, nagsusumamo. “Kiss mo na si kuya...” ang mahinang sambit niya ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.

Subalit dahil sa kinimkim ko pa ring sama ng loob sa nakitang ginawa nila ni Zach sabayan pa ng panggigigil, ang nasabi ko sa kanya ay, “Kagatin na lang kita!”

“H-ha?” Ang gulat na sagot niya.

“Ayaw mo?” ang may halong pananakot kong tanogn.

“E, s-sige... Kaw ang bahala!” pag-aalangan niya din.

At kinagat ko kaagad ang kanyang kanang dibdib. Nilakasan ko talaga, ibinuhos sa pagkagat ang lahat ng galit ko habang naglalaro sa isip na sa katawan ding iyon nagpapasasa si Zach. Malakas ang pagkakagat ko. ramdam ko ang pagbaon ng mga ngipin ko sa kanyang balat.

“Arrrrrrggghhhhh!! Tanginaaaaaaa ansakiiiiitttttttttt!!!!” ang pigil na pagsigaw ni kuya na mistulang ungol bagamat hinayaan lang niya ako sa ginawa ko, ang kanyang dalawang kamay ay nanatiling nakalatag lang sa kama.

Tiningnan ko ang nakagat na parte ng kanyang dibdib at nakita ko ang bakat ng aking mga ngipin. Namumula ang mga ito at may maliliit na tagos ng mga dugo sa gilid na parteng nakagat.

Noong makita iyon, inilapat ko uli ang bibig ko doon at dinilan iyon, kasama na ang mumunting dugong tumagos sa balat. Nalasahan ko pa ang maalat-alat niyang dugo.

“Ahhhh!” ang narinig kong ungol ni kuya, marahil gawa nang hapding dulot ng paglapat ng dila ko sa sugat niya.

Ngunit hindi pa ako nakuntento sa pagkagat ko sa kanya, umusog pa ako pababa sa katawan niya at kinagat ko naman ang gilid ng kanyang pusod. “Ummmmm!!!!”

“Arrrrrrrrrggggggggghhhhhhggg!!!!! P***** Inaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!! Ansakiiiiiiittttttttttttttttttt!!!!! Arrrrrggggggggggggghhhhhhh!” Ang lalo pang pagsigaw ni kuya na nanatili pa ring hindi kumawala bagamat napaigtad ang kanyang katawan sa pagsagad ko ng pagkagat.

Tiningnan ko uli ang kinagat kong parte ng katawan at kagaya ng naunang nakagat, bumaon uli ang aking mga ngipin at may munting dugong tumagos.

Muli, dinilaan ko ito at napaungol na naman si kuya, “Ahhhhhhh! Shiiittttt! Tanginaaa!!!!”

Hindi pa rin tuminag ni kuya. Alam ko, tiniis niya ang sakit upang mapagbigyan lang akong ibuhos ang galit ko sa kanyang katawan.

Umusog uli ako pababa ng bahagya at sa pagkakataong ito, sa ibaba ng pusod na ang tumbok ko, malapit sa mismong waistline ng kanyang pantalon.

Akmang kakagatin ko na sana ang parteng iyon noong masalat ko ang harapan ni kuya. At hindi ko akalaing sa sakit na nadarama niya ay titigasan pa rin pala siya! Nakatagilid sa kanyang pantalon ang ari ni kuya at nagpupumiglas ito, tigas na tigas!

Dali-dali kong tinanggal ang butones ng kanyang fly at noong matanggal na ang mga ito, hinawi ko pati ang kanyang brief upang makalabas ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki.

Hinawakan ko kaagad ito at itinuloy ko na ang pagkagat sa parte ng puson ni kuya. Mas sagad ito, mas malakas ang ginawa kong pagkagat.

“ARRRRRRGGGGGGHHHHHH!!!! P***** INAAAAAAAAAAAA!!!! ANSAKIIIITTTTTTTTT!!! ARRRGGGHHHHHHHH!!! Sigaw ni kuya habang di siya magkamayaw sa pagliliyad at ang kanyang naghuhumindig na pagkakalaki ay pumipintig-pintig din sa aking mga kamay na mistulang lumalaban at gustong kumawala.

Noong binitawan ko na ang pagkagat, mas matindi ang bakat ng aking mga ngipin dito. Tila nabunutan naman si kuya ng tinik at dinig na dinig ko pa ang mabilis na paghihingal ni kuya na sinabayan ng mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang naglabas-masok ang hangin sa kanyang baga. Dinilaan ko uli ito, ninamnam ang lasa ng dugong lumabas sa kanyang sugat habang napapadyak ang mga paa ni kuya at napapaliyad ang katawan sa kirot na naramdaman. “Ahhhhhhhh! Ahhhhhhhh!”

Ngunit ang sunod na umeksena sa aking utak ay ang naghuhumindig at pumupintig-pintig na pagkalalaki ni kuya na hawak-hawak ko sa aking kamay na animoy nanghahamon at gustong umalpas sa aking pagkakawawak.

At iyon nga ang sunod kong tinumbok. Ngunit imbis na kagatin, isinubo ko ito hanggang sa ang buong ulo ay nakapasok sa aking bibig. Dahil sa sobrang laki kasi ng ari ni kuya, hanggang doon lang ang kaya kong isubo.

“Ahhhhhhhh!!!!” Ang mahinang ungol ni kuya noong makapasok ang ulo ng ari niya sa aking bibig. At iyon na... muli naming pinagsaluhan ang sarap ng pagpapaalpas ng aming nagbabagang pagnanasa sa isa’t-isa.

Noong mahimasmasan, naawa naman ako sa kanya kasi may kung anong hinahanap, nagbubukas ng mga drawers.

“Ano ba ang hinahanap mo?” tanong ko.

“Wala ka bang alcohol?”

Kinuha ko ang alkohol sa isang drawer at nong makuha ko ito, “Ano ang gagawin mo dito?”

“Mahapdi yung kagat mo.”

“E di lalong mahapdi iyan sa alkohol!”

“Ok lang basta ma-disinfect siya.”

“Hmpt! Ang arte-arte naman. Wala naman akong rabis e!” Pagmamaktol ko. “Higa ka!” Utos ko, pahiwatig na ako na ang maglalagay ng alcohol sa mga kagat ko sa katawan niya.

At nahiga nga siya. Habang pinunasan ko ng ng bulak na binasa ng alkohol ang mga kagat niya, hindi ko talaga maiwasang hindi humanga sa flawless na balat at katawan ni kuya.

“Awts!” sigaw niya sa bawat haplos ko ng bulak sa sugat niya.

Patapos na ako sa pagpahid ng alkohol sa mga sugat niya noong bigla niyang hinablot ang aking buhok atsaka pinahiga sa kama. Nalaglag ang alkohol sa sahig at napatihaya ako sa kama. Dinaganana niya ako, ini-lock ang dalawa kong kamay sa mga kamay niya upang hindi makakilos.

“Bakit mo ako kinagat?” tanong niya.

“E... naiinis ako sa iyo e! At nangigigil din!”

Tinitigan niya ako. “K-kagatin din kita.”

“Ano? Ansakit kaya! Ayoko kuya!”

“S-sige na tol. Nangigigil din ako sa iyo eh.”

“Ayoko! Ayoko! Ayoko!”

“Ayaw mo bang may remembrance ka sa akin?”

“Anong remembrance?”

“Halimbawa, hindi tayo magkasama at mamiss mo ako, hipuin mo lang ang kagat ko sa iyo, ako din ganoon ang gagawin ko.”

“G-ganoon?”

“Oo. Ayaw mo, may ala-ala ka palagi sa akin, kahit saan ka magpunta? At itong kagat mo, kapag naghilom na, ipakakagat ko uli sa iyo upang palagi kong nararamdaman ang kagat mo sa bawat paghipo ko nito...”

Nag-isip ako, hindi na nakasagot. Mukhang seryoso si kuya at parang gusto ko rin ang ganoon bagamat masakit.

“O ano... payag ka?

“E... masakit eh.!”

“May sakit din naman talaga ang dulot ng pag-ibig, di ba? Ngunit napakasarap umibig, lalo na kapag dala-dala mo ang alaala ng iyong mahal.”

“I-ibig sabihin kuya... m-mahal mo ako?” ang pag-aalangan kong tanong.

Tumango siya. “Mahal na mahal...” ang halos bulong na niyang sagot, ang mga mata ay nakatitig sa aking mukha

Ewan ko ba. Mistulang biglang huminto ang pag-ikot ng mundo sa aking narinig. Parang nasa suspended animation ang lahat at napakasarap ng aking pakiramdam. Hindi ko na napigilan ang sariling umiyak. Kasi, nasigurado ko, mahal ako ng kuya ko at handa niyang ipaglaban ito.

“Bakit ka umiyak?”

“Hindi ko alam kuya. Kasi, mahal din kita e, ngunit... magkapatid tayo e.”

“Huwag mo nang isipin iyan. I-enjoy na lang natin ang lahat. Ako ang bahala, ok?” ang confident niyang sabi na para bang hindi problema sa kanya ito.

Hindi na ako kumibo.

Pinahid niya ang mga luha ko sabay tanong uli, “Ano kakagatin na kita?”

“A, e... s-sige po...” ang pag-aalangan kong sagot.

“Kapag mahal mo ako, ipaubaya mo sa akin ang lahat. Huwag kang matakot, huwag kang pumalag, tiisin mo ag sakit ok? Kung gusto mong kagatin ang kamay ko sige kagatin mo” at iniabot niya ang kanyang kamay sa aking bibig at yumuko na siya, kinapa ang kanang parteng kapareho lugar noong kagat ko sa dibdib niya.

At, kinagat na nga niya ako. “ARRRGGGGGGGGHHHHHHHH!!! ANSAKIT PO KUYAAAA!!!!!!” sigaw ko.

“Tapos na!” ang biglang sagot naman niya.

At noong tiningnan ko ito, kagaya ito noong nakita ko sa kagat ko sa kanya. May mga munting dugo ring tumagos dito. Dinilaan niya ang dugo na iyon at sinisipsip-sipsip pa at pagkatapos, inilapat niya sa bibig ko ang bibig niyang kadidila lang sa sugat. Naghalikan kami. Ninamnam namin ang magkahalong mga laway namin dalawa at dugo ko.

Siya naman ang naglagay ng alkohol sa sugat ko. At pagkatapos, “Dito naman sa gilid ng pusod?” pahiwatig niya sa parehong pangalawang pagkagat ko rin sa gilid ng kanyang pusod.

Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Hanggang sa pangatlong kagat sa parteng puson ko, ganoon pa rin ang ginawa niyang pagdila at pagsisipsip sa sugat pagkatapos niyang kagatin ang mga ito sabay lapat ng mga labi niya sa mga labi ko at paglalagay na ng alkohol.

Ansakit. Ang hapdi. Ngunit tiniis ko. Doon ko naranasan sa sarili ang nasaksihan kong naranasan ni kuya kung saan habol-habol niya paghinga pagkatapos ng aking bawat kagat sa kanyang balat.

“Promise mo sa akin tol na kapag naghilom na ang mga iyan, kakagatin ko uli ang mga iyan? At pati ang sa akin ay ganoon din, ikaw din ang kakagat?”

“O-opo kuya...” ang sagot ko na lang.

Tinitigan niya ako, iyong nakakatunaw ng puso niyang titig kung saan ang kanyang mga mata ay nangungusp, nagsusumamo. “I Love you tol...”

“I love you too kuya...”

At muling naglapat ang aming mga labi...

Kinabukasan ng gabi, habang naghaharutan kami ni kuya, natanggap niya ang text galing kay Zach. Ipinabasa niya ito sa akin.“ Hi tol... Musta na? Miss na kita!”

Tinitigan ako ni kuya, mistualng naghahanap ng kasagutan ang isip kung ano ang gagawin niya sa mensaheng iyon ni Zach.

“Sagutin mo kuya, para matpos na ang lahat” sambit ko. “Diretsahin mo siya na ayaw mo na, na hindi na uubra pa ang pambablackmailniya, na hindi na pwedeng maging kayo pa, na hindi ka na natatakot sa kanya!”

(Itutuloy)


[23]
“Ok naman tol. Ikaw?” sagot na text ni kuya kay Zach.

“Ok naman. Punta ka sa resort mamaya?” text uli ni Zach.

“Sorry tol... hindi na ako puwede”

“Ha? Bakit?”

“Tapusin na natin ang lahat ng ito tol... Ayoko na.”

“Ha? A-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan?”

“Ang relasyon natin, tapusin na natin”

“Huwag ka namang magbiro ng ganyan tol... Hindi magandang biro iyan.”

“Hindi ako nagbibiro Zach”

May dalawang minuto siguro bago nagtext uli si Zach. “Ewan ko ba kung anong klaseng visrus ang pumasok d’yan sa utak mo. Pero kailangang pag-usapan natin iyan.” Ang text niya noong makasagot na.

“Wala namang problema sa iyo, tol. Ako ang may problema. At di na kailangang mag-usap pa tayo. Basta, ayoko na. Magkaibigan na lang tayo.”

“Hindi pwede ang ganyan-ganyan na lang, tol. Hindi ganyan kadali ito para sa akin. Pupuntahan kita d’yan ngayon na!”

Tumingin si kuya sa akin, ang mga mata ay mistulang nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin.

“P-papuntahin mo siya dito kuya. Ok lang sa akin. Tutal, huling pagkikita niyo na ito. At huwag mo siyang awayin upang hindi magwala. Kung maaari ay dapat maganda ang hiwalayan ninyo para hindi siya manggulo o magtanim ng galit. I-explain mong maigi, dahan-dahan...” ang nasabi ko na lang. “At sa kuwarto mo pa rin kuya upang marinig ko ang mga usapan ninyo.”

Ewan ko rin kung bakit iyon ang nasabi kong payo. Marahil ay naramdaman ko rin na kung iyon ay mangyari din sa akin, masakit talaga ito. Kaya nasabi ko iyon upang huwag masyadong masaktan ang kanyang damdamin. May gumapang na awa sa aking puso para sa kalagayan ni Zach.

Sumang-ayon naman si kuya sa sinabi ko.

Wala pang limang segundo ay nag-ring na ang cp ni kuya. Si Zach. Agad niyang pinindot ang speaker upang marinig ko ang pag-uusap nila.

“Tol... bakit naman ganoon? Ano bang kasalanan ko sa iyo?” ang panunumbat ni Zach na hindi na nakatiis sa pagtext-text lang.

“Eh... sige tol, punta ka na lang dito sa bahay. Payag na akong pumunta ka dito, at sa kwarto ko pa rin tayo mag-usap.” Sambit ni kuya, hindi na sinagot ang tanong na iyon ni Zach.

Mahigit isang oras lang at nakarating na si Zach sa bahay namin. Dahil ayaw kung gumawa ng eksena, pumasok kaagad ako sa kwarto ko noong marinig ang tunog ng motor ni Zach.

Kagaya noong dati, dumeretso kaagad ang dalawa sa kuwarto ni kuya. Noong makapasok na sila sa loob, lumantad kaagad sa screen ng laptop ko ang eksena nila.

Pansin ko ang malungkot na mukha ni Zach. Deretso siyang naupo sa gilid ng kama habang si kuya naman ay naupo sa isang silya paharap sa kanya.

“Ano ba ang problema tol?” tanong kaagad ni Zach, ang mukha ay mistulang nagmamakaawa.

Napakamot sa ulo si kuya, “Ano kasi tol... gusto kong tumiwalag muna. Gusto kong dumestansya, mag cool off... Basta, gusto kong huwag munang makipagrelasyon.”

“Bakit naman? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?”

“W-wala tol. Wala...”

“Kung ganoon, bakit? Alam ko namang kulang ang pagmamahal mo sa akin e. Naintindihan ko iyon at wala sa akin iyon. Pero ang usapan natin ay hayaan mo munang turuan kitang mahalin ako at i-enjoy lang natin ang lahat, diba? Bigyan mo pa ako ng panahon tol...”

Natahimik si kuya.

“M-may iba ka na bang mahal?” tanong uli ni Zach.

“W-wala! Wala! Gusto ko lang talagang maging libre. Ma-experience ang buhay walang karelasyon; na may sariling space, libre sa lahat ng panahon, sa lahat ng bagay. Iyan ang gusto ko, tol. S-sana ay i-respeto mo ang desisyon kong iyan. At sana din ay hindi mo na gamitin ang tape upang sirain ang pagkatao ko, upang sirain ang pamilya ko.”

Natahimik ng sandali si Zach, halatng hindi makapaniwala sa desisyong binitiwan ni kuya. “Hindi ko naman talaga kayang gawin ang siraan ka e. Alam mo iyan. Noon pa man ay alam mong hindi ko kayang sirain ka. Mahal kita tol... mahal na mahal. Tinakot lang kita sa tape dahil... dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Kung iyan lang ang dahilan kaya ka kakalas sa relasyon natin, kalimutan mo na ang tape. Huwag lang tayong maghiwalay, please?”

“S-sorry tol. Final na ang desisyon ko.”

Binitiwan ni Zach ang isang malalim na buntong-hininga. “Ansakit naman...” ang tugon ni Zach. “Alam mo namang hindi ko kagustuhan ang lahat ng ito, tol, diba? Hindi ko alam kung bakit nadevelop ako sa iyo ng ganito... Pilit kong nilabanan ang sarili ko, pilit kong itinanggi ang naramdaman ko, pilit kong isiniksik sa aking utak na lalaki ako. Ngunit hindi ko kayang burahin ka sa aking isip at hindi ko alam kung bakit. Para akong mababaliw tol. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin pa upang mabura ka ditto sa puso ko. Sana ay... huwag mo namang dagdagan ang paghihrap ng aking kalooban. Sana ay huwag mo akong hiwalayan. Nagmamakaawa ako sa iyo tol...” sagot ni Zach, ang boses ay nag-crack at kitang-kita ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

“G-gusto ko kasing magkaroon ng babaeng karelasyon tol eh...” ang pag-aalibi ni kuya.

“Bakit? P-puwede ka namang mag-girlfriend kahit nand’yan tayo sa isang relasyon e. Itago lang natin, walang problema sa akin. Hindi ako maging hadlang kung magkaroon ka ng girlfriend. Kahit ako, gusto ko ring magkaroon ng girlfriend... Dahil gusto na ng daddy na makitang may girlfriend na ako.”

“Basta tol... pagbigyan mo na lang ako sa hiling ko sa iyo please... Ayoko munang ipagpatuloy ang ganito. Sana maintindihan mo ako tol.” At lumapit na si kuya kay Zach, umupo sa sahig sa harap mismo ng gilid ng kama kung saan si Zach nakaupo. Inangat ni kuya ang ulo niya kay Zach, inabot ang kamay nito, hinawakan at hinalikan. “Tol please... intindihin mo ako.” dugtong niya na ang mga mata ay nagmamakaawa.

At doon ko na nakita ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata ni Zach. “Bakit ako? Hindi mo ba ako puwedeng intindihin? Hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi mo ba nakita ang pagsasakripisyo ko? Ang paghihirap ko? Ang pagsuway ko sa kagustuhan ng daddy ko? Masakit ang gusto mong mangyari tol... alam mo ba iyon?” at tumalikod na siya kay kuya, humagulgol na parang isang bata.

Kitang-kita kong natulala si kuya sa reaksyon na iyon ni Zach, marahil ay inexpect niya na magmatigas si Zach, maging bayolente, at igiit pa rin ang video tape na panakot niya kay kuya. Ako man ay nabigla din, hindi makapaniwalang sa ipinakitang pagka-kontrabida niya, pananakot, pang-aasar sa akin, may malambot din palang parte ang puso niya. At iyon ang ipinadama niya kay kuya sa pagkakataong iyon.

Ewan, hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili sa nakitang paghihinigpis ng kalooban ni Zach. Para akong nanood ng isang teleseryeng nakakaantig ng damdamain kung saan tumagos sa aking puso ang sakit na naramdaman ng mga tauhan nito. Naawa ako kay Zach. Naawa ako kay kuya. At higit sa lahat, may naramdaman akong awa na gumapang sa aking buong katauhan para sa aking sarili.

Hindi ko tuloy maiwasang sumagi sa isip na tanggaping may karapatan din si Zach kay kuya. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili kung talagang tama bang sa akin mapupunta si kuya; o kung nababagay bang kami ni kuya ang magkatuluyan sa kabila ng ipinakitang matinding pagmamahal ni Zach sa kanya, na handang gawin ang lahat para kay kuya. Parang may isang sibat na tumagos sa aking puso sa tanong ng aking isip; sa isang masakit na katotohanang hindi kami nababagay ni kuya dahil sa katayuan namin bilang magkapatid, at hindi ako karapat-dapat sa kanyang pagmamahal dahil may isang taong mas higit pa yatang nagmamahal sa kanya kaysa pagmamahal ko para sa kuya ko. Parang nakonsyensya ako. Parang may kung anong malalim na nag-udyok sa isip ko na ibigay na lang siya kay Zach. Lalo na na may sumagi sa isip kong inggit sa kanilang dalawa: bagay na bagay sila sa isa’t-isa, parehong mga guwapo, mga hunk, mga mestiso, parehong sports ang gusto, parehong hinahabol ng mga babae. Kumbaga kung sa damit, terno silang dalawa, tailor-made na ginawa ng tadhana para sa isa’t-isa.

Parang may narinig akong bumulong sa aking isip na katukin angkuwarto ni kuya at sabihin na lang sa kanya na huwag na niyang talikuran pa si Zach; na matanggap ko ang lahat, na kaya kong tiisin ang sakit na dulot nito dahil sa hindi nga kami pwede at sayang naman ang pagmamahal ni Zach sa kanya. Kasi, magkapatid nga kami samantalang sila ni Zach, walang hadlang na pwedeng pumigil sa kanila...

Sa eksenang iyon, hindi ko namalayan na dumaloy na pala ang mga luha sa pisngi ko.

“H-huwag ka namang ganyan tol... Intindihin mo naman ang kalagayan ko. O...” ang narinig kong sambit ni kuya kay Zach habang pinagmasdan niya itong nagpapahid ng luha.

“Naintindihan kita tol... Gusto mong kumalas sa relasyon natin dahil hindi mo ako mahal. Alam ko naman iyan e. Noon pa. Kaso, ang sakit pala kapag hahantong na ang lahat sa hiwalayan. Ngayon ko lang narealize kung gaano kasakit ang lahat. Akala ko kasi dati, kaya ko pa. Pero ansakit pala...” Ang sagot ni Zach na nanatiling nakatalikod kay kuya at umiiyak.

“Halika nga rito!” ang sabi ni kuya. Tumayo siya, inabot muli ang kamay ni Zach at pilit na hinila ito patungo sa sahig kung saan siya umupo.

Napaupo si Zach sa tabi ni kuya atsaka niyakap siya nito. Mahigpit silang nagyakapan, mistulang ayaw nilang bitawan ang isa’t-isa. Sa anyo nilang dalawa ay para silang mga magsing-irog na nag-uumapaw ang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Ewan, baka naalipin lang ang aking pag-iisip sa sa sobrang pagseselos, kaya ganoon ang takbo ng interpretasyon ng aking imahinasyon sa nasaksihang anyo nilang dalawa.

Pagkatapos yakapin ni kuya si Zach, hinawakan ng dalawa niyang kamay ang ulo nito. Tinitigan niya ang kanyang mukha, ang mga mata ni kuya ay mistulang nangungusap. “Sabihin mo sa akin tol... na maluwag sa iyong kalooban ang paghihiwalay nating ito.”

Tumango si Zach.

“Promise tol... hindi mo na ako kukulitin, na hindi mo ako sisirain...?”

Tumango uli si Zach bagamat nanatiling nakayuko na parang pilit na nagpakatatag; pilit na nilabanang huwag makita ni kuya ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“S-salamat, tol...” ang sambit ni kuya na parang nabunutan ng tinik.

At habang nasa ganoong posisyong hawak-hawak ng mga kamay niya ang ulo ni Zach, kitang-kita kong hindi rin napigilan ni Zach ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. Tuloy-tuloy. Mistulang munting talon ang kanyang mga mata.

Iyon lang. At ang sunod kong nasaksihan ay ang unti-unti ding paglapit ng mukha ni kuya sa mukha ni Zach habang nanatiling nakatutok ang mga mata niya dito.

Hanggang sa tuluyang naglapat ang kanilang mga labi.

Naghalikan sila na parang sarili nila ang mundo; na parang sabik na sabik sila sa isa’t-isa; na parang magugunaw na ang mundo at iyon na ang pinakahuli nilang paghahalikan...

Parang paulit-ulit na sinaksak ang aking puso sa nasaksihan. Sobrang sakit ang aking naramdaman na mistulang hindi ko na kakayanin pa ang patuloy na panonood sa kanilang ginawa.

Ngunit may parte pa rin ng aking puso na nagpumilit magpakatatag. Isiniksik ko sa isip na maaaring nagawa lang ni kuya ang paghalik kay Zach dahil sa matinding awa niya sa huli. Nilawakan ko ang aking pag-iisip at inintindi na may kahapon din sila; na matagal-tagal din silang nagsama ng patago. At sa mga sandaling nasa piling ni Zach si kuya, naging masaya din naman siguro ang kuya ko kahit papaano lalo na halos sa lahat ng bagay ay pareho sila ng gusto at hindi gusto. Alam ko, hindi basta-basta mabura iyon sa isip ni kuya.

Pagkatapos nilang maghalikan, nanatili silang magkayakap, ang mukha ni Zach ay nakikita sa camera samantalang ang kay kuya ay natakpan ng ulo ni Zach. Hindi ko lang alam kung sinadya niyang itago ang mukha niya.

Habang nasa ganoon silang posisyon, pansin ko pa rin ang patuloy na pagdaloy ng luha sa pisngi ni Zach. Ang eksenang iyon ay umantig sa aking puso. Mistula silang dalawang basang-sisiw na inabandona. Para silang magsing-irog na itinakwil ng sangkatauhan, pinagtaksilan ng panahon, at pinagkaitan ng tadhana...

Laking pagkamangha ko sa nakita kong iyon. Ibang-iba ito kaysa una kong nasaksihan sa kanilang pagniniig kung saan bakas sa mga mata ni kuya ang saya dulot ng tagumpay sa mga ipinapagawa niyang kababuyan kay Zach; kung saan ibinandera pa niya ang kanyang nakangising-asong mukha sa camera.

Ngunit sa pagkakatong iyon, tila isang mapagkumbabang tupa ang anyo ni kuya na naalipin ng awa kay Zach. Halos itatago na lang nito ang sarili niya sa camera, mistulang ikinahihiya.

Nasa ganoon akong pagmamasid noong mapansin kong mistulang umiiyak din si kuya gawa ng pag-angat ng kamay niya na parang pinahid ang kanyang pisngi. Ewan hindi lang din ako sigurado kasi, natakpan nga ang mukha niya sa camera...

Maya-maya, kumalas si Zach sa pagkakayakap ni kuya at nagsalita, “P-pwede ba...? Kahit sa huling pagkakataon?” sambit ni Zach.

Walang pagdadalawang-isip na tumango si kuya.

At muling naglapat ang kanilang mga labi. Hinawakan ni Zach ang dulo ng t-shirt ni kuya upang hubarin ito. Itinaas naman ni kuya ang kanyang mga kamay. At tuluyang hinila pataas ni Zach ang damit ni kuya hanggang lumantad ang hubad na pang-itaas na katawan ni kuya.

Pagkatapos, dali-daling siniil uli ni Zach ng halik ang mga labi ni kuya habang ang dalawa niyang kamay ay abala sa pagtanggal sa butones ng pantalon ni kuya.

Tinugon naman ni kuya ang halik ni Zach at hinawakan pa nito ang kanyang ulo upang mai-lock ang mga labi niya sa labi ng huli. Habang nasa ganoon silang paghahalikan, naibaba ni Zach ang zipper ng pantalon ni kuya. Agad niyang hinila ito, kasama ang brief ni kuya samanatalang si kuya naman ay bahagyang itinaas ang kanyang balakang upang tuluyang mahila ni Zach ang kanyang pantalon.

Noong hubot-hubad na si kuya, tumayo si Zach at hinila si kuya upang mahigang patihaya ang pang-itaas niyang katawan habang ang dalawang paa ay nakatukod sa sahig sa gilid ng kama.

Dinaganan siya ni Zach at pinaliguan ng halik ang buo niyang katawan...

Kung ibang tao lang akong nanood sa eksenang iyon, masasabi kong isa ito sa pinaka-magandang eksena ng kalibugan.

Ngunit sobrang napakasakit para sa akin ang eksenang iyon na hindi ko lubos maisalarawan ang tindi nito. Kitang-kita ng aking mga mata kung gaano nagpaubaya si kuya sa ginawang pagpapasasa ni Zach sa kanyang katawan. Ramdam ko ang matinding pagdurugo ng aking puso.

At tuluyan nang bumigay ang aking puso. Hindi ko na nakayanan pa ang nasaksihan sa kanilang ginagawa. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at umalis ng bahay na hindi nagpaalam at hindi alam kung saan patungo, naglalakad hanggang sa maabot ko ang plaza at umupo sa seawall paharap sa dagat.

Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo at sobrang napakabigat ng aking dinadala. Parang bumabalik-balik ang naramdaman ko noong pinagtaksilan ako ni Zach habang magkasintahan pa kami. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isip. Parang gusto ko nang mag give-up sa buhay sa pagkakataong iyon. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ko dinaranas ang ganoong klaseng sakit at ganoong klaseng karanasan. Parang gusto ko na talagang i-give up si kuya. Parang ang mensahe sa akin ng mga kaganapan ay pareho lahat: ang ipaubaya na lang si kuya sa piling ni Zach.

Kasi, una, magkapatid kami. D’yan pa lang ay napakalaking balakid na nito. Paano namin paninindigan ang lahat? Paano namin harapin ang galit ng aming mga magulang, ang pangungutya ng mga tao? Kagaya niyan, halimbawang nasa gitna kami ng maraming tao, kaya ba ni kuyang yakapin ako? Kaya ba niyang halikan ako? Suigurado ako, hindi. Kasi, bawal. Kasi, natatakot siya. Kasi, nahihiya siya at hindi niya kayang panindigan ang lahat. Kapag nakakakita nga ako ng mga magsing-irog na naghahalikan sa maraming tao, na parang proud na proud pa sila sa kanilang mga kasintahan, naiinggit ako, naitatanong sa sarili kung bakit iba ang pagmamahaan namin... Minsan din tuloy di ko maiwasng mangarap na sana ay hahalikan din ako ni kuya sa gitna ng maraming tao. Siguro, kapag nagawa niya iyon sa akin, masasabi kong talagang mahal niya ako. Pero syempre, imposibleng mangyari iyon...

Pangalawa, mahal na mahal siya ni Zach. At hindi lang iyan, bagay na bagay pa silang dalawa. Parehong mga guwapo, matangkad, hunk... samantalang ako ay... isang immature pa. Parang isa lang akong panggulo sa kanila, isang kontrabida o sampid na walang karapatang umangkin sa pag-ibig ni kuya. Pakiramdam ko ay isa akong outcast, isang trying hard...

At ang pangatlo na sa sandaling iyon ko lang napagtanto ay ang posibilidad na maaaring... may naramdaman din si kuya para kay Zach base sa aking nasaksihan sa kanilang ginawa sa kuwarto..

Ansakit... parang hindi ko kaya, lalo na sa pagkakataong iyon na habang nag-iisa sa ako sa seawall na iyon, kasalukuyang tinatamasa naman nila ang sarap ng pagnanasa nila sa isa’t-isa.

Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Siguro may isang oras ako sa ganoong pagmumuni-muni at pagsamsam sa sakit na dinaramdam noong maisipan kong i text si Ormhel. “Hello po... musta. Nalulungkot po ako”

“Eyyy.. bakit malungkot ang friend ko? Ayaw ko niyan. Saan ka ngayon? Naka out na ako sa work, nandito ako sa downtown. Puntahan kita, gusto mo?” ang sunod-sunod kaagad na mga sagot ni Ormhel.

“Sige po. Malapit ka lang pala. Nandito ako ngayon sa seawall sa may plaza.”

“Punta na ako jan!” text uli niya.

Wala pang 30 minutos ay nakarating na si Ormhel. Umupo siya sa sea wall sa tabi ko sabay akbay sa aking balikat. “Eyyyy... bakit ka malungkot?” ang pabiro niyang sabi, pag-encourage sa akin.

“Wala lang. Gusto ko lang mag-emote, mag-isip.” Ang sagot ko rin.

Ngunit pansin ko sa reaksyon ni Ormhel na hindi siya naniniwala. Tinitigan niya ako, ang mga labi ay mistulang bibigay sa pagngiti, pahiwatig na naintindihan niya ako at handa siyang magpagaan sa aking dinadalang sama ng loob.

“Bakit ganyan ang titig mo sa akin?” sambit ko.

“Wala lang... sige, kung ayaw mong magsalita, sabay na lang nating panoorin ang dagat...”

Tahimik.

“S-sabi mo dati, mabait si sir Zach mo. Gaano ba siya kabait?” ang pagbasag ko sa katahimikan.

“Ay sus, sobra... Ayokong sabihin dahil pinagbawalan niya ako ngunit maraming tao na iyang natulungan, may mga sinusuportahang charity organizations, at maraming taong iniligtas ang buhay.”

“Iniligtas na buhay? Kagaya ng ano?”

“Kagaya ng mga may sakit na pasyente na bagamat kayang gamutin ang mga karamdaman ngunit nasa bingit ng kamatayan dahil sa kawalan ng pera. Kaming mga tauhan nila, marami sa amin ang natulungan na rin niyan.”

“Ganyan siya ka bait? Hindi ba kayo niya napapagalitan? Hindi tumataas ang boses niya sa inyo?”

“Nagagalit din iyan, siyempre, tumataas din ang boses. Ngunit, pagkatapos ng galit niya, ipapatawag ka sa kanyang opisina at manghingi ng paumanhin at i-explain niya sa iyo kung bakit siya nagagalit. Naintindihan naman namin dahil mas nanaig ang kabaitian niya kaysa paminsan-minsang tantrums niya...”

Hindi ako nakakibo sa narinig. Para kasing hindi kapani-paniwala. Sa ipinakita niyang pagka-tuso at pagmamaliit sa akin, parang hirap namang paniwalaan na may puwang na kabaitan sa kanyang puso.

“Ba’t ganyan ang reaksyon ng mukha mo?” tanong niya noong makitang napangiwi ako. “Hindi ka ba naniniwala?”

“E... parang mahirap paniwalaan kasi.” Ang nasabi ko na lang.

“Mahirap paniwalaan kapag hindi mo siya nakilala ng lubusan. Kasi tingnan mo, anak mayaman, may hitsura at porma, at kung tingnan ay easy-go-lucky lang na parang kagaya ng ibang mga spoiled brat. Ngunit sa likod ng nakikita ng mga tao sa kanya, may malalim at kahanga-hangang pagkatao si sir Zach. Lahat naman ng tao ay mayroon nito eh, di ba? Gaano man ka-tapang o kasama ng isang tao, may parte pa rin sa kanyang puso na pwedeng magmahal, pwedeng tumulong, o pwedeng magbigay ng kaligayahan sa kapwa. Kaya nga isang malaking pagkakamali ang humusga sa isang tao. Ito ay dahil hindi natin alam ang tunay na laman ng kanyang puso, hindi natin alam ang tunay na kuwento ng kanyang buhay, hindi natin alam kung ano ang kanyang mga pinagdaanan.”

Ewan, ngunit nagandahan ako sa sinabing iyon ni Ormhel. Iyon na yata ang pinakamandang payo na narinig ko. “...isang malaking pagkakamali ang humusga sa isang tao. Ito ay dahil hindi natin alam ang tunay na laman ng kanyang puso, hindi natin alam ang tunay na kuwento ng kanyang buhay, hindi natin alam kung ano ang kanyang mga pinagdaanan.” Ramdam kong bumaon ito sa kaibuturan ng aking isip. “B-bakit? Ano ba ang pinagdaanan ni Zach?” ang naitanong ko.

Tiningnan ako ni Ormhel, mistulang biglang nagising mula sa malalim na pagkahimbing. “Sandali... bakit ba napunta kay sir Zach ang usapan? May kinalaman ba siya kung bakit ka nalungkot ngayon?” ang tanong niya.

“E... wala ah. Hindi, wala siyang kinalaman” ang biglang pagbawi ko. “P-pero interesado lang akong malaman ang buhay niya.” dugtong ko pa.

“Ah... Pero huwag na lang muna.” Ang tugon ni Ormhel. “Sobrang sensitive kasi ang mga iyon. Ako lang at si sir Zach ang nakakaalam. Ipinangako ko sa kanya na hindi lalabas sa mga bibig ko ang kung ano man ang dinadala niya ngayon. Basta, tandaan mo palagi, si sir Zach ay kagaya ng ibang tao. Nasasaktan, nagagalit, ngunit may puwang ng kabaitan sa kanyang puso. Maaaring nakakalamang at nakakaangat siya sa buhay at pisikal na anyo, ngunit kagaya ng ibang tao, kagaya mo, kagaya ko, may dinadala din siyang malaking problema...”

“M-ukhang alam ko na kung ano ang problema niya” ang paghula ko sa hindi niya masabi-sabing problemang dinadala ni Zach.

Nabigla si Ormhel. “Talaga? Ano? Sinabi niya na ba sa iyo? Bago lang ito e...”

“Hindi naman. Pero iyong... iyong pagkabakla ba niya? At na galit ang papa niya sa kanyang pagiging bakla?”

“Hahahahahaha!” ang biglang malakas na pagtawa ni Ormhel, nagulat na hindi pala tama ang aking hinala. “Hindi iyan iyan ang problema ni Zach. Mas matindi pa. Basta, malalaman mo rin siguro iyan.”

“G-ganoon ba...?” ang naisagot ko na lang.

“Woi... nandito na ang kuya mo!” ang biglang singit ni Ormhel noong mapalingon siya sa may likuran naming.

Napalingon din ako sa may likuran at nakita ko doon si kuya, nakatayong nakatingin sa akin. Agad ko ring ibinaling muli ang paningin sa dagat na parang hindi ko siya nakita, hindi ko kilala.

At marahil ay napansin ni Ormhel na may problema kami ng kuya ko kaya nagpaalam kaagad siya sa amin. “Alis muna ako, tol. Naghintay sa akin ang pinsan ko na nsa loob ng restaurant...”

“Huwag ka munang umalis!” ang pagpigil ko pa.

Nakita kong tiningnan muna ni Ormhel si kuya atsaka noong marahil ay napansing seryoso ang mukha ni kuya kaya hindi na siya nagpapigil pa. “Kailangan ko na talagang umalis tol. Ingat!” At kumaway din siya kay kuya, “Mauna ako tol!” at tumalikod na nagtatakbo pa.

Walang imik na umupo sa tabi ko si kuya. Tahimik siya, ang mga kamay ay isiniksik sa gilid na bulsa ng kanyang jacket, ang paningin ay itinutok din sa dagat na parang napakalalim ang iniisip.

Hindi ko alam kung ang laman ng kanyang isip ay ako, o ang pag-alis ko ng walang paalam, o ang ginawa nila ni Zach, o may iba bang kaganapang nangyari sa kanila na hindi ko na alam.

Ngunit wala na akong interes pa na malaman ito. Ang tanging naglalaro sa aking isip ay ang eksena kung saan sila nagla-love-making ni Zach at ang pagpapaubaya niya dito. Kitang-kita ko pa sa aking isip ang kanilang ginawa. Ramdam ko pa sa aking puso ang matinding sakit na dulot nito.

Tahimik. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaupong magkatabi at hindi nag-iimikan.

Maya-maya, tinanggal niya ang isang kamay na nakasiksik sa bulsa ng jacket niya at hinawakan niya ang aking kaliwang kamay na nakatukod lang sa sementong inuupuan ko.

Hinayaan ko lang siya. Hindi ko ginalaw ang kamay ko. Sinamsam ko ang sensasyon at init ng paglapat ng kamay niya sa aking balat.

Hindi pa rin ako umimik o ni lumingon sa kanya bagamat ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mata. Pilit kong nilabanang huwag pumatak ang mga ito.

“B-bakit ka umalis ng bahay?” ang pagbasag niya sa katahimikan na siyang dahilan upang hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

Hinayaan ko na lang na dumaloy ang aking mga luha sa aking pisngi at bumagsak ang mga ito sa aking damit. Hindi ko ito pinahid. Hindi ako kumibo o ni umimik. Para akong isang taong puno ng saksak ang katawan ngunit nagpupumilit na huwag magpaapekto; na huwag gumalaw at maging manhid sa sakit na dulot ng mga malalalim na sugat.

Dahan-dahan niyang inilipat sa pag-akbay sa aking balikat ang kamay na nauna na niyang inihawak sa aking kamay. Umusog siya ng bahagya upang idikit ang katawan niya sa katawan ko.

Hindi pa rin ako gumalaw. Hinayaan pa rin siya sa kanyang ginawa.

“I love you, tol...” ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa dagat. Marahil ay alam niya ang pagdadalamhati ng aking puso.

At hindi ko na napigilan ang sarili. Napayuko ako, napahagulgol. Paano ko ba lalabanan ang sarili sa aking naramdaman? Paano ko paniwalaan ang sinabi niyang mahal niya ako samantalang kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya ipinubaya ang katawan niya kay Zach? Paano ko iaangat ang tiwala ko sa sarili kung lugmok na nga ito, ipinamukha pa niya na kaya niyang ipamigay ang sarili niya sa iba?

“M-mahal mo ba si Zach?” ang naitanong ko sa gitna ng aking pag-iiyak.

“H-hindi ko siya mahal tol... Ikaw ang mahal ko”

“Kung mahal mo ako, bakit nakikipaghalikan ka pa sa kanya? Bakit nakipag-sex ka pa sa kanya? Bakit ka umiiyak na parang nanghinayang kang maghiwalay na kayo? Bakit? Bakitttt? Bakitttttttt?!!!” bulyaw ko.

“N-naawa ako sa kanya tol. Iyon lang iyon. Hindi ko akalain na ganoon ang ipapakita niyang pagpakumbaba sa desisyong ibinunyag ko. Hindi ko akalaing sa kabila ng paghihirap ng kanyang kalooban ay matanggap niya ito ng maayos, ng walang galit sa kanyang puso. Naantig ako sa ipinakita niyang pagka-sport sa pagtanggap sa aking desisyon tol.”

“Kaya ibinigay mo ang katawan mo sa kanya? Kaya ka nakipagsex pa rin sa kanya? Ganoon ba iyon?”

Hindi nakaimik ni kuya.

“Kung ako ba ay papatol sa iba, hindi ka ba masasaktan? Kapag makita mo akong may ibang katalik hindi ba magdurugo ang puso mo?” dugtong ko.

Hindi pa rin umimik si kuya.

“Ano??? Bakit hindi ka makasagot?”

Naramdamn ko na lang na hinigpitan ni kuya ang pag-akbay sa akin. Niyapos niya ako, hinalikan muli ang aking buhok at ulo. “Sorry na tol. Maaaring mali ako sa ginawa ko pero iyon lang ang paraang puwede kong ibigay bilang pasasalamat sa pangako niyang hindi niya ako gagambalain pa, na natanggp niya ang lahat ng maluwag sa kanyang kalooban. Iyon na ang huli sa amin, tol. At ngayon, iyong-iyo na ako, buong-buo, at wala ka nang kahati pa...”

“M-mahal mo ba si Zach?” Ang pagsingit ko.

“Anong bang klaseng tanong iyan, tol...?” ang tumaas niyang boses, pansin ang pagkairita.

“Seryoso ako kuya. At hindi ako magagalit kung may naramdaman ka sa kanya.”

“Putsa namang tanong na iyan, o... Hindi syempre. Naawa lang ako sa kanya, iyan lang talaga, wala nang iba.”

“K-kasi...” napahinto ako sandali, humugot ng lakas upang masabi sa kanya ang nasa isip ko.

“Kasi ano???”

“K-kasi... Ayoko na kuya. At papayag na ako kung kayo n Zach ang magkatuluyan.” At muli na naman akong napahagulgol.

Niyakap ako ni kuya ng mahigpit. “Ano ba iyang pinagsasabi mo tangina! Ngayong wala nang hadlang para sa atin atsaka ka pa mag-isip ng ganyan?”

“Hindi tayo nababagay sa isa’t-isa kuya. Maraming hadlang. Kayo ni Zach ang dapat na magkatuluyan.”

“Ano ka ba? Ikaw ang mahal ko! Tangina! Ayokong marinig iyan!”

“Magkapatid tayo, ok?!!! Nalimutan mo na ba iyan???”

“Walang problema iyan, tol. Ako ang bahala d’yan ano ka ba!”

“Anong ikaw ang bahala? Bakit? May magagawa ka ba?”

“Oo! May magagawa ako!” ang biglang naisagot niya. At ewan ko ngunit parang nagulat din si kuya sa kanyang naging sagot. Bigla siyang natameme.

Napatingin ako sa kanya, nalito kung ano ang ibig niyang sabihin na may magawa siya. Hindi ko alam kung ano iyon. “Ano ang magagawa mo???” tanong ko.

Ngunit hindi na niya ako sinagot. “Tara na sa bahay. Gusto kitang mayakap. Gusto kitang mahagkan...”

“See?!!! Ni hindi mo nga magawang yakapin ako dito? Hindi mo kayang hagkan ako dito? Bakit? Dahil magkapatid tayo! Dahil natatakot kang makita ng mga tao, ng mga kaibigan natin na tayong magkakapatid ay naghahalikan, nagmamahalan. At nahihiya ka dahil alam mong bawal iyan!”

“Tangina ano ba ang problema mo tol...? Halika na. Uwi na tayo.” Sabay tayo ay hila sa aking kamay upang makatayo ako.

Ngunit nagmatigas ako. “Ayoko... kung gusto mo lang pala akong makahalikan at mayakap sa bahay, ayoko. Lalo mo lang akong sinasaktan. Lalo mo lang ipinamukha sa akin na hindi tayo bagay, na bawal ang ating relasyon.”

“Gusto mo bang dito kita halikan...? Ha?” Ang may halong pagkairita niyang tanong.

Ngunit hindi ko pinatulan ang tanong niyang iyon. Alam ko namang panakot lang niya iyon. Alam ko, hindi niya kayang gawin iyon dahil ako man sa sarili ay hindi sigurado kung masikmura ko ring makikipaghalikan sa kanya sa gitna ng maraming tao. “Kayo ni Zach ang bagay kuya. Alam kong may naramdaman ka sa kanya kahit papaano. Tanggapin ko ang lahat...”

Hindi na kumibo pa ni kuya. Tahimik na naupo uli ito sa aking tabi at itinutok ang mga mata sa dagat.

“Kapag kayo ni Zach ang magkatuluyan kuya, matatanggap ko. Kasi, kilala ko na si Zach. At ako naman, malimutan na rin kita sa katagalan... alam ko iyan. At makahanap din siguro ako ng iba, iyong isang taong pwedeng kahit sa maraming tao ay makayakap ko, makahalikan ko, at maka – UHUMMMMPPPPPHHH!”

Iyon ang huli kong nasambit. Hindi ko na nadugtungan pa ang sasabihin gawa nang paglock ng mga kamay ni kuya sa aking ulo at puwersahang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko.

Hinalikan niya ako, hindi alintana ang maraming taong namasyal din sa plaza, ang iba ay nakaupo pa sa seawall, hindi kalayuan sa kinauupuan namin...

(Itutuloy)


[24]
Laking gulat ko talaga sa ginawang paghalik sa akin ni kuya na hindi ko na magawang pumalag pa.

At ewan ko rin ba, bagamat may naramdaman akong takot na mapansin kami ng mga to, napayakap na rin ako sa kanya at ninamnam ang sarap ng kanyang paghalik. Panandalian kong nalimutan na nasa isang lugar kami, kung saan may maraming tao. Mistulang lumulutang ako sa ulap at pinaligiran ng mga anghel at mga cherubim...

At noong tinanggal na niya ang mga labi niya, binitiwan niya ang isang ngiting nang-aamo, dagdagan pa sa mga matang nangungusap, sabay sabing, “Uwi na tayo...”

Iyon lang. Para akong isang ice cream na nalusaw. Napawi ang lahat ng aking sama ng loob, ang aking mga pangamba, ang lahat ng takot.

Tumayo siya ay inabot ang aking kamay upang makatayo na rin ako. Hinablot ko ang kamay niya, hinawakan, at noong makatayo, inakbayan niya ako at tinungo na namin ang isang sulok sa park kung saan nakaparada ang aming sasakyan.

Parang wala lang pakialam si kuya sa mga taong nakapaligid. Noong nilingon ko ang pinanggalingan namin, kung saan kami nakaupo at hinalikan niya ako, nakita ko pa ang ibang nakatabi namin na sinundan kami ng tingin, mistulang natulala at hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihang paghahalikan namin ni kuya.

“Hayaan mo na ang mga iyan.” ang sambit ni kuya noong mapansing tiningnan ko rin ang mga taong nakatingin sa amin. “Naiinggit ang mga iyan. Tingnan mo ha, hindi nila maiimagine na may isang napakapoging nilalang ang sumulpot galing sa langit at sa iyo humalik at hindi sa kanila?”

“Eeeeeeewwwwwwww!” ang bigla kong pag react sabay kurot sa gilid niya. “Baka isang demonyo galing sa impyerno ang ibig mong sabihin” dugtong ko pang nakatawa.

“Napakaguwapong demonyo ko naman...” sagot niya.

“Gutom lang iyan kuya... Huwag kang mag-alala, malulupig din iyang kung ano mang dumagit sa matino mong pag-iisip kapag nakakain ka na.” Dugtong ko.

Noong makaangkas na kami sa sasakyan at akmang ipaandar na ito ni kuya, hindi ko naman maiwasang titigan siya. “Ang gwapo talaga ng kuya ko!” sigaw ng isip ko.

Ngunit sa paghanga ko sa kanyang iyon ay hindi ko rin naiwasang hindi pumasok sa isip ko ang problemang kinakaharap namin; sa aming pagmamahalan. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga.

Napansin ni kuya ito at imbis na paandarin ang sasakyan ay napatingin siya sa akin. “Anong problema? Ba’t ganyan ang tingin mo?” tanong niya.

“W-wala lang...” ang maiksi kong tugon.

“Iyan lang? Tapos ganyan ka kung makatingin? At kung makabitiw ng buntong-hininga ay parang pati baga ay nailuwal mo rin d’yan sa ilong mo?”

Tahimik.

“Ano?”

“M-mahal na mahal kita kuya...”

At hindi na nakatiis ni kuya. Binitiwan niya ang paghawak sa steering wheel, inilingkis ang isang kamay sa katawan ko, hinalikan ang aking buhok at hinaplos ng isa niyang kamay ang aking mukha. “Mahal na mahal ko din naman ang baby bro ko eh... Huwag ka nang malungkot. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano...”

Npayakap na rin ako sa kanya.

“Kung gusto mo hipuin mo na lang ang sugat ng kagat mo sa aking katawan. Mahapdi pa iyan.”

At naalala ko ang pagkakagat ko sa katawan niya, at ang mga sugat din ng pagkagat niya sa katawan ko. Bigla tuloy may pumasok sa isip ko. “Hindi ba iyan napansin ni Zach?”

“Napansin din. Nagtanong siya.”

“Anong sabi mo?”

“Sabi kong kinagat mo noong nagalit ka sa akin.”

Sandali akong natahimik. “Naniwala naman siya?”

“Palagay ko ay... may pagdududa siya. Pero hindi na mahalaga kung maniwala man siya o hindi tol. Ang importante, hindi na siya galit.”

Tahimik. Sumagi kasi sa isip ko ang tanong kung ano ba talaga ang pinagdaanang problema ni Zach na binanggit ni Ormhel. Parang naaawa at nakokonsyensya din ako sa nangyari sa kanya.

“O ano... ayaw mo bang hipuin ang sugat ko?” giit niya.

Na agad ko namang sinunod. Isiniksik ang aking kamay sa ilalim ng kanyang t-shirt at iginapang ito sa kanyang katawan. Damang-dama ng aking kamay ang init ng kanyang balat, ang lambot at kinis nito. Noong masalat ko na ang namaga pa niyang sugat sa may bandang dibdib, hinaplos ko ito.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap sa akin ni kuya sabay bitiw ng mahinang pigil na pag-ungol, “Uhmmmm” sanhi ng naramdamang kirot o kiliti sa aking paghaplos.

Iginapang ko muli ang kamay ko sa dalawa pang parteng kinagat ko. Dahan-dahan, ninamnam ang sensasyon ng pagdampi ng kamay ko sa balat niya. At sa bawat paghahaplos ko, hinihigpitan din niya ang pagyakap sa akin kasabay ng pagpipisil-pisil niya sa aking braso.

Habang nasa ganoong pagpipisil ako sa balat niya, iningat ko ang paningin ko sa mukha ni kuya. Nakapikit ang kanyang mga mata habang kagat-kagat ang sariling labi na tila nasarapan.

“Bakit ka nasarapan sa paghahaplos ko sa sugat mo?”

“Ramdam kasi ng buong kalamnan ko ang ginawa mo. Parang ang sarap namnamin ang magkahalong sakit, sarap, at kliliti na ginawa mo sa aking balat at katauhan. Sa sakit na dulot nito, naramdaman kong hindi ako invincible; at nilupig mo ang aking tatag at tibay. Sa sarap ay naramdaman kong may nagmamahal sa akin; at ang sarap na mabuhay dahil sa pag-ibig mo. Sa kiliti ay naramdaman kong buhay na buhay ang pagkatao ko; at kapag nawala ka, maglalaho din ang sigla, ang lakas, at buhay na ito...” sagot niya, ang mga matang mistulang nangungusap ay nakabuka ng bahagya at nakatutok sa mukha ko.

Sa narinig, hindi ko naiwsang pumatak ang aking mga luha. Napakaganda ng kanyang sinabi.

“Gusto mo, haplusin ko na rin ang sugat mo?”

“S-sa bahay na lang kuya...” ang sagot ko na lang.

Hinalikan muli ni kuya ang ulo ko sabay kalas niya sa pagkakayakap sa akin, atsaka pinaandar na ang sasakyan.

Noong dumating kami sa bahay, agad kaming nagtatakbo patungo sa kuwarto ni kuya. Para kaming hinahabol, nag-uunahan papasok. At noong nasa loob na, agad naming ini-lock ang pinto. Dali-dali din kaming naghubad n gaming mga saplot hanggang sa pareho na kaming hubo’t-hubad.

Agad akong niyakap ni kuya, lingkis na lingkis ang kanyang kamay sa aking katawan. Siniil niya ng halik ang aking mga labi na tinugon ko rin ng kasing init ng kanyang halik.

(Torrid Scene. Available soon. Please go to: http://torridparts.blogspot.com)

Balik na naman ang normal na routine namin ni kuya. Sabay kami palaging pumapasok at umuuwi ng bahay galing sa school at kapag may activity at magtatagal pa siya, pinapahintay niya ako, at kapag ako naman ang may activity, siya din ang maghihintay. Minsan din kapag gusto niyng maglaro ng basketball, nandoon lang ako, parang gago na nanonood at nagchi-cheer sa laro niya.

Tuluyan na rin niyang iniwanan ang pagiging chickboy. Bagamat alam kong maraming nagpaparamdam at nagkakaroon ng crush sa kanya, hindi na niya pinapatulan pa ang mga ito, hindi kagaya noong dati na kahit sinong babae, basta alam niyang type siya at naghahanap ng paraan para makuha siya, pinagbibigyan niya.

Sa side naman ni Zach, pinanindigan din niya na hindi na niya kami gagambalain pa. Hindi siya nanggulo, at kahit sa pagtitext, wala nang natanggap si kuya. At pati sa chat ay hindi na rin nagparamdam. As in wala na talaga. In fact, wala dinilete na rin niya yata ang ym niya dahil wala na ito sa listahan namin. Ok lang naman sa amin iyon kasi, wala na kaming problema ni kuya.

Pero, iyan ang akala ko.

May dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos ng hiwalayan moments nila ni kuya at Zach noong isang masamang balita ang ntanggap namin mula kay Ormhel. “Nasa ospital si Zach at grabe ang kanyang kalagayan” text ni Ormhel sa akin. Binigay din niya ang ospital kung saan naka ICU si Zach.

Agad kong ipinabasa ito kay kuya. At nagulat din si kuya, nalungkot. “P-puntahan natin siya sa ospital tol...” ang mungkahi ni kuya.

“S-sige kuya. Sasama ako.”

Pagakatapos ng pagkatapos ng aming klase ay agad kaming nagpunta sa ospital na tinukoy ni Ormhel. Sa oras na iyon ay nasa ICU pa rin pala si Zach.

Nakita namin ang ibang mga staff ng resort nila Zach, halatang galing sa pag-iiyak gawa ng pamamaga ng kanilang mga mata. “Talagang mahal nila ang kanilang amo...” bulong ko sa sarili.

Sa isang sulok, nandoon din si Ormhel na bakas din sa mukha ang matinding kalungkutan.

Agad namin siyang nilapitan. “Tol... anong nangyari kay Zach?” ang tanong kaagad ni kuya.

“N-nabangga ang motor niya, tol... sa isang poste ng kuryente. Lasing na lasing kasi. May mga nagsabi ding mukhang sinadya niyang ibangga ang kanyang sasakyan. May mga nakakitang deretsahang tinumbok daw ng kanyang motor ang mismong poste. Tumilapon siya at hayun, halos magkalasog-lasog na ang katawan...”

“B-bakit naman niya ginawa iyon kung totoong sinadya niya nga?”

“Ewan ko ba sa taong iyan... May malaking problema kasing dinadala. Akala ko naman ay kaya niya kasi, nakayanan niya ito ng mahigit isang buwan simula noong madiskubre niya ito. Ngunit nitong nakaraang halos dalawang linggo lang, iba na ang ipinakita niya. Palagi na lang siyang malungkutin, tuliro, malalim ang iniisip. Nag-iba na siya, palaging wala sa sarili, mainitin ang ulo. Tapos palagi nang naglalasing at ang matindi, may mga babae at mga lalaki din siyang dinadala sa hotel, kung sinu-sino na lang. Nag-iinuman sila, party, at pagkatapos... ay m-magsi sex sila... orgy.”

Pakiramdam ko ay para kaming nasabugan ng bomba ni kuya. Kasi sa huling dalawang linggo, iyon na ang time kung saan hiniwalayan na ni kuya si Zach. Gumapang sa pagkatao ko ang matinding pagka-konsyensya. Nagkatinginan kami ni kuya. “A-alam mo ba kung ano ang problema ni Zach?” tanong uli ni kuya.

Natahimik si Ormhel. “A-ayoko munang sabihin tol... ipinagbilin kasi sa akin ni Sir Zach na hindi ko sasabihin kahit kanino.

Nagkatinginan uli kami ni kuya. Alam ko kasing may nauna nang sinabi si Ormhel na problema ni Zach bagamat hindi niya ito sinabi. Ngunit tumatak sa isip ko na ang hiwalayan nila ni kuya ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang bumigay at nagwala.

“Tsk! Tsk! Tsk!” ang ang reaksyon ni kuya, napailing-iling.

Ako man ay namangha sa hindi kapani-paniwalang nangyari kay Zach. Akala ko kasi, napakalakas niyang tao, napakatatag. Sa sobrang pagmamahal lang lang pala niya kay kuya siya bibigay...

Dahil nasa ICU pa si Zach at hindi pa namin puwedeng makausap, ibinilin na lang namin kay Ormhel na balitaan kami kapag may bagong development.

Sa pag-uwi namin, ramdam ko ang lungkot ni kuya. Marahil ay isiniksik niya sa isip na siya talaga ang dahiln at wala nang iba kung bakit napariwara si Zach. Parang nahirapan siyang tanggapin ang lahat.

“K-kuya... kung sakalaing maka-recover si Zach sa nangyari, matatanggap ko kung magkabalikan kayo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo kuya… Huwag mo nang pahirapan pa si Zach. Mahal na mahal ka niya at handa na akong magparaya...”

“Hindi ko naman siya mahal tol e... Lalo lang akong mahirapan kapag pumasok ako sa isang relasyon na pilit. Paano naman ang kalagayan ko? Paano ang kalagayan natin? Saan hahantong ang lahat kung ang isang tao ay tuluyang aasa sa isang pagkukunwaring pagmamahalan? Di ba unfair iyan para sa akin? Unfair din para sa iyo? At lalo nang unfair para kay Zach...” ang sagot ni kuya.

“Mahal mo si Zach kuya, naramdaman ko. Ngunit hindi mo lang ito maipalabas kasi... nandito ako. Kasi, iniisip mong hindi ko ito matatanggap. Kaya ko na kuya... Huwag mo akong alalahanin.”

“Ano ba yang sinasabi mo tol... lalo mo lang ginulo ang isip ko!” ang sambit ni kuya, ang boses ay tumaas, halatang nairita sa sinabi ko. At bigla na lang siyang tumalikod at umakyat sa kuwarto niya.

Tumalikod na lang din ako, pumasok sa aking kuwarto. At doon, ibinuhos ang lahat ng sakit na aking naramdaman. Nag-iiyak, naglupasay. “Tama lang na sila ang magkatuluyan. Kung ipagtagpi-tagpi ang lahat ng mga pangyayari, tumbok ng mga ito ang pagkakatuluyan nilang dalawa.” Bulong ko sa sarili.

Sinilip ko ang aking laptop kung ano ang ginawa ni kuya sa kuwarto niya. Ngunit patay ang ilaw at ang naaninag ko ay ang nakahigang hugis ng tao sa ibabaw ng kama, nakatihaya. Alam ko, gising si kuya, ang mga mata niya ay nakatutok lang sa madilim na kisame.

Sa pangatlong araw, nagtext sa akin si Ormhel. Nakalabas na raw ng ICU si Zach at bagamat hindi pa makakilos ay conscious na.

Dali-dali na naman kaming dumalaw. Nagkataong sabado iyon, walang pasok kaya dumeretso na kami sa ospital.

Noong pumasok kami sa ward niya, lumantad kaagad sa aming mata si Zach na nakahiga sa kama, nakatihaya at nakapikit ang mga mata; may bendahe sa ulo, sa ibang parte ng katawan, may tubes na nakakabit sa kanyang ilong, bibig, ang isang paa ay nakatali at bahagyang nakaangat at may mga monitoring devices na nakakabit sa katawan... larawan ng isang kalunos-lunos na kalagayan.

Nakita namin si Ormhel na nakaupo sa isang gilid. Naroon din ang ibang naka-off duty na mga staffs ng resort nila, bakas ng lungkot ang kanilang mga mukha.

Lumapit kami sa kama ni Zach. Hinila ni Ormehl ang dalawang silya upang makaupo kami.

Hinawakan ni kuya ang kamay ni Zach. Pinisil ito. “Zach... si Erwin ito, natandaan mo pa ba ako? Na-miss ka namin ni Enzo, Zach. Kumusta ka na?”

Unti-unting ibinuka ni Zach ang kanyang mga mata, nakatingin sa kisame, hindi magawang igalaw ang kanyang ulo.

“Zach... lakasan mo ang loob mo. Nandito lang ako... kami ni Enzo na mga kaibigan mo. Lagi kaming nand’yan lang sa tabi mo, Zach.”

Nanatiling nakabuka lang ang mga mata ni Zach. Walang bakas ng emosyon o expression sa kanyang mukha.

“P-pwede bang halikan kita?” ang naitanong ni kuya.

Para akong matatawa na naaawa sa narinig. Syempre, may sundot ding selos sa aking puso iyon.

At nakita ko na lang na pinisil ng kamay ni Zach ang kamay ni kuya na nakahawak din sa kamay niya, hudyat na pumayag siyang halikan ni kuya.

Tiningnan ako ni kuya na ang mga mata at tila nanghingi ng permiso na halikan niya si Zach. Tumango ako; wala akong tutol.

Tumayo si kuya ay yumuko sa kama ni Zach. At noong dumampi ang mga labi ni kuya sa pisngi niya, doon ko nakita ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Zach.

Mistulang piniga ang puso ko sa nasaksihan. Matinding awa ang naramdaman ko para kay Zach. Naawa din ako kay kuya, sa kalagayan niya. At nagdurugo ang aking puso...

Pagkatapos ni kuyang halikan si Zach, pinahid ni kuya gamit ang kanyang kamay ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Zach.

At doon, tuluyang hindi ko na nakayanan ang bigat ng aking naramdaman. Tumayo ako, tinapik ang balikat ni kuya at nagmuestra na aalis muna. Bagamat nagulat, nakita kong tumango si kuya.

Dali-dali kong tinumbok ang pintuan at lumabas, iniwasang makita niya ang pagpatak ng aking mga luha.

Tinungo ko ang CR ng ospital at sa loob ng cubicle ko ipinagpatuloy ang pag-iyak. Doon ibinuhos ko sa pag-iiyak ang lahat ng sama ng loob.

Marahil ay naka-kalahating oras na ako sa loob ng cubicle noong may narinig ako. “Enzo! Tol...!” Si kuya.

Agad kong pinahid ang mga luha at sipon ko, inayos ang sarili at kinundisyon ang utak na huwag magpahalata. “K-kuya? Nadito ako, lalabas na ako!” sagot ko naman.

“Ok antayin kita sa labas tol.”

“Sige po kuya. Matatapos na ako.”

“U-umiiyak ka ba?” Ang tanong kaagad ni kuya noong nasa labas na ako ng CR. Marahil ay napansin niyang namaga o namula ang aking mga mata.

“H-hindi ah!” ang pagtanggi ko. Iyon na lang kasi ang nakita kong paraan upang huwag mahirapan ang kalooban ni kuya; na kung si Zach man ang pipiliin niya, na magawa niya ito na hindi na siya mahihirapan pa dahil hindi niy ako makikitang nasaktan.

“Kumusta si Zach kuya?” tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa aming sasakyan.

“Ganoon pa rin naman siya. Pero naririnig niya ang mga sinasabi ko kasi nagawa niyang pisilin ang kamay ko na tila sinasagot niya ang aking mga sinasabi. Sabi nga ni Ormhel, noon lang daw nila nakitang tila masigla si Zach. Kasi, hindi daw nito dati ibinuka ang mga mata, palaging nakapikit, at hindi iginagalaw ang mga kamay kapag kinakausap.”

“Ganoon ba?” Ang naisagot ko. “Ikaw lang ang makakapagbigay sa kanya ng lakas ng loob kuya. Kaya dapat lagi kang nasa tabi niya.”

Natahimik si kuya. Ewan kung ano ang naglalaro sa kanyang isip.

Nakarating na kami ng sasakyan noong iminungkahi kong, “D-dito ka na lang kaya muna kuya? Ako na lang ang uuwi?”

“Hindi pwede, wala kang kasama”

“E... kung gusto mo ihatid mo na lang ako at bumalik ka na lang...”

Nag-isip si kuya. Maya-maya, “Bukas na lang uli natin siya bisitahin” ang maiksi niyang tugon sabay paandar sa sasakyan.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni kuya habang umaandar ang sasakyan patungo sa aming bahay. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa kanyang isip; kung bakit ganoon na lang katahimik si kuya. Sa parte ko naman, hindi ko magawang magsalita gawa nang sakit na naramdaman ng aking puso. Lingid sa kaalaman ni kuya, lihim akong umiiyak

Dumating kami sa bahay na halos hindi nag-iimikan. Hindi na kumain ng hapunan ni kuya at ako din, nawalan na rin ng gana. Kaya diretso na kami sa aming kanya-kanyang mga kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko, agad kong ibinagsak ang pagod kong katawan sa ibabaw ng aking kama. Pakiramdam ko, pagod na pagod ang aking puso at pati na rin ang aking isip at katawan. Nakatulog ako. May ala-una ng madaling araw noong magising ako at maisipang silipin ang laptop kung ano ang ginawa ni kuya sa kanyang kuwarto.

Noong maaninag ko ito, kinabahan ako noong tila walang laman ang kama ni kuya maliban sa kumot at mga unan. Lumabas ako ng kwarto at pinasok ang kuwarto ni kuya. Noong nabuksan ko na ang ilaw, wala nga si kuya!

Bumaba ako sa car park at tiningnan ang sasakyan. Doon ko narealize na umalis si kuya, at hindi nagpaalam sa akin!

Muli, naramdaman kong sumikip ang aking dibdib. Mistulang sinaksak ang aking puso at hindi ko na naman napigilan ang hindi mapaiyak. Malakas ang kutob kong sa ospital ang punta niya, kay Zach. Dahil dito, hindi na ako dinalaw pa ng antok, ano mang pilit ko na ipikit ang aking mga mata. Nagpabaling-baling na lang ako sa aking higaan, hindi mawala-wala sa isip ang eksenang magkasama sina kuya at Zach.

Alas 5 ng umaga, may text akong natanggap galing ka kuya. “Tol... morning. Sensya ka na, hindi na kita inistorbo kagabi. Tulog ka na noong pumasok ako sa iyong kwarto. Gusto ko sanang isama ka dito sa ospital kaso ayokong maistorbo kita sa tulog mo. Buksan mo ang drawer mo. May tsokolate at rosas ako para sa iyo. Mamaya sunduin kita d’yan... Love you. Mwah!”

Hindi ko sinagot ang text na iyon ni kuya. Tumayo ako at tinumbok ang aking drawer. Noong buksan ko ito, tumambad sa paningin ko ang isang bloke ng toblerone at pulang rosas na may nakadikit na card. Binuksan ko ang card, “Tol... tandaan mo palagi, mahal na mahal ka ni kuya...”

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Ewan, hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman. Parang may kulang, parang may nag-iba... Parang imbes na maglupasay ako sa tuwa ay ibayong sakit ang aking naramdaman...

Itiniklop ko ang kard at muling ipinasok iyon sa aking drawer na parang wala lang... Bumalik ako sa aking higaan at muli, nagmuni-muni.

Alas syete ng umaga, hindi pa rin ako bumalikwas sa aking higaan. Ni tawag ni mama sa almusal ay tinanggihan ko, sinabi ko na lang na hindi ako nagugutom. Pati sa kanila pala ay hindi nagpaalam si kuya. Kaya sa akin na rin nila nalaman kung saan siya naroon.

Alas 7:30 noong mag-ring ang aking cp. Si kuya. “Tol... papunta na ako d’yan. Sunduin kita. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa po. Wala akong gana.”

“Ok, sabay na tayong kumain ha? Tapos punta na tayo sa Ospital. Hinahanap ka ni Zach. Nakakapagsalita na siya.”

“T-talaga kuya? Mabuti naman po... Ok kuya, sabay tayong kumain.” ang sabi ko, itinago ang hindi ko maipaliwanag na sakit na naramdaman.

30 minutos lang at nakarating na si kuya. Kunyari ay bagong gising ako at masaya. Nakapaligo na rin.

“Hindi pa naman siya talagang OK tol, pero nakakapagsalita na kahit papaano, kahit pautal-utal at nahirapan. Ang narinig kong sabi daw ng duktor ay marami pang dapat na i-check sa katawan niya, lalo na ang sa utak. Kapag nagkataon daw, baka tuluyan na siyang ma paralyze. At ewan ko, parang may sinabing kumplikasyon or something...” Ang sabi ni kuya habang nasa hapag-kainan na kami.

“G-ganoon ba kuya? Sana ay gagaling na siya...” ang nasabi ko na lang.

Tahimik.

“A-anong oras ka umalis dito kagabi?” tanong ko.

“Mag-aalas dose na tol... Himbing na himbing ka na e kaya hindi na kita ginising.”

“Ok lang iyon kuya. Kailangan ka ni Zach eh. Alam ko, ikaw lang makakapagbigay sa kanya ng lakas at sigla...” ang sabi ko.

Marahil ay napansin pa rin ni kuya ang lungkot sa aking mga mata o talagang naramdaman lang niyang nasaktan ako kaya binulungan niya ako, “Pagkatapos nating kumain, punta tayo sa kwarto ko ha? Sabay tayong maligo. Na-miss ko ang bunso ko eh... nangigigil pa ako.” sabay kindat sa akin.

Alam ko, may malaswang balak si kuya. “Tapos na akong maligo kuya eh...” ang sagot ko.

“Ah basta, punta muna tayo sa kwarto ko.” Ang giit niya.

At nagpunta nga kami sa kwarto ni kuya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang naming ay agad niyang ini-lock ang pinto at nagmadaling naghubad na parang may humahabol. Una, tinanggal niya ang t-shirt at pagkatapos, ang jeans, sabay na ang brief. Walang kyeme.

Ewan, kahit ilang beses ko nang nakita at natikman ang katawang iyon ni kuya, hindi ko pa rin magawang pagsawaang pagmasdan iyon. Ang flawless niyang balat, ang ganda ng hubog ng kanyang dibdib, abs, oblique muscles, at lalo na ang mahabang nakalambitin sa gitna ng kanyang paa. Hindi ko maiwasng hindi mamangha, humanga, maalipin ng pagnanasa.

“Na-miss kita tol...” sambit niya sabay hila niya sa akin, at pinasandal ako sa pintuan.

“K-kuya...” ang nasambit ko sa pagkagulat. “M-maligo ka muna ah!” dugtong ko.

“O sige, kiss na lang muna” sabay dampi naman ng mga labi niya sa mga labi ko. Matagal ding naglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko pa ang pagtigas ng pagkalalaki niya sa aking harapan.

Hanggang sa ako na ang tumulak sa kanya atsaka pa siya bumitaw at dumeretso sa shower habang naupo naman ako sa kama. “Lika tol, sabay tayong maligo”

“Ayoko kuya. Tapos na ako eh...” ang sagot ko bagamat may malakas ding udyok sa loob-loob ko na sundan siya sa loob ng shower.

Habang narinign ko ang pagpatak ng tubig mula sa shower, naalimpungatan ko na lang ang sariling hinubad ang t-shirt, ang pantalon, at ang brief at sinundan si kuya sa shower.

Tuwang-tuwa si kuya noong makita akong sinundan siya. Mistula siyang nag-freeze sa ilalin ng patak ng tubig sa shower habang nakaharap sa akin. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at noong pareho na kaming nasa ilalim ng patak ng tubig, bigal niyang hinawakan ang aking ulo at siniil ng halik ang aking labi. “Tol... miss na miss na kita, uhhhhhmmmm!” sambit ni kuya.

Ramdam ko kaagad ang biglang paglaki ng ari ni kuya na bumubundol-bundol sa aking puson. Sinuklian ko ang kanyang halik ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hanggang sa kapwa naalipin na kami ng kamunduhan at matinding pananabik sa isa’t-isa. At tuluyan nang natakpan ng mga ungol namin ang ingay ng pagpatak ng tubig sa shower...

Mag-aalas onse na ng tanghali noong makarating kami sa ospital. Sa pagbisita naming iyon naabutan namin ang daddy ni Zach. Pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa pagkakita ko sa mukha ng daddy niya. Naalala ko kasi ang huling insedente sa ospital din na iyon kung saan naka unipormeng militar siya at may dala pang baril. Bagamat naka civilian clotehes na siya sa pagkakataong iyon, hindi ko pa rin maiwasang hindi manginig sa takot. Napaihi kaya ako noong tinakot niya kaming barilin ni kuya.

Tinitigan kami ng daddy ni Zach, mistulang nagtatanong ang kanyang titig. “O, may mga bisita ka Zach.” Sambit niya.

Lumingon sa amin si Zach. At noong makita niya kami ni kuya, nakangiti ito.

Marahil ay napansin ng daddy niya na natuwa si Zach na nakita kami, nagpaalam kaagad ito. “Aalis muna ako, son...” sabay tampal sa mukha ni Zach. “Pagaling ka ha?” at tumalikod na, tinumbok ang pintuan ng kuwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang buong akala ko ay dadaan na naman kami ni kuya sa matinding torture.

Agad kaming kumuha ng upuan at hinila iyon sa gilid ng kama ni Zach. Muli, hinawakan ni kuya ang kamay niya. Mistula talaga silang magsing-irog na matagal nang nagsama, alam na alam na ang bawat isa. “Musta ka na tol... Heto pala, dinala ko si Enzo.” Sambit ni kuya.

“O-oo nga...” sagot niya, halatang nahihirapan sa pagsasalita. At baling ng tingin sa akin, “Salamat tol sa pagbisita...”

Isang ngiti lang ang itinugon ko.

Ibinaling niya ang tingin niya kay kuya. “T-tol... pwede bang mag-usap kami ni Enzo? Kaming dalawa lang...” pakiusap ni Zach.

“Ok... Sure.” ang tugon naman ni kuya sabay tayo at tumbok sa pintuan ng kuwarto.

Noong wala na si kuya, pilit na inabot ni Zach ang aking kamay at hinawakan ito. “P-pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo tol... sa sobrang pagmamahal ko siguro sa kuya mo.”

“Ok lang iyon, Zach. Kasi ako naman din ang pasimuno ng lahat eh... At pasensya na rin sa pang-aaway ko sa iyo. Alam ko, masama ang ginawa kong mga pagsisinungaling...” Sagot ko.

“Wala na sa akin iyon, Enzo. Nakalimutan ko na iyon. Ngayon ko narealize na dapat pala ay hindi tayo nag-aaway kasi, ang hirap kung palaging may poot sa puso, palaging mabigat ang dinadala...”

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Salamat Zach. Alam mo, matagal nang hindi ako galit sa iyo...”

Tiningnan niya ako sa mata. “M-mahal mo ba ang kuya mo?”

Tila may humataw naman na matigas na bagay sa ulo ko sa narinig na tanong. Pakiwari ko ay may isang sibat na tumuhog sa aking puso. May kung anong bagay na bumara sa aking lalamunan. At narmdaman ko na lang ang mga namumuong luha sa gilid ng aking mga mata. Pilit kong nilabanang huwag umiyak; na huwag ipakita sa kanyang apektado apektado ako. “E...” ang nasambit ko, hindi malaman kung magsinungaling o aaminin ang totoo.

Ngunit sumingit na si Zach. “A-alam ko naman na ikaw ang mahal ng kuya mo e.”

Na sinagot ko naman ng, “Hindi Zach... Mahal ka ni kuya. Alam ko, mahal ka niya!”

“Paano mo nasabi...?”

“N-noong maghiwalay kayo, umiyak siya. Para siyang tuliro sa ilang araw na lumipas simula noon. At ngayong may nangyari sa iyo, hindi siya mapakali... Ikaw ang mahal niya, Zach. Ang pagmamahal niya sa akin ay bilang isang kapatid lang” sagot ko. “At hindi kami bagay Zach. Ito ay malaking bawal.”

Tahimik.

“At napag-isip-isip kong ayoko na at ang gusto ko para sa kuya ko ay ikaw. At sinabi ko na rin ito sa kanya...”

“M-mahal mo ba ang kuya Erwin mo?” giit niya.

At sa pangalawang tanong niya na iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha. Hindi ako nakasagot gawa ng pagsikip ng aking dibdib.

Pilit na inabot ng kamay ni Zach ang aking katawan at hinila ito upang mapalapit sa kanya. Sumampa ako sa kama niya at inilingkis ang isa kong kamay sa katawn niya habang ang isa ay pahid-pahid ang mga luha sa aking pisngi.

“Panindigan mo ang pagmamahal mo sa kanya tol... You deserve each other.” Ang tugon ni Zach.

Kumalas ako sa pagkayakap ko sa kanya. “Hindi Zach, para kayo sa isa’t-isa. Mali ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ito tama. Alam ko, naguguluhan lang si kuya...”

“Basta tol... tanggap ko na ang lahat sa amin ng kuya mo. Tandaan mo palagi iyan. Ok na ako...”

“Puwes, hindi ako OK, Zach. At kaya ko ring tanggapin na hindi kami bagay ni kuya. M-mahal ka ni kuya. Maniwala ka...”

Binitiwan ni Zach ang isang pilit na ngiti sabay bukas ng isa niyang kamay, pahiwatig na gusto niya akong yakapin.

Niyakap ko uli siya.

Ewan, ngunit sa pagyakapan naming iyon ay may iba akong naramdaman, pagkahabag, pang-unawa... Parang may kung ano akong naramdaman familiarity, parang matagal ko na siyang kilala...

“P-puwede bang ‘kuya’ na uli ang tawag ko sa iyo?”

Napangiti uli si Zach. “Kuya mo naman talaga ako e... dati pa.” sagot niya.

Sa pag-uusap namin ni Zack, kahit papaano, naibsan ang aking lungkot at bigat ng dinadala. At sa pag-uusap din naming iyon nabuo ang isang desisyon: iiwasan ko na si kuya. Mabigat na desisyong iyon. Ngunit ipinangako kong pipilitin kong magawa ito.

Alas 4 ng hapon noong makauwi na kami ng bahay ni kuya. Pagkapasok namin sa sala, nadatnan namin si mama at papa na may kausap na mag-asawang Pinay at Amerikano. Halos kasing-edad lang ni mama ang babae at ang lalaki ay nasa mahigit 60 na yata at seryosong-seryoso silang nag-usap.

“Hi Ma! Pa!” ang pagbati namin ni kuya sa kanila at dumeretso na kami sa hagdanan patungo sa pangalawang palapag kung saan nandoon ang mga kuwarto namin.

Bigla silang natigilan at napansin kong ang babae ay sinundan ako ng tingin hanggang sa pag-akyat ko sa hagdanan, at nakita ko pang itinuro niya ako kay mama na parang may sinabing, “Siya ba iyon? Siya ba iyon?”

Napansin kong bigla na lang akong hinawakan sa kamay ni kuya at hinila paakyat sa aming kwarto, na para bang nagmadali at pilit akong inilayo sa kanila.

Tinanong ko kaagad si kuya. “Sino iyon kuya? Bakit para niya akong kilala? Ngayon ko lang naman nakita iyong babaeng iyon ah...”

“Huwag mong pansinin iyon! Bisita lang iyon nina mama at papa.”

“Kilala mo ba ang babaeng iyon kuya?”

“Hindi! Dali naaa sa kuwarto! Bilisss!”

Kahit hawak-hawak ako sa kamay ni kuya, pinilit ko pa ring silipin ang mag-asawa. Ngunit mistulang hinarangan na siya ni mama na mistulang ibinaling ang atensyonn nila sa ibang bagay. “Kuya! Alam kong kilala ako ng babaeng iyon! At pakiramdam ko ay kilala mo rin siya. Sino iyon???” giit ko.

“Gusto mong malaman? Halika sa kuwarto ko... Dali na!”

(Itutuloy)


[25]
Wala na akong choice kundi ang sumunod kay kuya sa kuwarto. Bagamat may pangako akong ilayo na ang sarili sa kanya, kinalimutan ko muna ito gawa nang kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang babae at mag-asawang iyon.

Inilock kaagad ni kuya ang pinto pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto. Nagulat naman ako noong bigla niya akong kinarga sa kanyang mga bisig at iniikot-ikot. “K-kuyaaaaa! Ano baaa! Ibaba mo ako!!!” ang sigaw ko habang tuwang-tuwa naman siyang painaglalaruan akong parang isang bata. Marahil ay iyon ang paraan niya upang ma-distract ako sa aking itinatanong.

Matagal-tagal din niya akong pinaikot-ikot at naramdaman ko ang pagkahilo.

Maya-maya, ibinagsak niya ang katawan ko sa ibabaw ng kama. “Arrggghh! Sigaw ko.

Pinilit kong tumayo upang makaganti ngunit noong nakatayo na ako at susugurin ko na sana siya, umikot naman ang paligid ko. Bagsak uli ako sa kama.

Agad siyang sumampa sa tabi ko. Niyakap niya ako, hinalik-halikan ang aking pisngi. “Mawawala din iyan.” Sabay lapat ng mga labi niya sa parte ng dibdib ko kung saan naghilom na ang sugat gawa ng pagkagat niya. Hinawi niya ang aking t-shirt at dinilaan ang parteng iyon ng aking dibdib at pagkatapos ay, “Kagatin ko uli tol... naghilom na pala an gsugat eh...”

“Ayoko kuya ansakit kaya... Sino ba iyong mag-asawa na niyon?” Ang paggiit ko uli sa tanong.

Bigla din siyang tumayo. “O sige, magsasayaw na lang ako.” At tinumbok niya ang stereo at pinatugtog ang isang mellow na music.

Nagsasayaw siya, kagaya noong palagi kong nakikitang ginagawa niya kapag sinisilipan ko siya. Tinanggal niya ang kanyang t-shirt at pagkatapos habang kumikembot, hinahaplos-haplos ang dibdib pababa sa umbok ng kanyang pagkalalaki habang ang isang daliri ay sinisipsip-sipsip, ang mga mata at nanaunuksong nakatingin sa akin.

Tawa ako nang tawa sa kanyang ginawa.

Maya-maya, tinanggal na niya ang kanyang t-shirt at inihagis ito sa sahig. Ibinaba din niya ang zipper ng kanyang pantalon, at hinayaang malantad ang kanyang puting brief na may malaking bukol. “Nakakalibog talaga si kuya!” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang hunk niyang katawan, dagdag pa sa pagti-tease niyang hayun, naka-usli ng bahagya ang kanyang bukol sa ilalim ng brief.

Tawa pa rin ako ng tawa. Sobrang aliw ako sa ginawa niyang iyon na tuluyan ko nang nalimutan ang tanong ko.

Maya-maya, tuluyan na ring hinubad ni kuya ang kanyang pantalon. At noong brief na lang ang natirang saplot sa kanyang katawan, hinila niya ako at isinabay sa kanyang pagsasayaw. Sumang-ayon ako. Niyakap niya ako, at ang kanyang ulo ay idinikit sa aking ulo, ang kanyang at bibig ilong ay sadyang ikiniskis sa aking noo, ilong, mukha... Sobrang sweet ni kuya sa pagkakataong iyon. Sabagay, ganyan naman talaga siya, lalo na kung may mga bagay na ayaw niyang magalit ako, o may pabor siyang hihilingin sa akin.

Halos maglapat na ang aming mga labi noong muling sumingit sa isip ko ang pangakong ilayo na ang sarili ko sa kanya. At muli ko na namang nalala ang babae...

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin t anupo sa gilid ng kama. “Sino iyon kuya?” tukoy ko sa babae.

“Wala nga iyon, ang kulit naman eh. Kiss na lang si kuya, dali...” ang tangka niya muling pagdivert sa topic.

Ngunit seryoso ako sa aking tanong. “Ayoko! Sino nga iyon kuya... Sabihin mo.”

Napahinto kami sa pagsayaw at naging seryoso din ang kanyang mukha. “Gusto mo talagang malaman kung sino iyon?”

“Oo nga eh... sino iyon?”

“Nakita mo ba ang expression ng mukha niya?”

“Opo...”

“Ano excited ba o galit?”

“Hindi ko alam! Parang galit eh... parang excited din.”

“Tama ka... galit iyon at excited din. Pero hindi ikaw ang pakay noon kundi ako!”

“Hah!” ang gulat kong sagot. “Bakit sa akin siya nakatingin?”

“Hindi sa iyo nakatingin iyon, tado. Sa akin! At kaya nagmamadaling makapasok na tayo sa kuwarto ay dahil ako ang hinahanap ng mga iyon.”

“G-ganoon ba?” Ang nasambit ko bagamat nalilito pa talaga ako. “B-bakit ka naman nila hahanapin?”

“Girlfriend ko ang anak nila at patay na patay sa akin. Natandaan may ilang buwan ang nakaraan na naka-ilang beses din akong nagpalit ng sim? Dahil kinukulit ako noong babaeng iyon. At tinakot ako na kapag hindi ko siya pansinin, isusumbong daw niya ako sa mga magulang niya dahil... buntis daw siya, at ipakulong niya ako! At kaya ayokong sabihin ito sa iyo dahil ayaw kong magwala ka na naman.”

Natulala ngunit ewan, may pag-aalangan talaga sa aking isip kung paniwalaan ko ba ang kanyang sinabi o hindi. Sinimangutan ko na lang siya.

“O... bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba naniniwala?”

“P-parang ako naman talaga ang tinitingnan noong babae eh!” ang pag protesta ko pa.

“Sino ba ang habulin sa ating dalawa? Ikaw ba o ako?” ang pilosopo naman niyang tanong.

Na lalo ko namang ikinaiinis. Syempre, siya. Matangkad, guwapo, charming, yummy, magaling maglaro ng basketball, hunk, maraming humahanga, crush ng sambayanan, kilabot ng mga estudyante at guro, epal, palakaibigan, jolly, masarap kasama, masarap kausap, kaka-in love ang ngiti, at sa tingin pa lang niya sa iyo ay parang masisiraan ka na ng bait... “Yabang mo naman!” ang pagmamaktol ko.

“Bakit? Totoo naman ah!”

“Totoo nga. Pero bakit ikaw, habol ka ng habol sa akin!” ang padabog kong sagot sabay tumbok sa pintuan ng kwarto niya at palagapak kong isinara na sa lakas ay halos matanggal ito.

Pakiwariko ay biglang natameme si kuya at nabusalan ang bibig, hindi na nakapagsalita.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa nakalabas ako ng kuwarto ni kuya.

Sinubukan kong silipin ang sala kung nandoon pa ba ang mag-asawa. Ngunit nakaalis na sila. Dumeretso ako sa aking kuwarto, ini-lock ang pinto ito at doon nagmukmok.

Sumunod si kuya sa akin. Kinatok niya nang kinatok ang aking kuwarto ngunit hindi ko na siya binuksan. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at pinukpok ang nakapagitang dingding sa kuwarto namin, sa may maliit na silipang butas na ginawa ko, isinigaw ang pangalan ko, nag-sorry, at nagmamakaawang papasukin ko siya sa kuwarto ko.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Tinext ako, tinawagan. Wala, dedma lang ako. Hanggang sa napagod na rin siya, natulog.

Kinabukasan, tinanong ko kaagad ang mama ko kung sino ang mag-asawang bumisita sa amin sa nakaraang araw.

“W-wala iyon. Kaibigan ko iyong babae, nakapag-asawa na ng isang mayamang Amerikanong negosyante at hindi ko akalaing ganoon na siya kayaman ngayon! Nagbakasyon lang sila dito...”

“Ah... g-ganoon po ba? B-bakit po niya ako tinuturo kahapon? At para pong kilala niya ako?”

“Ah...” ang lumabas na kataga sa bibig ni mama, mistulang nag-iisip kung ano ang isusunod na sagot. “E... ano... N-nagulat lang iyon noong makitang malalaki na kayo ng kuya mo! Maliliit pa kasi kayo noong makita niya, hindi makapaniwalang ganyan na kayo kalaki at kaga-guwapo! Oo, nagulat lang iyon noong makita kayong dalawa na malalaki na kayo...”

“G-ganoon ba ma?” ang sagot ko na lang. “Para kasing kilala niya ako e...” dugtong ko pa.

“Oo naman. Kilala niya kayo dahil kaibigan ko iyon at nakita niya na kayo noong bata pa kayo ng kuya mo.”

Napanatag naman ang aking isip sa paliwanag ni mama bagamat may kaunting agam-agam pa rin ako.

Sa sumunod na mga araw ay pinilit ko na talaga ang sariling panindigan ang pagdistansya kay kuya. Palagi din kasing sumingit sa isip ko si Zach. Naawa ako sa kalagayan niya sa ospital, naaawa din ako kay kuya. At ang pagkakaalam ko pa sa kalagayan ni Zach ay walang improvement ito dahil sa may sinasabing mga complications na hindi ko na rin inalam kung ano.

Kaya hindi na ako sumasabay pa kay kuya sa kahit saang lakad. Kahit sa school, hindi na rin ako sumasabay. Kapag kainan, nagpapahuli ako. Hindi na rin ako pumapasok sa kwarto niya at hindi ko na rin siya binubuksan kapag kumakatok sa kwarto ko.

Ewan kung ano ang naramdaman niya sa bigla kong pagbabago. Masakit din iyon para sa akin ngunit kailangan kong gawin upang mabigyang laya sila ni Zach. Sila naman talaga ang bagay at nararapat. Hindi sila magkapatid, bagay na bagay sila sa isa’t-isa dahil pareho silang mapuputi, matatangkad, hunk, mahal na mahal siya ni Zach, mayaman pa...

Syempre, takang-taka si kuya sa inasal ko. Natuliro din siguro. Ilang beses nang sadyang uuwi akong mag-isa galing sa eskuwelahan na pinapasuklan namin at iiwanan ko na lang siya basta. Kapag nahuli naman ako, kahit alam kong hinihinty niya ako sa student center, dederetso na ako niyan sa bahay ng walang pasabi.

At kapag tinanong niya ako kung bakit hindi ako sumasabay sa kanya, nag-aalibi na lang ako na maagang natapos ang klase ko, o kaya ay gusto kong umuwi ng maaga gawa ng sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit ng lalamunan, sakit ng binti... basta kahit anong sakit o alibi na lang ang ginagawa ko. Alam ko, naiinis siya sa akin. Pero, iyan naman din ang gusto ko, ang mainis siya, ang i-give up niya ako at layuan... Lalo kasing masakit na heto, gusto mong lumayo ngunit nand’yan siya, ayaw pa ring bumitiw. Parang hindi ko kayang labanan ang sarili. Para akong tino-torture, tinatadtad ang puso, kinokonsyensya.

At least kung galit na siya sa akin, at lalo na kapag sabihin niyang nagsasawa na siya, o kaya ay hindi na niya kaya ang ugali ko, give up na rin siya sa aming relasyon, hindi na siguro masyadong masakit ang tumiwalag sa aming relasyon...

“Mag-usap nga tayo?!” Ang sambit ni kuya noong marahil ay hindi na niya nakayanan ang aking ipinakitang pagbabago. Matigas ang boses niya, halatang galit. Nasa sala ako noon nanood ng tv samantalang siya ay kararating lang galing sa eskuwelahan.

Ngunit imbes na sagutin siya, agad akong nagmadaling umakyat papuntang second floor kung saan naroon ang kuwarto ko.

Ngunit nahawakan niya ako sa braso. “Saan ka pupunta?” tanong niya.

“S-sa kuwarto ko.”

“O sige, tara sa kuwarto mo! Mag-usap tayo doon. Hindi pupuwedeng ganito na lang palagi...”

Dahil naisip kong kapag nasa kuwarto kami ay baka bibigay na naman ako o kaya ay tutuksuhin niya at may mangyari na naman sa amin, ang isinagot ko sa kanya ay, “D-dito na lang.” sabay balik sa pag-upo sofang inuupuan ko.

Ngunit hinablot niya ang aking buhok at hinila upang makatayo ako. Noong makatayo na, hinatak naman niya ang aking kamay habang tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ewan. Marahil ay napagod din ang isip ko sa pakikipagtuos sa naramdaman ng aking puso. Kaya nagpaubaya ako.

Nasa second floor na kami noong hila-hila pa rin ang aking kamay. Lalo akong kinabahan noong lumampas kami sa pintuan ng kuwarto ko at doon niya kao dinala sa harapan ng pintuan ng kanyang kuwarto. “Buksan mo!” utos niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin, agad niya itong ni-lock at saka bigla akong niyakap at hinalikan sa bibig.

Nngunit nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng malakas at napatihaya siya sa sahig.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Nanatili siyang nakaupo, ang dalawang kamay ay itinukod sa sahig. “Ganyan ka na...” ang sambit niya.

Tatalikod na sana ako upang buksan ang naka-lock na pinto at aalis na. Ngunit mabilis siyang nakatayo at hinablot muli ang buhok ko, hinila ako patungo sa kama at itinulak sa ibabaw noon. Napatihaya ako.

“Palabasin mo ako!” Sigaw ko. “Pag hindi mo ako pinalabas, sisigaw ako!” dugtong ko.

Ngunit bigla niya akong dinaganan. “Ano ba ang problema mo? Ha? Bakit ba nagkaganyan ka? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na ba? May nagawa ba akong masama?” ang sunod-sunod niyang tanong, halata sa kanyang mga mata ang galit.

“Ayaw ko na kuya! Ayoko na!” Bulyaw ko naman.

Ramdam ko ang lalong pagtindi ng kanyang galit. “Ayaw mo na?! Ganyan lang kadali ang lahat?! Akala mo ba ay naglalaro lang tayo? Ha???!” Pwes, hindi ako papayag!! Hindi ako papayaaaagggg!” sabay ng puwersahan pagdiin ng kanyang bibig sa mga labi ko.

“Uhhhmmppp!!!” ang nasambit ko, hindi na nagawang sumagot pa sa kanyang sinabi gawa ng kanyang pamumuwersang paghalik.

Nagpupumiglas ako. Subalit pati ang mga kamay ko ay dinaganan din ng kanyang mga kamay at paa. Napakalakas niya. Hindi ako makakilos.

Noong tinanggal na niya ang kanyang bibig, nagsalita siya, dinig ko pa ang habol-habol niyang paghinga, “Akala mo ganyan lang kadali para sa akin ang lahat? Hindi ako papayag tol. Ayoko! Ayokooo!”

Napatitig na lang ako sa kanyang mukha na mistulang nagmamakaawa. Mistula akong nabusalan. At halos hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha sa naghalong hindi ko maipaliwanag na sumusundot-sundot na kung anong emosyon sa aking kalooban. May awa akong naramdaman para kay kuya. May awa rin akong naramdman para sa sarili. May saya akong naramdamang paulit-ulit niyang ipinadama sa akin ang kanyang pagmamahal. Ngunit may sakit din itong dulot dala ng katotohanang hindi kami nababagay para sa isa’t-isa.

Tila may naghilahan sa aking isip. May parteng nagsasabing pakawalan ko na siya, layuan, limutin bagamat may isang parte din ng aking utak na nagsabing kaawaan ko siya at panindigan ang aming pagmamahalan. Ewan, hindi ko na alam ang gagawin. Parang habang pinipilit ko ang sariling i give-up ko na siya, lalo namang tumindi ang pagmamahal ko kay kuya.

“Mahal kita tol... palagi mong tandaan iyan. Walang sino mang makakahdlang sa nararamdaman ko para sa iyo. Ipaglaban kita kahit ano man ang mangyari.... Kahit saang panig ka man ng mundo mapunta, hahanapin at hahanapin pa rin kita. Kung kailangang suyurin ko ang malawat na dagat o lakarin ang mainit na disyerto, hahanapin pa rin kita. Haharapin ko ang ang lahat ng balakid, titiisin ang lahat ng sakit at hirap, hindi ako titigil sa paghahanap sa iyo. Walang silbe ang buhay kapag wala ka. Alam ko, ikaw ay ibinigay sa akin ng tadhana. At ako ay nabubuhay para lamang sa iyo...” at inilapat niyang muli ang kanyang bibig sa aking bibig.

Dama ko ang init ng kanyang pagnanasa. At wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Hanggang sa iginapang niya ang kangyang mga labi sa aking buong katawan at ang tanging ingay na naririnig sa buong kuwarto ay ang aming mga ungol. At tuluyan nang nalupig ang aking pag-aagam-agam at ang aking isip ay naalipin sa init ng kanyang pagmamahal...

Noong maipalabas na naming pareho ang bugso ng aming damdamin, halos tulala pa rin ako. Bumabalik muli ang aking takot, ang aking pagaagam-agam.

“Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano tol... Tandaan mo palagi na nand’yan lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwanan. Ipaglalaban kita tol. Kaya kung ano mang problema ang bumabagabag d’yan sa isip mo, pilitin mong kalimutan iyan. Ipangako natin sa isa’t-isa na kapag may problemang haharang sa ating pagmamahalan, sabay nating haharapin ang mga iyan, sabay nating labanan, ano mang dagok o pagsubok. Mahirap kapag ako lang ang nakikipaglaban tol. Mahirap kapag nag-iisa lang akong humarap sa mga balakid na susuungin natin. Ipaglaban mo rin ako. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako, na nand’yan ka rin para sa akin; sa pagmamahalan natin. Huwag mong ipadama sa akin na nawalan ka na ng lakas, na nawalan ka na ng pag-asa. Nasasaktan ako... At lalo nang huwag mo akong ipamigay sa iba. Hindi isang bagay ang pag-ibig na puwede mong sabihing sa iba na lang ako, o na nababagay ako sa iba. Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso...” Paliwanag ni kuya habang iginuri-guri niya ang kanyang daliri sa aking baba, ang kanyang hubad na katawang nakatagilid paharap sa akin ay nakadikit sa aking tagilirian at ang isang paa ay nakapatong sa aking hubad ding katawan.

At sa narinig kong iyon, pakiramdam ko ay natunaw ang lahat ng mga pag-aagam-agam ko. Pakiwari ko ay naging malakas uli ang loob ko, may kapangyarihan kung saan ay kaya kong talunin o buwagin ang lahat ng mga balakid. Napalitan ng saya ang dati lungkot na bumalot sa aking isip. Parang muli akong nabuhay, sumigla, at napuno ng pag-asa.

“Mahal na mahal din kita kuya...” ang nasambit ko na lang, ang mga luha ay muling dumaloy sa aking mga mata.

Binitiwan ni kuya ang isang nakakabighaning ngiti, pinahid ng kanyang palad ang mga luha sa aking pisngi atsaka hinalikan ang aking huhok. Maipangako mo ba sa akin na alisin mo na ang lahat ng mga pag-aagam-agam d’yan sa iyong isip?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na mamahalin mo ako habambuhay at ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako lang?”

“Pangako po kuya...”

Tumayo si kuya at hinila ang aking kamay upang alalayang makatayo din ako. Parehong hubo’t-hubad, wala kaming pakialam sa aming paligid.

Tinumbok namin ang kanyang locker at binuksan ang drawer. Hinugot dito ang isang box na noong binuksan, tumambad sa aking mga mata ang dalawang singsing na silver. Kinuha niya ang isa at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Lumuhod siya sa aking harapan sabay sabing, “Will you marry me?”

Ngunit hindi ko siya magawang sagutin sa sobrang pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang gagawin niya at parang gusto kong tumawa. Ano ba ang isasagot ko gayong hindi naman kami puwedng magpakasal? Kaya bagamat kinikilig, hindi ko napigilan ang sasriling hindi matawa.

“Tangina! Huwag ka ngang tumawa d’yan! Seryoso ako!” bulyaw niya.

“Paano ba tayo magpakasal? Hindi naman puwede iyan dito?” sagot ko naman.

“Hindi puwede sa kanila. Pero dito sa loob ng kuwarto ko, pwede. Ako ang batas dito at ang sabi ng batas ko, puwede akong magpakasal kahit kanino basta mahal ko!”

Bigla naman akong natahimik. Syempre, naramdaman kong seryoso talaga siya.

“O, anong sagot? Daliii!”

E, di “Yes...” ang may pag-aalangan kong sabi.

“Yeheeeyyyy!!!” sigaw niya. At kaagad kinarga niya ako sa kanyang mga bisig at hinahalik-halikan. Kitang-kita ko ang matinding saya sa kanyang mga mata.

Noong ibinaba na niya ako, hinugot naman niya sa ilalim ng box na pinaglagyan ng dalawang singsing ang isang papel at idinikit niya ito sa gitna mismo ng malaking salamin.

“A-anong gagawin mo d’yan kuya?” ang tanong ko.

“Basta sundin mo lang ang lahat na sasabihin ko.”

Tumahimik na lang ako.

Kinuha niya ang isang kandila, sinindihan, at itinirik sa ibabaw ng mesa sa harap din namin.

Pagkatapos niyang gawin ang mga ito, hinawakan niya ang kamay ko. “Harap tayo sa salamin tol.” Utos niya.

Magkatabi kaming humarap sa salamin kung saan nandoon nakadikit ang papel. Halos bibigay na naman ako sa pagtatawa noong makita ko sa salamin ang postura naming dalawa na parehong hubo’t-hubad, nakalaylay pa ang aming mga pagkalalaki, ang kanya ay bagamat hindi tumigas ay malaki at mahaba pa rin.

Itinakip ko ang aking kamay sa akign bibig noong hindi ko mapigilang matawa.

Na ikinagalit naman niya. “Huwag ka ngang tumawa d’yan!” bulyaw niya uli.

Tinanggal ko na lang ang aking kamay sa pagkatakip sa aking bibig at pinilit ang sariling huwag tumawa.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukute ng kuya ko.

Nasa bingit na nanam sana ako sa pagpigil sa pagtawa noong Kinuha niya ang remote ng stereo at pinatugtog ito –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Mistula akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sobrang touched talaga ako sa mga ginagawa ni kuya at ang mga kataga ng kanta ay parang mga sibat na isa-isng tumama sa aking puso.

Itinutok ko ang pansin sa nakasulat sa papel na idinikit ni kuya sa salamin. At lalo pa akong namangha sa pagkabasa ko nito. Parang gusto kong umiyak na naman.

Hinawakan ni kuya ang aking kanang kamay at itinutok sa aking hinlalaki ang singsing. Bagamat sa pang-apat na daliri dapat isinukbit ito, sinadya ni kuyang sa mga hinlalaki namin ito isusuot.

Habang isinusukbit ni kuya ang singsing sa aking hinlalaki, binasa naman niya ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ERWIN, take you, ENZO, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ERWIN take you, ENZO, for my lawful partner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

Habang lumabas sa bibig ni kuya ang mga katagang iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak muli ng aking luha. Hindi ko lubusang maisalarawan ang matinding kasayahang naramdaman.

Pagkatapos, kinuha naman niya ang isang singsing at ibinigay iyon sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko atsaka inabot ko rin ang kanang kamay ni kuya at habang isinukbit ang singsing sa kanyang hinlalaki, binasa ko din ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ENZO take you, ERWIN, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ENZO, take you, ERWIN, for my lawful prtner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

At noong maisukbit ko na ang singsing sa kanyang daliri, nagsalita si kuya habang nakaharap sa salamin, sa aming dalawa. “I now pronounce you, husband and man...” At siniil na niya ng halik ang mga labi ko.

“I love you tol...” ang sabi niya hawak-hawak ang aking pisngi.

“I love you too kuya...” ang nasambit ko sa gitna ng pagpatak ng aking mga luha. “Pinaiyak mo na naman ako e...”

“Masaya ka ba?” tanong niya habang pinapahid ng kanyang kamay ang luha sa aking pisngi.

“Opo...”

Niyakap niya ako. Nagyakapn kami. Mahigpit na parang wala nang bukas pa sa main gbuhay.

Pagkatapos, tinanggal niya ang papel sa salamin. Kumuha ng ballpen, pinirmahan ang pinakadulo ng papel, at nilagyan ng petsa. Ganoon din ang ginawa ko.

Kinarga niya ako sa kanyang mga bisig. “Mag-asawa na tayo tol... aking-akin ka na!” sambit niya habang inilatag ako sa kama at pinahiga. “Mamaya tol, magpaalam tayo na pupuntang Isla Verde. Isang gabi at isang araw tayo doon, honemoon. Wala namang pasok bukas at sa isang araw e.”

“T-talaga kuya?” Ang sagot ko, excited na excited at walang mapagsidlan ang kaligayahan.

Hindi pa kasi ako nakapunta sa islang iyon. Iyon ang isa sa apat na maliliit na magkatabing isla na malapit sa lugar namin at may 3 oras ang biyahe sa pumpboat. Hindi masyadong dinadayo ang islang iyon ng mga tao dahil bagamat maganda ang beach, walang itinayo na hotel o resort, wala pang maiinum na tubig, walang nagbebenta ng pagkain. Sanctuary kasi ang isla na iyon; inaalagaan at pinoprotektahan ng lokal na pamahalaan laban sa mga poachers, magnanakaw ng corals at lamang dagat, mga negosyanteng nais angkinin ang isla para sa pansariling interes. At bagamat pinapayagan naman ang mga bumibisita, bawal ang magkalat, bawal ang mag-iwan ng basura, at bagamat puwedeng mamingwit, bawal ang net at pana sa panghuli ng isda at mga lamang-dagat. Bawal din ang mangharvest ng mga giant clams na sadyang pinoprotektahan na siyang pinakamagandang atraksyon sa isla. Maraming bawal kumbaga. Kaya ang nagpupunta lang doon ay mga nature-trippers, mga taong ang nais ay adventure, nagdadala ng mga sariling tents, baon na pagkain at tubig, etc.

Alam ko ang gustong mangyari ni kuya para sa amin: privacy kung saan puwede naming gawin ang kahit ano na walang mga matang nagmamasid at nanghuhusga. Gusto din niyang mag nature-trip kami, mamingwit, maligo... isang ambiance na may dagat, may malalaking puno, presko ang hangin at tubig, at higit sa lahat, sarili namin ang isa’t-isa at ang mundo...

Nagpaalam kami kay mama at papa na mag-adventure kami sa isla. At pinayagan naman kami.

Mag-aalas 10 na ng umaga noong marating na namin ang mismong isla. Inihatid kami ng isang pumpboat service na inarkila naming maghatid sa amin at sumundo din sa amin kinabukasan.

Walang katao-tao sa dalampasigan noong dumating kami. “Bukas na po namin kayo sunduin Sir sa hapon?” ang tanong ng isa sa dalawang taga pumpboat na naghatid sa amin.

“Opo!” ang sagot naman ni kuya.

Kapag may problema po kayo, may dalawang naka-assign na coastguard na nagbabantay d’yan sa loob ng isla. Puwede kayong maghinig ng tulong kung ano man ang kailangan ninyo.” Dugtong ng naghatid sa amin.

“Ok po! Salamat!” ang sagot uli ni kuya.

Maganda ang isla. Puting buhangin ito na may habang halos kalahating kilometro na parang new moon ang pormang nakapaikot sa isla. Mula sa dagat at may halos 50 metro din ang saklaw nito bago marating ang mga malalaking puno ng talisay na mistulang bantay ng isla. Malamig ang simoy ng hangin. At bagamat malapit na ang tanghali, ang lilim ng mga puno ang panangga namin sa init ng sikat ng araw.

Inilatag kaagad ni kuya ang tent namin at inayos ang mga gamit samantalang ako ay nagtatakbo sa dalamapasigan. Napakaganda ng lugar na iyon. Malinaw namalinaw ang tubig at napakaaliwalas ng dagat. Parang isang paraiso ito. At para kaming si Adan at Eba, sarili namin ang paraisong iyon at sarili namin ang isa’t-isa. “Ang ganda kuya!” Sigaw ko.

Noong bumalik na ako sa tent, nakahanda na ang pagkain namin. Gumawa pala ng apoy si kuya at ininit ang mga pagkaing pinapabaon sa amin ni mama kagaya ng adobong manog, inihaw na baboy, at may sabaw din at kare-kare. “Kain muna tayo tol!” sambit ni kuya.

Kumain kami. Kamayan, nakaupo sa buhangin sa lilim ng malaking puno ng talisay. Naka-jersey shorts lang si kuya, walang damit pang-itaas. Habang sumusubo ako ng pagkain, hindi ko naman maiwasang itutok ang tingin sa kanya.

Napabuntong-hininga ako, sumagi sa isip na sana ay hindi siya magbabago, na sana ay hindi na matatapos ang saya na nadarama ko sa tagpong iyon.

“Nahinto naman si kuya sa pagsubo ng pagkain noong mapansing nakatitig ako sa kanya. “Nag-iisip ka na naman...” sabi niya.

Lumipat ako ng upuan, tumabi sa kanya. “Ang saya-saya ko kasi kuya... Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang nadarama ko.”

“Ako rin tol... masayang-masaya akong kapiling ka at nakikita kang masaya. Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang ito...” sabay akbay sa akin at halik sa aking pisngi.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat. Inakbayan niya ako.

“Kain muna tayo” sambit niya.

Sinubuan niya ako at sinubuan ko rin siya.

”Pagkatapos nating kumain, pahinga muna tayo, mga dalawnag oras. Gusto ko maka-score ng apat na beses sa dalawang oras na iyan” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Napangiti naman ako. “Kaya mo naman?” ang biro ko. Feeling ko talaga ay totong mag-asawa kami. Ansarap pala ng pakiramdam kapag may asawa ka at mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa.

“Pagkatapos, iikutin natin ang buong isla. Kain uli tayo at kapag mga alas 4 na ng hapon, mamingwit tayo para iulam natin sa hapunan, inihaw na isda. O kung gusto mo, kilawin...”

“Sige kuya! Masarap iyong inihaw na isda na preskong-presko pa! Atsaka iyong kilawin.” sagot ko naman.

Kaya iyon ang ginawa namin. Pagkatapos kumain, ako na ang naghugas ng pinggan at nagligpit ng kinainan namin. Habang si kuya ay nauna nang naligo sa dagat, hubo’t-hubad.

Sumunod din ako. Dali-dali kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan at lumusong na sa tubig. Para kaming mga paslit na naglalaro, naghahabulan, naghaharutan. Syempre, nagyayakapan, naghahalikan sa buhangingan.

“I Love you Enzooooooooooooo!!!!!” sigaw ni kuya.

“I love you Erwinnnnnnnnnnnn!!!!” sigaw ko rin.

“Mahal na mahal ko ang baby bro koooooooooo!!!!”

“Mahal na mahal ko ang kuya kooooooooooo!!!”

Para kaming mga bata na walang kamuwang-muwang at walang pakialam sa mundo. Sa islang iyon, libre naming nagagawa ang mga bagay na hindi namin kaya at puwedeng gawin. Ang islang iyon ang tanging saksi sa aming pagmamahalan.

Noong mapagod na, pumasok na kami sa loob ng tent. At doon, pinaalpas muli namin ang aming nag-aalab na pagnanasa sa isa’t-isa. Paulit-ulit. Hanggan sa kapwa napagod at nakatulog.

Alas kwatro ng hapon noong magising kaming pareho. Nagsuot ng damit atsaka inikot ang buong isla. Npakaganda talaga ng tanawin. Iba’t-ibang kahoy, puno ng niyog, mga mahahabang talahib. Paminsan-minsan ay lumulusong kami sa tubig at tinitingnan ang mga laman-dagat na kagaya ng mga octopus, sea shells, at ang pinakasikat sa lugar na iyon, ang giant clam na halos kasing laki kung hindi man mas malaki pa kaysa bunga ng niyog at nasa di kalaliman pa ng tubig.

Alas 5 ng hapon Noong maikot na namin ang buong isla. Pagod ngunit masaya.

Kinuha ni kuy ang kanyang pamingwit at naupo kami sa isang malaking bato na nakaharap din sa palubog na araw. Napakaganda ng tanawin. Napakamatiwasay ng dagat. Napaka-presko ng hangin.

Lumubog ang araw na nakabingwit kami ni kuya ng may limang isda. Dalawa ay malalaki na halos tig-iisang kilo ang bigat. Gumawa ng apoy si kuya at inihaw ang isang malaki at ang iba pang mga maliliit. Ang isang malaki naman ay ginawa niyang kilawin.

Masarap ang kain namin sa hapunang iyon. Puro presko ang lahat at pareho kaming nabusog. Inilabas ni kuya ang baon naming beer, pati na ang gitara niya, atsaka kinantahan ako –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Alas 9 ng gabi noong maisipan na naming pumasok sa tent. Med’yo lasing na kami ngunit hindi kami agad natulog. Wal akaming ginawa kundi ang maglambingan, magyakapan, maghalikan at paulit-ulit na binabanggit ang mga katagang “I love you...” Iyon na siguro ang pinakamasayang sandali sa buhay ko.

Nakatulog kami na hindi ko na alintan ang takbo ng oras. Nagising na lang ako kinabukasan noong tumama sa aking mata ang sinag ng araw.

Kinapa ko kaagad ang katawang katabi ko; ang kamay na nakayakap sa akin, at ang paang dumadantay sa aking harapan.

Wala. Bigla akong bumalikwas sa higaan. At kahit hubo’t-hubad, lumabas ako sa dalampasigan. “Kuyaaaaaa!’ sigaw ko.

Ngunit walang kuyang sumagot sa akin. Pinilit kong ikutin ang isla, nagsisigaw, tinatawag si kuya Erwin. Subalit wala pa ring sumagot sa mga tawag ko.

Bumalik ako sa tent, nagbakasakaling nandoon na si kuya. Ngunit wala pa rin.

Ibayong kaba at takot ang aking naramdaman. Nag-iiyak na ako, hindi alam ang gagawin.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment