Minsan Pa
“Habulin mo ako Pards
kung kaya mo akong abutan.” ang hamon ni Ace sa minamahal niyang si Ryan.
“Sprinter yata ako
kaya ibalik mo na ang sombrero ko. Tiyak naman na maabutan kita agad at
makukuha ko rin agad ang sombrero ko.” ang nasabi naman ni Ryan sa tumatakbong
si Ace.
Nasa isang private
beach resort ang nagmamahalang Ace at Ryan na sila lamang dalawa ang
kasalukuyang tao sa resort na iyon. Nasa dalampasigan sila noon at naglalakad
na magkahawak kamay ng bigla na lamang hablutin ni Ace ang suot na sombrero ni
Ryan na yari sa native na materyales.
Hinabol nga ni Ryan
si Ace. Mga athlete sila noong college pa sila sa iisang unibersidad. Si Ryan
ay sa athletics at si Ace naman ay sa swimming. Una silang napalapit sa isa’t
isa nang sabay silang ipinadala ng kanilang school sa isang inter-university
sports fest. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan at nang
malaman nila ang tunay na pagkatao ng isa’t isa ay mas tumindi pa ang kanilang
pagkakaibigan na nauwi sa tunay na pagmamahalan. Pards ang nakasanayan nilang
tawagan sa isa’t isa. Magpipitong taon na silang nagmamahalan at doon sa private
resort na iyon nila nais magkasarinlan sa kanilang anibersaryo.
“Akala mo hindi kita
mahahabol ah.” ang biglang nasabi ni Ryan ng malapit na niyang maabot si Ace.
“Pero hindi mo
makukuha ang sombrero mo.” ang nasabi naman ni Ace na pilit pa ring iniiwas ang
sombrero ni Ryan upang hindi niya ito maagaw.
Sinunggaban ni Ryan
si Ace na naging sanhi ng pagbagsak nilang dalawa sa buhangin. Naglapat ang
kanilang mga katawan. Nagkatitigan. Dahan-dahang naglapit ang kanilang mga
mukha. Hanggang sa lumapat na ang mga labi ni Ryan sa mga labi ni Ace.
Naghalikan ang dalawa sa tabing dagat na iyon saksi ang haring araw. Hindi na
inalintana ng dalawa na baka may naliligaw na mangingisda doon at nasasaksihan
din ang tila pulo’t gata nilang pagpapahayag ng pag-ibig sa isa’t isa.
“Ha ha ha ha….. Akala
mo mabagal na ako sa pagtakbo ha. Kayang-kaya ko pang tumakbo sa 100 meter dash
na less than 13 seconds. Ako parin yata ang may hawak ng record ng school
natin.” ang pagmamayabang naman ni Ryan ng tumigil ang dalawa sa halikan.
“Dyan ka lang naman
magaling eh. Hindi mo naman ako kakayanin sa swimming. Naka-ilang gold medal na
rin ako sa mga palarong sinalihan ko.” ang pagmamayabang naman ni Ace.
“Ganoon ah. Sige nga.
Unahan tayo sa paglangoy papunta sa bangkang iyon.” ang hamon ni Ryan kay Ace.
Kinagat naman ni Ace
ang hamon ni Ryan dahil alam naman niya na mas mabilis siyang lumangoy kaysa
kay Ryan.
“Ready. Get set. Go!”
ang sigaw ni Ace at nagsimula silang tumakbo papunta sa dagat.
Nilangoy ng dalawa
ang dagat papunta sa nakadaong na bangka sa di naman kalayuan sa dalampasigan.
Subalit may kalaliman na rin ang kinalalagyan ng bangkang iyon.
“Help Pards! Hindi ko
maigalaw ang isang paa ko!” ang sigaw ni Ace at tila nalulunod na siya.
Bahagyang tumigil sa
paglangoy si Ryan at tinignan lamang si Ace. Biglang naisip ni Ryan na isang
biro na naman iyon at nais lamang makauna sa languyan si Ace kaya umaarte siya
ng ganoon. Nakailang ulit na rin kasing ginagawa ni Ace ang ganoong biro kay Ryan.
