By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Nagising ako dahil sa nanunuyot ang lalamunan ko
napatingin ako sa relo ko. Hala mag aalis tres na pala nang hapon. Ang nasabi
ko sa aking sarili.
Sobrang sakit nang ulo ko isama mo pa ang bigat nang
pakiramdam dahil siguro sa lakas nang tama nang nainum ko kagabi. Hindi
pamilyar sa akin ang amoy nang kama na kinahihiyagaan ko iba ang amoy nito sa
kama ko. May kaba man ay dahan dahan akong tumingin sa taong naka higa sa tabi
ko. Laking gulat ko nang makita ang mukha ni Dorwin na mahimbing na natutulog.
Shit what the hell happened? Ang nasabi ko nalang sabay hawak sa aking noo na
parang pilit inaalala ang mga nang yari kaninang madaling araw.
Mas lalo pa akong nan lumo nang mapansin ko ang mga nag
kalat kong saplot sa baba nang kama. Don ko lang na pansin na hubot hubad pala
ako. Muli tiningnan ko ang tulog na si dorwin pareho kaming natatakpan nang
makapal na kumot. Gumalaw ito sa pagkakahiga at nag palit nang posisyon dahilan
naman para makita ko na wala rin pala itong suot na pang itaas. Umusbong ang
matinding kaba sa akin. Halos tumalon na ang puso ko sa lakas nang pagkabog
nito.
Dahan dahan kong inalis ang kumot at tumayo sa kama para
kunin ang aking mga saplot. Pababa na sana ako nang biglang mag ring ang
cellphone ko. Oh crap!! Ang nag papanic kong sabi sa aking sarili dahil sa
takot na magising si Dorwin. Balak ko sanang tumakas nalang para makaiwas sa
kahihiyan. Agad kong kinuha ang pantalon ko na nasa may paanan nang kama at
sinagot ang tawag.
“Hello?” Ang mahina at kinakabahan kong sagot sa taong
tumawag sa akin.
“Bakit di kana bumalik kanina? Nag aalala kami sayo alam
mo ba yon?” Bungad sa akin ni Angela sa kabilang linya.
“ahh.. ehhh ano kasi..” Mahina ko paring sagot sa kanya.
“Ano? Bakit ba ang hina nang boses mo? Naku may ginahasa
ka nanamang babae noh?” Walang preno pa nitong sabi.
“Wala!” Ang napalakas kong sagot dahil umandar ang
pagka-defensive ko. Pati ako ay nagulat sa aking naging reaksyon kaya na pa
takip ako sa aking bibig at napalingon. Kita ko na gising na pala si Dorwin at
nakangiti sa akin. Agad akong umiwas nang tingin at tumalikod ulit sa kanya.
“Mamaya kana tumawag Angela kagigising ko lang.” Sabi ko
dito na nasa boses parin ang kaba.
“Hindi pwe…” Hindi ko na sya pinatapos pa. Agad kong
ibinaba ang tawag sabay off nang cellphone ko. Alam ko kasing kukulitin nya ako
hanggang sa umamin ako sa hinala nya. Ganun ka kulit ang babaeng yon.
Naibaba ko na ang tawag pero hindi parin ako makalingon
kay Dorwin sa sobrang hiya at kaba. Wala akong maisip na idadahilan o sasabihin
sa kanya. Nawala ang mga rason na lagi kong ginagamit sa mga babaeng na uuto ko
nung una sa tuwing matatapos ko nang makuha ang gusto ko sa kanila. Para akong
baguhan sa lagay ko ngayon.
“Di ka ba nilalamig dyan?” Narinig kong sabi nito.
Napalingon ako sa kanya at nakita ko syang nakangiting aso sa akin.
“Kung ganyan ba naman ka gwapo at ka matcho ang
sasalubong sa akin pagising ko siguradong gaganahan akong mag trabaho.” Wika pa
nito.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Abat talagang flirty
tong isang to ah. Ang nasabi ko sa aking sarili.
“Di ko alam na mahilig ka palang manamantala sa isang
lasing .” Ang nanunuya kong sagot sa kanya sa sobrang pagkainis.
“Ikaw pinag samantalahan ko? Hmmmm” Sagot naman nito sa
akin sabay lagay nang hintuturo nya sa kanyang sentido na parang nag iisip.
“Kung tama ang na aala-la ko ikaw ang unang humalik sa akin kagabi.” Dagdag
pang wika nito sabay flash ulit nang nakakagagong ngiti.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Pilit kong binalikan
ang mga nang yari kaninang madaling araw. Isa isang bumalik sa akin ang mga
nang yari kagabi. Ang pagiinuman namin at ang panaginip ko na nag hahalikan
kami ni Ace.
Namula ako bigla.
“Seems like bumalik na ang ala-ala mo ah.” Pang aalaska
pa nito sa akin.
“Look, wala akong planong makipag argumento sa iyo. What
happened kanina ay isang pagkakamali lang dahil sa kalasingan ko.” May diin
kong sabi sa kanya.
“I know. Ace nga ang pangalang tinatawag mo nung nasa
rurok ka nang kaligayahan eh. But I cannot deny the fact na nag enjoy ako sa
laki nyan.” Sabay turo nito sa kargada ko.
Hindi ako naka sagot. Talagang sobra kung makapag flirt
tong isang to.
“At bago ko makalimutan.” Bumangon muna ito sa
pagkakahiga at lumapit sa akin. Dahan dahan nyang inilapit sa aking tenga ang
kanyang mukha. Napa ilag naman ako bigla sa pag aakalang hahalikan nya ako.
Pinigilan ako nito at bumulong. “Your kiss was damn hot.” Sabay tawa nito nang
nakakagago.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at pinulot ang brief ko
na nasa sahig parin. Mabilisan ko itong isinuot.
“Mas hot ka tingnan pag hubot hubad kalang.” Banat
nanaman nito sa akin.
“Nasan ba ako? Gusto ko nang umuwi.” Pag iiba ko nang
usapan namin at isa-isang isinuot ang mga natitira kong saplot.
“Nasa bahay ko.” Matipid nitong sagot sa akin kasabay
nang paglabas nito sa kwarto nya.
Napanganga ako sa ginawang pag iwan nito sa akin. Parang
na insulto ako sa ginawa nyang pag talikod hindi ako sanay na ako ang huling
naiiwan sa kwarto pagkatapos kong makuha ang gusto ko sa mga babae. This time
parang ako ang naloko at ako ang nagamit.
May inis na sinundan ko sya at naabutan ko syang nag
hahanda na nang makakain sa kusina. Lalabas na sana ako nang bahay nito nang
bigla itong mag salita.
“Salamat kanina ah at salamat sa souvenir!” Sabay taas
nito nang cellphone nya habang busy itong nagiinit nang ulam sa microwave.
Napalingon ako ulit sa kanya at binigyan sya nang
nagtatakang tingin. Siguro na ramdaman nyang nakatingin ako sa kanya kaya muli
itong nag salita.
“I just can’t get enough of you kaya kinunan kita nang
picture kanina habang nakatayo pa ang junior mo.” At tumawa nanaman ito nang
nakakaloko.
“Picture?? Gago kaba? Pinag samantalahan mo na nga ako di
kapa na kuntento!” Ang galit kong sagot sa kanya.
“Correction, hindi kita pinag samantalahan ikaw ang
gumawa nang first move na tukso lang ako.” Wika nito sabay harap sa akin para
maipakita nito ang nakakalokong ngisi nya.
Nang gigigil akong lumabas nang bahay nya. Mabuti nalang
at nakapag pigil ako dahil kung hindi baka napatay ko pa ang taong yon. Rinig
ko ang malakas na pagtawa nito sa loob.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ine-on ito.
Dali dali kong tinawagan si Angela.
“hello asan ang motor ko?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa loob nang bar. Pinasok ni Carlo sa loob dahil baka
nakawin.” Sagot nito sa akin.
“Ah ganon ba sige puntahan ko nalang.”
“San ka ba kasi? At bakit umalis ka na hindi nag papaalam
sa amin?”
“Mahabang storya. Sige kunin ko pa ang motor ko.”
“Tawagan mo si Tonet may sasabihin ata sayo.”
“Sige.” Sabay putol nang linya.
Agad akong nag hanap nang masasakyan papunta sa downtown
area para kunin ang motor ko. Habang nasa daan muling bumalik sa akin ang mga
nangyari sa bahay nang pinsan ni Ace. Napailing nalang ako sa katarantaduhan
nang pinsan nyang yon. Kung tutuusin magandang lalaki ang pinsan ni Ace maamo
ang mukha at di makakailang malakas ang appeal nito. Mas malakas pa nga ata ang
appeal nito sa akin. Wala sa hinagap ko na mapag samantala pala yung Dorwin na
yon.
Nang matanggal ko ang kandado nang bar ay agad kong
inilabas ang motor ko at winarm up ito. Pumunta muna ako sa Mercury drugs para
bumili nang maiinum.
Mga ilang yosi pa ang naubos ko sa bar bago ako nag
desisyong umuwi. Mas gusto kong nasa labas lang ako kesa nasa bahay na puro
sakit nang ulo at problema lang ang maririnig mo mula sa asawa ng mama ko.
Dumating ako sa bahay na mag aalas singko na nang hapon.
Actually umuuwi lang ako para matulog, mag palit nang damit at kumain. Tapos
agad akong aalis at tatambay sa kung saan saan makaiwas lang sa argumento.
“San ka natulog kagabi?” Ang bungad na tanong sa akin ni
Mama.
“Don na po ako natulog sa bahay nang kabarkada ko.” Pag
sisinungaling ko dito.
“Kumain kana. Baka mag singabot nanaman kayo nang Tito
Raul mo mag aaway nanaman kayo.” Sabi nito sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit may hinanakit ako sa aking
ina. Dahil hindi nya ako makayang ipagtangol sa kanyang asawa. Halos pati sya
parang gusto na rin akong ipagtabuyan. Kung tutuusin walang karapatan ang asawa
nya sa bahay na ito dahil bahay ito ng ama ko. Conjugal property ito at wala sa
batas na pweding mag hari harian ang bago nyang asawa. Pero ano ang magagawa ko
anak lang ako.
Itinapon ako ni mama sa manila para daw maiwasan ang
bangayan namin nang asawa nya pero sigurado ako na ang asawa nya ang may gusto
na doon ako mag aral para mawala ako sa paningin nya. Noon, pag umuuwi sya na
lasing ako ang pinag didiskitahan nya halos manhid na ang katawan ko sa
pambubugbog nito. Pero simula nung mag high school ako hindi na nya magawa
sapagkat natuto na din akong ipag tanggol ang sarili ko. Sarili ko nalang ang
pwedi kong maasahan dahil ang sarili kong ina hindi ako kayang maipag tangol sa
kanya. Wala itong ibang ginawa kong hindi ang magiiyak.
“Anak yung sa insurance company tumawag. Gustong itanong
kong kelan mo daw kukunin ang pera since ikaw naman ang beneficiary ng papa mo
at of age kana.” Sabi nito sa akin habang kumakain. Hindi ako sumagot nanatili
lang akong nakinig sa kanya.
“Sabi nang Tito mo baka pwedi daw gamitin lang muna namin
ang pera para pang dagdag sa negosyo nya.” Pag papatuloy nito na ikinainit nang
tenga ko.
“Pera yon ni papa ma. Pera ko yon inagaw na nga nya ang
karapatan ko sa bahay na ito pati ba naman ang insurance ni papa aagawin pa
nya? Paano naman ako?”
“Ibabalik naman daw nang Tito mo pag gagamitin mo na.
Wala ka pa naman daw sariling pamilya anak.” Pag pipilit pa nito sa gusto nang
magaling nyang asawa.
“May pera ka din namang nakuha sa diba? Bakit hindi pera
mo ang gamitin mo? Bakit nyo ba hinahayaan yang asawa nyo na ibaon ako. Tunay
nyo din naman akong anak ah.” Reklamo ko sa kanya.
“Anak, ginamit ko na ang pera ko sa pagpapaaral sayo sa
manila. Yung natira ay sa mga pangangailangan natin dito sa bahay at baon nang
mga kapatid mo.
“Bubukod na ako dito at gagamitin ko ang pera ko para
makabili nang bahay. Pasensya na kung hindi ko kayo mapag bibigyan.” Sabay tayo
ko para sana maligo na.
“Anak please.” Pag susumamo nito. “Hindi mo naman
kailangang bumukod, bahay mo rin naman ito.” Dagdag wika pa nito.
“Hindi? Eh Halos ipagtabuyan mo na nga ako dito para lang
di magalit yang asawa mo. Hindi nga ako makauwi sa tamang oras dahil na tatakot
ka na magsingabot kami diba? Papauwiin mo lang ako kung tulog na sya o wala na
sya dito sa bahay. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na ang bahay na
pinagpaguran ni papa na itayo para sa atin ay iba na ang nag hahari harian?”
Panunumbat ko sa kanya. Hindi ito na ito nakapag salita pa.
“Ang sakit ma dahil wala akong ibang matakbuhan sa mga
panahon na kailangan ko nang magulang.” Sabay alis at tinungo ang kwarto ko.
Gusto ko nang makaalis sa impyernong bahay na yon. Ayaw ko nang mag drama pa
naubos na kagabi.
Nang matapos akong maligo at makapag bihis agad kong na
alala ang sinabi ni Angela na nagpapatawag pala sa akin si Tonet. Tinawagan ko
naman agad ito.
“Hello Red! Buti naman at nagparamdam kana. San ka ba napadpad
kanina?” Bungad nito agad sa akin.
“Kung saan saan lang. May sasabihin ka daw?”
“Oo, pupunta kami mamaya ni Carlo sa bar para maibigay
sayo ang first income natin kagabi. Meron pa naman tayong enough stock ng
drinks kaya wag kanalang muna mag padeliver. Bigay ko rin sayo ang over all
list nang mga mga alak na dapat bilhin si Mina ang gumawa nyan para sayo kanina
bago kami mag hiwa hiwalay para alam mo kung ano ang mga dapat bilhin sa
susunod. Calculate mo na din ang pera kong uusad ba tayo sa presyo nang items
natin para may idea kung may pumapasok bang pera sa atin o nag sasayang lang
tayo nang oras.” Mahabang sabi nito sa akin.
“Okey ako na bahala dyan. Paalis na ako dito sa bahay don
nalang tayo magkita kita sa bar.”
“Ang aga pa mamaya pang 6.30 papasok ang mga tauhan
natin. May problema nanaman ba?” Tanong nito sa akin na may himig nang pag
aalala.
“Wala naman.” Matipid kong sagot dito.
“Ikaw talaga. Okey ako na bahala sa dinner mo dadalhan
kita nang linuto kong ulam im sure magugustohan mo to. Sabay sabay na rin
tayong mag dinner sa bar mamaya bago tayo mag open.”
“Okey salamat Tonet. Sige alis na ako dito kita nalang
tayo doon.” Sabay pindot ng end call.
Agad akong lumabas nang bahay na hindi manlang nag
papaalam kay mama. Ayaw ko mang magtampo pero di ko maiwasan. Kung ibibigay ko
sa kanya ang perang makukuha ko paano naman ang pangangailangan ko kung lahat
nalang na may roon ako ay kukunin nang magaling nyang asawa. Pinaandar ko ang
motor ko na binili sa akin ni mama nung 21st birthday ko. Siguro pampalubang
loob nya iyon sa akin dahil binilhan nang magaling nyang asawa ang dalawang
kapatid ko nang second hand na kotse dahil sila nalang daw ang walang kotse sa
mga ka klase nila.
Dumating ako sa bar nang mag aala sais na. Kita ko ang
mga papauwing studyante na nag tatawanan galing sa isang malapit na University.
Nang may biglang natumawag sa akin.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment