Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (Finale)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

'Wul! Let me explain!', ang sabi ni Pol nang nahabol niya ako.

Hindi ko pa din ma-digest ang nakita ko. Parang ayaw tanggapin ng utak ko na si Pol nga ang nakita kong kasama ni Tom sa kwarto. Kung kelan handa na akong ibigay ang lahat sa kanya, ito naman ang nangyari. Patuloy lang ako sa paglalakad. Parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi ni Pol sa akin.

'Wul, ano ba?! Say something.', ang sigaw ni Pol sa akin nang pinigilan niya ako sa paglalakad.

Tiningnan ko lang siya sa mga mata. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon.

'Wul. Sorry.', ang naiiyak na sabi ni Pol.

'Alam mo ba kung bakit ako pumunta dito? Nag-decide na ako. Ikaw na ang pinili ko over Syd. Pagod na kasi ako. Pagod na pagod na akong magbigay ng higit na pagmamahal. Ako naman, gusto ko this time ako naman ang mahalin. Gusto ko nang sumaya.  Kaya ikaw ang napili ko. Ikaw na ang mamahalin ko.', ang tuloy-tuloy kong sabi.


Halatang nagulat si Pol sa narinig niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko ginantihan ng yakap ang ginawa niya.

'I'm so sorry, Wul.', ang sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Pilit akong kumakawala sa mga yakap niya.

'Bakit mo nagawa sa akin 'to?! Ang sakit, Pol! Sobrang sakit!', ang sigaw ko sa kanya.

'He took advantage of me!', ang depensa ni Pol.

'NO! You let him take advantage of you!', at tuluyan na akong tumakbo palayo.

***
Mabagal akong naglalakad sa isang street ng village kung saan ako nakatira. Nakayuko. Walang tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpili sa taong mamahalin. Akala ko si Pol na. Akala ko siya na ang kukumpleto sa akin. Paano niya nagawa iyon? Halos patay na ang lahat ng mga ilaw sa bahay ng mga kapitbahay namin. Kinuha ko ang phone ko at in-on ito. Ang daming text, puro galing kay Pol pero hindi ko na binasa. Niyakap ko ang sarili kong nakaupo sa may pavement dahil hindi matanggal sa isip ko ang eksenang nakita ko kanina kina Pol. Tiningnan ko lang ang oras: 10.27pm. Naisipan kong pumasok na nang bahay at magpahinga pero natawag ang pansin ko nang tunog ng pagsara ng pinto ng isang kotse na nasa gilid ng bahay. Madilim kaya't hindi ko makilala kung sino ang bumaba sa kotse.

'Wul, si Pol na ang pinili mo?', ang paniniguradong tanong ni Syd na nakatayo sa harapan ko.

Isang tango lang ang sinagot ko. Nakita kong nasaktan si Syd nang ma-confirm niya na tama ang naisip niya kanina. Muli akong yumuko at humagulgol. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.

'Okay lang, Wul. Tanggap ko na naman na mas sasaya ka talaga sa kanya. I've inflicted you a lot of pain kaya tanggap ko ang pagkatalo ko.', ang umiiyak na sabi ni Syd.

Akala niya kaya ako umiiyak ay dahil sa nakita kong nasaktan ko siya.

'Syd, si Pol ang pinili ko. Pero pagpunta ko sa kanila, nahuli ko sila ni Tom, yung ex niya from the States, sa kwarto ni Pol.', ang humahagulgol ko pa ding sabi.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Sinuntok niya ang sementong kinauupuan namin bago tumayo.

'Putang inang lalaki yan! Saan ba nakatira 'yan?! Tara, Wul.', ang sabi niya habang papunta siya sa kotse.

Agad naman akong tumayo para pigilan siya. Alam ko kung paano magalit si Syd. Dinadaan niya lahat sa bayolenteng aksyon.

'Huwag na, Syd!', ang pagpigil ko sa kanya sa pagpasok sa kotse.

'Anong huwag na?! Nasaktan ako sa pagpili mo sa kanya. Tapos ngayon malalaman kong sinaktan ka niya. Hindi! Hindi pwedeng huwag na!', ang sigaw ni Syd sa akin.

'Ayoko na! Lahat na tayo ay nasaktan. Huwag mo nang dagdagan pa! Huwag mo nang pabigatin lalo ang sitwasyon. Suko na ako! Hindi ko na kaya.', ang iyak na sigaw ko din sa kanya.