Hindi na ito pinaniniwalaan ni Ryan dahil napakagaling naman talagang lumangoy
ni Ace at natitiyak ni Ryan na hindi siya malulunod.
Nagpatuloy lamang sa
paglangoy si Ryan hanggang sa marating niya ang bangkang nagsisilbing finish
line nila. Umahon si Ryan sa tubig at tumungtong sa bangkang iyon. Muli niya
tinanaw ang kinaroroonan ni Ace. Subalit laking gulat niya ng wala siyang
makitang Ace na lumalangoy. Biglang kinabahan si Ryan. Bigla niyang naisip na
totoo na pala ang paghingi ng saklolo ni Ace sa kanya.
Dali-dali siyang
nag-dive sa dagat at binalikan ang kinaroroonan ni Ace. Sisid dito, sisid doon
ang ginawa ni Ryan upang matunton lamang ang kinalalagyan ni Ace sa ilalim ng
dagat. Subalit kahit anong gawing pagsisid ni Ryan ay hindi niya makita si Ace
sa ilalim ng dagat. Hanggang sa makaramdam siya ng pagod at panghihina ng
katawan. Napilitan siyang tumigil sa paghahanap kay Ace.
“Pards, nasaan ka na!
Pards!!!!!!!!!!!!!!!” ang biglang sigaw ni Ryan nang hindi na niya makita si
Ace.
“Ahhhhhhhh!!!!!!!!”
ang sigaw ni Ryan ng magising siya.
Isang masamang
panaginip lang pala ang nangyaring iyon kay Ace. Kahit na panaginip lamang iyon
ay kinabahan pa rin si Ryan. Subalit pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili.
Nasa Baguio si Ace ng araw na iyon at sa kinabukasan pa siya makakabalik sa
Manila. May convention kasing dinaluhan si Ace at siya ang pinadala ng kanilang
kumpanya. Anibersaryo nila ng araw na iyon. Pero kahit anong pakiusap ni Ace na
iba na lamang ang ipadala sa convention ay hindi niya napapayag ang kanyang
boss. Okey lang naman kay Ryan iyon. Pagbalik na lamang ni Ace sa Manila sila
magce-celebrate ng kanilang anniversary.
Nagbabasa na ng
newspaper si Ryan habang hinihigop ang mainit na kape sa balcony ng tinutuluyan
nilang condominium unit nang biglang lapitan siya ni Ace. Ikinagulat iyon ni
Ryan.
“O bakit nandirito ka
na? Akala ko bukas pa ang baba mo?” ang tanong ni Ryan.
Hindi na sumagot si
Ace. Bigla na lamang niyang hinalikan sa mga labi si Ryan. Ilang minuto din ang
tinagal ng halikan nilang iyon. Tapos ay niyaya ni Ryan si Ace na pumasok sa
loob ng kanilang condo.
“Grabe namang
pananabik iyan sa akin ah.” ang nabanggit pa ni Ryan bago na naman siya
hinalikan ni Ace sa mga labi.
“I miss you a lot
Pards.” ang paulit-ulit na binibigkas ni Ace habang nakikipaghalikan siya kay
Ryan.
“Ilang araw pa lang
naman tayo nagkakalayo. Tapos sobrang miss mo na ako.” ang nasabi naman ni Ryan
habang patuloy pa rin ang kanilang halikan.
“I don’t want to
loose you Pards. Hindi ko kaya ang mawalay sa piling mo.” ang nasabi na naman
ni Ace habang matindi pa rin ang kanilang halikan ni Ryan.
“Hindi tayo
magkakawalay magpakainlanman. Pangako yan.” ang pangako naman ni Ryan.
“Kahit na sa kabilang
buhay?” ang tanong ni Ace.
“Pangako, hanggang sa
kabilang buhay.” ang tugon naman ni Ryan.
“Sana magkita pa rin
tayo hanggang sa kabilang buhay. Para doon natin ipagpatuloy ang ating
pagmamahalang wagas.” ang nasabi naman ni Ace.
Nagpatuloy sa halikan
ang dalawa habang papalapit sila sa kanilang kama. Bago sila tuluyang nahiga sa
kama ay isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga damit. Kapwa hubo’t hubad na
ang dalawa ng mahiga sila sa ibabaw ng kama. Halos walang parte ng kanilang
katawan ang nakaligtaan nilang halikan. Matindi din ang kanilang pagsuso sa ari
ng isa’t isa. Grabeng ligaya ang naging dulot ng ginagawa nilang iyon sa bawat
isa. Pati ang pagpasok ng kanilang ari sa likuran ay palit-palitan din nilang
ginawa. Lahat na yata ng alam nilang makakapagpaligaya sa isa’t isa ay kanila
ng ginawa. Labis-labis ang kanilang kasiyahang nadama ng matapos ang kanilang
pagtatalik.
Marahil sa tindi ng
kanilang romasahan ay nagdulot ito ng sobrang kapaguran sa dalawa. Ilang minuto
din silang nahiga sa kama na magkayakap subalit wala ni isa man sa kanila ang
ibig magsalita. Dahil sa katahimikan ng paligid ay tiyak na mararamdaman ng
dalawa ang mga pintig na kanilang mga puso. Kung pati ang kanilang mga puso ay
marunong magsalita tiyak na ang mga katagang ‘I love you so much’ ang
paulit-ulit nitong bibigkasin kasabay ang mga pagpintig nito na nagsisilbing
background music.
“Hanggang kailan mo
ako mamahalin Pards?” ang tanong ni Ace na pumukaw sa kanilang katahimikan.
“Tinantanong pa ba
yan. Syempre habang tayo’y nabubuhay, ikaw lamang ang aking pakamamahalin.” ang
tugon naman ni Ryan.
“Sana hindi lamang
habang tayo’y nabubuhay. Kung maaari ay hanggang sa kabilang buhay. Hanggang sa
magpakailanman.” ang hiling naman ni Ace.
“Yun ba ang gusto mo?
Pangako, hanggang sa magpakailanman. Hanggang sa kamatayan. Magkaroon man tayo
ng ikalawang buhay. Mamahalin pa rin kita. Pangako yan.” ang sagot naman ni
Ryan.
Biglang tumayo si
Ace. Muling isinuot ang kanyang mga damit. Laking pagtataka ni Ryan ng biglang
lumabas ng kanilang silid si Ace ng hindi man lamang nagpapaalam sa kanya.
“Saan ka pupunta?”
ang tanong ni Ryan.
Parang hindi narinig
ni Ace ang tanong ni Ryan. Tuluy-tuloy lamang siya sa paglabas niya sa kanilang
silid. Laking pagtataka ni Ryan sa kakaibang inasal ni Ace. Kaya naman
dali-dali siyang tumayo at nagbihis upang sundan si Ace. Paglabas niya ng
kanilang silid ay hindi niya nakita si Ace. Sinubukan niyang lumabas sa
kanilang condo unit, subalit wala na rin si Ace sa hallway at sa elevator
lobby. Hindi mawari ni Ryan kung bakit biglang naging ganoon si Ace.
“Hello guard. Dumaan
na ba dyan si Mr. Ace Barron?” ang tanong ni Ryan sa lobby guard ng tinawagan
niya ito sa telepono.
“Hindi pa po. Teka po
sir, dumating po ba siya kagabi?” ang tanong naman ng guard kay Ryan.
“Kanina lang siya
dumating ah. Hindi nyo ba na-record ang kanyang pagpasok sa building?” ang
tugon at tanong na rin ni Ryan.
“Wala po sa logbook
namin. Sige po sir, itatanong ko kasamahan ko sa panggabing shift. Baka sya po
ang nakakita pero hindi nai-log. Na-late po kasi ako kanina at siya muna ang
nagpatuloy sa pagbabantay habang wala pa ako.” ang tugon naman ng guard kay
Ryan.
“Sige, thank you na
lang. Bye.” ang paalam ni Ryan sa kausap sa telepono.
Sinubukan ni Ryan na
tawagan si Ace sa kanyang celfone. Subalit tila nakapatay ito o nasa lugar na
walang signal. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan sa celfone si Ryan. Pero
talagang hindi nagri-ring ang celfone ni Ace.
Naupo sa sofa si Ryan
upang muling gamitin ang landline sa pagtawag nito sa mga guard ng building.
Malakas ang pakiramdam ni Ryan na nasa building lang si Ace. Pero kung saang
parte ng building ay hindi mawari ni Ryan. Subalit talagang walang nakakita kay
Ace sa pagdating niya sa building o kahit ang paglisan niya. Pati ang mga
roving guard ay wala ding napapansin na isang lalaki na tugma sa description ni
Ace sa ano mang parte ng building na iyon.
Kabababa lamang niya
ng telepono ng biglang mag-ring ang kanyang celfone. Pangalan ni Ace ang
lumitaw na name ng tumatawag sa kanya.
“Hello Pards. Nasaan
ka na? Bakit bigla kang umalis?” ang mga tanong agad ni Ryan.
Subalit walang
naririnig na sagot si Ryan mula sa kabilang linya.
“Hello…… Hello…….
Hello…….. Pards… Ace….. Ace…. Nandyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako? Nasaan ka na?”
ang mga tanong muli ni Ryan.
Bahagyang tumahimik
si Ryan upang pakinggan ng mabuti ang tumawag sa kanya sa kabilang linya. Baka
mahina lang ang signal sa kinaroroonan ni Ace. Kaya hindi niya marinig ang mga
tugon ni Ace sa kanya. Subalit walang marinig na nagsasalita sa kabilang linya
si Ryan. Nanatili pa rin siya sa pakikinig. Hanggang sa marinig niya ang mga
buntong hininga.
“Happy anniversary
Pards. Paalam.” ang mga huling narinig ni Ryan mula sa kabilang linya.
Bigla na lamang
naputol ang linya. Muling tinawagan ni Ryan ang celfone ni Ace. Subalit hindi
na niya ito matawagan. Kabadong-kabado na si Ryan ng mga sandaling iyon. Hindi
niya rin malaman kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang sa mag-ring muli ang
kanyang celfone.
“Hello.” ang sagot ni
Ryan.
“Ryan, si Marge ito
ang ate ni Ace. Alam mo na ba ang balita.” ang bungad naman ng tumawag sa
kanya.
Halata sa boses ng
kausap ni Ryan na umiiyak ito.
“Bakit Ate Marge?
Bakit ka umiiyak? Ano yung balita?” ang mga tanong ni Ryan.
“Wala na si Ace.
Iniwan na niya tayo.” ang tugon naman ng ate ni Ace.
“Anong ibig mong
sabihin?” ang tanong na naman ni Ryan.
“Kaninang madaling
araw ay biglang nag-decide na bumalik sa Manila si Ace. Madilim pa sa daan at
medyo umuulan. Madulas ang kalsada. Iniwasan daw niya na mabangga ang isang
papasalubong na jeep. Hindi na niya na-control ang kanyang kotse.
Nagtuluy-tuloy siya sa bangin. Patay na siya ng ma-recover ang kanyang
katawan.” ang nasabi ni Marge kay Ryan.
Parang natulala na
lamang si Ryan dahil sa kanyang nalaman. Hindi na niya nakuha pang kausapin ang
ate ni Ace. Naupo na lamang siya sa sofa at inabot ang isang picture frame na
may larawan nilang dalawa ni Ace. Tinitigan niya ito at hindi nagtagal ay
nagsimula ng pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Unti-unting niyang
naala-ala ang mga nangyari ng umagang iyon. Sa wari niya ay hindi iyon isang
panaginip. Totoong kapiling niya si Ace ng umagang iyon. Marahil kahit sa
huling pagkakataon ay pinilit pa rin na minsan pang ipadama ni Ace ang
pagmamahal niyang wagas kay Ryan.
- WAKAS
-
Nkkaiyak yng story
ReplyDelete