Natauhan naman siya sa mga sinabi ko at niyakap ako.

'Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Ayoko na.', ang mga sabi ko habang nakapaloob sa mga braso ni Syd.

Parang nanghina ang mga tuhod ko sa bigat at sakit na nadarama ko kaya tinanggap ko ang yakap ni Syd. Sobrang hindi na kinakaya ng sistema ko ang mga pangyayari. Umupo kami, niyakap niya muli ako at hinayaang iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang medyo humupa na ang tindi ng sitwasyon ay nagpasalamat ako sa kanya.

'Syd, salamat at nandyan ka. Baka nagpakamatay na ako kung wala ka.', ang sabi ko sa kanya.

'Wag ka nga magsalita ng ganyan. Bago pa naman mangyari ang lahat ng ito ay magkaibigan na tayo kaya obligasyon kong damayan ka pag nasaktan ka.', ang nakaka-touch niyang tugon.

Inihatid ako ni Syd sa may gate at binigyan ng masuyong halik sa pisngi.

'Keep yourself together. Alright? Everything will be fine.', ang mga huling sinabi niya bago tuluyang umuwi sa kanila.

***

***

***

Dumaan ang mga buwan nang hindi ko na binigyang halaga ang nararamdaman ko. Nagpakalunod ako sa pag-aaral at sa ibang bagay upang ma-divert ang attention ko. May mga pagkakataong biglang sumusulpot si Pol, nakikiusap na ayusin namin ang lahat sa amin pero tumanggi ako. Si Syd naman ay nandyan lagi pero mas pinili kong huwag nang palalimin pa ang friendship namin. Mas pinili kong mapag-isa o di kaya ay sumama sa mga kaibigan ko. Last day of class na at magsisimula na ang bakasyon. Nakatanggap ako ng isang hindi inaasahang bisita sa school. Palabas na ako ng building nun nang may tumawag sa akin.

'Wul.'

'Tom?'

At nanumbalik ang lahat pero nagawa kong kalmahin ang sarili ko. Nakakapagtaka.

'Anong ginagawa mo dito?', ang tanong ko.

'I want to talk to you. Can we go somewhere, umm, private?', ang aya niya.

Hindi ko alam kung anong meron pero siguro panahon na din para magkaron ng closure ang lahat. Matagal-tagal na din naman ang lumipas simula nung gabing iyon. Nagpaunlak ako sa imbitasyon niya. Sumama ako sa kanya. Pumunta kami sa isang fastfood chain sa labas ng school at doon nag-usap.

'What's up?', ang tanong ko sa kanya.

'First, I wanna apologize for whatever I've caused you. I didn't plan it all. Alam kong nasaktan ka sa mga pangyayari and for that, I am deeply sorry.', ang sincere na sabi niya.

Nakakatuwa siya mag-Tagalog kasi slang pero okay naman. Tinanggap ko ang apology niya.

'Wul, sobrang wasted na si Pol. For months, he's been out of his mind. Laging tahimik. Laging mag-isa. Ayaw niya akong kausapin. Whenever he does, sisigawan lang niya ako. Wul, before you saw us that night, he was crying. Sobrang nasaktan siya dahil sa sitwasyon niyo. He told me everything. He loves you but you love Syd. It's killing him. Sobrang nahihirapan siya sa sitwasyon niyong ganon.', ang pagpapaliwanag niya.

'I know. Alam mo ba kung bakit ako nandun nung gabing iyon?', ang tanong ko.

Isang iling lang ang sinagot niya.

'I was there coz I finally chose him over Syd. I'm ready to commit myself to him kaso yun nga, I saw you together.', ang sabi ko.

'Wul, I think in a way, we are in the same situation here. You love Syd who doesn't seem to love you the way you want him to. And I love Pol who once loved me but doesn't anymore coz of you. I don't blame you, believe me. I've been a jerk when we were in the States kaya hindi din naging maganda ang relationship namin. Pero, Wul, I hope you get to understand that I still love him. And if you still care for him, let him off the hook. I wanna start again.', ang seryoso niyang sabi.

Honestly, nagulat ako sa lalim ni Tom mag-isip. Akala ko dati ay shallow lang siya.

'We are leaving for the States the day after tomorrow. Kasama namin si Pol. Kaya sana before kami umalis, magkausap kayo.', ang sabi niya.

'Pag-iisipan ko.', ang maikli kong sagot.

***
Dumaan ang isang araw at ngayon na ang flight nina Pol pabalik ng States. Bago umalis si Tom nung nag-usap kami ay binigay niya ang contact number niya at ang  details ng flight nila just in case na magkaroon ako ng last minute decision. Ganon na nga ang nangyari. Tinawagan ko si Syd. Magpapasama ako sa kanya sa airport para maayos na ang lahat at magkaharap-harap na kaming apat.

Nasa airport na kami at tinext ko si Tom.

'Tom, this is Wul. Nandito na kami sa airport. I want to talk to Pol.'

'We'll be there in 15 mins. I won't tell Pol.', ang reply niya.

'Ano bang ginagawa natin dito?', ang pagtatanong ni Syd.

Hindi ko muna siya sinagot.

***
'Tito, is it okay if you go and check in ahead of us? Wul's in the airport. He wants to talk to Pol', ang bulong ni Tom sa Daddy ni Pol.

Pumayag naman ito. Dumating na sila sa airport at agad namang pumasok sa loob ng airport ang mag-asawa.

'Pol, wait. May gustong kumausap sa'yo.', ang sabi Tom.

Humarap naman si Pol at nakita ako. Nasa likod ko si Syd na tahimik lang at mukhang naintindihan na kung bakit kami nandito. Halos patakbong lumapit si Pol sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

'Wul!', ang tangi niyang nasabi.

'I heard na babalik ka na sa States for good and before you do, I want to clear things between us. Your short stay here with me has been one of the happiest moments of my life. Napalapit ka na sa puso ko. Siguro nga minahal din kita ng higit pa sa alam ko. Nagkasakitan man tayo pero alam kong nandyan ka pa din lagi para sa akin. Salamat.', ang sabi ko.

Hindi na napigilan ni Pol ang umiyak. Hinawakan ko ang mukha niya.

'Pol, let's start with our lives separately. There are people waiting in the wings for us. Look, you have Tom and I have Syd. We may be miles apart pero we'll stay in each other's hearts, okay? Tom loves you. You should reignite your love for him. Susubukan din namin ni Syd kung may patutunguhan ang relasyon namin. Let's get over the past and be happy.', ang naiiyak kong sabi sa kanya.

Tumango si Pol at sinabing,

'I love you, Wul. And I will always do. Pero siguro, para kay Syd ka talaga. And I will try to be happy with Tom. Siya ang magiging Pol sa love story natin. Ako naman ang magiging Wul na tuturuan ang puso kong mahalin ulit siya.', ang natatawa niyang sabi.

'RIght. Facebook and Twitter, alright?', ang paalala ko sa kanya.

'Sure.', ang nakangiti niyang sagot sa akin.

Nagyakap muli kami ng mahigpit. Nagdesisyon akong i-let go si Pol hindi dahil sa pakiusap ni Tom. Ginawa ko iyon dahil si Syd talaga ang mahal ko from the very start. Mahal ko din si Pol pero hindi nito natalo ang nararamdaman ko para kay Syd. Lumapit si Tom at si Syd sa amin ni Pol.

'Pare, aalagaan mo lagi si Wul ah. Wag na wag mong tatawagan yan ng maaga kasi magagalit yan. Tsaka wag mong gugulatin yan kung ayaw mong mamura.', ang paalala ni Pol kay Syd.

Nagkamayan ang dalawa. Sobrang relieved ako dahil nakita kong okay na sila.

'Tom, ikaw na bahala kay Pol ha. Lagi mong papakainin yan ng madami kasi matakaw yan.', ang natatawa kong paalala kay Tom.

Binigyan ako ng Tom ng isang friendly hug at bumulong ng 'thank you'. Nagkamayan naman sila ni Syd pagkatapos noon. Isang ngiti ang iginanti ko sa pagpapasalamat niya. Sa huling pagkakataon ay nagyakap kami ni Pol. Mami-miss ko 'tong kapre na'to pero alam ko namang babalik pa siya e.

'I'll miss you.', ang sabi ko pagtapos ng mahabang yakap.

'I'll be back.', ang sagot naman niya.

Tumalikod na kami sa isa't isa. Hinarap niya si Tom at niyakap ito ng mahigpit. Ako naman ay lumapit na din kay Syd.

'Syd, will you give us a chance?', ang tanong ko.

'Yes. Hinding hindi na kita sasaktan.', ang sabi ni Syd.

Nagyakap din kami ng mahigpit.

-WAKAS-

No comments:

Post a Comment